Tumgik
#Tagalog poem
thelakeswhereidie · 5 months
Text
Tumblr media
16 notes · View notes
lihimlihamtinta · 1 month
Text
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
Hanggang sa maisipan mong lumingon
Hanggang sa ang pagitan ay tawirin mo
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
Kapag muli mong naalala ang ating sakripisyo
Kapag ninais mo nang lagyan ng kaduktong
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
Dahil ikaw pa rin ang natatanaw na destinasyon
Dahil tayo pa rin hiling sa huling bersikulo
Hihintayin kita dito sa kabilang dako
12 notes · View notes
wmab · 9 months
Text
TAO KA LANG
Tao ka lang. Hindi lahat dapat mong kayanin. Ano ba naman ang saglit na pahinga? Humugot na ng di mapitas na buntong hininga. Pasukuin ang bigat ng buhay at palayain sila sa mga mata.
Kung balak buhatin ang mga bagay, kahit paano ay bumitaw sa sakit ng loob. Tao ka lang. Iinog ang walang pakialam na mundo kahit hindi ka magtuloy. Kaya magpahinga ka. Tao ka lang. Kahit hindi nila maintindihan. Kahit na parang ang pagtigil ay mortal na kasalanan. Kung wala nang matitira sa'yo ay paano ka pa magbibigay? Tao ka lang.
Saglit lang. Baka magalit pa sa'yo ang ningning ng pag-asang dala ng ulan. Ikulong mo muna ang mga pumapalahaw na bulong sa pusod ng mapanira nilang bahay-bahayan. Sa sulok ng isipan. Hanggang sa di na sila matagpuan. Nagyon na, huminto ka. Ang ingay sa ulo at mga tanong na makalaslas-pulso. Magpahinga ka para malaman mo. Kung hinahanap man, ang payapa ay dapat magsimula sa'yo. Tao ka lang.
Magpahinga ka. Tao ka lang.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
28 notes · View notes
penwithalltheflaws · 7 days
Text
creative impulses: lyrics by yours truly. ep 2: mga bulong sa bawat lumulubog na araw © 2024
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
sulatgino · 4 months
Text
Bata, bata paano ka ginawa?
070723
Bata, bata paano ka ginawa? Hinubog ka kaya ng nakapalibot na madla Nilang mga nakatanga't nakatulala O kaya nama'y nilang mga nag aalala
Maaaring hindi, maaring nakilala mo ang ikaw Sa kabila ng mga turo at panuto Sa dulo ng mga pagbabago Sa likod ng salaming nakaulayaw
Nakita mo kaya ang mga liko O patuloy ka bang sumunod sa daan habang nakapikit Sinusundan ang halimuyak ng mga nagdaan, nakakasalamuha ang mga bumabalik O di kaya'y patuloy lang na nakikiramdam
Ang mahalaga'y patuloy kang naghahanap Hindi ka mawawala kung hindi ka magpapanggap Hindi mawawalang saysay ang nawala sa pagkakamali Hindi masamang manatili sandali
Kilalanin mo ang iyong sarili Hindi mo kailangang magmadali Hindi naiiwan ang nagpapahinga Nasa isip lang natin ang konsepto na may nauuna
Kaya't paulit ulit mo lamang tanungin ang iyong sarili kung paano ka nga bang ginawa Sa pamamagitan nito ay mananatili kang naghahanap Ngunit kailan ma'y di mawawala.
3 notes · View notes
ano-po · 3 months
Text
Tumblr media
Takot tumuloy kase takot masaktan
Takot masaktan kase takot magtangahan
Takot matangahan sa sarili kase ano... ano...
Takot magsisi na ika'y nagmahal
Na naibigay ang puso sa magkakasala
Na naibigay ang kapayapaan sa delubyo
Na naibigay ang kapangyarihan sa mahina
Na naibigay ang lahat sa wala
"eh, ano naman?"
Huwag magsisi na ika'y nagmahal
Para saan ba ang pagsasama?
Para sa sumpaan at kasalukuyan
- ano-po 01|29|24
4 notes · View notes
flordelaraw · 1 year
Text
Bakit mo nilisan
ang puso ko na nagmamahal ng tapat sayo,
Bakit ikaw parin
kahit na ikaw ang unang lumayo,
Sana tinuruan mo ang puso
kung paano limutin ang tulad mo,
Dahil pagod na akong
gumising sa umaga na nangungilila sa'yo.
8 notes · View notes
dzeyzi · 6 months
Text
Palagi
Lumipas na ang mahigit isang taon Ngunit pag-ibig kong alay sa ‘yo ay nandito pa ring nakabaon Minahal kita sa mga nagdaang kahapon At pag-ibig ko’y patuloy pa ring umaahon hanggang ngayon
Isang taon na rin ang lumipas noong nakilala kita nang walang kamalay-malay Hindi inaasahang pati puso ko’y kasama mong tangay Batid kong malayo ka man at hindi mahahawakan ang iyong kamay Ngunit asahan mong ang pag-ibig ko sa ‘yo ay mananatiling pantay
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking kaisipan Noong una kitang nakilala mula sa kapaligiran kong puno ng ingay at kalungkutan Hindi ko inasahan na ikaw pala ang siyang magbibigay kulay Sa mundo kong walang buhay
Hindi ko namalayan na ikaw na pala ang dahilan Sa aking mga dinadasal At tuwing ikaw na ang pinag-uusapan Tila ba parang ako’y nauutal
Ngunit ngayon na nandito ka na Kahit may natitira pang pangamba Alam kong si kupido na ang dahilan sa pagpana na aking nadama At panatag na ang aking loob na ako’y sayo itinadhana
Sa Diyos ay ikaw lamang ang tangining hinihingi At ika’y hindi na ibabahagi at itatanggi Dahil alam mo namang hanggang sa huli Ako’y sayo palagi - jc a poetry i made inspired by tj monterde’s palagi :)) dedicated to my beloved, doc tricia <3
4 notes · View notes
yahjustplainboring · 11 months
Text
#62
sabay sa pag agos ng ulan papunta kung saan
ay siya ring pag sabay ng luha kong kanina pang pinipigilan
malungkot at umiiyak ang kalangitan
para bang ito’y nakikidalamhati sa sakit na aking nararamdaman
4 notes · View notes
yellowhippo · 1 year
Text
My Interlude
created a poem from the POV of my current character from my ongoing story on wattpad, ❝𝐭𝐨 𝐭𝐰𝐞𝐧𝐟𝐢𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐧𝐢𝐧𝐞.❞
will be deleting this post in a few months as I will be re-posting this on my YELLOWHIPPO’s 2023 compilation here on tumblr.
Tumblr media
This is my interlude. A short prose as time goes into a pause and life temporarily conclude.
This is my interlude, where I come to a stand still. But my emotions pass through a mill, not letting me close and conclude.
This is my interlude. Looking at one intersection point, choosing where my steps anoint. Will I be able to conclude?
This is my interlude, allowed to be timeless but also clueless as to how to conclude.
This is my interlude.
6 notes · View notes
poeticpwet · 1 year
Text
wala palang ibang magbubuo
at magtatagpi-tagpi
ng pagkatao kong pira-piraso
kundi ako.
2 notes · View notes
achlyx · 2 years
Text
Luna
Isasayaw kita sa ilalim ng buwan
Kasabay ng mga bituin
Na nagniningning sa kalangitan
Ngingiti at tititigan ka ng matagal
Na para bang naabot ko na ang kalawakan
Idadaan sa tawa
sa tuwing maaapakan mo ang aking paa
Gagabayan ka
hanggang sa magtugma
ang ritmo nating dalawa
Hindi magsasawang ika'y titigan
Tunay na ikaw ay mas maganda pa sa buwan
aking Luna, aking sinta,
Isasayaw ka kahit pa sakupin ng liwanag
ang kadiliman.
11 notes · View notes
tula-ng-paglaya · 2 years
Text
sa paglalim ng gabi, nasaan nga ba ang iyong sarili?
sa pagpikit ng mga mata kasabay ang pagtakip ng mga ulap sa buwan
ginigising ka pa rin ba ng katotohanan o hinehele ng kasinungalingan?
sa pagwakas ng gabi ay darating pa ba ang liwanag?
sa minsang pag-asa na may sisikat pang araw
tinatawag ka pa rin ba ng nakaraan o ikinukulong na lamang ng kalungkutan?
9 notes · View notes
wmab · 6 months
Text
Alam ko namang hindi ko kailangan. Pero minsan, naiisip kong makakahanap rin ako. Ng mabuti at marunong makinig. Ng may pakialam at di takot humibik. Yung hindi masyadong duwag sa pûla ng aking malakas na pagkababae. Hindi napahihina sa tapang ng nakakalalaki kong kalikasan at prinsipyo. Kung hahanap man ay dapat kaya n'ya ang aking mga bagyo, mapa delubyo man ng aking mga suhestyon sa buhay at makatotohanang payo. Saan ka pa kaya sa mundo makakakita ng taong kayang lumuhod sa hindi n'ya kapanalig ng pagkatao?
Hindi ako naghahanap. Ni hindi ako nangangailangan. Pero numanais rin ako ng marunong sumakay at may alam kung kailan tamang maglumanay at lumaban.
-WMAB
19 notes · View notes
churrostic · 1 year
Text
Sa may balay
matapos ang lahat
nakita na ang balat
 .
napalalim
dumilim
makulimlim
nakalimlim
 .
umaraw
aalis na raw
ngunit walang kalabaw
bukas na lang daw
 .
sumapit ang bukang liwayway
iyong kamay
hihiwalay
sa aking kamay
6 notes · View notes
ikaywrites · 2 years
Text
Journal Entry #5
I’m thinking about killing myself again. It’s very hard because no one believes that I do. I do want to do it. It’s hard when you just keeps on failing everyday no matter how much you try, it’s always the same.
10-22-21
2 notes · View notes