Tumgik
taaaaangi · 8 hours
Text
get you a friend who will pay for your facial wash coz u didn’t bring your wallet hahahahahaha tawang tawa talaga ako buti na lang g lang to si arvin. like, everytime na lalabas kami para mag meryenda or basta lalabas lang kami ganyan siya talaga nagbabayad (muna) kasi di talaga ako nagdadala ng wallet haha. actually, di lang naman si arvin. pati si harold at belle ganyan din kasi nga di ako nagdadala wallet lol (binabayaran ko sila pagdating sa office) haha natatawa lang ako pag naaalala ko ung itsura ni arvin nung inabot ko ung facial wash sakanya hahahaha siguro iniisip niya “ano gagawin ko dito” hahahaha pota. the best.
0 notes
taaaaangi · 3 days
Text
mukhang topic ako ng mga gc hahahahahhaa pota. hayup kasi to si Russel eh.
0 notes
taaaaangi · 4 days
Text
gusto ko mag deactivate. yoko muna talagang kumausap ng tao sa socmed 😫
0 notes
taaaaangi · 4 days
Text
nakakatuwa yung mga officemate ko na nagsasabing bagay sakin ung new hairstyle ko hahahahahahahaha
0 notes
taaaaangi · 5 days
Text
travel photobook…..
1 note · View note
taaaaangi · 7 days
Text
may plano na agad kami ni Mina for next year hahahahahahhhaa shet
0 notes
taaaaangi · 14 days
Text
ang dami ko nanamang gustong gawin sa life. self, kumalma ka. isa isa lang.
0 notes
taaaaangi · 15 days
Text
wala pa din ung PS namin shutaaaa. ano naa. hindi ako makagalaw hanggat di ko nababayaran ung mga pending bills ko. asaaar
0 notes
taaaaangi · 18 days
Text
ang sakit na ng mata ko kakabasa pero may gusto akong simulan na thriller book ngayon hahahaha shet. kakatapos ko lang kasi ng romance book lol. Gusto ko na simulan ung book 2 ng acotar pero kasi ang nasa isip ko pa din pagdating sa fantasy, Fourth Wing and Iron Flame kaya wag muna. baka hindi ko maappreciate si acotar.
2 notes · View notes
taaaaangi · 22 days
Text
Fourth Wing and Iron Flame. Natapos kong basahin to ng 4 days. 4 freaking days. The love Tairn and Andarna have for Violet is so damn high. I'm so attached sa mga characters talaga jusko. Hindi nasama sa genre nito ung comedy hahaha kasi I'm living for the banters of Tairn and Vi. Tairn and Andarna. Vi and Xaden. Tairn, Andarna, and Vi. jusko, ang cute talaga. Plus, Liam, the character we all loved. Kung wala lang talaga ako sa office nung nabasa ko yung last scenes ni Liam, sure na sure akong hahagulgol ako. Hays. forever Vi's shadows. Actually, gusto ko ulit siyang basahin kasi next year pa yung book 3 and feeling ko may mga clues somewhere for the 3rd book. Tinatapos ko lang yung Powerless tapos baka i-start ko na basahin ung ACOTAR. Torn ako kung babasahin ko na ba ulit ung Fourth Wing ulit or sisimulan ko yung ACOTAR kasi yung expectations ko (as of the moment) sobrang taas and hindi mapantayan ni Powerless yon hays. anws, yun lang haha
1 note · View note
taaaaangi · 27 days
Text
So, kakatapos ko lang panuorin ung Shining Solo Ep 5 and daaaaaamn. I am so proud of you Asahi!!!!! From collecting voice recorders to being Mr. Treasure of Shining Solo P.1 graaabe. Nahurt ako kay Jek, tho. Mahal ka naman namin Jek kahit ilang jewel pa gusto mo, ibibigay namin sayo. Anws, ang happy ko lang sa Shining Solo, bukod sa tinayo ni Asahi ang bandera ng mga Introverts, nakakatuwa din na makakita ng idol na may interaction sa opposite sex. Especially ngayon na parang taboo sa korea ung ganong scenes pag Idols. Breathe of fresh air ko talaga tong Treasure. Nakaka excite yung next part kasi puro extroverts naman haha si Woo lang ata ang Introverts sa kanila. Pero kaya mo yan woobear, ikaw ang manok ko. Make papabear proud (jek) hahaha
1 note · View note
taaaaangi · 27 days
Text
Who's back to reading???? It's me!! So, nakatapos ako ng 5 books this holiday season lol Yung isa yung Only Child, sobrang bitin niya kasi andon na eh, nasa kalagitnaan pa lang nung magandang scene tapos tapos na agad. Hunting Adeline 1 & 2. Sobrang dark pala nito, di ko alam bakit siya nasa TBR ko pero worth reading but check trigger warnings kasi grabe din yung mga scenes. Next is yung Pack Up The Moon, hindi ko siya ganon ka-bet pero tinapos ko din haha hindi ganitong genre ung bet ko talaga hays, tapos kakatapos ko lang ng The Invitation, ang cute ng story haha super light lang and kung gusto mo kiligin ganon, pwede siya. May ibang lines don na napapasabi na lang ako ng "Lord, when?" hahahahaha kasi nga kailangan din natin ng kilig minsan. Anws, nag iisip nanaman ako kami ng travel nila Mina hahahaha pls. gusto ko po ng madaming pera para makapag travel ako hays
3 notes · View notes
taaaaangi · 29 days
Text
napproud ako sa sarili ko talaga. Who would've thought na makakapag travel ako sa 5 countries na ako mismo ang gumastos??? makakanuod ako ng concerts na gusto ko na ako ang gumastos??? makakapunta ako sa mga lugar sa Pinas na ako ang gumastos??? Na mattreat ko ang family ko and maspoil ko sila na sariling pera ko ang gagamitin???? Like, achievement siya talaga for me kasi hindi naman ganon kalakihan yung sahod ko, bawi lang talaga sa bonus. hindi din ako materialistic na tao talaga kaya it helps din to save money. Wala lang, ang happy ko lang. feeling ko ang yaman yaman ko ganon hahahaha literal na strong independent woman ako talaga. Nakakaproud ka, self. keep it up.
2 notes · View notes
taaaaangi · 1 month
Text
hindi ko pa pala nasshare pero naka secure ako ng concert ticket ng Treasure. Hooooooray!!!! eto yung next na nillook forward ko. Hindi ko na muna iisipin yung mga gastos ko kasi nakakaiyak pero atleast masaya si ate girl hahahaha money will return ang motto natin sa life. hahaha ayun lang, naeexcite na ko kasi 1 year ko na gusto marining live lahat ng discography ng Treasure and mawwitness ko na siya sa May 4. Hindi pa din ako nag cclaim ng ticket kasi baka mag fade siya and mawala ko siya ganon.
0 notes
taaaaangi · 1 month
Text
So here's my Taiwan travel story no one's asking for (2/2) hahaha
Malamig sa Taichung. Binago nung tour guide namin ung itinerary, ang Sun Moon Lake Cruise kasi namin supposedly for day 2 pa pero naging day 1 siya, dun kami dumiretso. Ang ganda niya pls, sobrang lamig. Kudos din sa internet and signal sa Taiwan, sobrang lakas. Imagine, nasa gitna na kami ng lake pero ang lakas pa din ng signal kasi kausap pa ni Jensen ung mama niya. Next, pumunta kami sa night market ng Taichung, keri naman ang foods, sobrang generous nila sa free taste hahahaha ang bango din talaga ng waffles. Plus, totoo ang chika, ang daming gwapo sa Taiwan. Sis??? yung kasabayan ko bumili ng takoyaki, ang pogi. bakit naman ganon. Basta ang pogi talaga. Madami din palang motorcycle sa Taiwan. Sabi nung tour guide namin, ang average family daw sa Taiwan, may 1 kotse at 2 motor. Sana all talaga. Pero kahit na ganon hindi pa din traffic don plus ung mga riders don ang disiplinado and may respeto sa pedestrians. Doon talaga ung mag ggive way sila sa pedestrians unlike dito satin na pedestrians pa ang mag gigiveway para sa mga motor and kotse. sad reality. Sa Taiwan, priority ang pedestrians kasi every corner and street may stoplight. Kahit na walang tumatawid na motor or sasakyan basta naka red ung pedestrian stoplight, walang tumatawid. Dito ako talaga na-amazed. Kasi grabe ung pagiging disiplinado nila. Nung nasa hotel na kami, na-sad ako kasi walang bidet hahaha shet, don talaga ako nasad kasi sanay ako sa bidet. nag half bath din ako sa bath tub and sobrang nakakarelax siya after a long and tiring day. Nag heart-to-heart talk din kami ni Mina. Nakakatuwa and nakaka touch pag ikaw lang ung pinagsasabihan ng mga happenings sa buhay ng isang tao. Like, ikaw ung pinagkatiwalaan niyang pagkwentuhan. Ganon kasi kami ni Mina talaga, kahit anong issues. Kahit anong ganap nagkkwento kami sa isa't isa. Ni hindi namin naiisip na majjudge kami haha kasi hello, kami na to. Never ko siya ijjudge sa mga decisions niya in life and ganon din siya sakin. Kami yung may friendship na hindi laging nagkikita and nag uusap pero walang pagbabago ung friendship, mas tumitibay pa nga. hays. anws, after the heart-to-heart talk, nag night stroll kami. tbh, hindi nakakatakot maglakad lakad sa Taichung kahit na parang kami na lang ni Mina ung naglalakad sa kalsada hahahaha ang relaxing niya, pareho lang kaming lost in the moment. Night stroll with silence ganon. Isa kasi yon sa mga gusto kong ginagawa pag nasa ibang bansa ako, maglakad sa gabi. ang dami mo kasing marerealize bigla lol.
anws, day 2 namin is sa Taichung 2nd market, may nameet kami na granny don. Kasi nag pipicture lang kami sa harap ng tindahan niya tapos siya samin "can I also take pictures with you all" tapos ayun game na game siya mag picture. Turns out, sikat pala yung kainan nya kasi ang daming artists ang nakain don sa kanya. cutie lang kasi ang warm ni granny.Next is ung flower farm ng Taichung, para siyang Northern Blossom ng Atok pero eto patag hahaha wala kang aakyatin at bababain ganon. sobrang ganda din sa mata nung red and violet flowers. Ang sarap sa mata tignan tapos sobrang dami nila. Tirik ung araw nung nagpunta kami pero mahangin naman so hindi kami pawisan lol. Mongolian buffet naman yung lunch namin, feeling ko ginutom talaga kam nung guide namin kasi 2pm na kami nag lunch hahaha compare kahapon, mas masarap ung lunch nung 2nd day kasi ang daming choices. Nakakatuwa din ung family na kasama namin lagi sa lunch, extended family na nga tawag namin sakanila kasi kami kami lagi ang magkakasama hahaha ang kenkoy din nung tatay nila, nakakatuwa, kami lang ata yung group na tawa ng tawa kasi ang kalog nung tatay. May incident din na nangyare don, natulak nung asawa na nag ddrive ng motor ung asawa niya pababa ng motor, so ang ending si lola (may edad na kasi) nasemplang, una ung pisngi. 5 minutes lang ata dumating na yung ambulance and mga pulis. 5 minutes. agad agad. pero sa Pinas aabutin ka pa ng ilang oras hays. Hindi ko maiwasang mag compare kasi napag iiwanan na talaga tayo. Maliit lang yung Taiwan pero sobrang yaman nila. hays. nakaka inggit. Anws, dumiretso kami ng Taipei na, nag DIY pineapple cake kami. ang sakit sakit sa puso na gumastos kami ng 930ntd for pineapple cake and 2 mochi tapos makikita mo sa Ximending na may 100ntd lang na pineapple cake and mochi. sayaaaang. sam lang naman ng lasa hays. Ximending, maganda, ang daming turista din. Daming magaganda and gwapo din talaga. Mag night market sana kami pero dahil sa pagod bumalik muna kami hotel para magpahinga. Sakto namang nacredit na yung bonus ko ahahaha so forda budget and bayad na si ate mo girl ng mga bayarin. Nag heart-to-heart talk ulit kami ni Mina. Ang sarap sa feeling na nakkwento ko yung mga ganap ko sa buhay sa isang tao na alam mong genuine na curious sa mga ganap mo din sa life. Hanggang sa nakaramdam kami ng gutom and gusto namin ng rice. Umabot kami ng 1 oras kakahanap ng resto na may rice hanggang sa nauwi kami sa KFC, pero sis wala silang kanin. Kaya ang ending, bumili kami sa family mart ng kanin na nasa pouch tapos pina re-heat na namin don. Bumalik kami sa KFC, bumili kami ng chicken tapos wala silang kubyertos :((((((( wala dn silang extra plate. kaya ang nangyare sa lagayan nung kanin kami kumain and sa tissue paper kasi nga walang plato. Nag kamay din akmi hahahahha sobrang core memory talaga nito. Never in my wildest dream na kakain kami ng nakakamay sa isang fastfood chain sa Taiwan. Buti na lang talaga walang pakialam ung mga tao don hahah kasi kung dito yun for sure may nag vvideo na lol forda clout ang karamihan dito eh.
3rd day. Northcoast kami and napaka init. as in sobrang init. Di ko masyado na-enjoy to kasi nakakapagod na. eto din talaga ang cons pag naka agency, hindi mo hawak ung oras mo. kaya hindi ko nasulit ung Jiufen. Tho, sobrang enjoy naman kami magpalipad ng lantern. Nakakatuwa kasi ung mga nasa lantern marunong mag tagalog. Feeling namin nag aral talaga sila mag tagalog hahaha suki siguro pinoy don. Back to Taipei kami after the lantern pala. Nag pahinga lang kami saglit tapos nag Ximending na..
Bago kami mag Ximending, nagkwentuhan muna kami ulit ni Mina. Ang dami dami kong natutunan. Gusto ko talaga may substance na usapan hindi yung walang kwentang usap hahahhaa As I grow older, I want to talk to someone na may magiging ambag sa life ko. ganon. anws, after 2 hrs talk ata yon nag Ximending na kami, nagtaxi na lang kami kasi mas malapit kung mag taxi than train. Umuulan pa nga pagkababa namin. Tinry namin ung Miktea sa Ximending, yung Xing Fu Tang. Hindi siya matamis which I like kasi ayoko ng masyadong matamis pag milk tea. Pumila na din kami sa Hot Star, masarap siya sa kanin for sure kasi sobrang laki and hindi naman naubos kasi nga malaki siya talaga, dapat pala naghati hati na lang kami lol. Nag try din kami ng crepe don and ung crispy milk donuts. Masarap naman pero normal, may nagbebenta din dito sa Pinas non ang alam ko hahaha gusto ko sana pumunta sa Donki non kaso alam kokng pagod na ang mga ferson kaya umuwi na kami kasi need pa namin mag impake. May nangyare sa dog ni Mina kaya puyat na puyat sila. :( Pupunta din dapat kami sa Taipei Zoo kaso dahil nga pagod kami napasarap ung higa namin sa kama and pahinga kaya hindi na kami tumuloy, sa susunod na lang. Nagpunta na lang kami sa Chiang Kai Shek Memorial Hall. 8 minutes away lang din siya sa hotel namin kaya nag taxi kami ulit. Sobrang init lang pero worth it ung pagkasunod ng balat hahahaha kasi ang ganda ng place, hindi din ako hiningal sa pag akyat ng hagdan don lol. Gusto ko mawitness talaga yung changing of guards ceremony kaya sobrang saya ko nung napanuod ko siya. Amazed na amazed talaga ako. Ang sarap sa tenga nung tunog ng rifles and sapatos nila. 15 minutes ung tinagal nung ceremony tapos after, nagpahinga muna kami sa labas ng hall bago bumalik sa hotel namin. Nagpahangin lang kami don sa taas mismo tapos after 30 minutes siguro bumalik na kami sa hotel tapos sa carrefour kami tumambay kasi malamig. Katabi lang kasi ng hotel namin ung Carrefour. Namili din kami ulit don ng keychain and ref magnets.
Taipei 101. nagbayad kami ng 600ntd para makapunta sa 89th floor observatory hahaha saks lang. mas maganda siguro siya kung sa gabi para may city lights. Mas matagal pa ung pinila namin kesa sa pag ikot don hahaha oks din sa experience kasi minsan lang naman tayo makakapunta sa Taiwan. After 101, nagpunta kami a Everrich Duty Free. Ang mamahal ng bilihin don kaya di ko gets bakit kasama siya sa tour namin hahaha di naman kami rich char. Last itinerary for our last day in Taiwan was in Gloria Outlet. Naglibot lang kami, pamatay oras bago pumunta sa Airport. Tapos si Brylle may gusto siyang bilhing sapatos sa Lacoste edi nagpunta kami don nagtingin tingin, sinukat na nga niya. para kaming nanay ni mina na todo check kung kasya ba sakanya, sabi pa namin ilakad para malaman niya kung oks ba sa paa, hindi masakit ganon hahahaha tapos ung magbabayad na si Brylle sa cashier, kinompyutan siya nung staff na from 4100+ntd, 2100+ntd na lang daw kasi naka 50% off hahahahahaha shuta never nag 50% off ang Lacoste sa Pinas sis, kaya ayon imbes na hindi kami bibili ng sapatos, napabili na din kami kasi steal ung price and ang ganda din naman ng quality ng sapatos sa Lacoste. So ayun, ending bumili kaming lahat HAHAHAHAHAHA isa din to sa core memory namin kasi ang daming ganap sa Lacoste store na yon. Nung nakapag check in na kami, dumiretso kami sa Airport experience zone para makapag pahinga saglit kasi 2am pa yung flight namin. free zon siya for travellers na pwedeng matulog ganon kasi naka dim ung light. Pwede ka din mag shower kasi may shower area sila don for free. Sana meron din sa Pinas ng ganon. Hanggang sa flight na namin,tulog kaming apat sa plane, nagising na lang ata kami nung nag announce na pa landing na kami. Nag breakfast din kami sa Jollibee tapos lutang na lutang siguro kami kasi ang dami naming sabaw moments hahahaha the best talaga kasma si Brylle eh, di niya naman intention maging funny pero bentang benta samin hahahahaha
nanibago din kami sa traffic lol kasi sa Taiwan talaga wala kaming naranasang traffic. Yung sinasabi ng guide namin na busy road sakanila, mga pang 5am na kalsada satin pag may pasok ganon. Anws, overall na-enjoy ko sobra ung travel namin na to. Ang next nga naming target travel sa Vietnam hahaha matinding ipunan nanaman ito.
1 note · View note
taaaaangi · 1 month
Text
So here's my Taiwan travel story no one's asking for (1/2) hahaha
Back in October or November 2023 ata yon, gusto ko talaga mag travel sa Taiwan this year. Nung una, mag solo dapat ako kaso pricey ang package tour. Pangalawa, kami dapat ni Aps kaso may nangyare and kailangan niya mag focus sa business. Nasad na ko non talaga kasi sure na ko na hindi siya matutuloy not until Mina, my highschool bff sent me a screenshot of package tour in Siargao. As a person na gusto talagang magkaron ng ganap this year para may i-look forward ako, nag G na ko. Tapos inaya ko siya na mag Taiwan na lang ganon. Lo and behold, bet niya din mag out of the country. kasi mas mura talaga ang out of the country kesa mag Siargao :( Anws, naghanap na ko ng tour packages kasi ayaw ko na mag ayos ng flight, hotels, itinerary ganyan kasi hindi ko siya masisingit. Ako ang punong abala dito tapos second week ng January nag decide kami na puntahan yung agency sa SM North tapos inaya din namin yung isa naming high school friend and pumayag siya agad. friday siya kinausap ni Mina tapos kinabukasan nagpunta na kami ng agency and nagbayad ng downpayment hahahahahaha so, it's settled. Matutuloy yung Taiwan travel ko this year. Another tick off the bucket list nanaman for me.
Fast forward to March 21, nasa airport na kami ng around 2am ata yon kasi 4-5 hours before ng flight dapat nandon ka na eh, 7am ang flight namin. Nag check in kami ng baggage then Immigration, first time kong di kabahan sa immigration talaga. Yung turn ko na binigay ko lang ung passport and boarding pass ko sa IO tapos ung IO tinignan lang yung passport ko, ni hindi niya ko nilingon tapos yung tanong niya lang sakin "Kelan ka babalik?" then stamped. Pag lalaki talaga di matanong char hahaha anws, nakalagpas na ko ng Immig pero nagpakaba samin ung jowa ni Mina kasi siya ung pinaka matagal na nainterview pero yung nalaman na jowa niya is coast guard, pinalusot na din hahaha 3am kami natapos sa lahat tapos nag breakfast lang kami and natulog kasi ang aga namin nasa airport. Favorite part ko is ung pag take off and landing talaga haha na-eenjoy ko siya para akong nasa rides ganon. Ang ayoko yung pa-landing na, ung masakit sa tenga. Parang sasabog kasi yung tenga ko pag ganong moment na. Sabi nila lumunok lang daw para di masakit sa tenga pero wala na ko malunok hahaha hayup. Landing sa Taiwan, ang ganda sa taas ng Taiwan kasi more on farm land yung makikita mo. Puro greens talaga unlike sa PH na puro building and congested tignan sa taas. Sobrang lamig din sa airport nila compare sa PH, sa PH kasi magpapaypay ka pa sa ibang parts pero sa Taiwan kala mo nasa loob ka ng freezer sa sobrang lamig. Hindi din ako nanalo sa lucky land lotto, sayang. After meet up sa tour guide, nagpunta na kami sa Taichung. Nag lunch muna kami somewhere. Taiwan is like PH din naman pero more on may discipline ang tao don and malinis talaga. Wala ding traffic hehe
Hindi namin nagustuhan yung foods na hinanda fo lunch pero pwede na pagtyagaan. Masarap yung kanin nila, btw. Yung hipon kasi ang lamig, parang galing ref pa ganon, tapos wala silang msg hahahahaha nasa healthier side ung food nila. Natulog kami sa byahe, feeling ko nga naka nganga pa ko non sa sobrang antok ko hahaha
Masyado na atang mahaba ung kwento ko. May continuation to. wait.
0 notes
taaaaangi · 1 month
Text
ang dami kong kwento about sa Taiwan travel ko pero pagod na pagod si ante. jusko. ni makapag post ng photos di ko pa magawa lol
1 note · View note