Tumgik
kapitan-barbell-blog · 11 years
Text
Presenting: CB!DR or...
Tumblr media
Upang maupdate namin kayo tungkol sa mga pangyayaring nagaganap sa pulitika, teknolohiya, o pati na rin sa mga balitang pandaigdig, naisipan namin na gumawa ng ganitong segment! :)
(Benjo: Sorry guys kung medyo late na ako sa pag-uupdate sa blog. I'll do my  best to keep this blog up and running!)
0 notes
kapitan-barbell-blog · 11 years
Text
Ano ano ang mga dahilan upang maggalugad ang mga Europeo?
• Paglalakbay ni Marco Polo: Si Marco Polo na isinilang sa Venice noong 1254 ang pinakatanyag na manlalakbay at mangangalakal sa Edad Media. Kasama ang kanyang ama at tiyuhing mangangalakal, naglakbay sila sa Asya at nakarating sa China. Apat na taon silang naglakbay mula 1271 hanngang 1275. Tinanggap sila sa palasyo ni Kublai Khan na noon at ang Mongol Emperor of China.
Pagkatapos ng halos 20 taon na pananatili niya sa Silangan, bumalik sina Marco Polo sa Venice noong 1295 dala dala ang mga alahas, mga rekado, at mga magagandang tela. Siya ay nabansagang Marco Milyon nang ibalita niya sa mga kanayon niya ang milyong milyong yaman ni Kublai Khan.
Nang simiklab ang digmaan sa Venice at Genoa, isa si Marco Polo sa mga nabihag at nakulong. Habang siya'y nasa kulungan, isinalaysay niya ang kanyang mga nakita at naranasan sa kanyang paglalakbay sa Silangan. Mayroong sumulat ng kanyang mga kwento at pinamagatan itong Aklat ni Marco Polo.
• Paghahanap ng bagong ruta: May tatlong ruta na ginagamit sa kalakalang Asya-Europe bago bumagsak ang Constantinople. Noong 1453, sinakop ng Turkong Muslim ang Constantinople, at bukod pa rito, isinara ng mga Turkong Muslim ang daanang nag-uugnay sa kalakalan sa Europe ng Asya. Tanging ang mga mangangalakal na nagmula sa Venice at Genoa lang ang tanging pinapadaan ng mga Muslim dito, dahil ang mga ito ay tumulong sa Muslim na labanan ang mga Griyego. Dahil doon, kinailangan ng Europe na maghanap ng Bagong Daan pangkalakalan patungong Silangang Asya.
• Imbensyong Pangnabigasyon: Simula ng ika-12 dantaon ay may mga imbensiyong pangnabigasyon na nagpabilis sa paglalakbay. Ilan sa mga ito ay ang magnetikong kompas, astrolabe, papel, limbagan, at mapa. Ang mga sasakyang dagat ay ginawang higit na malalaki at mahuhusay kaysa naunang ginamit. Dahil sa mga tuklas na ito ay napadali ang paglalakbay ng tao.
• Ang 3K's (Kayamanan, Kristiyanismo, at Katanyagan.)  Kayamanan. Isa sa mga dahilan kung bakit naggalugad ang mga Europeo ay upang dumami ang kanilang kayamanan. Naghangad sila ng ginto, piulak at mga marangyang produkto tulad ng asukal at gatas na nanggagaling sa Asya. hinangad din nilang makakuha ng mga rekado sa Asya na kailangan sa preserbasyon ng pagkain lalo na ng karne. Kristiyanismo. Ang paghahangad na mapalaganap ang Kristiyanismo ay isa pang dahilan ng paglalakbay ng mga Europeo sa ibayong dagat. Naniwala ang mga Kastila at Portuges na responsibilidad nilang itaboy ang mga Muslim sa ibayong dagat. Katanyagan. Ang mga manlalayag at manunuklas ay itinulak ng kanilang paghahangad sa katanyagan at papuri. Ang lakas ng loob upang makipagsapalaran ay naging isang dahilan kung bakit nanguna ang Europe sa pagtuklas at pananakop noong ika-15 siglo.
0 notes
kapitan-barbell-blog · 11 years
Video
Infomercial created by Amerigo Vespucci about POVERTY.
1 note · View note
kapitan-barbell-blog · 11 years
Text
Ang Panahon ng Eksplorasyon At Kolonisasyon
Sa pagitan ng ika-15 at ika-16 na siglo,nagkaroon ng interes ang mga Europeo na galugarin at tuklasin ang mga lupain sa iba't ibang panig ng daigdig.
Ilan sa mga dahilan kung bakit nila naisipiang manggalugad ay dahil sa paglalakbay ni Marco Polo, ang paghahanap ng bagong ruta, mga imbensyong pangnabigasyon, at upang lumawak pa ang kanilang kaalaman.
Ang panahon mula 1450 hanggang 1750 ay tinawag na "Panahon ng Eksplorasyon." Noong 1400, ang mga marinerong Portuges at Kastila ay nanguna sa paglalakbay-dagat. Sumunod na rito ang England, France, The Netherlands, at Sweden.
Ang mga susunod na posts dito ay mga impormasyon tungkol sa Panahon ng Eksplorasyon at Kolonisasyon. Katulad na lamang ng pinagkaiba ng pag-gagalugad, sa eksplorasyon, mga kilalang personalidad sa Panahong nabanggit, at mga magaganda at di-gaanong magagandang epekto na idinulot nito.
0 notes
kapitan-barbell-blog · 11 years
Video
AP INFOMERCIAL ABOUT POLITICAL AND WAR TENSIONS. GROUP MARCO POLO. ALL RIGHTS RESERVED.
3 notes · View notes
kapitan-barbell-blog · 11 years
Video
youtube
INFOMERCIAL by Vasco Balboa Group about Population Explosion
2 notes · View notes
kapitan-barbell-blog · 11 years
Video
youtube
Fernao Magalhaes’ Informercial about HIV Aids.
3 notes · View notes
kapitan-barbell-blog · 11 years
Text
Hiatus.
Hi guys! :)
Sorry sa sooobrang tagal kong di nakapagpost. Mayroon akong reasons why, pero don't worry, Magkakaroon ng mga changes sa aming blog. Check our blog on Sunday! :)
0 notes
kapitan-barbell-blog · 11 years
Text
Tumblr media
Atin namang pag-uusapan ang mga pangyayari sa Ikalawang Krusada.
Nakubkob ng mga Turko ang Edessa, isa sa mga estado ng mga nagkrusada o Crusader States noong 1144. Ang Crusader States ay mga estadong itinatag ng mga nagkrusada sa mga lugar na kanilang nadaanan. Binubuo ito ng mga kaharian at maliliit na kaharian.
Ito ang nagbunsad sa Ikalawang Krusada ng pinangunahn nina Haring Louis VII of France at Conrad III of Rome. Ang kanilang hukbo ay nagtungo sa Asya Minor ngunit hindi pa man sila nakararating sa Edessa ay natalo na sila ng mga Turko.
0 notes
kapitan-barbell-blog · 11 years
Text
Tumblr media
Binubuo ang Krusada ng walong bahagi. Ang post na ito ay tungkol sa Unang Krusada na ginanap noong 1095 - 1099 CE.
Lumaganap sa Kanlurang Europe ang diwa ng Krusada. May mga nangaral sa mga nayon at hinikayat ang mga tao na sumama. Ang pinakatanyag sa mga nangangaral na ito ay si Peter, ang Erimtano. Pinangunahan niya ang unang Krusada kasama ang 5000 tao na binubuo ng mga magsasaka na nag-akalang abot-tanaw lang ang Jerusalem.
Narating ng hukbo ni Peter ang Constantinople ngunit madali silang nagupo ng mga Tuko sa isang tuyong talampas sa Asya Minor. Inihanda ng mga panginoong piyudal ang kanilang mga kabalyero upang makipagdigmaan sa mga Muslim. Nagtagumpay silang bawiin ang Jerusalem ngunit nabawi ito muli ng mga Muslim.
0 notes
kapitan-barbell-blog · 11 years
Text
Tumblr media
Ang Krusada na hango sa salitang krus ay tinaguriang "Banal na Digmaan" ng mga Kristiyano. Ang Krusada ay isinagawa upang mabawi ng mga Kristiyano ang Banal na Lungsod mula sa Turkong Seljuk. Hinimok ni Papa Urban II ang mga feudal lords na tigilan ang pag-aaway at sumama sa isang banal na pakikidigma laban sa mga Muslim at bawiin ang Palestine. Ayon din sa Papa, ay mapapatawad daw ang kanilang mga kasalanan at bibigyan sila ng gantimpala kung sila ay magtatagumpay. Ipinangako din ng Simbahan na pangangalagaan nito ang pamilya at ari-arian ng mga nakipaglaban para sa utos ng Papa.
0 notes
kapitan-barbell-blog · 11 years
Text
Susunod na Kabanata: Krusada.
Ang Krusada ay isang sunod sunod na digmaang militar  na may kaugnayan sa relihiyon na itinaguyod ng karamihan ng Kristiyanong Europeo noong 1095-1291, karamihan nito ay pinagtibay ng Papa sa ngalan ng Kristiyanismo. Ang kaunaunahang layunin mga Krusada ay ang mabawi ang Jerusalem at ng "Banal na Lupain" mula sa kapangyarihang Muslim at kaunaunang binunsod bilang tugon sa panawagan mula sa Silangang Ortodoksong Silangang Imperyong Romano, na mula kay Emperador Bisantino Alexios I Komnenos upang masugpo ang pagdating ng Muslim na Seljuk Turks[4] sa Anatolia.
— Wikipedia
Para sa mga susunod na araw ay pag-aaralan natin ang Krusada, magiging brief lang an discussions namin dito dahil malapit na ang Periodical Tests hahahah
0 notes
kapitan-barbell-blog · 11 years
Text
Tumblr media
Ang Inca ay isang imperyong higit na malaki kaysa sa Aztec na umusbong sa layong 2800 milya mula sa timog ng Tenochtitlan. Itinatag ang Inca sa Lungsod ng Cuzco sa itaas ng bundok ng Andes na ngayon ay sakop ng Peru.
Katulad ng pinuno ng Aztec, ganap ang kapangyarihan ng pinunong Inca, at napag-iisa niya ang mga pinamumunuan niya gamit ang batas, relihiyon, at lengguwaheng itinawag na Quechua.
Nakatuon sa relihiyon ang pamumumuhay ng mga Inca. Pinaniniwalaan nilang nanggaling sila kay Inti, diyos ng araw na pangunahing diyos ng mga Inca. Dahil dito, inisip nila na mga anak sila ng araw o di naman kaya'y mas superior sila kung ikukumpara sa mga ibang tao.
Tumblr media
— Inti.
Sa unang bahagi ng 1500, naging matagumpay ang kultura ng mga Inca. Nakalinang sila ng sistema ng paglalang at pagtatago ng mga tala ng kasaysayan, sensus at laki ng ani sa pamamagitan ng quipu, isang pisi na ibinubuhol tuwing kukuha ng mga tala.
Tumblr media
— Ito ang tinatawag na quipu.
Ngunit, dahil sa pagiging makasarili ng mga pinuno ng Inca, hindi sila nakapagtatag ng kanilang sariling sistema ng pagsulat. Tuluyan nang bumagsak ang Inca nang sakupin sila ng mga Kastila.
0 notes
kapitan-barbell-blog · 11 years
Text
If you don't want the system, get out of the system.
1 note · View note
kapitan-barbell-blog · 11 years
Video
youtube
Tumblr media
Narito naman ang isang dokyumentaryo tungkol sa Aztec Civilization!
0 notes
kapitan-barbell-blog · 11 years
Video
youtube
Tumblr media
Paano nga ba nilalaro ang Pok A Tok? Narito ang isang video na pinapakita kung papaano laruin ang... larong ito. :)
0 notes
kapitan-barbell-blog · 11 years
Link
0 notes