Tumgik
fvckxxxxa · 1 year
Text
Halos isang buwan na din nang lumisan ka
Matagal na panahon na ang nakaraan
Pero yung sakit at kirot damang dama ko pa
Minsan napapatanong ako sa aking sarili
Saan ba ako nag kulang?
Saan ba ako nag kamali? Para lumisan ka ng ganito
Labis akong nag durugo at nasasaktan
Sa tuwing pag babalikan ko ang huling mensaheng saakin ay inialay mo
Ang mga luha mula sa mata ko ay kusa nalamang tumutulo
Sinubukan kong iwasang balikan
Pero mga daliri ko talaga'y atat na buksan ng buksan
At muling pag masdan ang mga mabubulaklak na salitang inialay mo
Nakakalungkot isipin
Na sa isang kisap mata ang mga plinano nati'y mawawala
At mag lalaho nalang bigla na parang bula
Ikaw lamang ang mahihiling ko sa bawat gabi
Ngunit bawat araw sa akin ay ipinamumuka na wala na
Wala ng ikaw at ako, wala ng tayo
Oo masakit, pero tanging pag tanggap lang ang aking magagawa
Kung pag lisan na lamang talaga ang paraan
Ito'y tatanggapin ko ng buong buo at walang halong hinagpis
Siguro sa susunod na habang buhay
Tayo naman ang paburan ng tadhana
Tayo naman ang piliin para sa isa't isa
Pero sa ngayon tatanggapin ko nalang muna
Kasi huli na ako para pigilan ka pa
Lilisan nalamang din muna ako kung ito nalang ang tanging sagot
-errors ahead
-open for criticism
-plagiarism is a crime
Tumblr media
9 notes · View notes
fvckxxxxa · 2 years
Text
Wala ka, sa gabing malamig
Pag bati mahal ko, kamusta ka?
Ilang araw na din nang lumisan ka
At ako ngayo'y sobrang nangungulila na
Presensya mo'y aking hinahanap
Ikaw ay aking minimithi sa dyos na lumikha
Batid ng bathala na ikaw ay labis kong iniibig
Ngunit tila ba saakin ika'y kanyang binawi
Dama ng unan ko ang mga luha ko
Na mula sa mata ko'y pumapatak
Tuwing maaalala ko ang ikaw at ako
Saksi ang buwan kung paano ko hilingin
Na muli saakin ika'y bumalik
Ramdam ng aking higaan ang bigat na aking pasan pasan
Pagkat sayo talaga ako'y nangungulila
Tanaw ng mga bituin sa kalangitan kung paano ako tanggihan ng bathala
Pag hinihiling kita
Bakit naman ganun? Tila ba tinatanggihan na ako ng maykapal
Parang ayaw na nya na ikaw ay bumalik pa saakin
Pero siguro nga tama ka, ang henerasyong ito ay hindi pa para sa atin
At sa ngayon tayo ay mag hintay nalang muna
Na ang ating puso ay muling mag tagpo
Siguro sa panahon na iyon
Handa na ako, ikaw handa na tayo
At sa panahong pwede na tayo sana naman ay pwede pa
Kahit na ganoon pa man naniniwala ako na ikaw at ako ay babalik
At mag sisimulang muli ng kwento
Kasabay ng pag bubukas ng bagong libro
Paalam na muna mahal ko
Hanggang dito nalang muna
Ang aking pluma'y wala ng tinta
Ang akin ding kamay ay pagod na
At ang papel na aking ginagamit ay puno na
Abangan mo ang susunod kong liham para sa iyo
—errors ahead
—open for critism
—plagiarism is a crime
Tumblr media
2 notes · View notes
fvckxxxxa · 2 years
Text
Paalam
Naniniwala na ako sa kasabihan na "tamang tao sa maling panahon"
Tama sila, totoo palang maaring mangyari ang bagay na iyon
Tamang tao na kami para sa isa't isa nag kataon lang na mali yung panahon
Panahon at lugar ng aming pinag tagpuan
Masakit at mahirap bumitaw pero kailangan
Madaming bagay na hiniling ko na sana mangyari
Ngunit batid ng bathala na pag nag tagal pa ay lalong sasakit
Kaya't kailangan nang tuldukan kung anuman ang meron sa atin
Tinuldukan ang kwentong hindi naman sinimulan
Oo mamamaalam ako pero alam ko naman na hindi natin pareho ginustong bumitaw ng ganito
Nag kataon lang na hindi talaga ito ang panahong para sa atin
Pero kahit na ganoon labis akong nag papasalamat dahil batid nating dalawa na ito ay mundo lamang ng laro
Ngunit ang ating pag mamahal sa isa't isa ay totoo
Salamat sa mga gabing ako'y labis na kinilig at ngumiti
Dahil sa simpleng mensahe mo
Batid kong hindi na ito mauulit pa
Ngunit ganun pa man ako'y naniniwala at umaasa na ang ating puso ay muling mag tatagpo
Hanggang sa susunod na habang buhay mahal ko.
📌Plagiarism is a crime
📌written by: binibining nika
📌typographical errors ahead
📌ctto of the picture
Tumblr media
3 notes · View notes