Tumgik
#Mahal Na Ina Ng Laging Saklolo
lhenpapa23 · 2 years
Text
Baclaran Day
May 25, 2022 - Wednesday
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Muli ko na naman nabisita ang Mahal na Ina ng Laging Saklolo at sobrang namiss ko talaga. 🥺 Thank you po Papa God, nangyari po ang araw na ito na naaayon sa Inyong kalooban. 🙏
0 notes
reyahellyow · 2 years
Text
pagsusulat, bakit ang hirap mong mahalin? xx lost and dead inside mga ka-90s xx
ang pagsusulat at ang buhay ay magkapareho. magbago ka lang ng isang salita sa isang kwento, pindutin mo lang ang fire alarm ng isang building, automatic iikot ng 360 degrees ang buhay mo.
Kumuha NG nakahubad
Kumuha NANG nakahubad
dalawa at apat na letra lang pero powerful. pwedeng baguhin ang takbo ng buhay mo.
mahirap hanapin ang sarili. minsan magigising ka sa umaga na puro tanong. madalas makikita mo ang sarili mo na nasa mall, nasa sunken garden, nagjjog o kaya ay sa paborito mong lugar, nag-iikot. nagbabakasakali na unconsciously, mahanap mo ang sagot sa tanong na ano pa ba ang kulang?
may isang gabi hindi ako makatulog. iniisip ko, paano kaya kung itinuloy ko noon ang course ko sa UP na Malikhaing Pagsulat Sa Filipino? paano kung hindi ako naduwag? paano kaya kung mas maaga kong nadiskubre na mahal ko ang pelikulang Pilipino? 
paano kaya?
binalikan ko ‘yung dati kong tumblr, blog accounts at mga notes sa dati kong phone. bumungad sa’kin ang mala-sementeryong drafts...mga sulat kong inuod na dahil matagal na silang nakahimlay. para silang mga buhay na pilit inilibing at ngayon ay humihingi ng saklolo. parang extra judicial killings--buhay pa pero pinatay ko kaagad kasi akala ko wala na silang silbi. para akong ina na nakunan at ang mga sulat ko ang mga anak ko.
ang hirap magsulat. lagi kang nasa gitna ng maganda na ba o hindi pa? para kang may inaabot na hindi mo maabot. kapag naabot mo naman, pakiramdam mo ay kulang pa rin. laging kulang pa rin.
tapos na ba? o bitin pa? madadagdagan pa ba o tama na?
laging may kulang.
katulad nito.
(hindi ko) natapos ko ang sulat na ‘to habang nakikinig ng classical music titled: Experience ni Ludovico Einaudi et al., sa susunod ay ikkwento ko kung paano nakakatulong ang music sa pagsusulat.
0 notes
piouscatholic · 2 years
Text
#MAHALNAINANGLAGINGSAKLOLO
PANALANGIN SA NOBENA
Mahal na Ina ng Laging Saklolo, buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Jesus, upang maging Ina namin. Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga Ina. Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalung-lalo na ang biyayang ito …
(tumigil at sabihin ang iyong mga hangarin)
Noong ikaw ay nasa lupa, minamahal na Ina, ikaw ay buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak. Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-Amang pagmamahal ng Diyos; tinanggap mo ang Kanyang mahiwagang kalooban.
Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay.
Kung minsan ang mga ito’y parang hindi na naming kayang pasanin.
Pinakamamahal na Ina, bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. Ipaunawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin at tinutugon Niya ang lahat ng aming mga panalangin sa paraang makabubuti sa amin. Palakasin mo ang aming loob sa pagpapasan ng krus tulad ng iyong Banal na Anak.
Tulungan mong maunawan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ay tiyak na makakabahagi rin sa kanyang muling pagkabuhay.
Pinakamamahal na Ina, habang kami ay nababahala sa sarili naming mga suliranin, huwag sana naming maimutan ang mga pangangailangan ng iba. Mahal na mahal mo sila; tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila.
Samantalang idinadalangin namin ang aming mga adhikain at mga adhikain ng lahat ng naririto ngayon; mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo aming ina, tulungan mo kaming makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga maysakit at sa mga malapit ng sumakabilang buhay; magpahilom ng sugat ng mga pusong wasak, magpagaan ng tinitiis ng mga inaapi, at turuan ng katarungan, ang mga sa kanila’y nang-aapi at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa Kanya.
Pinakamamahal na Ina, tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa’t-isa. Buong tiwala naming isinasalalay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasang kami’y iyong tutulungan.
Amen.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
Photo
Tumblr media
Maringal na Kapistahan Masintahing Ina Ng Laging Saklolo! ❤️ Maraming, maraming Salamat Mahal na Ina sa lahat ng biyaya at tulong mo sa akin at sa aking mga mahal sa buhay. Sa mga panalangin at pangarap na tinupad mo, panghabang-buhay itong nakaukit sa aming mga puso. Patuloy mo kaming gabayan upang kami’y maging saklolo rin sa mga nangangailangan. #ourmotherofperpetualhelp #BaclaranChurch #OMPHFeast2020 (at National Shrine of Our Mother of Perpetual Help) https://www.instagram.com/p/CB79vkSBflZbN223tAm1JE8CGBC5VQHEGGSga00/?igshid=awg678jvv8hg
0 notes
mabuhaytravel · 5 years
Text
The National Shrine of Our Mother of Perpetual Help; Kilala bilang Baclaran Church
Tumblr media
Ang Baclaran ay karaniwang twag sa Simbahang Redemptorist o Pambansang Dambana sa Mahal Nating Ina ng Laging Saklolo. Ang Simbahan ay isa sa pinkamalaking simbahan Marian sa Pilipinas, punong himpilan ng mga paring Redemptorist sa Pilipinas at dinadagsa ng libo-libong deboto sa tuwing Miyerkoles upang lumahok sa nobena para sa Birheng Maria.
Dinala ng mga Redemptorist na paring Irish at Australyano ang Imahen ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran noong 1906. Salungat sa popular na paniwala ang nobenang perpetuwal tuwing Miyerkules ay hindi nagsimula sa Baclaran kundi sa simbahang Redemptorist sa San Clemente, Iloilo. Ipinakilala iyo sa Baclaran ni Padre Gerard O’Donnel at isinagawa ang unang nobena sa Baclaran ni Padre Leo English noong 23 Hunyo 1943, isang Miyerkoles.
Ang dambana at ang Imahen ng Baclaran ay naglaroon ng mag pagbabago. Noong 1932, pinalitan ng higit na malaking ikono ang Ina ng Laging Saklolo para sa lumalaking bilang ng deboto. Ang kasalukuyang estruktura ng simbahan na Modernong Romanesque ay ikatlo nang itinayo sa pook nito ngayon.  Natapos ang dambana noong Disyembre 1952 may upuan sa 2,000 katao. Tawag na sa aming mga Pilipino travel consultant para sa inyo bakasyon sa Pilipinas. MABUHAY TRAVELS
 Maraming Salamat po.
0 notes
byalung · 7 years
Text
Pista ng Ina ng Laging Saklolo
Pista ng Ina ng Laging Saklolo
Ni: Clemen Bautista
SA malalaking simbahang Katoliko at mga katedral sa ating bansa, matatagpuan ang dambana ng Mahal na Birhen.
Mababanggit na halimbawa ang katedral ng Antipolo sa Rizal na shrine ng Mahal na Birhen ng Antipolo na mas kilala sa tawag na Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay. Sa simbahan ng Manaoag, Pangasinan ay ang dambana ng Our Lady of Manaoag. Sa Bicol,…
View On WordPress
0 notes
iamearljohn · 7 years
Photo
Tumblr media
🎶 Ang unang letra'y ASUNCION/ Ere nama'y RESURRECTION/ Ang ikatlo'y ADORACION/ Ere nama'y LAMENTACION/ A.R.A.L. Sa Mahal Na Poon 🎶 It's that time of the year again 🙏🙏 #SemanaSanta2017 (at Ina Ng Laging Saklolo Parish, Tagaytay)
0 notes
piouscatholic · 3 years
Text
PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo.
Siya nawa.
[PAGSISISI]
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at sama ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.
Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya.
Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay.
Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit.
Siya nawa.
[IKALAWANG ARAW- November 5]
Nahahapis na Ina, nababatid ko ang hirap na iyong nadama nang sa Iyong pag-uwi sa Iyong tahanan ay naraanan mo ang kinatirikan ng Krus na kung saan ang iyong Anak na si Hesus ay nabitin at namatay.
Ang Krus na yaon ang kinatampukan ng Kaniyang walang-hanggang pagliligtas.
Ang kahoy ng buhay na buong puso mong pinarangalan, sapagka’t sa pamamagitan noon, matatamo ang buhay at kaligayahang walang hanggan.
Nababatid ko na ang aking pagwawalang bahala ay nakararagdag sa kabigatan ng Krus at kahirapang iyong nadarama.
Nagsusumamo ako ngayon, Mahal na Ina, na tulungan mo ako sa paghingi sa Iyong Anak ng sapat na tapang, upang maipagpatuloy ko ang aking mga tungkulin at maiwasan ko ang mga kasamaan.
Ipagkaloob rin nawa sa akin ang aking mga kahilingan sa pamamagitan ng Nobenang ito kung ito’y karapat-dapat sa Iyong kaluwalhatian.
Siya Nawa.
Ilahad ang mga biyayang hinihiling.
(tatlong) Aba Ginoong Maria
[MEMORARE]
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan.
Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.
Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan.
Siya nawa.
[PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
PANALANGIN SA ARAW-ARAW]
Namimighating Ina, pahintulutan mo akong manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman kong ako’y hindi karapat-dapat sapagka’t ako ang dahilan ng iyong mga kalungkutan.
Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo ako sa aking pagsisisi at paghingi ng tawad.
Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo.
Nawa’y mapabilang ako sa iyong mga tapat na lingKod na nakikiisa sa iyong kalungkutan upang mabago ang masama kong buhay.
Tulungan mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan. Siya nawa.
[AWITIN ang REINA DE CAVITE – Salve.]
REYNA NG KABITE
Reyna ng Kabite Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Ngalan mo’y siyang pugad.
Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat
Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!
Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y tanglaw namin!
REINA DE CAVITE
Reina de CavitePor Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)
Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo.
Siya nawa.
#CofradiadelaVirgendelaSoledaddePortaVaga
#FlickrCom
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes