Tumgik
Text
Networking: is your net working?
Nasa makabagong panahon na tayo mga tsong! dami ng pwedeng pagkakitaan ngayon. lahat na may chance na yumaman. o yeah!  Networking. ito ang uso.. di ko lang alam if sino nagpauso. 
Anyway , kasali ako sa isa. di ko na babanggitin kung ano. pero tingin ko’y lehitimo naman. Madaming namang katibayan at nagpapatibay na legit nga ito. 
Kung gusto mong malaman kung bakit ako sumali, wala ba akong trabaho?  Aba’y meron. dahil kung wala, madami na akong post dito . XD  Sumali ako dahil gusto kong kumita, same reason kung bakit ako nagtratrabaho. 
nagtratrabaho -> kumikita.. 
networking -> kikita ka pag nagtrabaho ka. 
Nung sumali ako, narealize ko na kaya ka di kumikita sa networking kasi inaantay mo na lumago ang pera mo ng wala kang ginagawa. 
asa ka naman..  inuulit ko. 
nagtratrabaho -> kumikita.. 
networking -> kikita ka pag nagtrabaho ka. 
kikita ka pag nagtrabaho ka..  meaning. need mo kumilos. in short pinatratrabahuan din.  ikaw ba?
 sumali ka ba ng networking? ano is it working with you doing nothing?  think again, :) 
0 notes
pisbolchronicles-blog · 10 years
Text
SONA NA, ito na ang panglima.
PAUNAWA: Ang sumusunod ay pawang sa akin lamang. Sa a-k-i-n. 
_________________________________________________________
Wala naman akong hilig sa politics at mga balita sa TV ukol dito, pero di ko naman maiwasan na hindi marinig or mabasa ang kahit ano. 
Naiinis lang kasi ako , ewan ko ba sa mga tao, tao din naman ako at di ako perpekto , pero bakit di tayo makuntento sa kung anong meron tayo ngayon at kung ano palang ang nakikita natin ngayon.  Changes doesn't happen in a week or too, klima lang ang mabilis magbago, you know? 
Wag lahat isisi sa kanila. Yang mga pulitiko na yan, sa tao lang din sila sumusunod. At nagkataon lang na merong mga sa sobrang talino nila eh kasamaan na naiisip nila. Wala akong pinapanigan kundi ang sarili ko lang. Pero bakit ganun?
Tao saan ka patutungo, saan ka patutungo? 
Saan nga ba tayo tutungo? sa daang matuwid o sa kabila? 
Minsan di ko na din maintindihan ang sarili ko kung bakit naiinis ako sa mga raliyista at sa mga taong nakikita ko sa TV na galit na galit sa pangulo ng bansa, no specific president. 
Walang tatagal na presidente ng PIlipinas kung lahat nalang tayo puro reklamo. sabi ko nga kanina, walang taong perpekto. Hindi nila tayo kasama 24/7 para malaman natin ang ginawa at hindi nila ginagawa para sa bayan.
Ang sa akin lang, ang kahirapan, tayo at tayo lang ang makakalutas niyan.hindi ang pangulo o kung sino man, Tinalo pa nga tayo ni Napoles kasi nagawan niya ng paraan ang kahirapan, sa tulong ng sarili niya.  Sa maling paraan nga lamang. (Inis din ako kay Napoles, akala niyo. ) pero nagets niyo ba yung point ko? 
HIndi ko sinabing tularan natin siya at ang iba pang kurakot ng bayan, pero sana wag tayo puro reklamo, magtrabaho tayo!
Anyway sa makakabasa nito, sana naintindihan mo ang panig ko. Panig ko lang ito, wag mo isama yung sa iyo kasi hindi tayo magkakasundo.
Naiintindihan ko kayo, magkaiba lang talaga tayo ng pananaw sa mundo.. 
At lalong di kita pinipilit na pakinggan niyong sinasabi ko at gawin ito. Ang sa akin ay sa akin, ang sayo ay sayo. opinyon ko ito, saloobin ko ito. I feel free this way, how bout you? 
0 notes
pisbolchronicles-blog · 10 years
Text
Unang post palang, wala na.. Paano pa yung susunod diba?
Hello. Ako nga pala si CK. 
So napadpad ako dito kasi wala akong magawa, kaya imbes na gumawa ako ng wala eh gumawa nalang ako ng blog. Ayos lang naman sa inyo yun diba? Minsan kasi wala akong makausap kaya imbes na magpost ako ng kung ano ano sa facebook at maglike ng mga pinapalike sa akin ng "friends" ko. Mga friends na di ko naman literal na kilala na nagpapalike ng status or bagong picture nila. And don't be offended if isa ka sa kanila ha? Na-ilike ko naman diba? hahaha!
Anyway, joke lang yun! Baka mabasa nila at malaman nilang ako nagpost nito e, dale tayo. haha. Di ko nalang pahabain post ko, kasi ang boring kaya pag ganun yung babasahin mo, mahaba tapos nonsense naman diba? Kaya ito nalang iiwan ko.
"Ingat ka sa mga banat mo,
kasi baka mamaya,
inistatus na yan ng friend mo.. sayang ang credit na dapat sayo!! " 
>_< GOODNIGHT!
1 note · View note