Tumgik
Photo
Tumblr media
Magagaling sila pagdating sa pagsasaka.
0 notes
Photo
Tumblr media Tumblr media
“It’s more fun in the Philippines.”
0 notes
Photo
Tumblr media Tumblr media
“Nagcarlan Underground Cemetery”
0 notes
Photo
Tumblr media
“Umakyat ka ng bundok hindi para sa makita ka ng mundo, kundi para makita mo ang mundo.”
0 notes
Photo
Tumblr media
Ang rebulto ni batang Rizal
0 notes
Quote
Ang paglisan sa tahanang sinilangan at nilakihan ay higit pa kaysa kung mawala ang kalahati ng sariling pagkatao.
Jose Rizal
0 notes
Photo
Tumblr media Tumblr media
“Makulay, masaya, at hindi makakalimutan.”
0 notes
Photo
Tumblr media
punong puno ng berde
0 notes
Photo
Tumblr media
0 notes
Photo
Tumblr media
“Rizal Shrine” Napakalaking bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang Laguna sapagkat dito pinanganak ang ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.
0 notes
Photo
Tumblr media
“St. John the Baptist Church” Isa sa pinakamatandang simbahan sa Laguna na itinayo noong 1605, ang baroque-style na simbahang ito ay isa sa nagpapakita ng mayamang kultura ng bayan ng Liliw.
0 notes
Photo
Tumblr media
“Costales Nature Farm” Ito naman ay para sa mga vegetarians na nais makahanap ng sariwa at siguradong organic ng mga gulay at prutas. matatagpuan sa Mt.Banahaw sa Majayjay, Laguna. 
0 notes
Photo
Tumblr media
“Arabela” Isang tago at maliit ngunit napakamura’t napakasarap na coffee shop ang aking natagpuan sa Liliw, Laguna. Mula sa mga pasta dishes, pastries at seafood dishes siguradong sulit ang bayad. 
0 notes
Text
Ang Biyahe ni Juan Dela Cruz sa “Lago”...
Para sa mga “taga-South”, isang lugar na madalas pasyalan ay ang lalawigan ng Laguna. Ito ay sa kadahilanang napakalapit ng Laguna sa Las Pinas. Napakarami ring mga lugar na maaaring dayuhin dito. Kaya naman naisipan naming mga malilikot paa na Mag-Biyaheng Tagalog: Laguna.
Ang mga taga-Laguna ay simple lamang kung mamuhay. Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Lagunista. Palay, Lanzones at Tubo ang pinakapangunahing pananim na matatagpuan dito. Ngunit dahil na rin sa pag-unlad ng lalawigan, napakarami na ang nagsimula ng mga negosyo kung saan pinakikinabangan nila ang mga likas na yaman ng Laguna. Dahil matatagpuan ang Mt.Makiling sa lalawigan, napakaraming hot springs na nabuo sa lalawigan at ito hanggang sa kasalukuyan ay pinagdidiskartehan ng mga Lagunista upang magamit bilang isang negosyo. Ito ang dahilan kung bakit napakaraming mga hot springs sa lugar na paboritong bakasyunan ng mga pamilya at bakarda.
Sa kultura naman ng lalawigan, malaking bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang Laguna. Ito ay dahil ang ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal ay nagmula sa Laguna at hanggang ngayon ay dinadayo pa rin ang Rizal House sa Calamba hindi lamang ng mga mag-aaral kundi pati na rin ang mga turista. Dito rin matatagpuan ang ngayo’y isang national historical landmark na Nagcarlan Underground Cemetary na natatangi sapagkat ito lamang ang nag-iisang libingan na nasa ilalim ng lupa. Bahagi rin ng kultura ng lalawigan ang kanilang mga sikat na pasalubong gaya ng Buko Pie, Espasol at Bibingka na mabibili kahit saan sa lalawigan dahil sa nagkalat na bilihan ng mga pasalubong. Sabi nga nila, hindi kumpleto ang bakasyon sa Laguna kung walang uwing Buko Pie.
Napakaraming tradisyon at paniniwala ang mga Lagunista na matagal na nilang inoobserbahan. Dahil dito, napakaraming mga turista ang naakit na makiisa sa mga tradisyong ito.  Isa sa pinakasikat na pista dito ay ang Sampaguita Festival na ipinagdiriwang sa San Pedro, Laguna sa loob ng isang linggo. Napakaraming mga gawain na nakapaloob sa linggong ito gaya ng mga parada, art exhibits, trade fairs at mga patimpalak. Lahat ng ito ay para lamang mabigyang pugay ang pambansang bulaklak ng Pilipinas – ang Sampaguita .
Ang Laguna ay isa sa napakaraming lalawigan sa Pilipinas na ang dayalekto ay Tagalog ngunit mapapansin na ang pagkakaiba ng kanilang paraan sa pagsasalita ng Tagalog. Maoobserbahan mon a mas pormal ang kanilang pagsalita ng Tagalog kung ikukumpara mo sa paraan ng pagsasalita ng Tagalog ng iba pang mga lalawigan. Mahalaga rin na mabigyang pansin ang kanilang bokabularyo na madalas nasasamahan ng parehong mababaw at malalim na Ingles dahil ang Laguna ay tinatawag na Resort Capital of the Philippines dahil sa sobrang dami ng mga turistang dayuhan na pumupunta rito.
0 notes
Photo
Tumblr media
“Splash Island” Ito ang pinakamalaking waterpark sa Pilipinas. Buong taon ay umaakit ito ng libo-libong bisita.
0 notes
Photo
Tumblr media
“Buko Pie” Colette’s at Lety’s ang dalawa sa pinakamasasarap na gumagawa ng buko pie sa Laguna. Ito ang pinakatanyag na pasalubong kung ikaw ay galing kahit saan sa Laguna. Hindi ka mauubusan ng mapagbibilhan ng buko pie sa napakaraming tindahan na matatagpuan sa buong lalawigan.
0 notes
Photo
Tumblr media
“Space Shuttle”. Isa sa pinakatanyag na atraksyon sa Enchanted Kingdom na matatagpuan sa Sta. Rosa Laguna. Unang nagbukas noong 1995, ito ay umaakit ng milyong-milyong Pilipino buong taon.
1 note · View note