Tumgik
rikiprans-blog · 9 years
Text
Lakbay Aral o Pagsusulit ?
Ito ang tanong ng aming Propesor sa Rizal, anong ang pipiliin mo mag Lakbay Aral sa Maynila o Pagsusulit? walang estudyante ang gusto ng mga pagsusulit malamang mas pipiliin nila ang mag Lakbay Aral sa Maynila at maglakwatsa doon.
Ilang kilometrong lakaran sa tirik na araw ang naranasan namin sa pag lalakbay aral sa Maynila ngunit hindi na ito alintana sapagkat ito ang magiging kapalit ng Pagsusulit sa asignaturang RIZAL. Nahirapan sa pag hahanap ng Historical Markers na dapat puntahan nahirapan sa pag hahanap ng lugar kung saan maaring mag charge ng na lowbat na camera at sa nakakapagod na lakaran mula Paco hangang Binondo ang inabot namin sa Lakbay Aral na ito ngunit sa kabila ng mga ito naging masaya pa rin ang naging Lakbay Aral namin at nakunan na rin ng mga litrato ang mga lugar na gagamitin para sa BLOG na ito.
Sa dulong bahagi ng BLOG na ito mababasa ang mga naging karanasan at mga reyalisasyon na natangap ko sa Lakbay-Aral na ito.
Naway maging kasiya siya at kapulutan ng aral ang BLOG na ito.
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Unang Himlayang ng Labi ni Rizal
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Text
Paco Cemetery ang unang himlayan ni Rizal
Unang destinasyon sa lakbay aral na ito ay ang Paco Cemetery, hindi ko nga alam kung ano ang lugar na ito, hindi ko rin alam kung ano ang kasaysayan mayroon ito. Dito pala Unang hinimlay ang labi ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal matapos siya barilin sa Bagumbayan na ngayon ay Luneta.
Ang Dating Paco Cemetery ay Paco Park na ngayon, napapanatili nila ang kagandahan ng lugar na ito may magagandang tanawin at magandang mag muni muni.
Nang araw na iyon may kinakasal sa Paco Park kaya di na kami nag tagal sapagkat napakadaming tao at mahirap kumuha ng mga litrato.
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Monumento ni Rizal at ang kanyang PhotoBomber.
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Text
Luneta o Rizal Park
Ano naman kung mainit? hindi na iintindihin ang init makapag palitrato lang sa makasaysayang monumento ni Rizal sa Luneta. Nakakatuwang isipin kahit tanghaling tapat napakadami paring tao ang narito at handang magbilad sa araw at magpalitrato kasama si Rizal maging ang mga dayuhan hindi mapigil sa pa papalitrato grabe talaga ang karisma na mayroon si Rizal kahit rebulto na lang siya ay artista ang turing dito.
Nagkaroon ng isyu dito dahil sa Torre De Manila na nagiging “PhotoBomber” daw sa likod ng makasaysayang monumento ni Rizal at nakakasira sa magandang tanawin. Nung makita ko nga ang Torre De Manila, hindi nga maganda sa paningin, ang dating maaliwalas na tanawin sa likod ng monumento ni Rizal ay tila nasira, ngunit may magagawa pa ba? halos buo na ang Torre De Manila at ngayon lang naging isyu. Siguro tangapin na lang natin ang nangyaring ito at galingan na lang natin ang pag-anggulo sa pagkuha ng litrato sa monumento ni Rizal.
Sa pook na ito binaril at namatay ang ating bayaning si Dr, Jose Rizal noong Disyembre 30 1896.
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Spolarium At ang Gallery V
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Text
Gallery V ang Gallery ni Rizal
Nagmamadali na kaming pumunta sa National Museum para man lang maka dama kami ng lamig na galing sa Aircon sapagkat napakainit mag lakad sa ilalim ng tirik na araw. Sa loob ng National Musem ang una  mong makikita ay yung obra ni  Juan Luna na Spolarium (Spolarivm) Mamamanghanga ka talaga sa obrang yaon ni Juan Luna dahil sa sobrang ganda ng sining na ito, Maipagmamalaki talaga na ito ay gawa ng isang Pilipinong pintor.
Syempre Gallery V talaga ang itinungo namin sa pagpunta ng National Musem doon makikita ang mga Imahe ni Rizal at puro talaga imahe ni Rizal ang makikita mo doon at mga iskultura na hango sa kanya. Masasabi talagang ginawa ang Gallery V sa pag kilala kay Dr. Jose Rizal.
Ang mga imaheng naroon ay hindi lamang gawa ng isang tao datapwat iba ibang artist/pintor ang gumawa ng mga iyon. Ano ba ang mayroon si Rizal bakit sya ang napiling inspirasyon ng mga taong iyon sa pag gawa ng kanilang mga obra? Iisipin mo talaga na si Rizal ay hindi lamang simpleng bayani kundi isa siyang bayani na maimpluwensya at maging mga artist ay nagawa niyang impluwensyahan.
Kung aaralin ko kaya ng mas higit ang buhay ni Rizal maapektuhan din ba niya ang aking mga pananaw? Iyan ang katanungan ipinabaon sa akin sa pag alis ko sa Galler V.
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pader ng Cuartel De España
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Text
Ang Pader ng Cuartel
Aakalain mo bang isang mahabang pader lamang ang Cuartel De España? Ang Cuartel De Espanya ay isang kampo ng militar, hindi mo iisipin ganito na pala ngayon ang itsura nito, isang mahabang pader na puno ng bandalism maging ang Historical Marker dito may bandalism din. Nakakalungkot isipin na hindi alam ng mga tao dito ang kahalagahan ng mga bagay na ito.
Sa Cuartel De España nilitis ang kaso ni Rizal sa salang rebelyon sedisyon at konspirasyon o pagbuo ng samahang ilegal.
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Photo
Tumblr media
Historical Marker : Ateneo De Manila
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Text
Lakad patungo sa Ateneo De Manila
Pag lalakad sa tirik na araw ang ginawa namin sa pag punta sa Ateneo De Manila katulad ng iba Historical Marker na lang din ang aming nadatnan, yaon din naman talaga ang inaasahan ko sapagkat nasunog ang Ateneo De Manila noong 1932.
Naging mag-aaral si Rizal dito noong 1872 hangang 1877 sa mga unang taon ng kanyang pag-aaral nahirapan si Rizal na makipagsabayan sa ibang mga kaklase ngunit sa mga sumonod na taon ay isa siya sa mga nangungunang estudyante sa Ateneo
Ngayon sa lugar na ito na nakatirik ang WOW Clam Shell at ang Ateneo De Manila ay inilipat sa Lungsod ng Quezon.
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Photo
Tumblr media
Historical Marker ng  Lumang Unibersidad ng Santo Tomas
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Text
Bisita sa dating University of Santo Tomas
Matapos naming marating ang Ateneo Municipal De Manila tinungo namin ang Unibersidad ng Santo Tomas kung saan din nag-aral si Rizal pagkatapos sa Ateneo.
Isang Historical Mark na lamang ang naiwan doon at ang dating UST na isang paaralan ay isang condominium na ngayon (BF Condominium Bldg.) sa mismong kinatitirikan nito nakatayo ang dating UST kung saan nag-aral si Rizal
Inilipat ang Unibersidad ng Santo Tomas sa Sampaloc Maynila at nanatiling nakatayo doon. Ito ang pinaka matandang Unibersidad sa Pilipinas maging sa boong Asya.
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Tara sa Fort Bonifacio at mag Relax :)
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Text
Masaya sa Fort Santiago
Sa pag-iikot namin sa Maynila narating namin ang Fort Santiago ito ang pinakanagustuhan ko sa lahat nang napuntahan  namin, sapagkat madaming magagandang tanawin ang narito. Masarap magpahinga matapos ang mahabang lakaran mula sa Paco Cemetery, Luneta, National Museum,Cuartel De Espanya, UST at Ateneo. Masarap ang simoy ng hangin na dumadampi sa nanlalagkit naming mga balat dahil sa init at pawis na aming natamo. Ngunit maraming bagay  naman na ngpabusog sa aking mga mata. Masaya ding magpakuha ng mga litrato dahil sa magandang tanawin dito.Pati mga gwardiya dito siguradong ibabalik ka sa  panahon  ni Rizal, Nakakatuwa talaga.
Nang kumukuha na kami ng mga litrato na pinapakunan sa amin naisip ko sa “The Last Steps to Martyrdom” ito iyong mga  metal na marka nagpapakita  ng mga yapak ni Rizal. Noong nakita ko ito iniisip ko ano kaya ang mga naiisip ni Rizal sa mga oras iyon bago siya mamatay? Iyon bang pakiramdam na naglalakad ka sa iyong huling hantungan? Nakaramdam  kaya siya ng takot? Siguro, kung ako ang nasa kalagayan niya hindi na ako matigil sa kakaiyak. Pero si Rizal taas noo pa rin at buo ang loob na naglakad at sa daan patungo sa kanyang huling hantungan. Nakakabilib ang katapangan mo Rizal!Sa 
Sa pag-iikot pa namin nakita ko ang  rebulto ni Rizal na nakakulong napagtanto ko na napakaliit lang niya, at sa liit niyang yaon ay napakalaki ng kanyang inambag sa Bayan at napakalaking puso sa pagtatangol ng Bansa.
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Poste ni Higino Francisco
   -BAHAY NI HIGINO FRANCISCO
0 notes
rikiprans-blog · 9 years
Text
Ang Poste ni Higino Francisco
Huling destinasyon namin sa Lakbay aral na ito ay ang tahanan ni Higino Francisco, Sa bahay ni Higino Francisco unang inilagay ang labi ni Dr. Jose Rizal matapos hukayin mula sa Paco Cemetery.
Napakahirap hanapin ang lugar na ito sapagkat wala ka naman talagang makikitang bahay, kahit na manlang na Sign Board na makapag sasabing ito nga ang kinatirikan ng bahay ni Higino Francisco ay wala.
Nakakalungkot isipin na isang mahalagang parte ng ating kasaysayan ay giba na at tanging poste na lang ng kuryente at mga tindero ang naroon. Tila nakalimutan na rin ng mga naninirahan doon ang Kasaysayan na mayroon ang lugar nila sapagkat sila mismo na naninirahan doon ay di alam kung ano o saan ang bahay ni Higino Francisco.
0 notes