Tumgik
dcaaiin · 2 years
Text
Kapitulo # 5
Eyes Off You: I will
Bago kami umalis ay totoong tinuruan niya akong huminga nang maayos sa ilalim ng tubig. He even trained me to release bubbles using my nose. Natagalan lang akong matuto dahil nalulunod at nasisinghap ko rin ang tubig. 
Sa tuwing ganoon ang nangyayari ay mas tinututukan niya 'ko, that's the reason I fake it sometimes. Nang mapansin niya na sinasadya ko 'yon ay iniipit niya ang ilong ko o kaya'y pabiro akong nilulubog sa tubig.
It was full of fun. Kung hindi lang kinailangan umuwi. He got some calls on our way home and he even informed me it's his secretary. Their company is one of the high-class industrialist of sea vehicle that is popular nationwide. 
"Sumilong ka nga muna at tirik ang araw!" sigaw ni manang nang maabutan niya 'ko na nagbubungkal ng lupa.
"Hindi naman gaanong maaraw. Nahaharangan naman po ako ng puno." 
"S'ya sige! Tawagin mo nalang si Berto kung may kailangan ka." aniya at iniwan ako.
Binubungkal ko kasi ang mga lupa na kinakailangan ng mga bulaklak na itatanim ko. Marami na ang mayroong bunga kaya naman naisipan ko muling magtanim.
Tumayo ako at kinuha ang mga ginuhitan kong paso. I painted it with minimal floral design in shades of pastel and a black color on the edge. Nilagay ko ang mga lupa at tinanim na ang mga buto. Tatlong uri iyon ng mga bulaklak; sweet alyssum, forget-me-not, and snow-in-summer. 
Simula nang magpinta ako ng mga paso ay nakahiligan ko na rin ang mga bulaklak kaya naman nang matuto akong magtanim ay inangkin ko na ang hardin namin. I want to study a lot about flowers and its origins, but whenever I hold on to my paint tools, I also wanted to enhance it. I don't want to pressure myself. That's why I combined them both. 
"Tapos ka na ba hija?" nilingon ko si mommy na biglang sumulpot kung saan.
Inayos ko muna ang mga pwesto nito bago ako lumapit sa kanya. My mom definitely knew that she has this dark aura. Her deep eyes, thin lips, and arch eyebrows could make the gossipers in our town envy her.
"Yes. Maghuhugas lang po ako ng kamay." sagot ko at pinaandar ang tubig sa lababo.
"Hindi mo naman na dapat gawin 'yan. Pwede mo namang iutos nalang 'yan kay Berto." mahinang sambit niya sa gilid ko.
Nilingunan ko siya at tinapunan ng seryosong tingin. Kumurap siya at nag-iwas. Kunwari pa itong tumitingin sa mga bulaklak. Alam na hindi ko nagustuhan ang sinabi.
"I won't take your advice. You know how much I love my flowers. It's relaxing. Why won't you try?" 
Maarte niya akong pinasadahan ng tingin. Tinaasan niya ako ng kilay at pinakita ang mga kuko niyang bagong gawa.
"You see my nails? This is more relaxing than your flowers!" she said in a high-pitched tone!
Umirap ako at tinanguhan siya. 
"We have our own sentiment, Mom. I respect yours, therefore you should also respect mine." nginitian ko siya at nilapitan.
Tumikhim siya tila sumasang-ayon sa sinabi ko bago haplusin ang braso ko. Bumaba ito sa aking kamay at marahang minasahe ito. Pinindot niya ang palad ko at inikot ang mga daliri. Uminit ang mata ko habang pinagmamasdan ang ginagawa niya. 
"The softness of your hand always reminds me of how vulnerable you are. It scares me that one day you'll be hurt." She uttered softly as she continued massaging my hand.
"It won't happen, Mom. Don't worry about me, please." 
"I will never be not worried about you hija. Mabuti sana kung parati kang may nakakasama habang abala kami ng Daddy mo." binitiwan niya ang kamay ko at makahulugan akong tiningnan.
Kumunot ang noo ko habang iniisip ang sinabi niya. Is that what she worries about everytime? Hindi naman na kailangan dahil kung hindi ako umaalis kasama si Declan, eskuwelahan at bahay lamang ang tinutungo ko.
"Parati naman po akong hatid sundo ni Kuya Owen sa school. Kahit hindi na kailangan since graduating na ako ng senior high. Kung aalis man po ako, you know that I'm always with Declan." 
Panandalian siyang natigilan dahil sa huling sinabi ko. As if she don't know about it. Tumaas bahagya ang kilay niya at malisyosa akong tiningnan.
"Right! Mabuti nalang at nariyan si Declan para samahan ka nang hindi ka maburyo rito. Are you two good? Kailan siya ulit bibisita sayo?" natutuwang tanong niya at sumigla bigla ang mukha.
"Abala po siya dahil sa kontrata para sa shipments ng mga barko. Hindi niya nabanggit kung kailan po ulit siya bibisita. I don't mind since he's working." saad ko kahit na ang tootoo ay parati kong iniisip kung kailan siya ulit darating.
"Ganoon ba. Since you mention about it, I kind of think that you should enrol for Marine Engineering or Marine Transportation as your course in college." sabi niya na tila nananaginip dahil magkasiklop ang dalawang kamay niya habang nakasandal ang pisngi niya roon.
Umuwang ang bibig ko. Nagugulat dahil sa malabo at biglaang sinabi niya. Marahan siyang dumikit nang makita ang itsura ko. Pinag-iisipan ko pa nga lang ang kursong kukunin ko ngunit mukhang napangunahan na ako.
"No way. It's far from my interest, Mom. Baka ang mangyari niyan ay imbes na mga barko ang magawa ko, e hardin at pintura ang mabuo ko."
Umasim ang mukha niya at buong atensyon ang itinuon sa akin.
"You can set aside your passion, hija, just let it be your habit. Magagawa mo naman siguro iyon habang inaaral mo ang mga bagay na may kinalaman sa barko." 
Her reasons irritate me. Hindi ko magawang balewalain dahil pakiramdam ko ay mababa ang tingin niya sa kakayahan ko. I'm choosing my passion for anything else as long as I foresee myself happy with it.
"Mom, you shouldn't push something I don't want. Let me strive for my passion."
Umiling ako at nilagpasan siya. I know she's suggesting it because of Declan. Natutuwa siya masyado kaya naman iniisip niya ngayon na kumuha ako ng kursong may kaugnayan sa kanya. Dad is a known captain for decades, but he never meddle with my decisions or even lures me of things related to the ship.
Hindi naman sapat na dahilan ang nararamdaman ko kay Declan para magbago ang pananaw ko. Our feelings shouldn't be superior to our dreams. 
Umakyat ako sa kwarto dala ang mga baked cookies. Matagal akong naligo at nagbihis. Tutal wala na naman akong gagawin kaya simpleng pambahay lamang ang suot ko. A white sleeveless top and a cotton high-waisted short.
Nang mahawakan ko ang cellphone ko ay nagulat ako sa sampung missed calls ni Declan. May apat na magkasunod na message kaya naman iyon ang binuksan ko.
Declan:
I'm done dealing with some clients. I'm on my way home. Can I call?
Declan:
I'm home. What are you doing, Miss?
Declan:
You're not answering my calls. Schoolworks? Sleeping? 
Declan:
Call when you're free...
Halos dalawang oras na ang nakalipas kaya imposibleng naghihintay pa rin 'to. Masyado yatang napaaga ang uwi niya kaya nagkasalisi kami. Akala ko pa naman gagabihin siya ng uwi.
Pinindot ko ang call button pero binaba ko rin nang makita ang laptop ko. Binuksan ko ang facetime at agaran siyang tinawagan. Hindi pa nagtatagal sa screen ay bumungad na ang mukha niya. Mukhang nag-aabang talaga siya. 
Magulo ang buhok niya habang gumagapang sa taas ng kama. Tinutok niya ito kung saan tama lang para makita ang kalahati ng katawan niya. Nagsuot pa siya ng damit bago ako binalingan. 
"I'm sorry, I called you earlier for so many times. Did I bother you?" he asked huskily.
Umiling ako at hinigit ang cookies ko. Nakita niya iyon kaya naman pinagtaasan niya 'ko ng kilay.
"It's okay. Hindi ko nasagot kasi nagtanim ako ng mga bulaklak. Did you sleep?" sagot ko at kumagat sa hawak ko.
"I just nap," he shrugged. "Really? Kaya pala maliliit ang mga bulaklak dahil ikaw ang nag-aalaga." I saw the amusement in his eyes. Nakangisi siyang inaasar ako.
Umirap ako at pinagtaasan siya ng kilay. "It's because they are naturally tiny." 
Tumango siya at pinaglaruan ang kanyang labi. "What flower do you like?" 
"I can't choose only one since they are all beautiful, but I love black-eyed susan the most." nakangiti kong sagot habang nakatutok sa kanya.
"I never heard about it before..." magkasalubong na ang kilay niya habang iniisip ang sinabi ko. Bahagya akong natawa at inilingan siya.
"It's fine." nginitian ko siya at tumayo upang kuhanin ang sketch pad ko. 
I memorize each of his details on screen and draw it on my pad. He knew what I'm doing, and he's cooperating perfectly. Nakatitig lamang siya sa akin habang hinihintay na matapos ang ginagawa ko.
I twisted some part and focused on the important details. Binalingan ko muli siya ng tingin at mas lalo lamang akong napangiti dahil hindi naaalis ang tingin niya sa akin. Kahit na kinawayan ko siya ay hindi nabago ang kanyang paninitig.
Mas ginanahan lamang akong gumuhit. 
Nang matapos ko ang ginagawa ko ay linapit ko ito sa camera. Gumalaw siyang bahagya at nangingiti nang pinagmamasdan ang ginuhit ko.
"Ako ba talaga 'yan?" seryoso niyang tanong.
Nagtataka kong tiningnan muli ang drawing ko. Hindi man ito kagandahan pero sigurado naman akong nakuha ko lahat ng kailangan para maguhit siya. 
"Does it look like someone else? Is it bad?" hindi ko maitago ang irita sa boses ko. 
Umiling siya at nginisian ako.
"No. Akong ako 'yan. I look eminently smitten with you." he proudly said.
"Kung ganoon bakit ka pa nagtanong? Hindi ka ba kumbinsido sa itsura o nararamdaman mo?" hindi ko na maitago ang irita sa boses ko habang masamang tingin na ang ipinupukaw ko sakaniya.
Nanlaki ang mata niya at umangat sa kinauupuan. Umiling siya habang natatawa. Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay at kinagat ang labi.
"Oh, easy... I'm just messing around. Calm down, alright? I'm true to you, Eucleia." seryoso niyang sabi kahit na nakikitaan ko pa rin ng tuwa ang mata niya.
Nagkibit balikat ako at inirapan siya. His frustration is now visible on his face. 
"I'm sorry if you get the wrong idea of it. I'm just fascinated by how detailed it is." 
Tinaasan ko siya ng kilay. "Talaga?"
Ngumiti siya ngunit nag-seryoso rin. "Talaga," his lips slightly pouted.
Nagpakawala ako ng hininga at yumakap sa tuhod ko. Siguro naman ay hindi masama kung ibabahagi ko ang tungkol sa napag-usapan namin ni mommy kanina. Baka sakali na magkaroon siya ng opinyon tungkol doon.
Huminga ako ng malalim. "When my mom learned about your work, she suggests I should study Marine Engineering or Marine Transportation..."
Nabigla siya sa sinabi ko. Halatang hindi inaasahan ang tungkol doon. Kahit naman ako ay hindi inaasahan ang bagay na 'yon. His face moves confusely.
"And?" 
"Sinabi ko na hindi ako interesado. She refused. I don't know if I disappointed her, but if she is, then I'm sorry." 
I know I shouldn't be sorry because it's my right to choose, but disobeying her would probably disappoint her.
Masama na ang timpla ng mukha niya habang iniintindi ang sinabi ko. Suminghap siya at seryoso akong tiningnan.
"Your momma should consider your decisions first. If you're uncomfortable with the thought of it, then they should support you about choosing the thing you truly like..."
"If you have something in your heart, chase it even more. If it will make you grow and free, a different opinion shouldn't affect you. Remember that I will always support and understand whatever your decision is."
His words adhere deeply to me. The comfort it sent provokes me to proceed fearlessly. Thinking that he is encouraging me to follow the things I want is beyond I could ask for.
To be continued....
2 notes · View notes
dcaaiin · 2 years
Text
Kapitulo #4
Eyes Off You: Breathe
Nang makapag-ayos ay agad akong lumabas. May kausap siyang isang matangkad at maputing lalaki. Lumandas ang tingin nila sa gawi ko kaya naman huminto sila sa pag-uusap.
Malalim akong pinasadahan ng tingin ni Declan at tumaas ang kanyang isang kilay. Hindi ka pa rin talaga matigil, ano? Nakangiwi kong nilampasan siya ng tingin.
"Eucleia, I'd like you to meet my friend, Lucky. Lucky, this is Eucleia Paige." 
Blangkong ekpresyon ang ginawad sakin ng kaibigan na tinutukoy niya. Umuwang ang labi niya bago tumango. Ngumisi siya at nilahad ang kamay sa harapan ko. Nagdalawang isip pa akong tanggapin ito dahil hindi ako sigurado kung gusto niya ba talaga ang ideya na 'yon.
"Nice to meet you." he coldly said.
"Nice to meet you too." awkward kong sagot.
Napakurap ako nang mabilis niyang binitiwan ang kamay ko. His adams apple slides violently as he looks away. Sumama ang pakiramdam ko sa pinakita niya. It makes me think that he's angry or something. 
Napabaling ako kay Declan nang maramdaman ko ang makapal niyang kamay sa aking siko. Tiningala ko siya at nagtama ang paningin naming dalawa. His gentle eyes calm the tension I'm feeling.
"Let's take a dip." 
Hawak niya ang aking siko habang iginigiya ako. Sinubukan ko pang lumingon kay Lucky ngunit pinirmi ni Declan ang ulo ko upang pigilan ang gagawin ko.
"Don't mind him. He's been like that." 
Isinantabi ko ang iniisip ko nang tumigil kami sa pool area. Iginala ko ang paningin ko at napansin ang pagkawala ng mga tao. Mayroong kaonting natitira ngunit nagbabalak na rin ang mga itong umahon.
"Let's race. You see that flag? Hanggang diyan lang ang lalanguyin natin." 
Tiningnan ko ang tinutukoy niya. Napangiwi ako nang makita ang pulang bandiritas na halos naka pwesto sa gitna ng pool. Marunong naman ako lumangoy pero hindi ko yatang lumangoy hanggang doon nang hindi tumitigil.
"It's too long for me. Hindi ako mananalo sayo."
"It's not once you swim already. You can win against me if you just try it." 
"Let's make a deal. Anong mangyayari kung manalo ako?" pinagtaasan ko siya ng kilay at tumungtong sa block na nasa harapan ko.
He smirks and rolls his eyes. "Ikaw ang bahala. But if I win, let me teach you." 
"Deal."
He set an alarm for our cue. I get intimidated immediately when he steps on the block. It looks small because of him. Seryoso niyang inayos ang goggles niya at pumusisyon. Huminga ako nang malalim at ginaya ang kanyang pwesto. I rolled my eyes when I heard his little chuckle.
Nang marinig ang alarm ay mabilis kong tinapon ang sarili ko sa tubig. I used a freestyle stroke to move. The sound of splashing water because of our aggressiveness covered my ears. I hold my breath when I felt my arms getting numb. I swim beneath the water to do a mermaid stroke in order to rest my arms. 
Umangat lamang ako nang makapusan ng hininga. I'm almost near the flag. Nabigla ako nang makita na naghihintay si Declan sa dulo. I wonder how he could swim that fast as if he has some tank inside of him.
He widely open his arms before he lean it on the edge of the pool. Ngumiti siya ngunit bahagyang tumawa nang mapansin ang busangot sa mukha ko. Sa layo ng agwat naming dalawa pakiramdam ko ay ang kulelat kong lumangoy. Patago akong umismid at pinakiramdaman ang tubig na nakabalot sa katawan ko.
"Come on! Swim towards me, I'll wait." 
It amazed me when it echoes throughout the total area. Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung paano sisimulan ngayong mariin siyang manonood sa bawat galaw ko. Kumpara kanina na sabay kaming sumugod sa tubig, ngayon ay ramdam ko ang init sa mukha ko dahil sa kanyang paninitig. 
Umirap ako at umilalim sa tubig. I relaxed myself as I hold my breath. I did some kicks and felt my body to fasten my move. I urged swimming more, but I lift on the surface when I run out of breath. 
Hinilamos ko ang aking mukha at malalim na huminga. Pumikit ako at nang dumilat ay napangisi ako nang mapansin na konting distansya nalang ang layo ko kay Declan. Malalim ang titig niya sakin habang pinanonood pa ang paghinga ko. Pumalakpak siya at nangingiti. May kiliting tumama sa akin dahil pakiramdam ko ay may nakamit ako na ikinatutuwa niya.
"It's good that you know that stroke, but it's dangerous if you can't control your air underwater." 
Seryoso siyang bumaling nang makalapit na ako sa kanya. Napakapit ako sa braso niya nang hinawakan niya ang baywang ko at inangat upang iupo. Inabot niya ang tuwalya sa gilid at pinatong sa ulo ko. Pinalo ko siya at agad na nagpunas.
"I told you I can't swim that long." 
Umiling siya at nag-float sa harapan ko. Tumirik ang mata ko nang makita ang abs niyang bumabakat sa manipis niyang damit. Sinipa ko ang tubig at natawa nang tumama ito sa kanyang mukha. Nakauwang lamang ang labi niya habang nakapikit. Hinahayaan ang ginagawa ko. Ayos lang nang sa gayon ay mapagmasdan ko ang tila pinaghirapan mong katawan.
"The reason for it is that you're running out of breathe. I will teach you first the proper way of breathing..."
Napasinghap ako nang mabilis siyang umangat sa harap ko. Ang braso niya ay nasa magkabilang gilid ko. Pinagmasdan ko ang pagbagsak ng tubig galing sa kanyang buhok. Pumatak ito sa kaniyang pilikmata hanggang sa lumadas ito pababa sa pisngi.
Winisik niya ito bago pasadahan ang kanya buhok. Mas lalo ko lamang pinigilan ang paghinga ko nang mas lumapit ang mukha niya sa akin.
Binasa niya ang kanyang nanlalamig na labi. Napakurap ako nang inangat niya ang baba ko upang magtama ang mata naming dalawa. Halos mawasak na ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Pati ang pagtama ng aking hangin sa kanya ay pinigilan ko pa.
"There. That's how you should hold your breath." 
What the hell! Nakita mo ba ang ginawa ng isang 'to?!
Halos sugurin ko siya nang natatawa siyang lumusob sa tubig. Nahihiya akong aminin na nadala ako sa ginawa niya pero mas namumutawi ang inis ko. Gusto ko nalang malunod sa tubig nang mapaisip sa itsura ko kanina. Paano niya nagawang paasahin ako?! 
Inirapan ko siya nang lumangoy siya patungo sa kinauupuan ko. Nakangisi siya ngunit seryoso ang mga mata niyang bumaling sa akin. Malamig ko siyang tinapunan ng tingin at sinabuyan muli ng tubig.
"I'm sorry. Let me teach you now..." hinagilap niya ang kamay ko ngunit iniwas ko ito.
Hinanap niya ang mata ko ngunit pursigido akong iiwas ito sakaiya. Umirap ako at gumilid. 
"I'm sorry. What can I do to make you feel better?" 
Masuyo niya 'kong sinundan habang nasa tubig pa rin siya. Binigyan ko siya ng isang masamang tingin at pinagtaasan ng kilay. Seryoso lamang siyang bumaling sa akin. Humalukipkip ako at ngumisi.
"Find someone who could teach me the proper way of breathing."
"I'm right here in front you. I can teach you now," he softly answered.
"Not you. I said, someone else. Perhaps your friend, Lucky, can teach me the right thing?" 
Mataray ko siyang binalingan. Sumama ang ekpresyon niya at pikon na tumitig sakin. Am I hitting the right nerve? 
"He can't even swim," he proudly said.
"Sinisiraan mo yata siya e!" 
"No. Might ask him personally." 
Ngumisi ako at luminga. "Talaga? Nasaan ba siya? Pupuntahan ko." 
Mabilis akong tumayo at naglakad papuntang labas ng edge. Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na ang bayolente niyang pag-ahon sa tubig. Hinapit niya ang baywang ko at napatili ako nang inangat niya ako at pinatong sa isang mataas na upuan!
He set his narrowed eyes on me. His thick eyebrows squeezed together into a frown. My eyes made its way to his tongue that playing with the corner of his lips.
"Are you making me jealous for not kissing you?" he said hoarsely.
"No."
"Hmm? Why do I feel jealous of it?"
"That's why you should've kissed me." I shamelessly said.
Bahagyang nawala ang hiya ko at hinayaan ang nararamdaman ko. Nakita ko ang ngisi niya. Kinagat niya ang kanyang labi at seryoso akong tiningnan. 
I shut my eyes as soon as he lead his face closer to mine. It seems ticklish in my stomach when I felt his soft lips brushed on my forehead.
"I will wait until you're ready." he said slowly as I felt his arms enveloping my body for a warm and tight hug.
Mas pinili kong pumikit na lamang at magpaubaya sa yakap niya. The comfort he is giving to me is priceless. My childish heart is winning and I wish it never fades away. 
"I will hold you this tight. I'm sure I can survive for the next days, months, and years." he said, and I nodded. 
Hindi ko alam na masaya pala ang mga ganitong simpleng bagay lang. He's the first man I ever felt attracted to. Kung ibang tao ang nakilala ko ay hindi ko alam kung magiging kuntento rin ba ako. I never thought that I'm able to feel this feeling because of him. 
"Aren't you scared?" I whispered just enough for him to hear it.
"About what?" Sinubukan niyang iangat ang ulo ko ngunit mas binaon ko lamang ito sa kanyang dibdib.
"What if, upon waiting... you'll realized that I'm not the type of girl in your field?" 
I imagined of his professional luscious co-workers roaming around their building, with a fleshy tochus and titty. It's impossible to not find them attractive.
"You're really not that type of girl. You're young yet still growing and learning. You're different from them because I have this feeling for you. It's the other way around."
"What if you developed your feelings for others, too?" 
Malakas siyang tumawa at hindi na napigilan na iangat ang ulo ko. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at seryoso na akong pinagmasdan.
"Don't think so shallow of me. I don't treat my feelings and relationship as a circus," he assured.
To be continued...
0 notes
dcaaiin · 2 years
Text
Kapitulo #3
Eyes Off You: Required
"Ngayon na ang uwi mo?"
Umupo ako sa tabi niya at tinulak ang kanyang braso. Narinig ko kanina ang pinag-uusapan nila ni dad tungkol sa kanyang pag-uwi. Hindi ako tuluyang lumapit sa kanila dahil pinakinggan ko ang usapan nila.
Seryoso siyang bumaling sakin at hinila ako palapit sa kanya. Umiwas ako pero hinigpitan niya lamang ang hawak sa kamay ko. Its roughness feels weird against my skin.
"Yes..." nag-iingat ang mata niya nang sinagot ang tanong ko.
Sinamaan ko siya ng tingin at pumiglas sa kanyang hawak. Nang lumuwag ang kapit nito ay agad akong tumayo at tinulak siyang muli.
"Why didn't you tell me about it? Balak mo sigurong umuwi habang tulog ako!"
Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. Nakita ko ang bahagyang pagkatuwa niya ngunit nang makitang masama ang tingin ko ay nawala rin iyon.
"I was about to tell it to you but... Here we are," yinuko niya ang kanyang ulo at nilahad ang kamay sa harap ko.
"Akala ko ba gusto mo 'kong umalis? You changed your mind?" dugtong niya at hinagilap ang kamay ko.
Nang mahawakan niya 'yon ay agad kong iniwas ito at tinampal ang kamay niya. Ngumisi siya dahil sa ginawa ko at humalukipkip habang pinanonood ang talak ko.
"Dapat sinabi mo sakin nang mas maaga edi sana hinatid pa kita. Go on, pack your things already!" pahisterya kong iminuwestra ang kung saan.
"It's already inside of my car."
Umuwang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Luminga ako upang maghanap ng mapagbabalingan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto na hindi siya narito upang magtagal. Talagang aalis na siya.
Nitong mga nagdaang araw ay napalapit ako sa kanya. Nag-iba ang pakikitungo at pakiramdam ko simula nang magkaayos kami. Sa mga oras na iyon ay nakalimutan ko ang agwat naming dalawa.
The glimpse of his silliness annoys me, but when gone, — feels like I'm lost in something. The days we spent together gave me a chance to know him better, also the reason I slowly admiring him.
Ngayong aalis siya ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Paniguradong malulungkot ako dahil sa nararamdaman ko.
"Hush now, Eucleia. I'll visit you whenever I'm free..."
Hindi ko namalayan ang maliliit na luhang pumapatak sa mata ko. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko habang seryoso niyang pinagmamasdan ang aking mukha. Inangat niya ang likod ng kanyang daliri upang punasan ang luha sa aking pisngi. Sinamaan ko siya ng tingin nang sumilay ang kanyang ngisi.
I closed my eyes as I discern the gentleness of his rough skin.
"What were your tears for?" he asked huskily.
"Uh...I... I'll miss you."
Ngumiti siya at kinagat ang kanyang pang-ibabang labi. Nakapikit pa itong yumuko habang hinihimas ang kanyang noo. He whispered something to himself.
"Really? 'cuz I'm gonna miss you too so bad, but I won't let it pass without doing something about it."
Iyon ang huling pag-uusap namin sa araw na 'yon. Halos maging bulate ako nang binanggit niya sakin na ipapasyal niya ako sa tuwing bibisita siya.
Iniisip ko palang ang mga maaari naming puntahan ay tuwang tuwa na ako. I will get that chance to spend a lot of time with him.
I giggled because of the excitement.
Dumaan ang araw at ngayon ay nasa loob kami ng gymnasium. Maiingay ang mga kaklase ko dahil sa nagaganap na practice game ng mga volleyball players. May mga sarili silang hinahangaan kung kaya't lumalamang ang sigaw ng mga lalaking estudyante.
"I like the way she hits the ball." tumili si Bea nang pumalo muli ang player na tinutukoy niya.
"What's her name?"
She's shocked by my question. "She's Plumeria Imersyn Elegado. She's known Meria because that's what her friends call her." ngumiti siya at tumili-tili.
Tiningnan ko ang player na tinutukoy niya. Aside from her great skill, her long legs and perfectly tanned skin tone gains attention from many. Sa tuwing ngumingiti siya ay hindi maipagkakaila na nakakahawa iyon.
Napasadahan niya ng tingin ang bench kung saan kami nakaupo. Nakangiti siyang bumaling kung kaya't hindi ko na rin mapigilan ang ngumiti. Her beauty seems peculiar among her batch.
"Matutuwa talaga ako kung matatamaan ako ng bola na galing sa kanya!"
"Gusto ko 'yan! Paniguradong lalapit siya rito."
"Talagang matatamaan siya ng bola dahil pumasok siya sa loob ng linya! Aarte pa, bobita naman!" inis na sigaw ni Bea.
Marami ang side comment nang may nag-eskandalong babae dahil natamaan ng bola ni Meria. Nagkaroon ng kumusyon kung kaya't natigil ang laro. It's part of the game and it's normal to have some minor accident.
Nawala lang ang atensyon ko nang maramdaman ang pag-vibrate ng aking cellphone. It's a text message from Declan. Malaki ang ngiti ko nang pinindot iyon.
Declan:
Are you done? I'm outside of your school.
Halos sabayan ko ng tili ang mga kasama ko. Nagtataka silang tumingin sakin dahil ngayon lang ako naglakas loob na sumigaw. Iskandalosang tumingin si Eliz sa gawi ko. Tumawa ako at binasa muli ang text.
Hindi siya nagsabi na pupunta siya ngayon! Tumindig ang balahibo ko habang iniisip na naghihintay siya sa labas. Kulang nalang ay tumakbo ako paalis. Umiling ako at tumawa.
Ako:
Wait! Omg...
Nangingiti kong binalingan ang court. Nagsimula na ulit ang laro kung kaya't maingay na naman ang mga tao. Mabilis kong inayos ang gamit ko at tumayo.
"Hindi mo na tatapusin ang laro?" habol sakin ni Eliz nang makitang aalis ako.
Umiling ako.
"Sa susunod nalang."
Nagtataka siyang tumingin sakin. Tinaasan niya 'ko ng kilay habang pasimpleng ngumingisi. Tinawanan ko siya at inirapan.
"Your Ziervo is here? Kaya ka nagmamadali? Hindi ko alam na may lihim ka palang pagtingin sa lalaking 'yon! Kunwari ka pang ayaw mo sa tao pero naku..."
Tumawa siya at tinusok ang tagiliran ko. Natatawa ako habang ganado siyang mang-asar. Pabiro ko siyang hinampas ng bag ko.
"Aba ikaw ha! Ganiyan ka ba kiligin? Nananakit?" Pinanlakihan niya 'ko ng mata at muli akong tinusok sa tagiliran.
Ganito siya sa tuwing nagkikita kami. Hindi ko siya madalas makasama dahil bukod sa magkaiba ang schedule namin ay may ibang bagay pa siyang inaabala.
"Hindi ako kinikilig. Baka lang kasi mainip 'yon kapag pinaghintay ko."
Tumirik ang mata niya at tinawanan ako.
"Ay wow! Sige na umalis ka na at baka hindi ka na makapaghintay na makita siya." Mapang-asar siyang ngumiti at iminuwestra pa ang lalakaran ko.
Malalaki ang hakbang ko palabas. Lumiit lamang ito nang makitang nasa harap na ang kotse at nakabukas ang pinto. Nalilito pa akong pumasok dahil ibang sasakyan ito kumpara sa sinulatan ko. This is a grey ranger.
Nang maisara ko ito ay agad ko siyang nilingon. He is wearing a black button-down shirt and brown pants. I shamelessly examine his body and I realized that his physique never cannot prove a point.
Hindi ko pa naisusuot ang seatbelt kaya naman inangat ko ang aking katawan upang mayakap siya. Sinalo niya ako sa nakaparte niyang malaking braso.
"Miss me?"
Tumawa siya at naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang braso sa baywang ko. Tumango ako at mas hinigpitan pa ang kapit sa kanyang leeg.
Napapikit ako nang maamoy ang panlalaki niyang pabango. His addicting and delicate aroma fits him perfectly. I didn't know that he could be this so stunning.
Nang naibsan ang pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagkakaupo. I saw the sincerity in his eyes while looking at me. He gave me a manly smile as I fixed my uniform.
"Saan tayo pupunta?" nagsimula akong magtanong nang pinaandar niya na ang kotse.
Umuwang ang bibig ko nang napanood ko ang pagmamaneho niya. The way his veins tighten whenever he made some movement amused me too much. Umiling ako at nilihis ang paningin. Masyado na yata akong humahanga kahit na sa mga simpleng bagay.
"Uuwi tayo sa inyo." sagot niya habang diretso ang tingin sa kalsada.
Nagulat ako sa sinabi niya. May kung ano akong mabigat na naramdaman. Masyado yata akong umasa na makakasama ko siya nang matagal ngayong araw.
Tumango ako at inayos ang aking pagkakaupo. Nilibang ko ang sarili ko sa mga puno na nadaraanan namin.
I guess I shouldn't ask for too much. Mabuti na itong kahit papaano ay nakakadalaw siya sakin. We can still spend our time together, minus the thought of going to other places. Hindi naman siya obligado na aliwin ako.
I don't want to get disappointed but... Suminghap na lamang ako at pumikit.
Narinig ko ang tikhim niya kaya pinilit kong huwag dumilat. Pinigilan ko ang hininga ko nang maramdaman ang paghila niya sa dulo ng aking palda.
"Your skirt is too short for a uniform..." bulong niya bago ito binitiwan.
Naramdaman ko ang pagdaloy ng init sa aking mukha. Kung kanina ay nawalan ako ng gana, ngayon ay parang nabubuhayan muli ako. Pinirmi ko ang mga mata ko at pinatili ang drama ko.
Nang dumating kami ay kasunod ko siyang pumasok ng bahay. Inagaw niya sakin kanina ang bag ko kaya hinayaan ko siya. Hindi ko na kinuha dahil alam ko namang ipipilit niya lang sakin 'yon.
Tahimik akong nagmano kay Mom at Dad. Malaki ang ngiti ni mommy nang mamataan ang taong kasama ko. Nilapitan niya si Declan at agad itong mahigpit na yinakap.
"Hindi mo kami sinabihan na pupunta ka pala? Sana ay nagpahanda ako ng maraming pagkain!" salubong ni Mommy.
"Biglaan lang po kaya dumiretso na 'ko rito. And I also want to see Eucleia..." hinanap niya 'ko sa pagitan ng parents ko. Nang makita ako ay seryoso siyang tumitig sakin.
"Mabuti naman hijo at nagiging maayos ang relasyon niyo ng anak namin." ani Dad at sinundan ang tingin ni Declan patungo sakin.
Tumango siya at binalingan si Dad. "Hindi naman po siya mahirap pakisamahan. If she is, I'll do my best to fit in." He smiled.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at nagpaalam na magbibihis. Tumango si dad ngunit hindi nakawala sakin ang seryosong paninitig ni Declan.
Natagalan ako sa pagligo dahil sa pag-iisip. I looked forward to his visit because of what he said to me last time, but maybe he already forgot about it. Somehow, the cold water soothed whatever I'm feeling.
Inayos ko ang mga papel na nakakalat sa sahig. I tried to sketch random things last night, but it turns out different from what I expected. Pwede pa naman ulit akong sumubok sa susunod. Hindi naman ibig sabihin na mali ang kinalabasan ay titigil na ako. I should use it as my stepping stone to reach my goal.
Lumabas ako at naabutan si Declan sa dulo ng hagdanan. Nakapamulsa habang seryosong sinusundan ang mata ko. Tumikhim ako at nilapitan siya. Kunot noo niyang pinalandas ang mata sa aking suot.
"You're not coming with me?" matigas ang boses niya at nakitaan ko ng pagkadismaya sa mga mata.
Nanliit ang mata ko at nalilito siyang sinuklian ng tingin.
"Huh? Hindi ba hinatid mo lang ako?"
"No. I just asked for your parents' permission. I thought we'll bond. That's why I'm planning to take you somewhere but," kinagat niya ang kanyang labi.
Marahas siyang nag-iwas ng tingin habang kumukunot ang noo. Nabigla ako nang mapagtanto ang sinabi siya.
He didn't tell me about it! Sayang ang pag-iinarte ko kanina.
"You should've told me! Hindi pa tuloy ako nakapaghanda!" hindi ko maitago ang tuwa na nararamdaman ko ata halos iangat pa ang sarili.
"Pack your extra clothes. We'll swim. Please choose something comfortable." nahimigan ko ang diin sa kanyang tono.
"I have a lot of two-piece in my walk-in closet. What do you think?" mapaglaro ko siyang nginisian ngunit walang emosyon ang mukha niyang bumaling sakin.
"It depends on you. Are you comfortable?" he huskily asked as he tries to control his real opinion about it.
"Uh-huh..." tumango tango ako at kinindatan siya ngunit umiling lamang siya at nginisian ako.
Nakatulog ako sa byahe papuntang Manila. Ilang oras pa ay nakarating na kami sa lugar na tinutukoy niya.
Nawindang ako habang tinatahak namin ang pool area. Hindi gaano karami ang mga gumagamit ngunit batid ko na hindi ito ordinaryong pool!
"Are you messing with me?" inis kong tanong habang sinusundan siya. Nilingon niya ako at nginisian.
"Why? I told you were swimming..."
"Yes, but I didn't expect it to be here! Are you aware of this place?" singhal ko at narinig ang malalim na tawa niya.
"Of course, this one is a good place to swim. "
Mataray ko siyang nilihisan ng tingin. This man knows how to piss me off. We're in an Olympic-sized pool at Sports Arena. Talagang sinakto niya sa araw na may swim instructor na magtuturo. Hindi ako magaling lumangoy pero marunong naman ako!
"You can change your clothes now." Angat kilay niyang utos.
Lumapit siya sakin at may tinuro. Masama ko siyang tiningnan nang mabasa ang nakalagay.
'Rushguard is imposed to wear before swimming'.
Gumilid siya at sumipol. He glances at me while a satisfied smile is plastered on his face. He looks like someone who wins over something.
To be continued...
0 notes
dcaaiin · 2 years
Text
Kapitulo #2
Eyes Off You: Peaceful
"Talagang nagpaiwan ka pa, ha?" Tanong ko.
Sumunod ako sa kanya matapos tuluyang makaalis ng kanyang pamilya. Hindi ko iyon pinalampas kaya naman nang pumasok siya ay nagmamadali rin akong sumunod.
Wala naman 'tong madudulot dito. Kung mayroon man ay paniguradong sakit lamang sa ulo. Umirap ako sa kawalan hanggang sa huminto siya sa garahe.
"Are you using what I did so you can stay here?" asik ko at narinig ko ang malalim niyang tawa.
"Why does it sound to you I wanted to stay here?" Bumaling siya sakin at umiling.
Ang kapal talaga ng isang 'to. Nagpakawala ako ng hininga bago lumapit at hinampas ang nguso ng kotse niya. Nagulat siya sa ginawa ko ngunit kalaunan ay para bang natutuwa siya.
"Because you don't have to be here! Sana ay sumabay ka na sa kanila. Are you ashamed of what I wrote in your car?"
Binalewala niya ako. Naglakad lang siya at kumuha ng silya bago bumalik upang ilagay sa gilid ng sasakyan.
Nakangising tumingin sakin bago ito umupo roon. Nagawa pang mag-dekwatro habang pinanonood ako.
"No. I'm better than what you think of me." Tumango siya at mariing tumitig sa mata ko.
Padarag ko siyang nilapitan at humalukipkip sa harap niya. Kahit na nakaupo siya ay hindi ko pa rin napapantayan ang mata niya.
Sumayaw ang mga dahon sa puno dahil sa ihip ng hangin. Nagbigay ito ng pagkakataon upang tumama sa mata niya ang sinag ng araw.
I'm startled while looking deeply into his eyes. His delineated brown eyes give an eloquent reflection of me. It made his brows crimp as I feel something warm creeping within me.
Suminghap ako at mabilis na umiwas ng tingin. It's peaceful seeing my reflection in someone else's sight. I never thought that it could be so beautiful.
Nang matauhan ako ay marahan akong umatras. Napabalik lamang ako sa aking kinatatayuan nang hinila niya ang kamay ko.
He looks at me with so much gentleness. His thick brows complement his hard features. I think the only thing that is soft in him is his lip.
"Do you find something that makes you calm?" Seryosong tanong niya habang magaan akong pinagmamasdan.
Namula ako. Ramdam ko ang pag-akyat nito sa aking mukha.
Ang kanang kamay niya ay mahigpit na nakakapit sa aking kaliwang kamay. Ngayon ay nasa pagitan na ako ng mga binti niyang malaki ang agwat sa isa't isa. It made me uncomfortable, but as I look into his eyes, it slowly hushes me.
"Yeah... maybe," I said breathily.
"It's peaceful seeing you that way..." aniya sa isang malalim na tono.
Hindi ako sumagot. Hindi alam kung anong sasabihin. Sinubukan kong alisin ang kamay ko ngunit nagkulong lamang ang hintuturo naming dalawa.
"Nagsisisi ka na ba ngayon sa nagawa mo?" Mapaglaro niyang tanong.
Umangat ang tingin ko at nakita ko kung paano niya pagmasdan ang daliri namin na nakakulong sa isa't isa.
"I'll never regret what I did. You insulted me the first time we met, in front of your family and inside of our own house." Sagot ko at muling sinamaan siya ng tingin. Nabubuhayan muli ang inis dahil sa inasta niya sa una naming pagkikita.
Sumama ang timpla niya bago ako inilingan. Kinagat niya ang labi habang mariin na nag-iisip. Tumikhim at bumaling sa akin.
"You're the one who insulted me..." May halong rahas sa pagkakasabi nito. Kumunot ang noo ko at nalilito siyang tiningnan.
"Hello? I'm not like you!" Padarag ko siyang binitiwan. Natawa siya sa ginawa ko.
Tumalikod ako at naglakad paalis.
Ang galing naman talaga ng isang 'to. Mas gugustuhin pa na baliktarin ang nangyari kaysa aminin ang pagkakamali niya!
"Yeah, you're not like me because I'm pretty sure I'll never forget you..."
Natigil lamang ako dahil sa sinabi niya. Nilingon ko siya. Malalaki ang hakbang niya habang seryosong naglalakad patungo sakin.
"What? Are you imagining things?" Inis na tanong ko sa kanya.
Huminto siya sa paglalakad. Masama siyang tumingin sakin at umiling.
"Why won't you try to remember something?" Suplado siyang umiwas ng tingin. Napanganga ako at inirapan ko rin siya.
"What? You should go home, nalang?" Iritado kong sinabi. Nakita ko ang pag-amba ng kanyang ngisi nang tamad akong sinulyapan.
"You want that? Hindi ligtas magmaneho ng ganyan ang windshield ng sasakyan." aniya.
"Kung ganoon pala, edi sana nakisakay ka nalang sa kanila. Ang sabihin mo... gusto mo lang manatili rito." Umirap ako at naglakad muli.
Mabilis niya 'kong sinundan habang natatawang tumabi sa gilid ko. Maarte ko siyang binalingan ngunit nagkibit-balikat lamang siya.
"Kung iiwan ko ang kotse ko, babalik ulit ako rito kaya bakit pa 'ko aalis? And so what if I like it here?" mayabang na sagot niya.
"Walang libre rito! Kung kahapon ay libre pa dahil bisita kayo. Ngayon, hindi na, dahil nagpaiwan ka. You should pay for your stay here!"
Narinig ko ang malalim na halakhak niya. Umikot ang mata ko dahil sa boses niya. It's deep that it somehow intimidates me.
"If that so, should I let you pay for the damage you caused?" Natatawang tanong niya.
Suminghal ako at humarap. Tumawa ako at pinalakpakan siya. Nalilito siya sa ginagawa ko kaya naman taas noo ko siyang nilapitan.
"Don't you know I used washable paint? Pwedeng pwede mong linisan ng tubig. Ano may rason pa ba para manatili rito?" Natatawang sagot ko. Sandalian siyang natigil ngunit ngumisi rin kalaunan.
Mayabang siyang lumapit sa akin. Tiningala ko siya dahil sa laki ng agwat ng height naming dalawa. Napapikit ako nang palabiro niyang pinitik ang noo ko.
"I knew about it. Wala pa rin naman akong balak na alisin 'yan. Kung gusto mo, linisan mo. Ikaw naman ang gumawa niyan pero siguraduhin mo lang na hindi mawawala ang sinulat mo." Aniya at muli akong inirapan bago ako lagpasan.
Nagtataka akong bumuga ng hininga at nilingon ang kotse niya. Kahit sa malayo ay nababasa ko pa rin ang nakasulat doon.
Inirapan ko 'yon.
Naglakad ako patungo sa tagong likod na lagusan na ilang dipa lang ang layo sa bahay. Ilang lakad pa bago makita ang malinaw na agos ng tubig galing sa batis.
Sa malayong parte ay ang medyo mataas na bahagi na nagsisilbing isang maliit na talon. Sinasalo ng mga malalaking bato ang tubig kung kaya't kumakapal ang bawat agos nito.
Mas naakit akong maligo nang humuni ang maliliit na ibon.
Tinahak ko ang malalaking kahoy na hagdan sa pagitan ng bangin. Sa dulo ng palapag ay ang maikling tulay na daraanan upang maiwasang lakaran ang malalagong damo.
Mabilis kong hinubad ang suot ko at nilapag sa bato. Malalim akong huminga bago tumampisaw sa tubig.
"Whoo!"
Hanggang leeg ko lamang ang tubig. Tuwing mahina ang buga nito ay hanggang baywang ko lamang ito.
Sumisid ako upang mahawakan ang mga makikinis na bato. Kumuha ako ng isa sa maaaring ipanghilod at kiniskis ito sa katawan ko. Nangingiti ako habang dinarama ang gaspang ng bato sa aking balat.
Gusto ko man languyin ang malayong parte nito ay hindi ko magawa. Bukod sa nag-iisa ako, iniisip ko ang kuwento nila manang tungkol sa malalim na parteng iyon.
Marahan akong kumuha ng tubig gamit ang aking palad at pinaagos ito sa aking leeg. Nakatingala at hinayaan iyon na magpatuloy sa aking katawan.
Luminga ako sa paligid ngunit wala naman akong nakita kundi ang mga bato't puno sa paligid.
Kamuntikan na akong tumili nang maabutan ko si Declan na nakatayo sa bato! Nakapamulsa habang ginagala ang paningin. Inosente pa siyang nagulat nang namataan ako.
Sinaboy ko ang tubig sa banda niya dahil sa pagpintig ng puso ko. Natatawa siyang umiwas.
"Sa susunod magsalita ka. Hindi yung bigla kang sumusulpot!" Singhal ko at muli siyang sinabuyan. Ngayon ay lumapit na siya at hinayaan niyang tumama sa kanya ang tubig.
Humalukipkip siya at nag-squat. Nakatingala ako sa kanya habang siya naman ay nakayuko habang nakatitig sa mata ko.
"Napadaan lang ako. Hindi ko alam na naliligo ka pala." Tumango pa siya at gumala pa sakin ang tingin.
Umirap ako at sinabuyan siyang muli. Humalakhak siya bago umiling.
"Aren't you scared to be alone here?" luminga siya sa paligid at seryosong sinuri ang lugar.
Umiling ako at lumangoy pa sandali.
"I got used being here. Nakalimutan mo yata na nakatira ako rito?"
"No. Despite that fact, hindi ka masisiguro kung ligtas ka ba rito lalo na't babae ka." seryoso siyang tumingin sakin.
"Hindi naman lahat ng tao ay katulad ng iniisip mo. Isa pa, may area mismo kung saan madalas puntahan ng mga tao. This area is not included, since this is legally part of our property."
"Kayo ang may desisyon kung papayagan niyo silang makigamit rito?" Mariin niyang tanong at lumapit. Konting abante pa ay mahuhulog na siya sa harapan ko.
"Exactly."
Lumangoy akong muli. The cold water on my skin opposed what I'm feeling inside. The sudden changed in my feeling betrays me.
Pinagmasdan ko siyang pinanonood ako sa malayo. His bulky built and graphic eyes feel like playing with fire if you try to dispute with him.
Malayo sa una naming pag-uusap ang inaasta niya ngayon. I know I judged him easily because of that. I can't blame myself, though.
Napakurap lamang ako nang sumenyas siya. Suminghap ako at hinilamos ang mga tubig sa palad ko.
Ano bang iniisip mo? Nasilayan mo lang ang sarili mo, nagkakaganito ka na!
"Umahon ka na. Babad na babad ka na. You can do it again tomorrow," inabot niya pa ang mga gamit ko na nakalagay sa tuyong damo.
Inangat ko ang sarili ko. Nanigas ako nang hinawakan niya ang baywang ko at binuhat ako. Nang maibaba niya ako sa bato ay mabilis kong hinagilap ang gamit ko at sinuot ito.
Nilingunan ko siya at gumaan ang pakiramdam ko nang makitang nakatalikod siya.
His unexpected move made my heart beat so fast! Halos manginig ako habang inaayos ang suot ko. Damn.
"Sabihan mo ako kung maliligo ka ulit dito."
Nanlaki ang mata ko at nilingunan siya. Seryoso siyang nakatitig sa akin.
Bakit kita sasabihan? Babantayan mo ba ako kung sakaling tangayin ako ng tubig?
Umirap ako. "You can just tell me you wanna join." Kinagat ko ang labi ko at nginisian siya.
His loud bark of laughter covers my ear. I kick his knee while he's still enjoying it. Sumulyap siya sakin at tumigil sa pagtawa.
"Why it is so easy for you to voice out what I want?" He murmured.
Naglakad ako at naramdaman ko ang pagsunod niya. Iniiwas ko ang aking tingin sa tuwing hinuhuli niya ang mata ko. This damn man is giving me mixed feelings.
"I was just joking..." Pambawi ko dahil nakikita ko pa ang tuwa sa mukha niya.
Mas lalo lang uminit ang mukha ko dahil sa itsura niya. Naglalaro ang ngisi habang nakataas ang isang kilay na nakatingin sakin. Pinandilatan ko siya at inunahan na sa paglalakad.
"I'm undeniably serious about it." He said as he bit his lips before holding my hand to lead the way.
That's what we're doing for the next few days.
Parating siya ang nagmamadali na maligo sa batis. Sa tuwing natatagalan ako ay sinasalubong niya 'ko ng masungit niyang mukha.
"Sinabi ko sayo na masakit pa ang binti ko e." Hinaing ko habang inaabangan niya 'ko sa hagdan ng bangin.
Isang beses akong nadulas sa batuhan dahil sa pagsaboy niya sa akin ng tubig. We tried to go near the falls when he did his tricks on me.
"I know, and I'm sorry. Can you please watch me instead?"
His gentle voice sent shivers down my nerves. He's staring gently at me as he tries to reach for my elbow.
Ngumiti ako at hinayaan siya sa gustong gawin.
Our relationship improved a bit. I became comfortable around him and it helps that he understands my zone. He'll wait until I feel good. I didn't know that I could spend my time with him knowing that he's years older than me.
"Yeah, mauupo lang ako sa batuhan."
Umupo ako sa bato habang siya naman ay nakatayo sa gilid ko. Seryoso siyang nakatingin sakin bago dumukot sa bulsa niya. Kumunot ang noo ko nang nilabas niya ang kanyang cellphone.
"I wanna take a picture of you..." He said.
Bahagya akong nagulat sa kanyang sinabi. Sinimangutan niya 'ko nang mapansin na hindi ako nakatingin sa camera.
"Hindi pa ako nakakapag-ayos. Mamaya nalang. I probably look shit in your camera." Umiling ako at umiwas ng tingin.
Narinig ko ang pagkuha niya ng litrato. Masama ko siyang nilingon ngunit naabutan ko siyang seryoso at nangingiting nakatitig sa cellphone.
"You're beautiful..."
"You're bluffing!" Singhal ko at inirapan siya.
Inagaw ko ito sa kamay niya at tiningnan ang itsura ko.
It's a candid shot. The trees and grasses are behind me. The natural curly tip of my hair falls perfectly under my chest. My face turns pinkish as the sun kisses my skin.
Suminghap ako at iniwas ito sa kanya. Ako naman ngayon.
I angle the camera so I can take a picture of him. His defined jaw and visible veins mark his maturity.
I captured Declan while his attention is all on me.
Nabigla ako nang hinablot niya ang kamay ko. Napalapit ako sa kanya at inayos pa ang pagkakaupo ko. Kinuha niya ang cellphone at hinarap niya ito sa aming dalawa.
He took a fast five shots of us. We're smiling in the first three photos. May isang kuhang nakatitig siya sakin habang seryoso akong nakatingin sa camera.
Ang huli ay nakanguso ako habang ang mukha niya ay parang nandidiri sa itsura ko. Sinapak ko siya nang makita ko ang kinalabasan nito.
"I'm gonna put this as my wallpaper." He maneuvers his phone, and I saw our fourth photo as his wall screen.
Uminit ang pakiramdam ko. Ngumuso ako habang kumakalat ang init sa buong mukha ko. Palihim akong ngumiti habang pinanonood ang ginawa niya.
Hindi naman niya 'yon kailangan gawin. Iniisip ko palang ang sasabihin ng mga taong makakakita ng larawan namin ay gusto ko ng magpakain sa lupa.
"People would think I'm your younger sister. You look matured compared to me..."
Tumawa ako ngunit matalim niya 'kong tiningnan. He glances at his phone for a while before he playfully pokes my forehead.
"Tss. Wala akong kapatid na babae. We don't even have any feature similarities." Supladong sabi niya at mariin akong tinitigan.
"Hmm, of course you're my friend..."
I giggled as I heard his groan because of what I've said. I gave him a taunting reaction when I saw the protest on his face.
He ridiculously gazes at me as his tongue plays in the corner of his mouth.
To be continued...
0 notes
dcaaiin · 2 years
Text
Kapitulo #1
Eyes Off You: Distasteful
Pinatuloy ko ang mga bisita sa aming tanggapan. Pinigilan pa ako ng ginang nang magpaalam ako na pupunta sa kusina ngunit nginitian ko lamang siya. 
Mabuti nalang at alerto ang mga kasambahay. Nakahanda na ang mga meryenda at paluto na ang hapunan. Ako lang yata talaga ang walang alam tungkol sa mga bisitang darating.
Muli akong bumalik sa pwesto nila. Naabutan ko pa ang malalalim na halakhak ng mga lalaki at nang makita ako ng ginang ay pinatigil niya ang mga ito. Kumunot ang noo ko.
"Pasensya na po at wala pa sila Mommy. I don't have any idea what time they'll be back." Paumanhin ko at umupo sa pang-isahang sofa.
"Naku! Alam naman namin na may aasikasuhin ngayong araw ang parents mo. We're just too excited to be here, that's why we came here earlier than what we planned." Natutuwang sagot ng ginang. Ngumiti ako at bahagyang dumako ang tingin sa mga wine glass.
Masyado pang maaga para uminom sila. Suminghap nalang ako nang maisip na malayo pala ang agwat ko sakanila. They are mostly busy with their business, while I'm a busy young girl enjoying her studies.
Apat na wine glass ang naroon. Sa gilid nito ay ang mga hinanda ng mga kasambahay. Nagtama ang paningin namin ng unang lalaki at nagulat ako nang umabante siya upang maglahad ng kamay sa akin.
"It seems that you don't know our names. I'm Finlay Rehan Ziervo. You can call me Finlay or Rehan." Sabi niya sa isang malalim na boses. Tinanggap ko ito at kinamayan siya.
Hindi pa ako nagpapakilala ay may isang kamay agad ang nakalahad sa harap ko.
"Treyton Cole Ziervo. It's Treyton for me." Nginitian niya ako bago tinanggap ang kamay niya.
Tiningnan ko ang kamay kong nahawakan ng magaspang na palad nila. Namumula ito kaya agaran ko itong kinuyom.
Bumalik sila sa kanilang mga pwesto at doon ko lamang napansin na masyado silang malalaki upang magkasya sa sofa.
"You didn't introduce yourself..." Nangilabot ako sa lalim ng boses ng asawa ng ginang.
Hindi naman ganyan kalaki ang boses ni dad. Nagsisigawan kaya sila kaya humantong sa ganyan?
Umangat ang tingin ko sa kanya at mariin itong nakatingin sa huling lalaki. Tumagilid ang ulo niya at nagulat ako nang magtama ang paningin naming dalawa.
"Yosef Declan Ziervo." Malalim nitong sagot habang nakatingin sa akin. Hindi man lamang nakipagkamay. Uminom pa ng wine habang nakatitig.
Is he that arrogant? Mahirap ba ang makipagkamay? Sarkastiko akong ngumiti at inirapan siya.
Hilaw na tumawa ang ginang. "I'm sorry. He's just tired because of our trip." Matalim niyang tiningnan ang lalaki bago nito binalik ang tingin sa akin.
I don't like arrogant guy like him! I will not soothe myself here when I'm insulted inside of our home!
"I don't take your reason for being 'tired' so you can justify your actions. Maybe you have an idea how a land trip can be exhausting. Next time, hire a personal driver so you can't forget about your manners." Palihis akong ngumiti habang nagsasalita at nakatitig sa kanya.
Nakita ko ang bahagyang pag-uwang ng kanyang bibig dahil sa paglalaro niya sa sulok ng kanyang labi. That lips...
Ramdam ko ang tingin sa akin ni Finlay. Habang si Treyton naman ay nakangisi at tinatanguhan ako. He winked at me and laugh.
"Excuse me..." Yumuko ako at mabilis na tinahak ang paakyat ng hagdan. Narinig ko rin ang isang busina galing sa labas.
Nang maisara ko na ang pinto ay mabilis na naghabulan ang luha ko dahil sa yamot na nararamdaman.
That guy is so rude! He insulted me in front of his family. Bakit pa siya sumama kung ganoon din pala ang asal niya kapag napapagod siya? Senyorito ba siya para hindi mapagod?!
Naalala ko bigla ang kaninang kotse na sinasakyan niya. I controlled my anger because of an idea that enters my mind. I smirked.
Kinuha ko ang aking cellphone sa gilid ng lamp at agad na tinawagan ang kaibigan ko. Ilang saglit pa ay sinagot niya na ito.
"Eliz! Guess what?" Salubong ko at humiga sa kama kong malambot.
"Go on, I'm listening." 
"I met someone so arrogant. As in a big big big arrogant! You know he's tall, masculine, and handsome, but it's disgusting knowing he's losing his manners whenever he's tired. That's so eww, right?" Umirap ako sa kawalan lalo na nang marinig ko ang tawa niya.
"Who's the guy? Maybe he just wanted to piss you off, what ya' think?" She curiously asked in the middle of her giggles.
"Excuse me? We don't even know each other so what's with him? He's so feeling close if he did it intentionally." I said.
"Well, I suggest saying  you shouldn't waste your time with that guy. Mind to tell me who's him?"
"It's Ziervo. I don't exactly remember his name. Declan?" Sagot ko at tumingin pa sa kisame upang matandaan. Sa huli ay umirap ako dahil bastos pala ang lalaking 'yon.
We stayed silent for a while.
"Is he from Manila? I'm not familiar with his name." Pagputol niya sa katahimikan.
"Maybe?"
"Alright. Just call me whenever you want or need. I'll end this call. The love of my life is calling me!" Tili niya at mabilis na binaba ito.
Saktong pagtapos ng tawag ay may kumatok sa pintuan ng kwarto. Tatlong beses itong kumatok bago magsalita.
"Miss, hinahanap ka na ng mommy mo. Sumunod ka na raw para kumain ng hapunan." Aniya.
Hindi ako sumagot at humilata nalang. Bago pa ako pumikit ay narinig ko na ang kalabog sa pinto.
"What's wrong with you, hija? Are you gonna lock yourself the whole time?" Matining na boses ni mommy sa gitna ng pagkalampag niya.
Tumayo ako at wala ng nagawa kundi ang buksan ito. Bumungad sa akin ang mataray niyang mukha nang makitang wala akong gana na humarap sa kanya.
"Sinabi ko sayo na daluhan mo ang mga bisita pero naabutan ko sila na wala ka roon! You should be considerate because they're visiting us." Pangaral niya ngunit kumunot lamang ang noo ko. Tumaas ang kilay nito dahil sa reaksyon ko.
"They shouldn't visit here if they can't keep up with their son's attitude." Nakita ko ang gulat sa mukha ni mommy.
"Anong ibig mong sabihin? Sino sa kanila?" Nalilitong tanong niya at lumapit pa. Ngumuso ako at sumimangot.
"It's Declan. Nagpakilala siya sa akin pero hindi niya po ako kinamayan. Nakaupo lang at mukhang napipilitan pa. It's not cool, I'm offended." Paliwanag ko at nakita ko ang panlalaki ng kanyang mata. Pinaypayan pa ang sarili gamit ang kamay.
"I think he didn't mean it, anak. Don't think too much about it, mas makikilala mo pa siya kapag nagtagal." aniya at hinahagod pa ang likod ko.
Sa unang beses pa nga lang na pagkakilala ko sa kanya ay ayaw ko na agad. Paano pa kaya kapag nagtagal?
Nagkibit balikat ako at hinayaan siyang hilahin ako pababa. Pinasadahan ko ang mga tao sa lamesa. Naabutan ko ang titig ni Declan kaya naman iniwasan ko ito. Napabaling ako sa ginang na naiilang na nakatingin at ngumingiti sakin.
Magkatapat ang upuan ng mga parents namin. Habang ako ay katabi si Mommy at katapat ni Declan. Sa kanan niya ay si Treyton at Finlay na parehong seryoso lamang na nakaupo.
"Before we eat, let me introduce them to you hija. This is Crizelda Ziervo and her husband, Patrick Ziervo, with their sons: Finlay Rehan, Treyton Cole, and Yosef Declan." ani dad at sinungaw ang mga bisita.
"And this is our unica hija, Eucleia Paige Armendarez."
Magaan akong tinayo ni mommy upang makamayan ang mga bisita. Malaki ang ngiti ng ginang habang seryoso naman ang asawa nito. Sa huli ay nginitian ako.
"You can call me Tita and also Tito to my husband, hija." sabi nito matapos niya akong yakapin. Tumango ako saglit at ngumiti.
Malapad ang ngiti ko habang kinakamayan sina Finlay at Treyton habang sila ay palakaibigan na ngumiti rin.
Nang dumapo ako sa harap ni Declan ay mabilis na napawi ang ngiti ko. Kumunot ang noo niya habang sinusundan ang kamay kong umiiwas. Matalim niya akong tiningnan at mabilis na kinuha ito.
Mahigpit ang pagkakahawak niya kaya naman pinilit kong alisin ito nang hindi nila nahahalata. Matalim ko rin siyang tiningnan nang maupo ako.
Nag-uusap lamang ang mga matatanda at kung minsan ay sumasali pa ang mga anak nito. Kung minsan pa'y tumatawa ang mga ito pero iniilingan ko sila dahil wala naman akong maintindihan.
Pinaglaruan ko lamang ang gulay sa pinggan at kinakagat ang pang-ibabang labi ko. Dumako ang tingin ko sa harap habang nakikinig. Naabutan ko ang seryosong paninitig ni Declan!
Akala ko ba nakikinig 'yan? Nagbabalak pa yata ang isang 'to na insultuhin ulit ako.
Tinaasan ko siya ng kilay at agad na inirapan. Napaawang ang labi niya at agad itong napalitan ng isang ngisi. Umiling siya bago ito tinabunan ng daliri at nag-iwas ng tingin.
He looks good... tss.
"Dito na muna kayo magpalipas ng gabi. Wala pa kayong pahinga at paniguradong mahihirapan kayo sa byahe." Narinig kong sinabi ni daddy.
Umangat ang tingin ko at nakita ang ngingiti-ngiting si Mommy at Tita Crizelda. Nang nakita nilang nakatingin ako ay mabilis nila itong tinikom. 
So they'll be here until tomorrow morning. Naiisip ko palang ang binabalak ko ay panalong panalo na 'ko. I'll give this arrogant guy a great lesson that he won't dare forget about his manners.
"It's good to hear that. Pwede pala tayong uminom saglit dahil dito rin naman pala kami
magpapalipas?" ani Tito Patrick at malalim na tumawa.
"It's a good idea." sagot ni daddy at sumenyas sa isang kasambahay.
"Can I join?" Biglang tanong ni Treyton bago uminom ng tubig.
Tinapik siya ni Finlay at mapaglarong nginisian. Kumunot ang noo ni mom. Nawala rin ito nang magsalita si Tita Crizelda.
"Don't drink too much. You'll be driving tomorrow." Ngumiti ito sa anak at narinig ko ang halakhak ni dad.
Lumalim na ang gabi bago sila tuluyang pumunta sa patio. Sumulyap pa sa akin si dad bago ako tinalikuran. His round eyes look gentle when he stares at me. 
Madilim sa parte nila ngunit nakita ko ang pagsindi ng mga ilaw sa ilalim at tuktok ng kinatatayuan nila. Nagbigay ito ng liwanag sa mga halaman at palamuti sa paligid.
Inubos ko ang oras sa paghahanap ng pintura sa bodega. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil baka may maligaw at pasukin ako. Hawak ko ang flashlight habang tinututok ito sa mga karton na magkakapatong.
Halos mangatog ako nang binuhat ko ang isang karton. Nang binuksan ko ito ay puro martilyo lamang ang laman nito. Binuksan ko pa ang mga ibang naibaba pero lahat ng 'yon ay puro gamit na hindi pamilyar sa akin.
Nagkalkal ako at naglakad. Tumigil lamang ako nang tumapat ang ilaw sa malaking istante na puro pintura ang nakalagay! May dumaloy na kiliti sa aking katawan dahil sa tuwa. 
Mariin kong binasa ang mga tatak nito. Pumili ako sa mga spray paint upang mapadali ang gagawin ko. Kumuha ako ng dalawang kulay at mabilis na umalis sa loob.
Malaki ang aking ngiti nang tinahak ang mga kotseng nakaparada. Nakita ko ang sasakyan ni Declan at marahang pinadaudos ang daliri ko. Hinagod ko ang nguso nito hanggang sa mapadpad ako sa likod.
"Ang ganda at linis mo pa naman. Sayang lang dahil ang pangit ng ugali ng amo mo." Hinaing ko habang tinitingnan ang malinis kong daliri pagtapos pasadahan ang kanyang kotse.
Mabilis kong inalog ang dalawang spray. Tinanggal ko ang tsinelas ko at nagsikap na tumungtong sa nguso nito. Halos magdasal ako na hindi tumunog ang alarm nito.
Nang makapag-squat na ako sa harap ng windshield ng saksakyan ay mabilis kong tinakpan ang ilong ko at nagsulat. Mayroong dalawang layer ng kulay ang mga salitang binuo ko. Ang ilalim ay makapal na gray at ang sa ibabaw ay kalahating beige.
Tumalon ako at sinuot ang tsinelas. Tiningnan ko ang ginawa ko at natatawang umiling. Kung pagagalitan man ako bukas ay wala akong pagsisisihan.
Tinapon ko lahat ng ginamit ko at dahan-dahang pumasok sa likod na pintuan. Nagulat ako nang maabutan sila mommy at tita na nagtatawanan. Nahinto sila dahil sa biglaan kong pagsulpot.
"Where have you been? I thought you're already asleep." Tanong ni Mommy at dinaluhan ako.
Tumayo rin si tita at tumabi sa gilid ko. Nakangiti pa itong nakatingin sa akin kaya ngumiti na rin ako. Bahagya pa akong umatras dahil sa amoy ng pintura na maaaring kumapit sa damit ko.
"I'm kind of bored. Nagpahingin lang po saglit bago ako matulog."
Tumango si mommy at hinaguran ako ng tingin. Sandaling kumunot ang noo niya ngunit ngumiti rin kalaunan.
"Siya sige na't magpahinga ka na. Good night, hija." Hinalikan niya ako sa pisngi at tinanguhan ako.
"Good night Mom and Tita Crizelda..." Hinalikan ko rin sila at bumeso bago tinahak ang aking kwarto.
Naligo ako at naglagay ng lotion sa katawan. Sinuot ko ang isang maroon silk pajama shirt na hanggang gitna ng hita ko. Mukha lamang walang shorts dahil natatabunan ng malaking pang-itaas ko.
Hinawi ko ang malaking kurtina ng aking bintana. Pumasok ako at pinatong ang dalawang braso sa barandilya. Naabutan ko ang malaking buwan na napaliligiran ng mga bituin. Ngumiti ako at pumikit habang dinarama ang paghampas ng malamig na simoy ng hangin sa aking katawan.
Malamya kong minulat ang aking mata. Unang tumambad sa paningin ko ay ang mata ni Declan na mariing nakatitig sa akin. Nakatingala sa barandilya ng aking kwarto habang mayroong hawak na wine glass. Bumaba ang tingin niya sa katawan ko at nakita ko kung paano sumama ang timpla sa kanyang mukha.
Kumunot ang noo ko at pinasadahan ng tingin ang suot. Hindi naman ito madungis. Tinaasan ko siya ng kilay nang bumalik ang tingin niya sa akin. Sumilip siya sa kanyang relo bago umiling. Bahagya akong napangiwi dahil sa pinakikita niyang reaksyon. Tss.
Humalukipkip ako at naglakad patungo sa kama. Pinatay ko ang lamp bago nagpahatak sa antok.
Maaga akong nagising at naghilamos. Mamaya ay maliligo ako sa batis bago pa uminit ang sikat ng araw. Nang makababa ako sa sala ay si Manang Nesa lamang ang naabutan ko. Tahimik itong nag-aayos at marahan na inangat ang tingin.
"Hindi pa po sila gising?" Tanong ko at lumapit sakanya nang mapansing walang ibang tao bukod sa aming dalawa.
"Maaga kamo sila nagising. Nag-aayos si Berto ng mga tuyong dahon nang makita niyang may pintura ang kotse ng bisita!" Pahisterya siyang umiling at tumingin sa akin.
"Bakit naman po may ganoon?" Nag-aalala kong tanong nang makita ang mariing titig niya. Nilakihan ko ang aking mata at kunwari ay nagulat pa.
"Aba! Hindi ko na alam. Siguro ay napag-diskitahan ng kung sino. Naroon ang magkakapatid kasama si Berto."
Tumango ako at tumungo kung nasaan sila. Humagikgik ako nang makawala na sa paningin ni manang. Tinago ko lamang ang ngisi ko nang makalapit sa kanila.
Sa malayong parte ay nakahalukipkip si Finlay habang kinakausap si Berto. Si Treyton naman ay malaki ang ngisi habang nasa harapan ng kotse ni Declan. Natawa ako nang muling maalala ang ginawa.
Lumihis ang tingin ko sa gilid at namataan ko ang seryosong tingin ni Declan sa akin. Nakahalukipkip at diretso ang tingin. Napawi ang tawa ko at pumeke ng ubo para pawiin ang tuwa.
"Hindi ko nakita ang nagsulat niyan, sir. Kanina ko lang napansin dahil maliwanag na." Paliwanag ni Berto. Tinapik naman siya ni Finlay at pinakawalan na ito.
"Read what's written, man. Hahaha!" Malakas na humalakhak si Treyton at hinila si Finlay. Nagpadala naman ito habang natatawa na rin.
"Damn..." ani Finlay at mabilis na tumatawang sinuntok sa braso si Treyton na ngayon ay nakatungkod na ang mga kamay sa nguso ng kotse.
" 'A guy with manners is attractive. A mannerless Ziervo with a D is distasteful.' Wew!" Malakas itong binasa ni Treyton habang malaki ang ngiting umiiling.
"That's the reason why you sleep late last night?" Baritonong boses ni Declan ang bumalot sa tainga ko. Suminghap ako at tinaasan siya ng kilay.
"Are you accusing me?" Mataray kong tanong. Umirap ako nang tinawanan niya ang sinabi ko.
"Sino pa ba ang gagawa niyan kung hindi pala ikaw?" Lumapit siya sa akin at tinitigan ako. Masama ko siyang tiningnan at muli siyang inirapan.
"As if I have an idea, no?" Humalukipkip ako at nilabanan ang mapaglaro niyang tingin.
"Because you're the one who did it..." Marahang bulong niya at nginisian ako. Sa tono niya ay para bang kumbinsido siya na ako talaga ang gumawa.
"Hindi ako!"
"If it's not you, then can you tell me who is the tiny girl I saw on the video?" aniya.
Nanlaki ang mata ko at para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Narinig ko ang malalim niyang tawa dahil sa reaksyon ko. Tinapunan ko siya ng masamang tingin bago umirap.
Hindi ko 'yon naisip!
"Well, serves you right because you're too full of yourself!" Matapang kong sagot sa kanya.
Bahagya siyang umilag at nakita ko ang ngisi na naglaro sa kanyang labi. Nawala lang ito ng muli siyang tumingin sakin.
"I didn't know that you literally forget me..." Mahinang bulong niya at naglaro muli ang dila sa sulok ng kanyang labi.
Kumunot ang noo ko at tinitigan siya.
Magsasalita na sana ako ngunit suminghap siya at umatras. Nakita ko na lumabas sila Mommy kasama ang parents niya. Masama ang tingin sa akin ni Manang Nesa dahil alam na niya siguro na ako ang may pakana nito.
"Uuwi na sana tayo pagkatapos mag-agahan pero narinig ko ang nangyari." Nag-aalalang tono ni Tita Crizelda at tumungo sa anak.
Napalingon ako nang hilahin ako ni daddy. Seryoso siyang nakatitig sa akin at pinagkibit balikat ko iyon. Umiling siya at hinaplos ang ulo ko.
"Hindi mo dapat ginawa 'yon, anak. You should apologize for the damage you cause." Magaan ang tono ni dad habang pinagsasabihan ako.
Kumunot ang noo ko. I didn't even smash his car. Siya nga dapat ang humingi ng dispensa dahil ininsulto niya ako.
"She don't have to, tito." Singit ni Declan at sinulyapan ako. Inirapan ko siya at umiwas ng tingin. 
"Right. My son is the one who crossed the line." ani tito na pabor sa sinabi ng anak.
Napabaling ako kay Treyton nang tinapik niya ako at binigyan ng malapad na ngiti.
"You gain my admiration. You should invite me next time." Tumango siya at nagthumbs-up pa.
"I like the color you used." Nakangising singit ni Finlay.
Inilingan ko sila at nilagpasan. Nagtama ang tingin namin ni Declan ngunit siya ang unang umiwas. 
Nawala rin sa usapan ang ginawa ko sa kotse ni Declan nang magsimula na kaming kumain. Nang matapos ang agahan ay hinatid na namin sila sa kanilang mga sasakyan.
Ma-drama na nag-uusap si mommy at tita sa gilid. Napailing ako at tumikhim.
"We should stay longer on our next visit." Narinig kong sinabi ni Tita Crizelda habang nakasukbit ang kamay nito sa braso ni Mommy.
"I'll look forward to that..."
Isa-isa kong narinig ang alarm ng kanilang mga sasakyan. Napabaling ako kay Tita Crizelda nang nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa gilid ko.
"What now?" Nalilitong tanong ni Tita at nahinto sa pagpasok sa sinasakyan.
"I'm staying here." Malalim na sagot ni Declan. Napabaling ako sa kanya at kumunot ang noo. Tinaasan niya 'ko ng kilay at iniwasan ng tingin.
He what? Ano namang gagawin ng isang 'to rito at bakit mananatili pa siya? Hindi niya yata alam na naalibadbaran ako sa kanya.
Narinig ko ang mahinang halakhak ni Treyton sa gilid. Nagkibit-balikat pa ito bago ako kinawayan papasok sa loob ng kotse niya.
Kumurap-kurap si tita at napatingin sa kanyang asawa bago lumandas kay mommy. Ilang segundo pa siyang natulala at matamis na ngumiti.
"Pardon me, son?"
"You heard me, I'm staying." Tumango pa siya at mariin na tumikhim. Hilaw niya 'kong nilihisan ng tingin at tamad na iniwas ito.
The nerve of this guy!
To be continued...
0 notes
dcaaiin · 2 years
Text
Umpisa
Eyes Off You: Umpisa
In the middle of hummingbirds and the sound of dancing waves that keep on soothing my mind, I tried to fall back to sleep, but I can't rest anymore. I extend my left hand and look in every corner. It still looks healthy and clean. I smiled.
I craned my neck as I look around the room. I got confused for a while that the surrounding is unfamiliar to me. Nasisiguro kong hindi ko ito kwarto. Sa ilang beses kong paggising sa tala ng aking buhay, ngayon lamang ako nakarinig ng malalakas na huni ng ibon at agos ng alon. 
Imposibleng may umusbong na dagat sa malapit!
Ang kisame't pader ay natural na gawa sa mga matatabang kawayan. Nang inangat ko ang aking tingin ay mayroong isang larawan sa harap ng kamang hinihigaan ko. Tumayo ako't nilapitan ito upang makita nang tuluyan.
Isa itong pinta ng makulay na himpapawid at sa likod ng makapal na ulap ay ang papalubog na araw. Sa harap ng imahe na iyon ay ang taong kilalang-kilala ko.
Hindi ako pwedeng magkamali! Ako ang gumuhit nito. Napatunayan lamang ito nang marahan kong ginuhit ang pirma sa pinakababa nito. Kung hindi mo susuriin nang mabuti ay hindi mo mapapansin ang mga letra na sulat kamay ko.
At isang tao lamang ang pinag-alayan ko nito...
"You're awake.." 
Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Bumungad sa akin ang katawan niya na may sukbit na puting tuwalya. Ang abo niyang pang-ibaba ay pumuri lamang sa kaniyang morenong balat.
Iniwas ko ang aking tingin nang pinantayan niya ang mata ko.
"Bakit hindi mo 'to binasura?!" Tanong ko at tinuro ang pininta ko. 
Malinaw na ang lahat ng nangyari noon. Kung bakit hindi niya pa ito itinatapon hanggang ngayon ay isang malaking kahibangan.
Nakita ko ang blangkong emosyon sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa pinta ko. Kung noon ay iba ang expresyon ng mga ito, ngayo'y hindi na tulad noon.
"It's one of your pieces. Why would I do that?" Sagot niya at nahihimigan ko ang insulto sa tono niya. 
"Dahil wala akong makitang rason para buhayin mo pa ang gawa ko. Sa araw palang na 'yon dapat itinapon mo na!" Nagpupuyos kong sinabi ngunit huminga lang siya nang malalim at hinagod ang kaniyang buhok bago marahan na lumapit sa akin.
Sinubukan niyang hawakan ang aking siko ngunit mabilis ko itong iniwas. Umatras ako at bahagyang nabangga ang frame kung saan nakalagay ang pininta ko. Wala na akong maatrasan pa na dahilan upang itulak ko siya.
He caught it before trapping it in his callused hand. Pumiglas ako ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya. Ipinako niya ito sa gilid habang ang kanang kamay niya'y bumaba sa baywang ko.
Tinitigan ko siya nang masama ngunit binawian niya lang ito ng isang magaan na tingin.
Magaling. Kung tusukin ko kaya ang mata mo nang wala kang malinlang na tao!
He lowered his face near my ear. "The day that you gave me your art, it's already considered out of your hold. I took it as a reason to have an authority either to keep it or not." His arrogant voice made my blood boils.
Ang lakas talaga ng loob mo! Kung hindi ko 'yan ginawa ay wala kang ganiyan. Umirap ako.
Inangat niya ang kaniyang mukha at malalim na tumingin sa mga mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa galit na nararamdaman. Lumapat ang kamay niya sa baba ko ngunit agaran ko itong iniwas. Nagtama lamang ang mata naming dalawa nang sinubukan niyang yumuko upang pumantay sa akin.
After years, for the first time, I see raged and pain in his eyes. It digs within me I can't continue glaring at him.
"Why can't I keep you? Is it too much to ask?" Namamaos niyang tanong kasabay nang paglalaro ng dila nito sa sulok ng kaniyang labi. Tila pinipigilan ang nararamdaman at gustong sabihin.
"Too much to even ask." Malamig kong sagot at nginisian siya.
"I'll do my best to have you..." Sagot niya at naramdaman ko muli ang pagkakahawak niya sa akin.
"You will never have me."
Umiling siya at marahan akong binitiwan. Suminghap siya habang seryoso akong tiningnan.
"I will let your emotions hurt me, but you'll never see me giving up on you. I'll cradle you until you come back to me." Sabi niya bago tumalikod at pumasok sa kabilang kabisera.
Nang mawala siya sa paningin ko'y dahan-dahang bumagsak ang luha na hindi ko namalayan na naipon. Ang sakit na naramdaman ko ay matagal nang nawala't nabalutan ng pait. Ngayon ay naging taksil na sumisilip.
Pumikit ako nang mariin at kinalma ang sarili. I won't let his words melt me. Not when I struggled a lot putting myself back.
And now that everything was favorable...
He's here chasing me back. When way back my feelings for him are still calm and composed, he neglected it.
Dumaan ang oras nang desidido na akong halughugin ang loob ng buong kwarto. Ang mga kawayan na nagsisilbing pundasyon na ito'y nanunuot sa paa ko. Sa bawat gamit na inihahagis ko ay laking salamat na hindi ito gumagawa ng anumang ingay. 
Sinubukan kong hatakin ang ilalim ng antique na aparador ngunit anumang hatak ang gawin ko'y hindi ito umaabante. Tumayo ako at sinilip ang gilid nito. Agaran ko itong hinampas nang makita na konektado ito sa mga kawayan!
Hindi ako pwedeng manatili rito. Lalo na't narito siya. Tinuturing kong malaking katangahan ang naging desisyon ko kagabi kung kaya't napadpad ako sa kung nasaan man ako ngayon.
At talagang magaling ang tiyempo ng panahon. Ha!
Hinagilap ko ang mga bagay na nakikita ko sa tukador at nagbabakasakali na makita ang mga gamit ko. Puro lamang magagandang uri ng bato ang mga naroon. 
Nahuli ng paningin ko ang isang makintab na tila babasaging bato. Halos kalaki nito ang mga palad ko. Marahan ko itong hinawakan gamit ang aking dalawang kamay. Ang ngiti sa labi ko'y hindi na maialis nang matunghayan ang pinaghalong dilaw at kahel na mga kulay na nakatarak sa loob nito. 
Mas lalo lamang namutawi sa akin ang saya nang makita kung ano ang nakalagay sa gitna nito. Ito'y isang maliit at naninilaw na black-eye susan!
"What are you doin'?" Sa malaking boses na iyon ay agad ko itong tinago sa palad ko.
Matapang ko siyang hinarap at naabutan ko pa kung paano niya sinundan ang kamay kong itinatago ko sa aking likod.
He bites his lips before he lazily bore his eyes to me.
"Where are my things?" Tanong ko at iginala ang paningin ko. 
Doon ko lamang napansin ang mga muwebles na nawala sa kanilang mga posisyon. Ang panigurado kong mga gamit niya ay nakakalat sa sahig at agad akong pinamulahan ng mukha nang mapasadahan ko ang isang underwear niyang ngayon ay nakalaylay sa kama. Sa kagustuhan kong mahanap ang gamit ko ay hindi ko na namalayan.
"You should've asked me.." Mahinang sabi niya matapos igala ang mata sa kwarto. 
Ipinahahayag na mas mabuting tinanong ko na lamang siya upang hindi maging ganito kakalat ang kwartong ito. Kung sana'y itinabi niya na lamang sakin ang mga 'yon!
"You shouldn't put it anywhere tho. That's my thing, and it's prohibited to be touched by anybody." singhal ko. Nakita ko ang bahagyang pag-awang ng labi niya at mabilis na napalitan ng isang ngisi.
"I did nothing to your purse. I only charged your mobile, so you can already use it once you're awake." Dipensa niya at magaan akong tiningnan. 
Sarkastiko akong ngumiti at tinaasan siya ng kilay. Nakita ko ang mas lalo niyang pagseryoso.
"I'm fully awake and eyes wide open, now where is it?" Tanong ko at inilahad ang kamay ko sa harap niya. 
Bumaba ang tingin niya rito bago ibinalik ang tingin sa akin. Nilakihan ko siya ng mata at winagayway ang kamay kong nakalahad.
"It's still not completely charged..." Magaspang niyang sinabi.
"Well, I don't need my battery to reach its one hundred percent! I'm here asking you where my goddamn purse is ?" Tumaas ang boses ko at napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya. 
Suminghap siya at tinahak ang isa pang hilera papasok. Ilang minuto pa bago siya lumabas dala ang puti kong purse. Napansin ko ang paraan ng pagkakahawak niya rito. Masyadong maingat at parang ayaw mabitiwan.
"I put your phone inside. You can take a call if you want." Nakakunot niyang sinabi nang inilahad niya sa akin ang gamit ko. Tiningnan niya muna ako nang mariin bago siya umatras at hinila ang isang upuan sa malapit bago umupo roon.
Talagang tatawag ako. Hindi dahil iyon ang suhestyon mo. Kundi dahil kailangan kong malaman kung paanong ang lintek na katawan ko ay biglaan nalang nakahilata sa kama mo!
"Hija, good afternoon. Nasaan ka?" Matining na tono ni Mommy. Tila sabik ang tono sa bawat bitiw ng salita.
"I'm doing some of my homework, why?" Sagot ko at inipit ang cellphone sa gitna ng balikat at tenga ko.
Mabilis kong inilipat ang mga nagupit na magazine sa isang maliit na case. Ang mga nakakalat na papel ay mas lalo lamang sumaboy nang umihip ang malakas na hangin galing sa bintana.
Tumayo ako at marahan na sinarado ang slide nito sapat na upang makapasok ang pang-hapon na sinag ng araw. Pinagmasadan ko ang nag-aagaw na asul at kahel na ulap bago unti-unting napangiti.
"Mahuhuli kami ng uwi ng Daddy mo. Hindi ako sigurado kung malapit na ang bisita. Huli kong nakausap ay sabi patungo na raw sila. Mamaya naman ay naligaw na sila, sa tingin mo?" Madramang sinabi niya. 
Sinong bisita ang inaasahan? Ngayon lamang niya nabanggit na may parating na pala. Kung kailan naman may ginagawa ako't wala sila ay saka naman ito nag-imbita.
"Mom, I have a lot of works to do. Hindi naman po sila maliligaw kung alam na nila ang 'atin." Sagot ko bago pinagpatuloy ang paggupit.
" 'Yon nga ang problema, hija. Hindi nila gaanong tanda ang bahay natin." Mahinang sagot nito. Kumunot ang noo ko. 
"Hindi po ba sinabi na nila sayo na malapit na sila. Why don't you just contact them again so you can ease your concern?" Tanong ko at hinilera ang mga nagupit ko na.
She stayed silent for a while. "I'll contact them, anak. Pero pwede ba na salubungin mo sila? Hindi pwedeng ang mga kasambahay at guard lamang ang madaratnan nila." 
"Alright..." Sagot ko at inayos ang natirang hilera.
"We'll come home as soon as possible. Entertain our visitors, okay?" Maligalig niyang sinabi. 
"Okay."
Pagbaba ko nito ay wala na akong nagawa kundi ang ligpitin ang mga nakakalat. Mamaya ay ipagpapatuloy ko ito. 
Mabilis akong naligo at nag-ayos bago mapag-isipan na bumaba. Ang mga frame sa kanang pader ay mistulang nakalilibang habang tinatahak ang hagdan. Ang lapad at haba ng bawat palapag ay nagbibigay espasyo sa mga plorera na puno ng iba't ibang bulaklak na nakalagay sa bawat kaliwang dulo nito.
Narinig ko ang malakas na busina galing sa sasakyan. Nagsilabasan ang kasambahay namin upang salubungin ang mga ito. Suminghap ako bago sumunod sa kanila.
Isa-isa silang humilera mula sa malaking pinto hanggang sa dulo ng hagdan. Ang mga kasambahay ay nasa parteng kanan habang ang mga guard at driver namin ay sa kaliwang banda.
Sino ba ang bisita ni Mommy at bakit ganito ka pormal ang mga tao? Ang mga kasambahay namin ay halatang kabado at ang iba ay namumula pa! 
Umihip ang malakas na hangin bago ko inayos ang sarili upang humarap sa mga bisita.
Isang driver ang lumabas sa sinasakyan nilang Toyota Hiace. Napakurap ako nang lumabas ang isang matipunong ginoo at inalalayan ang ginang palabas. Nang magdikit sila ay doon ko pa lamang napagtanto na mag-asawa ito.
Binaba ng ginang ang kaniyang salamin at iginala ang mata. Naestatwa ako nang tumigil ang mata niya sa akin. 
Ang kutis nito ay animo hindi nasisinagan ng araw. Ang itsura nito'y katulad ng mga nakikita kong kontrabida sa mga teleserye. Ngunit ang kaninang seryosong mukha ay nabahiran ng isang matamis na ngiti.
"Hija!" Tuwang tuwa na tawag niya at halos tumakbo pa sa gawi ko. Ngumiti ako at lumapit sa kaniya.
"Magandang hapon po. Kumusta po ang byahe?" Tanong ko. 
Imbes na sagutin niya ito ay nabigla ako nang hinagod niya ang mukha ko hanggang sa mga braso ko. Tumigil upang mahawakan ang kamay ko.
Napasinghap ako sa inasal niya. Hindi sanay na hinahawakan bigla. Pinigilan ko ang kaba na naramdaman at pinilit ko ang ngiti kong napanis dahil sa ginawa niya.
Napatingin ako sa asawa niyang malalim na tumawa.
"Ang laki mo na! I bet you already forget about us. It's been five years since we last saw each other." Kuminang ang mata niya habang pinagmamasdan ako. Ngumiti ako at bahagyang umatras.
"Yes, I kind of not remember you po. I'm sorry." Hilaw akong ngumiti. Madrama siyang nalungkot ngunit ngumiti rin kalaunan.
"It's alright, hija. That was when you're just thirteen years old. You grew up so fast." Magaan siyang ngumiti at nakita ko kung paano humagod ang kamay ng asawa niya sa kaniyang siko. Kahit na may edad na'y hindi ko maitatanggi ang kakisigan ng pangangatawan nito.
"Shall we proceed in our living room?" Nakangiti kong tanong at iminuwestra ang loob.
"Sure!" Tumango ito ngunit luminga ito na tila may hinahanap. 
Huminto ang titig niya sa likod at doon ko lamang napansin ang iba pang mga sasakyan. The lavish model of their cars made me seer.
Lumabas sa isang Alpina B7 ang isang morenong lalaki. Sumilip muna siya sa kaniyang relo bago bumaling ang tingin sa harap. Makapal ang kilay nito at kung hindi lang siya ngumiti ay iisipin kong suplado siya. His manly shaved hair made him look more mature. This guy reminds me of some Calvin Klein models.
Sumunod ang galing sa Model S na sasakyan. Katamtaman ang pagka-moreno nito ngunit naagaw agad ng pansin ko ang crew cut niyang buhok na mayroong ahit sa ilalim nito. Mapaglaro itong nakangisi habang iniikot ang paningin. He looks menacing. I think he's not good at some delicate scenario.
Ang sa huling lumabas ay ang lalaki sa SL-Class. The way he shut his door surprised me. How rude. His quiff with tapered undercut hair looks good. Mas moreno siya kumpara sa dalawang nauna. He has foreign features that can easily possess someone. He found his way to my eyes and intensely gawked at me. 
Nang lumapit sila ay agad akong napasinghap. They are too tall and masculine. I feel small next to them.
Napansin ng pang-huling lalaki ang biglaan kong pag-atras nang makalapit sila. Tinitigan niya 'ko ngunit iniwas ko ang mata ko. 
Narinig ko ang malalim na tawa ng naunang lalaki. 
Alam kong pinamulahan na ako kaya yumuko ako't pumikit. Sana lang ay tumigil na siya sa katatawa. He's weird!
Nang dumilat ako ay taas noo ko silang tiningnan isa-isa.
"May we continue our greetings inside? Our living room is comfier than here." Tanong ko. Pumalakpak naman ang ginang.
Mabilis na nanlaki ang mata ko nang kumapit siya sa akin. Malaki ang ngiti nito kaya naman siminghap ako at kumalma. 
Nang lumihis ang tingin ko ay tumama ang mata ko sa huling lalaki. 
Nangunot ang noo ko bago siya iwanan ng tingin.
To be continued...
0 notes
dcaaiin · 2 years
Text
Eyes Off You
Sypnosis
Eucleia Paige Armendarez is in love with the thought of being lost in the beauty of art through painting. She is not expressive as you think, but with the help of colors and shapes, you will learn about the emotion playing with her. She will realize that her love once will give her different colors in life.
Visit here:
0 notes
dcaaiin · 3 years
Text
I hope to finish the series I’m writing... motivation cutieee
0 notes