Tumgik
#KPWKSUMMATIVEASSESMENT
carlmiguel · 4 years
Text
WIKA KONG MINAMAHAL BAKIT TILA’Y BINASURA SA SARILING LUPA? Sa panunulat ni: CARL FRANCIS L. MIGUEL
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda; kaya ating paagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala” ito ay pahayag ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa pananaw ni Jose Rizal dapat ang bawat pinanganak na Pilipino ay dapat mahalin, pahalagahan, at ikarangal ang ating wika ang wikang filipino ang kung sino mang hindi magmahal o magbigay pugay sa kanyang wika ay mas masahol pa sa hayop o kaya ay isda dapat pahlagahan natin ang wika natin dahil ito ay kakilalanlan rin nang ating pagiging isang estado na malaya sa kolonyalismo. Kung tayo mismong mga Pilipino hindi minamahal ang ating sariling wika tayo’y kahiya-hiya at karapat-dapat na itakwil ng perlas ng sinilangan.
 Noong Nobyembre walo dalawang libo’t labing walo idineklara nang korte suprema na constitutional ang pag tanggal sa mga asignatura na filipino at panitikan sa kolehihyo sila ay pumanig sa K to 12 Law. Sa aking personal na pananaw ang pagtanggal ng filipino at panitikan sa kolehiyo ay isang malaking pang-aalipusta, katarantaduhan ang panukalang ito sa ating wikang filipino. Ang wikang filipino ay importante para saakin dahil ito ay simbolo nang ating pagiging isang malayang estado may sarili tayong wika na ipagmamalaki sa ibang bansa ngunit kung sa kolehiyo pa lamang eh aalisin na natin ang halaga nito aalisin natin ang sarili nating wika sa kolehiyo ano iyon? parang sinabi mong lilisanin mo ang iyong pagka Pilipino. Kung hindi natin ipagtatanggol ang ating wika ngayon ay maaring sa darating na bukas ay wala nang dadatnan na wikang filipino ang mga kabataan sa kadahilanan na ang karamihan sa mga kabataan ngayon aymas nagbibigay halaga pa sa wika ng ibang bansa tulad ng koryano, hapon, at lalo na ang ingles dahil sa palagay nila pag sila ay nagsasalita ng ingles tingin nila sa kanilang mga sarili ay nakakataas sila sa iba dahil hindi wikang filipino ang ginagamit nila sa pananalita, sa sarili nating bayan ang ating wikang aking kinagisnan tila ba’y wala ng halaga para sa mga nasa gobyerno at karamihan ng kabataan. May mga pag-aaral na nagpapakita na ang mga estudyante sa senior high school at junior high school ay nahihirapan pa rin sa tamang pananalita ng wikang filipino lalo na sa tamang pagsusulat sa wikang filipino maraming kabataan na nasa high school na hindi pa rin alam ang tamang paraan nang panunulat ng pangungusap. Ako ay nagagalit sa nakaraang administrasyon na nagpanukala at pumirma nito dahil hindi man lang nila binigyan ng karampatang respeto ang wikang filipino dahil inaalis nila ito bilang requirement sa kolehiyo kahit na alam nilang ang mga mag-aaral sa high school ay hirap na hirap pa rin sa pagsalita at panunulat nito kulang pa ang kanilang nalalaman kailangan pa ng paglilinaw nito sa kolehiyo ngunit dahil dito tuluyan nang ibinasura ang wikang filipino sa kolehiyo ito ay malaking kabastusan sa ating wika at mga ninuno na nagsulong at gumawa nito para ba’y di na nating binibigyan ng halaga ito trinato na lamang natin ito na parang isang basura na wala nang pakinabang satin
 Sa kabuoan ako ay lubos na nagagalit at nawawalan ng pag asa para sa mga kapwa kong kabataan. Nagagalit ako sa kadahilanan na hinayaan ito ng nakaraang administrasyon na hindi bigyang halaga ang wikang filipino, binasura na ito sana’y wag namang dumating ang araw na ang filipino ay aalisin rin sa high school tuluyan nang mawawalan ng kakilalanlan ang ating bansa kung ipagpapatuloy ang mga ganitong patakaran. Mawawalan ako ng pag-asa sa mga kapwa kong kabataan dahil kami ay posibleng hindi na makaranas nang dagdag kaalaman tungkol sa wikang filipino sa kolehiyo. Maaring sa kolehiyo tuluyan na itong inalis pero nasasaatin pa din naman kung ang ating wika’y pahahalagahan.
 Sanggunian:
Mike Navallo, ABS-CBN News. (2019, June 10). Removing Filipino in college to lead to “cultural genocide” - group. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/news/06/10/19/removing-filipino-in-college-to-lead-to-cultural-genocide-group
Ong, G. (2019, June 10). ‘SC decision removing Filipino, Panitikan in college unconstitutional.’ Philstar.Com. https://www.philstar.com/headlines/2019/06/11/1925522/sc-decision-removing-filipino-panitikan-college-unconstitutional
Rey, A. (2019, May 25). SC reiterates Filipino, Panitikan not required in college. Rappler. https://rappler.com/nation/supreme-court-filipino-panitikan-not-required-college
0 notes