Tumgik
Text
Huwag mong i-pressure ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo naman talaga kaya.
Gawin mo ang best mo pero hindi mo kailangang maabot ang best na ine-expect nila. Hindi tayo robot o machine. Napapagod tayo. May mga limitasyon. May mga kaya at hindi kaya. Huwag mong i-pressure ang sarili mo. Chill ka lang and do your best.
464 notes View notes
Text
Lumayo ka sa mga taong nega
鈥ara hindi maging nega ang buhay mo. Nakakahawa yun. Promise. Ako lumayo na sa mga ganung tao. Try mo. :)
287 notes View notes
Text
Pagod
Pagod ka na ba? Pagod ka na bang intindihin lahat ng mga nangyayare? Pagod ka na bang magpanggap na masaya? Pagod ka na bang maglakad sa dilim? Pagod ka na bang maging malakas?
Kung pagod kana, magpahinga ka muna. Pumunta ka sa lugar na alam mong makakapagisip - isip ka. Huwag kang susuko dahil pagsubok lang ng buhay iyan at alam kong malalagpasan mo.
0 notes
Photo
Tumblr media
Say goodbye
0 notes
Text
Mahal
Mahal, akala ko mahihintay mo ako pero hindi pala. Mahal na mahal pa rin kita. Nagsisikap lang naman ako para sa kinabukasan natin mahal pero ito ka ngayon may mahal ng iba. Kasalanan ko naman, kasalanan kong nagmahal ka ng iba dahil pilit kong sinasabing maghintay, maghintay ka sa pagbabalik ko. Siguro napagod kana. Siguro nakita mo sa kanya yung hindi mo nakikita sakin. Siguro din naibibigay niya yung pagmamahal na hindi ko naibigay sayo. Sa bawat pagdaan ng oras at panahon alam kong masaya kana sakanya at ako, ito pilit tinatanggap ang katotohanang wala kana. Masaya kana kaya masaya na din ako. Sorry mahal.
Akala ko kasi mahihintay mo ako pero hanggang akala na lang pala.
0 notes
Text
Akala ko mahihintay mo ako pero hanggang "akala ko" na lang pala ako.
0 notes
Text
Don't let someone
become a priority
in your life
when you are just
an option in theirs.
0 notes
Text
Depression
(I'm a college student)
Last semester was the most miserable part of my life. Ang dami kong problema, ang daming mga impormasyong hindi kagandahan ang sinasabi sakin at sa sobrang daming yon hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Na stressed ako hanggang sa dumating na yung point na Ma depressed ako. Ang daming kasing pangyayari, friendship break - ups, fam, love, acads, etc. nakakapagod sobrang nakakapagod na halos dumating kana sa punto ng buhay na gusto mo ng magpahinga ng tuluyan. 4 o 5 beses kong pinagtangkaang magsuicide, oo suicide nga at hindi ka nagkakamali sa binabasa mo. Umuuwi akong masaya pero kapag nasa loob na ako ng kwarto doon ko binubuhos lahat, sa apat na sulok ng madilim kong silid ako umiiyak at pilit iniisip kung paano ko mababago ang sarili ko dahil sa mga taong hindi ako matanggap. Sa apat na sulok ng aking silid para akong baliw na ang daming naririnig na boses ng iba't - ibang tao, mga boses na pilit kang hinahatak pababa. Sa apat na sulok ng aking silid, lagi kong sinasabi na "bakit ba hindi ako worth it?" "Bakit ba parang hindi ako mahalaga sakanila?" "Bakit ba ang hina-hina ko?" "Bakit ba masaya sila ng wala ako?" "Wala na po bang tatanggap sakin, Lord?" "Bakit sa lahat ng ginawa kong pakikisama sakanila ang dami parin nilang sinasabi sa akin?" ang daming bakit, ang daming tanong sa isipan mo na hinahanapan mo ng sagot. Sa apat na sulok ng aking silid, pinagisipan kong "What if maglakad ako sa kalsada tapos magpabangga ako? May magaalala kaya?" "What if magpakamatay ako? May pupunta kayang mga kaibigan ko?" "What if kapag nagpakamatay ako maaayos kaya lahat ng mga problema?" "What if magpakamatay ako, magkakasundo-sundo kaya lahat ng dapat magkasundo?" ang daming what if's. Ang dami mong tanong na gustong gusto mong masagot ng iba. Sa apat na sulok ng madilim kong silid, nakulong ako sa isang masamang pangyayari sa aking buhay. Araw - araw kang humaharap sa madaming tao na pilit kang ngumingiti at pinapasaya yung paligid mo. Araw - araw kang haharap sa mga taong pinapakisamahan mo ng maayos pero alam mong madaming sinasabi sayo habang nakatalikod ka. Sa pagdaan ng mga araw, sa tuluyan kong pagkalunod sa dilim, ang dami kong iniwan at ang dami kong pilit inilayong tao sa buhay ko. Pumapasok kang halos lutang. Wala ka sa sarili. Nakaupo ka sa sulok at iniisip mo lahat ng sinasabi ng mga tao sayo.
Hanggang sa dumating yung araw na sa apat na sulok ng madilim kong kwarto, lumabas ako at hinanap yung liwanag, hinanap ko yung ganda ng buhay na mayroon ako. Nagkaroon ng mga seminars sa school at isa yun sa mga nakatulong sakin. Nagkaroon ako ng mga kaibigan na tinulungan akong iangat sa pagkakalunod ko sa dilim ng buhay. At higit sa lahat nagkaroon ako ng tiwala sa sarili ko at sa Diyos.Ang dami kong narealized nung time na nakawala na ako sa kulungang nagawa ko. Sabi nga nila "Lesson learned". Ang problema ay problema lang hindi ka dapat nagsstay. Kung madami yan, isa - isa lang sa pagsosolusyon huwag mong biglain o huwag kang magmadali na solusyunan lahat agad - agad dahil isang pagsubok lamang yan ng buhay mo. Ang sinasabi ng ibang tao sayo, behind your back ay isang opinyon lamang nila. Hindi ka nila kilala tanging sarili mo lamang ang mas nakakakilala sayo. Dont waste your time na baguhin yung sarili mo para sakanila, ikaw yan eh, hintayin mong tanggapin ka nila. Kung paulit - ulit kang may naririnig na hindi maganda na sinasabi ng ibang tao at kung may nalalaman ka na may mga taong sinisiraan ka sa mga mahal mo sa buhay at yung mga mahal mo sa buhay ay naniwala naman, tawanan mo lang. Huwag mong pansinin. Huwag mong tambayan. Huwag mong patunayan na totoo yung sinasabi nila tungkol sayo. Kumbaga sa dagat lahat sila ay hanggang dalampasigan lamang ng buhay mo at hindi sila nagtatangkang lumusong sa pinakailalim ng dagat kung saan matatagpuan nila ang ganda ng pagkatao mo. Prove them wrong pero hinay-hinay lang ha. Tandaan mo hindi sila ang nagiging miserable kundi ikaw. Hindi din sagot sa problema ang pagpapakamatay o ang paglaslas. Mahalin mo ang buhay mo. Kaya ka nabuhay sa mundong to dahil may mission ka. Mahalin mo kung sino yung mga taong nandiyan para sayo, appreciate them. Lahat tayo may pinagdadaanan at lahat tayo lumalalaban araw - araw at kung dadating ka man sa point na pagod kana at gusto mo ng mawala, payo ko lang. Take a deep breath, magpahinga ka, gawin mo yung mga bagay na alam mong makakapagmotivate at makakapagpasaya sayo (hindi solusyon ang alak), lagi mong tatandaan na madami ka pang pangarap na gusto mong tuparin, lagi mong tandaan na worth it ka at madaming nagmamahal sayo, be strong 馃槉, always pray and always look at the brightest part of your life. Keep moving. Maswerte ka, tandaan mo yan. People come and go. Life goes on. Hindi pa ito yung end ng buhay mo. Huwag kang magmadaling mawala sa mundong ito dahil madami ka pang magagawang maganda. Ang mga sugat ay hihilom sa tamang panahon kaya hintay ka lang 馃槉. Kung nagmomove on ka, iwan mo na yung nakaraan at huwag mo ng balik - balikan kasi parte na yan ng nakaraan mo, tingin kana sa harap mo at umabante ka. Madali man sabihin pero hindi yan mahirap gawin kung may tiwala ka sa sarili mo. Laban lang. Kapit lang. Maging masaya ka at makontento kung anong meron ka 馃槉. Love yourself 馃挋馃槉.
0 notes