Tumgik
#shortstoryfilm
nevoisland · 4 years
Text
MIRACLE Based on True Story
Tumblr media
The miracle that happened to Sally's younger brother George. 👋 SAY HI ON 👋 Website - https://www.nevosisland.com Facebook - https://www.facebook.com/nevoisland Twitter - https://twitter.com/nevosisland Instagram - https://www.instagram.com/nevosisland #nevosisland #miracle #shortstory Read the full article
0 notes
frncscomncdao-blog · 9 years
Text
Bilin ni Mama
           Nakita ko muli ang mistisang hitsura ni mama mula sa altar ng tahanan namin. Tanda ko pa...
           Alas Kwatro ng madaling araw noon ng gumising ang aking diwa para gawin ang nakatakda kong pag-aayos bago tumulak papuntang eskwela. Kakaiba ang pagka mulat ng aking mga mata. Tila inis at pagod sa paulit ulit kong ginagawa. Magulo at wala pa sa wisyo ang aking pagiisip. Baga man ganoon ay natapos ko namang ayusin at bihisan ang sarili.
           Handa na ako sabi ng aking isip. Diretsang lumabas sa aking silid at nilampasan ng walang pakundangan ang lahat ng taong nakaratay sa aking paligid. Maya-maya ay nasambit ko sa aking inang nakahiga sa kama ng sala na wari ko ay tulog pa. Ang mga salitang “Anak Kiss mo naman ako...” Sabay tangan ng mga kamay niyang nakaangat at naghihintay ng lambing mula sa akin. Na binalingan ko naman ng mala kunot na noo kasabay ng pataray na titig dahilan sa alitan naming ng mga nakaraang araw na pangyayari.
           “Kiko, kahit kaunti bawasan mo ang pagiging supladito, hindi magandang tiganan iyan...” Kasunod niyang banggit na lumamon sa aking sariling konsensiya at tila hindi nakapag paggalaw sa aking kinatitirikang pagkakatayo. Ilang saglit lamang ay tinulak ko ang sariling abutin ang kaniyang hiling. Dumapo ako sa papag niya at bukang bibig sa mahinang tono “Baon ko?” isang sagot na pinilit baguhin ang usapin. Na sinumbatan niya ng baling sa nakasinsin niyang medyas sa punda na naglalaman ng iilang barya at papel sa likod ng pinapatungan niyang unan. Iniabot ang tatlumpung piso sa aking mga palad at tinangkang dampiin ang aking mga daliring nakasara.
           Matapos nito biglang kumahog ng tayo at paghakbang papalayo ang aking sumunod na aksyon. Iniwan ko ang tahanan ng walang paggalang. Kinaligtaan kong humingi ng paalam. Natanto ko ito habang binabagtas ang kalsada di kalayuan sa aking paaralan.
           Nakaligtaan ko ang araw na iyon ay kuhanaan ng larawan. Larawan ng bawat pangkat ng mag-aaral. Lahat sila ay galak at ligalig na nag uusap kung paano pupustura sa harap ng kamera. Upang gawing masayang ala-ala at hindi malilimutang araw ng pagiging isang buhay estudyanteng nagkakaisa. Ngunit ako naman itong may bumabagabag sa isip sa hindi maintindihang dahilan.
           Maya-maya nag usisa ang aking kamag-aral. Si Crisel... ang matalik kong kaibigan. Tinanong niya ako ng katanungang “Bakit ka mukhang malungkot?” habanghawak niyang mahigpit ang aking mga braso.  “Ah wala lang... hindi ko rin alam eh...” sagot kong pilit itinatago ang katotohan. Pinayuhan niya ako ng mga salitang nagpagaan saglit ng aking kalooban ngunit hindi pa din nagpaalis ng mabigat kong pakiramdam.
           Tumawag ang aking ama mula sa teleponong nakalambitin sa bulsa kong walang laman. Pinaalam na muling tinakbo sa ospital ang aking ina na lingid ng matagal ng senaryong aking kinasasawaan.
           Heto at malapit na kaming makuhanan. Bawat isa ay kakikitaan ng gitling sa kanilang mga labi na nagpapakita ng kasiyahan. Taliwas naman sa nguso kong tila nakasayad sa inis na nararamdaman. Na pinilit ding makisabay sa mga ngiting tunay na may papuri at galak. Tapos na kaming kuhanan ngunit wari ay hindi ko naramdaman ang makailang ulit na miss call ng aking tatay. Isip-ispi ko ay pauuwin na naman ako ng walang saysay na dahilan upang pagbantayin ng bahay.
           Ngunit lumaon ang oras at inabot ako ng tanghalian kasama ang mga kamag-aaral sa aming tambayan. Tapos na ang klase at nag eensayo naman kaming pag- aralan ang koryo na aming ipanlalaban sa sinalihang patimpalak sa eskwelahan. Muling tumunog at kumalog ang aking hita dahilan sa pagkalakas lakas na teleponong naglalabas ng melodiya. Ang aking tatay... garalgal akong pinag-papaliwanagan. “Kiko, pumunta ka na dito sa ospital dahil kailangan. Ang mama mo ay sinalpakan na ng tubo sa tiyan...Kahit mangutang ka muna ng pamasahe mo sa kungs sino mang kasama mo diyan.” Agad ko namang karipas pauwi ng tahanan upang maghalughog ng barayang kinakailangan.
           Nagmamadaling tungtong ko at upo sa dyip. Iniabot ang bayad ng mabilisan sabay tingin sa baba at napa isip ng mga katanungan at hinalang bumagabag bigla sa aking puso. “Nako hindi pwedeng manyari yon... siguro wala namang mangyayaring masama.” Pinigilan kong mag-isip ng kung anu-ano at padaskol daskol akong tumingin sa kaliwa at kanang bahagi ng bintana sa dyip. Pasimple akong tinignan ng ibang mga tao na pansin ang ligalig kong pag uugali. “Manong sa EAC MC po pakibaba po ng mabilis.” Marahan kong paki suyo sa tsuper.
           “Para po!” bilisan kong baba mula sa sinakyan. Naglakad akong patakbo sa lansangan patungo sa ospital. Dinig ang aking mga malakas na yabag habang hinahanap ang kwarto ni mama. Sa emergency room doon ko nakita si Ate. Lumuluha at tila namumugto ang mata. Tinanong ko siya at sinagot niya ako ng kaniyang mga nalalaman. Kasalakuyang walang malay si Mama sabi niya. Ang tatay ko naman ay hindi ko din makausap dahil sinsamahan si mama sa loob ng silid. Ninais kong makita si mama ngunit pinagbawalan muna ako ni tatay.
           Hinakayat ako ni ate na manalingin at humingi ng tulong sa Diyos. Nanampalataya kami sa harap ng altar hawak ang berdeng rosaryo  ni Mama, na binigay sa amin. Taimtim kaming nananalig na walang mangyayari sa hapong iyon. Pinapatatag namin ang kalooban na tanggapin anu man ang kalabasan. Mahigpit naming pinanghawakan ang lahat ng iyon kasabay ng mahigpit na hawak sa rosaryo.
           Makalaunan lumabas si tatay sa silid ni mama at sinabing huwag kaming panghinaan ng loob sabay hagod sa humahagulgol kong dibdib. Hinayaan kaming palapitin sa nakaratay na katawan ni Mama. Kasaupin daw namin ito dahil ito na ang huli. Sabay bagsak ng aking mga luha. Hinimas ko ang mga paa ni mama tulad ng kaniyang laging utos sa akin. “Ma... sabi mo di mo pa ako kaya iwan? Sabi mo babalik pa tayo sa dati... Mama, sorry kung naging masama ako. Ma... sorry! Ma... mahal kita... Ma... huwag mo muna ako iwan. Mama diba magpapahilot ka pa? Ma... wala na akong hihilutin kapag gabi. Wala ng tatawag sa pangalan ko para utusan ako. Mamimiss kita Mama... Mamimiss kita... pati na yung paghilot ko sa paa mo...”Iyon ang mga sandaling muli kong hinawakan ang paa ni Mama. Sandaling kinausap at humingi ng tawad. Sandaling hinilot ang kaniyang mga paa na dati ay mainit ngunit ngayon ay malamig na. Matapos ay binukasan ang kaniyang kamay at nilamas ng masidhi na kailan man ay hindi ko na mahahawakan pa. At muling sumagi sa isip ang mga litanyang binitawan niya mula sa huli naming pagkikita.
           Lagi kong binabalikbalikan ang mga pangyayaring iyon sa tuwing nakikita ang abo ni Ina. Abo na nasa aming sala. Abo at larawan niya na laging nagpapaalala sakin na magpakumbaba dahil sa laging bilin niyang hindi magdudulot ng maganda.
ready  nako sa dspc para maging director :)
�O�U��
1 note · View note