Tumgik
dyoanofarts · 4 years
Text
Maghihintay
Nagsusulat ako ng tula, Para maipabatid ang nilalaman ng puso ko, At sa dami ng tao dito sa mundo, Ikaw at ikaw pa rin ang hinahanap ko.
Ang bungad mo sakin nuong ikaw ay nakita, Sinabi mo pa sakin tara tayo ay magmerienda, Ngunit akala ko yuun na ang huling pagkikita, Pero salamat sa Diyos at may bukas pa,
Sa aking pag-iisip ng ako ay tambay pa, Natatakot ako talaga na lapitan ka, Pero sabi ko sa sarili ko mapapasaakin ka, Hintayin mo lang ako at malapit na.
Pag-ibig ko sayo ay walang hanggan, Hindi kita pagpapalit kung kanino man, Hindi man ako mayaman ay gayun pa man, Pangako ko sayo ikaw at ako lamang.
0 notes
dyoanofarts · 4 years
Text
Ang Aking Gabay
Sa lahat ng problema lagi kang nandyan, Sa lahat ng pagsubok ikaw laging nalalapitan, Sa lahat ng panganib ikaw ang laging nahahawakan, Panginoong Diyos kong gabay kami po’y laging patnubayan.
O Hesus ko ako man at nagkasala, Sa daan na aking tatahakin, Wag ka po sanang mawawala. Pag-ibig ko sayo ay walang hangganan, Yayakapin, sasambahin kita magpakailanman.
Sa dami ng aking pagkakamali, Ngunit ang patnubay mo ay di nababali, Lumakad man akong mag-isa sa daan, Ang proteksyon mo ang aking pinanghahawakan.
Panginoon namin Diyos ako sana’y aliwin, Mga mabibigat na pagsubok alisin nyo po sa aking pantingin, Ikaw na Diyos ko ang aking sandalan at kahinaan. Sa lahat ng oras ikaw ay aking kailangan.
0 notes
dyoanofarts · 4 years
Text
Lola
Panahon at oras ang ating kailangan, Niyakap kitang mahigpit at lumingon ka lamang, Ito na ba ang huling oras na ika’y nakita, Nakadungaw sa bintana at nakangiti pa.
Pag alis ko sa bayan na kinagisnan, Umaasa ako na ikaw ay masisilayan, Ngunit ilang hakbang pa lang ang aking tinatapakan, Sigaw ng kapatid ko ganun na lamang.
Aking aking lola na nag aruga sa amin, Nakahiga na lamang at di na kumakain. Pagtakbo ko sa mismong pintuan namin, Nakita kitang nakahandusay sa papg natin.
Ikaw ay nagpaalam ng biglaan, Hindi mo kami iniwanan ng kabiguan, Sabic mo sa amin “apo, ako ay maghihintay” Hanggang sa pagbalik mo ika’y magtatagumpay.
Ako ay litong lito sa lahat ng nangyari, Nakatulala na lamang sa isang tabi. Sabi ko sayo lola ako na ang magsisilbi, Bakit ka nagpaalam ng walang pasabi.
Ikaw ay nawala at kinuha na ng maylikha, Nakaluhod ako at di nagsasalita, Ako ay nanalangin sa Poon na Diyos natin. Huwag sanag pabayaan ang minamahal namin.
0 notes
dyoanofarts · 4 years
Text
Bangungot
Nung una kitang makita akala ko magiging tayo na, Niyakap ako at sinabi sakin na ako na talaga, Sa taon na tayo ay laging magkasama, Hindi ko naiisp na lalayo ka pa,
Sa tagal na natini sa iisang kwarto, Masasakit na salita lang ang inabot ko, Sa aking katawan at tangkad ay di lumaban sayo. Ang pag-aakala ko kasi mamahalin mo pa din ako.
Sinabi ko sa sarili na isa lamang bangungot, Ang pag iwas mo sakin ay tuluyan ng nilimot, Sa aking pag daan sa ating kinalalagyan, Bigla kitang nakita at sabi mo na paalam.
Sa sakit na naramdaman ko saan ba ako pupunta, Halos pakita mo sakini na ikaw ay umiwas na, San ba ako nagkamali sa ating pagsasama. Malamang eto na nga siguro ang karma na sinasabi nila.
Pinilit ko ulit ilapit ang sarili ko sayo, Pero parang isang bangungot ang nakikita ko, Sa tagal na natin ako ulit ay nagtiwala, Bangungot mo sa akin ay di na mawawala.
Wala akong malay pinagpalit mo kay tadhana, Sa pagsulong mo at pagbitaw ako ay binalewala. Hahayaan na lang kita na umalis ng kusa, Para naman maramdaman mo ang salitang sayo sinumpa.
0 notes
dyoanofarts · 4 years
Text
Saglit
Sa mga pangako mo na iyong binitawan, Hindi ko na maisip kung may katotohanan, Ano ba nagawa ko at ako ay iniwanan, Pagtalikod sa kin sabi mo’y saglit lamang.
Ako ay naghintay ng ilang taon, Nakalipas na din ang mahabang panahon, Sana ay sabihin mo sa akin ang katotohanan, Kung tayo pa ba ay may kinabukasan.
Subalit ikaw ay tumakbo sa kalagitnaan, At huli hirit mo na naman saglit lamang. Hindi ko na malaman ang pinag-usapan, Sa pagkakaalam ko wala ka ng babalikan.
Pinangako mo sakin na walang iwanan. Pero parang hangin ka na lang na nagdaan, Ano pa ba ang dapat kong gawin sa ating dalawa, Hindi ka pa din dumating hanggang mawalan ako ng hininga.
0 notes
dyoanofarts · 4 years
Text
Abroad
Nang makita ko ang lugar ng paliparan, Dali dali akong bumaba sa sakayan, Ang tingin ko sa langit ay gayun na lamang. Maabot ko na ba ang aking kapalaran?
Sa dami ng tao na aking nakasalubong, Ako ay napaisip kung ako ay susulong, At pagdating ko sa lugar na aking tinapakan, Gusto ko ng bumalik sa aking lupang sinilangan.
Sa dalawang taon na hindi kayo nahagkan. Parang ayaw ko ng umalis pa at lumisan, Lumakad ako at umupo kung saan man. Anak ko ay umiiyak hanggang ako ay nagpaalam.
Akala ko nuon pag ako ay nalayo, Magiging maganda ang buhay ng aking kadugo, Problema ko dito sa aking kinalagyan, Hindi naging maganda pagdating sa bigayan.
Sa dami ng pasahero sa aking pinagtratrabahunan, Pati ang mga parak kami ay sinisigawan, Takbo dito at lakad duon ang aming puhunan. Sakripisyo at pagtitiis ang aking pinanindigan.
Sa labing dalawang oras ng aming trabaho, Ako’y napapaisip kung ako pa ba’y magseserbisyo, Handa akong magtiis para sa aking pamilya, At para maibigay din ang mga gusto nila.
Pagdating ng panahon ako ay magtatagumpay, Tiyaga at sakripisyo sakin ay bubuhay, Dasal at pananalig ang aking sandata, Para makauwi ng maayos at tama.
0 notes