Tumgik
yeswaliboy2-blog · 7 years
Text
Tulong ng social media sa mga kabataan patungo sa kinabukasan.
Madalas ngayon ginagamit ng mga kabataan ang internet o social media isang example na dito ay ang facebook, twitter,instagram,google,youtube at marami pang iba. Bilang isang mag-aaral , sang ayon ako na nakakatulong ang social media dahil napapadali nito ang paghahanap mo ng mga impormasyon at nakakapadagdag din ito ng ating bokabularyo. Ngayong henerasyon ay mas napapadali nito ang ating buhay at di na kailangang makinig ng balita sa radyo o magbasa ng dyaro dahil nasa social media na natin makikita ang kinakailangan natin. Satuwing tayo ay may assignment na gagawin , dito tayo umaasa at dito rin tayo nakakakuha ng mga kaalaman na hindi pa natin alam. Noon ay kailangan mo pang makinood ng palabas sa kapitbahay gamit ang “DVD player” pero ngayon ay makikita mo na ito sa internet at marami kang mapipilian na gusto mong mapanood gaya ng “youtube” na kung saan mahahanap mo ang kinakailangan mong panoorin at marami pang ibang “websites” na pasukan dahil sa tulong ng social media. Marami na ring natulong ang social media sa mga tao , halimbawa , may isang nanay ang nawawalan ng anak at may nakakita sa kanyang nawawalang anak , sa pamamagitan ng “facebook” ay napapadali nito ang paghahanap sa kinakailangang hanapin. Ngayong henerasyon ay nasa makabagong teknolohiya na tayo at di mabubuhay ang maraming tao kung wala ang internet at social media. Oo sang-ayon ako sa paggamit ng social media dahil nakakatulong ito lalo na sa tulad kong estudyante pa lamang na mas kinakailangan pa ng maraming impormasyon na dapat malaman ngunit lahat ng bagay ay may hangganan at dapat nating limitahan ang paggamit nito dahil nakakasira ito at marami nang nasayang na pagkakataon sa mga taong mahilig gumamit ng social media at ang disadvantage nito ay mas nagiging tamad ang mga kabataan dahil sa social media lang sila umaasa at hindi sa pakikipinig sa mga guro sa paaralan. Maari tayong gumamit ng internet o social media ngunit kailangan meron tayong disiplina sa sarili at marunong tayo komontrol sa ating sarili. Hindi dapat inaabuso ang paggamit nito dahil ito ang makakasira sa ating kinabukasan at laging ilagay sa ating puso’t isipan na ang lahat ng bagay ay may hangganan.Hindi natin dapat pabayaan ang ating sarili dahil ito ang ating tanging puhunan sa pagkamit ng ating mga pangarap.
0 notes