Tumgik
#ikawatikawparin
halfvillainhalfhero · 3 years
Text
SAAN KA NA?
IKALAWANG YUGTO
Kaya ako’y nagpasyang lumabas ng aking silid, nagmasid gumala at naglayag sa paligid.
Sapagkat aking natanto na baka pareho tayong nagtatago, kumbaga sa tagu-taguan hindi tayo magtatagpo,
Pareho tayong naghihintay kaso inip nako mag-antay
Ayun, pumikit ako.. nagsimula akong magbilang “pagbilang kong sampu... makikita na kita, isa, dalawa... tatlo...”
kaso tatlong taon na ata, saan ka na ba talaga?
Medyo nauubos na aking pasensya, pwede ba itext mo ako kung darating ka pa ba o natraffic ka lang sa EDSA?
Uusad pa ba ‘yan? O katulad ko wala na ding pag-asa?
Pag-asa na makita ka, na makakarating ka, pag-asa na matatagpuan kita
Di man ngayon, di man bukas, sana sa tamang panahon, tamang oras o sa hinaharap
Hindi ako aasa pero patuloy akong maghihintay, patuloy kong hihilingin na dumating ka na...
Andito lang ako, andito pa rin ako...
Sayong sayo, di ka pa man nagiging akin pero sayo lang ako...
Katok ka lang kapag nandyan ka na,
Di lang pinto ang magbubukas para sayo maging puso ko,
Sa pagkakataong mangyari na nga, masasagot na ang walang katapusang katanungang... “SAAN KA NA?”
Nasa puso na kita at sa puntong ito di ka na makakatakas pa, sisiguraduhin kong wala ka nang kawala pa.
1 note · View note
jasminetheprincess · 7 years
Quote
I know the right thing to do but I keep on denying because I don't want to let go of you. The moment you became a part of me I promised my self that I will make this work no matter what happens. I only want you and only you, no one else. Even if its already breaking me into pieces I still want you because you said you want me too. Maybe I'll stop if you will be the one who will tell me to stop.
Para sa mahal ko
0 notes
silenceje · 5 years
Video
youtube
Sam Mangubat - Ikaw At Ikaw Pa Rin (Guitar Chords)
0 notes
yousweetlittlethang · 12 years
Text
Nakaka-adik. :"""">
So ayun, kanina ko lang nasimulan basahin yung BTCHO. At OMGGGG, nababaliw nako ngayon. Intense! Tapusin ko na siya. Kakaexcite bman. :* Hi Tumblr, I'm back. :) 
0 notes
halfvillainhalfhero · 3 years
Text
SAAN KA NA?
Sa isang apat na sulok na silid, puso ko’y kulong ngunit nais magmasid.
Wari’y napag-iwanan tila ba nakalimutan, dati’y napaglaruan at paulit-ulit nang nasaktan,
Ngunit sa gitna ng mga pinagdaanan nais pa ring mapatunayan na balang araw dadating “ka” ngunit sino ka nga ba?
Diba nga’t sabi nila, mayroong isang tao na darating kapag nilisan ka tanong mo pa kay Popoy at Basha,
Pero ito seryoso na, mayroon daw isang tao na tinadhana para lamang sa’yo 
‘Yung isang taong magmamahal at mamahalin ka rin ng totoo.
Ngunit pano nga ba malalaman kung nandyan na siya?
Di ko rin alam, kaya nga sinulat ko ‘to diba?
Pero teka, wag kang tumigil makinig baka sa dulo nito nandyan na ‘yung pag-ibig.
Di mo alam katabi mo lang pala siya, nakikinig din sakin habang iniisip ka.
Saglit lang wag ka muna mag-assume at pakiusap wag mo isisi sa akin dahil sigurado ako nung sabihin kong iniisip ka niya, iniisip mo rin siya diba?
Kung sino man “siya” sana kahit sana... naalala ka rin niya.
Saan ka na?
Saan na siya?
Saan na ‘yung pag-ibig na sinasabi nila?
Ilang saan?
Ilang sana pa ba?
Hanggang kailan?
Hanggang sana na lang ba?
1 note · View note
halfvillainhalfhero · 3 years
Text
naghintay, naghihintay, maghihintay...
nabigo nako noon, naghintay sa maling panahon...
panahong walang katiyakan, walang salitang pinanghahawakan, ang tanging mayroon lamang, katiting na pag-asang ika’y makakamtan.
ngunit lahat ng ginawa’y hindi sapat, kaya’t ako’y nagpasyang kalimutan ang lahat.
ngunit, sadyang makulit ang tadhana kahit humindi ka na noon, sadyang hindi magawang limutin ang nakalipas.
kamakailan lamang sumunok na makakilala ng iba, pero ang natagpuan ay ang ating alaala.
naglakas loob, nagbaka-sakaling ngayon ay handa ka na...
gumawa ng kasunduan, di alam ang kahihinatnan, tulad noon, wala pa ring katiyakan, kundi ang nabuhay na nararamdaman.
di inakala ang iyong pagsang-ayon kaya’t naghihintay na muli ngayon.
hawak lamang ay ang maliit na pag-asang baon ng kahapon.
hindi ko alam kung may patutunguhan, pero mahal... alam kong ikaw na ang hantungan.
nandito lang ako, nandito pa rin ako, patuloy na maghihintay...
hanggang sa muli, hanggang sa huli,
hanggang sa wakas, hanggang sa dulo.
0 notes