Tumgik
jdebelensworld · 3 years
Text
A very short Tagalog Poetry
"Ang Saya Lang "
Ang saya lang sa feeling ng ikay nakapiling at dumating ka sa aking piling kahit sa ilang segundo lang
Pag kapiling ka ang saya koy abot hanggang tenga
Yung tipong di ko maipinta kahit sarili kong mukha sa galak at tuwa
Pag kasama ka wala na kong hinahanap na iba
Basta ang alam ko lang,masaya ko pag nandiyan ka
Hindi mo lang alam
Matagal na kitang mahal
Palihim nga lang
Hindi ko pa kayang sabihin sa ngayon
Dahil baka dumistansiya ka na
Kaya patuloy pa rin akong magtatago ng lihim sa iyo
Para sa kahit ganoong paraan ikay patuloy paring makapiling at malambing na rin
Yung lambing kong iba
Yung parang may engkantasiyon na bigla nalang magpapaamo sa iyong mong mukha at tatawa nalang bigla,na parang sira
Na alam ko di mo mararamdaman yan sa iba
Ayokong umabot sa pinaka sukdulan na akoy iyong kasuklaman dahil lang sa nalaman mong akoy nahulog na sayo ng tuluyan
Bigyan mo sana ako ng kahit kaunting importansiya
Para sa iyo'y maipadama ang aking tapat at tuod na nadarama
Baka sakaling di ka na lumingon sa iba
Pero kahit maghanap ka man ng iba
Lagi mo tandaan na kahit ipagpalit mo man ako sa iba
Ikaw pa rin ang nais kong makasama
Alam kong di ka pa handa sa ngayon
Pero akoy mag hihintay pa rin hanggang sa dumating yung araw na puwede kana
Hanggang dumating yung araw na gusto mo na
Hanggang sa araw na puwedeng maging tayo na
'O hanggang dumating yung araw na handa ka na
'O Hanggang dumating yung araw na magaan na sa loob mo na buksan ang damdamin mo para sa iba
At yung malaman kong handa ka ng sabihin sa akin ang mga salitang
Sige
Oo na
Tayo na at
Ako'y handa na
1 note · View note
jdebelensworld · 3 years
Text
🌨️Blue🌨️
Tumblr media
1 note · View note
jdebelensworld · 4 years
Text
Tumblr media
3 notes · View notes
jdebelensworld · 4 years
Text
Tumblr media
Earth is meaningful, it's up to you, if you appreciate it🥰
6 notes · View notes