Tumgik
laivanlang · 16 days
Text
James 4:2
“You desire but do not have, so you kill. You covet but you cannot get what you want, so you quarrel and fight. You do not have because you do not ask God.”
april 14, 2024, 10:00pm
i cried out to the Lord with the heaviness of my heart, asking Him lots of whys
why do I and my family need to go through these challenges?
ang hirap umusad
lately, sobrang bigat ng mga pangyayari. there are decisions i regret making but don't regret at the same time
yung nagresign ako ng walang back up plan, ang hirap, nalubog kami agad sa utang dahil sa daily allowance at lalo na tuition fees ng mga kapatid ko
God answered my prayer and gave me a job but I am thankful and ungrateful at the same time
napag alaman ko na minamaliit ng bombo kung asan ako ngayon nagwowork
accepting this job I have right now, as in nilunok ko na ang pride ko at imbes comfort ang marinig ko sa kanila, i know even if I don't see it, I can imagine their faces mocking me and laughing at my fate right now dahil mas mataas ang sahod ko doon kesa dito
it hurts me and it makes me angry pero tiis lang!
yes, God gave me a job para makatulong makastart ako ulit, may maipambayad sa tambak naming utang, hoping na makakaipon onti dahil bakasyon ng mga kapatid ko from college
pero biglang bagsak naman si Eljon sa isa niyang major, which means magsasummer class siya to catch that up
syempre problema na naman ang pamasahe at tuition fees (na magsisilbing ipon sana) na akala namin ni Papa makakapagpahinga kami ng onti sa expenses
I ask God, bakit???
grabe naman! oo gets ko na He is just allowing these things to happen to make us stronger at magkaroon ng testimony that will glorify Him
pero this time, I cried my real concern
naging totoo lang ako sa harapan ng Panginoon
my prayer contains...
"grabe Ka na, Lord. tama na. this time favor naman ang ibigay Niyo sa akin at sa family ko. hirap na hirap na kami, Lord. alam kong hindi Ikaw ang nagbibigay ng pasanin sa buhay namin but You have the power to block the work of the devil. wag Mo naman nang i-allow. ang hirap hiral na, Lord. parang awa mo naman! this time makausad man lang kami. this time yung the best naman ang makamtan namin. sige na!"
this prayer may sound rude but after balling my eyes out, biglang nagshift ang prayer ko into thanksgiving
God reminded me na everything do not happen accidentally
niremind ako ni Lord dahil ngayong araw P20 lang ang perang meron kami and yet, nakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. may bonus pang meryenda
sa tulong ng mga tito at tita ko na naging kasangkapan ni Lord, naitawid namin muli ang araw na ito—all by the grace of God
I was reminded that God is still there.
nang magsearch ako ng daily devotion sa google, James 4:2 ang bumungad this day
at iyong, "You do not have because you do not ask God" grabe ang impact
I ask Him pero minsan lang. I limit Him. maybe because di ako naniniwala sa kakayahan Niya
pero muli akong magtitiwala. muli akong mag aask
0 notes
laivanlang · 20 days
Text
autopilot nalang
natapos na naman ang isang araw na pahinga. trabaho ulit bukas.
I know I prayed for this job. given naman na mas maigi nang meron kesa tambay lang but I'm not happy.
I miss my friends on my previous job. I miss the comfortability pero lakas ng loob ko non na umapak muli sa uncomfortability nang mapagod ako sa work ko don.
pero nung andito na, sinagot ni Lord ang dalangin ko na makaalis sa first job ko at magland dito sa work na office hours at walang pasok ng Sunday, hindi pa rin ako masaya.
kelan ba nakukuntento ang tao?
iniisip ko palang na papasok na naman ako bukas, nawawalan na ako ng gana. naiiyak na ako.
siguro dahil hindi pa ako sanay. bago ulit. maybe if I still continue on showing up baka magustuhan ko rin eventually?
well, wala naman akong choice eh.
I mean, there are choices. I just have to think twice of the consequences.
parang ang hirap itawid ng 3 months for now. 3 months lang naman ang kontrata ko don at possible namang maextend pero right now, I'm silently praying na sana hindi na.
pero kailangan ko kasi ng trabaho 😭
why can't I have the best?
all my life hindi ko naoobtain yung mga bagay na pinapangarap ko. all my life I am deprived of everything—ganda ng katawan, ganda, career, opportunities.
ewan pero parang ang lagi kong natatanggap yung mga bagay na "pwede na"
pero sana in all areas, itong career growth, nakakabuhay na salary nalang ang ibigay sa akin ni Lord.
I'm still trying to keep the hope and faith. I'm still trying to be joyful pero sabay sabay lahat.
pag problema mo pera, lahat damay.
ayun bagsak si Eljon sa isa niyang major subject kaya magsa summer class siya. gastos na naman.
kahit obviously na hindi namin kaya pang isustain pag-aaral nila, ang bigat sa heart na makita silang malungkot.
bwisit! nakakainis!
pls, allow me for now na magmura. nakakainis lang kasi
parang ayoko nalang magising.
umiiyak ako ngayon ha. ang bigat sa heart.
kelan ako magkakaroon ng trabaho na hindi ako papasok para lang sa sweldo?
kelan ako papasok ng excited dahil gusto ko yung trabaho ko?
kelan ako maglolook forward sa sahod dahil alam kong malaki?
bukod kasi sa ayoko na nga nitong trabaho, di ka pa maeencourage sa sahod na kakarampot.
bwisit!
papasok lang dahil kailangan. autopilot nalang.
papasok pero hinihiling na sana uwian na agad.
ayaw namang mag absent or half day man lang kasi sayang na yung maibabawas sa sahod. kakarampot na nga lang eh.
so anong dapat gawin? edi show up lang.
kahit na pinipilit ko nalang talaga ang sarili ko. kahit na hiyang hiya ako kasi di ako proud sa work ko.
I mean, I came from a well known company with the position that aligned with my course tapos babagsak lang ako sa role na malayo sa inaral ko.
it hurts my pride but pride won't provide us food kasi.
so, autopilot nalang.
sana sa sunod na balikan ko tong drama na ito, nasa mas maayos at magandang position at kumpanya na ako.
Diyos ko, sige na oh. bigay Mo naman na sa akin ito 😭
0 notes
laivanlang · 24 days
Text
Balang araw, Ako rin
Disclaimer: Ang blog na ito ay naglalaman lamang ng totoo at valid na emosyon mula sa isang taong patuloy na nagtitiwala kahit mukhang imposible. bow
nabasa niyo naman sa titulo, balang araw ako rin
may ideya kaba kung tungkol saan ito?
well, para sa isang procrastinator, may vision ngunit walang aksyon, at day dreamer na gaya ko, I spend most of the time scrolling lang sa social media.
pag nagsawa sa facebook, punta kay tiktok. pag nagsagawa, gora sa instagram and so on and so forth. so syempre, marami kang makikitang stories ng mga friends mo na kung saan saan na nakakagala, nakakakain ng mga masasarap na pagkain, café here café there. name it
so syempre para sa isang puritang gaya ko, ano sa tingin niyo ang mararamdaman ko while looking at those pix and vidiyows?
ang makahula, bigyan ko isang stick ng nescafe 😜
kung ang naisip mo ay ‘maiinggit’, tumpak ka fren. you just won a one stick of nescafe! 🎉
I think it's normal.
It's normal to ask and compare your situation, bakit parang ang dali ng buhay para sa kanila? Bakit sila hindi hirap sa pera?
Hindi ko magets pero alam niyo yung nauso sa tiktok na, "paano mo narealize na mahirap kayo noon?"
te, ngayon kami mahirap. ngayon ko nararanasan ang hirap. tipong pampamasahe lang papuntang bayan na nagkakahalaga lang ng P40 back and forth, te diko afford. kung afford ko man, iisipin ko nalang isang sardinas at itlog na rin yon pang ulam. odiba ganoon kami kahirap ngayon
may trabaho naman ako. yun lang, yung babaeng 16 yrs na pinagkagastusan ng kaniyang mga magulang sa kaniyang pag-aaral, naging minimum wage earner lang. yung tatay ko, paextra extra nalang sa construction ngayon. dalawang bahay pa sinusuportahan niya.
kung magtataka kayo kung bakit, wag niyo ng alamin. personal na yorn
tapos dalawa pa ang ginagapang naming makapagtapos ng kolehiyo so ang ending, utang here, utang there
ganern
kaya you can't blame me if I feel insecure and inggit whenever I see people my age, living the life I want
believe me, I'm pushing myself to be positive. to not get discouraged pero as a normal person with an emotion, I can't be positive all the time. I can thank God all the time. I can't be happy all the time. Kristyano ako, oo pero minsan ang sarap nalang magmura dahil sa sobrang hirap ng buhay
like, hanggang kailan pa itong paghihirap na ito, Lord? kung sana buhay pa si mama baka hindi ganito eh kaso wala na siya eh. hayst
pero ayorn alangan namang pakamatay ako diba. yes, I'm sorry for being vulgar pero that thought is already playing inside my mind
as much as possible, I try not to ever say "sana all" again and use "balang araw, ako rin" instead.
para atleast, hopeful parin diba. para atleast nagpapahayag pa rin ng possibility
ayorn, diko man alam kung may nagbabasa nito pero gusto ko lang maging transparent and show my vulnerability. eme
1 note · View note