Tumgik
kuyabonoforyou · 7 months
Text
0 notes
kuyabonoforyou · 7 months
Text
PATRICE'S STORY
Dear Kuya Bono,
               Kumusta po ang lahat. I hope everybody is OK. Ako, mas OK ngayon kesa nagdaang mga taon ng buhay ko. Nag-explore kasi ako noong 2018. Nainggit sa mga pinsan ko at pinatulan ko rin yung sinasabi nilang ‘Get Out of your Comfort Zone’.
               DALAWANG TAON DIN NA NAMUHAY ako gaya ng buhay ng mga pinsan ko sa Maynila..at nakasanayan at nagustuhan ko na rin ang pamumuhay nila….pero NAGKA-PANDEMIC kaya’t noong JUNE 8, 2020 ay…wala akong choice kundi ang UMUWI muna dito sa Probinsiya.
>>>>> 
               Graduate po ako ng BSE  Major in English noong 2016. Same year ako nag-take Licensure Examination for Teachers at pinalad naman mapabilang sa 31,334 na pumasa. Imagine that number of new teachers. Secondary pa lang yan ah. Sa Elementary naman ay 23,378 ang pumasa.
               Hindi lang ako at pamilya ko ang natuwa sa pagkakapasa ko ng Licensure Exam Kuya Bono kundi…baka, lalo na si Yosee. Matagal na kasi siyang nanliligaw sa akin noon kaya lang, parang hindi siya seryoso…kaya’t hindi ko rin siya sine-seryoso.
               Kabarangay ko lang si Yosee. Puro opposite ang mga purok namin. Purok Uno sila, Purok siyete kami.
               Sa paraang pabiro ko lang nasabi noon kay Yosee ang ganito;
               “Yosebio,..pag pumasa ako sa Board Exam, sasagutin na kita….”
               “Luh, huwag na! Ayoko ng ganon. Di naman ako desperado sa chance na maging GF kita noh?...Kung sagutin mo man ako dapat dahil yan sa…mahal mo ako, hindi dahil sa masaya ka lang kasi pumasa ka sa exam. Apaka-kenkoy mong babae ka!”
               “Kaarte mo naman Yosebio. Ayaw mo di huwag….at lalo namang hindi ako desperadang maging tayo noh? Ang kapal mo!!!”
               “Mas makapal ka! Dadaanin mo pa pala ako sa pustahan eh. Pano kung di ka pumasa eh di hindi rin ako pumasa sayo?! Style mo bulok!”
               “Mukha mo bulok! Huwag ka na ngang pumupunta dito sa’men noh? Istorbo ka lang sa buhay ko! Uwi ka na!”
               “Oyyy…nagalit naman agad. Joke lang darling ko…..di ka mabiro…..”
               “Anong darling ko?! Di pa tayo noh?”
               “Tayo na….kasi sigurado namang papasa ka sa exam eh. Ikaw pa ba? Maganda na…matalino pa…”
               “Hay naku Yosebio,..hindi mo ako mauuto….”
               “Payag na nga ako eh. Sagutin mo na lang ako kapag pumasa ka sa exam….pero kapag hindi ka pumasa. Liligawan pa rin ulit kITA kahit na…back to zero ako, start from the beginning…OK lang sa akin kasi….mahal  kitang totoo…todo todo walang preno…SAGAD HANGGANG BUTO!”
               “Diyan ka magaling sa kasaltikan mo. Alam mo, kaya hindi ako naniniwala sayo eh kasi puro ka biro….”
               “Hindi. Promise. Mula mamayang gabi bago ako matulog, madadasal ako…ganon din paggising ko sa umaga, magpe-pray ako….hihilingin ko kay Bro na….ipasa ka niya sa board exam…..para maging tayo na….para matikman mo na ang aking matamis na halik….at naguumalab na yakap…aking mahal na Patrice, Pa-kiss na lang, KAHIT isa lang please…..”
PLAY>S1
DKB-2
               Kahit hindi kataasan ang score ko sa LET ay nagpa-ranking pa rin naman ako, baka sakaling suwertehing magkapagturo sa Public School…kahit na, alam kong mahirap kasi nga napakarami naming bagong teachers.
               Alam kong matagal makatanggap ng balita tungkol sa ranking kaya’t nag-apply muna ako sa isang Private High School sa bayan pero huwag na lang nating pagusapan ang suweldo dahil talagang minimum lang. Mas mataas pa nga ang suweldo ng nakababata kong kapatid na si Perry sa kaniyang trabaho bilang collector sa Lending…at pinagyayabang niya sa akin yun kasi siya, hindi tapos ng college. Choice niya yung hindi  magtapos kasi tinamad nang mag-aral at pinakinabangan na lang niya ang pagkahilig niya sa pagmo-motor sa pagiging collector. Bestfriend ni Peter si Yosee kahit na hindi sila magka-age kasi, si Yosee ang ka-age ko. Ka-batch ko siya sa public elementary school dito sa amin…pero hindi kami close noon. Ang ka-close niya ay yung mga kagaya niyang bardagul na laging pasimuno sa mga kalokohan sa school.
               High School, sa private nag-aral si Yosee. May kaya kasi talaga sila kahit noon pa. Empleayado sa DENR ang Papa niya, pero siya din ang boss sa kanilang malawak na Palayan at Maisan, malawak na Manggahan at may Poultry din sila. Ang Mama naman niya ay may puwesto ng dry goods at beauty parlor sa bayan. Yung mga nakatatandang kapatid ni Yosee ay nasa abroad kaya’t well-off talaga sila…pero walang yabang at arte si Yosee sa katawan. Napaka-simple niya at barriotic pa nga kung pumorma.
               College, nag-enroll siya ng Bachelor of Science in Agriculture major in Crop Science sa Mountain View College sa Valencia City. That time ay dalawa na lang sila ng bunso niyang kapatid na si Carmela ang naiwan dahil ang mga nakatatandang kapatid nila ay nag-stay sa Maynila at yung dalawa, panganay at sumunod sa panganay ay nagpunta sa America.
               Ako naman ay kumuha ng Bachelor in Secondary Education major in English sa BukSU o Bukidnon State University dito lang sa amin sa Malaybalay, Bukidnon. So, hindi kami schoolmate ni Yosee pero, updated ako tungkol sa kaniya dahil nga sa bestfriend siya ng bunso kong kapatid na si Perry…at nagkukuwento ito tungkol kay Yosee kahit hindi naman ako interesado.
               Vocal din si Perry noon sa palaging pakumusta daw ni Yosee sa akin…pero that time ay, wala talaga akong interes kay Yosee kasi, in-love na ako noon sa ka-klase at secret boyfriend kong si Michael.
               Nakay Michael Kuya Bono ang mga katangian ng lalaking pangarap kong maging boyfriend. Guwapo, mas matangkad sa akin, malinis sa katawan, matamis ngumiti at matalino.
               Consistent Dean’s Lister si Michael Kuya Bono, hindi siya bumababa sa Top 5. Ako, never mind. Hindi ko na-experience ang mapasali sa Deans List kasi hindi naman ako matalino at hindi ako masipag mag-aral. Masipag lang ako sa bahay, masipag akong magluto at maglinis pero tamad akong maglaba at mamalantsa,..kaya kay Mama napupunta ang mga gawaing ayaw ko.
               Balik tayo kay Michael. Kabatian ko na rin siya dati pa, naka-grupo ko din siya sa Project noong 3rd year kami pero hindi naman kami nabigyan ng chance para maging close noon. Siya ang group leader noon kaya’t naka-distribute amin na mga members nya ang kaniyang atensiyon.
               Pero noong 4th year na kami, pareho kaming na-assign sa Silae National High School para sa aming Practice Teaching. Pabor kay Michael na sa Silae kami na-assign kasi, taga-Kibalabag siya which is katabi lang ng Silae. Pero ako ay sa kabilang panig nakatira at malayo sa Silae ang sa amin.
               Mabuti na lang at nag-abroad noon ang panganay naming si Kuya Paulo. Binata pa siya noon at INIWAN niya kay Papa ang kaniyang Honda TMX 125 pero madalang namang magamit ni Papa dahil walang daanan ng sasakyan papunta sa bukid niya.
               Ang motor na yun yun Kuya Bono ang ginamit ko sa pagpasok sa Practice Teaching ko at dahil sa motor na yun ay, naging kami ni Michael.
PLAY>S2
DKB-3
               Grade 5 pa lang ako marunong na akong mag-motor. Nagsimula akong matuto sa tricycle ni Tito Tonyo na kapitbahay lang namin. Noong High School ako, nagagamit ko na rin ang motor ni Kuya Paulo kapag wala siyang sumpong. Madalas kasi ay madamot siya sa motor.
               Unang araw ng Practice Teaching namin ay nagulat pa si Michael noong makita niya akong nagpa-parking. Naka-jogging pants lang ako noon pero dala ko ang pencil cut naming paldang uniform sa Practice Teaching. Nagbihis na lang ako noon sa CR ng Faculty Room.
               May dala akong baon noon na lunch Kuya Bono pero inaya ako ni Michael sa bahay nila na nasa kabilang barangay lang naman. Sumakay kami sa motor na dala ko pero siya ang nag-drive at ako’y angkas niya. Ang sarap sa pakiramdam ‘non Kuya Bono, feel na feel kong kaangkas ako ni Michael sa buhay niya.
               Noon ay nakilala ko na rin ang magulang at dalawang kapatid niyang wala pang asawa. Bunso si Michael at…mamangha ka talaga sa mga naka-kuwardong graduation pictures ng mga kapatid niya sa kanilang dingding. Ang ayos ng pagkakahilera. Kagaya ng pagkakahilera ng mga pictures ng mga naging Mayor sa mga Munisipyo. Walo silang magkakapatid at si Michael ang bunso at picture na lang niya ang kulay sa dingding na yun.
               Malaki ang bahay nila Kuya Bono pero simple lang. Para itong Ancestral House. Malawak din ang kanilang bakuran at napakaraming tanim sa paligid. Mabait naman ang parents ni Michael. Makuwento ang Mama niya at lagi itong nakangiti. Ang Papa niya, hindi palangiti, mukhang strikto at English Speaking….pero nauunawaan ko naman  yun kasi, siya ay retired principal.
>>> 
               Naging sobrang close kami ni Michael Kuya Bono at talagang in love na ako sa kaniya pero, alangan namang ako ang manligaw? Ramdam kong caring din siya sa akin pero hindi naman nagsasalita. Eh ako, experto ako sa pagtatago ng damdamin ko kaya’t alam kong hindi rin ako nagpahalata na gustong-gusto ko siya.
               Kaya lang noong sumapit ang 21st birthday ko Practice Teacher pa kami  noon, tandang-tanda ko pa, LUNES yun at katatapos nga lang ng Flag Ceremony at nakikipagkumustahan pa lang ako sa mga estudyante ko noong biglang pumasok ang dalawang lalaking Grade 10 Students. Yung isa ay may dalang gitara.
               “Yes boy? What can I for you?” tanong ko sa kanila.
               “Haharanain ka namin maam…” sagot ng isa at yung isa’y nagsimula nang tumugtog ng gitara. Yung isa ay kumanta naman ng EVERY WOMAN IN THE WORLD NG AIR SUPPLY.
PLAY>S3
DKB-4
               Nasa kalagitnaan na siguro ng kanta noong pumasok naman si Jericho, ang pinaka-poging estudyante ni Michael at may dala itong bouquet of red roses. Tilian kami noon, oo Kuya Bono pati ako ay nakitili sa mga babae kong estudyante. Ang tamis ng ngiti ni Jericho noon….diretso siya sa akin at inabot ang bouquet ng pulang rosas.
               “Ano to, anong nangyayari?” tanong ko kay Jerico. Sumenyas siya sa pinto at doon ay lumitaw naman si Michael. Parang maiihi ako kilig noon Kuya Bono, patuloy pa rin noon ang pagkanta nung dalawa sa harapan pero noong matapos sila ay pumasok si Michael.
               “Saglit lang to guys!” Tila paumanhing sabi niya sa mga estudyante ko.
               “Ahmm…..Patrice, sa totoo lang hindi ako marunong manligaw. But…here and now…I am expressing my love to you. I LOVE YOU…..can you be my girlfriend?”
               “YES! YES!!!” narinig kong sigaw ng isang estudyante ko, una siya lang pero halos mag-chorus na sila sa pagsigaw ng YES! YES! YES!”
               “Yes…daw…” Sabi ko.
               “Gusto ko manggaling sayo. It is a yes?”
               “Michael….of course, YES!”
PLAY>S4
DKB-5
               Nakakakilig diba? Pero…hindi kami nagtagal ni Michael. Sorry to disappoint you pero,..BU-ANG kasi ako at nakakahiya ang nangyari.
               Buwan na ng March noon. 7 months na kami ni Michael noon kasi, September 22 ko siya sinagot. Gaya ng dati, umuwi kami sa bahay nila ng Lunch Time pero kararating lang namin ay nagpaalam ang katulong nila. Ang Mama ni Michael ay nag-attend daw ang Mama at kapatid niya ng kasal. Ang Papa naman daw niya ay may nilakad sa Maramag, isang bayan din yun ng Bukidnon. In short, kami lang ang tao sa bahay nila.
               Dati nang maka-serve ang pagkain namin sa mesa. Pagkakain namin ay nag-shower si Michael pero hindi muna nagbihis. Nakatapis siya ng tuwalya noong tabihan niya ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko noon Kuya Bono. Hinagkan niya ako sa labi at naging maalab yun…hanggang sa hinila niya ako sa kuwarto niya nakatabi lang ng salas. Sumama naman ako at doon Kuya Bono ay natangay na rin ako. Hinayaan ko na siyang tanggalin niya ang saplot sa katawan ko. Nakabuyang-yang na ako ng hubot-hubab sa kaniya…tapos pumatong siya. Nagulat ako noong madama ko ang kaniyang…ANO sa pagitan ng hita ko…ang tigas at parang ang laki.
               Doon ay natakot ako Kuya Bono. Bigla akong bumangon, tinulak ko siya. Dinampot ko ang mga damit ko saka ako lumabas ng silid niya. Sa salas ay magmamadali akong nagsuot ng panty ko, bra at ang palda ko…at noong sinusuot ko na ang blouse ko ay nagulat ako dahil napansin kong may nakaupo sa sofa….may hawak na diyaryo….pero sa akin nakatingin---ang Papa ni Michael.
>>> 
               Sa sobrang hiya ko Kuya Bono ay umalis ako ng walang imik sa Papa ni Michael. Bumalik ako sa school mag-isa pero hindi na pumasok si Michael nung hapon.
>> 
               Kinaumagahan ay sa BukSU kami, kasi may klase pa ako noon liban sa Practice Teaching. Noong matapos ang subject na yun ay nilapitan ako ni Mara, ka-klase ko siya at ang sabi niya;
               “May kakausap sayo….pinsan ko….PUWEDE, sama ka?” Sumama naman ako Kuya Bono kasi, alam ko namang hindi gaga si Mara. Actually isa siya sa mga campus crush sa school at lagi ding parte ng Deans List. Dinala niya ako sa library na malapit lang sa classroom namin. Doon ay nadatnan namin si Katarina. Kilala siya ng lahat kasi nag-runner up siya sa Mr. & Miss BukSO nung nakaraang taon. Pinsan siya ni Mara.
               “Hi!” Nakangiting bati niya sa akin saka niya ako pinaupo sa harap niya.
               “Ako si Katarina…..”
               “Kilala kita….” Nakangiting sagot ko.
               “Patrice right?”
               “Oo….”
               “Ahm, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Patrice. May itatanong lang ako…..”
               “Sure. Ano yun?”
               “Hindi ba nabanggit ni Michael sayo na…girlfriend niya ako?”
               >>>
               “Girlfriend ka niya?...hala. Sorry, hindi ko alam…wala, wala siyang nabanggit sa akin…ang alam ko talaga, wala siyang girlfriend…..sabi pa nga niya hindi siya marunong manligaw….”
               “Complicated kasi ang sitwayson ko dito sa school…kaya usapan namin ni Michael na, sikreto muna ang relationship namin. Akala ko OK lang sa kaniya.
               “Sorry Katarina, hindi ko alam….”
               “May estudyante ka na…kapatid ng friend ko. Yung friend ko ang nagkuwento sa akin na….sinagot mo daw si Michael infront of your class….”
               “Oo, totoo yun…pero promise, hindi ko alam na kayo….”
               “Sigh. Anniversary namin ngayon. Nasa simbahan siya…naghihintay sa akin. Hindi ko pa siya nako-confront tungkol sa inyo…and I decided na sayo ko alamin kung totoo..bago ako humarap sa kaniya…and I think, kayo nga diba?”
               Hindi ko nasagot ang tanong na yun ni Katarina.
               “It’s OK Patrice. The truth is, mahal ko si Michael pero, sa ginawa niya…pinatunayan lang niya na…hindi niya deserve ang pagmamahal ko. Pupuntahan ko siya para makipagbreak na. Mas OK na yung may closure diba?”
               “I’m sorry Karatina…promise hindi ko alam….”
               “No, it’s OK. Siguro nga…kayo talaga ang para sa isa’t-isa…and I want you to know na hindi ako galit sayo. In fact, sobrang nagpapasalamat pa nga ako kasi…pumunta ka dito at nagsabi ka ng totoo….thank you Patrice….” Pagkasabi ni Katarina yun ay nakita kong tumulo ang luha sa makinis niyang pisngi.
               Tinapik pa niya ang balikat ko noong bago siya marahang lumakas palabas ng library.
               “Tara na din…” Aya sa akin ni Mara pero ang sagot ko;
               “Mauna ka na Mara…dito lang muna ako……” Pag-alis ni Mara ay, nagisip ako ng gagawin ko kay Michael.
               Mahal na mahal ko din siya Kuya Bono kaya lang, HINDI OK sa akin ang ginawa niya,..o mga ginawa niya. Una, yung pagtatangka niyang kunin ang pagkababae ko. Pangalawa,..may girlfriend pala siya.
               Noon ko lang nakaharap at nakausap si Katarina Kuya Bono pero natantiya kong mabuting babae siya,..at nakonsensiya ako kasi…bahagi ako ng sakit na dinanas niya dahil kay Michael.
               Noon din sa library ay nagdesisyon ako. Makikipagbreak na din ako kay Michael kahit na…mahal ko siya.
PLAY>S5
DKB-6
               Hindi lang actually si Katarina ay yung attempt ni Michael na kunin ako…ang mga dahilan kung bakit, kailangan ko na din talagang iwasan siya. Isa pang major reason ay yung…nahihiya na ako sa magulang niya, lalo na sa Papa niya.
>> 
               Hiyang-hiya pa rin ako sa sarili ko Kuya Bono kapag naaalala ko yung tagpong yun na…siguro nakita ng Papa ni Michael ang buo at hubad kong katawan.
>>> 
               Hanggang sa maka-graduate kami ni Michael ay hindi na siya lumapit sa akin…at wala na rin akong pakealam noon sa dahilan niya. Then, days before graduation namin ay madalas ko silang makita ni Karatina. Minsan nga, nakasalubong ko pa sila sa corridor at nag-ngitian kami ni Katarina….at nakapagtataka Kuya Bono kasi, hindi naman ako masyadong nasaktan o nagselos. Actually, masaya ako para kay Katarina kasi…siguro ay nagawa niyang patawarin at bigyan ng pangalawang pagkakataon si Michael…at hindi niya ako inaway diba? At sa totoo lang, bagay sila ni Michael. They really look good together…
PLAY>S6
DKB-7
               So far noon Kuya Bono ay si Michael ang pina-OK na naging boyfriend ko; pinaka-guwapo, pinakamatalino, pinaka-maganda ang family background pero siya pa ang hindi ko iniyakan.
               Nakatatlong boyfriends din ako noong High School. Hindi pa K to 12 noon. Dalawa noong 3rd year then isa noong 4th year na na-extend pa ang relationship namin hanggang First Year ko sa college. Silang tatlo pero third party ang reason kung bakit ako nakipag-break. Ayoko kasi ng lalaking HINDI LOYAL AND FAITHFULL…Kaya kahit masakit, nakikipagbreak ako. Sa relasyon Kuya Bono ay idol ko ang parents ko. FIRST AND LAST LOVE nila ang isa’t-isa.
               Pareho din silang nag-abroad noong maliliit pa kami. Si Mama nag-DH sa Kuwait, then si Papa nag-Saudi naman pero pareho silang hindi nagtagal sa abroad kasi, ayaw nilang masanay na malayo sila sa isa’t-isa. Nanghihinayang sila sa mga taon na hindi nila kasama ang isa’t-isa.
               Ganon ang gusto ko. At gusto ko ng lalaking loyal at faithful…yung ako lang ang mahal at pakamamahalin.
               Oo, hindi ako kagandahan…at hindi naman ako nag-aasam ng guwapo eh. Actually, akala ko nga swerte ko lang kay Michael. Akala ko, may nakita siyang special sa akin…something na hindi nakikita sa panlabas kaya niya ako jinowa….pero na-realize ko din na…gusto lang niyang makaisa kaya siya nag-effort din sa akin.
               Then nung bakasyon, eto naman si Yosebio…o Yosee, na unang lumapit sa akin dahil kukunin daw akong muse sa team nila sa basketball. Nagdidilig ako ng halaman noon at tinapat ko sa kaniya ang sprinkler.
               “Ay bu-ang ka ba? Kagagaling ko sa basketball..mapapasma ako!”
               “Umalis ka kasi dito. Huwag mo akong pagtripan!”
               “Seryoso ako Patrice, wala kaming muse kaya ikaw na lang…..”
               “Ang sama mo noh? Porke wala kayong mahanap…mapipilitan kayong ako na lang ganon? Lumayas ka nga dito!” Sabi ko saka binugaan ng tubig kaya tumakbo sa kinaroroonan ni Perry….pero panay pa rin ang tingin sa akin at nagpapa-cute. Ngingiti-ngiti, kikindat-kindat at saka parang batang nagbu-beautiful eyes. Napapangiti ako sa kakulitan at  kakengkoyan niya pero hindi ko pinapakita. Tumatalikod ako kapag napapangiti ako para hindi niya makita at nang hindi niya isiping….napapasaya niya ako.
PLAY>S7
DKB-8
               Alam na alam ko naman na ganon ang style nila ni Perry sa babae eh. Pareho silang naniniwala sa kasabihan nilang; “IF YOU CAN MAKE A LADY LAUGH, YOU CAN WIN HER LOVE!”
               Kaya yung style ni Yosee na yun, hindi epektibo sa akin. Kaya yata nag-isip sila ng iba. Sila kako kasi, alam kong kakutsaba niya ang kapatid kong Perry. Unang araw ko ng pagtuturo sa Private High School sa bayan na sabi ko’y pansamantala lang habang hindi pa ako nabibigyan ng break sa Public School….ay, nakisuyo ako kay Perry na ihatid ako. May MIO kasi si Perry, regalo sa kaniya ni Papa noong mag-tapos ito ng High  School. Bigla siyang nagdahilan, magsi-CR lang daw kaya hinintay ko naman. Kaso paglabas niya ng CR, may LBM daw siya.
               Maya-maya’t dumating si Yosee dala ang kotse ng Papa niya. Halata sa ngiti ni Perry noon na planted ang pangyayaring yun. Sumakay na rin ako sa kotseng dala ni Yosee kahit na, hindi ako nagre-react noon sa mga pambobola niya.
               “Ang isang magandang dilag na kagaya mo, hindi dapat sa motor sumasakay….” Sabi pa niya noon pero hindi ako nag-react. Sinulyapan ko lang.
               “Mula ngayon, hatid sundo na kita….” Sabi pa niya noong bumaba na ako sa harap ng school at noong labasan ng hapon ay nandun na siya, nakatayo pasandal sa kotse at nakakaloka ang ngiti niya sa akin.
>> 
               Pinanindigan niya Kuya Bono na ihatid-sundo ako kahit noong busy na siya sa farm nila. Isa kasi siya sa mga nag-ooperate ng malalaking makina na pansaka, in short, sa sarili nilang farm niya ginamit ang pinag-aralan niya. Hindi siya nag-apply sa iba.
               Tuwing Sabado at Lingo, nasa bahay din siya kahit wala si Perry, ako ang ina-alaska. Hanggang sa napansin kong parang seryoso na siya pero dinadaan lang sa biro. Wala na ring babaeng nali-link sa kaniya noon, ayon sa mga kaibigan ko dito sa baryo….at ayon din mismo kay Perry.
               “Seryoso yun sa’yo. Alangan namang gagaguhin ka nun eh…tropa ko siya. Hiya na lang nun sa akin….” Ito pa ang sabi ni Perry sa akin noong minsang, tinanong ko kung wala na talagang babae si Yosee.
               At yun nga, sinagot ko na rin kahit na…may duda pa ako noon sa kaniya at hindi ko pa siya ganon kamahal.
>>> 
               Pero habang nagtatagal Kuya Bono ay unti-unti siyang napamahal sa akin. Nakasanayan ko ang kautuan niya,….kasi, sa kabila ng mga kalokohan niya Kuya Bono ay mabait siya, may isang salita at marespeto.
               Lagi niya akong hinahagkan pero sa pisngi o noo….at kung sa labi naman ay smack lang….at hindi ko namamalayan Kuya Bono na,…talagang mahal na mahal ko na siya. Yung tipong, siya na talaga ang gusto kong makasama sa habang-buhay.
PLAY>S8
DKB-9
               Noong kaga-graduate ko pa lang ng college ay kinukumbinsi na ako nina Alice at Gwen…mga pinsan ko na mag-call center din sa Maynila. Si Gwen, hindi nga college graduate eh, second year lang sa Nursing ang naabot niya.
               Noong kasal ni Ate Mayet na pinsan ko din, kapatid ni Alice ay umuwi sina Gwen at Alice kasi mga abay din sila kagaya ko, partner ko din noon si Yosee at, sakto pang SECOND anniversary namin noong ganapin ang seremonya ng kasal nina Ate Mayet at Kuya Kris sa simbahan.
               “Next year, tayo naman pakasal…” Narinig kong sabi ni Yosee noong kami ay nagma-martsa sa aisle ng simbahan. Hindi ko yun pinansin kasi, palabiro nga siya at baka biro lang niya yun…pero seryoso pala siya.
               Kinagabihan kasi, sa handaan ay inulit niya yun sa akin kaya ang tanong ko;
               “SERYOSO ka ba?”
               “Oo, bakit? Nasa tamang edad naman na tayo ah. 24 na tayo pareho….”
               “Masyadong maaga Yosee. Ganiyan dapat kina Ate Mayet,…27 siya…28 naman si Kuya Kris….”
               “Ayaw mo di huwag!” Ganito ang narinig kong sagot niya at bahagyang nakasimangot. Hindi ko na lang pinansin.
>>> 
               At dalawang taon na akong nakapila sa ranking Kuya Bono pero, wala pa ring good news. 2 years na rin akong nagtitiis sa kakarampot ng pasuweldo sa Private School sa bayan….at iyon ang dahilan kung bakit, nakumbinsi na ako ng tuluyan nina Alice at Gwen na mag-apply din sa Call Center kung saan sila nagta-trabaho.
               Ang alam ko Kuya Bono ay, hindi naman talaga ako materialistic na tao pero, nakakainggit din kasi talaga ang mga pinsan ko. Iba sila manamit, iba silang kumilos at magsalita since nag-call center sila,…tapos ang mga gamit nila, alahas, cellphone…mga mamahalin talaga.
               Ang reason ko talaga noon kung bakit ako umaayaw sa anyaya nila ay, ayoko mapuyat gabi-gabi. Kaya lang sabi  nila, nakakasanayan naman daw yun…at hindi naman sila dry Kuya Bono, fresh skin nga sila eh kasi bumabawi naman daw sila ng tulog sa araw.
               Nag-decide akong sumama sa kanila…pero noong magpaalam ako kay Yosee, matigas ang kaniyang PAGTUTOL…pero wala siyang nagawa kasi, katawan ko, sarili ko ang boss ko sabi ko pa sa kaniya…at lalo pa akong nagmatigas noong sabihin niyang; “Pag umalis ka, manliligaw ako sa iba!” At ang sagot ko;
               “Eh di manligaw ka!”
PLAY>S9
DKB-10
               Noong mga unang buwan ko sa Maynila Kuya Bono, lalo na noong training days ko pa lang….madalas kong maisip si Yosee. Liban din sa, napaka-kulet sa text at chat at pinapauwi ako…pero nagmamatigas ako, sabi ko hindi ako uuwi. Hindi na niya inulit yung banta niya na manliligaw sa iba.
               Sa totoo lang, umiyak siya noong paalis na kami papuntang Maynila at ang higpit ng hawak niya sa  kamay ko na parang bang, ayaw talaga akong paalisin.
>>> 
               Nasabay nga ako sa buhay KUWAGO Kuya Bono, gising sa gabi, tulog sa araw…at hindi ko namamalayang, tuluyan ko nang napabayaan si Yosee. Hindi kasi ako puwedeng magbabag sa chat o text sa gabi kapag nasa trabaho ako at sa araw naman, siyempre tulog ako maghapon….at sa pagdaan ng mga araw Kuya Bono ay, totally wala na. Kahit si Perry, hindi na rin nagkukuwento tungkol kay Yosee.
               Pero isang araw, 7 months na ako noon sa Maynila at chinat ko ang kapatid ko. Kinumusta ko si Yosee. Ang reply niya sa akin;
               “Ate…ang relasyon inaalagaan. Hindi yung kukumustahin mo lang kapag may time ka….” Hindi na ako nag-reply. Ramdam ko kasi na disappointed sa akin si Perry. Hinayaan ko na lang Kuya Bono at, sa totoo lang ay….hindi ako nagkaroon ng pagkakataon noon na mag-emote kasi,..mas pinili kong matulog kesa sa mag-isip ng kung ano-ano. Pero with all honesty, hindi ito ibig sabihin na….hindi ko na mahal si Yosee. Mahal ko siya pero, wala lang talaga akong time…AT magkaiba nga kasi ang FREE TIME namin. Gising siya sa oras na tulog ako and vice versa.
PLAY>S10
DKB-11
               Hanggang sa, napako na rin ako sa buhay call center Kuya Bono. Nakigaya na ako sa mga pinsan ko na naging materyosa at nahilig sa mga mamahaling items na…kadalasan ay pinapangutang lang naman pala. Kaliwat-kanang LOAN AND INSTALLMENT.
               Sumapit ang pasko, hindi ng kami nakauwi…ganon din noong sumapit ang HOLY WEEK, may pinili naming magpipinsan ang sumama sa Palawan.
               LIMANG ARAW ang bakasyon na yun sa El Nido Kuya Bono at noon ko nakilala si RICO, sa facebook.
               Napansin kong marami na pala siyang message sa akin dati pa. Nakita ko sa message request. That day sa El Nido ay kinonfirm ko na rin ang Friend Request  niya kahit napansin kong lilima ang pictures niya. Sabi niya, hindi daw siya mahilig sa camera. Sabi ko, bakit naman eh ang guwapo mo nga.
               “Mas gusto ko sa text at call kaya…puwede, pahingi ng  number mo?”
>>> 
               3 months lang siyang nanligaw sa text at call Kuya Bono, sinagot ko na si Rico. Gising pa siya kapag ala-una ng madaling araw na siyang BREAK TIME namin. Saka pa lang siya matutulog pagkatapos naming magusap.
               Sa umaga, alas nuwebe…naging pampatulog ko ang kanta niya. Naka-loud speaker lang ang phone ko, kumakanta siya at naggigitara. ISA YUNG TALENT NIYANG yun Kuya Bono, ang husay niyang maggitara at ganda ng boses niya pagkanta…na naging dahilan kung bakit ako nahulog sa kaniya kahit hindi pa kami nagkita sa personal.
               Kapag matutulog na ako sa umaga,..tatawagan ko siya.
“Malko,HELE TIME NA”…Sabi ko. Siya ang nakaisip ng tawagan naming yun. MALKO..na shotcut ng MAHAL KO. At kapag tinawagan ko siya sa umaga at matutulog na ako, kahit anong ginagawa niya, ititigil niya at kakantahan niya ako hanggang sa makatulog ako.
PLAY>S11
DKB-12
               Kaya lang, natapos din ang relasyon namin ni RICO. Parang nagising na lang ako sa katotohanan na, nakikipaglokohan lang ako sa kaniya. Ilang beses ko na kasing inaya na mag-kita kami sa personal pero, puro palusot siya. Hanggang blinock ko na lang bigla sa PHONE pati sa Facebook.
               Nakakalungkot lang kasi, kinailangan kong magadjust noon sa nakasanayan ko nang HELE TIME ko sa umaga para makatulog. Pero, naka-move-on din ako…at OK na ako noong bago pa magsimula ang PANDEMIC.
               JUNE 2020 noong mag-announce ang company na, WALA MUNANG PAPASOK…pero may ilan na nabigyan ng unit para makapag-work from home. Kasama dun ang mga pinsan ko na talaga kasing magagaling na sa larangan ng call center.
               Ako, wala akong choice noon kundi umuwi muna dito sa amin….NOONG JUNE 8, 2020…..AT HINDI KO INAASAHAN KUYA BONO NA….muli pa lang mabubuhay ang pag-ibig ko para kay YOSEE.
               After 2 years na hindi kami nagkita,…I never expected na sa muling PAGTATAMA ng  paningin namin ay…may luhang papatak mula mga mata namin.
PLAY>S12
DKB-13
               Nangyari ang muli naming pagkikita ni Yosee noong kararating ko lang ng Malaybalay. Kababa ko lang ng tricycle noon mula sa bus stop, papunta sa TODA ng aming barangay, at yun nga…kabababa ko lang ng tricycle ay kaagad si Yosee ang nakita ko na noon ay naglalagay ng akung ano sa compartment ng kaniyang motor, may kasama siyang babaeng seksi at maputi na nakatingin din sa compartment ng motor. Kahit naka-face mask siya Kuya Bono ay kilalang-kilala ko siya, sa lahat ng anggulo. Noong isara ni Yosee ang compartment ay sa akin napunta ang paningin niya at doon ay…nagkatitigan kami.
               Nakita kong nagpunas siya ng luha. Kinausap siya ng babaeng kasama niya at ako’y sumakay na rin sa naka-parking na tricycle ng itinuro ng lalaki. Sa sulok ng mga mata ko’y nakita kong umalis na si Yosee kaangkas ang babaeng maganda….at noon ay tumulo na rin ang aking luha.
               Na-miss ko siya….at mahal ko pa. At hindi ko inaasahan ang pagdating niya sa bahay namin kinagabihan pero, iba na siya. Hindi na siya yung maingay at masayahing Yosee na nakilala ko noon, kasi nung gabing yun ay seryoso siya.
               “Kumusta ka na?” ito ang una niyang tanong sa akin.
               “OK lang…..ikaw? Mukhang maganda yung kasama mo kanina ah…..”
               “Si Trisha. Hindi mo naman nakita ang buong mukha niya ah…..hindi siya maganda, hindi mo siya kasing ganda pero mabait siya…..”
               “Maputi naman saka seksi…..”
               “Ahm….Patrice, kaya ako nagpunta dito kasi….napagusapan ka namin ni Trisha kanina. Actually, nag-away kami…noong malaman niya na….HINDI PA TAYO OFFICIALLY BREAK…..at walang closure ang relasyon natin noon…..”
               “Tapos….”
               “Eh….” Natigilan siya sa pagsasalita. Tumitig siya sa mukha ko.
               “Ano, hihingi ka ng closure Yosee. Paano kung, hindi ko ibigay sayo ang closure na gusto mo?” Muli siyang napapatig sa mga mata ko.
               “Anong gagawin mo kung ayaw kong magbigay ng closure Yosee?”
               “Ano namang dahilan para hindi mo ibigay?”
               “Paano kung….gusto ko nang bumawi sa mga pagkukulang ko sayo Yosee…kasi mahal pa kita at mangangako ako na hindi ako aalis ulit…at handa na akong pakasalan ka….”
               “Ganon ba kadali yun para sayo Patrice?”
               “Valid naman siguro ang dahilan kung bakit kita napabayaan Yosee eh diba? Pinaunawa ko naman sayo yung naging trabaho ko…..”
               “Patrice dalawang taon na ang nakaraan mula noong balewalain mo ako. Nagmakaawa pa ako sayo noon na huwag ka nang umalis….”
               “Nagsorry naman ako sayo noon diba Yosee?...at sabi ko nga, babawi ako….hindi na ako aalis ulit, magpakasal tayo…..”
               “Oo, inaamin kong mahal pa rin kita Patrice pero…paano naman si Trisha? Naibigay na niya ang lahat sa akin. Mahal niya ako…mahal na mahal at hindi ako kagaya mo na handang iwanan ang mahal niya para sa iba…..”
               “Yosee, tao  lang tayo, nagkakamali sa mga desisyon natin….pero ang mahalaga handa tayong magsisi at bumawi….at babawi ako sayo…..”
               “Huli na Patrice. Nasubo na ako kay Trisha. Ikakasal na kami…..at kahit hindi mo ibigay sa akin ang closure na hinihingi ko….OK lang sa akin. Sige, aalis na ako….”
>> 
               Pagkasabi niya nun Kuya Bono ay tumayo na siya at walang lingon na tinungo ang gate namin…pero sinundan ko pa rin siya ng tingin hanggang sa mawala na siya paningin ko.
PLAY>S13
DKB-14
               Sa kagagahan ko Kuya Bono ay nagpatulong pa ako kay Perry. Gusto kong ma-win back si Yosee pero, sinupalpal lang din ako ng kapatid ko.
               “Umalis-alis ka pa kasi? Anong napala mo sa Maynila? Ni hindi ka nga nagpadala ng suweldo mo kahit minsan kina Mama ah, tapos ngayon uuwi-uwi ka at guguluhin mo si Yosee? Tanga ka? Pinabayaan mo tapos gusto mong balikan ka?!”
>>> 
               Nakakatakot ang Covid 19 Kuya Bono ay nagdulot din ito ng…distansiya sa bawat isa…pero makaraan ng ilang buwan at taon, ngayon ay OK naman na. Halos bumalik na tayo sa normal na buhay natin….pero yung sa amin ni Yosee,..hindi na nabalik. At kahit masakit ay tinanggap ko na lang. May imbitasyon pa ako noong kasal nila kahit na, bilang na bilang lang ang imbitado dahil….bawal pa noon ang mga pagdiriwang na dadaluhan ng maraming tao. Ginanap ang kasal sa FARM nila, parang Garden Wedding….pero nalaman ko lang ito kay Perry kasi, hindi naman ako nagpunta. Pinili kong huwag nang dumalo dahil baka…umiyak lang ako doon.
>>> 
               Hindi ko first time ma-brokenhearted Kuya Bono pero, dobleng hirap pala ang masawi sa panahon ng pandemya kasi, wala kang magagawa kundi magmukmok lang. Hindi ka puwedeng lumibot sa mga kaibigan mo para mabawasan mang lang sana ang kalungkutan mo.
>> 
               So I had no choice kundi ang magmukmok. Kain-tulog sa bahay ng ilang buwan at noong OK na ulit ang pandemic taong 2021 ay nag-open na ulit ang call center pero, hindi na ako pinayagan ni Papa na bumalik ng Maynila. Magturo na lang daw ako kahit sa Private School lang ulit pero, hindi na doon sa pinagturuan ko noon dahil nagalit sila sa akin na sa text lang ako nag-resign. Biglaan lang kasi ang pagalis ko noon.
               Nag-pa-ranking na lang ulit ako nag-apply sa ibang school pero dahil MODULAR ang klase ay hindi naman ako natanggap. In short naging tambay ako sa dito sa bahay sa mga sumunod pang buwan hanggang sa biglang may nag-text sa akin, bagong number.
               “Hi Patrice. Kumusta? Sana hindi ka na galit sa akin….” Ganito ang text niya.
               “Who are you?” reply ko.
               “This is me, RICO…at handa na akong magpakita sayo…..”
PLAY>S14
DKB-15
               Na-curious akong masyado kay RICO Kuya Bono dahil sa mga sunod-sunod na pag-amin niya. Una, kilala daw talaga niya ako noon pa…at taga dito lang din siya sa Malaybalay.
               “Sino ka ba talaga? Wala naman akong kilalang Rico?” Tanong ko pero ang sagot niya.
               “Magkita tayo bukas sa Kaamulan Park. Dun sa garden sa may FOLK ART THEATER…doon ako magpapakilala sayo….”
               “Michael, ikaw ba yan?” tanong ko pa pero ang sagot niya;
               “Basta, bukas….5PM, makikilala mo na ako…..”
               “Bakit ba may pasuspense ka pa kasi?” reply ko pero ang sagot niya;
               “Basta, tandaan mo Patrice, mahal na mahal kita….at sana kapag nakita mo na ako, please….ibalik mo yung dating pagmamahal mo sa akin…..”
               “Michael, ikaw nga yan noh?”
               “Basta, bukas Patrice dun sa garden ng folk art theater. May mga upuan doon….doon kita hihintayin…..”
>>> 
               Kinabukasan nga Kuya Bono ay sinakyan ko ang motor ng Kuya ko at mag-isa akong nagpunta sa Kaamulan Park at doon sa garden ng FOLK ART THEATER AY…wala namang tao. Medyo madami ang tao sa park pero doon ay wala. BAKANTE ang mga concrete bench doon.
               Gayunpaman ay umupo pa rin ako doon at nagsimula akong mag-text kay RICO pero hindi siya nagrereply at noong tawagan ko ay naka-OFF ang cellphone niya. Naka-data ako noon Kuya Bono kaya’t nag internet na lang ako kasi sabi ko, maghihintay ako kahit 10 minutes lang. Naglaro ako ng Tongits Go muna na siya kung kinaaadikan noon pero nabuset lang ako dahil sunod-sunod na talo at yung isang kalaban ko’y kaagad pang nagdo-draw kaya madalas ay nabe-burn ako.
               WALA PANG 10 minutes noong marinig ko ang tugtong ng gitara sa gawing LIKOD ko…at paglingon ko’y isang napakaguwapong BINATA ang tumutugtog ng gitara…at kaagad ay kinatahan ako…..kantang minsan na niyang kinanta sa akin noon PERO hindi niya kinanta bilang PANGHELE sa akin noong nasa Maynila pa ako.
               Pinanood ko siyang kumanta,…pero hindi niya tinapos dahil alam kong ramdam din niyang ang dami kong itatanong sa kaniya….pero noong tumigil siya sa pagkanta ay siya ang unang nagsalita.
               “RICO ang palayaw ko…at yung mga pictures sa facebook ko ay…PICTURE ng Kuya kong namatay. I’m sorry kung nagsinungaling ako sayo…PERO YUNG DAMDAMIN KO….YUNG MAHAL KITA…ay hindi kasinungalingan….Mula pa noong 4th year ako…palihim na kitang minahal…..at nagsimula iyong damdamin kong iyon noong utusan kami ni SIR MICHAEL na haranain ka sa classroom niyo…..”
               “Eh Jericho…..alam mo naman sigurong…..malaki ang agawat ng edad natin….”
               “4 year lang, hindi malaki yun and besides….IN LOVE, AGE DOEST MATTER…..”
               “OK,..pero nagulat talaga ako….”
               “I’m sorry…at pasensiya ka na kung…HINDI NA KITA TATAWAGIN NG MAAM HA….KASI, gusto ko na yung dati nating tawagan….Malko…puwede ba…balik tayo sa dati?”
PLAY>S15
DKB-16
               Sa ngayon Kuya Bono ay, going strong naman kami ni JERICO. 5 months pa lang mula noong magkabalikan kami pero,…ayoko nang humiwalay sa kaniya, ganon din siya actually. DEDMA na lang din ako sa age gap namin kasi, hindi naman masyadong halata. SO FAR ay wala pa namang nagkamaling sabihing mag-ATE kami or something.
               May appointment na rin ako Kuya Bono sa isang public school pero sa August 2022 pa ako magre-report. Si Rico ay nagta-trabaho sa BANKO pero, hindi siya nagkukulang ng oras sa akin. We see to it na nagkikita at nagkakasama kami araw-araw. OPEN NA SIYA DITO SA BAHAY AT GANON DIN AKO SA KANILA. Actually, gusto na nga ng parents niya na magpakasal na kami kasi atat na silang magkaapo.
               Only child na lalaki kasi si Jerico at panganay pa. Sabi ko naman, bigyan ko lang ng isang taon pa si Jerico…at kapag hindi nagbago eh di, papapasal na kami. Siya lang naman ang iniisip kong baka magbago pa kasi, bata pa nga….pero ako, natuto na ako…I WILL NO LONGER TAKE LOVE FOR GRANTED. Ibibigay ko ang lahat ng panahon at oras na kaya kong ibigay kay Jerico, siyempre ang akin ding love and honesty sa kaniya.
               Si Yosee, happy  naman. Di pa kami nakakapagusap pero nakikita ko siya lagi, madalas ay kasama niya ang buntis niyang asawa.
               Si Michael naman ay nasa Thailand, doon siya nagtuturo ng English. Nagkaka-chat kami,. Single pa siya pero….nakakapagduda siya ngayon kasi, parang lumambot siya at lagi ay mga guwapong lalaki ang kasama niya sa mga posts niya.
               Anyway, bago pa ako maging Marites ay tapusin ko muna ang aking kuwento Kuya Bono. Special SHOUT OUT na lang sa MALKO, HE IS one of your avid listener….lalo na sa SIT kasi, may gusto daw niya ang mga tema ng mga kuwento doon…at saka, maiiksi lang kasi…pero ako, I LOVE ALL YOUR CHANNELS AT LAHAT NG KUWENTO…NAPAKINGGAN KO NA….at sana, one day ay ito namang kuwento namin ang mapakinggan ko.
               Umaasa at nagpapasalamat,
               Patrice
Tumblr media
2 notes · View notes
kuyabonoforyou · 7 months
Text
0 notes
kuyabonoforyou · 7 months
Text
DEVIN'S STORY
Dear Kuya Bono,
          May pagkakataon sa buhay ko, tatlo o apat na taon na ang nakararaan, naiihalintulad ko ang sarili ko sa puno ng Mangkono, dahil matibay ako.
          Pero akala ko lang pala yun. Dahil kapag nagsimula kang magbago, magpakabuti, lalambot din ang puso at buong pagkatao mo.
          Sabi ko din noon, sarado na ang mundo ko. Titigil na ako. Dito na lang ako, mamumuhay na parang isang punong kahoy na nakatayong magisa. Makikita mo, malalapitan mo, mapapakinabangan mo, puwede mong gawing kaibigan pero, dito lang ako. Gaya ng puno, hindi na ako aalis dito.
          Ako si Devin, dating Devin the Devil. Pero nagbago na ako. Napakalaki na ng pinagbago ko. Yung nakaraan ko, masusulasok ka sa kapangitan nito…pero itong buhay ko ngayon, gusto kong ibahagi sa inyo, kaya sana pakinggan niyo ang aking kuwento.
PLAY>S1
DKB-2
          Yang intro na yan Kuya Bono ay kay tagal kong pinagisipan kaya palakpakan niyo naman. Mautak kasi ako pero hindi ako matalino. Hindi rin ako native na tagalog. Marunong lang akong magsalita pero hindi ako dalubhasa sa pagsusulat kaya alam kong marami kang makikitang sablay sa mga spelling ko. Pakitama at pakiayos na  lang Kuya Bono.
          Ayon sa mga source, isinilang ako sa San Jose, Occidental Mindoro. Subalit lumaki ako dito sa isang bayang nasasakupan ng Isla ng Palawan. Hindi ko na lang babanggitin ang lugar dahil, parang nagtatago pa rin ako.
          Pinalaki ako ng isang teacher na bakla kaya siya ang nakagisnan kong magulang. Noong Grade 4 na ako, inamin niya sa akin ang totoo na, hindi siya ang ama ko kundi, kaibigan lang niya dati ang Nanay ko na siya ring parang katulong niya. Nagkasama daw sila ng matagal sa Mindoro. Nabuntis sa pagkadalaga ang Nanay ko pero wala siyang kakayahang arugain ako kaya’t ang ending, pinaampon niya ako sa baklang teacher na itago na lang natin sa pangalang Papa Loy.
          Mula pa noong tumuntong ako sa elementarya, nakaranas na ako ng pambu-bully dahil kay Papa Loy. Hindi lang dahil sa isa nga siyang bakla kundi dahil, talagang maaskad ang kaniyang itsura. Hindi sa pamimintas dahil mali na pintasan ko siya kasi marami akong utang na loob sa kaniya, pero maraming bata noon ang natatakot sa mukha niya. Yung baklang Diego sa Bubbleng Gang, malayong mas maganda pa yun kesa kay Papa Loy. Liban sa maitim, pandak pero malaki ang katawan, mataba pa ang ilong, makapal ang bibig at matapang ang mga mata.
          Hindi ko itatanggi Kuya Bono na, kinasuklaman ko ng sobra ang mukha ni Papa Loy at ang buong pagkatao niya dahil, binaboy niya ako.
>>> 
          Una noong Grade 5 ako. Ginawa niya iyon habang tulog ako. Nagising akong sakmal-sakmal niya ang patotoy ko. Naglayas ako noon, naging palaboy ng tatlong araw.
          Nahanap niya ako at dahil nanghihina na ako noon sa gutom ay nagawa niya akong i-uwi. Nangako siya na hindi na niya uulitin ang ginawa niya.
          Pero totoo yun dahil noong First Year na ako sa High School, nabuksan pa rin niya ang pinto ng kuwarto ko at nagawa niyang ulitin ang kahayukan niya. Noon na ako naglayas ng tuluyan. Isinumpa kong hindi na ako babalik sa poder niya. Hindi ko pa rin alam noon kung paano ako mabubuhay pero sabi ko noon sa sarili ko, bahala na!
PLAY>S2
DKB-3
          Noong palaboy ako, hindi nawawala sa isip ko yung pag-aasam na sana,  makita ko ang Nanay ko. May pagkakataon kasi noon Kuya Bono na, ginusto ko ulit ang mag-aral. Nasa Puerto Prinsesa ako noon. Nakarating ako doon sa paglalakad at pasabit-sabi lang sa mga sasakyan. Malayo kasi ang pinanggalingan kong bayan.
          Iniisip ko noon, kung makikilala ko ang Nanay ko. Siya ang pupunta kay Papa Loy upang kunin ang card ko. Matalino kasi ako noon Kuya Bono. Mula Grade 1 hanggang Grade 4, ako ang First Honor. Tinutukan kasi ako ni Papa Loy na isa ngang teacher kaya’t naging bibo ako. Nagsimula lang akong tamarin mula noong ginawan ako ng masama ni Papa Loy. Inilayo ko ang sarili at loob ko sa kaniya mula noon.
>>> 
          Sa Puerto Prinsesa nahubog ang katatagan ko bilang isang tao. Noong una, kung saan-saan lang ako natutulog hanggang sa kupkupin ako ng ni Tatay Baldo na isang tindero ng isda sa palengke. Mabait siya pero hayup ang asawa at mga anak niya, lalo na ang panganay na si Kuya Mike. Si Kuya Mike ang unang taong nasaktan ko ng pisikal dahil hindi ko natiis ang kalupitan niya. Isang araw ay nilabanan ko siya pero may hawak akong tubo kaya, kahit malayong mas malaki siya at tumumba siya at duguan.
          Lumayas ulit ako noon. Bumalik sa lansangan hanggang sa may naawa ulit sa akin at kinupkop ako. Sa suma tutal Kuya Bono ay pitong tao ang sinamahan ko, pero napakaraming sumubok, karamihan sa kanila ay mga bakla pero ni isang bakla ay wala akong sinamahan dahil, masama ang tingin ko sa kanila. Alam ko na kasi kung ano ang motibo nila.
          Hindi kasi sa pagyayabang, pogi ako noon. Likas akong maputi at maganda ang partes ng mukha at katawan ko, at pati si Manoy ay may kalakihan din. Ayon kay Papa Loy, minana ko daw yun sa Tatay kong Aleman, kaya ako ay kalahating Pinoy, Kalating Aleman.
          Hindi ko pa alam kung ano ang Aleman noon at namali pa nga ako ng bigkas. Anemal po?
          “Hindi! Aleman…” Pagtatama ni Papa Loy.
          “Ano po ba yun?”
          “Ang Aleman ay tagalog ng German…..”
PLAY>S3
DKB-4
          Maliit pa ako’y nakikita ko na rin na iba ang itsura ko kumpara sa ibang bata. Kahit kasi itim din ang buhok ko ay matangos ang ilong ko at mapusyaw ang balat ko. Hindi rin ako tinuruan ni Papa Loy na magsalita ng Cuyonon. Tagalog ang salitang kinalakhan ko, tamang tagalog at malalalim pa dahil pinerpek ni Papa Loy noon ang pagtatagalog dahil siya nga ay Filipino Teacher na bisaya.
          Challenge daw noon sa kaniya bilang isang Bisaya ang pagtatagalog kaya siya kumuha ng kursong Teacher major in Filipino.
          Kaya maliit pa ako’y nakamulatan ko na ang tagalog at habang lumalaki ako ay nagkakaroon ng impresyon ang ibang tao na, laking Maynila ako. Kasi nga Cuyonon ang salita nila na hindi ko naiintindihan at ako naman ay tagalog.
>>> 
          Pero liban sa itsura at pananalita ay masipag din ako at magalang sa mga taong kagalang-galang. Pero ang kagalang-galang para sa akin ay hindi yung propesyunal ang dating. Malinis manamit, mayaman. Hindi. Ang kagalang-galang para sa akin noon ay kagaya nina Tatay Baldo na siyang unang umampon sa akin. Kahit simple lang siya, pangit din at laging mabaho, saludo ako sa kaniya dahil mabuti siyang taon. Ganon din si Tatay Roko, Nanay Pilar at Tita Anya na ilan sa mga kumukop din sa akin noon. Kahit mga simpleng tao lang sila, kagalang-galang at karespe-respeto sila para sa akin dahil mabubuti silang tao.
          Si Tita Anya ang huling kumukop sa akin. Nagtitinda rin siya dati ng sa palengke. Isa siyang tomboy pero namatay siya sa sakit na Breast Cancer.
          Matagal ko siyang nakasama pero hindi ko alam na may malala pala siyang sakit dahil, napakamasayahin niya. Ang daming tawanan, kulitan, asarana kapag nasa mood siya. Ang dami kong jokes na natutunan sa kaniya.
          Kahit nga nasa ospital siya noon bago siya mawala, nag-joke pa siya sa akin. Ang sabi niya;
          “Devin, ibibilin ko sa yo ang binilin sa akin ng taong umampon sa akin noon. Matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa…”
          Alam mo ba Devin, sinagot ko siya noon. Ang sabi ko;
          “Eh kanino po bang paa itong naka-kabit sa akin? Hindi ko ba sariling mga paa ito?”
          Nagtawanan pa kami noon kahit na alam kong nanghihina siya at nilabanatan lang niya ang sakit sa katawan niya.
          Hindi siya ma-drama Kuya Bono pero matindi kung magalit. Marami akong dinanas na sakit ng katawan kay Tita Anya pero, siya lang ang hindi ko nilayasan ng tuluyan. Nilayasan ko siya ng ilang beses pero, binabalik ko din. Hindi lang dahil hindi  niya ako hinahanap kundi, iba kasi siya Kuya Bono. Noon din kasi ay nagsisimula na akong maging mas mature at nauunawaan ko na na, kaya niya ako napagbubuhatan ng kamay dahil, kasalanan ko din. Kaya kapag hindi na ako galit, bumabalik ako sa kaniya.
          Sa madaling salita, kay Tita Anya ko naramdaman yung pagmamahal at pagpapahalaga. Nawala yung yabang o pride ko sa kaniya. Kaya kahit bugbugin niya ako noon, hindi ako lumalaban, lumalayas ako pero binabalikan ko siya at nagso-sorry pa ako na parang bata. Siya lang sa lahat ng umampon sa akin ang nilalayasan ko pero  binabalikan din, pero yun nga…siya naman ang nang-iwan sa akin.
PLAY>S4
DKB-5
          Matapos ang libing ni Tita Anya, umalis din ako dahil ang bahay niya ay pinag-interesan ng mga kapatid niya. 16 na ako noon at matikas na ang pangangatawan ko. Nakapasok na rin ako sa iba’t-ibang klaseng trabaho. Carwash, Gasoline Boy, Tindero, Pahinante at kung ano-ano pang trabaho. Hindi kasi ako makapasok sa mas disenteng trabaho dahil ni ID ay wala ako. Natanggal nga ako sa Gasoline Station dahil hinanapan ako ng kung ano anong dukumento.
>>> 
          Edad disi-otso Kuya Bono ay, nalulong ako sa isang babae. Siya Karlen. Ang babaeng masasabi kong una kong inibig. Pero hindi siya ang una kong girlfriend dahil kahit noong dose anyos pa lang ako ay nagka-GF na ako. Ganon din noong palaboy pa ako sa Puerto Princesa, kahit madungis ako noon ay may mga nagkakagustong babae sa akin. Suma tutal, mula noong dose anyos ako hanggang maging kami Karlen ay trese na babae muna ang dumaan sa buhay ko. Pero kay Karlen talaga ako nagseryoso dahil sa tingin ko noon ay nasa kaniya ang lahat ng kalidad ng babaeng gusto ko.
          Wala ding pamilya si Karlen. Isa siyang sales lady noon kaya’t inalok ko ang sarili ko para maging katuwang niya sa buhay. Nagsama kami sa isang paupahang kuwarto at dahil sa kagustuhan kong bigyan siya ng maginahawang buhay ay napasama ako sa masasamang elemento. Noon na ako natawag na Devin the Devil dahil, naging masama talaga ako.
>>> 
          19 na ako noong mapasabak kami sa isang krimen na naging dahilan para magtago kami ng ilang Lingo dahil wanted kami sa Pulis. Nung OK na, umuwi na ako pero hindi ko nagawang magsinungaling kay Karlen dahil mahal na mahal ko siya at alam kong dapat akong maging matapat sa kaniya. Nagalit siya noong malaman niyang involved ako ganon. Makaraan ng isang Lingo, inaya akong lumipat ni Karlen sa Coron pero ginuwardiyahan niya ako kaya hindi na ako nakagaya ng masama. Nagtrabaho ako pero barya barya ang kita, hanggang sa inaya na niya akong umuwi na lang sa kanila sa San Jose, Mindoro Occidental. Gustong-gusto ko naman dahil alam kong  tagaroon ang Nanay ko at hanggang  noon ay hindi pa rin nawawala yung pag-asam kong makita at makasama siya.
>>> 
          Hati ang pamilya ni Karlen sa pagturing nila sa amin. May mga gustong-gusto ako, meron din ayaw sa akin. Ang masaklap, Nanay ni Karlen ang numero unong ayaw sa akin dahil lang sa, wala akong tinapos at wala akong trabaho. Pero ang Papa ni Karlen, hindi nagsasalita at hindi rin nagpapakita ng maganda o pangit sa amin. Parang wala siyang pakealam.
          Malaki ang pamilya ni Karlen. Nakisiksik lang kami pero ayos lang sa akin yun kasi, sa langsangan nga dati nakakatulog ako. Sa bahay pa kayang may dingding at bubong?
          Masakit magsalita ang Nanay ni Karlen. Almusal namin noon ang bunganga niya pero tiniis ko dahil kay Karlen. Nagtrabaho na lang kami ni Karlen noon para magkaroon kami ng sarili naming pera at makapag-abot din ng ambag sa Mama niya. Gusto ko ding mag-ipon noon dahil kahit 19 pa lang ako ay gusto ko na talagang magkaanak kami ni Karlen, pero lingid sa kaalaman ko ay nagpi-pills pala si Karlen. Nagalit ako sa kaniya noong malaman ko iyon. Nagaway kami pero dahil mahal na mahal ko siya ay walang siyang sinasabi na hindi ko tinatanggap o inuunawa.
          Tapos biglang sumulpot si Terrence na matagal na daw may gusto kay Karlen. Pitong taon  ang tanda ni Terrence kay Karlen. Isa siyang Mining Engineer nagtatrabaho sa Africa. Wala siyang itsura pero sa pustura pa lang, makikita mo agad na mapera siya.
>>> 
          Tiwala naman ako kay Karlen noon na hindi niya ako ipagpapalit kay Terrence kahit na construction boy lang ako noon. Kaya lang ang Nanay ni Karlen, kahit nakaharap ako ay sinasabi niya kay Karlen na, si Terrence daw ang asawahin nito dahil mabibigyan daw siya ng buhay na maalwan at masagana.
          Sumasama ang loob ko noon. Napabilang ang Mama ni Karlen sa mga taong kinasusuklaman ko. Kung puwede ko nga lang siyang  bugbugin noon, ginawa ko na.
          Pero natuwa ako kay Karlen noong sabihin niyang;
          “Umuwi ka kasi sa inyo. Kunin mo ang birth certificate mo, lahat ng papeles mo…para makapagpakasal tayo…”
>>> 
          Nag-ipon ako ng pera Kuya Bono para makauwi kay Papa Loy at nang makuha ko ang mga documento ko. Pero ang paguwi ko palang iyon ay magdudulot lang sa akin ng dahilan upang muli ay magiging animal na naman ako.
PLAY>S5
DKB-6
          Sinasadya kong huwag idetalye ang mga nagawa kong masama Kuya Bono dahil, hangga’t maari talaga ay ayaw ko nang maalala kahit na, matagal ko na ring nahingan ng kapatawaran.
Kung iyong iba, ipinagyayabang pa ang katapangan at kahalangan ng kaluluwa nila, ako hindi. Dahil bawat isang masamang nagawa ko ay sumasampal sa akin ngayon ng katotohanang wala akong kuwentang tao.
>>> 
          So noong paguwi ko kay Papa Loy, nataon pang birthday pala niya, marami siyang bisita na karamihan ay mga baklang kagaya niya….at akala niya’t umuwi ako para isurpresa siya. Sinalubong ako ng yakap pero tinulak ko siya at dahil sa liit niya’y tumalipon lang siya.
          Yung mga kaibigan niyang nagmamalasakit sa kaniya ay nagalit sa akin. Tinangka pa akong sampalin nung isa pero suntok kong malakas ang dumapo sa mukha niya. Napakinit ng dugo ko noon sa mga bakla ko Kuya Bono. Noong palaboy ako, napakarami nilang lumapit sa akin at inaalok na kung ano-ano, pero kung ano-anong katarantaduhan lang din ang ginagawa ko sa kanila para lang layuan ako.
          Andiyan yung duraan ko sila sa mukha. Sabuyan ng tubig, tapunan ng sigarilyo saka sisigawan ko pa ng mura.
>>> 
          Ibinigay ni Papa Loy ang mga kailangan ko. Nakakatuwang pati kopya ng Birth Certificate ng Nanay ko ay meron pala siya at dahil doon ay mas naging kampante ako na mahahanap ko ang Nanay ko. Umalis din ako noon kahit disoras na ng gabi. Sa Puerto Princesa ay sinaglit kong dalawin ang mga naging kaibigan ko kasabay ng pagiingat siyempre dahil wanted ako.
          Makaraan ng dalwang araw, nagbiyahe na ako papuntang El Nido, El Nido  to Coron at nung sumunod na araw, Coron to San Jose, Mindoro Occidental naman.
Pero pagdating ko sa bahay nina Karlen. Nagliyab ako sa galit. Gusto kong saktan ang lahat ng taong nadatnan ko. Gusto kong sunugin ang bahay nila dahil sa balita nilang, wala na si Karlen. Sumama na kay Terrence.
>>>> 
          Nakapaghanda ang mga lalaking kamag-anak ni Karlen. Tabi-tabi sila noon na parang sa action movie na handang sagupain ako. Hindi ko sila nilabanan hindi dahil sa takot akong malamug sa  bugbog kundi mas pinili kong tumakbo papunta sa bahay nina Terrence. Gusto kong makausap si Karlen.
          Mabait ang magulang ni Terrence. Kahit galit na galit ako’t nagsisigaw ay pinapasok nila ako at ang sabi pa ng Mama niya ay kahit halughugin ko daw ang buong bahay nila ay hindi ko makikita sina Terrence at Karlen dahil, nagpunta daw ang mga ito sa Maynila.
>>> 
          Bahagi ng, boring kong buhay ngayon Kuya Bono ay ang panonood ng kung ano-ano sa YouTube at pati ang Dragon Balls na pambata ay pinapanood ko. At naaalala ko kung gaano ako ka-galit noong sumama si Karlen kay Terrence. Nai-imagine ko na yung galit ko noon ay parang kay San Goku kapag nagsu-super Sayan siya.
>>> 
          Yung panganay na kapatid ni Terrence lang ang nagawan ko ng masama noon dahil mayabang siya. Hindi na ako nagkaroon ng balita kung nabuhay pa siya dahil, tumakas na rin ako at napadpad ulit kung saan-saan.
          Kalibo, Aklan. Roxas City, Ilo-ilo at Cebu. Sa Cebu ako nagtagal at lubusang naging isang Anemal. Halang ang kaluluwa, hindi takot mamatay.
          Bakit ba eh, wala naman akong dahilan para mabuhay?
PLAY>S6
DKB-7        
          Isa akong anemal noon pero nagmahal ako ng sobra at tunay kay Karlen. Tinarantado naman niya ako kaya’t naging diskumpiyado ako sa lahat ng babae. Maraming babae ang sumawsaw sa buhay ko pero walang relasyon at emosyon. Halos lahat sila ay naging parausan lang at ganon din naman ako sa kanila. Hindi ako nanligaw kagaya ng panliligaw na ginagawa ko kay Karlen. Lahat ng babaeng nakasama ko sa Iloilo at Cebu, sila ang lumapit. Yung iba nga, pinakitaan ko pa ng masamang ugali pero hindi nadala. Nagsumiksik pa rin.
          Isa si Claire sa mga babaeng iyon. Si Claire ay nakababatang kapatid ng kasamahan ko sa grupo na si Yoyong. Dati rin siya miyembro ng grupo pero, pinatigil siya ni Yoyong dahil, delikado at mahal nito ang kapatid niya kaya ayaw niyang  mapahamak ulit ito. Si Yoyong ang kanang kamay ng amo namin. Si Claire naman ay single Mom at maliit pa noon ang anak nito. Mahal na mahal din ni Yoyong ang pamangkin niya, anak ni Claire.
          Natural na maganda at seksi si Claire, yun nga lang, mabangis siyang babae, puro mura ang maririnig mo kapag nagsalita. Napaka-casual ng diskarte niya sa akin isang gabi noon sa hideout. Wala si Yoyong noon. Ang sabi niya;
          “Oy Devin, gusto mo ba akong maka-sex?” Wala ako sa mood nung gabing iyon kaya’t hindi ko siya pinansin. Nilayasan ko siya at pinahabulan niya ako ng mura.
          Pero makaraan ng dalawang gabi, nasa rooftop ako. Magisang nakaupo sa bakal na upuan, hindi ko namalayang dumating siya at kaagad na lang umupo sa kandungan ko. Bagong ligo siya at napakabango. Noon unang may naganap sa amin ni Claire…at nasundan pa ng nasundan sa tuwing may magandang pagkakataon hanggang sa hindi ko namamalayang nahuhulog na ako kay Claire. Naniwala na akong mahal ko na siya noong minsang sumama siya sa trabaho, trabaho ang tawag namin sa gawain namin. May nangyaring masama kay Claire, nahulog siya sa get-away motorcycle na minamaneho ng Kuya niya habang tumatakas kami. Muntikan siyang masagasaan ng kasunod na Van at noon ay sobra ang naging pagaalala ko kay Claire. Mabuti na lang at mga galos lang ang tinamo niya.
          Gusto kong kausapin si Yoyong na huwag na niyang isinasamasi Claire sa mga trabaho namin, pero hindi ko ginawa dahil ayokong isipin nilang may pakealam na ako kay Claire. Mabuti na lang at kusang naisipan ni Yoyong na pagbawalan na ang kapatid niyang sumama sa amin at pinayagan naman siya ng boss namin kahit na, marami daw utang si Claire sa aming amo.
          Lingid sa kaalaman ko Kuya Bono ay, pareho lang pala kami ni Claire ng nararamdaman. Kahit hindi na siya kasama sa mga trabaho namin ay lagi pa rin siyang nagpupunta sa hideout para makita ako. Hindi siya nakatiis isang gabi, kinausap niya ako at sinabi niyang mahal na niya ako.
          “Lasing ka ba? Di ka naman mukhang nakainom ah…” Sagot ko pero sa halip na sumagot at bigla siyang lumapit at siniil ako ng  halik sa labi ko pero mabilis ko siyang itinulak;
          “Hindi kita mahal. May anak ka na. Hindi kagaya mo ang babaeng mamahalin ko….” Ito ang nasabi ko bago ko siya iniwan. Inasahan kong pauulanan ako ng mura ni Claire habang papalayo ako pero wala akong narinig mula sa kaniya. Ang narinig ko’y masamang balita tungkol sa kaniya makaraan ng isang araw. Naglaslas siya ng pulso at tinakbo sa ospital. Ang hindi ko maintindihan, kasabay ng balitang iyon ay ang masamang titig sa akin ng karamihan sa mga kasamahan ko. Si Kuya Torax na isa sa pinakamatanda, binulungan ako.
          “Delikado ka kay Yoyong bata, kung mahal mo ang buhay mo. Tumakas ka na habang may pagkakataon pa….”
          Matagal ko nang napapansin na sa lahat ng kasamahan ko ay si Kuya Torax ang pinakamabait. Natatandaan ko ngang nakita ko siya noon na lumabas ng simbahan kasama ang asawa at dalawang anak niya sa itsura niya noon ay wala tiyak makakapagsabing masama ang hanap-buhay niya.
          Sa lahat din ng mga dati kong kasamahan, nakakatulog lang ako sa iisang kuwarto kung si Kuya Torax ang kasama ko, dahil may pakiramdam ako na hindi niya ako ta-traydurin.
          Sa madaling salita, may tiwala ako kay Kuya Torax kaya ko pinakinggan ang payo niya. Umalis nga ako ng Cebu. Naisip kong kailangan kong isalba ang sarili ko dahil, hindi ko pa nahahanap ang Nanay ko.
PLAY>S7
DKB-8
          May dalawang teen-ager kaming kasama sa grupo, isang dose anyos at isang kinse anyos, pero hindi sila sumasama sa trabaho. Kadalasan ay mga spy lang sila, utusan. Pero sa mga tumatrabaho talaga, ako ang pinakabata.
          Tinatawag na nila akong Devin the Devil noon pero kumpara sa kahayupan ni Yoyong, sisiw lang ako. Pero hindi ako tumakas sa grupo dahil takot ako kay Yoyong at mga kasamahan naming kadikit niya kundi, ayoko lang mag-obliga na makipagrelasyon kay Claire. Ayoko ding mapahamak muna dahil hindi ko pa nakikita ang aking Ina.
          Nasusukat ko na ang sarili ko noon Kuya Bono eh. Sa mga sakit ng katawan, mapagtiis ako. Ilang beses na akong nabugbog, nabaril na rin ako minsan sa tagiliran pero lahat ng alaala ng mga sakit sa katawan ko, nakakalimutan ko. Pero yung sakit sa damdamin, doon ako mahina. Doon ako  naduduwag.
          Maganda, seksi at magaling sa kama si Claire…pero wala akong tiwala sa kaniya. Noon pa lang kasi Kuya Bono ay nai-imagine ko na na, kung kailan tapat at mahal na mahal ko na siya ay saka naman siya makakatagpo ng iba at gaya ni Karlen ay, iiwan lang din niya ako ng basta-basta.
PLAY>S8
DKB-9
          Umalis ako ng Cebu, bumalik ako ng San Jose, Occidental Mindoro taong 2016 na noon upang mag-focus na sa paghahanap sa Nanay ko. Hindi kalakihan ang bayan ng San Jose kaya’t tiwala ako noon na kung pagtutuunan ko talaga ng panahon ay mahahanap ko ang Nanay ko.
          May sapat na pera ako noon, sa totoo lang marami. Cash na naipon lang ng naipon sa bag kong de susi. Ni minsan kasi ay hindi ako nagbukas ng bank account at minsan lang ako napasok sa loob ng isang banko, hindi upang magdeposit o magwitdraw kundi upang magmanman lang kung sino ang magwi-withdraw ng malaki na siya naming  bibiktimahin paglabas niya ng banko.
          Sa San Jose ay umupa ako ng kuwarto sa halos dulo na ng Zamora Street na nasasakupan ng Barangay 6 na siyang nakalagay na address ng Nanay ko sa birth certificate ko. Pero dati ko nang alam sa kuwento ni Papa Loy noon na sa isang apartment lang sila nakatira noon ng Nanay ko pero doon ko pa rin sinadyang manirahan dahil ang alam kong marami doon ang nakakakilala sa Nanay ko. Tama ako, may ilan akong nakausap at kilala nila ang Nanay ko pero matagal na panahon na raw nila itong hindi nakikita.
Sa San Jose ay sinikap kong mamuhay ng normal at payapa at hindi na gagawa ng masama. Pumasok akong security guard kahit wala akong karanasan.
Nagkaroon pa nga ako ng matalik na kaibigan Kuya Bono na nakilala ko sa Solid Convenient Store na siya kung madalas pagbilhan ng mga kailangan ko. Siya si Leon na minsan kasing nalimutan kong magdala ng wallet at kinulang ang pera sa bulsa ng pantalon ko ay, kusa niyang dinagdagan ng pera ko. Mas bata ng maraming taon sa akin si Leon. Tingin ko’y 18 lang siya noon while ako ay lagpas trenta anyos na.
          Muli kaming nagkatagpo ni Leo sa Solid at nagkabatian ulit at noong pangatlong pagkakataon ay kinausap na niya ako. Nagtanong kung saan ako nakatira, hanggang sa inaya pa niya ako sa tinitirhan niyang apartment para daw makapagkuwentuhan kami. Ewan ko kung bakit nagtiwala naman ako bigla sa isang estranghero. Sumama ako at sa kaniyang apartment, pagbukas pa lang ng pinto ay mabubungaran ang crib ng isang sanggol na noon ay tulog. Anak daw niya ito.
          Pinagmasdan ko ang mukha ng baby at parang may humaplos sa puso ko, ewan ko kung ano yun. Basta nainggit ako bigla kay Leo. Nagluto siya noon at hindi niya ako pinayagang umalis kaagad. Tikman ko daw ang luto niya para makatikim ako ng Kapampangan Recipe. Taga Pampanga kasi siya at ang Live In Partner niyang si Joyce ang taga Mindoro, pero wala si Joyce noon dahil kapa-flight lang daw nito upang maging Domestic Helper sa Hong Kong. Sa kuwento ni Leo, para lang daw silang limang taon. 18 pa lang si Leo noon at bago lang siya sa San Jose, wala pa daw siyang gaanong kaibigan at hindi rin siya close pamilya o mga kamag-anak ni Joyce dahil, tutol ang mga ito sa relasyon nilang dalawa.
>>> 
          Sa unang dalawang taon ko sa San Jose Kuya Bono ay walang babaeng na-link sa akin. Kapag nagiinit ang katawan ko, pupunta lang ako sa bahay aliwan. Iinom, maglalabas ng babae para lang mapawi ng init ng katawan, pero ni totoo kong pangalan ay hindi ko masabi sa babaeng kasama ko.
          Hanggang sa natapos ang kontrata ni Joyce sa Hong Kong, umuwi siya at noon ay tinawagan ako ni Leo dahil nagluto daw sila ng marami. Nagpunta naman ako at noon nga ay nakita ko na sa personal si Joyce. Naroon din ang matalik na kaibigan ni Joyce na si Lilibeth na taga bayan ng Calintaan. May itsura si Lilibeth, medyo mataba nga lang at kulang sa height pero, kaagad kong napansin na mabait siya at sa apartment nina Leo ay parang hindi siya bisita dahil halos siya lahat ang gumagawa.
          Ipinakilala ako ni Leo kina Joyce at Lilibeth, pero sa sinserong titig ni Lilibeth noon ay nako-konsensiya ako dahil una pa lang ay nagsinungaling na ako. Marco kasi ang pakilala kong pangalan kay Leo noon pa man. Iyon ang pangalang madalas kong gamitin Kuya Bono sa mga taong hindi ako personal na kakilala. Noong hapon na at kinailangan nang umuwi ni Lilibeth sa kanila, hinatid ko pa siya sa sakayan. Sabi ko noon sa sarili ko, darating ang araw ay ipapakilala din ako sa kanila ang totoong pagkatao ko.
          Hindi ako  naniniwala sa anghel Kuya Bono pero kung iniisip ko ngayon, parang may gumagabay sa akin noon para makilala ko si Lilibeth sapagkat dahil sa kaniya, sa kanila ng kaibigan niyang si Mariella ay natagpuan ko ang aking Ina na noon ay nakatira sa bayan ng Santa Cruz. Kasal ito sa isang magsasaka, may lima akong kapatid sa aking Ina at ang panganay ay isang baklang doctor sa UAE, pero siyempre may panganay ako kasi ako ang unang sinilang ng aking Ina.
          Hindi naman masama ang ugali ng asawa ni Nanay.Inunuwa ko na lang siya na, mabubulabog daw ang barangay nila kapag nalaman nilang may anak ang Nanay ko sa ibang lalaki kaya’t nakisaup ito na huwag akong magtagal o mamalagi sa kanilang lugar.
          Maligaya akong makita at makasama ang Nanay ko, pero hindi ako nagkuwento ng marami sa kaniya tungkol kay Papa Loy, lalo na ang tungkol sa pangmomolestiya sa akin ng kaibigan niya.
>>> 
          Tinanaw kong utang na loob kina Lilibeth at Mariella ang pagkakatunton ko sa aking Ina at dahil doon Kuya Bono ay nagpasiya akong ligawan si Lililbeth dahil nalaman kong wala naman siyang boyfriend sa edad niyang 27 noon. Mas matanda ako sa kaniya ng tatlong taon pero bago pa ako tuluyang makapanligaw ay inunahan ako ni Lilibeth. Mula kasi noong magpasiya akong ligawan siya ay halos tatlong beses sa isang Lingo ako nagpupunta sa bahay nila, kahit may kalayuan ito.
          Isang araw ng Lingo nasa ilalim kami ng puno sa likod ng bahay nila ay, tinapat ako ni Lilibeth.
          “Marco, may balak ka bang ligawan ako. Masyado ka yatang napapadalas dito at kung ano ano pa ang dala mo sa tuwing dumaratingka….” Noon Kuya Bono ay gusto ko nang ipakilala kay Lilibeth ang totoong pagkatao ko kasi, nakakakonsensiya na tinatawag niya ako sa pekeng pangalan ko, pero hindi ko itinuloy dahil  noong muli siyang magsalita ay;
          “Kung may balak kang ligawan ako Marco, huwag mo nang ituloy kasi…baka hindi ako ang babaeng kailangan mo sa buhay mo. Wala na akong ovaries, hindi ako mabubuntis kaya hindi kita mabibigyan ng anak kung sakali….”
          Nabigla ako sa pagtatapat na ito ni Lilibeth pero bigla siyang tumawa.
          “Napaka-assuming ko yata Marco, inisip ko pang gusto mo akong ligawan eh pangit ko naman…” Sabi niya. Ngumiti lang din ako kahit na ang totoo ay nalungkot ako, kasi gusto kong magkaroon siyempre ng mga anak. Nagawa ko pa ring magsinungaling sa kaniya.
          “Dahil sa inyo ni Mariella, nahanap ko ang Nanay ko Beth. Masama bang makipagkaibigan sa’yo?”
          “Eh bakit kasi, kay Mariella hindi ka naman nagpupunta eh siya nga ang totoong nakakakilala sa Nanay mo…”
          “Malayo siya eh…” Sabi ko na lang ulit. Ang nakababtang kapatid ni Mariella Kuya Bono ay inaanak sa binyag ng Nanay ko, kaya nila ito kilala.
          Hindi ko sinadyang iwasan si Lilibeth pagkatapos non kundi, kinailangan ko na lang ding umalis ng San Jose dahil bumalik na ako dito Palawan….at dito ay nagpasiya akong gugulin ang natitira ko pang mga panahon.
PLAY>S9
DKB-10
          Sa San Jose, isang araw sa Mall na kasama ko sina Leo, Joyce at ang anak nila ay may baklang tumawag sa pangalan ko. Nagulat ako pero sinikap kong huwag magpahalata kina Leo kasi, ibang pangalan ang itinawag sa akin ng baklang iyon. Nasulyapan ko siya at kilala ko siya. Isa siya sa mga kaibigan ni Papa Loy.
          Ang ginawa ko ay humiwalay ako kina Leo. Sinabi kong may titingnan lang ako pero sinundan ako ni Ramulo, ang baklang kaibigan ni Papa Loy.
           Noong nasa medyo tagong lugar ako at huminto ako upang sitahin siya. Ang lakas kasi ng boses niya.
          “Ano bang kailangan mo damuho kang bakla ka?” Singhal ko sa kaniya. Pero ang sagot niya ay;
          “Wala akong kailangan sayo Devin, ikaw ang may kailangan sa akin!”
>>> 
          Sa mabilis at maiksing kuwento ni Ramulo. Nakapag-asawa daw ng lalaking amerikano si Papa Loy. Namura ko si Ramulo noon dahil akala ko jina-jamming niya ako. Sinabi rin niyang nakapagpatayo si Papa Loy ng bahay sa labas ng siyudad noong teacher pa siya dito, bago siya sumama sa Amerikano sa America…at ang bahay na iyon ay pamana niya sa akin. Sa akin daw nakapangalan ang property.
          Noong una, mayabang pa ako. Sabi ko, hindi ko kailangan ang kahit anong galing kay Papa Loy, pero nakapagisip-isip din ako. Isa, kuwento pa ni Ramulo ay ipinagkatiwala daw ni Papa Loy ang bahay sa isang kaibigan nilang bakla din, si Magno na noon ay kaaway na ni Ramulo. Sabi pa niya;
          “Umuwi ka na dun Devin dahil binaboy lang ni Magno ang bahay mo!”
>>> 
          Makaraan ng mahigit isang buwan pa bago ako  umuwi dito at nagustuhan ko dito. Walang ala-ala ng kabataan ko dito kasi, lahat ng bangungot ko’y nangyari sa bahay na inuupahan lang noon ni Papa Loy sa Puerto Princesa.
          Maganda dito. Baryo. Payapa. Maraming puno. Tahimik at maganda naman ang maliit na bungalow na pinatayo ni Papa Loy, pero tingin ko’y kulang sa bintana. Nanghihinayang ako sa preskong hangin na hindi naman masyadong nakakapasok sa loob ng bahay, kaya nagpatayo ako ng bahay kubo sa likod.
Kumpleto din sa gamit ang bungalow pero nakapaglagay pala si Magno ng ilang gamit niya na tinangay din niya noong palayasin ko siya.
          Malawak ang lote nitong bahay, lalo na dito sa bandang likod kung saan kami nagtayo ng kubo na yari sa kawayan. Katulong ko si Lolo Arno sa paggawa ng kubo noon, sa kaniya ko rin nabili ang mga kugon na ginawa naming bubong. Mula noon ay naging kaibigan ko na si Lolo Arno. 65 years na siya pero napakalakas pa niya. Nalilibang ako kapag kausap ko siya dahil marami siyang nasasabing bago sa pandinig ko. Marami din siyang paminhiin na pinaniniwalaan.
>>> 
Maganda ang kubong aming ginawa. May kuwarto, banyo at maliit na kusina. Dito ako naglalagi, madalang akong matulog sa diyan sa bungalow. Dito ako nanonood ng TV, YouTube at nakikinig sa mga kuwento sa channel mo Kuya Bono.
          Dito na rin ako kumakain at nagluluto ng pagkain ko.
>>> 
          Si Analyn ay tindera ng gulay at isda. Siya ay nagbabahay-bahay. Sila ni Lolo Arno ang dalawang taong unang nakaalam ng totoong pangalan ko.
Si Analyn ay dalagang Ina…at nakilala ko siya noong pangalawang araw ko pa lang dito dahil bumili ako ng gulay at isda sa kaniya.
          Agad kong nagandahan ang kasimplehan niya. Ang kaniyang inosenteng ngiti at malamlam na mata. Hindi ko nga naiwasan tanungin kaagad ang pangalan niya.
          Mula noon, araw-araw na akong bumibili sa kaniya…at sa pagusad pa ng mga araw ay natitiyak kong, nahuhulog na ako sa kaniya.
PLAY>S10
DKB-11
          Si Lolo Arno ang unang nakaalam ng tungkol sa lihim kong paghanga kay Analyn. Napansin kasi niyang lagi kong bukambibig si Analyn, hanggang sa tinanong na niya ako kung  gusto ko si Analyn. Umamin ako ngunit ang sabi niyay;
          “Napaguwapo mong lalaki Devin. Humanap ka na lang ng iba dahil baka mapahamak ka lang….”
>>> 
          Ayon pa kay Lolo Arno, hawak daw ng isang maimpluwensiyang tao dito sa Palawan si Analyn. Ang taong iyon ang ama ng kaniyang anak. Ipinagtaka ko ang sinabing ito ni Lolo Arno, bakit kako naglalako siya ng gulay at isda kung may mayamang tao palang may hawak sa kaniya. Ang sagot niya’y, hindi na raw tumatanggap si Analyn ng kahit ano mula sa taong iyon at kaya daw niyang buhayin ang kaniyang anak sa malinis na paraan. Ang sumunod kong tanong kay Lolo Arno ay, gaano kadelikado ang taong yun? Ang kuwento niya’y, may lalaki na daw na nagtangkang ilayo sina Analyn at anak nito dito sa Palawan, ang lalaking iyon ay kasintahan ni Analyn pero hindi ito nagtagumpay na mailayo si Analyn at hanggang ngayon ang lalaking  iyon ay hindi pa rin natatagpuan.
          Hindi na kailangang ipaliwanag ni Lolo Arno ang tungkol sa pagkawala ng boyfriend ni Analyn. Alam ko na iyon at nauunawaan ko din si Lolo Arno kung bakit, minungkahi niyang, humanap na lang ako  ng  iba.
>>> 
          Nasimulan ko na ang magbagong-buhay Kuya Bono. May nasimulan na rin akong maliit na negosyo na hindi ko na lang babanggitin dahil nasa Highway ito at maaari akong matunton dahil doon.
          Kaya kong ipaglaban si Analyn kung gusto niya. Hindi ako  natatakot kung ang pagibig ko sa kaniya ang dahilan para masabak ulit ako sa delikadong buhay. Kaya lang, sa tagal ng panahon niya akong suki, sadyang malayo ang loob niya sa akin at kahit ilang beses ko siyang sinabihan na huwag niya akong sine-ser ay sir pa rin siya ng sir.
          Marami na rin akong kaibigan dito liban sa mga tauhan ko sa aking negosyo. Kung mapapahamak ulit ako dahil kay Analyn, masisira lang ulit ang buhay ko.
          Kaya lang, noong matino na ang buhay ko, ramdam ko ang pangangailangan ng katuwang sa buhay at siya, si Analyn ang pinakagusto ko sana. Kaya lang, anong gagawin ko? Malayo ang loob niya sa akin. Minsan nga, may mga tanong ako na hindi niya sinasagot. Hanggang sa napansin ko pang sinasadya na niyang bilisan ang lakad niya kapag nasa tapat na siya ng bahay ko. Minsan ay hindi ko na rin siya nakikita at ang hula ko’y sa ibang kalsada na siya dumadaan para lang maiwasan ako.
          Nakilala ko ang sarili ko bilang matapang, mala-anemal at akala ko hindi na ulit ako makakadami ng sakit mula noong masaktan ako ni Karlen, pero nasaktan pa rin ako at nalungkot dahil hindi ako gusto ni Analyn.
          May mga pagkakataong parang nasisira ulit ang katinuan ko at iniisip kong daanin sa puwersa si Analyn. Madali ko lang magagawa yun kung gusto ko kahit na magkalintik-lintik ulit ang buhay ko. Pero may nangyaring hindi ko inaasahan.
          Naisipan kong gumawa ng facebook gamit ang totoong pangalan ko, pero litrato ng puno ng Mangkono ang nilagay kong profile picture at wala nang ibang litrato dun kundi yun lang. Ang punong kahoy na yun ay nakatayo sa bandang likod nitong kubo ko. Ayon kay Lolo Arno, ang Mangkono daw ang pinakamatibay na puno dito sa Pilipinas. Tinagurian daw itong baka na puno. Noong una, gusto kong ipaputol yan pero tumanggi si Lolo Arno kaya’t hanggang ngayon ay nariyan siya’t kahit anong lakas nga ng bagyo ay hindi tumutumba.
          Para siyang ako, sabi ko nga noon. Sabi ko lang pero hindi naman talaga dahil simula noong magbagong-buhay ako ay ramdam ko na ang panghihina ng loob ko. Naduwag na nga akong gumawa ng hakbang para mapasa-akin si Analyn…
          Hanggang sa isang pamilya na tao nga ang nag-send ng message sa akin sa facebook ko na dalawang araw ko pang noong nagagawa.
          Siya si Kuya Torax, kasamahan ko sa raket noon sa Cebu. Nireplayan ko at nagkausap kami. May dala siyang good news at bad news para sa akin.
          Ang bad news. Wala na pala si Claire, napuruhan daw noong ma-raid ang hideout at ang Kuya niyang si Yoyong ay nasakote ng pulis.
          At ang good news ay, may anak ako kay Claire.
          >>>
          At ang bata ay kaadag kong nakita sa litratong pinadala ni Kuya Torax, mistiso ding kagaya ko….at ang bata ay nasa pangangalaga ni Kuya Torax.
          Ang tanong niya sa akin noon ay;
          “Gusto mo bang alagaan tong anak mo, o sa amin na lang?”
PLAY>S11
DKB-12
          So may isa akong anak? Hindi. Mali. Dalawa, dahil noong nasa Cebu ako, sa bahay ni Kuya Torax ay may bago ding request message at galing iyon sa babaeng nanakit sa akin, si Karlen at sinabi niyang, anak ko ang panganay niya.
          Kaya lang ay nasa Africa sila ng asawa niyang si Terrence. Makikipagkita daw sa akin si Karlen kasama ang anak naming 11 years old na noon kapag umuwi sila dito sa Pilipinas.
>>> 
          Si Claude, itong anak namin ni Claire ay magta-tatlong taong gulang na noon pero napakalikot. Kaya ko naman sigurong alagaan siya pero, may negosyo din akong inaasikaso. Iyon yung punto ng buhay ko noon na kailangang-kailangan ko ng kasama sa buhay. Pero naisipan kong kumuha na lang ng yaya dito.
          Dala ko si Claude noong bumalik kami dito sa Palawan pero, naisipan kong dumaan sa San Jose, Occidental Mindoro. Nag-stay kami ng tatlong araw sa bahay ni Leo. Oo Kuya Bono, may sarili na silang bahay noon sa isang subdivision. Maliit lang pero maganda a nasa abroad ulit noon ang asawa niya.
          Si Leo ang nag-suggest sa akin Kuya Bono na, subukan kong ligawan si           Lilibeth, tutal may anak naman na ako dahil si Lilibeth nga ay wala nang kakayahang magbuntis.
          Dinalaw namin si Lilibeth sa kanila. Kasama ko si Leo, at ang dalawang bata. Anak niya at anak ko, at labis ang gulat at tuwa ni Lilibeth na makita ako ulit. Hindi ako nagpatumpik-tumpik Kuya Bono, sinabi ko sa kaniya na kailangan ko siya sa buhay ko. Tinanong ko din kaagad siya;
          “Gusto mo bang magpakasal sa akin at maging asawa ko?”
          Hindi siya nakasagot kaagad. Nagulat siya tapos napaluha. Hindi raw siya makapaniwala.
          Binigyan ko siya ng sapat ng panahon para magisip Kuya Bono…MATAPOS ko ring ipagtapat sa kaniya ang totoo kong pagkatao at madilim kong nakaraan. Natanggap naman niya ako at makaraan ng tatlong buwan, pumayag din siya…kaya’t naglakbay nanaman kami papuntang Mindoro upang masimulan ang pagaasikaso sa aming kasal  ni Lilibeth, sa tulong at paggabay din siyempre ng aking Ina.
PLAY>S12
DKB-13
          Sa ngayon Kuya Bono ay masaya at matiwasay kaming namumuhay ng simple dito sa Palawan. Inilapit din ako ng asawa ko sa Diyos kaya’t masasabi kong papunta na talaga ako sa tunay na pagbabago, pati nga ang anak ko kay Karlen ay natanggap ko na rin kahit na siya ay, alanganin, malambot o…binabae.
          Last year ay umuwi sina Papa Loy at ang asawa niya. Sinikap ko namang maging maayos ang pakikiharap ko sa kaniya at nagawa ko din siyang pasalamatan sa lahat ng nagawa at naibigay niya sa akin…at kahit hindi siya nanghingi ng tawad sa nagawa niya sa akin noon ay pinatawad ko na rin siya, dahil obligasyon ko iyon bilang isang nagpapakabuting anak ng Diyos ang magpatawad….at sana, kahit wala akong sawa sa paghingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko, hangad ko pa rin na sana isang araw, maramdaman ko rin na napatawad na talaga ako.
          Hanggang dito na lang Kuya Bono at sana palarin ding mabasa mo ang kuwentong ito ng buhay ko.
          Umaasa,
Devin
Tumblr media
0 notes
kuyabonoforyou · 7 months
Text
Tumblr media
#kuyabonoforyou #kuyabono #dkbstories #sitstories #kahugotstories #happynesstv
1 note · View note