Tumgik
hardheadeddarkgirl · 6 years
Text
Tangna ano bang nagawa ko? Mali bang umayaw kung alam mong delikado? Ang hirap tangna. Ibibigay naman eh. Ibibigay naman. Ano bang pinagkaiba? Bakit ganun? ang hirap. Naiiyak na ko sobra. Ang hirap. Di ko na alam. Gusto ko sumabog. Lahat nalang galit sakin. Lahat nalang mali nagagawa ko. ang hirap sobra. Sobrang sasabog na ko. Di ko na alam gagawin gusto ko nalang umiyak ng umiyak. Gusto ko magpayakap sa kanya pero wala eh galit sya sa akin
0 notes
hardheadeddarkgirl · 6 years
Text
Sobrang lungkot na naman ng nararamdaman ko. Parang di ko alam kung masaya pa ba ko
0 notes
hardheadeddarkgirl · 6 years
Text
Last day of this shitty yet awesome year, 2017.
GAGO NAKAABOT AKO! HAHAHAHAHA! Well nashookt ako nung nagbasa ako ng tatlo or apat kong blog dito. Hahaha Yun yung mga panahong tanga tanga pa ko. Pero hanggang ngayon naman tanga parin pero pagraduate na. HAHAHA. Magkukwento ako ng nangyare after nung last blog ko dito kaso summary nalang ha? Kasi gago talaga. As in parang roller coaster. Hahaha Tangna di mo alam kung san ako, nasa taas o baba ba. So ayern start na tayo. HAHAHA
After nung pakikipagcool off ni Ced sakin tuluyan syang nakipagbreak kasi humantong na sa pagdala sakin sa ospital at pagpasok nila mama at papa sa relasyob namin. So ayern nakipaghiwalay ang koya mo. After ilang weeks. Exam day namin eh naglakas ako ng loob para magtanong sa kanya kung may chance pa ba ang lovestory namin. Jusq wattpad na eh. Kasi naman ang koya mong Ced kahit break na kami for the pakita ng motibo o sadyang nagfefeeling lang ako. Basta for the papansin sya sakin ganern. So ang ate hopiang hopia na magkakabalikan at may chance pa. Kaso nagkamali ang ate nyo. Kasi ang sabi ng koya mo Ced ay wala naraw chance, oh diba akala eh kinapogi iyong pagreject sakin. Pero gwapo naman talaga sya ghaaad haha. So ayun edi for the iyak ang ate nyo after nun. Then pang ilang araw. May natuklasan ang ate nyo. Medjo SPG ito. Gago ang koya nyo. Ang daming babae. Jusq. Di ako natuwa. As in. Lumabas ang pagkamaldita ng ate nyo. Lahat ng mura at pagkamuhi naibigay ko sakanya. Sobrang galit ako. At yun yung first time na nagalit ako ng sobra sa isang tao. At the same time nakaramdam din ako ng lungkot kasi humantong kami sa ganon. So simula nun di ko na sya kinakausap. At lalo ko syang di kinausap nung pumasok sa eksena yung babaeng may boyfriend, Louisa Obrero. Maganda sya, maputi, kasing tangkad ko lang. At mukhang masaya ang koya nyo sa kanya. Nagsimula yun nung dinala nya sa school yung Louisa. Sobrang nandilim yung paningin ko nun at nasuntok ko yung pader ng school. Oo sobrang nagselos ako. Ang kapal ng mukha nya para dalhin nya yung bago nya.
FAST FORWARD MGA MAMSHIE
Ang daming narinig about sa koya mo. Syempre ayokong wala akong mabalitaan sa kanya. Nagpakalunod sa alak, nagwalwal sa tamang paraan, syempre di pinabayaan ang pag aaral. Basta lagi after class , nililibre at niyayaya ko sila Elly at Barney para mag inom lang. Umuuwi ng lasing ng di nahahalata nila mama. Nagbabakasali lang kasi akong sa paraang yon makakalimutan ko lahat ng sakit na dinulot at binigay sakin ng Koya Ced nyo. Sobrang nasaktan ako sa totoo lang. Bumaba yung pagtingin ko sa sarili ko. Nawalan ako ng respeto sa sarili ko. Ilang linggo kong hinanap yung sarili ko. Kung ano ba talaga at para saan ba yung mga nangyayare sa buhay ko. Yung feeling na nawasak ka na ng ilang beses. Lalo pang nasisira dahil sa mga nangyayare. Minsan gusto ko nalang matulog ng matulog at wag nang magising. Oo dumating ako sa point na gusto ko nang bumigay. Masakit kasi mga mamsh. Kung alam nyo lang.
FAST FORWARD ULIT MGA MAMSH
So ayun nga palapit na ang dapat na ANNIVERSARY NG KAI AND CED. Kaso break nga so walang isecelebrate. So ayun parang tanga lang kasi nagbatian parin kami. Gago lang no? Hahahahah so ayun walang nangyare naman nun. Then after 1 week. Kinulit at kinausap nya ko. SO DUMATING YUNG ARAW NA NAG USAP NA KAMI NG PERSONAL. Sinabi ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Then nasuntok ko sya sa balikat. Oo nanuntok ang ate nyo hahaha. Bigla syang hinika nakakaloka. So ayun from forth floor to ground floor. Bumaba ang ate nyo. At ako naman ang inatake jusq. Nagkagulo ang Abcomm pati si sir jef. So ayun na nga akala nya okay na kami after nun. Pero hindi parin. Pero sobrang namiss ko sya nun. At mahal na mahal ko parin sya kahit may iba na sya. Alam kong naging sila ni Louisa. Di dahil naniniwala ako sa iba pero ramdam at ako narin mismo ang nakakakita. Hindi naman ako tanga para magbulagbulagan. Kahit di nya sabihin at aminin sakin natanggap ko parin naman. Ano nga bang magagawa ko eh mahal ko. Oo tanga daw ako sabi nila. Pero anong pakealam ko kung mahal ko talaga yung tao.
Yes oo tama yang nababasa nyo. Nagkabalikan kami ng Koya Ced nyo. Oo mahal ko sya sobra. Marami parin naman kaming inaayos, nagmomove on parin ako sa mga nangyare. At oo nagkaroon ako lalo ng trust issues. Binibuild ko parin yung confidence ko sa sarili ko. Kahit papano nakakausad na ko. Kasi sa totoo lang natrauma ako. Walang halong biro. Sobrang natrauma ako sa mga nangyare. Onti onti kahit papano nabalik na ang tiwala ko. Oo nawalan man ako ng tiwala sa kanya pero yung pagmamahal ko nandito parin at mas lalo ko syang minahal. Tanga man pakinggan pero ganito pala kapag alam mo sa sarili mo na totoo yung pagmamahal na ibinibigay mo sa tao. Kahit na sya na ang pinakamasama at pinakamaling tao sa mundo. Kung mahal mo matatanggap mo lahat ng yun. At syempre wag mo paring kakalimutan na mahalin ang sarili mo kahit one percent lang.
Magmahal kalang ng mahal. Dahil darating ang panahon na marerealize din ng taong minamahal mo ngayon kung ano ang worth mo bilang tao. Matatagalan man pero kung andyan ang pagmamahal, hindi ka maiinip at kakayanin mo lahat kahit paulit ulit ka nyang sasaktan. Ang mahalaga naman is wala kang ginagawang mali sa mahal mo. Alam mo sa sarili mo na di ka nagkulang, nasa sakanila naman yung kung marunong ba silang makontento o naging sapat ka sa paningin nila.
Sana bukas, 2018 na. Sana wala nang ganitong problema o sitwasyon. Sana makayanan ko lahat ng darating na problema. Unlimited chances para sa taong worth it bigyan ng chance. At sana di nila sasayangin yun.
Yes Im happy with my Dodong. At sobrang kontento ako sa pagmamahal na binibigay nya. Until next time mga mamsh!
0 notes
hardheadeddarkgirl · 7 years
Text
Napaginipan kita
Mahal alam mo ba, napaginipan kita, babalik ka naraw tapos bigla daw may nilabas kang maliit na kahon. Sabi mo buksan ko, pagkabukas ko may nakita akong singsing na may perlas. Sobrang ganda. Lalo akong umiyak nung sinabing mong di ka na aalis. Sana mahal kahit yung pagbalik mo nalang yung magkatotoo. Kelan kaba babalik? Lagpas 1 week na mahal. Please wag mo na ko tiisin oh. Sobrang miss na kita :'( Balik kana mahal :'(
0 notes
hardheadeddarkgirl · 7 years
Text
Mahal, balik ka kaagad ha?
Mahal, alam mo ba nung tumawag ka sa sakin nung kahapon? Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, as in sobra. Di ko alam kung kinakabahan ako o kinikilig ba? Nung una kong narinig yung boses mo, sobrang saya ng puso ko kasi kakausapin mo na ko. Lalo na nung sinabi mo na mag usap na tayo at manood tayo ng sine. Sobra yung galak ng puso ko kasi “this is it, mag kakaayos na kami, makakasama ko na sya ulit.” Sobra yung miss ko sayo mahal lalo na nung nakita ko yung mukha mo. Mahal sobrang gusto kitang yakapin. Sobrang miss na miss kita. Nung matapos yung sine, akala ko tuloy na tuloy na yung saya ng puso ko, pero akala ko lang pala yun. Hindi pala. Aalis ka pala ulit. Hindi na pala ulit kita makakasama. Maghihintay na naman pla ako sa pagbabalik mo. Sobrang nawasak yung pakiramdam ko, lalo na yung puso ko.Na akala ko magiging masaya yung araw at magsisimula tayo ulit. Sobrang sakit mahal. Lalo akong nalungkot, Mahal kakaynin ko pa kaya? Sana bumalik ka :( Sana ako parin :( Mahal na mahal kita :(
0 notes
hardheadeddarkgirl · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Inside Llewyn Davis (2013)
5K notes · View notes
hardheadeddarkgirl · 7 years
Photo
Tumblr media
At bigla nalang nagkaganito ang lahat. Simula nang nagtampo lang naman ako sa kanya. Ang hirap na magtampo kasi di mo alam nagtatampo narin sya. Di ko alam kung saan ba? Ano bang nagawa ko para magtampo sya. May mali ba kong nasabi o nagawa? May kulang parin ba sakin? Hindi parin ba ko sapat? Ang hirap kasi isipin na nagtatampo o malungkot na pala yung taong pinapakita sayo eh masaya sya. Di pa ba pala kita napapasaya? Di pa pala totoo lahat ng ngiti dyan sa mga labi mo? Sa anong way ba kita mapapasaya Mahal? Ang hirap kasi. Ang sakit :'( Di ko na alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na to. :'(
0 notes
hardheadeddarkgirl · 7 years
Photo
Tumblr media
Gemma Bovery 2014
1K notes · View notes
hardheadeddarkgirl · 7 years
Photo
Tumblr media
Les amants de Montparnasse 1958
3K notes · View notes
hardheadeddarkgirl · 7 years
Text
PARANOID
Tangina. Ang gulo ng isip ko. Tipong ang daming boses. Ang daming tanong na naghahanap ng sagot. Pero wala akong alam kung pano ko mahahanap yung mga sagot na gusto kong malaman. "PARANOID" yan yung magandang description sa akin. Haha oo sobrang paranoid ko kahit sobra sobra naman yung tiwala na binibigay ko sa lahat ng tao sa paligid ko. Nakakatanga na nga minsan eh. Nagmumukha na kong tanga. Nasasaktan ko pa sila. Kasalanan ko bang maging ganito kung ayaw ko lang naman mawala ang mga taong mahal ko? Kasalanan ko ba kung ayaw ko lang masaktan at maloko? Kasalanan ko ba na maging duwag? Kasalanan ko ba? Kasalanan ko bang matakot na maiwan ulit mag isa?
1 note · View note