Tumgik
acalizar · 2 years
Text
Mental Health Awareness
Magandang araw sa inyo madla at maraming salamat sa pag tanggap ng aking imbitasyon, Para sa pag basa ng aking blog tungkol sa hindi parin maiwasang Mental Health Awareness na nakapaligid sa mga YOUTH sa panahon ng pandemyang ito. Ang lahat ng impormasyong nakalathala sa blog, ay hindi sa akin at ilalagay ko na lamang po ang link para sa inyong kagustuhang makakuha pa ng maraming kaalaman tungkol sa Mental Health Awareness.
Ano nga ba ang YOUTH?
Yaman ng kaalaman
Dapat lamang kahit mapabata o matanda ay mayroong sapat na kaalaman tungkol sa Mental Health Awareness. Ang mga maaring senyales na makikita natin sa panglabas na pangangatawan ng isang tao ay dapat lamang  agarang bigyan pansin. Dahil sa nararanasan nating pandemya at pag oonline schooling ng mga kabataan ay lubos na mahirap at nakakaapekto sa atin at sa kanilang kalusugan. Ang ganitong sistema lalo na sa mga kabataan ay lubos na mahirap lalo na sa kanilang pag-aaral. Nararapat natin silang bigyang pansin at gabayan para mas maraming kaalaman ang pumasok sa kanilang kaisipan at mapangalagaan rin ang kanilang kalusugan.
Oras para gawan ng solusyon
Alam nating hindi madali kumunsulta sa doktor sa panahon ngayon dahil sa lumalaganap na sakit. Hindi biro ang sakit na ito dahil marami ng buhay ang kinitil nito mapa bata man o matanda. Ngunit marami na ring lunas at panlaban sa sakit na ito tulong ng pag-aaral ng mga dalubhasang mga doktor. Ang mga maari nating gawing sulusyon rito ay ang pag kain ng mga masusustansyang mga pagkain tulad ng gulay at mga prutas pag inom ng bitamina upang mapangalagaan ang ating mga katawan. Isa na rin ang pagkunsulta at pagpapaturok ng vaccine na lumalaban sa sakit na ito at ang mga tamang proseso ng paglilinis ng ating mga pangangatawan paggamit ng alcohol,faceshield,at facemask sa paglabas ng bahay. Maari natin itong ituro sa mga kabataan na gawin sa pangaraw-araw dahil sa nalalapit na pagbabalik ng face to face classes ng mga paaralan. 
Ugaliing matapos ang mga gawain
Habang tumatagal ang pandemya ito maraming kabataan ang lubos na naapektuhan nito. Maraming sa kanila ang namromroblema sa pagkakaroon ng mababang grado at may mga bata ring hindi na nakapag aral dahil sa kapos sa pambili ng mga teknolihiya gaya ng cellphone na kailangan sa pagoonline class. May mga estudyante rin namang umiiksi na ang pasensya dahil nahihirapan sa online class at nagmamadali na maibalik ang face to face classes. Pero karamihan din ngayon sa mga kabataan ay may isyu sa kanilang pagpasok sa online schooling. Dahil sa pagkakaroon ng mababang grado at mga insecurities nila sa kanilang mga kamagaral na nakakakuha ng matataas na marka ay lubos na nakakaapekto sa kanilang kaisipan at kalusugan. Ang iba naman ay  Gumamit o gumawa ng mga bagay na pwedeng makabawas tensyon sa kanilang pag-aaral katulad na lamang ng paggamit ng stress ball, panonood ng paboritong palabas sa TV, o makinig ng musika habang gumagawa ng kanilang mga takdang-aralin. Dahil ito ang kanikanilang paraan upang mabawasan ang tensyon at stress na kanilang nakukuha sa kanilang pagaaral. .
Tutukan ng maigi ang sarili
At kung madalas na tayong stress sa ating pagaaral at sa mga gawaing bahay kailangan natin tulungan ang ating sarili upang maiwasan ang mga ganitong problema. Pagtuunan natin ng pansin ang mga bagay na makakatulong saatin upang hindi tayo madalas mag-isip ng kung ano ano mga mga bagay na makakaapekto sa ating kaisipan. Libangin natin ang ating sarili sa mga gawaing makakapagpasaya sa atin Halimbawa na lamang ang pagbabasa ng mga libro pakikinig sa mga musika panonood ng mga pelikula at kung ano man ang mga bagay na nakakatanggal ng ating stress. Huwag rin nating kakalimutan ang pagkain sa tamang oras pag inom ng bitamina pagkain ng mga masusustansyang mga pagkain katulad ng gulay at mga prutas at pageehersisyo sa araw-araw upang mapanatili natin ang pagkakaroon ng malakas na pangangatawan at kaisipan.
Hamon sa panahon ngayon, ano-ano ang mga bagay nararapat sundin?
Sa pagsuot ng face mask, face shield, pagdala ng hand sanitizer o 70% alcohol, mga dokumentong katulad ng personal I.D., birth certificate at and vaccination card.
Sa pagsunod sa mga atoridad ngayon ay malaking tulong na para sa pag baba ng mga kasong may kaugnayan sa COVID-19.
Sa pagsuri sa ating mga karamdaman na hango sa mga sintomas ng COVID bago pa ito umipekto ay maaring humupa ng hindi lumalala.
Sapag pasok sa trabaho o eskuwelahan, ay masmabuti na gawin na lamang sa ating mga tahanan para makaiwas makasalumuha ang mga taong posibleng may daladalang case ng COVID.
At kung wala namang importanteng gagawin sa labas ng bahay ay manatili na lamang sa bahay para ligtas at kasama ang mga mahal natin sa buhay.
UNICEF for every child; How teenagers can protect their mental health during COVID-19: https://www.unicef.org/coronavirus/how-teenagers-can-protect-their-mental-health-during-coronavirus-covid-19?gclid=Cj0KCQjw_fiLBhDOARIsAF4khR1LdIkaSo4oSM5pqWOS74PeeDQNpbt6C2plTDhJfh7OQc8zJNZoB7waAtJVEALw_wcB
Stanford Children’s Health; Teen Mental Health During Pandemic: https://healthier.stanfordchildrens.org/en/teen-mental-health-during-pandemic/
38 notes · View notes