Tumgik
kristeljavier · 3 years
Text
COVID-19
Tumblr media
Ang sakit na coronavirus 2019 o ang tinatawag natin na COVID 19 ay isang sakit sa palahingahan. Ito ay kumakalat nang tao sa tao. Sinuman at sa anumang edad ay maaaring mahawaan nito. Kaya iwasang pumunta sa mataong lugar at manatili lamang sa bahay. Ang virus na ito ay isang novel coronavirus na unang nakita sa isang imbestigasyon ng pagkalat sa Wuhan, China.
PAANO ITO KUMALAT?
Ang virus na nagdudulot ng COVID-19 ay marahil galing sa hayop.  Subalit sa ngayon ay kumakalat ito nang tao sa tao. Ito ang mga karaniwang rason kung paano ito kumakalat o paano ito nakakahawa:
•Mga malilit na patak na nalikha ng taong may COVID-19 sa pamamagitan ng pag ubo, pagbahing at pagsasalita.  •Malapitang personal na pakikisalamuha or pag-aalaga sa isang taong may COVID19.  •Maaari ka ring mahawaan sa pamamagitan ng pag hawak sa mga bagay na may virus at pagkatapos ay ang pag hawak sa bibig, ilong o mata ngunit ang mga ito ay hindi ang pangunahing rason kung bat ito kumakalat. 
 •May mga tao rin ang nahawaan na hindi nagpapakita ng mga sintomas kaya masyadong makipag halubilo dahil maaari parin silang makahawa ng virus na kanilang dinadala na nagdudulot ng COVID-19. 
MGA SINTOMAS NG COVID-19
Tumblr media
Ang mga sintomas ay maaaring mula sa banayad hanggang sa malubhang karamdaman at lumalabas sa 2-14 na araw pagkatapos mong malantad sa virus na nagdudulot ng COVID-19.  Humingi kaagad ng pangangalagang medikal kung may isang taong mayroong mga emergency na senyales bilang babala para sa COVID-19. 
* hirap sa paghinga * patuloy na pananakit o paninikip ng dibdib * hindi kayang gumising o manatiling gising * maasul na mga labi o mukha * pag ubo * pagkawala ng panlasa at pang amoy * lagnat
PAANO MATUTULONGAN ANG IYONG SARILI SA PAG IWAS NG COVID-19? 
Magagawa mo ito sa pamamagitan ng paggawa ng aksyon na mga ito sa pang araw-araw. 
Tumblr media
MAYROON BANG PANG GAMOT ANG COVID-19? 
Dahil ito ay isang pagsiklab ng virus, hindi makakatulong ang mga antibiotics. Ang paggamot ay suportado, tulad ng pagtulong sa pasyente na huminga at manatiling hydrated. Nakakamatay na sakit ang naiulat na sa ilang mga pasyente. Marami pa ang may banayad na mga sintomas at ganap na nakabawi nang walang pang ospital. Kapag ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas ng COVID-19 agad humingi ng atensyong medikal upang mapawi ang mga sintomas. 
2 notes · View notes