Tumgik
abo0721 · 24 days
Text
It has been half a year and I love spending time with you and I'm so happy that we did it again, trials in life made us weak these past few days, it came to our way like unexpectedly, we fought for it, and trying to give out our best.
I know for a very short time we have stuff that we don't really understand what's going on, for the fact that I don't even get a chance to hug you and see you everyday but what ever it takes, for this short period of time that we've been together, I learned to love you so deeply inside my heart.
I learned to accept who or what you are and learned to dream about having you in my life forevermore.I also learned to sacrifice my pride and last, I learned to appreciate what you've done.I am praying and hoping that everything will be alright.
And pray that you'll never gonna say goodbye, to hope that what ever argument we're having, you're still there for me, holding on.. to wish the impossible things in life.. I learned to feel the true love with you.
Thank you for making me feel this way, and I love you so much bii, more than anything.
Happy 6 months of love, Angelo P. 💖!!
Tumblr media
0 notes
abo0721 · 25 days
Text
Tama, ako nga!
Sa napakagandang bayan ng Isabela, may isang babaeng kilala dahil sa kaniyang kabaitan at dahil mapagkakatiwalaan siya ng kahit na sino sa kanilang bayan. Ang babaeng naroon ay ang magandang dalaga, isang marangal at matapat na babae. Ngunit sa kabila ng mga mabubuting bansag, mayroon sekretong namumuo sa baba. Tara’t alamin natin ito.
“Mga anak gumising na kayo, mayroon pa kayong klase. Mag-aalas syete na ng umaga baka ma-late kayo sa klase niyo”, sabi ng kanilang ama na Junanito Diosdado.
“Nako mga anak mo na yan ang hihirap gisinging, eh paano puro puyat ang alam nila.. ni hindi matulog ng maaga”, ika ng kanilang ina na si Josefine Diosdado.
Nang marinig nila ang boses ng kanilang ina bigla nalang sila napatayo dahil sa boses ng kanilang in ana nagagalit. Nagising ang dalawang magkapatid at isa’t isa silang pumunta sa banyo para maligo. Nang matapos maligo sila’y kumain na nang umagaan.
“Maria, kamusta nga pala ang unang semester sa paaralan?” tanong ng kanyang ina.
“Okay lang po ina, magandat at mababait sil.” alalang sagit ni Maria.
“Ikaw naman Marko, baka nagpapasaway ka na naman sa inyong klase?” tanong ng kanyang ina sa anak na lalaki.
“Hindi po ina” sagot ni Marko.
Nang matapos silang kumain, hinatid ng kanilang ama ang mga anak sa paaralan. Nang nasa paaralan na sila biglang may lumapit kay Maria na babae.
“Maria, maria wait lang, sabay na tayo pumunta sa classroom” sabi ng babaeng lumapit kay Maria.
Nang makarating sila sa kanilang classroom, umupo si Maria sa tabi ng bintana at nag-munimuni sa labas ng classroom. Natatapos ang kanilang klase at oras na ng kanilang recess.
Habang naglalakad si Maria sa hallway papunta sa canteen may isang babaeng bumangga sa kanya. Isa ito sa bully ng kanilang paaralan.
“Hoy, tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Bulag ka ba?” sabi ng bully kay maria.
Hindi makatingin si Maria sa babaeng nakabanggaan niya dahil umiiwas ito sapagkat baka hindi mapigilan ang kaniyang sarili at baka mapatulan niya ang babaeng nakabanggan niya. Habang nakayuko si Maria, biglang hinablot ng babae ang kanyang buhok.
“Bastos ka ahh, kinakausap kita tapos wala kaman lang reaksyon, bingi ka ba or nagbibingihan ka?” tanong ng babae na nagagalit.
Patuloy pa ring tahimik si Maria habang nagngingit-ngit ng inis at galit ang babae. Nang hindi mapigiling ng bully ang kanyang sarili, nasampal niya si Maria ng napakalakas at napaupo. Bigla bigla nalang umalis ang bully at iniwan si Maria na nakaupo at luhaan. Sa kabilang banda, si Marko ay masayang nakikipagkapwa sa mga mag-aaral. Nang matapos matapos ang kanilang klase magkasamang umuwi ang magkapatid sa kanilang tahanan.
“Oh, andiyan na pala kayo, teka Maria, bakit namumula ang iyong pisngi?”, alalang tanong ng kaniyang ama
“Wala po ito itay, namula ito dahil sa magkakatulog ko kanina sa classroom”, pagsisinungaling ni Maria sa kanyang ama.
Sa pagsisinungaling ni Maria sa kanyang ama, biglang nakaramdam ng lungkot ang babae at inis sa kanyang sarili dahil sa sinabi niya sa kanyang ama. Tila bang hindi maganda ang damdamin ni maria kaya may naisip siyang ikunatuwa niya.
Kinabukasan, pumasok ulit ang magkapatid at sa kasamaan palad, nakita na naman ni maria ang babaeng bully sa kanilang paaralan at iniwasan nito. Ngunit biglang tinawag ng bully si maria at hindi ito pinansin.
“Hoy babae, saan ka pupunta? Wow! Hindi namansin, ganyan talaga ang mga malalanding babae hindi namansi, mga kalalakihan lang ang pinapansin ” tanong ng maldita
Hindi maikaila ni Maria na ang sama ng ugali ng nambubully sa kanya. Sa paglipas ng mga araw ang tila may nagbago sa ugali ni Maria, tila hindi maintindihan ang kanyang ugali na parang may tinatagong lihim.
Sa paglipas ng mga araw, naging busy si Maria sa kanilang paaralan ng hindi malaman ang dahilan. Hindi na siya masyadong naglalagi sa kanilang bahay. Na para bang marami siyang pinagkakaabalahan. Kadalasan siyang nakikitang parang may malalim na iniisip. Dumadalas rin ang pagkakaroon niya ng mga pasa, na hindi alam ng mga magulang niya kung saan niya nakukuha.
Isang araw, inasahan na ni Maria ang pambubully sa kaniya ng babae. Hinintay niyang pag-initan siya muli. Sa kaniyang isipan, nakalatag na ang pagkakasunod-sunod ng kaniyang mga binabalak. ‘Wawakasan ko na ang pang-aabuso,’ ani niya sa kaniyang isipan.
Habang naglalakad siya padaan sa isang classroom, naabutan siya ng babaeng bully. Bigla nalang pinatid si Maria at napangiti siya dahil sumasang-ayon ang kanyang plano. Tinarayan ito ni maria at sabay inirapa ang bully. At sa oras na ito, may sinabi si Maria na hindi naintidihan ni bully na siya nmang kinainisan ng bully. Nagdaan ang mga oras, sa recess time nila pumunta si Maria sa bakanteng classroom na walang katao-tao na siyang naman nakita ni bully at sinundan niya ito.
“Maswerte nga naman at nasolo kitang impakta ka. Kay tagal kitang inaabangan at ipatikim sayo ang matamis kong palad”, sabi ni bully kay Maria
Hindi sumagot si Maria dahil nais niyang maging matagumpay ang kanyang plano. Tumalikod at naglakad muli si Maria papunta sa classroom na kanyang pinaghandaan. ‘Sumunod ka lang sa akin,’ ani niya sa kanyang isipan.
Nang nasa classroom na sila, biglang hinablot ng bully ang buhok ni Maria at sinabunutan ito nang sinabunat hanggang sa lumaban na rin si Maria. ‘Sige, lubos-lubusan mo na ang iyong kasamaan sa akin,’ ani na naman niya sa kanyang isipan. Itinulak ni bully si Maria sa bandang likodan na maraming upaan na siyang ikinasugat ng ulo ni Maria. Sa labis ng tuliro ni Maria, hidni na niya nakontrol ang kanyang sarili at pumunta bigla sa tabi ng pintuan at inilak ito. At siya naman ipinagtaka ng bully.
“HAHAHAHAHAHAHA”, mala-alimaw na tawa ni Maria na siyang ikinabalot ng takot ng bully. “Ngayon at na-trap ka sa aking mga plano, matitikman mo ang tamis ng mga iyong mga gawa hahaga” tawa ni Maria na nakakakilabot.
“Walang hiya ka, anong binabalak mong gawin sa akin?” tanong ni bully sa kanya
“Hulaan mo kung ano”, sabi nito at sabay kuha ang batuta na itinabi niya nung mga araw na naging busy siya.
“Tulong! Tulong!” nagmamakaawang sigaw ni bully “Kahit anong gawin mo walng makakarinig sayo” ani ni Maria
Sa mga oras na iyon, naging matagumpay ang plano ni Maria. Lumipas ang mga araw naging usap-usapan ang pagkawala ng bully, hindi maagilap at naging tahimik ang paaralan dahil wala na ang gumugulo sa mga studyante. Ang dalagitang nagngangalang Maria ay parang hindi mapakali dahil sa kanyang ginawa. ‘Ayos lang yan, magiging kalma ang lahat,’ ani niya sa kanyang sarili.
Ilang linggo ang nakalipas, hindi parin nahahanap si Rebecca (bully). Pati ang kanyang mga magulang pumunta na rin sa paaralan at hinahanap ang kanilang anak na bully. Sa kabilang banda, biglang may sumigaw ng malakas na rinig sa tabi ng hallway sa likod ng canteen, ang abandonadong classroom. Isa lamang ang nakita niya at yun ang babaeng nakalutang sa taas na may tali sa leeg. Biglang ikinagulat ng lahat dahil sa kanilang nakita, isa naroon si Maria. ‘Sinong may gawa?’, tanong niya sarili at dali dali itong lumas sa abandonadong classroom.
Sa kabilang banda, isang lalaki ang nakamasid sa dalaga habang dali dali ito lumabas sa nasabing lugar. ‘huwag kang mag-alala ako ang bahala sa lahat.’ sabi ng nakamasid sa kanya.
Nakalipas ang ilang lingo, hindi pa rin mawala sa isipan ni Maria ang kanyang nakita. ‘Bakit ganon? Iniwan ko siya sa labag na walang palay pero humihinga’ tanong na hindi mapakali sa sarili ni Maria. At iyon nan ga, hindi naging maganda ang mga kilos ni Maria dahil sa takot na baka siya ang pagbintangan na siyang gumawa sa pagkamatay ni Rebecca. Pati na rin ang mga studyante ay napansin nila ang pagkaiba ng kilos ng dalagita.
“Hoy, bakit parang nawawalan ka ng sarili, Maria?”, tanong ng kaklase.
“Wala wala” sabi ni Maria
“Nung nakaraan ka pang ganyan simula nung nakita mo si Rebecca ah” sabi ulit ng kaklase
“Sabing wala nga eh, diba!”, pasigaw niyang sabi sa kaklase
At yun na nga biglang nagulat ang mga kaklase niya dahil sa ipinakita niyang asal na siyang ikinaisip ng lahat nab aka may kinalaman si Maria sapagkat siya naman ang lagging binubully ni Rebecca.
Umuwi na si Maria sa ka nilang bahay atnagkulong sa kwarto.
“Bakit? Bakit?!!” pasigaw niyang tanong sa salamin na kaharap ang sarili
“Wala akong kasalan! Wala! Wala! Huhu”, paiyak niyang sigaw na siya namang narinig ng kanyang ina ta dali dali itong pinuntahan
“Anak, okay ka lang ba? May problema?”, tanong niya sa kanyang anak na may pag-alala.
Kinuha ang susi ng kwarto ni Maria para buksan ang pinto at kausapin ang kanyang anak
“Anak, bakit, anong nangyare?” tanong ulit sa anak
“Ina, natatakot ako, hindi ko magagawa iyon kay Rebecca”, umiiyak sabi ni maria sa kanyang ina
“Ano bang nangyare, anak?” tanong ng ina
“Namatay po si Rebecca at ako po ang huling kasama niya sa classroom kung saan siya natagpuang patay, ina anong gagawin ko?” tanong niya sa sarili.
“Ano bang ginawa mo nung magkasama kayo?”, tanong ng ina
“Nag-away po kami at pinukpok ko po siya sa ulo at nahimatay tas iniwas sa classroom pero humihinga po siya nung iniwan ko at ang ipinagtataka ko inay kung bakit at sinong may gawa sa pagkakasabit niya sa taas na nakatali ang leeg”, ani niya sa kanyang ina.
Nang matapos ang pag-uusap nila hindi nila alam na may nakikinig sa kanila. Narinig lahat ng pinag-usapan ng mag-ina. At pagbukas ng pinto biglang tumaripas ng takbo ang nakikinig sa kanila.
Naging palaisipan kay Maria ang lahat ng nangyare. Laging niyang binabantayan ang ang lumang classroom kung meron bang pumupunta roon. Sa pagkakaalam ng daligita walang pupunta roon dahil sa takot na may makita silang hindi karaniwang nakikita ng tao. Subalit sa pagmamasid niya sa lumang classroom, may nakita siyang naka jacket na pumunta roon. At bigalang napansin ng nakajacket na may nakamasid sa kanya kaya dali dali siyang umalis para hindi makita ang kanyang mukha.
“Muntikan na ako roon” sabi niya sa kanyang sarili at umalis na ito ng tuluyan.
Sa kabilang banda nagpasya ulit si Maria na bantayan ang lumang classroom para makita niya ang nakita niyang nakajacket. Lumipas ang mga araw, hindi napagod sa pagbabantay si Maria lumang classroom. May napansin siyang tao na papalapit kinaroronan niya, at hindi siya nagkamali, ang nakita noon na kajacket. Habang nagtatago si Maria, tinanggal nang nakajacket ang kanyang sombrero at laking gulat niya na makita ang ka nyang kapatid nan aka ngiwi.
“Tapos na ang termino mo Rebecca bilang bully sa paaralan na ito, ako na naman ang susunod”, ika niya habang tumatawa. Hindi agad pumask sa isip ni Maria ang mga nakita at narinig niya dahil ang kanyang alam hindi magagawa ni Marko iyon. Nablangko siya sa kanyang kinatataguan.
Nang maka-uwi sila, kinausap ni Maria ang kaniyang kapatid tungkol sa kaniyang narig kanina sa lumang classroom.
“Totoo ba, Marko?”, tanong ni Maria sa kanyang kapatid
“Anong totoo ang pinagsasabi mo, ate” ika ni Marko
“Huwag ka nang mag-maangan pa Marko, nakita kita kanina sa lumang classroom. Anong ginagawa mo roon?”, ani ni Maria
Hindi naka-kibo si Marko sa sinabi ng kanyang ate. Tila na tauhan si Marko at napaamin nalang ng biglaan. Biglang niyakap ni Maria ang kanyang kapatid upang pakalmahin ang kanyang kapatid.
“Marko, bakit mo nagawa yun?’ alalang tanong ni Maria
“Nag-aalala lang ako sayo ate, Ayuko kong makita kang saktan ni Rebecca. Labis akong nasasaktan sa tuwing sinsaktan ka ng babaeng iyon”, iyak na sabi ni Marko sa kanyang ate.
“Shhhhh… tahan na”, habang pinapatahan ni Maria ang kanyang kapatid. Hindi nila namalayan ang kanilang ina sa may pintuan.
“Ikaw ang may gawa nun Marko?” tanong ng ina
Sa pagtatanong ng kanyang ina, biglang naggagulgul sa iyak si Marko at inamin lahat sa kanilang lahat na siya ang may gawa sa pangyayare.
“Opo ina. Tama, ako nga!”, saad ni marko.
To be continued……….
0 notes
abo0721 · 27 days
Text
Destinasyon ng Dalawang Magkasintahan by Asnar L. Langco
Sa magarbong sikat na paaralan na Morgan Academy, may dalawang pusong nagtagpo. Dalawang magkaibang mundong magtataglay ng isang pag-ibig na tanging sa kanila lamang nakalaan at umiiral na pag-ibig na lumampas sa hangganan ng kayamanan at katayuan . Si Abdul, isang pamuti at gwapong lalaki na anak ng isang mayamang negosyante, at si Asnairah, isang simpleng dalaga na namumuhay sa kaniyang tiyahin, nag-aaral sa paaralang iyon dahil sa tulong ng kaniyang scholarship. Sa unang pagkakaton na nagkasalubong sila, tila’y nagtagpo ang araw at gabi. Ang ngiti ni Asnairah ay ay nagpalambot kay Abdul, sa kanyang pagka-akit, hindi napigilang matawa sa kasiyahang dulot sa simpleng ngiti ni Asnairah, na tila’y nagpalutang sa kanya sa mga ulap. Naging malapit silang dalawa na naging dahilan upang silang dalawa ay nagsasama sa araw ng kanilang klase, mapa-recess at pat isa kanilang pag-uwi, sila’y nag-sasamang dalawa. Habang tumatagal, dumarami ang oras na kanilang ginugol na magkasama. Sa bawat kwento at tawanan, lalo pang lumalapit ang kanilang mga puso. Walng paki-alamanan sa kanilang magkaibang katayuan, tila’y naglalakbay sila sa isang mundo kung saan sila lang dalawa ang mayroon. Hanggang sa umabot ang kanilang pagmamahal ng anim na taon. Maraming masayang ala-ala ang kanilang nabuo dahil sa kanilang pagsasama Ngunit, tulad ng buhay, may mga problemang darateng na hindi inaasahan. Isang trahedya ang dumating na nag-iwan ng malalim na sugat sa kanilang mga psuo. SA isang aksidente, si Abdul ay nasawi. Ang buhay na tila’y puno ng pag-asa at pangarap ay biglang nawala na parang bula. Naiwan si Asnairah sa dilim ng kanyang lungkot at pighati. Ang kanyang mundo ay biglang nawalan ng kulay at ligaya. Nang lumilipas ang araw, si Asnairah ay parang nawawalan ng lakas at pananampalataya sa kanyang sarili. Hindi nagawang kalimutan ni Asnairah ang pagpanaw ng kaniyang sinisinta, mga ala-alang sariwa nang kanilang pagmamahalan at sa kanilang mga asaran. Ka’y sakit man tanggapin sa sarili ni Asnairah na wala na si Abdul, nanatili parin ang kanyang pagmamahal sa kaniya. At sa ala-ala ng kanilang pagmamahalan ay tila’y nagbigay sa kanya ng liwanag sa gitna ng kanyang kadiliman. Sa paglipas ng mga buwan na pagkawala ni Abdul, si Asnairah ay biglang nagkasakit ng isang matinding sakit. Ang kanyang puso ay biglang nagdusa at hindi na kayang ipagpatuloy ang laban. At sa huling mga sandali ng kaniyang buhay, si Asnairah ay hindi iniwan ng kanyang pag-ibig kay Abdul, tunay na pag-ibig ay maaring manalo kahit sa kamatayan mismo. Sa bawat bawat hininga ni Asnairah, nararamdan niya ang ihip ng hangin na nagbibigay ng presensya ng kanyang minamahal na si Abdul na para bang nag-aabang sa kanya sa kabilang buhay. Sa nakakabinging tahimik at sa lamig ng simoy ng hangin, isang masamang balita ang natanggap ng kaniyang tiyahin, alas dos ng madaling araw, binawian ng buhay si Asnairah. Sa wakas, ang kanilang pag-ibig ay nagtapos sa isang malungkot na kwento. Ngunit sa kabila ng mga nangyare, ang kanilang pagmamahalan ay nanatiling buhay at nagbigay ng liwanag sa gitna ng dilim. Kahit sa pagkawala nilang dalawa sa napakagandang mundo, ang kanilang pangalan ay magpapatuloy na namamalagi sa puso ng bawat isa’t-isa. Hindi nasususkat ang pagmamahalan sa pera kundi ang pagmamahalan ay walang pinipiling status o katayuan ng bawat isa.
0 notes
abo0721 · 27 days
Text
Wait for my Flash Fiction
1 note · View note