Tumgik
Note
" Dear future me ... "
Dear future me,I hope you’re doing well. I hope you married that girl and you have 3 beautiful kids. I hope you live in a big house and have a good job that you love. I hope the urges don’t get to you anymore. I’m living for you so I hope you’re life is a good one.
209 notes · View notes
Text
Dear Future-boyfriend,
I'm currently writing this while I'm on my shift. Sunday ngayon and avail. Bad trip ako ngayon kasi nagka DSAT ako. Ewan ko ba. Hindi ako masaya sa buhay ko. Parang iniisa isa ko nanaman yung mga pangit na pangyayari sa buhay ko. Feeling ko nanaman walang manyayaring maganda.
Okay lang naman kung di ka na darating at talagang iiwan nyo na ako. Ganon talaga. Pakiramdam ko loser ako. Ewan ko kung inggit ba sa kapwa tong nararamdaman ko
Gusto ko na lang laging mag isa.
0 notes
Text
#20 04-30-2023
Dear Future Boyfriend,
Araw ng Linggo, 6:26AM hindi ako naka tulog parang unti unti ko nanaman binabalikan yung dating ako, ito nga palang Huawei ang gamit ko habang chinacharge ko si Realme. Nag check ako ng Google Drive naron pala yung video nung libing ni Ate. Mag dadalawang taon na pero walang araw na hindi sya dumaan sa utak ko. Pina process parin siguro ng puso at utak ko kung gaano kasakit ang nanyari. Madalas buhay sya sa panaginip ko. Madalas yung mga natural lang na eksena nung buhay sya.
Sa tuwing nakikita ko yung mga pamangkin ko hindi ko maiwasan na hindi maawa. Siguro kasi wala naman kahit sino sa atin na gugustuhin mamuhay ng walang Nanay. Lalo na nawala sa ganon paraan. Iniisip ko meron ba talagang may kasalanan kung bakit nanyari ang lahat. Sinubukan ko bang tulungan sya? Meron bang mga tao na nag tulak sa kanya na gawin yon? Alam ko na ba lahat ng story sa pagkawala nya? O may mga lihim na mananatili na lang lihim habang buhay.
Lagi kong dinadasal sa poong Nazareno na sana pag buksan sya ng pinto ng Langit. Papasukin sya sa kabila ng kasalanan nya. Maging malawak sana ang Langit para sa kanya. Magkaroon ng habangbuhay na kapayapaan.
Aminado ako mahirap talagang mabuhay sa mundong to. May mga bagay na ang hirap kontrolin. May mga bagay na hindi mo maintindihan. Sana dumating ang araw na magkita ulit kami sa Langit. Magkamustahan at mag tawanan ulit.
0 notes
Text
#19 09-08-2022
Dear Future Boyfriend,
Hey! Nasa point ako ng buhay ko na parang wala nanaman manyayaring maganda sa akin. 07:03 ng umaga at walang tulog. Walang gana dahil after 6 days of sick leave kailangan ko ng pumasok. Ibig sabihin kailangan ko nanaman ma stress. Pagod na pagod na ako pero wala naman karapatan mag reklamo, sa tuwing ------- nakalimutan ko sasabihin ko, may nag notify kasi sa CP ko. So ayon nga tinatamad na ako. Sa tuwing sasabihin ko na na dedepress ako nagagalit sa akin ang magulang ko. Hindi ko alam kung na trauma ba sila o ayaw lang talaga nila akong nag sasabi ng totoo. Kaya mas masarap talaga minsan na sarilihin na lang.
Kung narito ka sana nasabi ko, o baka di ko rin nasabi dahil minsan gusto kong ni reresolba ang sarili kong problema ng mag isa.
Gulong gulo utak ko at iniisip ko na sana matapos na ang lahat pati buhay ko. POTANG INA!!!
Iniisip ko naman kung mag swi-suicide ako, potang ina, ano yon dalawa na sa pamilya nag suicide? Parang ang pangit. Parang wala akong originality.
Sa totoo lang walang araw na hindi sumagi sa isip ko ang nanyari nung May 10, 2021. Hindi ko alam kung nag kulang ba ako, natakot ba akong maki alam o iniisip ko pang wala pa sa hanggangan ang eksena. Pero nanyari na ang nanyari. Hindi ko maiwasan na di isipin na parang nang scam sya lalo sa panahon ngayon na parang kami na halos bumubuhay sa anak nya. Pero gagi wala din kasing choice. Ayoko naman mas mahirapan ang mga bata. Pero tang ina feeling ko na sscam ako na ewan. Pero hindi rin. Bahala na. Sa dulo hindi man nasuklian lahat ng pag hihirap basta nasa maayos sila. Feeling ko okay na ko.
Binuksan ko yung iPod ko taon ko na ata tong di nabubuksan, tinignan ang picture at talaga naman potang ina. Ultimate throwback. Nakita ko yung mga picture namin ni EXBFF ex kasi ginost ako ng potang ina. As in hindi sya nag paramdam. Pero alam mo kung babalikan ko yung pakiramdam ko dati sa kanya? Potang ina talaga in love na in love ako. Halos ilang taon din bago ako naka move on. Minsan nangarap din kasi ako na "BAKA" "SANA" magka milagro eh mabihag ko rin ang puso nya pero hindi pinalad. Naisip ko din okay na rin pala pota sanay na akong mag isa saka if maging kami siguro di sya makaka pag Dubai siguro wala syang sariling pamilya. Oo tama narinig mo. May pamilya na sya. In the end napatunayan ko na lahat pala lumilipas. Kahit yung pag-ibig na akala mo busilak in the end nawawala. Ilan beses ko ng tinignan yung profile ni Ate mo Girl. Hindi ko mahagilap profile nya. Siguro binlock nya ako. Wala na akong maramdaman pero naron yung curiosity na "Ano na kaya nanyayari sa buhay nya?" So ayun nga tinignan ko sya. Mukang masaya at mukang for good na sila ng pamilya nya dito sa Pilipinas. Mukang okay naman sila. Cute yung anak. Lalaki at kamuka nya. Sya? Mukang babad na tasty. Yung asawa mukang impaktang lumba lumba. Charot! Haha bitter pa? Charot lang to be honest wala na akong maramdaman romantically. Siguro insecurity na lang dahil maayos ang buhay nila. Ako ito, potang ina mag ta-trabaho nanaman para sa kinabukasan.
Kagaya ng pag-ibig ko lumipas din yung itsura nya na talagang gustong gusto ko. Wala na yung quality na dati patay na patay ako. Buti na lang naging matalino ako dati. In all fairness naman sa akin wala akong matandaan sa ngayon na ginawa ko noon na pinag sisihan ko. Wala talaga. PROMISE.
Kung meron man hanggang sa punto ngayon na sinusulat ko to wala akong maalala. Looking back na bbwiset lang ako sa sarili ko kung bakit pinagkaabalahan ko pa yung friendship namin na alam ko sa simula eh wala naman patutunguan pero naisip ko ganon talaga. Kabataan ko yon. Kabataan din nya. Sobrang gwapo din nya kasi dati. Tapos ang bait. Pero ayon nga wala na rin naman. Ang bobo lang namin pareho that time.
Hanggang dito na lang muna, haharapin ko muna yung umaga. Yung buhay ko. Sana maging okay ang lahat.
Random photo from my gallery:
Tumblr media
0 notes
Text
#18 07-13-2022
Dear Future Boyfriend,
Kamusta na? Ngayon lang ulit nagkalakas ng loob sumulat, siguro kasi I'm so down at the moment. Bakit nga ba? Ang dami ko parin kinakatakutan. Sana dumating ka na. Tulad nga ng sabi ko. At least ano man nanyari alam kong may kakampi ako.
Maraming nanyari, may mga nawala rin. Pero sa gitna ng lahat mahigpit parin ang yakap ko sa pananalig. Tulad ng dati halos every week parin akong pumupunta sa Quiapo Church. Nag darasal na sana huwag kami pabayaan. Maayos naman ang lahat pero naroon parin yung takot ko. Yung pakikipaglaban ko sa stress at depression. Natatakot akong mawala kung ano man meron ako. Natatakot akong mag simula sa wala. Natatakot akong baka hindi na palarin.
Hindi na biro ang stress ko sa trabaho. Natatakot akong magkamali. Natatakot akong mawala. Natatakot akong mag hirap syempre. Pero "Nothing sure in this world" diba nga? Sa ganon pagkakataon ang Poong Nazareno at ang Diyos lang ang hinahawakan ko, kahit parang hindi umaayon sa akin ang pagkakataon nowadays. Nalulungkot ako na natatakot. Sana mag bago pa taas ang buhay ko. Sana maging maayos.
Tumblr media
0 notes
Text
#17 12-15-2020
Dear Future-Boyfriend,
Kung darating ka kailan? Kung darating ka saan? Sa paanong paraan? Kung hindi baka pwedeng may mag sabi sa akin para alam kong sa huli worth it pala ang lahat.
Malay mo manyari malay mo malapit na.
Tumblr media
0 notes
Text
#16 05-15-2020
Dear future Boyfriend,
Mahal ko. Kailangan kita. Sa panahon na kagaya nito na sa gitna ng tag init biglang umulan. Parang buhay ko biglang dumidilim hindi ko inaasahan.
Hindi ko alam kung magkikita pa tayo, sana oo bago mahuli ang lahat. Kinakausap ko ang Diyos maghapon na sana bigyan ako ng milagro. Oo wag muna ikaw sa ngayon. Oo. Milagro.
0 notes
Text
#15 05-08-2020
Dear Future Boyfriend,
Wala naman kinalaman sa'yo to. Pabayaan mo muna akong magsulat ng magsulat. Basta tinatamad na ako. Nauubos ang pag-asa sa puso ko. HELP! TANG INA.
Takbo ng takbo yung utak ko wala naman nararating. Napapagod na ako. Tang ina. Gusto ko lang mag mura. Tang ina bakit di na ako masaya? Naging masaya nga ba ako? Kailan? Kailan nga ba?
Kailangan pa nga ba kita? Darating ka pa ba? Wala nanaman akong mapuntahab gago. Di nanaman makapag isip ng maayos ang utak ko. Pagod na ako basta ayon ang alam ko.
0 notes
Text
#14 05-01-2020
Dear Future Boyfriend,
Diyos Mio! Napaka imposible na ngang magkita tayo sinabayan pa ng lintek na corona virus na yan. Hay!
Okay, I'm lucky enough that our company gives us a work from home option. Sosyal diba! Nag ta trabaho sa ginta ng crisis haha! Sobrang swerte kasi kung hindi. Hindi ko talaga alam kung paano kami mag su-survive sa araw araw. Lagi akong nag papasalamat sa Diyos sa lahat ng kanyang pag papala sa akin.
Very depressive ang panahon ngayon, bawal lumabas, walang bukas na mall and kung lalabas ka sa bahay is yung tipong bibili ka lang ng gamot at pagkain.
Sa panahong ito siguro naka WFH ka rin o isa ka sa na buburyong na tao (awww wawa naman ang baby) haha!
PS: yung picture is yung future anak natin! Wahaha
Tumblr media
0 notes
Text
#13 03-10-2020
Dear Future Boyfriend,
Ang gulo gulo ng utak ko pero walang lumalabas sa bibig ko. Parang pagod na akong mapagod. Parang tinatamad na ako sa lahat ng bagay. Parang gusto ko na bumitaw. Parang habang kumakapit ako lalo akong binibitawan. Lord, walang katapusang pag hingi ng tawad kung ganon man ang nararamdaman ko ngayon. Ang hirap lang kasi. Nakakapagod. Nakakautal. Nakakakaba. Hindi ko na alam kung saan ako tutungo. Parang takot na takot ako sa hinaharap. Ayokong mag hirap. Ayokong lamunin ng inggit. Ayokong kainin ng takot.
Sa panahong kagaya nito rather sa lahat ng panahon kailangan magtiwala sa plano ng Diyos. Kahit parang sigaw ka na ng sigaw di ka parin marining *patawarin mo ako Diyos ko*
Ngayon kita mas kailangan pangalawa sa Diyos. Kinukulang ako sa oportunidad at swerte pero kung kasama kita pwede sana pa akong mag hintay.
Alam kong meron akong hindi nagawa para danasin ko to pero baka may magagawa pa ako para mabago ko ang lahat?
"Taimtim na dasal sa mababaw na ulap. Pinipilit kong abutin ang iyong mga tenga para sana marinig kahit isang salita para sa saklolo. Humihingi ng himala kahit balot na ng takot. Nagsusumbong sa lupit ng mundo. Gusto sanang humingi ng yakap para makalaban pa ng isang araw."
Umaasa ako na tinakda ang isang araw na ibibigay ka ng Diyos.
Bilisan mo habang kaya ko pa.
Tumblr media
0 notes
Text
#12 02-05-2020
Dear Future Boyfriend,
Natapos na ang pasko, bagong taon at kaarawan ko pero wala ka pa. Darating na ang araw ng mga puso na ikaw parin ang hinahanap.
Sa panahon na sobrang lamig kagaya ngayon walang sawa parin akong nag iintay, mag iintay na parang wala ng katapusan.
Lagi ko parin itatanong sa Diyos kung nasaan ka na. Nasaan na ang taong kukumpleto sa buhay ko at tatangapin ako sa kabila ng kakulangan ko?
Lumilipas ang araw lumalala ang kalungkutan. Nilalamon ako ng depresyon at tuluyan ng natutuyo ang pag-asa. Pumapasok sa isip ko na kung darating ka... Sana noon pa. Pero hanggang ngayon wala ka pa.
Araw araw kitang iintayin. Araw araw kitang pipiliin.
Tumblr media
0 notes
Text
#11 12-04-2019
Dear Future Boyfriend,
December na. Pwede ka pang humabol. Sinusulat ko to habang kumakain ako ng sky flakes na may gatas na malapot. Tang ina ang lagkit hahaha (edit) rebisco pala at inubos ko muna bago mag continue.
Nasa panahon nanaman ako ng pagtatanong sa Diyos kung bakit may mga taong masayang masaya sa buhay nila ngayon. Although deserve naman nila yon pero paano kaya ako? Sa panahon na ganto mas lalo kitang kailangan. Parang kung hawak ko ang kamay mo ngayon mas mapapaliwanag mo sa akin na dumadating ang mga bagay bagay sa tamang panahon. Na kailangan ko din kumilos para sa pangarap, pero paano kung hindi mo alam kung saan mag sisimula? Kung nasa maayos ka naman na sitwasyon (sa ngayon).
Ipapaubaya ko na lang ba sa hangin? Sa Tadhana? **Insert Tadhana by UP Dharma DOWN** at talagang pinaplay ko pa habang nag tatype ako para mas feel na feel ko haha!
Masaya naman ako at tinutupad ng Diyos ang mga hiling ko. Kumbaga sa Dasal at pananalig talaga ako umaasa. Hindi lang isa hindi lang dalawa o tatlo. Hindi ko na rin mabilang na dininig ako ng Diyos sa mga dasal ko. Sabi ko nga walang katapusang pasasalamat pero ayun nga guilty parin ako at inaamin ko rin naman na talagang may inggit sa puso ko.
Gusto kong matutunan na i let go na lang ang mga bagay na hindi para sa akin at tumigin sa mga supresa sa akin ng Diyos. Alam ko marami yon. (Isa ka na dun)
Alam kong darating ka sa panahon na maayos na ang lahat sa buhay ko. Sa panahon ng takot hahawakan mo ang kamay ko at isasalba mo ko sa pangamba. Dadampi ang malamig na hangin na susundan ng nakapa init mong yakap. (Puta very pocketbook)
Hayy tang ina ang sarap mangarap!
PS: This picture was taken along manila I decided to put a title "Old Manila".
Tumblr media
0 notes
Text
#10 11-27-2019
Dear Future Boyfriend,
Nakatulala ako ng mga 3 seconds bago ko naisulat ang mga katagang ito. Bigla kitang naalala at gusto kong malaman mo na habang binabasa mo to, nasa panahon ako na ini retain ng Diyos sa akin ang pag asa sa puso ko. Naalala mo nung isinulat ko sa'yo na bagsak na bagsak ang metrics ko? Naka bawi na ako in Jesus name. Sobrang saya ko kagabi nung nag update si TL at nakita kong nadagdagan ako ng 11 promoter pero kahit may isang demoter ayos lang. That is more than I asked for.
Sa totoo lang walang imposible talaga sa Diyos kung kalooban nya at para sayo ibibigay nya. >>> Rewind >>>
Monday 11-25-2019 nag punta kami with my officemates in Quiapo. Yes. My favorite place lalo na pag nasa gitna ako ng depresyon at kawalang pag asa sa buhay. Sa lugar na yon dininig ang pinaka imposibleng hiling ko sa buhay. Paki chat or text na lang ako kung ano yung hiling na yon sa panahon na narito ka na sa part na to. Pag naron ako nagkakaron ako ng tunay na pag asa sa puso ko. Actually pakana ko yon inaya ko sila dahil sobrang stress sila sa mga personal nilang buhay. Sabi ko. Walang masama kung i-cacast nyo na kay Lord ang lahat ng depression and fear nyo and yet it was a very fun experience.
Sobrang saya kasi ang dami namin ginalaan. Sobrang saya kasi sila yung mga taong mapagkakatiwalaan ko. Sila yung mga totoong tao sa opisina.
Bigla kong naisip siguro kaya di ka pa dumadating kasi siguro hindi ka part ng dasal ko sa poong Nazareno. TO BE HONEST YES! Hindi ka part. Siguro kasi mas prioritize ko yung maayos ko yung buhay ko. Para pag binigay ka mas lalo na kitang kayang kayang mahalin.
Huwag ka sanang mag tampo sa parteng ito. Hindi dahil sa hindi kita pinagdasal hindi na kita kailangan. Kung hindi dahil alam kong ibibihay ka pag kaloob ng Diyos.
This photo taken last Monday no filter just night mode:
Tumblr media
0 notes
Text
#9 11-12-2019
Dear Future Boyfriend,
There are times na pag duduhan mo na talaga ang sarili mo. Yung mga pangarap mo. Kung para dun ka ba talaga? Nagising ako to check my updated NPS, guess what? Isang passive isang detractor. Mukang sure na sure na ako sa pag lipat ko nito sa PHD. Hindi ko alam kung sobrang kasalanan ba yung ginawa kong nagbakasyon ako ng sobrang tagal. Plus plus pa yung RD ko na sunod sunod para magkandi leche leche yung metrics ko.
The day before yesterday is my third year for being a call center agent. Hindi madali ang pinag daanan ko mula day one hanggang ngayon. There have like ups and down. Pero ito naka survive parin. Sobrang down na down ako dahil first time ko tong dinanas sa bago kong account and hindi ko na talaga alam kung paano ako babawi.
Nahihirapan na ako.
0 notes
Text
#8 11-02-2019
Dear Future Boyfriend,
Nasaan ka na bang pag hahayupan ka? Haha! Charot! Nakaupo ako ngayon dito sa lilim ng puno sa Burnham Park. Yes! Narito ako sa Baguio at nag babaka sakaling makita kita. Sabado, 10:15AM nakakahibang pero pinipilit kong huwag maramdaman dahil sayang naman ang pera at effort ko para maka punta ako dito. Malamig ang hangin at ang daming mag jojowang sinasampal ako dahil mag isa lang ako. Ang papangit din naman. Mga mukang pinag laruan ng demonyo hahaha. Dumating ka na kasi. Umaasa parin ako. Ewan. Tinatamad na rin ako sa buhay. May namamalimos pang matanda. Nakaka demonyong itulak sa lake wahahaha charot. Dumating ka na kasi para di kung ano ano yung nararamdaman at naiisip ko.
Bago nag twelve kailangan maka balik na ako sa hotel. Lilipat ako ng kwarto. Gusto ko na rin mag pahinga.
PS: mga sandamukal na pangit ang mga tao dito. Nahulog pa yung strawberry ice cream ko. Sayang 25 pesos.
Tumblr media
1 note · View note
Text
#7 10-26-2019
Dear Future Boyfriend,
I wonder if you are really exsisting.
0 notes
Text
#6 10-08-2019
Dear Future Boyfriend,
Ano na Beh? Darating ka pa ba? Hindi ko na bet makipag taguan sa'yo. Haha! Alam ko sa ngayon tulala ka rin at kagaya ko nalulungkot ka din kasi wala pa ako sa buhay mo. Haha! Tang ina.
Sana narito ka sa kaparehong panahon kung nasan ako. Dito sa panahon na hindi ako sigurado sa lahat ng bagay. Sana kasama kita at nahahawakan ko yung kamay mo sa gitna ng pangamba. Yung may assurance ako na kahit gumuho ang mundo alam kong may tahanan ako sa puso mo. Akala nila ang saya ng buhay ko. Hindi nila alam nabubuhay ako sa takot. Sa takot na baka isang araw mawala lahat ng hinahawakan ko.
Pero alam ko na may tamang komunikasyon kami ng Diyos. Alam ko sa kabila ng lahat ginagabayan nya ako.
Bakit kaya lagi akong tinatamad mag sulat haha
Random picture from my gallery.
Tumblr media
1 note · View note