Tumgik
carlmiguel · 2 years
Text
ALAMILLO, JOHN EUGENE, P.                                         “Biyaheng Bicol”
Tumblr media Tumblr media
                                            “Biyaheng Bicol”
Isa sa aking pinaka paboritong balik-balikan na destinasyon ay ang Bicol Region. Ito ay kilala dahil sa mga historical landmarks, Eco-Tourism, at water sports. Ang Bicol Region ay kilala rin bilang “Spice Capital of the Phillippines”. Mula sa maaanghang na putahe, hanggang sa mga magagandang likas na tanawin, ay tiyak na hindi masasayang ang inyong pagpunta. Ngayon ay aking ikukuwento ang aking personal na karanasan sa aking paglalakbay patungong Bicol Region.
Sa aming paglalakbay patungong Bicol Region, ang mga lugar na aming pinuntahan ay ang Cagsawa Ruins, Bulusan Lake, at Lola Sayong Eco SurFarm. Sa tatlong lugar na aming pinuntahan, ang aking pinaka nagustuhan ay ang Lola Sayong Eco SurFarm. Dahil mapayapa at tahimik ang lugar, kami ay nagkaroon ng pagkakataon upang makapag pahinga at pansamantalang makalayo sa mga araw araw na mga problema. Isa sa mga pinaka paboritong aktibidad na ginawa namin dito ay surfing dahil ito ang aking beses na masubukan ito. Bukod sa maganda ang ambiance ng lugar ay malugod ang pagtanggap ng kanilang mga staff sa mga tao at sigurado na sila’y mapagkakatiwalaan.
Sa aming paglalakbay patungong Bicol Region, marami akong natutunan na mga bagay. Natutunan ko na ang aming paglalakbay namin na ito ay nakatulong sakin upang magkaroon ng bagong kasanayan, at iyon ang surfing. Nagawa ko ring tumingin sa ibang pananaw ng mga tao, at dito ko nalaman na iba-iba ang ating paraan ng pamumuhay. At panghuli, natutunan ko din na ang mga paglalakbay ay hindi magiging makabuluhan at masaya kung hindi mo kasama ang iyong mga pamila o kaibigan.    
0 notes
carlmiguel · 2 years
Text
MIGUEL, CARL FRANCIS, L.                                           “Bicol, Tayo na, Tara na”
Tumblr media Tumblr media
                                       “Bicol, Tayo na, Tara na”
Tayo ay magtungo sa timog silangang banda ng luzon ito ang Bicolandia, maraming maaaring magawa sa loob ng Bicol kabilang na dito ang paglibot sa iba't-ibang historic at cultural sites. Maari ding mag swimming sa dagat kasama ang mga whale shark, puwede ding lumangoy sa napakagandang dagat ng caramoan, ilan lamang yan sa mga masasayang maaring gawin sa Bicol. Ang pagpunta sa Bicol mula Maynila ay maaring gawin sa dalawang paraan, Isa dito ay ang pagbaybay ng kalye gamit ang sasakyan o bus, dadaanan ninyo ang mga expressways. Maari ding mag eroplano mula NAIA na lalapag sa bagong gawa na Bicol International Airport, subalit may kamahalan ang dalawang option ngunit tiyak na sulit naman ang pagpunta dito.
Sa una at sapul na pwedeng gawin ng ating mga turista dito ay ang pagpunta sa iba-ibang cultural at historic sites na matatagpuan sa bicol kabilang na dito ang cagsawa ruins sa albay. Bukod sa historical na ruins makikita din mula dito ang napakagandang view ng perpektong cone na hugis ng mayon volcano, Malapit din dito ang atv trail sa mayon napakasaya ng aktibidad na ito para sa mga turistang adventurous. Ikalawa, sa probinsya naman ng Sorsogon maaring lumangoy kasama ang mga whale shark dito pinakasikat ang lugar na ito, tiyak na matutuwa ka sa interaksyon mo sa mga butanding. Panghuli ngunit hindi magpapahuli ay ang Caramoan na matatagpuan sa Partido District, napakaganda ng dagat dito talagang mapapamangha ka sa linis at itsura nito. Ilan pa lamang ang mga nabanggit sa maaring puntahan sa rehiyon ng Bicolandia.
Sa aking personal na karanasan umalis kami ng Maynila ng miyerkules ng gabi, makalipas ang siyam na oras nakarating kami ng Legazpi ng kinaumagahan ng Huwebes. Sa The Oriental Legazpi kami nanuluyan habang nandoon tanyag nito ang napakagandang view ng Mt. Mayon at Albay. Kinabukasan ay nagtungo naman kami papuntang Sorsogon para makita ang mga whale shark, ako mismo ay hindi lumahok sa aktibidad na ito ngunit ang aking mga kamag-anak ay lumangoy kasama ang mga whale shark. Huli sa lahat ay ang Cagsawa ruins, tiyak na mamangha ka sa likas na ganda at historical significance nito. Samakatuwid, ako ay talagang nasiyahan at namangha sa aming mga nagawa at napuntahan sa Bicolandia.
0 notes
carlmiguel · 2 years
Text
RODRIGUEZ, JUDE ADRIAN, P.                                       “Bicol Escapade”
Tumblr media Tumblr media
                                             “Bicol Escapade”
Ang Bicol ay isang lalawigan sa timog-silangan ng luzon, ang pinakasikat na Isla ng Pilipinas. Dito matatagpuan ang magandang lupa at dagat, at bahay ng kinikilalang bulkan na may perpektong hugis, ang Bulkang Mayon. Mula sa Metro Manila, biniyahe namin ng labing-isang oras patungo sa Casa Basilisa. Ito ay isang Resort sa Bicol na gumamit ng cultural homes bilang tirahan ng mga bisita, 15-km kanluran ng Legazpi City at malapit na sa ibang tourist attractions ng Bicol.
Para sa unang araw namin, pumunta kami sa Cagsawa ruins. Ito ay isang simbahan na itinayo noong 1587, at kinikilala bilang historical landmark dito sa Pilipinas. Maganda mag-libot sa lugar na ito at pahalagahan ang historical background na nilalaman nito.
Pagkatapos ng ilang oras ay ang pagbisita namin sa Bulkang Mayon kung saan matatagpuan ang iilang mga aktibidad katulad ng Ziplining, pagsakay sa ATV tour, kabayo, at kalesa hanggang sa nagpahinga na kami sa lugar kung saan maraming kainan, at kung saan nakalugar ang sikat na chili falvored Ice Cream. Isa ito sa maramihang binebentang pagkain na mula sa kultura ng mga Bicolano.
Sa sunod na araw ay ang aking personal favorite, ang pag langoy kasama ang mga butanding. Ito ay isang aktibidad na maaring gawin sa Sorsogon, kung saan sasakay ang mga bisita sa isang bangka at pupuntahan ang iilang butanding na inaalagan ng mga tauhan mula doon. Ang aktibidad na ito ay tatagal ng 45 minuto hanggang isang oras, depende kung ilang beses ang interaction niyo kasama ang mga butanding.
Sunod na araw nito ang katapusan ng aming escapade kung saan muling bumiyahe kami ng labing-isang oras pabalik na ng Metro Manila. Sa pangkalahatan, kahit ang bakasyon na ito ay maikli lamang, masasabi ko na sulit na sulit ang aming escapade sa Bicol at nagawang ipasaya at ipakilos kami ng mga aktibidad na napili namin, pati na rin ang pag-sama namin muli bilang isang pamilya. Ang Bicol ay nagbigay saakin ng mga alaala na dapat ingatan, at lubos kong inirerekomenda ang lugar na ito sa iba.
0 notes
carlmiguel · 2 years
Text
ALAMILLO, JOHN EUGENE, P.                                         “Biyaheng Bicol”
Tumblr media Tumblr media
                                                  “Biyaheng Bicol”
Isa sa aking pinaka paboritong balik-balikan na destinasyon ay ang Bicol Region. Ito ay kilala dahil sa mga historical landmarks, Eco-Tourism, at water sports. Ang Bicol Region ay kilala rin bilang “Spice Capital of the Phillippines”. Mula sa maaanghang na putahe, hanggang sa mga magagandang likas na tanawin, ay tiyak na hindi masasayang ang inyong pagpunta. Ngayon ay aking ikukuwento ang aking personal na karanasan sa aking paglalakbay patungong Bicol Region.
 Sa aming paglalakbay patungong Bicol Region, ang mga lugar na aming pinuntahan ay ang Cagsawa Ruins, Bulusan Lake, at Lola Sayong Eco SurFarm. Sa tatlong lugar na aming pinuntahan, ang aking pinaka nagustuhan ay ang Lola Sayong Eco SurFarm. Dahil mapayapa at tahimik ang lugar, kami ay nagkaroon ng pagkakataon upang makapag pahinga at pansamantalang makalayo sa mga araw araw na mga problema. Isa sa mga pinaka paboritong aktibidad na ginawa namin dito ay surfing dahil ito ang aking beses na masubukan ito. Bukod sa maganda ang ambiance ng lugar ay malugod ang pagtanggap ng kanilang mga staff sa mga tao at sigurado na sila’y mapagkakatiwalaan.
 Sa aming paglalakbay patungong Bicol Region, marami akong natutunan na mga bagay. Natutunan ko na ang aming paglalakbay namin na ito ay nakatulong sakin upang magkaroon ng bagong kasanayan, at iyon ang surfing. Nagawa ko ring tumingin sa ibang pananaw ng mga tao, at dito ko nalaman na iba-iba ang ating paraan ng pamumuhay. At panghuli, natutunan ko din na ang mga paglalakbay ay hindi magiging makabuluhan at masaya kung hindi mo kasama ang iyong mga pamila o kaibigan.    
0 notes
carlmiguel · 3 years
Text
Tayo na sa Don Bosco Makati! ni: Manuel Lorenzo  R. Robles at Carl Francis L. Miguel
Ang Katolikong paaralan ng Bosco Technical Institute of Makati ay may sistemang pang-edukasyon na alinsunod sa programa ng K-12 kurikulum kung saan ang pag-aaral ay magsisimula mula kinder hanggang senior highschool (ika-11 hanggang ika-12 na baitang). Gayunpaman, ang institusyon ay nag-aalay ng mga iba’t ibang strands para sa departamento ng senior highschool. Kabilang dito ay ang mga sumusunod: STEM, ABM, HUMMS, at Arts and Design Track. Ang bawat strand ay naglalaman ng mataas na kalidad na edukasyon sa iba’t ibang larangan o propesyong ninanais kunin ng mga mag-aaral. Ang layunin ng mga ito ay maitaguyod ang mainam na paghahanda sa mga estudyante para sa kukunin nilang kurso sa kolehiyo. Ang bawat strand ng departamento ay nag-aalay din ng mga Empowerment Technology o E-tech subjects na nagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral sa larangan ng teknolohiya. Isa-isahin natin ang mga strand na ito at ang kanilang mga iaalay.
Ang STEM strand ay nakatutok sa pagtuturo ng mga kaalaman sa larangan ng agham, teknolohiya, pang-enhinyero, at matematika. Layunin ng strand na ito na mapaigting ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtugon sa mga suliranin at pakikiangkop sa mga pagbabago sa lipunan. Pinaka-angkop ito sa mga mag-aaral na kukuha sa kolehiyo ng mga kursong engineering, architecture, medicine, at iba pang mga kursong angkop sa pokus ng strand na ito. Ang STEM strand sa institusyong ito ay nag-aalay ng mga E-tech subjects na nakatutok sa mga teknikal na paksa kabilang ang automotive, mechanical, electrical, robotics, at computer-aided design o CAD na sila ring kabilang sa mga kadalubhasaan ng institusyon.
Sa sumunod, ang ABM strand ay nakatutok sa pagbibigay-kaalaman sa mga mag-aaral sa larangan ng pamamahala ng negosyo at pananalapi. Ito ay ang pinaka-angkop para sa mga mag-aaral na ninanais kumuha ng kursong accountancy, entrepreneurship, agribusiness, at iba pang mga kursong angkop sa pokus ng strand na ito sa kanilang paparating na buhay-kolehiyo. Ang ABM strand ng institusyon ay nag-aalay ng mga E-tech subjects na may kinalaman sa mga aplikasyon na ginagamit ng mga maliliit at malalaking negosyo sa pagtatasa sa pananalapi. Isa na dito ay ang tinatawag na Excel Visual Basic Application na siyang isa sa mga pinaka epektibo at mahusay na aplikasyon pagdating sa larangan na ito.
Ikatlo, ang Humanities at Social Sciences Strand o mas kilala bilang HUMSS. Ang HUMSS ay nagbibigay ng halaga sa mga pamamaraan ng oral na komunikasyon, public speaking, media at mga impormasyon, at kasama rin dito ay ang pagpapayabong ng kakayahan ng estudyante na bumasa at sumulat. Ang layon naman ng HUMSS ay aalamin nang mga mag-aaral kung paano tumakbo ang ating lipunan upang maibigay ang kinakailangan ng sangkatauhan. Ang HUMSS ay para sa mga mag-aaral na kukuha ng kurso sa kolehiyo na may kinalaman sa journalism, communications, liberal arts, education, psychology, law, social work, at iba pang kursong may kaugnayan sa agham panlipunan (social sciences). Katulad ng ibang strand mayroon ring nakaagapay na E-Tech subjects ang strand na ito. Ekslusibo para sa HUMSS ang Advanced Statistics at Video Editing, paniguradong makakatulong ito para sa kinabukasan ng mag-aaral ng strand na ito.
Panghuli ngunit hindi magpapahuli ang Visual and Media Arts Strand. Ang Strand na ito ay para sa mga estudyanteng nais ipahayag ang kani-kanilang mga sarili sa mga mahuhusay at creatibong pamamaraan. Isinasagawa din sa strand na ito ay ang paggawa ng mga iba’t ibang arts sa pamamagitan ng tradisyonal at digital na pamamaraan. Ang mga karanasan dito ay nais pagyamanin at pagyabungin ang kaalaman at kasanayan ng estudyante sa kaniyang mapipili na katayuan sa buhay. Ang E Tech ng strand na ito ay isa lamang ngunit napaka kumprehensibo ng pagtuturo dito ito ay ang 3D Modelling and Animation. Talagang makakatulong ang E Tech na iyon para sa mga mag-aaral ng VMA Strand.  
Ang Don Bosco Technical Institute of Makati ay kilala hindi lamang sa husay sa larangan ng akademikong edukasyon ngunit pati rin sa teknikal na edukasyon kung kaya’t garantisado na makapagbibigay ang institusyon ng mataas na kalidad ng edukasyon sa parehong larangan. Tunay na inaasahan na mapapaigting ng institusyon ang kaalaman ng mga estudyante sa iba’t ibang mga larangan. Gayunpaman, ang departamento ng senior highschool ng Don Bosco Technical Institute of Makati ay nangangakong maitaguyod ang kagalingang pang-edukasyon ng mga mag-aaral hindi lamang para sa kanilang buhay-kolehiyo, ngunit pati na rin sa kanilang nalalapit na kinabukasan. Meliora Eligo!
0 notes
carlmiguel · 3 years
Text
Mag-Aral na sa Don Bosco, Meliora Eligo! ni: Ethan Z. H. Santos
             Ang Don Bosco Technical Institute of Makati ay isang katolikong teknikal na paaralan kung saan tinuturuan ang mga mag-aaral na gawin ang kanilang mga tungkulin ng mas higit pa sa mabuti.  Noong nagkaroon na ng programang K-12 sa Pilipinas ay nagdagdag ng Kindergarten at dalawang taon sa High School na tinatawag na ika-11 at ika-12 na baitang o Senior High School. Pagdating sa Senior High School o SHS ay mayroong apat na strand ang Don Bosco, na nagngangalang STEM, ABM, HUMMS, at ang ADT. Ang bawat strand na ito ay nakapokus sa mga maaari mong kunin na kurso sa kolehiyo.
             Ang pag-aaral dito ay isang masayang karanasan kung saan makakakilala ka ng iba’t ibang uri ng tao na maaari mong maging kaibigan. Mayroon ka ring matututuhang iba’t ibang mabubuting aral sa mga makakasalamuha mong tao dito; sila ay ang iyong mga kamag-aral, mga guro, at ang iba pang mga nagtatrabaho sa paaralan na ito. Kasama ng mga mabubuting aral na makukuha mo dito ay ang ang mga kasanayan na magagamit mo sa pipiliin mong kurso kapag ikaw ay papasok na sa kolehiyo. Ngunit hindi lamang puro pagbabasa sa teksto ang Don Bosco dahil sa paaralanag ito ay hinahayaan ding mag-saya ang kabataan ng mayroong disiplina, dahil sa binanggit dati ni Don Bosco na “run, jump, shout, and play, but do not sin.” Kung saan sinasabi niya na gawin mo na ang lahat, wag lang ang gumawa ng kasalanan, napakagandang kasabihan nga naman talaga. Ang mga Foundation Day Celebration tuwing huling linggo ng Enero, at ang mga programa kung saan maaari mong salihan ang club na pasok sa iyong interes ay iilan lamang sa mga nagpapasaya sa paaralan na ito. Ang kalidad ng pagtuturo dito ay napakataas, sa sobrang taas ay matututuhan at maisasapuso mo ang mga kakayahan at aral na makukuha mo dito na gagamitin mo rin sa iyong magiging kurso sa kolehiyo at trabaho pagkatapos ng kolehiyo, tila bang habang buhay mong dadalhin ang mga aral na ito.
             Kilala ang Don Bosco Technical Institute of Makati bilang paaralan na nagbibigay ng kalidad na edukasyon kasama ng pagpapahalaga sa panginoon, kaya siguradong masisiyahan ka sa iyong pag-aaral dito dahil ang mahalaga kay Don Bosco ay ang matuto ang kabataan na gawin ang mga tungkulin ng mas higit pa sa mabuti. Choose the better things!
0 notes
carlmiguel · 3 years
Text
Huling hakbang sa Don Bosco Makati ni: Kenneth Christopher G. Milaor
 Isinama ng Don Bosco Makati sa kanilang kurikulum ang huling dalawang taon ng mataas na paaralan at ito ang huling dalawang lebel na pwedeng pasukan ng mga estudyante dito sa Don Bosco Makati. Malawak ang kampus ng Don Bosco at isa sa mga laruan ng mga bata dito ay ang “football field” katapat nito ay ang bagong gusali na ipinatayo ng institusyon para sa mga magaaral na nasa senior high school. Mayroon itong modernong itsura at dito makikita ang mga klasrum ng mga magaaral sa baytang ika-labing isa at ika-labing dalawa. Makikita sa unang palapag ng gusali ang iba’t-ibang pasilidad ng Don Bosco na ginagamit ng mga magaaral. Sa buong paaralan ang senior high school lang ang co-ed. Ang mga magaaral ng Don Bosco sa senior high school ay maaaring makapasok sa first-class na auditorium na makikita sa loob ng bagong gusali ng senior high school. Kung sakaling mayroong interesado na pumasok ng senior high school sa Don Bosco mayroon silang apat na pagpipilian na strand at ito ay ang STEM, ABM, HUMMS, at A&D. Ang bawat strand ay mayroon sariling teknikal na asignatura at ito ay ang kanilang E-tech. Base sa bilang ng mga magaaral sa grade 11 halos lahat ay nasa STEM at dahil maraming seksyon ang strand na ito sila ang ang pipili ng kanilang gusting pasukan na E-tech habang ang ibang strand ay kakaunti lang ang populasyon kaya hindi na sila pinapapili. Madami pang samu’t -saring mga bagay ang puwede nyo pang makuha at maranasan, saka ko na ito ipapakita sainyo kapag sa Don Bosco na kayo nagaaral.
0 notes
carlmiguel · 4 years
Text
WIKA KONG MINAMAHAL BAKIT TILA’Y BINASURA SA SARILING LUPA? Sa panunulat ni: CARL FRANCIS L. MIGUEL
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda; kaya ating paagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala” ito ay pahayag ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa pananaw ni Jose Rizal dapat ang bawat pinanganak na Pilipino ay dapat mahalin, pahalagahan, at ikarangal ang ating wika ang wikang filipino ang kung sino mang hindi magmahal o magbigay pugay sa kanyang wika ay mas masahol pa sa hayop o kaya ay isda dapat pahlagahan natin ang wika natin dahil ito ay kakilalanlan rin nang ating pagiging isang estado na malaya sa kolonyalismo. Kung tayo mismong mga Pilipino hindi minamahal ang ating sariling wika tayo’y kahiya-hiya at karapat-dapat na itakwil ng perlas ng sinilangan.
 Noong Nobyembre walo dalawang libo’t labing walo idineklara nang korte suprema na constitutional ang pag tanggal sa mga asignatura na filipino at panitikan sa kolehihyo sila ay pumanig sa K to 12 Law. Sa aking personal na pananaw ang pagtanggal ng filipino at panitikan sa kolehiyo ay isang malaking pang-aalipusta, katarantaduhan ang panukalang ito sa ating wikang filipino. Ang wikang filipino ay importante para saakin dahil ito ay simbolo nang ating pagiging isang malayang estado may sarili tayong wika na ipagmamalaki sa ibang bansa ngunit kung sa kolehiyo pa lamang eh aalisin na natin ang halaga nito aalisin natin ang sarili nating wika sa kolehiyo ano iyon? parang sinabi mong lilisanin mo ang iyong pagka Pilipino. Kung hindi natin ipagtatanggol ang ating wika ngayon ay maaring sa darating na bukas ay wala nang dadatnan na wikang filipino ang mga kabataan sa kadahilanan na ang karamihan sa mga kabataan ngayon aymas nagbibigay halaga pa sa wika ng ibang bansa tulad ng koryano, hapon, at lalo na ang ingles dahil sa palagay nila pag sila ay nagsasalita ng ingles tingin nila sa kanilang mga sarili ay nakakataas sila sa iba dahil hindi wikang filipino ang ginagamit nila sa pananalita, sa sarili nating bayan ang ating wikang aking kinagisnan tila ba’y wala ng halaga para sa mga nasa gobyerno at karamihan ng kabataan. May mga pag-aaral na nagpapakita na ang mga estudyante sa senior high school at junior high school ay nahihirapan pa rin sa tamang pananalita ng wikang filipino lalo na sa tamang pagsusulat sa wikang filipino maraming kabataan na nasa high school na hindi pa rin alam ang tamang paraan nang panunulat ng pangungusap. Ako ay nagagalit sa nakaraang administrasyon na nagpanukala at pumirma nito dahil hindi man lang nila binigyan ng karampatang respeto ang wikang filipino dahil inaalis nila ito bilang requirement sa kolehiyo kahit na alam nilang ang mga mag-aaral sa high school ay hirap na hirap pa rin sa pagsalita at panunulat nito kulang pa ang kanilang nalalaman kailangan pa ng paglilinaw nito sa kolehiyo ngunit dahil dito tuluyan nang ibinasura ang wikang filipino sa kolehiyo ito ay malaking kabastusan sa ating wika at mga ninuno na nagsulong at gumawa nito para ba’y di na nating binibigyan ng halaga ito trinato na lamang natin ito na parang isang basura na wala nang pakinabang satin
 Sa kabuoan ako ay lubos na nagagalit at nawawalan ng pag asa para sa mga kapwa kong kabataan. Nagagalit ako sa kadahilanan na hinayaan ito ng nakaraang administrasyon na hindi bigyang halaga ang wikang filipino, binasura na ito sana’y wag namang dumating ang araw na ang filipino ay aalisin rin sa high school tuluyan nang mawawalan ng kakilalanlan ang ating bansa kung ipagpapatuloy ang mga ganitong patakaran. Mawawalan ako ng pag-asa sa mga kapwa kong kabataan dahil kami ay posibleng hindi na makaranas nang dagdag kaalaman tungkol sa wikang filipino sa kolehiyo. Maaring sa kolehiyo tuluyan na itong inalis pero nasasaatin pa din naman kung ang ating wika’y pahahalagahan.
 Sanggunian:
Mike Navallo, ABS-CBN News. (2019, June 10). Removing Filipino in college to lead to “cultural genocide” - group. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/news/06/10/19/removing-filipino-in-college-to-lead-to-cultural-genocide-group
Ong, G. (2019, June 10). ‘SC decision removing Filipino, Panitikan in college unconstitutional.’ Philstar.Com. https://www.philstar.com/headlines/2019/06/11/1925522/sc-decision-removing-filipino-panitikan-college-unconstitutional
Rey, A. (2019, May 25). SC reiterates Filipino, Panitikan not required in college. Rappler. https://rappler.com/nation/supreme-court-filipino-panitikan-not-required-college
0 notes
carlmiguel · 4 years
Text
Kahalagahan ng wikang filipino tila ba’y kinalimutan na? LIKHA NI: CARL FRANCIS L. MIGUEL
Wikang tagalog itinatag ito noong taong isang libo’t siyam na daan at tatlumput pito ni dating Pangulong Manuel L. Quezon bilang ating wikang Pambansa mula noong taong itinatag ang tagalog bilang wikang Pambansa maraming ng mga pagbabago na hinaharap ang ating wikang Pambansa. Bilang dagdag kaalaman itinatag noong taong isang libo’t siyam na daan at siyam na put isa ang Komisyon ng Wikang Filipino mas kilala bilang KWF nakaatas sa kanila ang pagpapaunlad, nagpapanatili, at nagtataguyod sa wikang filipino. Sa kasalukuyan hindi lamang pagbabago, kundi pati na rin mga dagok, pagsubok, at problema na rin ang hinaharap ng ating wikang Pambansa hanggang sa kasalukuyan ay nararanasan pa rin ito na ang ating wikang Pambansa.
 Maraming hianaharap ang ating wika Isa na dito ay ang pagkawala ng mga orihinal na mga salita natin at pagpalit rito ng mga salita na katunog o kahawig na ng ingles, nagsimula ito mga dekada nobenta nawawala ang pagka orihinal ng ating wika dahil mula noong dekada nobenta patuloy na unti-unting pinapalitan ng mga salitang sinalin sa filipino. Ikalawa ay ang pagusbong ng mga salitang jejemon, gay lingo, at baliktaran ang mga kabataan ay ang mga ganitong salita na ang ginagamit dahil ito nga ay ang uso o mas madaling gamitin di natin namamalayan ang orihinal at purong wika na ating dapat mahalin at pahalagahan ay unti-unti nang nabubura at napapalitan ng mga makabagong salita. Ang mga rason na aking binanggit ay iilan lamang sa mga rason kung bakit patuloy na natatabunan ang kahalagahan ng ating wikang Pambansa ganunpaman nakakatulong pa rin kahit papano ang mga salita tulad ng jejemon sa pagsabay ng wikang filipino sa makabagong panahon. Nang mapanood ko ang dokumentaryo kung saan ininterbyu ang isang guro ng filipino na apat na dekada nang nagtuturo kaniyang nasabi na mula noong pagpasok ng dekada nobenta ay patuloy nang paghina nang kaalaman ng mga mag-aaral. Humina na rin ang disiplina ng kabataaan ng tamang pagsasalita at pagsulat sa wikang filipino sabi nga ng guro “kahit mali tinatanggap na nila” totoo naman ito talagang karamihan sa kabataan hindi na pinapahalagahan ang tamang pagsulat sa wikang filipino sa tingin ko ito ay dahil hindi na sila masyadong interesado sa ating sariling wika dahil sa pag usbong ng wika ng mga ibang bansa na nakakataas sa pilipinas mas interesado silang malaman ang paraan ng pagsalita at pagsulat sa mga wika tulad ng ingles at Korean. Para saakin ako ay buong-buo na sumasang-ayon na dapat pang paigtingin ang paggamit ng wikang filipino sa mga paaralan. Nararapat lamang itong ipatupad dahil nawawala, natatabunan na ang ating wikang Pambansa kinakailangan nating ipaalala sa mga kabataan ang halaga ng ating pambansang wika dahil dito makikilala ang pagiging orihinal ng ating wika.
 Lahat-lahat ay maraming kinakaharap ang ating wikang Pambansa pero sa tingin ko at ako ay umaasa na malalampasan ito nang ating wikang Pambansa. Umaasa ako na ang mga kabataan at mga susunod pang henerasyon ay ipagpatuloy ang pagbibigay ng halaga sa ating wikang Pambansa dahil dapat lamang nating mahalin ito dahil sariling atin ito.
1 note · View note