Tumgik
#Year1withBlaireBear
sidjheyrsls · 2 years
Text
I need to write this experience down before I forget it. This is the first time na nagkasakit si Blaire. She's just 7 months old. I know for many, normal lang ang cough and colds but bot for me. I tend to worry. I am very anxious about her situation.
Tumblr media
Unang nagkaubo si Blaine. And as expected, nahawa na din kami ni Baby. On the fourth day, talagang hindi ako mapakali. I want her checked kahit sinasabi sa akin na there's nothing naman. Ayaw kong pumayag. So dinala pa din namin siya sa pedia. Saka para nga dito kaya ako nagwowork. Para may HMO si baby. Para di ako nagwha-what if pag may sakit siya.
Thankfully di siya nilagnat kaya din outpatient pa din kami. Binigyan lang kami ng gamot and antibiotics tapos sa bahay na lang iadminister. Okay naman siya.. sumigla na kaso di pa rin mawala ung takot sa akin. Di pa rin ako mapakali. Dapat next week pa ung follow up check up nya pero bumalik ulit kami ng sabado para lang masure. Ewan ko ba. Di rin kasi ako makatulog hanggat di galing kay doc na nagiimprove na siya.
Literal na nagbreakdown ako as I was holding her kasi nagflashback sa akin ung mga nangyari nuon. Neto lang na galing kami sa doctor na ha? Sobrang nagaalala pa din ako. Tapos tinry ko kasi siyang gising pero sobrang groggy nya. Talagang natapik ko na siya, tinayo.. wala pa din. Tapos nakatatlong tawag ako sa name nya saka nanlaki ung mata nya as if asking me kung ano ba nangyayari.. saka ako uniyak ng umiyak. Nagsorry ako kasi naiistorbo ko ung tulog nya na need nya para lumakas siya agad pero di ko kasi napigil.
Kanina sa follow up check up medyo nakahinga na ako kasi sabi ni doc recovering naman na daw. Pero nagbigay siya ng pangnebulizer ni baby para pantulong mawala ung hingal nya. I hope she gets better sooner kasi sa totoo lang anlakas ng impact sa akin. Nagleave ako ng work kasi lutang na lutang ung utak ko. Kay Blaire ko lang gusto magfocus.
Ganon ata talaga pag nanay. Laging worried. Laging kabado.
2 notes · View notes