Tumgik
Thank You Lord!!
Alam kong medyo matagal tagal na rin yata akong hindi nakakasulat dito. Napapadalas ang mga tula na aking sinusulat sa iPhone ko. Pero etong balitang to, kakaiba. Hindi makakapaniwala ang makakabasa nito...
AYOS NA KAMI.
Paanong ayos? Hindi ko alam. Paano nangyare? Hindi ko rin alam. Gumising na lang ako isang umaga na parang may nag-iba, humahaba ang reply, mayroong nag-aalala, may laging tumatawag (well given na yun dati pa) pero ngayon iba. Ibang iba. Hangga't sa lumipas ang araw na palagi na lang magkahawak ang mga kamay at di ko namalayan... UY MU NA PALA KAMI? Ewan ko yun yata yung dating non sakin. Sa kanya? Hindi ko alam.
*highlights*
Ako: *shows picture of Maria and him*
Natatakot kasi akong ipakita ito sa kanya sapagka't alam kong matutuwa siya na pinost siya nito. Natatakot ako na baka biglang mawala yung saming dalawa na napakaliit ngunit napakahalaga sakin.
Him: Ano ako? Mangiiwan sa ere?
Naisip ko na ang naiiwan sa ere e yung may mga "something" so meron kami? HAHAHAHA
*highlights*
Siya: Kahit naman may OJT ako, hindi ko pa rin kukunin. May iintayin ako. Ako: Sino naman? Aalis na yun sa April ah. Siya: Ikaw kasi yung iintayin ko.
Odiba? Nabaligtad lahat. Natapos na yata ang paghihintay ko. Ang lahat ng sakit. Ang lahat ng alaala na mapapait napalitan ng mga ngiti niya, titig niya, alaga niya sakin, pag-aalala, at... hindi ko alam kung mahal na niya ako. At kung paano ito lahat nangyare. Gustuhin ko man itanong pero may araw para dyan basta ngayon habang nagsisimula pa lang. Thankful ako sa nangyayare. Sobrang thankful to the point na naninibago ako kasi masaya ako. Pero thank You Lord. Thank You. Wag na sana mawala pa.
0 notes
Pagkatapos ng ilang araw na masasaya, heto nanaman tayo. Kagaya noong nangyare nong nakaraang Disyembre, pumasok nanaman sa eksena ang bwisit na Maria. Hindi ba pwedeng tayong dalawa na lang dito? Hindi ba pwdeng kapag papasok siya sa eksena ay wag mo siyang pansinin? Hindi. Alam kong hindi pwede. Siya ang mahal mo, hindi ako. Siguro ay gusto mo na ako pero hindi ganon kasapat para masapawan ang ex mong tambakol.
Nitong nakaraang araw, pakiramdam ko nakalutang ako sa Cloud 9 dahil sa sobrang saya. Kakaiba, napakabait mo sakin, napaka-caring pa. Napaka-sweet mo sa chat, walang araw o gabi na hindi tayo naguusap. Well, given na naman yun pero nitong mga nakaraang araw mas naging malaman ang mga usapan natin. Mas napagusapan natin... TAYONG DALAWA. Kung paano kapag naging tayo, beliefs, pet names at lahat tungkol sa future. Madalas ka rin magtampo dahil nakakatulugan kita at hindi ako nagpapaalam sayo. Ikinatutuwa ko naman yun dahil pakiramdam kko ay miss mo ako. Ikinatutuwa ko rin yung kahit sa umaga ay tumatawag ka tapos nakatulog ako bigla... nakakatawa no? Hahaha. Akala ko magagalit ka pero di mo rin natiis, tumawag ka pa rin. Kaya buong akala ko, heto na, papunta na kami don. Iba na to, kakaiba na.
Pero mali nanaman ako.
Kagaya ng dati, sunod sunod na araw na ako. Tapos biglang shift kay Maria dahil umuwi nanaman si tanga. Syempre ikaw... yun uunahin mo. Kasi sino nga ba ako? Ano nga ba ako, tayo? Wala namang tayo. Napakasakit. Umabsent kapa buong maghapon makasama lang siya pero yung barkada niyong kasama mga 5pm pa siguro umabsent so ibig sabihin, I conclude na magkasama kayo ng mga alauna hanggang ala-sinco na kayo lang.
Ang sakit. Inexpect ko na to eh. Hinanda ko na yung sarili ko, ilang gabi kong biubuo sa isip ko yung scenario na paano kapag naging kayo na. Paano na ako. Pero wala. Hindi ko alam na kahit niready ko yung sarili ko ganito pa rin kasakit. Ganito pa rin kabigat. Di ko alam kung paano sasabihin o paano ka tatanungin kung kayo na o hindi. Pero sana sabihin mo... para di ako naghihintay. Alam kong di mo hinihiling na maghintay ako pero kita ko sa mga mata mo at sa kilos mo na gusto mo... na andito ako sayo.. pero hindi ko na yata kaya pa kung kayo na. Kaya please. Palayain mo ako. Kapag kayo na. Ng maliwanagan ako... na wala na talaga to... talo na ako.
0 notes
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin yung conversation natin noong isang gabi. Pakiramdam ko nawala yung "hiya" sa pagitan nating dalawa, bigla na lang tayong nagrealtalkan tungkol satin... sa kung ano mang meron tayo na actually wala naman pero syempre alam nating hindi lang to pagkakaibigan. Ikinuwento mo sakin kung paanong akala mo ay nakahanap ka na ulit ng girl bestfriend gaya ni Meli ngunit bigla naman akong umamn sayo, sinabi mo rin na kung di sana ako umamin, mas close sana tayo. Close? Paanong close ba sinasabi mo? Hindi mo naman mapaliwanag kung ano, mas sweet siguro yun ang sabi mo. I sighed. Mabuti na lang umamin ako kasi kung hindi mas lalo akong nalunod sa amoy mo at sa mga bisig mong di ko matitiis.
Abu: Ayaw niyang umuwi e, di ko tuloy matanong. Ako: Ayaw umuwi o pakiramdam lang niya na parang binabalak mo siyang tanungin kaya iniiwasan niyang umuwi? Kasi alam mo kung ako yan at mahal pa rin kita at alam kong aalis na ako sa April, uuwi agad ako. Cancel lahat para sayo. Abu: Yun na nga e, ayaw lang talaga. Ako: Paano kung umalis na siya tapos hindi pa rin kayo? Abu: Edi maghihintay pa rin ako. Ako: Maghihintay? Hindi mo ba naisip na baka may mga oppurtunities at oras kang nasasayang dahil sa paghihintay mo na yan? Parang pinipigilan mo yung sarili mo maging masaya. Abu: Iniisip ko din yan. Iniisip ko talaga yan.
At napagusapan natin kung paano mo pipigilan ang sarili mo na sa April ay hindi sumama kung saan man na lakad dahil ilalaan mo ito para kay Maria. Just in case, magyaya siya o ang barkada. Putangina Maria, ang swerte mo. Pero unti unti nating napagusapan yung tungkol sa pagmamahal ko sayo, unti unti mong cinonsider na pwede pala akong maging girlfriend mo. Unti unti mong tinanong, "paano pala yun magkaiba tayo ng relihiyon, isa ba satin ang magpapalit?" Unti unti mo sigurong iniisip na ako na lang kaya hangga't sa sinabi mo na natuwa ka sa notes na nilagay ko sa wallet mo na alam mong ako agad yun. Kaya naman sinabi ko na, "Syempre, ako lang naman nagmamahal sayo" at sinabi mong, "Onga, kung ikaw na lang kaya". Inaamin kong nasaktan ako dahil option lang ako pero kung option lang din para makuha ka ay tatanggapin ko. Miski rebound, taga pag pamove on, kahit masasaktan sa huli o ano man, pakiusap gusto lang kita mapasaya. Papalitan ko yung taon ng paghihintay mo noon sa taon na makakasama mo ako ng masaya. Pakiramdam ko kasi ay iniisip mo lang na sayang yung oras na nilaan mo sa paghihintay kaya magpapatuloy ka. Alam kong magulo pa ang isip mo pero hindi ko ito malilimutan na umamin ka na minsan... cino-consider mo rin ako.. iniisip mo rin ako kung paano kung pwede. Tinanong mo rin sakin kung naiimagine ko ba na tayo, anong iniisip ko tuwing gabi at anong pros and cons ng paghihintay ko. Tinanong mo rin kung sa rate ng 1-10 ay gaano katotoo ito... at sinabi ko sayong... 14. Totoong totoo to, Abu.
Hangga't sa pinutol ko ang tawag dahil hindi ko na makayanan. Sobrang sakit pala na parang pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa taong gusto mo, na parang nagapply ka s aojt at kabado ka na tingnan ang resume mo, parang isang test na alam mong ready ka pero dahil alam mong malas ka ay babagsak ka, napakasakit. Kaya di ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Hindi ko na kaya, pagod na ako.
Pagod na ako magintay, masaktan, umasa na gusto mo na din ako tapos mamaya ay mapapasok sa usapan ang putanginang Maria na yan. Pagod na ako na maging option, pagod na ako na tawagan mo gabi gabi, aabot ng madaling araw, magkaka eyebags pero tinitiis ko ang puyat at antok, sasabayan ka matulog para lang wag ka na magisip ng kung ano tungkol sa kanya at ako na ang huli mong kausap bago ka umidlip. Pagod na ako. Pagod na ako sa efforts na to.
Pero Allen, hinding hindi ako... mapapagod... sayo. Sa pagmamahal sayo. Hinihiling ko rin na sana mapagod na ako. Na sana di na ako maapektuhan ng mga mata mo. Ng pagtawat at ngiti mo. Na sa tuwing titingnan kita kahit ano man ang iyong itsura. Ay mapapangiti ako. Na kahit nasasaktan ako Ay maalala ko na "Oo ito nga ang taong hinihintay ko"
0 notes
Susulat ako dahil ako ay masaya...
Susulat ako dahil ako ay masaya. Dahil napapansin kong madalas akong sumulat sa tuwing may mga mapapait na alaala. Susulat ako ngayon dahil bawat araw ay napupuno ng ngiti, tawa, at lambing. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin nito ngunit sa dahilang di ko alam ay di ko na nais alamin pa kung ako lang ba basta ang mahalaga ngayon... ako ay masaya. Ilang araw na rin kaming consistent ang usapan, tawag, at mga nakakakilig na asaran. Hindi ko alam kung sinasadya mo ba o sadyang marami lang akong napapansin sa iyong katauhan. Pero Abu, uy salamat ha. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa awa kung bakit palagi kang tumatawag, hindi ka na rin ganon kataray, sabay na tayo minsan natutulog at kahit walang kwentang usapan ay napapahaba mo ngayon. Masaya ako ngayon na nahuhuli kitang nakatingin sakin, palagi kang nagpapaalam, nakita ko pa nong isang araww ang ngiti sayong mga labi at kislap ng yong mata nong galak na galak kang ikwento na nakita mo na ang aking munting liham na itinago sa iyong pitaka. Nakakatuwa. Nagkakaron ako ng pag-asa. Pag-asa na alam kong papatay sakin sa nagtagal. Ngunit andito ako... sa walang kasiguraduhan. Mahal kita e. Ano bang magagawa ko?
Pero ngayon, ayoko na muna masaktan o isipin na ako'y masasaktan. Basta ako ngayon ay masaya. Sana tuloy tuloy na ito. Ng palagi na akong sumulat sa dahilang ako ay masaya.
0 notes
Pano mo nagagawa yun?
Hanga rin ako sayo, hindi ko alam kung paano mo nagagawa ang mga ganitong bagay. Paano mo ako natatawagan gabi-gabi, mga tawag at usapan na umaabot ng alas dos ng umaga, mga walang kwentang bagay na pinaguusapan na kapag walang wala na talaga ay papakinggan mo na lamang ang aking tinig habang ika'y aking inaawitan. Paano mo natitiis na ako ang kausap mo sa araw-araw, nagbibiruan tayo, nagkakapikunan, nagkakatawanan, araw-araw ay may bago kang ideya sa aking pagkatao at ganon din naman ako sayo. Paano mo nagagawang ako ang iyong kakampi at karamay, kilala ako ng iyong mga kapatid at kapitbahay, kinukwento mo sa akin ang mga bagay na hindi mo maikwento sa iba. Paano mo nagagawang ako ang kasama mo sa araw-araw, ako ang kasabay mong kumain, ako ang iyong kasandalan, may mga pagkakataon pa nga na nagkakadikit ang ating mga kamay at pinipili mo itong hindi alisin, kasama mo ako sa mga bagay na unang beses mo pa lamang gawin, sa lahat ng lakad, bibilhin at kung ano man, ako ang iyong kapiling.
Paano? Paano mo ito natitiis at nagagawa na ang kasama mo sa lahat ng aking sinaad.... ay babaeng mahal na mahal ka at ito'y hindi lingid sa iyong kaalaman, babaeng gustong gusto ka, babaeng gagawin lahat para sayo ngunit... paano.. paano ka hindi nahuhulog sa kanya? Matapos ang lahat lahat, bakit wala pa rin hanggang ngayon? Pinipigilan mo ba ang iyong sarili? Paano? Dahil sa kanya, isang ngiti at kibo mo lang ay buo na araw niya. Ikaw, bakit parang hanggang ngayon? Hangin pa rin siya... na palagi mong nakakasama.
0 notes
Hanggang kailan?
Hanggang kailan ako maghihintay? Teka, irephrase ko.
Hanggang kailan ako magpapakatanga sayo? Dahil totoo naman, hindi mo sinabing maghintay ako. Hindi ka naman nagpapahintay, hindi mo rin sinabi na umasa ako, wala, wala kang sinasabi. Choice ko to at ayun ang masakit. Pero hindi ko naman pipiliin to kung hindi ko nararamdaman na may chance ako mula sayo diba? Chance na umuusbong ng ilang araw sabay mawawala at pagkatapos nito ay babalik muli. Never naging consistent. Pero gayunpaman, pinanghahawakan ko ang bawat sandali na magkasama tayo. Sa maikling panahon, lumagay na agad ang loob ko sayo. Sa simpleng paghatid mo, pag-alaga mo, pang-aasar mo, pagpapatawa mo at pagbuo mo ng araw ko kahit pa ito'y pangkaibigan lamang. Ang pinagtataka ko lang, ginagawa mo ba ito sa lahat ng kaibigan mo? Hindi naman yata.
Pagod na rin ako. Pagod na rin akong humabol sa isang taong may ibang hinahabol at ang masama pa nito, ang hinahabol niya'y yung taong wala namang pakielam sa kanya. Pwede bang humiling na huminto ka at harapin ako ng makatigil ako sa paghabol at makaramdam ng yakap mula sayo? Kay rami kong tanong sa aking isipan na alam ko naman ang sagot ngunit minsan nagiisip din ako, "Malay mo nagiba na ang sagot". Puro malay. Puro sana. Puro siguro. Walang sigurado.
Pero kahit ganon, heto ako. Nagmamahal kahit nasasaktan. Dahil wala naman akong choice. Di ko kayang iwasan ka. Kaya nahihirapan na rin ako. Sa bawat pagtampo ko at hinanakit mula sayo, gustong gusto kong magtampo, magpakalayo at iparamdam sayo na, "Uy masakit yung ginawa mong yun" para lambingin mo ako pero alam ko... imposible. Isa lang ang taong hinahabol mo... at hindi ako yun.
0 notes
You seem distant. Hindi na kita maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga araw na para bang sobrang dikit mo sakin Mga araw na sobrang saya ko dahil ikaw ang nagpapatagal ng usapan Mas marami kang magreply Madalas kang tumawag at tumingin saking mga mata Ngunit may mga araw na para bang wala akong halaga Teka, meron nga ba talaga? Haay ewan. Mga araw na pagkatapos ng isa ay hinihiling ko na sana wala ng sumunod pa. Sana bumalik ka na, sa ikaw na tila ako ang laging hanap. Hindi sa ikaw na palayo. Ikaw na tahimik. At pinaparamdam sakin na para bang... Hanggang dito na nga lang tayong dalawa.
0 notes
Tumblr media Tumblr media
Yesterday was the last YOLO moment to happen this January and I mean it. Ayoko na uminom, dang it. Sobrang sama ng pakiramdam ko the whole day and maybe this is my karma for what I've been doing lately. But yesterday was a different day. I met your friends, your HS friends. Those friends that you always tell in your stories. Akala ko nga mao-Op ako sa kanila at akala ko din super magseselos ako don sa best friend mong si Meli na sobrang ganda at lagi mong naikwekwento. Ineexpect ko nga super clingy kayo towards each other eh. Well, medyo. Pero inaasar tayo ni Meli sa isa't isa, pati ng HS friends mo. Di ko alam bakit lahat ng tao nakikitang may something tayo pero bakit parang sating dalawa... ako lang ang humihiling nito. Natuwa naman ako na naging ka-close ko silang saglit, silang kilala si Maria at silang kaibigan si Maria. Tapos gusto pa nila ako for you! Odiba! Bonus! Hahahaha.
I've seen the happiness in your eyes when you're with them. Malaking part nga sila sa buhay mo, nandon ako habang pinagkwekwentuhan niyo lahat ng tungkol sa Highschool life niyo, gusto ko sanang matrigger dahil syempre andon si Maria ng mga panahon na yun pero di nila siya nababanggit at thankful ako. I was staring at you as you throw your head back laughing, like a little kid. Napapangiti na lang ako ng kusa. I'm starting at my happiness. The happiness that I've never expected when I met him. My unexpected love. My heartbreak. My tears at night. My calling at night. Di ko alam kung bakit sobrang na-attach ako sayo lalo kagabi. Siguro ay dahil sa pag-aalaga mo sakin nong lasing ako, di naman talaga ako lasing e, nahihilo lang. Pinagtimpla mo pa ako ng kape, di ko rin alam bakit kailangan holding hands tayo haban naglalakad, hawak mo rin ako sa bewang, napakaganda ng ngiti mo sakin. At ikaw ang pinaka-unang bumati sakin ng HAPPY BIRTHDAY as the clock struck 12. I was with you the whole time since night till dawn. Hinatid mo pa ako. Hindi ko alam kung ginagawa mo ba ang mga ito dahil alam mong birthday ko pero hindi ko rin alam kung siguro ay nagugustuhan mo na rin ako at pinipigilan mo lang. Pero para saan? Bakit?
Nakita ko rin na clingy ka kay Meli. Sweet ka lang siguro sa kaibigan. Pero wala naman siyang gusto sayo. At isa pa, matagal na kayo magkakilala. Niyayakap ka pa nga niya eh, hinahayaan mo siya. Ako kaya? Medyo naguguluhan na ako, Abu. Natatakot ako na baka ang maging bagsak ko ay isang Meli lang din. Bestfriend. Ayoko, Abu. Please lang, di ako nageffort na makilala ang pamilya mo, kaibigan mo, at mga tropa mo para lang maging isang kaibigan. Di ako nagpaka-late ng uwi sa gabi para lang sa huli ay maging kaibigan. Di ako aabot ng ganito kung kaibigan lang ang nais ko.
Mahal kita, Abu. Maghihintay ako. Alam kong nagugustuhan mo na rin ako. Di mo yan maitatanggi...
0 notes
Everyday is an adventure when I'm with you.
Literal na adventure. 
Unang gabi, pumunta tayong SM kasama si Eseo pero tayo pa rin ang huling natira kinagabihan. Kumain pa nga tayo hangga't sa closing na ng Greenwich at tayo na lang dalawa ang natitira sa loob na kumakain. Pangalwang gabi? Unang inuman session ko kasama ka. Narealize ko na wala kang tama sa kahit anong inumin mo, kakaiba ka. At noong pagkahatid natin sa kanilang lahat ay tayo na lang dalawa ang natira. Wala tayong mahanapan na mapuntahan kaya maglo-lomi sana sa lake kaso ay sarado ito. Kabado kapa pabalik sa bayan dahil medyo madilim ang paligid at talamak ang holdapers sa dinaanan natin. Sinabi mo sakin na kinakabahan ka dahil kasama mo ako, baka mapa-ano ako. O kung ano man. At doon... doon mo unang beses hinawakan ang kamay ko. At ito ang pangatlong gabi, hindi ko naman inaasahan na makita ka ngayong araw. Ang gusto ko lang ay gumala sa bayan at kung sakaling makita ka ay maging masaya. Pero di ka makaalis ng bahay dahil iniintay mo ang aking reply. So gusto mo talaga ako makasama? Pagkatapos ng inuman ay hinatid mo pa ako sa bahay. Mismong bahay. Lakad tayo kasama ng kapatid, barkada at kapitbahay niyo. Hawak mo rin ang kamay ko kanina.
Pero bakit ganon? Tila yata bumibigay na ang puso ko, ayaw na nitong umasa. At habang iniisip ko na baka gusto mo nan ako ay naiisip ko si Maria... paano na siya? Aalis na siya sa May. Ibig sabihin ba nito mabibigyan ako ng chance? Paano kapag hindi? Sobrang sakit naman yata na umasa sa lahat ng ito tapos mauuwi lang sa wala. Isa lang ang bagay na narealize ko lately... ayokong maging kaibigan mo LANG. Gusto ko sakin ka.. gusto ko ako lang ang may karapatan sayo.
Pero sa ngayon? Kapit ako sa kung ano meron tayo. Hindi ko alam kung san ito pupunta pero ang gusto ko lang ay makasama ka. Maging masaya. Mahalin ka. At umasa na balang araw... mamahalin mo rin ako.
0 notes
"Hindi ka naman mahal niyan, tama na. Suko na"
Linya ng mga hudas kong kaibigan. Pero tama kayo, hindi nga ako mahal. 
At gusto ko lang malaman niyong SUKO NA TALAGA AKO.
Pero ano bang magagawa ko? Kung sa bawat araw na nakikita ko siya ay lalo ko siyang hinahangan at minamahal? Kung sa bawat araw ay mas lalo kong nasasabi na siya lang ang nagpapasaya sakin? Oo, suko na ako.
Suko na ako na mahalin siya. Pero mahal ko pa din siya.
Suko na ako na maghintay. Pero lagi siyang nandyan.
Suko na ako na maghintay ng sasabihin niya. Pero mamaya maya ay magpapacute nanaman siya.
Suko na akong umasa. Pero ito yung ginagawa ng puso ko.
Ano bang dapat kong gawin? Sana may gamot na makakapagtanggal ng sakit na to. Sana may pwedeng inumin, kainin o puntahan para lang maging okay ang lahat. Pero wala, nandon tayo sa puntong maghihintay ka na lang na puso mo mismo ang mapagod sa kakahintay, kaka-asa, at kaka-sakit. Kailan ka ba mapapagod? Ano bang point nitong lahat na ito? Sobrang sakit naman yata...
Oo, suko na ako. Pero paano bang tumigil na mahalin siya?
0 notes
Strength o ikaw?
Hati ang isipan ko ngayon, dapat nag-aaral ako sa strength. Dapat naghihikahos ako sa pag-aaral pero hindi ko talaga mapigilan na hindi ka isipin. Punyeta. Imbis na formula ang naisusulat ay pangalan mo ang naiguguhit sa papel. Kaya tumigil muna ako para isulat tong nararamdaman ko para sayo.
"Tati" --
Sobrang ganda na ng araw ko, yung pakiramdam na namiss mo ako dahil di ako pumasok ng Accounting, yung pakiramdam na napaka-sweet mo, napaka-touchy mo nanaman, yung palagi kang nakatingin sakin, palagi mong nilalaro buhok ko, palagi mo akong inaasar at tinatabihan... yung pakiramdam na TATANGA TANGA NANAMAN AKO SAYO. Ito problema sakin, bawat galaw mo sa tuwing magkasama tayo nakakalimutan ko na may Maria nga pala... mabuti na lang bago tayo umuwi ay isinulat mo ang pangalan niya sa iyong papel gaya ng pagsulat ko ng pangalan mo sa mga notes ko kapag wala akong magawa. Durog na durog ako pag-uwi sa kakaisip nito, durog ako sa pagiisip na wala na talaga akong pag-asa.
Ako ang lagi mong kasama ngunit siya lagi ang nasa isip mo. Napaka-swerte naman niya, no? Sobrang swerte niya na kahit wala siyang gawin ay minamahal mo siya samantalang ako ay pinudpod ko na ang makeup ko, pabango, pagpapaganda, pagpapatalino at lahat, mahalin mo lang... wala pa rin. Wala pa ring pag-asa. Paano ba?
Siguro ay dapat na lang masapat sa biyaya na binigay ng tadhana para sa nararamdaman ko --- yun yung araw araw ka makasama at maging masaya sa piling mo kahit iba ang nasa puso't isip mo. Pero maituturing bang biyaya ang isang bagay na nagbibigay sakin ng pekeng pag-asa?
Wala na akong masabi pa, iisa lang ang katanungang nasa isip ko ngayon.
Abu, bakit di na lang ako?
0 notes
Things are going well.
WELL. And by well, I don't mean that it's perfectly fine. It's just well. Palagi kaming magkasama, magkausap, minsan ay magkatawagan. Madalas kaming asarin  ng mga kaklase namin na bagay daw kami at baka daw nagiintayan kami sa isa't isa. Ang iniisip pa nga nila ay may something na kaming dalawa na itinatago lang namin. Habang sinasabi nila yun, nakiki-sang ayon lang naman si Abu. Sinasabi niya na, "Onga, si Leah lang naman may ayaw". Ako pa talaga? Di mo naman alam kung gaano ko kagusto na sakin ka na nga lang. Hindi na niya rin nababanggit si Maria, minsan na lang kapag nakaisip mang-asar, nahihiya ako magtanong dahil natatakot ako sa magiging sagot. Kada mababanggit niya ay sobrang sakit. Sobrang kirot sa dibdib. Hindi ko kinakaya. Hays.
Pero ano? Aasa pa ba ako? Sa mga sinasabi mo? Sa bawat araw ay nahahalata kong nagbabago ka na sakin. Mas nagiging okay ka, mas nagiging maalaga at sweet. Pero baka tinatraydor nanaman ako ng isipan ko. Pasensya na, mahal lang talaga kita.
0 notes
Namimiss lang kita.
Sobrang lamig ng simoy ng hangin at kahit di kita naranasan kayakap ay napapaisip ako.... sino kayang iyong iniisip sa mga saglit na ito? Di na rin naman akong umaasa na ako. Never naging ako. Kailan ba magiging ako? Napapailing na lang ako. Dati rati ay mga 9pm kita kukulitin, hindi ka pa magrereply, mga 10pm ka magrereply ng maunti at syempre magtatampo ako, mahahalata mo yun at sa sariling mong paraan ay mararamdaman kong nanlalambing ka sa bawat pag-kulit mo sakin. Mageexplain ka kahit hindi dapat. At itong si ako, macu-cutean sayo dahil nagrereply ka pa rin sa pagiging cold ko sayo. Maguusap tayo hanggang mga 2am. Tutulog ako ng may ngiti sa aking mga labi at gigising sa iyong tawag ng 11am upang makipagkwentuhan ng 2 oras dahil tinatawag na ako ni Mama sa labas para kumain. Araw araw ganyan tayo tapos biglang.... nawala, naputol. Paano? Paanong nawala. Paano ka nawala? Sabagay hindi ka naman sakin para mawala sakin. Hindi naman tayo para maghiwalay at hindi naman ako mahalaga para ulitin ang lahat. Tanong ko lang, kung pagkakaibigan lahat ng yon, gawain mo rin ba yun sa lahat ng mga kaibigan mo? Wari koy hindi.
0 notes
Highlight ng 2016 ko?
Siya pa rin. Si Andrei pa rin syempre. Isang rollercoaster ride ng paikot ikot ikot ang relasyon naming sobrang toxic. Pero masaya ako at natapos ang lahat ng maayos. Wala ng hinanakit, galit, tampo, at lungkot dahil puro pasasalamat nalang sa tuwing akoy tatalikod at lilingon. Sumaya ako, nalungkot, nabigo at nasaktan. Parang puro sakit nga 2016 ko e. Pero di ko alam bakit may hope ako ngayong 2017 na magiiba ito. Nagpapasalamat din ako kay Ma'am Cuevas na itinabi ako sa isang lalaking laman ngayon ng puso ko. Isang lalaking di ko akalain na makakaclose ko. Unang araw pa lang ng pagtatabi namin sa DE, naiilang ako sa kanya. Una e, di naman gwapo. So sabi ko, sayang di gwapo katabi ko diba tapos tahimik pa at minsan ay absent, in short irreg si kuya mo. Di nagtagal, sa kanya na ako kumokopya kapag hindi ko makita sa board. Ayun lang yun. Then thankyou babye. Di nagtagal, nagsimula kami magusap, magtawanan, magkwentuhan. Hangga't di na kami makapakinig sa klase dahil puro na lang kami tawanan. Pakiramdam ko naging bffs na agad kami sa panahon na yun. Lagi tuloy akong excited na mag DE noon dahil alam kong uuwi akong masaya nanaman dahil sa kanya. At ngayong second sem, kami na lagi magkasama hangga't lumalim pero sakin lang pala. Pero okay na ako don ☺ Hindi ako naghahangad. Hindi na ako maghahanap. Magiging ayos din ang lahat. Masaya ako sa pagkakaibigan namin na kahit yata ipilit koy walang magagawa. Thank You Lord. Sana maging masaya 2017 ko.
0 notes
"Wag na ako ang piliin mo"
Sana ganon kadali yun. Sana sa isang iglap ay limot ko na ang nararamdaman ko para sayo. Mali ako, oo. Mukhang minadali kong mapasayo. Mukhang inakala ko na madali ito. Ngunit mali ako. Kaya nasaktan ako. Pero mali ka din, aminin mo. Alam ko na hindi basta basta yung pinakita mo sakin. Lahat ng iyong pinaramdam. Hindi yun basta basta lang. Baka natatakot ka. Baka di ka pa handa. Kaya Abu. Tawagin mokong tanga. Pero hihintayin kita. Dahil di ko rin naman mapwepwersa ang isang pusong ikaw ang hanap. Di ko ito mapipilit na magmahal ng iba. Di ko to masasabihan na kumanluran kung ikaw ay nasa silangan. Di kita iiwasan. Didistansya ako. Papamiss. Pero di kita iiwasan. Kailangan kita. Ikaw ang kasiyahan ko. Kaya mahal. Iintayin kita sa aking pagtahimik. Sa aking pagbalewala sa mga sakit. Maaring maisip mo na wala na ako ngunit mali ka. Andito pa rin. Nanlalamig. Nananahimik at mahal ka pa din. Di ko alam ang kahinatnan ng paghihintau ngunit sana'y da huli... maalin man sa makalimutan ka o mapasakin ka sa walang hanggan.
0 notes
MY CALLING AT NIGHT
Hindi ko naman sinasadya na maging supporting character lang sa istoryang akala ko ako ang bida. Hindi ko rin naman sinasadya na maging epal sa storyang di pa pala tapos, na akala ko magbabago ko at mapapalitan ng bida... pero siya pa rin pala. It's always been her. She's not even aware of how I'd walk the extra mile, take the risk, and even wait for 365 days just to have you for a day. She's not even aware of how I'd do anything just to be her even for just a short while. Di niya alam kung gaano siya kaswerte. I guess I should start dimming all those colors of hope I painted inside my mind. Miski gawin ko ang lahat, di pa rin magiging sapat dahil HINDI MO NAMAN KAILANGAN. But I'm sorry, I guess the heart wants what it wants and it wants you. Let the vibrance of pain and my tears drown all the memories. In spite of all your words, your flaws, and everything, I think I'll stay. Till you believe, till you give it a chance, till you wake up and till it is already enough.
Sabihin mong lumayo ako please. Joke lang. Tanga ako no.
0 notes
Ang sabi nila, hindi magkakasundo ang dalawang taong magkaiba. Dalawang taong magkaiba ng kinalakihan, paniniwala, at pinagmulan. Pero bakit sa bawat araw na mas lalo kitang nakikilala ay mas lalo pa kitang minamahal?
Ikaw yung tipo ng taong masikreto. At ako yung tipo na makwento. Ikaw yung tipo na pa-mysterious. Pero ako yung tipo na open sa lahat. Ikaw rin yung tipo na independent sa buhay. At ako, medyo bansot pa sa kaalaman. Ikaw yung tipong mabilis palagpasin ag mga bagay bagay. At ako? Napaka-drama ko sa buhay. Ikaw ay sumo-suporta kay Marcos. Ako hindi. Galit ka kay Leni. Binoto ko siya. Mahilig kang sumayaw. At ako naman kumanta. Katoliko ka. Kristiyano ako. Di ka naniniwala sa pagiging banal. At ako, kinalakihan ko na ang pagiging relihiyoso. Minsan ka lang sa isang taon makaalala sumimba. At ako, sa simbahan ako lumaki. Ikaw yung masamang anghel na nagpapaibig ng mabubuting anghel. Ikaw yung masama ang pakitungo ngunit nagpapabighani sa totoong laman ng kanyang puso.
Parehas nating ayaw magsukat sa dressing rooms ng shopping malls dahil nakakahiya ito para satin. Parehas tayong adventurous. Parehas tayong di drawing sa barkada. Parehas tayong game na game sa lahat. Witty ka at korni naman ako, gandang tandem diba. Ako ang nagbibigay ng papel at ikaw ang nagbibigay ng sagot. Ako yung asukal, ikaw yung kape. Ako yung malambot ang puso. At ikaw ang matigas at nagyeyelo. Pero sa tuwing magkasama tayo'y napapagbigyan mo ang mga hiling ko kahit pa gaano kalayo, kahirap abutin ito. Dahil di mo ako matiis, aminin mo yan. Makulit ako. Pero ayaw mong umalis sa tabi ko. Maingay ako pero namimiss mo ang kaingayan ko. Aminin mo yan.
Pero sa huli't huli. Sa dami ng nangyari, nasabi at naramdaman. Sa huli ako ang talo. Dahil ako lang pala ang nagmamahal sating dalawa.
0 notes