Tumgik
sesaya · 2 months
Text
15 years old. Walang trabaho. Walang hanapbuhay. Walang pangarap at walang hinaharap.
Hindi ko ba alam kung ano'ng gagawin ko sa buhay ko, eto na yung point na pinag-iisipan ko na kung ganito nalang ba ako habangbuhay, hanggang pagtanda. Ganda sana eh no? Merong bahay na hindi nirerentahan, hindi lulong sa stress sa kaka-work sa opisina, hindi rin ako namomroblema sa pangkain pang araw-araw, hindi problemado sa pera kasi ma'y allowance. Perpekto na sana kung hindi lang sa nararamdamang pagkukulang sa loob.
Pakiramdam ko kailangan kong mag-explore, pumera nang malakas o ewan ko. Basta. Pakiramdam ko kailangan kong gumawa ng kahit ano, kasi nauubusan na ako ng oras. Free trial lang ang childhood, tutorial ang adolescence, hard mode ang adulthood.
Hayyyyyyyyyy......
1 note · View note