Tumgik
#saring manok
deltatrixter69 · 2 years
Text
No one ain't gonna stop me for inserting Philippine mythology on Dislyte fuckers hahahahahahahaha!!!!!!!!!!!!
22 notes · View notes
istariray23 · 2 years
Text
Goto Believe Continuation😊
And yun na nga...
Tumblr media
Eto na yung Menu nila
We ordered WET Goto OMG Php 580.00
Tumblr media
Syempre yung order namin yung malaking bowl nila na, na may sari saring laman then nag dagdag na lang din kami😊 ng iba pa.
Tumblr media
Bituka ng Baboy (twosome) Php 125.00
Tumblr media
Chicharon Bulaklak (twosome) Php 150.00
Tumblr media
Isaw ng Manok (threesome) Php 112. 00
Tumblr media
And of course hinding hindi mawawala ang Tokwat' Baboy 2.0 Php 225.00 at ang masarap na sawsawan 😋
Tumblr media
Yung panulak we ordered Macadamia Coffee ☕ Php 80.00
Tumblr media
And Lecheng Avocado 🥑 Php 108.00
Tumblr media
We enjoyed eating dahil na din kami lang ang tao😁✌️ and of course naka upo na kami kaagad unlike before na masyadong mahaba yung pila bago kami maka upo😊
Tumblr media
2 notes · View notes
proserpoet · 4 years
Text
COVID-19: Malunggay
"Nanay! Nanay! Tulong si Nanay Cherry nahulog! Kapitbahay tulonggg~"
"Ano ba kasi ang naisip ni Cherry at umakyat siya diyan?" Tanong ng kapitbahay na sumaklolo kay Cherry.
"Kukuha po sana si Nanay ng ilang tangkay ng dahon ng malunggay."
"Nakoo, hindi ba niya alam na pinangingilagan ng taga-rito ang tumawid sa loteng iyang? Pinaninirahan kasi iyan ng mga engkanto."
Habang tinitingnan ni Cherry ang laman ng kanyang pitaka, sinasabayan na lamang niya ito ng pagbubuntong-hininga. Sa panahong hindi lamang matumal ang benta ng kakanin, ipinagbabawal rin ang paglalalabas sa tahanan dulot ng ipinatutupad na home quarantine at social distancing. Iniisip niya ang maaaring mangyayari sa mga darating na araw lalo na ngayong sa tingin niya ang kanyang bigasan ay hanggang sa katapusan ng linggo na lamang ito. Mabuti sana kung mapapaaga ang ayuda ng barangay sa kanila. Sampung araw na rin kasing naka-noodles at de lata ang tanging kinakain. Pinagkakasya upang umabot hanggang sa pu-pwede na lumabas at magtinda.
"Kailangan kong dumiskarte kung hindi, gutom ang aabutin ng mga bata," paglalahad ni Cherry sa kanyang isip. "Wala namang kaso sa akin ang ganitong hirap kasi kinalakihan ko na ito. Alam ko kung paano mamaluktot at naituro ko rin ito sa mga bata. Ang di ko lang talagang kayang sikmurain na sa panahong may kumakalat na virus, pinakakain ko ng mga pagkaing kulang sa sustansya at bitamina ang mga bata. Mabuti noon nakakapagtinda ako sa palengke ng mga kakanin, may naiuuwi akong dalawang pirasong prutas, nakabibili ng sari-saring gulay sa halagang sampung piso at nakakapgluto ng one-fourth na manok mula sa kita ko. Kasya na sa'min iyon. Ngayong bawal lumabas, wala na nga akong kita, wala pa akong maipakaing masustansya sa mga bata." Pagpapatuloy nito habang nakatanghod sa bintana ng kanilang tahanan.
Sa di kalayuan, nahagip ng kanyang mga mata ang bakanteng lote na may puno ng malunggay. Namumulaklak na ito at sa wari niya'y wala namang nag-aalaga nito. "Wala naman sigurong aalma kung kukuha ako ng ilang tangkay ng dahin ng malunggay mula sa bakanteng loteng iyan. Wala naman yatang nagmamay-ari niyan eh."
Suot at kanyang maskara, lumabas ng tahanan si Cherry, bitbit ang bangkito at inakyat ang pader sa pagitan ng kanilang tahanan at sa bakanteng lote sa pagnanais na makakuha ng iilang tangkay ng dahon ng malunggay na ihahahalo niya sa instant noodles na magiging hapunan ng mag-anak. "Isasahog ko ito sa instant noodles mamaya nang magkaroon naman ng sustansya ang mga bata. Dadamihan ko na rin upang gawing juice at ihahalo ko sa inumin nila. Ganito 'yong nakita ko sa tv pampalakas ng resistansya sa panahon ngayon." Naglalaro sa isip ni Cherry ang kanyang maaaring gawin sa iilang dahon ng malunggay. Subalit bago pa man niya tuluyang matawid ang inakyat na pader, biglang humihip ang malakas na hangin at nagulantang ito kaya nagkamali ng hawak. Sa pagkakataong ito, bumagsak si Cherry sa bangkitong inilagay na ikinasira nito. Biglang nanlabo ang kanyang paningin at nanlupaypay ang kanyang katawan. May panaka-naka siyang narinig na boses hanggang sa tuluyang nawalan ng malay.
1 note · View note
weblogpilar-blog · 5 years
Text
Lakbay Sanaysay
Tumblr media
PAGHAHANDA SA ISANG LAKBAY
Sa mga pagkakataon na magkakaroon ng isang paglalakbay o biyahe, marapat na maging handa sa kung ano man ang iyong kakailanganin pagkat sa mga ganitong pagkakataon ay mabuti na ang maging handa at segurista. Maganda na ang pagiging #prepared kumpara sa pagiging #nganga.
MGA BAGAY NA MAITUTURING MUST-HAVES SA PAGLALAKBAY
Sun Protection
Tumblr media
Sa isang paglalakbay, nararapat na magdala ng mga bagay na magbibigay proteksyon sa atin laban sa napakainit na sikat ng araw. Ang ilang lamang sa mga ito ay sunscreen, sombrero, payong, at sunglasses o shades. Ang sunscreen ay isang produkto na ipinapahid sa ating balat upang hindi direktang nakaaapekto ang araw sa ating balat pagkat ito ay mayroong masamang epekto sa ating kalusugan. Pangalawa ay ang sombrero at payong. Ang mga ito naman ay magbibigay karagdagang proteksyon sa atin kung sakaling maging hindi na kanais-nais ang init na ibinibigay ng araw. Ang panghuli naman ay ang sunglasses o shades. Kung kinakailangan na bigyang proteksyon ang ating balat, nararapat lamang na proteksyonan din an gating mga mata bagkat gaya ng sa ating balat makasasama rin para sa ating mga mata ang direktang sinag ng araw sa mata.
Kamera
Tumblr media
Isa sa mga mahahalagang bagay na dapat dalhin sa isang paglalakbay o pamamasyal ay ang kamera. Ito ay isang instrument na gugustuhin mong isama sa iyong pag-alis pagkat ito ang magsisilbing tagakuha ng mga lugar o pangyayari na iyong masisilayan sa mga destinasyon na iyong pupuntahan. Ano man ang iyong naisin na balik-balikan ay maaari mong magawa sa tulong ng kamera na magsilbing tagapangalaga ng mga kaganapan o alaala na importante sa iyo.
Baon
Tumblr media
Hindi ka maaaring umalis ng walang baong pagkain at pera. Ang mga ito ay maihahantulad sa isang kaibigan pagkat ito ang mga bagay na kakailanganin mo sa kahit na anong panahon o oras sa iyong paglalakbay. Ito rin ay ang magliligtas ng buhay ma sa panahon na kailanganin mo ito, lalo na kung ikaw ay parating gutom o mahilig dumaan sa mga tindahan ng souvenir. Subalit sa isang paglalakbay, nararapat na tandaan na maging wais sa pagbili ng mga kung anu-ano lalo na kung ito ay hindi magagamit o kailangan.
Tumblr media
Ang pagpunta sa probinsya ng Bulacan at Pampanga ay may katagalan. Kung kaya’t kinakailangan na agahan ang pagalis upang mas madaming mapuntahan at mabisitang mga lugar. Ang naestimang oras ng pagpunta sa Bulacan ay humigit kumulang 2 oras kung walang trapik. Kung aalis ng mga 5 o 6 ng umaga makakarating ka sa unang destinasyon ng mga 8 ng umaga.
Isang magandang destinasyon na maaring puntahan sa Bulacan ay ang Barasoain Church ang pagpunta doon mula sa Maynila ay humigit kumulang 2 oras kung dadaan lamang sa gas station ng mga 10 hanggang 15 minuto. Kung mas magtatagal sa gas station upang kumain ay mas tatagal ng kaunti ang biyahe. Ang pagiistay sa simbahan ay maaaring tumagal ng 30 minuto hanggang 1 oras kung makakarating sa simbahan ng mga 8 ng umaga maaaring hanggang 9 ng umaga kayo dito.
Pagkapunta sa Barasoain Church ay bibisitahin naman ang isang museum sa Bulacan na tinatawag nilang Hiyas ng Bulacan. Ang layo ng Barasoain Church sa Hiyas ng Bulacan ay kakaunti lamang, ang estimang oras ng pagdating ditto ay mga 5 minuto lamang.  Kung ikaw ay mahilig magpunta sa mga ganitong lugar maaari kang tumagal ng mga 1 oras sa mismong museum. Kung hindi naman ay maaaring malibot ito ng mga 30 minuto. Pagkadaan sa museum maaaring pumunta sa tindahan nila ng mga pasalubong kung saan may mabibili kang mga produktong sikat sa Bulacan. Maaaring kang magtagal ng mga hanggang isang oras dito.
Pagkatapos ng pagdaan sa Hiyas ng Bulacan magpupunta naman sa Pampanga upang magpunta sa SM San Fernando. Tatagal ng mga isang oras ang biyahe papunta dito, samakatuwid maaaring makarating ka ng mga 12 hanggang 12:30 ng tanghali sa SM. Pagkarating sa SM San Fernando makakapili ka na kung saan mo gusto kumain ng pananghalian, ang SM San Fernando ay nagbibgay ng madaming pamimilian ng makakainan kaya maaari kang mamili kung ano ang iyong gustong kainan.
Ang Sky Ranch na katabi lamang ng SM San Fernando ay nagbubukas ng 3 ng hapon kaya pagkatapos mong mananghaliaan maaari ka munang gumala sa mall hanggang sa magbukas ang parke. Pagkabukas ng Skyranch ng 3 ng hapon maaari ka nang pumasok, ang isang ride all you can ticket ay pumapatak sa ₱1540.00 maaari mo itong gamitin sa lahat ng rides hanggang sa magsara ang parke.
Kung babalik ka ng Maynila sa araw na rin na iyon at gusto mong makauwi ng maaga maaari ka lamang magstay sa Sky Ranch ng 2 hanggang 3 oras para makauwi ng mga 8 ng gabi. Sa kadahilanang ang dadaanan ay matrapik lalo na nang mga oras na iyon dahil rush hour at ang mga tao ay nagsisiuwian.
Tumblr media
FOOD STOPS
Patungo sa Bulacan galing Maynila (NLEX-Northbound), maraming stop-over na madadaanan at isa na dito ang Shell sa Balagtas, Bulacan kung saan matatagpuan ang samut saring kainan ito-ito ay ang Jollibee, Kenny Rogers, Chowking, KFC, Hen Lin, Starbucks, Pizza Hut, Cafe France, Dunkin Donuts, at Hap Chan Tea House.
Pauwi naman ay nadaanan namin ang Petron Gas Station sa Marilao, Bulacan (NLEX-Southbound) kung saan ay mayroong marami rin na kainan ito ay ang Mcdonald's, Starbucks, Subway, KFC, at YellowCab.
MGA DAPAT TANGKILIKIN SA BULACAN
PASTILLAS DE LECHE
Tumblr media
Pastillas de leche ay gawa sa gatas ng baka o kalabaw na hinaluaan ng lemon juice at asukal. Ang Pastillas ay minana nating mga Pilipino mula sa mga Espanyol. Sa San Miguel, Bulacan pinagdiriwang ang Pastillas Festival at ito ay ginaganap tuwing Mayo na nagsimula noong taong 2006. Ang paper-cut na uri ng pag gugupit "Pabalat" o "Borlas de Pastillas" ay nakaugnay din sa pastillas na nasangkot sa paggawa ng detalyadong disenyo ng papel. Mula sa lokal na katutubong tradisyon ito ay nabago at naging isang sikat na sining. Sa Bulacan, ang pastillas ay binabalot sa isang makulay na Japanese paper (TRIVIA: Ang tawag nating mga Pilipino ay  Japanese paper dahil ang alam natin, mula sa mga hapon nag mula ang papel ngunit ito ay isang tisyu lamang sa kanila) at ng mga pista ay hindi nakukumpleto nang walang paper-cut pastillas bilang dekorasyon, table centerpiece o souvenir.
BUTCHERON
Tumblr media
Ito ay natikman ko lang noong ako'y mapabili sa isang pampasalubong na tindahan at una kong nasubukan ang butcheron ng bulacan. Kung ito'y aking irrate, ang puntos ko dito ay 10/10. Ito n ata ang bagong kong paborito dahil sa napakasarap niyang lasa. Ito ay gawa sa buchi ng manok. Masarap pa maliban sa chicharon.
Tumblr media
Sa isang field trip hindi mawawalan ng iba’t ibang aktibidad na gawain dahil bukod sa tutunin nito na madagdagan ang kaalaman ng mga estudyante sa labas ng paaralan, isa din nitong nais ay ang magsaya ng walang iniintindi ang mga estudyante kasama ang buong klase o pangkat. Kaya naman basahin hanggang sa dulo ang blog na ito upang matunghayan ang iba’t ibang napuntahan namin noong field trip.
BARASOAIN CHURCH
Tumblr media
Ang Simabahan ng Barasoain ang una naming pinuntahan, ito ay nakatayo sa Malolos, Bulacan. Ito ay itinatag noong 1859 gamit lamang ang nipa at kawayan. Madami ng beses nabago ang kabuuan ng simabahan dahil sa mga pilipinong pari na natatalaga dito. Makikita dito ang lumang istraktura ng simbahan na hanggang ngayon ay pinangangalagaan dahil isa itong simbolo ng palatandaan ng mga ninuno natin na bumuo at nagtatag ng simabahan. Ang loob ng simabahan ay magpapakita ng pangangalaga ng mga tao, ang loob ay malinis, organisado at tahimik. Ang simbahan ay nagpaparamdam ng kapayapaan, talagang madadama mo ang pagmamahal ng Panginoon. Ang pinaka magandang gawain dito ay mag dasal, upang magpasalamat, manghingi ng tawad at humingi ng gabay sa maykapal. Maaari rin pumunta dito upang magmuni muni o magnilay-nilay dahil dito ay tahimik at malayo sa gulo. Malawak ang lupa ng simbahan, sa gilid nito sa kanan ay may parang hardin at sa kaliwa naman ay kung saan nakalagay ang palikuran. Kaya rin isa ito sa aming pinuntahan bilang parte ng paglalakbay dahil bilang isang katolikong paaralan bago ang lahat ng gagawin o pupuntahan, hihingi muna ng gabay para sa kaligtasan at kasiyahan ng lahat ng sa gayon ay walang masamang mangyari. Higit pa rito, upang pasalamatan at humingi ng tawad sa Diyos.
HIYAS NG BULACAN
Tumblr media Tumblr media
Ang Hiyas ng Bulacan ay isang bagong bukas na museo sa Malolos. Nakatabi ito sa isang parke na tamang tama puntahan pagkatapos sa museo. Ang Hiyas ng Bulacan ay naglalaman ng iba’t ibang kasaysayan ng Pilipinas partikular na sa lugar ng Bulacan. Nakalagay dito ang kultura ng bayan mula sa pagkain, kasuotan, piyesta, at hanap-buhay. Ang pakikipagdigmaan din na nangyari sa bayan ay pinapakita rito, ang mga tao na nakipaglaban na tubong Bulacan, ang mga nangyari sa bayan, at ang mga unang tao na tubo at namuno sa bayan. Pinapakita rin dito ang iba’t ibang pinta ng kilalang artista sa sining na talaga namang nakakamangha. Pagkatapos pumunta rito ay punong puno ang kaalaman dahil sa mga istorya na nakalahad/nakalagay sa museo. Ang lugar ay madali lang puntahan kaya’t isa ito sa napili ng paaralan, bukod pa rito talaga namang magbibigay ito ng dagdag kaalaman saming mga estudyante tungkol sa ibang kultura at kasaysayan ng Pilipinas at iba pang pangyayari.
SM CITY PAMPANGA
Tumblr media
Galing Sa: SM Supermalls
Ang isa sa pinaka sikat na pinuntahan namin ay ang SM Pampanga. Alam naman natin na kahit saang lugar sa Pilipinas ay may SM kung hindi man SM meron parin iba’t ibang pamilihan. Karamihan ay alam na kung ano ang pwedeng gawin, mayroon o mabibili sa loob ng pamilihan na ito. Ngunit, ang SM sa Pampanga lang ata ang napuntahan namin na tatlo ang laruan dahil mayroon itong Tom’s World, Quantum at World of Fun. Katulad na mga laruan na nabanggit, maari ito gawin dito upang maglibang kasama ang mga kaibigan, nobya/nobyo, asawa o buong pamilya. Maaari din dito mamili ng pagkain, damit, o iba’t ibang kagamitan. Syempre, mayroon din dito na mga kainan kaya’t ang pangkat namin ay kumain sa Cabalen, isa itong buffet na mga pagkaing filipino. Pagkatapos kumain ng aming pangkat ay binigyan kami ng ilang oras para magikot sa pamilihan, kung gayon kami ay nag laro at pumunta sa iba’t ibang tindahan.
SKYRANCH PAMPANGA
Tumblr media
Ang Skyranch sa Pampanga ay nasa lungsod ng San Fernando, ito rin ay nasa likod ng SM kaya’t napakadaling puntahan. Ito ay ang huli naming pinuntahan sa aming paglalakbay, kaya ito ang isang pinuntahan dahil gusto rin ng aming paaralan na magsaya kami ng walang iniintindi na mga gawain para sa mga paksa. Ang panlibangang parke ay mayroong iba’t ibang sakayan na pwede sa bata at matanda. Ang patok na patok dito ay ang Ferris Wheel kung saan pag sumakay ka ay makikita ang buong tanawin lalong lalo na ang Bundok Arayat. Hinding hindi rin mawawala ang mga nakakatakot o matataas na sakayan sa parke katulad ng Space Shuttle, Drop Tower, Roller Coaster at iba pa. Ang mga pang bata naman na sakayan ay marami din kaya’t hindi dapat ipagalala kung may mga kasamang bata. Mayroon din na mga tindahan ng pagkain sa loob ng parke at upuan kung gusto munang magpahinga o maghintay. Tunay nga naman na masaya ang aming pagpunta sa parke dahil kasama namin ang mga kaibagan at kaklase para sa huling field trip namin bilang hayskul.
1 note · View note
2jay1s · 2 years
Text
Libutin natin ang cebu
Tumblr media
Tayo ay pupunta sa lugar na puno ng kagandahan ng lugar at kasarapan ng mga pagkain kaya ano pang hinihintay mo tara na! 
                             Mga SIKAT na PAGKAIN sa CEBU
Ang Lungsod ng Cebu ang kabiserang lungsod, ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas, na bahagi ng Kalakhang Cebu kasama ang anim na iba pang mga lungsod ng Lungsod ng Carcar, Lungsod ng Danao, Lungsod ng Lapu-Lapu, Lungsod ng Mandaue, Bogo, at Lungsod ng Talisay, at anim pang mga bayan. Ito ang ikalawang pinakamahalagang sentrong urbano ng bansa. Matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Visayas. Isa ang Cebu sa pinakamaunlad na lalawigan sa Pilipinas, at ang sentro ng kalakalan, komersyo, edukasyon, at industriya sa gitna, at timog na bahagi ng Pilipinas.
Cebu City ay tinatawag din bilang “Queen City of the South” at naging isa sa mga magandang destinasyon ng mga turista sa Pilipinas.
Bukod sa mga magagandang tanawin at pasyalan sa Cebu, kilala rin sila sa kanilang masarap at malinamnam na pagkain. Narito ang ilang sa mga pagkain na binabalik-balikan sa Cebu: 
Tumblr media
                                                         Lechon
Inasal ay isang Cebuano term para sa Lechon. Maaari itong maging Inasal na Manok o Inasal na Baboy ( Lechon Manok o Lechon Baboy). Ang Cebu ay ang nag iisang lugar sa Pilipinas na pinaka-sikat pagdating sa Lechon dahil sa kakaibang lasa ng kanilang produkto. Kung ito ay iyong titikman ay nais mong bumalik balik sa Cebu para sa kanilang Lechon. Kakaiba ang lasa at walang kapantay.                    
Tumblr media
                                Daing, Danggit at Pusit atbp. 
 Kabilang din dito ay ang daing, danggit at pusit na makikita sa iba’t ibang bahagi ng Cebu. Ngunit mayroong ispesipikong lugar sa Cebu kung saan ay makakakita ka ng sari-saring klase ng dried goods at ito ay sa Taboan Public Market, Cebu City. Dito pumupunta ang mga dayuhan upang bumili ng pang pasalubong. Iba ang lasa ng mga ito dahil bukod sa sakto ang alat ay napaka-linamnam pa. Masarap ito kahit sa anong oras ng araw.
Tumblr media
                                                Cruzan Crab
Isa pa sa ipinagmamalaking pagkain sa Cebu ang Cruzan Crabs o mga naglalakihang alimango na nakukuha sa Bantayan Island. Dahil sa hinahanap-hanap na rin ito ng mga turista, inaangkat na rin ang mga Cruzan Crab palabas ng bansa. Ang laman ng alimango na ito ay napaka-linamnam na hindi mo malalasahan sa ibang alimango. Kahit na malakas ito makapag-pataas ng altapresyon, ay gustong gusto pa rin ito ng mga turista dahil sa sobrang laki nito at linamnam.
Tumblr media
                                                    Dried Mangoes
At syempre ang isang dabest sa pang pasalubong ay ang Dried Mangoes. Ito ay yung mga hinog na mangga na ibinilad sa ilalim ng araw upang matuyo. Dahil sa likas na lasa nito ay maaari mong gawing dessert o di kaya ay pampagana bago kumain. Ang tamis nito na may konting asim ang naging rason upang maging natatanging meryenda ng mga makakatikim nito. Sa bawat kagat ay puno ng lasa at masustansya dahil isa ito sa mga dabest na piling mangga ng Cebu.
Ilan lang yan sa mga pinaka sikat at masarap na pag kain dito sa cebu dumako naman tayo sa mga lugar.
Unang una 
Tumblr media
10,000 Roses of Cebu- Marahil ay narinig mo na ang 10000 Roses Café & More sa ngayon. Ito ay hindi maikakaila ang pinakasikat at pinaka-hinahangad na café sa Cebu ngayon pagkatapos gumawa ng malaking buzz sa Facebook. For sure, kahit tatlong araw mula ngayon, tiyak na mag-e-enjoy ang Korean cafe na ito sa hype ngayon at sa bandang huli.
ay mag-aalala tungkol sa pag-accommodate sa lahat ng mga curious at excited na bisitang ito. Bagama't sa totoo lang, ang 10000 Roses Café & More ay isang magandang lugar — tiyak at lubos na atraksyon ng turista ngayon. AT HINDI, hindi ito totoong mga rosas. Ang mga ito ay artipisyal, pinapagana ng LED na mga rosas. Iyon ang dahilan kung bakit pinakamahusay na pumunta doon sa dapit-hapon hanggang gabi.
Pangalawa 
Tumblr media
Isa sa pinaka magandang pasyalan na ating pupuntahan ay Oslob Whale Sharks.  
Ang aktibidad sa panonood ng whale shark sa Oslob ay hindi maikakaila na isang sikat na atraksyon sa buong mundo at kontrobersyal din. Ang hindi kapani-paniwalang karanasang ito ay nag-uudyok sa mga turistang bisita na dumagsa sa baybayin ng Oslob upang makatagpo ang mga magiliw na higanteng ito. Ang mga whale shark watching tour na sinamahan ng iba pang sikat na tour sa southern Cebu ay maaaring punan ang iyong araw ng puno ng saya at pakikipagsapalaran.  
At pinaka huli 
Tumblr media
Ilang kilometro ang layo mula sa whale shark attraction ay ang Tumalog Falls. Matatagpuan din ito sa munisipalidad ng Oslob. Tinatawag ng mga lokal ang anyong tubig na ito, ang "Toslob Falls" o "Mag-ambak Falls".
Ang Tumalog Falls ay isang tabing na parang talon na tumatakip sa buong bangin ng malamig at malinaw na tubig. Niyakap ni Moss ang mga bato ng bangin na sinasala ang tubig at nagbibigay ng epekto sa kurtina. Ito ay isa-ng-a-uri at tiyak na nakamamanghang.
Kaya naman, ito ay naging isa sa mga paboritong lugar ng turista sa Cebu. At dyan nag tatapos ang akin kwentuhang cebu sana kayong nag enjoy at masaya!!!
0 notes
nikkisaison · 4 years
Text
Alamat ng Bundok Banahaw
Noong ang malaking Bundok sa gitna ng pulong Luzon ay hindi pa kilala sa pangalang Banahaw ay meron ng maraming tahanang nakatayo sa paanan ng bundok na pinaninirahan ng mga tao lalo na yaong malapit sa ilog.
Sa maraming mag-aanak na doon nakatira ay kabilang ang mag-asawang Lukban at Bayabas. Iisang anak nilang lalaki, si Limbas, ang namumukod sa lakas, sa tapang at sa bilis. Sa kanyang panudla ay bihirang usa, baboy-damo, unggoy, at malaking ibon ay nakaliligtas. Kaya't hindi nagtagal, sa paligid-ligid, ng malaking bundok ay natanyag ang pangalang Limbas. Siya ang naging hantungan ng paghanga ng lahat. Sa malayong pook ay dumating ang kabayanihan ni Limbas.
Tumblr media
Isang araw ay nawala si Limbas at gayon na lamang ang panimdim ng mag-asawa. Hindi sila makakain at makatulog sa hindi pagdating ng kanilang anak. Makalipas ang pitong araw ng pagkabalisa ay muling nagbalik si Limbas. Dala niya ang isang balutan na sari-saring damit at pagkain. Sa buhay ng mag-asawa ay hindi pa sila nakakalasap at nakakatikim ng gayong nag-iinamang damit at nagsasarapang pagkain. Pakinggan natin ang balita ni Limbas.
"Isang maginoong balbasin ang nagpakilala sa kanya na isang 'enkantado'. Sa maharlikang tahanan nito sa tugatok ng bundok ay doon isinama si Limbas. Doon, ang lahat ng hayop ay puti ang balahibo, di lamang ang mga manok pati ang mga usa. Ang hardin ay napakalawak at humihitik sa mga bunga ang mga puno. May sasakyang hinihila ng dalawang kabayong puti, na siyang ginagamit sa paglalakbay sa buong Luzon. At sumama lamang ako sa pag-uwi ng bahay ay hindi nawala ang dulot."
Yaong balutan ng damit at pagkain na pasalubong ni Limbas sa kanyang mga magulang ay unang dulot ng maginoo. Nguni't ang bilin nito bago iabot ang dulot ay dapat munang humalik si Limbas sa kanyang mga magulang. Anupa't ang hindi paghalik sa kamay ay makakapagpabago sa dalang dulot. Hindi minsan mang nawala si Limbas ng pituhang araw at hindi rin sa kanyang pagbalik ay sari-saring kasuotan at pagkain ang dala ang nakasisiya sa kanyang mga magulang.
Minsan pagbalik ng bahay ni Limbas ay isang balutan ng maliit na bolang ginto ang padala ng ginoo. At sa tuwa ni Limbas ay nakalimutan humalik muna ng kamay sa kanyang mga magulang, at kara-karakang binuksan ang balot at sinabing, "Narito po ang ating kayamanan mga bolang ginto!"
Subali't ng buksan ang balutan ay hindi ginto ang lumabas kundi mga bunga ng Anahaw.
Kaya't sa pagkagulat ay napasigaw si Limbas: Ba! Anahaw! Ba! Anahaw! Ba! Anahaw!"
At buhat noon ay tinawag na Banahaw ang malaking bundok na yaon sa gitna ng Luzon. Gayon din, ang bayan ng Lukban at Tayabas ay nagsimula sa pangalang Bayabas at Lukban, na mga magulang ni Limbas.
0 notes
Text
Naka punta ka na ba sa Cebu? Naka kain ka na basa Cebu?
Alam natin na kapag pinag uusapan ang Cebu, mga dagat at resort kaagad ang naiisip natin. Paano naman ang mga pagkain? Ang Cebu ay sikat dahil sa mga exotic at masasarap nitong pagkain. Mapa lansangan man o masukal na mga lugar. Pagkain ang puhunan ng mga taga Cebu. Para sa akin ang mga da best na puntahan pag baguhan ka sa Cebu ay ang Larsian. Kung gusto mong kumain ng Isaw, Barbecue, Paa ng manok, Ulo ng manok at marami pang Iba bumisera ka na sa Larsian. Pangalawang lugar ay ang Lantaw, ang Lantaw ay sumikat dahil sa seafood na mga putahi at mala dagat nitong arkitektura.Pangatlong pagkainan ay ang Sugbo mercado, mapapa "aw" ka sa , sarap ng mga pagkain.
Dito mo matitikman ang samo't saring pagkain galing sa mga malalayong lugar na sinunod ng mga chef para matikman ng mga Cebuanos. Masarap na nag enjoy ka pa!
Pang apat na pagkainan ay ang Siomai sa Tisa. Maraming pag pipilian manok man o baboy. Pede ring pusa at daga! Hahahaha joke lang baka masuka kayo. Ang siomai sa Tisa ay sumikat dahil sa masarap nitong sauce at malinamnam na laman.
Panglima ay ang mga magagandang Cafe sa Cebu, wala akong masyadong napuntahan pero ang da best daw ay ang Oppa Cafe. Oo alam ko kasi may Wifi at pangalan pa lang kinikilig ka na. At kikiligin ka din sa sarap ng mga desserts at Cape nila. Kaya "ari na!"
Nakakagutom no? Kaya lumakbay na kayo dito sa Cebu! Pagkaing swak at affordable sa Bulsa! Choose Philippines! Choose Cebu!
2 notes · View notes
nierrasharvey-blog · 6 years
Text
Ang aking blog: Mga da best pagkainan sa Cebu
Mga da best pagkainan sa Cebu Naka punta ka na ba sa Cebu? Naka kain ka na basa Cebu? Alam natin na kapag pinag uusapan ang Cebu, mga dagat at resort kaagad ang naiisip natin. Paano naman ang mga pagkain? Ang Cebu ay sikat dahil sa mga exotic at masasarap nitong pagkain. Mapa lansangan man o masukal na mga lugar. Pagkain ang puhunan ng mga taga Cebu. Para sa akin ang mga da best na puntahan pag baguhan ka sa Cebu ay ang Larsian. Kung gusto mong kumain ng Isaw, Barbecue, Paa ng manok, Ulo ng manok at marami pang Iba bumisera ka na sa Larsian. Pangalawang lugar ay ang Lantaw, ang Lantaw ay sumikat dahil sa seafood na mga putahi at mala dagat nitong arkitektura.Pangatlong pagkainan ay ang Sugbo mercado, mapapa "aw" ka  sa , sarap ng mga pagkain. Dito mo matitikman ang samo't saring pagkain galing sa mga malalayong lugar na sinunod ng mga chef para matikman ng mga Cebuanos. Masarap na nag enjoy ka pa! Pang apat na pagkainan ay ang Siomai sa Tisa. Maraming pag pipilian manok man o baboy. Pede ring pusa at daga! Hahahaha joke lang baka masuka kayo. Ang siomai sa Tisa ay sumikat dahil sa masarap nitong sauce at malinamnam na laman. Nakakagutom no? Kaya lumakbay na kayo dito sa Cebu! Pagkaing swak at affordable sa Bulsa! Choose Philippines! Choose Cebu!
1 note · View note
lakambinimagph · 5 years
Text
Mga Tra(baho) at Mga Tindera sa Baguio
Tumblr media
          Malansa. Mabaho. Makipot. Maputik. Madilim. Mainit. Ito ang araw araw na dinaraanan at kinakaharap ng mga naghahanap-buhay sa pamilihan ng Baguio gaya nina Aling Becca, Aling Denden, Aling Angel, at Aling Lorena.
          Siguro’y mapapatakip na tayo ng ilong sa umaalingasaw na amoy ng malansang isda, karne, o sa nakakahilong amoy ng kemikal na ginagamit sa mga parlor, pero para kina Aling Becca, Aling Denden, Aling Angel, at Aling Lorena, hindi na ‘to alintana dahil ito ay parte na ng pangaraw-araw na pamumuhay nila.
Tiyaga sa Lansa ng Isda
Tumblr media
         Nag-uumpisa na ang buhay ni Aling Becca alas singko pa lamang ng umaga. Pagpasok pa lamang sa parte ng palengke kung nasaan ang bilihan ng isda, kapansin-pansin na ang basa at maputik na daanan dahil sa tubig na natatapon mula sa mga palanggana at timba kung saan nakalagay ang mga isdang kanilang ibinebenta. Kapansin-pansin din na walang sapat na mga ilaw sa ibang mga sulok ng nasabing lugar, kaya dobleng ingat sa paglalakad upang hindi makabangga ng iba o madulas. Sa isang sulok paglabas sa isang makipot at madilim na eskinita, kadalasang matatagpuan si Aling Becca na nagkakaliskis ng isda para kaniyang maitinda.
          Tubong Pangasinan si Aling Becca na nakipagsapalaran sa Baguio upang maghanap ng hanapbuhay rito. “Ito na ‘yong nakasanayan [pagbebenta ng isda] mula noong dalaga pa ako, at tsaka sanay naman na ako sa malansang amoy ng mga isda eh.” sambit niya. Ang malansang amoy na ito ay hindi na malansa para sa kanya bagkus, ito ay amoy ng kabuhayan; ng gagamiting pantustos upang makakain siya at ang kaniyang pamilya ng tatlong beses sa isang araw.
Ang Amoy sa Ilalim ng Puting mga Ilaw
Tumblr media
           Mula sa bilihan ng isda, maglalakad lamang ng ilang metro at makakarating na sa bilihan naman ng manok. Pagpasok rito, agad makikita ang dikit-dikit na mga pwesto kung saan ibinebenta ang pambansang karne ng Baguio, ang manok. Sa gitna nito ay naroon si Aling Denden. Tulad ni Aling Becca, tubong Pangasinan din si Aling Denden na umakyat sa Baguio upang maghanap ng mapagkakakitaan. Hindi rin naiiba ang naaamoy na ni Aling Denden sa kaniyang araw-araw na pagtitinda- malansa.
          Hindi pagmamay-ari ni Aling Denden ang pwestong kanyang pinagtatrabahuan, kaya halos kakarampot na ₱350 lamang ang kanyang kinikita sa isang araw at ito’y kaniyang pinagkakasya upang mapakain ang kanyang pamilya.
          “Minsan matumal ang tinda, kaya tipid tipid lang talaga... Pero minsan, kulang talaga ‘yong sweldo dahil maraming gastos sa araw-araw,” dagdag pa niya. Ganun pa man, hindi na rin alintana ang malansang manok at kakarampot na kita dahil ito ang tumutulong sa kanya upang mapag-aral ang kanyang mga anak at upang mapakain ang kaniyang pamilya.
Gunting-pala sa mga Parlorista
Tumblr media
          Mula sa loob ng palengke kung nasaan sina Aling Becca at Aling Denden, matatagpuan naman sa labas ng palengke ang isang parlor shop. Hindi man maputik ang daan at malansa ang amoy dito, hindi nalalayo ang araw-araw na hirap ni Aling Angel mula kina Aling Becca at Aling Denden. Ang amoy ng mga kemikal na ginagamit ni Aling Angel bilang isang parlorista ay hindi rin kaaya-aya sa pang-amoy lalo na kung ito’y ilang oras sa isang araw nalalanghap. Bukod pa rito, nakakangawit ang trabaho ni Aling Angel dahil maghapon siyang nakatayo at naggugupit, nagkukulot, nagkukulay, at minsan ay nagre-rebond at relax o nag-uunat ng buhok ng mga taong pinaglalaanan niya ng kanyang oras at serbisyo.
          Mula sa Cagayan, nanatili si Aling Angel sa Baguio dahil sa kanyang trabaho bilang isang parlorista. “Ito lang kasi ang alam kong trabaho… wala nang iba,” kwento niya. Sa isang buwan, kumikita si Aling Angel ng P7,000 o nasa mahigit P200 lamang kada araw.
          Kaakibat ang gunting, ang amoy kemikal na nalalanghap ni Aling Angel araw-araw, ang nagbibigay-buhay sa kaniyang mga pangarap para sa kaniyang mga anak.
Amoy ng mga Pampalinamnam sa Buhay
Tumblr media
         Hindi man mabaho ang paligid at walang kemikal na naamoy, hindi naiiba ang nararanasan ni Aling Lorena sa kanyang trabaho.
         Sa kanilang lahat, si Aling Lorena ang may pinakamabango at pinakamasarap na paninda. Ngunit, ganoon man kasarap ang amoy ng mga putaheng hinahain niya sa kanyang karinderya, hindi ganoon kasarap ang buhay na tinatamasa niya.
        Gawat. Ito ang tawag ng mga Ilokano sa panahon ng taghirap o mga buwan na hindi na anihan. Mabenta man ang mga inihahain ni Aling Lorena, hindi pa rin ito sumasapat kumpara sa hirap niya sa pagluluto at paghahanda ng kanyang mga binebenta sa araw-araw. “Ang malakas ay ‘pag holiday at ‘pag maraming estudyante. Ang pinakamahina kasi June hanggang August; bagsak ang negosyo. Kaya do’n din lang napupunta [ang kita]. September ang balik ng tao pero taghirap pa rin, kasi ‘yon ‘yong time na tinatawag nilang “gawat.” June hanggang September ang gawat. Sa October, okay naman na. Makakaipon ka, tapos babalik ulit, makukuha rin lang, kasi magne-negative ka kasi mahal ang renta,” paliwanag ni Aling Lorena.
         Tulad nina Aling Becca, Aling Denden, at Aling Angel, si Aling Lorena ay hindi rin tubong Baguio. Galing siya sa Dagupan, Pangasinan at nakipagsapalaran sa Baguio buhat ng paghahanap ng trabaho, gaya rin ng iba.
Halimuyak ng sikap at tiyaga
          Sa linya ng trabahong kinabibilangan nina Aling Becca, Aling Denden, Aling Angel, at Aling Lorena, marami silang kinahaharap na problema sa araw-araw. Idagdag pa rito ang kanilang mga nakakasalamuhang iba’t ibang klase ng mga tao na magpapasaya o magpapainit ng kanilang mga ulo. Ngunit sa kabila ng mga problemang ito, patuloy pa rin silang nagtatrabaho upang matustusan at maitawid ang pang-araw araw na pamumuhay.
          Sa bawat amoy mula sa paninda o sa serbisyong ibinibigay nila, hindi matatawaran ang sakripisyo at pagpupursigi nina Aling Becca, Aling Denden, Aling Angel, at Aling Lorena, [at ng iba pang mga kababaihang nasa ganitong linya ng mga trabaho] upang matustusan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.
          Pamilyar tayong lahat sa sari-saring amoy na nalalanghap mula sa iba’t ibang lugar at produktong nabibili o serbisyong natatanggap natin. At sa likod ng mga ito ay ang araw-araw na pasanin ng ating mga kapamilya, kaibigan, kapitbahay, kakilala o kababayan.
          Sari-saring amoy ang nalalanghap ng karamihan sa ating mga kakilala mula sa iba’t ibang linya ng trabaho na kanilang kinabibilangan. Mula sa mga produktong itinitinda at serbisyong ibibinigay, hanggang sa kapaligiran kung nasaan ang kani-kanilang mga pwesto o tindahan, hindi maiiwasan ang mga ‘di kanais-nais na amoy sa kahit saang sulok ng kanilang mga pinagta-trabahuan.
          Hindi naman na lingid sa ating kaalaman na kabilang ang pagtitinda ng isda, karne, at iba’t ibang klase ng karneng mula sa mga hayop, pagbibigay ng serbisyo bilang parlorista, at pagtitinda ng iba’t ibang klase ng pagkain, sa mga trabahong may kaugnayan sa “masangsang” na amoy.
           Ang mga amoy na nalalanghap ng mga kababaihang nasa ganitong linya ng trabaho ay amoy ng pagod at hirap nila sa araw araw na siyang bumubuhay sa kanila. At dahil diyan, saludo kami sa inyo!
Words by Kimberly Joy Alejo
Graphics by Kimberly Joy Alejo
Photo by Kimberly Joy Alejo
Interview by Kimberly Joy Alejo
0 notes
ongpinned-blog · 5 years
Text
11 Pesos - Trip to China
ni Hannah Estelle Jeanne U. Gopez
Magisa akong naglalakad papunta sa De La Salle University – Manila. Habang ako’y nasa loob ng paaralan, napagtanto ko na wala pala kaming klase sa nag-iisang subject namin ngayon na Creative Non-Fiction. Bigla nalang akong natawa dahil sa aking nagawa, naligo na para bang nagwisik-wisik lang, kumain ng tatlong subo lang at hindi na nakapagpatuyo ng buhok sa bentilador dahil alam ko sa sarili ko na late na pala ako sa klase namin ngayon. Habang papalakad palabas sa aking eskuwelahan, bigla nalang tumunog ang aking tiyan na para bang mayroong bulating malikot sa loob na hindi mapakali dahil kailangan nilang pagkain. Siguro nga, kailangan ko nang kumain dahil hindi pa sapat ang nakain ko kanina.
Limang-daan na lamang ang pera ko sa aking wallet. Bigla nalang ako napaisip kung sa Taft ba ako kakain o hindi. Hindi biro ang magagastos mo sa Taft dahil isang manok na may kasamang kanin ay nagkakahalagang one-hundred twenty pesos na. Naalala ko ang nasabing lugar ng aking kaibigan, ang Binondo. Sinabi niya na kahit dalawang-daan lang ang pera mo ay sulit na at mabubusog ka pa. Ngunit, hindi ko alam papaano makapunta sa Binondo, tinawagan ko na rin ang aking kaibigan na nag-sangguni na kumain na lamang sa Binondo pero hindi siya sumasagot. Kaya naman nagbasakali na lamang ako sumakay ng jeep at sabay-sabing “Kuya, magkano po hanggang sa Binondo?” biglang sagot naman niya sa aking tanong “Labing-isa.” Hanap ako ng hanap ng onse-pesos sa aking wallet ngunit wala akong makita. Tinignan ko rin ang aking bag kung mayroong naliligaw na barya, at sinuwerte ako. Saktong onse-pesos ang nakita ko at binigay ko na kay Manong. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa, bihira na kasi akong lumilibot sa Maynila dahil natatakot akong maligaw.
Tumblr media
 [Isang arko ang sasalubong sayo papasok sa Binondo. Nakamamangha ang kulay ng arko dahil makikita ang simbolismo nang pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino pagkatapos makatawid sa Jones Bridge. Ang bagong arko ay nagsisilbing unang yugto ng pag-unlad ng Chinatown.]
Nangyari na ang kinatatakutan ko, ang maligaw sa lungsod ng Maynila. Kaagad naman akong nagtanong kay Manong kung nasaan na ako, ayon pala nakadating na pala ako sa aking destinasyon, ang Binondo. Hindi ko alam na nakakatawid pala ang jeep sa dagat dahil para bang binaba ako ni Manong sa kabilang dulo ng mundo nung nakita ko ang arko na para bang papasok na ako ng china. Akala ko nga, nasa China na ako, pero nagkamali ako kasi pagkakita ko palang sa arko ay akala ko nasa ibang bansa na ako. Ito na pala yung “Chinatown” na tinutukoy ng aking kaibigan. Akala ko pa naman masasabi ko na sa aking sarili ang pahayag na “Good bye, Philippines! Hello, Binondo!” Pagbaba na pagbaba ko nakita ko kaagad ang aking Mr. Right na chinitong matangkad, naka-puting sombrero at malaki ang dibdib. Sa laki ng dibdib niya, siguro nga malaki rin ang puso niya. Gash, lalo pa akong nagutom.
At dahil yun ang una kong nakita, lalo pa akong ginanahang lumibot sa Binondo at maghanap pa nang makakain. Nilakad ko ang walang katapusang masikip na kasalda, ang “Ongpin street”  na punong-puno ng nakahilerang tindahan ng lucky charms, kainang mga Chinese, at kung anu-anong relihiyosong bagay. Maliban sa walang katulad na init ng Pilipinas, ramdam na ramdam ko ang vibe ng Beijing; ang kultura at tradisyong Chinese na nakatatak sa kulay at disenyo ng bawat istruktura. May arkitekturang nagpapakita ng awtentik na disenyong Chinese gawa ng tradisyunal at bernakular na  tema, lalo na sa una kong nadatnang restaurant: Chuan Kee. Nakalagay pa sa sign, “Oldest fastfood restaurant in Chinatown” at nakita ngang madaming taong kumakain doon. Ngunit nang basahin ko ang mga online reviews nito, nagpasya akong maghanap pa ng ibang kainan.
Tumblr media
 [Ang isang tindahan na tampok at kilala sa mga tradisyunal na delicacy ng mga Tsino - ang ENG BEE TIN .] 
Madami pa naman talaga akong mapagpipilian; mga maliliit na tindahan nang wanton noodles, toasted siopao, at sari-saring hopia. May isa ngang bilihan na mukhang masarap pero alam kong hindi ako mabubusog doon. Pangalan palang eh. Eng Bee Tin. Hindi natuwa tiyan ko sa biro ko nang magreklamo ito sa gutom. Naglakad pa ko sa makulay na kalye pero puro na bilihan nakikita ko. Mga singsing, kuwintas, pulseras, pigurin, at charms na pumupukaw sa aking mga mata ang bumabati sa akin. Kaakit-akit at aaminin kong pinag-isipan ko libangin nalang sarili ko, pero hanggang tingin nalang muna. Nakarating ako sa isang kantina ng sari-saring pagkaing Chinese—may pagkaing-dagat, Mongolian meals, pati na rin tindahan ng panghimagas. Sakto sa badyet ko at nakahihikayat ang simoy ng lugar, kaya dito na ako tumuloy. Tamang sweet and sour fish at chaofan lang.
Habang ako’y papalakad sa kalye ng Binondo, bigla kong nakita ang kaisa-isahang simbahan sa lugar, ang Binondo Church. Makikita ang mga taong sumasamba sa loob ng simbahan. Bagama’t hindi na ako nakapasok sa loob ng Binondo Church, ay natuklasan ko ang isang altar na tampok sa isang ginintuang krus na napapalibutan ng mga ilaw at mga lampin ng mga insenso sa mga vase, sampaguita necklaces, at mga frame na nagtuturo sa mga tao kung paano manalangin sa altar. Kamangha-mangha talaga ang aking nakita dahil minsan ko lamang itong masaksihan sa iba’t ibang simbahan sa Maynila.
Tumblr media
 [Isang tindahan na puno ng mga lucky charms] 
Matapos sulitin yung lugar, saka na ako nagdesisyong matuloy sa paglilibot. Nagsukat nang mga jade na singsing, tumikim nang toasted siopao, at nakipagkwentuhan sa isang aleng taga-benta ng mga lucky charms. Nakakaintriga; iyon palang pigura ng palakang may kagat-kagat na barya ay isa palang pang-halina ng kayamanan, at tatlo lang pala paa nito! Ang instruksyon nang ale, kailangang nakaharap ang pigura paloob sa isang kwarto at hindi dapat nakatutok sa anumang pinto palabas. Isa pang kwinento niya sa akin ang kahalagahan ng mga pigurang chinese na dragon. Sa siyam na kilalang dragon god sa kultura nila, ang pinaka malapit sa kanya ay si Ya Zi, ang tagapagtanggol sa mga mandirigma. Nakakalambot ng puso dahil siya ay nananalig dito sapagkat ang panganay niyang anak ay pumasok sa military bilang sundalo. Nakakamangha at nakakataba ng puso ang aking narinig dahil tunay siyang nagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos upang maging ligtas ang kaniyang anak. Ako’y lubos nagpasalamat sa istoryang ibinahagi niya sa akin dahil hindi ko man personal na karanasan, tila nadama at nakaugnay ako sa karanasang magmahal nang tunay na taos-puso.
Tumblr media
 [Isang-abalang kalye na puno ng mga tindahan nang mga prutas at mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada at ang walang katapusang pagtawid ng mga sasakyan at mga motorsiklo papalabas sa isang arko ng Binondo.] 
Sa katapusan nang araw, napagtanto ko ang kahalagahan ng kultura ng mga Tsino at ang kanilang katangian at asal nang bawat Chinese na makikita mo. Nakita ko rin kung paano pinaghalo ang kultura ng mga Pilipino at ang mga Tsino. Katulad na lamang ang Jones Bridge, na sumisimbolong koneksyon at relasyon ng dalawang magkaibang lahi. Sa katunayan, ako’y nagagalak dahil natutunan ko kung paanong makipag-usap sa mga Tsino at maging komportable sa kanila. Natutuwa rin ako sa mga nakita kong mga lucky charms dahil kamangha-mangha ang kanilang gawa na may halong paniniwala. Akala ko nga noon na ang mga Tsino ay matapobre at hindi matino pero nagkamali ako. Sila’y mababait at mapagunawa sa kapwa nilang mga Chinese at sa mga Pilipino. Biglang nagbago ang paningin ko sa kanila at sa kanilang kultura. Para bang umikot ng 180 degrees ang aking pagiisip patungkol sa kanila. Sulit na sulit talaga ang 11 pesos na ginastos ko papunta sa Binondo na akala ko nasa ibang bansa na ako. Kailanman, hindi ako magsisisi at mananatiling nasa puso ko ang aking natanaw sa loob ng Binondo.
0 notes
deltatrixter69 · 2 years
Text
This is all the male esper oc I had drawn
First is Marco the esper of Minukawa
He was the new commanders in the esper union because of his background of being the general of the military army in gyrate that's why he gets that position because of experience. So he was the new commander in the military side of the esper union. His 37 years old single father who has daughter named Lisa who is a human.
Tumblr media
Chance the esper of Saring Manok
Tumblr media
So his rapping skills can grant fortune to others if his rapping good things about you Even himself. His in his 25 and his a on the rise fame rapper
Elrick the esper of Epiales
Tumblr media
Ok his name is Elrick and a his a wanted esper in the Scavengers esper criminal list for so long because of his mental crimes that he did. Mental crimes? Yes his esper power is giving non stop sleep paralysis to his victim by staring them into they're eyes and the victims faint and start non stop nightmares and sleep paralysis and he wraps his esper chain powers around the victims eyes to worsen the nightmares the victims gets to the point they're screaming while in they're sleep paralysis and now his greatest crimes yet is hostaging 50 humans and 50 espers inside of a hospital building the doing his esper powers against those said victims While corrupting the building with rusted chains that bleed and bread from this espers powers and flesh growing in every inch of the walls That can spawn horrifying eye ball monsters that are very violent to both humans and espers and now Luo Yan and his Scavengers team will stop this terrifying crime by going inside the building and saving those victims while apprehending this criminal esper but little do they know how fucked things are waiting inside for them
18 notes · View notes
12b-nondo-blog · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Foodtrip
Niel Magsino
Umaga ng ika-27 ng Pebrero, ako ay sumakay ng dyip patungo Divisoria para makarating sa lugar ng Binondo. Masikip, iba’t ibang klase ng tao ang nasa loob nito mapa estudyante, trabahador at iba pa. Kasabay nito ang pagsigaw ng drayber ng “kaliwa- kanan pa oh”. Dumaan ito sa lugar ng aking dating pinag na para bang nakatagong kristal. Ang Ilang Ilang ay isa sa pinaka matagal na restawran na sa Binondo, ang mga pagkain dito ay puro Chinese cuisine. Ito ay itinayo noong 1910 at nagumpisa bilang isang pancitan pero habang tumatagal ito ay naging ganap na restawran na ito na mayroong kumpletong catering services. Ito ay isa sa Chinese restawran sa Binondo na hanggang ngayon ay kilala kahit na ito ay sobrang tagal na. Dito rin kumakain o nagpapatawag ng meeting ang mga namamahala sa Maynila dahil wala masyadong kumakain dito upang maiwasan ang gulo. Nung ako’y nagpunta sa restawran kaunti lamang ang kumakain dito. Pagtapos ay nagtanong ako sa mga tauhan ukol dito at ang sabi nila ay ang iba raw ay nag-tatake out o minsan nagpapadeliver na lang sa kanila. Maraming nagsasabi na matagal na daw ang restaurant na ito at patuloy pa din ang kanilang pagseserbisyo. Nagcacater rin sila ng mga chinese cuisines na siguradong patok din para sa mga pilipino. Ako ay umorder dito ng kanilang pinakamabiling pagkain na Lomi. Masasabi ko na ito ang isa sa pinakamasarap na natikman kong lomi dahil lasang-lasa ang iba’t ibang mga sangkap na ginamit upang makamit ang tamang lasa para rito. Ang iba ko naman na inorder ay ang fried chicken, ilang ilang fried rice at atay con bawang. Ang ilang-ilang na fried rice ay tinatawag na yang chow na katulad ng binebenta sa isa ring kilalang restawran na, Classic Savory. Hindi ako ganoon ka- pamilyar sa restaurant na Ilang-Ilang dahil ngayon ko pa lamang ito narinig sa buong buhay ko. Marahil, hindi ako nakakalibot sa lugar ng Binondo. Isang magandang karanasan ang pagtuklas ko sa Ilang-Ilang. Para bang naranasan ko na ring pumunta ng China dahil sa kanilang mga pagkain. Ang lugar ay malawak para makatanggap ng malalaking bilang na mga customer. Malinis ang loob ngunit halata mong may kalumaan na ang nasabing restaurant. Sa kabila nito, walang kapintas-pintas naman ang kanilang mga empleyado. Talagang inaasikaso nila ang bawat order ng mga tao. Hindi nasayang ang binayad ko para sa pagkain dahil nakamit nito ang inaasam kong lasa. May isa nga akong nakasabay na matandang customer doon na mukhang suki na ng Ilang-Ilang. Nakwentuhan niya ako na noong bata pa lamang siya ay meron nang Ilang-Ilang at lagi siyang dinadala roon ng kaniyang ama para kumain. Malinaw pa rin sa kaniyang isipan kung paano sila nagsasaya ng kaniyang pamilya sa tuwing doon kumakain. Ayon kay Doreen Gamboa Fernandez na isang eksperto sa larangan ng pagkain, nakuha ng Ilang- Ilang ang pangalan nito sa lugar kung saan ito’y nakatayo at hindi galing sa isang bulaklak. Ito ay orihinal na tindahan ng mga noodles na pinatayo ni Mr. Nua galing sa Xiamen. Naging rehistrado itong restaurant noong 1945. Hindi katulad ng ibang kainan sa paligid ng Plaza Sta. Cruz, ang Ilang-Ilang ay umusbong dahil sa pag-cater at hindi dahil sa pagiging karinderya nito. Nakilala ito dahil sa iba’t ibang noodles na kanilang binebenta. Katulad ng inorder kong lomi, may iba pa silang binebentang noodles na tinatangkilik ng kanilang mga customers katulad ng rellenong hipon, rice wine spare ribs at chami. Sila lang din ang kilalang gumagawa ng pritong gabi. Dahil sa mga catering operations ng nasabing kainan, marami silang samu’t saring putahe na hindi mo kadalasang mahahanap sa isang regular na panciteria. May iba silang mga pagkain na kakailanganing orderin ng advance katulad ng baboy na may kasamang cua pao at ang tinatawag nilang eight treasures na manok. Ang restawran na Ilang Ilang ay sulit puntahan sa Binondo dahil sa mababait nitong mga tauhan at mura nilang mga pagkain na paniguradong masarap. Meron nga silang kasabihan na “Kapag sinubukan mo ng isang beses, paniguradong hahanap hanapin mo at babalikan mo kahit na makatikim ka ng ibang lasa”. Sa aking palagay, kaya ito tumagal ay dahil sa kanilang binabalik balikang Chinese cuisine dahil na rin sa pagiging authentic nito.
0 notes
phgq · 3 years
Text
Tagalog News: Karne ng kuneho, isinulong na alternatibo sa tinamaan ng ASF
#PHinfo: Tagalog News: Karne ng kuneho, isinulong na alternatibo sa tinamaan ng ASF
PULILAN, Bulacan, Disyembre 10 (PIA) -- Sari-saring putahe ng karne ng kuneho ang magkakasabay na iniluto ng mga kinatawan ng 19 na barangay ng Pulilan.   Ayon kay Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo, layunin ng isinagawang  Kalutong Pulilenyo 2020 na mapaigting ang pagsusulong na maging alternatibo ang karne ng kuneho sa mga nag-aalaga ng baboy na tinamaan ng African Swine Fever o AF.   Bukod dito, hangad ng pamahalaang bayan na maging unti-unti ang pagtangkilik sa karne ng kuneho upang mabawasan ang labis na pagdepende sa karne ng baboy.   Ipinaliwanag ng punong bayan na hanggang sa ngayo’y ipinagbabawal pa ng Department of Agriculture ang pagpaparami ng  Baboy hangga’t wala pang bakuna para sa mga ito laban sa ASF.   Kabilang sa mga iniluto ang Festive Spicy Rabbit, Tapa Rabbit Inasal, Express Karneho, Fried Dumplings Rabbit, Spicy Rabbit Bringhe, Rabbit Siomai, Kalderatang Rabbit, Crispy Rabbit in Coconut Milk, Dakam Rab, Spicy Fried Karneho, Asadong Koneho, Adobong Koneho sa Gata, Rabbit Bicol Express at tinatambalan pa ng mga organikong inumin.   Ipinaliwanag naman ni Municipal Tourism Officer Joseph Navarro na ang pagdaraos nitong Kalutong Pulilenyo na tampok ang mga putaheng karne ng kuneho ay isang simulain na maitaguyod ang Farm Tourism sa Pulilan sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga Rabbit Farms.
Sari-saring putahe ng karne ng kuneho ang magkakasabay na iniluto ng mga kinatawan ng 19 na barangay ng Pulilan, Bulacan. (Shane F. Velasco/PIA 3)
Sa kasalukuyan, nasa dalawang farms pa lamang sa bayan ang nag-aalaga at nagpaparami ng mga kuneho.   Kaugnay nito, hinikayat ni Montejo ang mga mamamayan ng Pulilan na subukang tangkilikin ang karne ng kuneho dahil mainam din ito sa kalusugan ng tao.   Hindi aniya makapal ang taba nito kaya’t mababa sa kolesterol. Mayaman sa protein na dobleng higit sa amino acids na mayroon ang karne ng manok o baka. May taglay din itong vitamin B12, vitamin E, bahagyang Vitamin B at mataas sa iron concentration.   Inirerekomenda rin ng punong bayan sa mga buntis ang pagkain ng mga kunehong pinalaki sa pamamagitan ng sistemang organiko, dahil ang maninipis na karne nito na may vitamins B12 ay nakakatulong sa normal na paglaki ng sanggol sa sinapupunan.   Tamang-tama rin ito para sa mga may sakit na diabetes at hypertension dahil sa pagiging mababang laman na cholesterol at sodium. (CLJD/SFV-PIA 3)
***
References:
* Philippine Information Agency. "Tagalog News: Karne ng kuneho, isinulong na alternatibo sa tinamaan ng ASF." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1061332 (accessed December 10, 2020 at 09:01PM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "Tagalog News: Karne ng kuneho, isinulong na alternatibo sa tinamaan ng ASF." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1061332 (archived).
0 notes
hokarlge · 3 years
Text
PAGSASALING NEOLOGISMO
1. Lumang salita, bagong kahulugan –
Awit
LK: tulang kinakanta
BK: ekspresyon upang magpahatid ng pagkadismaya
Nota
LK: ginagamit sa musika
BK: ari ng lalaki
Aglipay
LK: relihiyon
BK: hindi kagandahang babae
Krayola
LK: pangkulay
BK: pag-iyak
Sarsa
LK: sangkap sa pagluluto
BK: link ng isang video/ post sa internet
  2. Kombinasyon ng mga dating salita –
Luzvimin
- Luzon, Visayas at Mindanao
Longsilog
- Longganisa, Sinangag at Itlog
Bisakol
- Bisaya at Bicol
Bahagdan
- Bahagi at Daan
Sanaysay
- Salaysay at Sanay
  3. Pagdadaglat o akronim –
ROM- Read-Only Memory
VHS- Video Home System
COD - Cash On Delivery
PIN - Personal Identification Number
BTW- By The Way
  4. Panghihiram at pagpapaikli
Saypen 
- sign pen
Sampol 
- sample ; magpakitang-gilas
Tokis 
- talkshit ; hindi sumunod sa kasunduan
Kano
- Amerikano ; tisoy
Wampipti 
- one fifty ; balbal na termino sa pagbibigay ng serbisyong sekswal, karaniwan para sa mga miyembro ng ikatlong kasarian
  5. Pagpapalit ng isang bahagi ng salita –
  Pisonet
- mula sa: internet ; maliit na internet cafe ; hulugan ng piso ang bayad
Sari-sari Store
- mula sa: convenience store ; maliit na tindahang may sari-saring tinda
Teleserye
- mula sa: telenovela ; dramang pangtelebisyon sa Pilipinas
Chicken Inasal
- mula sa: roasted chicken ; inihaw na manok na binabad sa marinada
Pasaload
- mula sa: load transfer ; uri ng transaksiyon kung saan pwedeng magpasa ng load
  6. Paggamit ng mga panlapi –
Jowable
- pasok ang katangian upang maging 'jowa' o kasintahan
Songerist
- may hilig sa pagkanta
Noynoying
- pagsawalangbahala ; hindi pagkilos
K-Popper
- may hilig sa Kpop o mga awiting mula sa South Korea
Feelingera
- may ugaling tumalon sa konklusiyon ; mahilig mag-assume
7. Paggamit ng mga tatak ng produkto –
Pentel pen
- pen  marker
Coffee mate 
- gatas para sa kape
SM 
- mall
i-KMJS 
- i-post sa social media
Crayola 
- crayons ; pangkulay
0 notes
imomfcoms · 5 years
Text
Sa May Veranda Matatanaw Ang Problema
Doon sa tirahan naming kay daming mga bahay, dikit-dikit at sari-saring mga tao ang aking nakakasalubong at paulit-ulit na lamang ang mga boses na aking naririnig, minsan ay nakakalungkot at minsan nakakagulat.
Ayan na naman si Aldo na nakaupo sa harapan ng bahay n gaming kapitbahay. Mula dito sa ikalawang palapag ay matatanaw mo siya, kausap ang kanyang mga kumpare, minsan ay mukhang seryoso ang usapan, dikit-dikit sila kung mag-usap na akala mo ay parang sikretong malupit. Ganyan sila tuwing umaga, maagang-maaga na kagaya ng oras ng unang tilaok ng manok at saka sila maghihiwa-hiwalay bago sumikat ang araw.
"Anong uulamin natin?" tanong nang isang babae sa kanyang asawa, naglalakad sila kasama ang kanilang anak na lalake sa tapat namin na sa tingin ko'y patungo sila ng karinderya. Alas sinco ng madaling araw nang marinig ko iyon, napatawa ako sa aking sarili dahil gabi pa lamang kung tutuusin, tulog pa ang mga kapitbahay pero heto na sila't kakain na. Nagkakape na rin ako noong mga oras na iyon sa aming veranda, nakaupo sa sahig, nakasandal sa may dingding at nagbabasa nang aking mga aralin bilang paghahanda sa aming pagsusulit sa darating na Lunes. Madilim, malamig at tunog lamang ng umaandar na bentelador ang maririnig sa aming kwarto, ang pag-ubo at ang kaluskos naman ng mga tsinelas ang maririnig sa aming labas. "Natutulog pa kaya itong mga ito?" sambit ko sa aking isipan, dahil hindi nauubusan ng tao ang kanto dito sa aming tapat. Maya't maya andiyan na naman si kuya Berting na nagwawalis, kung hindi naman ay umaawit siya kasama ng pagkapa niya sa mga kuwerdas ng kanyang gitara. Hindi lang iyon, mahilig din siyang magkumpuni nang mga sirang gamit, at saka pipinturuhan niya ito ng kulay berde at dilaw, at kung paminsan naman ay pinagkakaabalahan niya ang pagmu-mural paint. "Napaka-talentado naman ng mga ito. Hindi pa propesyunal sa lagay na iyan, paano pa kaya kapag nag-aral siya ng kursong pang-artist, paano pa kaya kapag nag-aral siya sa Saint Benilde? Malamang ay sisikat ito" iyan ang sumasagi sa aking isipan tuwing nakakakita ako ng mga kamangha-manghang mga obra.
Pasikat na naman ang araw at pakiramdam ko ay ang bilis-bilis lamang ng oras. Tumayo ako at pansamatalang itinigil muna ang pagbabasa upang makapagsaing nang agahan. Naligo na rin ako upang magising ang aking buong kaluluwa at magkaroon ng enerhiya sa buong maghapon, sasabak pa ako sa madaming pagsubok at hindi ako papayag na lumipas ang isang araw na ang ako kahapon ay ako pa rin hanggang ngayon. Kinuha ko ang balde na may lamang damit na nilabhan ko pa kagabi at isinampay ito.
"Ate, tara na ba?" tanong ng aking kapatid na babae, aalis kami upang bilhin ang mga kelangan niyang gamit para sa kanilang proyekto. Kung bakit ba kasi kailangan ko pang sumama e nagagawa naman niyang bumili dati ng mag-isa. Napakabagal kumilos at daig pa ang may date sa dami ng kaartehang kolorete ang pinaglalagay sa mukha e bibili lang naman. Habang naghahanap kami ng pulang cartolina at brown envelope sa bookstore na aming napuntahan ay nadaanan namin ang hilera ng mga pambura at pantasa, nakita ko ang kumikislap na mga bituin at tila umuulan ng nyebe sa isang transparent na bilog. "Ahh Snowglobe" ani ko sa aking sarili nang mabasa ko ang deskripsyon nito sa may barcode. Naalala ko lang iyong niregalo ng tita ko sa aking pinsan na lalake noong bata kami at pasko iyon. Nalungkot siya dahil hindi laruan ang kanyang natanggap, wala naman siyang pwedeng gawin doon, kaya't nakadisplay lamang ito sa aming lumang bahay sa probinsya.
Sa aming paglalakad pauwi ay kausap namin sa linya ang aming Nanay na nagtatrabaho sa abroad, paputol-putol ang kanyang sinasabi at hindi maintindihan, malapit na yatang mawalan ng silbi itong selpon kong basag ang screen. Hindi ko pa kayang palitan nang agaran dahil nag-aaral pa lamang ako at kailangan naming ibadyet ang aming allowance hanggang sa katapusan. Nang marating na namin ang aming kanto papasok sa bahay, ay nadaanan ko na naman ang harapan ng bahay ni Aling Linda, ang kalsada na ayaw kong dinadaan dahil palagi nalang umuulan sa tapat nila. Kila Aling Linda ay hindi uso ang lababo at ang banyo, doon sila sa kalsada naglalaba, naghuhugas ng pinagkainan, naliligo at doon na rin isasampay ang mga labahan. Isa din itong si Manang Trining na kapitbahay ng may-ari ng tindahan sa aming tapat, basta na lamang nila tinatapon sa may kanal ang kanilang tira-tirang pagkain kaya laging may dumadapong ipis sa lugar namin at madami ring nagsisilabasang malalaking daga na tila isang itim na pusa ang hitsura, malaki at nakakadiri. Ano kayang silbi nang pangongolekta ng dumadaang truck na tambak ng mabahong basura kung sinasanay nila ang kanilang sarili na magsiksik pa ng kalat sa lugar na hindi naman dapat? Bukod pa rito ay nakahiligan na ring mangubeta ng mga bata sa mga daanan, magdudumi at saka isho-shoot ang kanilang tae sa maliit na butas ng imburnal. Napapaisip tuloy ako, teka mga baliw ba itong mga kapitbahay ko?
Tuwing hapon ay gustong-gusto ko lamang na nandoon ako sa loob ng bahay, nanonood ng telebisyon, nakikinig ng mga musika na naka-play pa sa aking maliit na ispiker, nagpapahinga ng saglitan at saka magpapatuloy sa pagbabasa. Minsan ay nagmumuni-muni lamang ako sa tapat ng bintana, malayo ang tingin at nag-iisip kung paano ko kaya tatapusin ang isang araw ng may kabuluhan, sa layo ng aking natanaw ay nasulyapan nang aking malikot na mata ang isang lalaki, hindi gaanong malapit pero alam kong may hawak itong pulang salamin dahil ganoon din aking ginagamit na salamin na bigay pa ng aking kaibigan noong minsan kaming nagkita. Nagpapahid siya ng kanyang mukha na akala ko'y nag-aayos lamang, iyon pala ay maga ito sa kakaiyak. Napaisip na naman ako, "siguro ay estudyante ito at nahihirapan na sa kanyang kurso, o kaya pinagalitan ito ng kanyang magulang dahil bumagsak?". Hindi ko kayang isipin na humihikbi ito dahil hiniwalayan siya ng kanyang girlfriend dahil hindi pa ako nakakita ng lalake na umiiyak dahil lang sa jowa.
Ewan ko ba pero pasapit na naman ang gabing madilim, naririnig ko na naman ang mga sigawan ng mga bata sa baba na naghahabulan, nagbabatuhan ng bola, nagsasalitan sa isang waveboard upang magpakitang gilas sa kanilang tricks at nagpapagalingan sa mga baon nilang jokes. "Nag-aaral pa kaya ang mga ito?" tanong ko sa aking sarili dahil sa sobrang dami ng oras nilang maglaro at inaabot pa sila hanggang hating-gabi sa ilalim ng dilaw na stritlayts sa kanto, o kaya naman ay papasok lamang sila pagkatapos nang anunsyo sa megaphone galing sa barangay para paalalahanan ang mga menor de edad na pakalat-kalat sa labas na akala mo'y mga batang hamog na hari ng gabi at umaga sa lansangan. Paminsan rin ay may nagagawing magandang babae na naglalakad rito sa daan, napaka-amo ng mukha ngunit ang bihis ay parang mapupulmonya na ito, iyon pala ay may nobyo na sinisipat at ginagawang dating area ang aming tapat. Isama na rin ang mga sugarol na mga barako sa amin na kay iingay na talagang may dala-dala pa silang lamesa at upuan at akala mo tuloy ay may lamay sa amin. Maghahating gabi na naman, matutulog na ako't aaralin ko pa kinabukasan ang aking lesson. "Anong uulamin natin?" tanong nang isang babae sa kanyang asawa, alas sinco ng madaling araw nang marinig ko iyon, nagkakape na rin ako noong mga oras na iyon sa aming veranda, nakaupo sa sahig, nakasandal sa may dingding at nagbabasa nang aking mga aralin.
0 notes
Pagpapahalaga sa Dula at Pelikulang Pilipino
Anong paborito mong palabas o pelikula? Uy! May bagong pelikula ngayon! Di makakailang likas sa mga pilipino ang pagkahilig sa pelikula at sa mga dula dulaan, naging bahagi na ng buhay. Nakamamanghang isipin na ang pelikula ay patuloy na humuhubog sa kamalayan ng karaniwang pilipino sa ating panahon. Sa kabilang banda, kung ating susuriin ang kasaysayan ng pelikulang pilipino samot saring emosyonang mararamdaman. Napapansin mo rin ba? Laging pogi at magaganda ang bida sa mga pelikula? Nakakakungkot isiping postura ang basehan ng paghihirang bilang pangunahing tauhan sa isang pelikula. Bibihira na lamang ang bidang dismayadong kagandahan ang postura dahil nadadala ng kanilang talento at nakakapagtakang bakit kailan ng mga pilipino ang gumaya ng iba. Di sa lahat ng oras ang "tipong artista" ang nagiging bida, lalo na't kung sila'y may angking talento at talino sa pag arte. Payag kaba na sasabihinh ang pilipino panget na lahi, na di karapat dapat mapanood sa pelikula, kahiya hiyang itabi sa mga Amerikanong mestiso walang kwentang pananaw! Di basehan ang ganda uoang maging artista hindi ba't ang pagiging artista ay tinitignan bilang isang mahusay sa larangan ng pag arte. Kung mapapansin ngayon madaming sikat na artista ang sumikat ngunit di kagandahan at ang pagkakaroon ng isio manok na pananaw ng mga pilipino ang nagiging dahilan upang patuloy na makulong tayo sa mga puti o banyaga at patuloy nilang pagsakal sating ekonomiya, panitikan at ating kaisipan. Noon tulad ngayon ang mga pilipino ay mahilig sa mga palabas. Aliw ang katangiang pinakahanap hanap ng masa kahit ako ay masasabi kong mahilig din ako sa mga palabas. Nakakatuwang isipin na noong panahon ng kastila ay nauuso narin ang iba't-ibang uri ng palabas komedya, senakulo, sarswela, at drama. Dahil sa mga nanakop satin mga kastila at Amerikano nabuo ang uri ng palabas natin ngayon na sobrang kamangha mangha. Kung mapapansin din mula noon hanggang ngayon na ang kadalasang wakas ng pelikula o ng dula ay ang pagwagi ng kabutihan at pagsugpo ng kasamaan. Sa pangkalahatang isinasalamin ng pelikula ang tunay na larawan at estado ng daigdig ang mga iniidolong personalidad ay kumakatawan sa uri ng mga tao sa mundo.
0 notes