Tumgik
#dadalo
bimarts · 2 years
Text
Dad Jango is something I think about maybe a bit too much.
Tumblr media
173 notes · View notes
serenhiraya · 1 year
Text
BELAMOUR [TXT AU]
Ch. 1 - Into the darkness
•••
🥀
Aleia
"Good Afternoon Everyone, I'm glad that you are here today."
Masayang bati ng babaeng guide ng art museum sa amin at sinundan iyon ng mahabang pagpapaliwanag ng rules and regulations sa loob ng museum. Maaliwalas ang kanyang ngiti. Nagniningning ang mga mata at dinig sa kanyang boses ang galak at tuwa.
Hindi ko maiintindihan kung bakit ganoon na lang siya kasaya, samantalang ako ay ngawit na ngawit na sa kakatayo. Higit sampung minuto na din akong nakatayo dito. Init na init pa ako at halos dumikit na ang aking damit sa aking katawan nang dahil sa pawis dulot ng sobrang init dito. Ngayon lang ako na informed na may museum palang hindi air-conditioned. My pa-fake sosyal self is struggling at the moment, sa totoo lang.
I know ramdam na rin ng mga kaklase ko ang nararamdaman ko. Pero wala na kaming magawa, dahil mas matalim parin sa machete ang tingin sa amin ng aming adviser na nakatayo sa tabi ng babaeng guide kasama ang iba pang advisers ng ibang strand. 
Field trip namin ngayon. Isang location lang dapat ang pupuntahan namin, iyon ay ang isang sikat na coconut plantation dito sa amin, kahit di ko naman alam kung ano ang connection nito sa strand kong HUMSS. Iyon ang inaakala ko. Dadalo rin pala kami sa isang bagong art museum three hours away mula sa plantation. And yes, wala pa kaming pahinga mula kanina sa paglilibot namin sa niyogan. Gusto ko nang mag wala. Pero no, dapat pa-angel muna ako ngayon.
Graduating ako this year, kaya kailangan clean record para walang sabit.
Naputol ang aking pagkatunganga nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Nang tingnan ko kung ano iyon, chat lang pala ni Mikaela, kaibigan ko mula sa STEM na katabi lang naman ng grupo namin. Napalingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Bakit ba naman kasi kailangan pang ichat kung puwede lang naman  niya itong sabihin sa akin mamaya.
Nang mahuli niya ang aking tingin ay nginuso niya lang ang kanyang phone. Muling nag vibrate naman ang akin, nag send siya uli ng message.
Humarap muna ako sa aming adviser para masiguro na hindi sa akin nakapokus ang atensyon nito, nang sa ganon ay mabuksan ko ang chat sa akin ni mikaela. Nang makasigurong ligtas na ako sa macheteng tingin ni Ma'am ay kaagad ko nang binasa ang message.
"Asim tingnan ng adviser niyo"
Muli akong napalingon kay Mikaela. Pigil na itong tumatawa ngayon. Binaling ko naman ang atensyon sa aming adviser. Oo nga...tama siya... ang drawing kasi nitong kilay ay unti-unti ng nabubura at ang blush nitong fresh pink pa kanina ay putok na putok na ngayon. Pigil na rin ako ang ngumiti.
"Gaga" *sent*
"OKAY, ARE YOU READY TO EXPLORE THE WORLD OF VISUAL ARTS?"
Maligalig na sambit ng guide. Hindi ko na malayan ng tapos na pala ang briefing- este orientation nito sa amin.
Finallyyyy
Isang masiglang 'yes' naman ang sagit naming lahat at nag simula na kaming umusad sa loob.
Fifteen minutes na rin ang lumipas sa pag-iikot namin sa loob. To be honest, kahit pagod ako sa kakaikot sa niyogan kanina, ay medyo naibsan na itong nang makarating ako dito. Art is one of the things I'm passionate about. Kaya kahit malapit na akong sumabog sa inis kanina ay napapakalma parin ang ng mga artworks na nakikita ko. The oil paintings and unique sculptures na nadadaanan namin just evokes something in my heart.
There is just something so beautiful about art. Kasi, a simple picture can have different meanings, different stories, and different reflections depending on how you view it. If given a chance to live my life again, I would choose this...I will always choose art.
Sa pagpupuri ko sa mga artworks na nakadisplay, hindi ko namalayan na nahiwalay na pala ako sa ga kasama ko. Well hindi naman masyado, mga anim na lakad lang naman. Pero mukhang wala naman silang pakialam. So I grabbed this oppurtunity para umiba ng rota at para ma-enjoy ang paglilibot dito.
Binalikan ko ang dispaly ng mga oil paitings na nadaanan na namin kanina. Isang malaking kwarto na maraming pasikot-pasikot na para siyang maze. Oil paitings have a very special place in my heart. Hence, isa sa mga reason kung bakit si Van Gogh ang all-time favorite kong artist.
Though nadaanan na namin to kanina, I never really got the chance to capture every masterpiece sa loob noon dahil parang may kigwa ang guide kanina at nagmamadali.
Nang makarating na ako uli sa section ng mga oil paintings, I felt warmth. A smile crept on my lips. Looking at the portaits around me, most of them are made by local artists and I can't help myself but let joy trickle down to my toes. Iba't-ibang style ang nandoon pero mostly ay impressionism. If I could ever hold a brush again, impressionism parin ang uuwian ko.
Ever since in elementary and junior high, I've been active in our school's art organization. Madalas rin akong napapasali sa competitions and impressionism art has been my asset. I can express what I wanted to and pour my emotions into it. It was my resting place. It was like home. Not until that one night. The scariest night it will be. Remembering that, unti-unting nawala ang aking ngiti. It was a haunting nightmare. It was a burning misery and I will never forgive myself about it.
Isang malaking kalabog ang gumulat at siyang pumutol sa aking malalim na pagmumuni. Sa sobrang lakas nito ay parang andito lamang sa section iyon naganap. Dala ng kuryosidad ay sinubukan kong puntahan kung saan iyon galing. Hindi ko gaanong mawari at bakit bigla na lang akong nakaramdam ng lamig. Walking through the depths of the section, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba na para bang may biglang lilitaw sa harapan kong hindi inaasahan. But I didn't mind. The urge of finding out what it is, was stronger.
Huminga muna ako ng malalim at nagpatuloy. Wala masyadong tao dito sa section puwera lang sa dalawang guard na nakabantay sa entrace nito. Tahimik kaya nakakapagtaka nga naman ang ingay na iyon. Medyo na dismaya ako ng marating ko na ang dulo ng section pero bigo parin akong malaman kung ano o kung saan galing ang kalabog.
Napailing na lang ako at nagbalak na lang na hanapin ang mga kasama ko kanina, dahil for sure pag nalaman ng adviser namin na hindi nila ako kasama award ako pag-uwi. Hindi man lang umabot ng limang segundo ay may narinig akong sit-sit mula sa aking kaliwa na siya rin ikinagulat ko. Sa una ay inakala kong guni-guni lang iyon pero muling ko itong narinig, mas malakas. Kaya tinahak ko ang direksyon na pinagmumulan nito.
Medyo madilim na sa parte ng section na ito. Pagabi na rin kasi. Muli kong narinig ang sit-sit, mas malakas kesa sa pangalawa. Alam kong malapit na ako sa pinagmumulan noon. Pero in the end bigo parin ako, isang malaking pader na tinakpan ng isang malaking velvet curtain lang naman ang sumalubong sa akin. Napairap na lang ako. Uto-uto rin ako eh no?
Nang talikuran ko na ang pader ay narinig ko muli ang sit-sit. Iyon any sobrang lapit na sa aking pandinig na para ito ay binulong mismo sa aking tenga. Naistatwa ako sa aking kinatatayuan. Muli kong hinarap ang pader at hinawi ang velvet curtain. Isang malaking pinto na tansong door knob ang sumalubong sa akin.
Base sa hitsura nito masasabi kong luma na ang pinto dahil sa kulay nitong kayumangging kupas. Ang design nito na makikita sa mga baroque style interiors ay tapyas-tapyas na rin. Ang tansong door knob ay may gasgas na rin. May mga vandalism na rin ang pinto. Sa tuktok ng pinto ay naka-ukit ang 'Belamour'. Nakakapagtaka dahil sa pagkaka-alam ko ay bagong bukas ang museum na ito.
Nang subukan kong pihitin ang door knob, ay nabuksan iyon. Madilim sa loob. Binuhay ko ang flashlight ng aking phone at pinasadahn ng ilaw sa loob. Hindi ko alam kung anong nakain ko pero pinasok ko iyon. Isa iyong munting storage room.
Naaninag ko ang mga lumang painting na maayos nakalapag sa gilid. Ang bawat pader nito ay tinakpan din ng mahabang velvet curtains. Bukod sa mga paintings ay mayroon ding mga art supply sa gilid. Oil paints...medyo tuyo na rin ang iba. Sa isang sulok naman ay makikita ang isang malaking vase na pinaglagyan ng mga paint brush.
Nilapitan ko iyon para usisahin. Doon ko na rin na realize na may kahon din pala sa tabi nito.
Binuksan ko ang kahon para malaman kung anong nilalaman nito. Isang makapal na sketchbook, watercolor paints, lumang brush, isang charcoal pencil, at mga liham. Kinuha ko ang isa sa mga liham, kupas na ang tinta pero nababasa ko parin ang panimula nito. 'Mi Corazon'. Nang buklatin naman ang sketchbook, isang portrait ng isang dalaga ang bumungad sa akin.
Nagpalpitate ako bigla. Unti-unti akong binalot ng lamig. Hindi ko alam kung dala lang ito ng pagod or namamalikmatahan lang ako. Pero kamukha ko ang nasa portrait.
Hindi ko alam kung saan galing pero biglang nagkaroon ng malakas na hangin. Sa sobrang lakas ay nawawalan ako ng balanse. Nahihirapan rin akong huminga. Narinig ko ang malakas na pag-sara ng pinto. Ang lamig na bumalot sa akin ay napalitan ng takot. Sinubulan kong tumakbo tungo sa pintuan pero sa bawat hakbang na aking ginawa ay lalong-bumibigat. Nanghihina ang aking tuhod hanggang sa ako ay bumagsak.
Kahit anong gawin ko para muling makatayo, pakiramdam ko ay mas lalo lang akong hinihila pababa. Nanlalabo na aking paningin, nakaramdam na ako ng matinding pagkahilo.
Nagkaroon ako ng munting pag-asa nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa pinto. Pero bago pa man ako muling makatayo ay nawalan na ako ng malay "SENYORA ALEIA!!!"
Ang huli kong narinig. 
To be continued
○○○
STREAM GOOD BOY, GONE BAD BY TXT FOR A BETTER LIFE
- Seren 🌻
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
Text
Nang Minsang Umiyak ang Baboy sa Bisperas ng Libing
Lirikong Sanaysay
Mausok na hapon iyon nang kumaluskos ang mga nagsitatayugang talahib. Maya pa nito’y dumungaw ang nakawalang baboy. Hinahabol pala ng dalawa kong tiyo na parehong naghihingalo pero nang ito’y kanilang nahuli, kampante akong wala nang kawala ang dambuhalang inahin sa mga batak nilang katawan. “Hawakan mo sa paa!” Pagkatapos mapuluputan ng lubid, humiyaw ang baboy. Narinig ito ng mga tandang kaya tumilaok na tila umaga. Ang talahiban ay naging parang na mahawan sanhi ng kanilang habulan at ang bombilyang kahel ay kumulay sa usok ng dabok. Sakto nang napatingin ako sa tolda ng lamay, sumigabong ang dasal ng angelus. Huling araw na pala ng bangkay sa aming kapitbahay.
2012: Tuwing awasan [tawag ko sa uwian galing escuela/elementarya] didiretso ako sa lamay hindi para magdasal sa patay kundi magsugal ng paborito kong lucky 9. Kung panalo, bibili ng barbeque, kung talo, uuwi at manonood ng TV sa isa pang bahay. Hindi muna uuwi—hindi ko matawag na tahanan . . . walang kuryente at nagtatalo na naman ang aking mga magulang. Bakit walang kanin—e wala naming sasaingin pero sagana sa alak. Tipikal o “cliché” na kaganapan ng karalitaan pero nakakaputa ang ganitong karanasan. Kapag nangalay na ang paa at leeg sa bintana ng kapitbahay, aalis pero magpapalipas ulit sa pagmamasid sa mga ilaw ng alitaptap. Hiniling ko noon na kung lilitaw ang tikbalang sa lupon ng mga alitaptap, kukunin ko ang gintong buhok nito para humiling ng matiwasay na buhay. Naging matiwasay nga . . . umabot nga lang ng sampung taon ang aking paghihintay at sa proseso, may naiwan.
Sisimulan ko sa:
Paruparong maliit kay yumi ng lipad, kung pumagaspas ay parang dilag. Hatinggabi kung pagmasdan ang dalawa niyang pakpak—napagod siya! Huminto sa paglipad. Dumapo sa ’king binti at doo’y naaninag ang kulay lupa niyang katawan at ako ay nakaramdam ng habag.
Lumipas ang apat na araw na hindi ko ito binigyan ng kahulugan subalit kinabukasan, binulabog kami ng isang sigaw. “Si Nanay!”
Wala nang pagdadalawang isip, tumakbo ako patungong bahay nila. “Na-stroke si Nanay!” Malat pa ang boses ng aking pinsan. Agarang binuhay ng mga tiyuhin ang kani-kanilang motorsiklo at nilandas ang daan patungong ospital. Kami namang mga naiwan ay nagkatinginan. Kinubli ang pangangamba sa mga biro at lahat ay napabaling sa akin nang sinabing sana’y kinain ko na lang ang alok ni Nanay na pop corn. Nakapanghihinayang.
Ngayon, babalikan ko ang araw ng libing:
Nakailang balik ako sa pagkuha ng afritadang baboy sa pahabang lamesa na siyang ginamit sa tong hits at lucky 9. Makunat, malinamnam, at masarap ang karne ng inaheng baboy. Isang araw bago ito inihaw ng mga ekperto, narinig ko pa kung paano sila nagyabangan sa kanilang istilo ng pagkakatay. Tanda ito ng kayamanan. Lalaganap ang balitang may baboy. Maraming dadalo sa araw ng libing. Uuwi at magtitipon ang mga kaanak at sa mura kong edad, naramdaman kong sila ay nagtipon para ipamukha ang mga nakamit sa kani-kanilang buhay.
Inisip ko kung ganito rin ang hinaharap namin kung si Nanay ang pumanaw. Nagulat ako sa naisip dahil si Nanay ay “. . . isang hardin, bukangliwayway at dapithapon; taglay niya ang mga bagay na tinataglay ng Marso hanggang Mayo—tinataglay ng tag-init.” Itong prosa ay naisulat ko sa aking librong Pabalik dahil sa pagkawala ni Nanay. Ginugunita ko ang kaniyang alalala at masakit ang kaniyang pagpanaw dahil siya ang aking takbuhan tuwing pinapalo ni Papa na hindi ko alam ang rason. Tuwing walang makain sa bahay na alam ko ang rason. Masakit dahil hindi pa ako propesyunal. Masakit dahil namatay siya sa panahon ng COVID.
Binantayan ko ang kaniyang kabaong at matutulog lang kung magpapakita na ang araw sa umaga. Paulit-ulit ito hanggang sa bisperas na nga ng kaniyang libing—doon ko nasabing mas maganda ang bukangliwayway kaysa sa dapithapon—at doon ko rin napansing wala kaming kakatayin pero nagtipon-tipon ang mga kaanak. May away at pataasan ng nakamit sa buhay.
Ipagpapatuloy ko sa kasalukuyan:
Nagsimula akong kumanta sa simbahan kinse anyos. Labing anim na taong gulang, nagsimula akong kumanta sa misa ng mga kasal at patay. Tanda ko pa noon na sa isang araw (Sabado at Linggo parati) ang eskedyul sa umaga ay kasal tapos libing naman sa hapon. Kabalintunaan iyon sa akin—halos isa nang pagbibiro. Sa umaga, kakanta ako ng masayahing tugtugin, pagdating naman ng hapon, mabigat na himig ang hihimigin. Sangkatutak ang napulot kong aral sa limang taong pag-aawit bago ko ito nilisan. 2020, 2021, 2022 ay ang mga taong humubog at nagpabukas ng aking kamalayan.
Nasa trabaho ako (writing intern sa isang non-government company) sa probinsiya ng Capiz. Kasisimula pa lang ng Abril. Lulan ako ng bus at dinadama ang maalat na hangin at panira ang mensahe ni Mama: Patay na si Lolo mo, Toto. . . . Sabi ko noon, “May sumpa siguro itong dapithapon?” Pagkauwi ko sa Iloilo, nadatnan ko si Papa umiinom. Pumasok ako nang hindi na takot kahit siya ay umiinom. Ang bahay ay sementado na’t may ikalawang palapag. Hindi kami nagtitinginan. Limót ko na ang huling pagkakatong tumingin ako sa kaniya bilang isang anak. Tanging maleta ko ang gumagawa ng ingay. Agad kong ginunita ang aking kamusmusan sa probinsiya ni Lolo—Negros Oriental. Nasa labas kami ng bahay nila, nakaupo sa papag, kaharap ko siya. Makulubot, hindi nagdadamit pantaas, amoy tabako, tuba, at kamukha ni Papa. Ni hindi niya rin ako magawang titigan.
Humiga na lang ako sa kama. Inisip ang aking buhay. Kung uminom ba ako ng isang basong whiskey, magkakaroon kaya kami ng isang kuwentuhan? Tatagal kaya ito ng isang minuto kung lahat ng aking alam ay estranghero sa kaniyang karunungan at ang kaniyang mga nalalaman ay mga kuwentong noon ko pa nais marinig? Subalit hahanap-hanapin ko pa rin ang kaniyang presensiya. Alam kong malupit ang kaniyang naging kabataan kaya hirap siyang maging ama sa aming pito. Ngayo’y ramdam kong ramdam niya na ang pangungulila dahil hindi na kami bata. Nagsisimula nang bumukod.
Tatapusin ko sa:
Isang mausok na hapon, wala na ang mga talahib at ang kaluskos ay napunta sa bubong . . . mga kalapati lang pala. Meron pa ring iyak ng baboy pero walang bisperas ng libing, alaga lang ng kapitbahay. Sa loob ng madilim kong kwarto, ako’y nagnilay. Bente uno pa lang pala ako at marami pang pangarap. Mabuti hindi ako naengganyo sa pang-aakit ng dilim. Natalo ko ito.
Itong sanaysay ay lahok sa Saranggola Blog Awards 12
http://culturalcenter.gov.ph
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
ivanavi · 2 years
Text
Baguio City
Tumblr media
Kaming mag papamilya ay umakyat ng baguio upang kami ay dumalo sa graduation ng aking Ate sa Saint Louis University. Maraming mga karanasan ang aking mga naranasan, Isa na nga rito ay nung ako ay nilagnat at buong araw ay na sa loob lamang ako ng aming tinutuluyang kwarto. Kami ay nag tagal dito ng higit sa tatlong araw. Dahil after namin umattend ng graduation ay nilibot naman namin ang siyudad.
Tumblr media
Kaming mag papamilya ay bumiyahe ng madaling araw upang kami ay makarating sa aming pupuntahan ng maaga. Kami ay nag ayos mabuti ng mga gamit upang walang kaming makalimutan sa aming pag lalakbay. Isang araw bago ang aming alis ako ay hindi makatulog dahil ako ay na eexcite sa sobrang excited ko ako ay hindi nakapag baon ng panlabas na damit ang aking na baon lamang ay mga pantulog at pang bahay. Kaya kami ay bumaba muna sa mall upang ako ay makapamili ng aking susuotin sa special na araw ng aking ate
Tumblr media
Sa dinami dami na paalala ng aking nanay ako parin ay nakalimot sa aking mga gamit. Ngunit ganon paman masaya parin naman dahil ako ay mayroong bagong damit at ito ay isang aral sa akin.
Ano nga ba ang ginawa namin sa baguio?
Ayun nga kami ay dadalo sa graduation ng aking ate. At syempre mag gagala narin dahil hindi naman kami araw araw nandito. Ang mga hindi ko malilimutang lugar ay ang burnham park dahil dito ay makakapag pahinga at the same time ikaw ay makakakita ng magagandang tanawin at magagandang dalaga. At ang kainan na hindi ko malimutan ay ang Good Taste restaurant parang kahit araw araw ako dito kumain ay hindi ako mauumay. Ang pinaka nagustuhan ko sa kanilang mga pag kain ay Beef curry na kahit ata mag toothbrush ako ay hindi mawawala sa aking panlasa. At ang tinapay din nila don na Cream puff na kada kagat ay parang natutunaw ito sa iyong bibig. Mga pag kain na pag nakain ko ay pwede na ako mamatay.
Tumblr media
Ano ano nga ba ang aking mga realisation sa aming pag lalakbay na ito?
Sa aming pag lalakbay na ito marami ang aming mga natamong pag subok at mas marami naman ang masasayang alaala. Una na ikaw ay dapat na mag handa kung kayo ay mag kakaroon ng mga ganitong byahe. Ang maganda naman dito ay natuto ako ng bagong aral na kailangan handa ka at ako ay nag ka roon ng bagong damit.
Nakita ko ang masasayang pamilya na makitang mag tapos sa pag aaral ang kanilang mga anak. Na realize ko sa mga panahon na ito na dapat ay makapag tapos ako dahil ito ay pinag hihirapana ng aking mga magulang tyaka nakakahiya naman kung ako lang ang walang diploma sa pamilya lalo't bunso pa ako.
1 note · View note
loginphi · 2 years
Text
Paano Mag-alok ng Madaling Pagpaparehistro para sa Iyong Mga Kaganapan?
Ito ay malinaw na sentido komun na upang maakit ang most na mga tao sa iyong kaganapan, kailangan mong mag-alok sa kanila ng madali, nababaluktot na mga opsyon sa pagpaparehistro ng kaganapan. Gamit ang isang on-line na software ng pagpaparehistro ng kaganapan, maaari kang makahanap ng isang epektibong paraan ng pagtaas ng bilang ng mga dadalo na bumibisita sa iyong kaganapan kumpara sa iyong mga nakaraang kaganapan. Ang pagpaparehistro ng online na kaganapan ay nagbibigay-daan sa sinumang sabik na dumalo sa anumang uri ng kaganapan, klase o pagsasanay na magazine-log in sa isang portal ng pagpaparehistro sa pamamagitan ng pag-get right of entry to sa net at magdagdag ng mga kinakailangang detalye sa isang on line na shape ng pagpaparehistro at isumite ang pareho nang hindi kinasasangkutan ng anumang uri ng pisikal na paglalakbay.
Ang paggamit ng software program sa pagpaparehistro ng kaganapan ay medyo madaling gamitin dahil hindi ito nangangailangan ng anumang mataas na antas ng kaalaman sa programming upang patakbuhin ang machine. Ang isang propesyonal ay madaling gumamit ng gayong solusyon upang lumikha ng maraming mga form bago ang isang kaganapan. Ang paggamit ng ganitong paraan ay lubos na kapaki-pakinabang dahil:
· Nakakatipid ito ng mga gastos - hindi kailangan ng papel, printer, selyo, at sobre
· Maaari itong mag-setup ng iba't ibang mga shape ng pagpaparehistro ng kaganapan nang sabay-sabay
· Hinahayaan kang i-personalize ang mga shape online - magdagdag ng brand/portraits ng kumpanya
· Tinitiyak na ang iyong mga nagpaparehistro ay makakapagbayad online
Ang isang pangunahing benepisyo ng paggamit ng isang on-line na solusyon sa pagpaparehistro ng kaganapan ay maaari mong matiyak ang isang ganap na nakaimpake na bahay dahil ang mga form ay maa-access din ng mga taong nakatira sa ibang mga bansa. Madali nilang punan ang isang form na nakaupo sa kanilang mga tahanan o mula sa kanilang lugar ng trabaho; ang tanging natitirang pormalidad ay ang pagdalo sa kaganapan nang private. Kaya, ang mga tradisyonal na proseso ng pagpaparehistro na nangangailangan ng pisikal na presensya ng mga tao sa oras ng pag-sign up ay maiiwasan sa pamamagitan ng paglilipat ng pamamaraan ng pag-sign up online.
Ang isang online na shape sa pagpaparehistro ay maaaring isalin sa marami, karaniwang mga wika kapag ginamit ng tagaplano ng kaganapan ang software ng tagasalin. Ang iyong teksto sa shape ay maaaring baguhin sa wikang gusto ng magiging kandidato; kailangan lang niyang mag-click sa dropdown na menu upang piliin ang wikang gusto niya.
Kasama ng opsyon sa pagpaparehistro ng kaganapan, maraming mga organizer ng kaganapan ang nagpasya na gumamit din ng maginhawang on line na sistema ng pagbabayad para sa mga nagparehistro. Makakatulong christina ferrer sa iyo ang isang on line na solusyon sa pagbabayad na tumanggap ng mga pagbabayad mula sa mga taong ipinadala sa pamamagitan ng mga credit card, twine transfer o pag-get entry to sa gateway ng pagbabayad na ang paggamit ay itinagubilin ng isang organizer ng kaganapan. Sa kaso ng mga refund, ang naturang solusyon sa on-line na pagbabayad ay maaaring gamitin upang simulan ang proseso sa mga taong hindi makalahok sa iyong programa dahil sa anumang wastong dahilan.
Ang dumaraming bilang ng mga kumpanya ay mas gusto ang paggamit ng mga online na application lalo na dahil sila ay medyo environment-pleasant. Ang mga on line na operasyon ay humahantong sa pagtitipid ng mga gatong at enerhiya sa isang malaking lawak at tulad ng alam nating lahat na ito ay medyo user-pleasant at maaaring humantong sa mas mataas na pagdalo at ROI.
0 notes
unbiasedph · 2 years
Text
Foreign delegation ng 7 bansa, nag-courtesy call kay VP-elect Sara
Tumblr media Tumblr media
NAG-courtesy call ngayong araw kay Vice President-elect Sara Duterte ang foreign delegation mula sa pitong bansa na ginawa sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City. Unang nag-courtesy call kay VP-elect Sara Duterte si Romanian Ambassador Răduţa Dana Matache kasama ang iba pang delegado nito. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang dalawa ay nagpahayag ng pagiging bukas sa hinaharap na pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa larangan ng edukasyon at umaasa sa higit pang pagpapahusay ng Philippine-Romanian bilateral relations. Kasunod naman na hinarap ni VP-elect Duterte si French Ambassador Michéle Boccoz kasama ang delegasyon nito. Tinalakay ng dalawa ang may kaugnayan sa mutual interests, partikular na sa post-pandemic recovery, edukasyon, at peace-building process sa Pilipinas. Ikatlong foreign delegation ay mula sa Estados Unidos na pinangunahan ni United States’ Second Gentleman Douglas Craig Emhoff. Sa pag-uusap, sinabi ng kagawaran na binati ni Second Gentlemen Emhoff si VP-elect sa kanyang napakalaking tagumpay, gayundin ang kanyang nominasyon bilang kalihim ng edukasyon. Binigyang-diin din sa kanilang pangako ang pagpalalakas ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika. Nagpalitan din sila ng kuru-kuro sa mga isyu ng mutual interest, lalo na sa edukasyon at ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng kabataan sa pulitika at kababaihan sa pamumuno. Inaasahan naman ni VP-elect na ipagpapatuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan sa U.S. sa larangan ng edukasyon sa mga nakaplanong pagbisita nito sa Washington DC at New York sa Setyembre 2022. Ikaapat na delegasyon naman mula sa Japan ang hinarap ni incoming VP-elect na pinangunahan ni Japanese Foreign Minister Hayashi Yoshimasa kasama nina Minister and Deputy Chief of Mission Yamamoto Yasushi ng Embassy of Japan at iba pa. Ibinahagi ng Foreign Minister ang kanyang mga karanasan sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno kabilang ang pagiging Ministro ng agrikultura, defense, edukasyon, at kalakalan. Nagpahayag naman ng pasasalamat si VP Duterte sa pagbisita ng foreign minister, at kapwa kinilala ang matatag na bilateral relation sa pagitan ng Japan at Pilipinas. Nagpahayag din sila ng pag-asa na ang golden age ng relasyong itinatag noong panahong termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay lalago sa isang platinum age sa ilalim ng susunod na administrasyon. Ikalimang foreign delegation ang hinarap ni VP Sara ay si Deputy Minister of Foreign Affairs Phoxay Khaykhamphithoune ng Lao People’s Democratic Republic kasama ang maybahay nito at delegasyon. Tinalakay ng dalawa ang mga isyu kaugnay sa larangan ng edukasyon, kalusugan, turismo, at kalakalan. Pinuri naman ng Lao Special Envoy ang mga programa sa turismo at edukasyon ng Pilipinas. Nagpahayag ng interes ang Laos na matuto sila mula sa mga modelo at istratehiya ng Pilipinas kaugnay dito. Samantala kasunod nito, pinangunahan naman ni Socialist Republic of Viet Nam Vice President VÕ Thị Ánh Xuân ang delegasyon nito sa pagbisita kay incoming Vice President Inday Sara Duterte. Huling bumisita naman na tinanggap ngayon araw ni VP Sara sa Sofitel Philippine Plaza Manila ang Chinese delegation na pinangunahan ni People’s Republic of China Vice President Wang Qishan. Nagpapasalamat naman si VP Duterte sa pagbisita ng mga foreign Delegation ngayong araw. Ang mga nabanggit na delegasyon ang mga inaasahan ding dadalo sa inagurasyon ni incoming President Ferdinand Bongbong Marcos. Read Full News @ SMNI News Channel Read the full article
0 notes
bittergoard · 3 years
Text
Tumblr media
Ang mga taong pinakahinahangaan ko.
Sa loob ng maraming taong pamumuhay ko sa mundo, Maraming bagay ang lubos na nagpapasaya sa akin.
Una, Si Edgar Allan Poe, isang kilalang manunulat na nanggaling sa Estados Unidos. Minukat ako ng taong manunulat na ito na ang buhay maraming daan at maraming talahib ang iyong dadaanan ngunit kapag ika'y nakalampas sa lugar na ito mararamdaman mo ang ginhawa at sarap ng hangin sa taas ng bundok.
Pangalawa, ang patimpalak para sa sansinukob, isa ito sa bagay na nakapagpapasaya sa akin sapagkat bukod sa nabibigyan ng panlabas na pagkakakilanlan ang ating bansa binibigyan ng patimpalak na ito ang mga kababaihan na magkaroon ng boses at gamitin ang kanilang kakayahan upang ma-iangat ang kompiyansa ng kanilang kapawa babae at kapwa tao na huwag matakot at huwag hayaang may taong magpapatahimik at mananakot sa atin sapagkat kahit ano ka pa at sino ka pa may karapatan ka at may boses. Binibigyang pansin din ng patimpalak na ito ang pagkakapantay-pantay ng bawat kasarian at pagpapalaganap ng kabutihan sa mga taong nangangailangan ng bukal sa puso.
Pangatlo, Nelson Mandela, ang taong ito ang nagtulak at nagmulat ng aking munting kaalaman na diskrubrihin at mahalin ang Kasaysayan at Politika dahil sa kanyang impliwensiyal na pagpapakahulugan sa simpleng bagay dahil dito iniidolo ko siya at isa sa mga pangarap ko na maging katulad niya sa hinharap. Hinangaan ko rin siya ng wasakin niya ang kaisipan ng mga tao ukol sa kanilang lahi at lipi, Niresolba niya ang Apartheid (paghihiwalay ng nga itim sa puti) at bigyang pansin niya ang mga katulad niyang itim na magkaroon ng pantay na pagtingin, karapatan, at pagturing bilang tao.
Pang-apat, Wolfgang Amadeus Mozart, isang Australianong manunulat ng kanta at pianista. Hinangaan at minahal ko ang gintong talento ni Mozart sapagkat kapag naririnig ko ang kanyang tugtog tila baga dinadala ako nito sa ibang dimension na tila baga ako'y nasa langit kasabay nito ang pakiramdam na dadalo ako sa isang pagdiriwang na sopistikado. Hinangaan ko rin siya dahil sa mahalagang kontribusiyon niya sa Classical Era (Ginintuang Panahon ng Musika.) Siya ay lumikha ng Sonata, Opera, at mga Oratorio upang ipalaganap at ipamalas ang kanyang kakayahan sa pagtugtog ng kanyang Violin at Piano.
1 note · View note
philresult-blog · 5 years
Link
0 notes
pagdadalaga · 3 years
Text
1Direksyon: Mula sa entablado, papunta sa kamalayan ng buong mundo
Isang blog post tungkol sa One Direction: This Is Us (2013) at ang implikasyon ng mga eksena nito sa naging kamalayan ng mundo sa panahong iyon.
“Ma, dali na! Malelate tayo sa sinehan!”, sabi ko sa aking ina na pumipili pa lamang ng susuotin sa araw na iyon. ‘Di na ako mapakali, sapagkat ang araw na iyon ay ang unang araw ng pagpapalabas ng One Direction: This Is Us sa mga sinehan sa Pilipinas.
Hindi maipapagkaila na malaki akong taga-hanga ng bandang iyon. Lagi akong naka-antabay sa Twitter, nag-aabang sa bagong tweet mula sa sinumang miyembro, o kaya’y ako ay magpupuyat hanggang alas-tres ng umaga para lang hintayin ang bagong labas na music video sa Youtube. Kung kaya’t sa pagpalabas ng kanilang pinakaunang dokumentaryo, ako rin ay laging nangunguna sa pila.
Tumblr media Tumblr media
(opo, nagmula ang mga larawan na ‘yan sa aking Twitter fan account.)
Pagkaalis ng aming bahay, sinundo namin ang aking kaklase na gusto ring manood ng naturang pelikula kasama ko. Matapos naming dumating sa Robinson’s, ay agad-agad kaming umakyat sa sinehan para makakuha na ng tiket at makapasok na sa sinehan. Pagkapasok namin sa sinehan, nakita namin na punong-puno ang kwarto ng mga panatiko ng One Direction. Bata ‘man o matanda, babae ‘man o lalaki, suot-suot nila ang mga t-shirt na may mukha ng banda at tila’y nakikipagdaldan sa isa’t-isa na parang matagal na nilang kilala ang bawat isa.
Hindi rin nagtagal, at tuluyang nagpatay na ng ilaw sa sinehan. Nagsimula na ang pelikula, at sabay-sabay nagtilian ang mga tao sa loob nito. Kitang-kita sa mga mata (at rinig na rinig sa sigaw) naming mga taga-hanga ang kasiyahan (na may kasamang kilig) na makikita na namin ang bandang nagpapasiya sa amin. ‘Di man sa personal, ngunit iba pa rin ang dating kapag nakita mo sila sa malaking screen ng sinehan at hindi sa mga maliliit naming telepono.
Ang “One Direction: This Is Us” ay isang patunay ng makabagong potensyal ng social media noong panahong iyon. Kung iisipin, halos kakasimula pa lamang ng kasikatan ng Twitter, Facebook, at Youtube noon, ngunit nagamit ng tao ang mga ito upang mabilisang at malawakang magpalaganap ng impormasyon.
Sa simula ng pelikula, isinalaysay muli kung paano nagsimula ang One Direction. Mula sa kanilang pagkabuo sa X-Factor UK noong 2010, nagsimulang dumami ang kanilang mga taga-hanga. Natalo ‘man sila sa taong iyon, ay lalong sumikat ang One Direction, salamat sa kanilang mga superfans.
Ika nga ni Simon Cowell, ang kanilang manager, “We have these girls, called superfans, and they’re like promoters.” Buhat ng social media, naimpluwensyahan ng mga panatikong iyon ang iba pang mga tao na humanga at sumubaybay sa buhay ng One Direction. Dahil sa mga Twitter update accounts na laging nagpopost sa tuwing mga bagong ganap sa banda, nagsimulang madiskubre ng mga ibang Twitter user mula sa iba’t-ibang parte ng mundo ang mga artistang ito.
Tumblr media Tumblr media
Sa pagbuo at paglikha ng mga update account, ay nakita ng mga tao ang potensyal ng social media bilang isang plataporma para sa malayang pamamahayag.
Sabi ng mamamahayag na si Carl Smith, lagi silang sumasangguni sa mga update accounts na ito upang malaman ang mga bagong balita tungkol sa banda. Dagdag pa niya, “siyam sa sampung pagkakataon ay mas nauuna pa ang mga account na ito sa pag-ulat ng balita tungkol sa banda bago pa ‘man malaman ng pahayagan o ahensya ng balita.”
Tumblr media Tumblr media
Ngunit sa kabila ng pagbilis ng pagkalap at pagkalat ng impormasyon gamit ng social media ng panahong iyon, ay nagsimula rin ang pagkawala ng pagkapribado ng buhay ng ibang tao, lalong-lalo na ang buhay ng mga miyembro ng One Direction. Ilang halimbawa ay ang pag-hack ng ilang panatiko sa iba’t-ibang CCTV para lang makita ang banda, at ang isang insidente kung saan ninakaw ng ilang fans ang boxers ng isang miyembro mula sa balkonahe ng kanilang tinutuluyang hotel.
Pagkatapos ikwento ang pinagmulan ng One Direction, ay nakipanayam ang production team ng pelikula sa iilang taga-hanga ng banda sa iba’t ibang parte ng mundo. Nang tanungin kung bakit nila hinahanga ang bandang ito, dali-daling sinabi ng mga taga-hanga,
“They make me so happy.” “When I’m sad, they’re always here for me.” “They say what we want to hear, and no one says [that] to us.” “I know they love me, even [if] they don’t know me, I know.”
Ang ganitong mga tugon ay bunga ng marketing strategy binuo ng promotional team ng banda. Ang pagtagumpay ng One Direction sa pagkakaroon ng maraming album sales at sold-out concerts ay ang paggamit ng emotional marketing sa madla. Dahil karamihan ng tagapag-hanga ay mga bagets, pinukaw ng banda ang kanilang mga emosyon sa pamamagitan ng pagbuo ng kantang emosyonal [na parang kinakausap sila, tulad ng kantang ‘Little Things’], at ang paggamit ng kanilang social media accounts upang makausap at makipag-ugnayan sa mga panatiko.
Ipinakita rin sa pelikula ang naging epekto ng banda sa pagbuo ng mga online community na binubuo ng kanilang mga taga-hanga. Tinalakay ang isang magandang naidulot ng One Direction sa aspekto ng online communities: ang pagbuo ng mga pagkakaibigan. Sabi nga ng isang fan sa pelikula, “[The] best part of being a fan of One Direction is the friends you make through them”. Tunay na nakakahanga ang naging kakayahan ng internet sa pagtatagpo ng mga tao base lamang sa kanilang kinakahiligan.
Pinag-usapan sa pelikula ang mga fan project na isinasagawa ng mga fans sa araw ng concert. Pinagpaplanuhan ito ng mga dadalo sa concert ilang linggo bago ang araw ng naturang concert. Ito ay pinag-iisipang mabuti, at ipinakakalat ng mga fans sa pamamagitan ng pagpost sa Twitter.
Ang mga miyembro rin ng One Direction ay bumuo ng kanilang sariling fan project noong sila ay nagtanghal sa Amsterdam. Ipinakita sa video na nag-tweet ang ilang miyembro na magsuot ang mga pupunta sa kanilang concert ng kulay kahel na damit. Naging matagumpay ang plano ng banda, sapagkat lahat ng dumalo ay nagsuot ng kahel. Ang mga ganitong tagumpay ang isa sa mga naunang patunay sa kapangyarihan ng internet na magtipon at mag-organisa ng mga tao para sa iisang layunin.
Tumblr media Tumblr media
Sa bandang dulo ng pelikula, tinalakay ng banda ang kanilang pinakamalaking takot: ang kanilang paglaho pagdating ng panahon. Sa pelikula, nag-usap usap ang limang miyembro ng banda matapos ang kanilang concert sa Sweden. Sabi ni Louis Tomlinson, “One day, we’d just not do this anymore”. Dagdag pa ni Niall Horan, “There’s been so many bands that have come and gone, and no one really talks about them anymore.” Bagama’t tanggap na nila na darating din ang araw na ito, inaasahan nila na sana’y maalala pa rin sila at ang mga kantang ginawa nila pagdating ng panahon.
Tumblr media
Isa ito sa lumalabas na problema ng pagbilis ng teknolohiya. Buhat ng lalong pagkabilis ng pagproseso at paglabas ng impormasyon, mabilis maglaho ang pagbigay-pansin sa mga bagay-bagay. Kinumpirma ito ng manunulat na si Dakota Shane, noong sinabi niya’y “The social media landscape moves fast. The second you think you've figured it out, your favorite social media platform alters their algorithm.”
Bago matapos ang pelikula, sinabi ni Niall Horan sa isang concert sa Mexico, “You guys have been right here since day one. It means so much to us because none of this would happen without you.”
Pitong taon na ang nakalipas magmulang ipalabas ang pelikulang ito. Nagkahiwa-hiwalay na ang landas ang limang miyembro ng One Direction. Malungkot ‘man ang nangyari, lagi kong inaalala ang sinabi ni Niall sa pelikulang ito. Ang mga masugid na tagahanga ng One Direction (katulad ko) ang nakapagbago ng mga buhay nila. Nakakatuwang isipin na lahat ng nakamit ng One Direction ay hindi mangyayari kung hindi kami napabilib sa kanilang potensyal magmulang sila ay natalo sa X-Factor.
Nakakatuwa ‘ring isipin na kaming mga tagahanga nila ay naging parte rin ng kasaysayan. Dahil sa pera, oras, at pagod na ginastos at ginugol ng mga tagahanga ng One Direction, maraming naabot ang banda. Iilan lamang dito ay ang:
First group to debut at no.1 with their first four albums in the US
First UK group to debut at No.1 in the US with a debut album
Most Followers on Twitter for a music group
Most subscribers for a band on Youtube
Oo, napabago namin ang buhay nila. Pero kung iisipin, binago rin nila ang buhay namin.
Sanggunian:
Greenwood, D. (2020, July 23). How One Direction became the world’s first internet boyband. The Independent. https://www.independent.co.uk/arts-entertainment/music/features/one-direction-10-years-anniversary-social-media-x-factor-fandom-a9632291.html
Haney-Claus, M. (2016). One Direction and the Marketing Machine One Direction and the Marketing Machine. https://scholarworks.wm.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1986&context=honorstheses
Hit Network Australia. (2020, July 24). An Ode to The Greatest Boyband on Their 10 Year Anniversary. Hit Network. https://www.hit.com.au/story/an-ode-to-the-greatest-boyband-on-their-10-year-anniversary-158354
Santero, N. (2016). “Nobody Can #DragMeDown”: An Analysis of the One Direction Fandom’s Ability to Influence and Dominate Worldwide Twitter Trends. https://digitalscholarship.unlv.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=3731&context=thesesdissertations
Stopera, M. S., Dave. (2019, November 8). 23 Of The Craziest And Scariest Things One Direction Fans Have Ever Done. BuzzFeed. https://www.buzzfeed.com/mjs538/what-a-time-it-was
(sir, salamat. aliw na aliw ako sa pagsulat muli tungkol sa one direction.)
1 note · View note
angadhikain · 4 years
Text
Present, Ma’am! | Iisahing Yugtong Dula
Tumblr media
Mga Tauhan: 
Shawn (ang panganay na lalaki) 
Angel (ang panganay na babae) 
Raine (ang gitnang anak) 
Miko (ang bunso)
ORAS: Lunes ng ugma, mga alas-syete. 
EKSENA: Maliit at simpleng bahay. Hapag-kainan sa kaliwa. Maliit na salas sa kanan. Bintana sa kaliwa sa may hapag-kainan. Isang kwarto sa kaliwa. Isang kwarto sa kanan. Maliit na kusina sa gitna. Banyo sa may kwarto sa kaliwa. Pintuan ng bahay sa kanan. 
Sa pagtaas ng kurtina, makikitang nagluluto ng agahan si Shawn samantalang nasa kabilang kwarto si Miko at nag-iingay dahil ginigising ang kanyang kapatid na si Angel ngunit hindi man lang nabahala si Raine at nagpatuloy pa rin sa kanyang mahimbing na tulog.
MIKO: (Tumatalon-talon sa kama) Ate! Ate! Gumising ka na! Ate! Ate!
ANGEL: (Inaantok pa) Mamaya na…..
MIKO: (Niyugyog ang mga balikat ni Angel) Ate! Ate! Sige na! Bumangon ka na diyan!
ANGEL: Ang aga-aga pa…..inaantok pa ako.
MIKO: Ate! Ala-una na ng hapon! Tapos na ang klase mo! 
ANGEL: (Napabalikwas ng bangon) Huh?! Klase? KLASE! Miko, may klase ako ngayon! (Tiningnan ang orasan) MIKO!!!! Alas-syete pa ng umaga!
MIKO: Hahahaha! Hindi ka bumabangon, ate, eh. Ang himbing-himbing pa ng tulog mo.
SHAWN: (Mula sa kusina) Miko, anong ginagawa mo diyan? Natutulog pa iyang kapatid mo.  
ANGEL: Ano ba naman ‘yan, Miko! Gusto ko pang matulog, eh! Lagot ka talaga sa’kin!
(Naghabulan ang makapatid sa maliit nilang bahay)
SHAWN: Miko, Angel, tama na ‘yan. Halina kayo dito at mag-agahan. May klase pa kayong dalawa ngayon.
ANGEL: Kuya, oh! Si Miko!
MIKO: Eh kasi---
SHAWN: Sige na, tama na ‘yan. Kumain na kayo. Tulog pa ba si Raine? 
ANGEL: Tulog pa, kuya, eh. Alam mo naman ‘yon. 
SHAWN: Hayaan mo nalang. 
ANGEL: Oh, Miko. Anong oras ang klase mo ngayon? 
MIKO: Mamaya pa alas-nuwebe, ate. Maliligo na ako maya-maya. Maligo ka na rin, ate. Hmp! Ang baho-baho mo na! 
ANGEL: Uy! grabe ka naman! Hindi naman nila ako maaamoy, ah! 
MIKO: Kuya, nagtaka talaga ako kung anong umaalingasaw dito ilang araw na. Naalala ko si ate pala ‘yon! Ilang araw na ‘di naliligo! Hahahahaha! 
ANGEL: Hoy! Bastos kang bata ka, ah! Naliligo kaya ako araw-araw! 
SHAWN: Tama na ‘yan. Huwag nga kayong magbangayan sa hapag-kainan 
ANGEL AT MIKO: Sorry, kuya.
ANGEL: Siya nga pala, Miko, gagamitin ko muna ang laptop. Titingnan ko lang kung may bagong announcement ‘yong guro namin sa Research pero mamaya pa talaga mga ala-una iyong klase namin.
MIKO: Sige, ate. Nilagay ko ‘don sa sala. 
ANGEL: (Pumunta sa sala at binuksan ang laptop) HALA! 
MIKO: Oh, bakit, ate? 
ANGEL: (Soliloquy) May make-up class pala kami mamaya sa Research at may pasulit pa! Bakit kaninang madaling araw lang ‘to pinost ni ma’am? Nakakainis naman, oh! May klase pa mamaya si Miko sa parehong oras. Anong gagawin ko nito? Hindi naman pupwede hindi na makakasali si Miko sa kanyang klase mamaya, kawawa naman. (Nag-isip-isip) Hindi nalang muna ako dadalo sa klase mamaya. Hindi ko ipapaalam kay Miko dahil tiyak ay mag mamagandang-loob ‘yon at ako ang ipapagamit sa laptop. 
MIKO: Ate? Ate? 
ANGEL: Huh? 
SHAWN: Gel? May sinabi ba ‘yong guro niyo? 
ANGEL: Wala naman. Maligo ka na ‘don, Miko. May klase ka pa mamaya. (Nagligpit ng pinagkainan sina Shawn at Angel habang naliligo si Miko) 
RAINE: (Humikab) Anong ulam, kuya? 
SHAWN: Gising ka na pala, kumain ka muna dito.
ANGEL: Raine, pagkatapos mo diyan, ikaw maghuhugas ng mga plato dahil nagluto na si kuya. 
RAINE: (Tamad na humikab) Ha? Ako na naman? Ba’t ako lagi ‘yong pinapahugas ng plato dito? 
ANGEL: Raine, ako na ‘yong naghugas ng mga plato kagabi kahit ikaw naman dapat ang gumawa ‘non. Ikaw naman ngayon, konti lang naman ‘yang huhugasan mo, oh.
RAINE: (Medyo galit) Sige na nga! 
SHAWN: Raine, ayus-ayusin mo naman ‘yang pananalita mo sa ate mo.
MIKO: (Lumabas ng banyo) TAPOS NA AKO! 
ANGEL: Ang bilis mo naman. ‘Di ka naman excited sa lagay na ‘yan, ano?
MIKO: Buti pa nga ako, eh, naliligo. Hahahahahaha! 
ANGEL: Mamaya na kasi ako maliligo, eh! Ang lamig-lamig pa ng panahon, oh!
MIKO: (Nanunukso) Ikaw bahala, ate hehe. (Pumasok si Miko sa kwarto nila ng kanyang kuya) 
ANGEL: (Nilapitan ni Angel ang kanyang kuya na abala pa rin sa kusina) Kuya, kuya!
SHAWN: Oh bakit, Gel? 
ANGEL: Bigla-bigla lang kasi nagsasabi si ma’am na may make-up class kami mamaya 
SHAWN: Oh, tapos? 
ANGEL: Parehong oras sa klase ni Miko kaya ‘di ako makakadalo. Hindi naman ako puwedeng pumunta ‘don sa computer shop at makisingit kasi alam kong punuan ‘yon ngayon, eh. May Online Orientation ‘yong malapit na pampublikong paaralan. 
SHAWN: Sabihin mo nalang kay Miko, make-up class ‘yan, eh. May pasulit kayo, ano? 
ANGEL: ‘Yon nga ang problema ko, kuya, eh.
MIKO: (Biglaang lumabas sa kwarto) Ano ‘yon, ate? 
ANGEL: (Nabigla at medyo kinabahan) Ay, wala! Tinanong ko lang si kuya kung anong ulam natin mamayang tanghali.
MIKO: (Nagdududa) Talaga? Kuya, anong ulam natin mamaya? 
SHAWN: (Hindi makasagot) Uh---- 
RAINE: (Sumingit at medyo naiirita) Iba ‘yong pinag-uusapan nila, Miko. Hindi tungkol sa ulam natin mamaya.
ANGEL: Hindi, hindi! ‘Yon talaga! Diba, kuya? 
RAINE: (Dire-diretso at mabilis na nagsalita) Sinabi ni ate kay kuya na may klase siya mamaya pero ‘di siya makakadalo dahil parehong oras ‘yon sa klase mo.
MIKO: Ate, ba’t ‘di mo sinabi agad? Ikaw na muna ang gumamit sa laptop.
ANGEL: Hindi, hindi! Hindi na lang muna ako dadalo ngayon sa klase. 
MIKO: Hindi, ate. Okay lang talaga. Nasa kolehiyo ka na, eh. Alam kong medyo mahirap na diyan.
ANGEL: ‘Pano ka naman? Hindi ka makakadalo mamaya? Sige na, sige na. Okay lang talaga na ako ‘yong hindi makakadalo 
MIKO: Ate, ikaw na muna ang gumamit. Wala naman kaming importanteng gagawin mamaya at nirerekord naman ng mga guro ang bawat diskusyon namin kaya makikita ko ‘yon mamaya. ‘Yon na lang ang papanoorin ko para makasunod pa rin ako sa klase kahit hindi naman ako makakadalo mamaya.
ANGEL: (Nag-aalinlangan) Sigurado ka ba? 
MIKO: Oo, ate! Okay lang talaga sa’kin. (Tiningnan ang orasan) Ate, malapit na pala mag alas-nuwebe, mag log-in ka na baka ma-late ka pa sa klase niyo.
ANGEL: (Nagdadalawang-isip) Talaga? Sige, sige (Pumunta na si Angel sa sala at dali-daling binuksan ang laptop habang pumasok si Miko sa kanyang kwarto para mag-aral) 
SHAWN: Oh, Raine. Tapos ka na ba diyan? Maghugas ka na dito.
RAINE: (Hindi sumagot pero tumayo pa rin para sinimulan ang paghuhugas) (Sumunod si Shawn sa kanyang kapatid sa kwarto samantalang si Angel ay medyo nahihirapan sa klase) 
ANGEL: (Aside) Uy, na disconnect na naman ako! (Tinaas ang laptop para makakuha ng signal) Ang hina-hina talaga ng WiFi sa kapitbahay. Pero ang bait nga nila, eh, buti at pinapagamit kami ng libre. Ang hirap pa ba naman ngayon kung wala kayong sariling WiFi. (Nababalisa at bumaling sa mga manonood) Ang ibang estudyante nga ‘dyan palaging nag-papaload para magkaroon lang ng mobile data at kadalasan ay hindi pa talaga ‘yon sapat sa halos pang-araw-araw na klase. Kailangan pa ng laptop o ‘di kaya ay smartphone man lang. Swerte nga kami binigay ni tiya ‘tong lumang laptop ng anak ‘nya. Kung hindi, hindi na siguro talaga kami makakapag-aral ni Miko. (Binalik ang atensyon sa laptop) Ma’am, hindi ko narinig. Putol-putol kasi ang signal dito sa may amin. Pasulit, ma’am? Sige ma’am, anong oras ang deadline? Ngayon, ma’am? (Nag-alala) Sige po, ma’am. Sana talaga ‘di na ako ma disconnect, halos isang oras lang ang binigay ni ma’am para kumpletuhin namin ang pasulit, eh. (Pinokus ang buong atensyon sa laptop)
MIKO: (Lumabas sa kwarto pagkalipas ng ilang sandali) Tapos ka na, ate
ANGEL: (Tinaas ang isang kamay) SHHH! 
MIKO: (Tinikom ang bibig at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig) 
ANGEL: HAY SALAMAT! 
MIKO: Tapos na, ate? 
ANGEL: Oo, buti na lang talaga nakaabot ako! Buzzer beater ‘to, oy! 
MIKO: Mahina na naman ng WiFi sa kapitbahay, ate? Buti nga pinapagamit tayo, eh.
ANGEL: Oo nga. Pero kasi palagi akong na di-disconnect kanina. Grabe ‘yong kaba ko! Akala ko hindi na ako makakapasa sa pasulit. Ang laki pa naman ng puntos ‘non kaya pakiramdam ko kanina babagsak ako kung hindi ko mapapasa ‘yon sa wastong oras. Buti na lang talaga. 
MIKO: Sige, ate. Maligo ka na ‘don. Ambaho mo na, eh! Hahahahahah! 
ANGEL: Oo na! Oo na! May klase ka ba ngayon? 
MIKO: Oo, ate. Ngayong alas dies y media.
ANGEL: Sige, mag log-in ka na diyan. Oh, Raine, tapos ka na ba diyan?
RAINE: Oo, magpapahinga na muna ako (Makalipas ng ilang sandali, bigla-biglang pumasok si Aling T sa bahay ng mga Anonuevo) 
ALING T: Shawn! Gel! 
MIKO: Magandang araw, Aling T. Nakatulog ata si kuya sa kwarto, naliligo naman si ate.
 ALING T: Oh, siya. Kumuha ka na lang muna ng pinggan ‘don sa kusina ‘nyo. Nagluto kasi ako ng pansit at medyo napasobra. Alam mo naman, iniwan na ako ng lahat ng anak ko kaya ako na lang ang natitira ‘don sa bahay pero bibisita naman daw ‘yong panganay ko ngayong Sabado. Hindi ko lang alam ko gaano ka totoo. Hahahahaha!
MIKO: Ah--- eh talaga po? Akin na lang po ‘yang pansit, ako na po maglalagay.
ALING T: (Umupo sa upuan sa hapag-kainan) Alam mo bang may bagong lipat na naman diyan sa malapit? Kabago-bago pa nila dito, aba, ang ingay pa ba naman kasi palaging nag-aaway ‘yong mag-asawa. Usap-usapan diyan sa tindahan na naluhi daw ng babae ‘yong asawa niya na nagloloko. Hay, nako! Ano ba naman ‘yan! 
MIKO: Ah, ganoon po ba? 
ALING T: Oo! Tapos sa gabi pa ba naman mag-away. Nabubulabog ang buong barangay, eh! Ang lapit-lapit ko pa sa balay nila kaya naririnig ko talaga lahat ng mga batuhan ng salita pati mga bagay, diba! Hay, nako! 
ANGEL: (Lumabas mula sa banyo na nakabihis na) Aling T? 
ALING T: Oh, nandyan ka lang pala, Gel.
ANGEL: Kakatapos ko lang pong maligo. Miko, magsisimula na ba ang klase mo? 
MIKO: Oo, ate. Nag-aayos lang si ma’am sa mic niya.
ALING T: Oh, may klase pala si Miko, Gel? 
ANGEL: Opo.
ALING T: Talaga? Sa pagkakaalam ko, online na kayo ngayon ‘diba? 
ANGEL: Opo. 
ALING T: Isa lang ba ang laptop niyo? At wala kayong WiFi ‘diba? 
ANGEL: Opo, isa lang. Nakikigamit lang po din kami sa WiFi ng kapitbahay
ALING T: Buti nga pinapayagan kayong makigamit.
ANGEL: Oo nga po, eh. 
ALING T: Pero alam mo, bilib din ako sa inyong mga bata ngayon.
ANGEL: (Nagtataka) Bakit po? 
ALING T: (Nagpalakad-lakad sa bahay) Tingnan mo nga ang sitwasyon natin ngayon sa gitna ng pandemya. Nakakaya pa rin ng mga bata katulad niyo na maghanap ng paraan para makapag-aral. Alam mo may napanood ako noon, mga batang bumababa pa mula sa kabundukan at dumadaan pa ng dalawang ilog para makapunta lang sa paaralan. Grabe, noh. Hindi talaga natitinag ang kagustuhan niyong mag-aral kahit ano pa ‘yang kinalalagyan niyong sitwasyon.
ANGEL: Pero bakit niyo po pinupuri ang mga batang kinakailangan dumaan sa napakahirap na mga pamamaraan para lang makapagaral? Bakit po sila nakakatanggap ng papuri sa halip na tulong? ‘Diba po dapat ginagawa ‘yang palatandaan ng gobyerno para gumawa ng mga solusyon sa mga problemang ito? Sa pagkakaalam ko po kasi ay para po sa lahat ang edukasyon, ngunit bakit po sa panahon ngayon, hindi na siya nagiging karapatan ‘kundi pribelehiyo?
ALING T: (Umiling-iling) Naku, hija! Ang bata-bata mo pa para pag-isipan ang lahat ng iyan! Alam mo kung anong dapat mong gawin? Mag-aral ka nalang ng mabuti, magtiwala ka na lang sa gobyerno na masusulosyunan ang mga problemang iyan. Hay, nako! 
ANGEL: (Halatang hindi sumasang-ayon) Pero ba--- 
ALING T: (Naglakad na papunta sa pintuan) Hep! Hep! Hija, sige na, sa susunod na lang natin ipagpatuloy. Kailangan ko pa kasing pumuntang palengke dahil may kumuha na naman ng walis ko sa labas ng bahay! Naiinis na talaga ako, ah! Nako! Lagot talaga ang kung sino man ‘yang nangnanakaw ng walis!
ANGEL: Sige po, Aling T. Salamat po sa pansit.
ALING T: Walang problema, Gel 
(Sumenyas si Miko ng pagpapaalam kay Aling T habang nasa gitna pa ng kanyang klase) 
MIKO: Saktong-sakto! Tapos na kami, ate. 
ANGEL: Anong pinagsasabi mong saktong-sakto diyan? 
MIKO: Ah, wala, ate. Mabait naman si Aling T pero minsan medyo nakakairita na ‘yong mga pinagsasabi niya, eh. Medyo lang naman hehe. 
ANGEL: Siya nga pala, may assignments bang binigay ang mga guro niyo ngayon?
MIKO: (Monologo) (Nalulungkot) Haaay. Hindi ko sinasabi kila ate pero medyo nahihirapan talaga ako sa online classes. Iba pa rin kasi talaga kung nakikita mo ng harap-harapan at nahahawakan mo ang mga pang-edukasyon na materyal. Kamusta kaya si ate? Alam kong nahihirapan na rin ‘yon kasi medyo mahirap na kapag nasa kolehiyo na, eh. ‘Pano kaya ang mga bata sa bansa ngayon na hindi makakapag-aral dahil wala naman silang mga wastong kagamitan gaya na lamang ng laptop o smartphone? Ang tanging hiling ko lang talaga ay mawala na ‘tong pandemya. Ang dami-dami nang namamatay, nawawalan ng trabaho, at hindi nakakapag-aral. Suwerte nga kami dahil pareho kaming iskolar ni ate sa paaralan at binigyan pa ni tiya ng laptop. ‘Pano na kaya ‘yung iba?
ANGEL: Miko? Ang sabi ko, may assignments bang binigay ang mga guro niyo ngayon? 
MIKO: Ha? Eh, wala naman, ate. 
(Pagsarado ng kurtina) 
1 note · View note
titserdi · 4 years
Text
Kabataan: Pag-asa Pa Rin Ba ng Ating Bayan?
“Ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan.”
Ito ay isa sa mga napakatanyag na katagang binitiwan ng ating pambansang bayani na si Doktor Jose Rizal noong siya’y nabubuhay pa. Dito, inilalarawan niya na ang kabataan ay ang siyang may kakayahan na ipagtanggol ang ating bayan laban sa mga mananakop o sa iba’t ibang uri ng tao na may maitim na adhikain sa ating bansa. Ngunit, dahil sa mabilis na pagtakbo ng panahon, masasabi pa ba natin na ang kabataan ay siyang tunay na pag-asa ng Pilipinas, ang bayang ating sinilangan?
Sa ikalawang nobela ni Rizal na El Filibusterismo, natunghayan natin ang mga tauhan na sina Basilio, Isagani, Makaraig, Sandoval at Juanito Pelaez. Ang kabataan sa nobelang ito ay nagkakaisa sa iisang mithiin at ito ay ang ipaglaban ang karapatan nilang magtatag ng isang paaralang tinawag nilang Akademya ng Wikang Kastila na naglalayong magturo ng wikang Kastila sa lahat ng mga kabataang Filipino. Sa kasawiang-palad, ito’y hindi sinang-ayunan ng pamahalaang Kastila. Subalit, kung inyong mapapansin, ang kabataang Filipinong ito ay maituturing na mga dakila dahil sa pamamagitan ng kanilang layunin, naipakita nila na mayroon silang paki-alam sa kapwa nilang mga Filipino.
Ang aking tanong sa bawat isa, “Sa modernong panahong ating kinalalagyan ngayon, masasabi ba natin na mayroon pa ring Basilio, Isagani, Makaraig, Sandoval at Juanito Pelaez na siyang mayroong inisyatibong tumayo at lumaban para sa ating mga karapatan?”
Kung ako ang inyong tatanungin ukol diyan, oo ang aking isasagot. Mayroon pa ring kabataang tulad ng mga nabanggit na tauhan ng El Fili na siyang may lakas ng loob na ipaglaban ang ating mga karapatan.
Ngunit, kung mayroong kabataang tulad nila Basilio, napakarami rin namang kabataan ngayon ang maaari nating ihalintulad sa isa pang tauhan ng El Fili na nagngangalang Tadeo.
Si Tadeo, mga kaibigan, ay isang kamag-aral nina Basilio na namumukod-tangi sa lahat. Siya ay isang uri ng kabataan na tamad mag-aral at laging ipinanalangin na sana’y wala laging pasok. Kaya kung inyong natatandaan, noong hinuli na ang kabataan sa paratang na pagkakabit ng mga paskin sa kanilang paaralan, si Tadeo lang ang kaisa-isang mag-aaral na imbes na malungkot ay siya pang abot-tainga ang ngiti sabay sinunog pa ang kanyang mga aklat dahil ito raw ang pinakamasayang pangyayari sa kanyang buhay sapagkat dahil dito’y wala nang pasok sa kanilang paaralan.
Sa panahong ito, nagkalat ang mga “Tadeo” sa ating lipunan. Maraming kabataan na mas pinili na ubusin ang kanilang panahon sa paggawa ng mga walang kabuluhang gawain kaysa sa pagpunta sa kani-kanilang mga paaralan. Nariyan ang kabataang nauubos hindi lamang ang oras kundi pati na rin ang kanilang pera dahil lamang sa paglalaro ng mga computer games tulad ng Defense of the Ancient o mas kilala sa daglit na D.O.T.A. Nariyan naman ang kabataan na nauubos ang pera sa pagbili ng mga bagay na hindi naman nila kailangan. At ang mas masahol pa rito, marami nang kabataan ngayon ang nalululong sa iba’t ibang mga bisyo tulad ng pag-inom ng alak, paninigarilyo at ang mas matindi pa, ang paghithit ng mga ipinagbabawal na gamot.
Kung dati-rati, sa handaan ng isang kamag-aral na nagdiriwang ng kaarawan, madalas nating itanong ang mga ito: “Marami bang pagkain?,” “May mga palaro ba?” at “May keyk ka ba?” Ngayon, karamihan ng kabataang dadalo sa isang pagdiriwang ng kaarawan ng isang kaibigan ay ganito ang unang tinatanong: “May inuman ba?” sabay sabi ng, “Ui, San Mig Lights lang sa akin ha? Baka mapansin ni Papa at Mama.”
Oo. Marahil kayo ay natatawa ngunit tanggapin na natin sa ating mga sarili na lahat ng mga ito ay posible at tunay na nangyayari sa modernong panahong ito.
Mayroon namang kabataan, na sa murang edad pa lang, ay pumapasok na sa pakikipag-relasyon. Ito ang siyang nagiging dahilan ng tumataas na kaso ng maagang pagiging mga magulang ng kabataan.
Oo, hindi masamang magmahal sa ating kapwa. Ngunit, hindi lang puso ang dapat nating gamitin sa pag-ibig. Mas kailangan nating gamitin ang atin isip. At kapag magmamahal tayo, huwag natin ibigay lahat ng pagmamahal sa ating mga kasintahan. Magtira rin tayo para sa ating mga sarili. Kung gusto mong mahalin ka ng taong mahal mo, bakit hindi mo muna mahalin ang sarili mo? Sa ganoon, makikita ng mga tao sa paligid mo na may respeto ka sa sarili mo na siyang magiging dahilan ng iba upang mahalin ka.
Sa lahat ng mga kamaliang ginagawa natin bilang kabataan ng ating bayan, panahon na siguro upang tao’y magbago na at tahakin ang matuwid na pamumuhay.
Paano natin ito magagawa?
Simple lang ang naiisip kong solusyon. Simulan na nating isapuso ang pag-aaral. Isipin ninyo na iba pa rin ang taong nakapagtapos at may pinanghahawakang college degree­. Sa pamamagitan nito, hindi lamang natin makakamit ang ating pansariling pangarap, kundi makakatulong pa tayo sa pag-unlad ng ating bansa.
Sa simpleng pamamaraang ito, mapatutunayan natin sa lahat ng tao sa buong mundo na tunay at totoo nga ang sinabi ni Gat Jose Rizal na ang kabataan ang siyang natatanging pag-asa ng bayan!
(circa 2011)
1 note · View note
joefiorello · 7 years
Photo
Tumblr media
#Repost @neofilmshop (@get_repost) ・・・ [NeoFilmShop.com] Love Stalk (2016) - Hong Kong This is a rare crowd funding success story where the film was mostly funded via crowd funding platforms and dedications of its cast and crew. Director Joe Fiorello created a new looking glossy film against the odds of a limited budget and that's alone admirable in itself. Starring Angie Palmer (also producer) as the Singaporean young executive expiating in the hustle and bustle city of Hong Kong, she manages to show enough raw shyness alongside Ronan Pak. Pak is mostly stiff and stoic, but the mysterious factor works for him. Dada Lo flairs well as the most natural sidekick as she prefer one night stands as opposed to relationships. Joe Fiorello appears in a scene stealing extended cameo as the ultra demanding client. Culturally relevant and the film tries to display a hint of message about modern romance and pitfalls of online dating obsession. Loneliness in a busy city is also portrayed, but the film never attempts to go deeper into most issues, given its 70 minutes running time and speedy ending. Still, it's a good enough effort from all involved, making films with limited funding is not easy and it should be encouraged. I rated it 3/5 All the latest Asian/Martial Arts DVD and Blu Ray! Shop now at NeoFilmShop.com #shopify #shopifypicks #shopifypics #dvds #blurays #onlineshops #onlinestore #bargainshopper #lovestalk #joefiorello #hk #hkig #hkiger #angiepalmer #dadalo #ronanpak #ineslaimins #kellyjackie #edwardchui #愛打卡 #hkfilms #crowdfundingcampaign #hkmovies #hkfilmstore @hkjoefiorello
0 notes
marcusharrryy · 2 years
Text
Lakbay Sanaysay 12 - Marvelli Calbonilla Claudio Duarte
CALBONILLA : Paglangoy kasama ang mga Butanding ng Oslob, Cebu
Tumblr media
          Ang lugar ng Oslob, Cebu ay sikat sa paglangoy kasama ang mga butanding, ito ay sa Brgy. Tan Awan sa Oslob, Cebu ito ay 4-5 na oras ang iyong lalakbayin kung ikaw ay manggagaling sa Paliparan ng Mactan. Upang makipag langoy kasama ang Butanding ikaw ay dadalo muna sa isang miting upang masabi ang mga kailangan at hindi dapat gawin para sa kaligtasan ng mga turista at ng mga butanding. Isa ito sa mga magagandang gawin sa Cebu, dahil ito ay kakaiba na karanasan at ang Oslob ay nangunguna sa pinakamahusay na lugar upang gawin ang karanasang ito.
Ang mangingisda sa Oslob, Cebu ay pinapakain ang mga Butanding ng ilang taon na kaya sila ay nasanay sa pag punta doon sa tamang oras, at ito ay ginagamit upang mapag sama sama ang mga butanding at makasama ng turista. Ang mga tao sa Oslob ay higit ang pagmamahal sa mga Butanding at lagi nilang inaalala ang mga kalagayan at kaligtasan ng  mga Butanding, kaya sila ay lagi nagsasagawa ng miting upang masabi ang mga kailangang gawin dahil ito rin ay isang delikado ngunit na kakaibang karanasan. Isa sa mga pinapaalala ay ang pag bawal sa paghawak ng mga Butanding dahil ito ay nakaramdam ng stress o kaya sakit. Sa paggawa ng paglangoy ay nakagrupo sa anim ang mga tao sa isang Butanding upang hindi makaramdam ng stress ang mga Butanding at ito ay isinasagawa lamang ng 30 na minuto. 
Nakinig ako ng mabuti sa miting na isinagawa ng mga tao sa Oslob upang makapag handa sa karanasang ito. Sumakay kami sa bangkang maliit upang mapuntahan ang mga butanding sa pag lusob ko ako ay nakaramdam ng takot at saya dahil ang ito ay kakaibang karanasan na gagawin ko sa buhay ko. Isa ito sa mga karanasan na hinding hindi ko makakalimutan, sa karanasang ito naranasan ko kung gaano kaganda ang ating kalikasan at ang ating mga hayop. Naisip ko rin kung gaano kahalaga na dapat alagaan itong mga Butanding dahil ito ay isang mahiwagang hayop.  CLAUDIO Helmet Diving kasama si nemo sa Bohol
Tumblr media
Kilalang kilala ang Bohol sa kanilang sikat na lugar na ang Chocolote Hills. Hindi alam ng mga tauhan na maganda rin ang kanilang tabing dagat. Mayroong partikular na dagat ang aking napuntahan at ito ang Panglao Island Beach. Maganda ang tabing dagat na ito dahil sa puting buhangin na mayroon ito at clarong tubig. Marami akong magandang alaala na nagawa dito at ang mga pangyayari dito ay masaya.
Marami akong nagawa dito embes sa pagpunta sa Chocolate Hills na maganda rin puntahan dahil tanawin na meron na ito at preskong hangin. Unang nagawa namin dito ay ang Island Hopping kung saan palipat-lipat kami ng at lumalangoy kami sa bawat isla. Pangalawa ay ang floating kubo kung saan kumain kami doon pagtapos mag-island hopping. Hule ang Helmet diving kung saan nag bangka kami papunta sa coral reefs. Nag-aalangan ako nung una dahil takot ako at wala akong tiwala sa equipment pero nadaan ako sa salita at napilitan rin ako.
Masaya ang naranasan ko dito at ang mga tauhan dito ay mababait at madaling makitungo. Ang tourist guide namin ay nakakatawa at mabait kaya nagdadag yun sa saya ng lakbay. Gusto ko ulit maranasan ito sa mga sususnod na araw pero kailangan ko maghintay dahil sa pandemya. Ito ay isang lugar na aking maiirecommenda sa mga pamilyuang gustong mag bakasyon dahil iba’t-ibang bagay na pwedeng magawa dito.
 DUARTE : Baler, Surfing Capital of the Philippines
Tumblr media
Baler ay isa sa may mga magagandang dagat sa ating bansa, and sabang beach ang tinuturing nila na pang- surfing beach nila. Sabang beach ay nakilala dahil sa lakas ng alon na makakapag surf ka talaga roon at may iba pang beaches ang baler na hindi para sa surfing at doon makakapagsaya ang mga bata. Ang Baler ay matatawag mong paraiso ng mga manlalakbay dahil sa madami ka pang magagawa katulad ng pag-paparty, mga pagkain na masasarap at sariwa pa. Hindi maganda puntahan ang Baler kapag ang iyong hanap ay white sand dahil ang sand dito sa Baler ay medyo maitim. Madami pa ang pwedeng makita sa Baler at hindi lang ito pang surfing beach.
Ang surfing rates sa Baler ay tatlong daan hanggang limang daang piso at kapag wala kang surfing board ay aabot ito sa isang libong piso. Bukod sa Sabang beach may tatlo pang mga beaches na pwedeng magsurf. Cemento Beach, dito nagaganap ang mga surfing competitions at dito marami rin nakikipag kompeta na mga international surfers. Charlie’s point, ito rin ay sa kilala na surfing spot sa bayan ng Baler at dito rin ipinakita yung scene sa “Vietnam War film Apocalypse Now”. At ang huli ay Lindy’s point, ito ang bagong spot ng mga magagaling na magsurf  at bawal dito magsurf ang mga hindi pa gaano marunong magsurf dahil sa delikado at matutulin na alon. 
Noong pumunta kami ng Baler ang ginawa lang namin doon ay magsurf lang at magrelax lang sa beach kasama ang buong pamilya. Hindi lang puro beach ang napuntahan namin, madami rin kaming napuntahan na kainan, museo, at ang balete tree. Ang maganda talaga gawin doon ay magsurf dahil ang lakas ng alon sa Sabang beach at may magtuturo sayo mag surfing hangga’t matuto ka talaga. Nakakapagod magsurf ng buong araw at paniguradong tulog ka sa hotel na paglilipasan niyo. 
0 notes
diwangpalaboy · 6 years
Text
SINEMULAT
Sisimulan ko ngayong semestre tuwing bakanteng oras ang pagpapanood at pagsusuri ng mga piling short film. Gaganapin ito sa DSS sa loob ng 20-40 minuto. Tatanggap lamang ako ng 8-10 interesadong mga mag-aaral kada sesyon batay sa kung sino ang mga naunang magpapalista sa bawat anunsyo. Bukas ito sa lahat ng mag-aaral sa DSS at CAS. Upang mas maging makabuluhan ang talakayan bawat tagpo ay inaasahang magbabahagi rin ng kuro-kuro ang mga dadalo. Paminsan-minsan ay mamimigay rin ako ng mga babasahin upang mas lumalim ang diskurso. Sa ibang pagkakataon ay mag-iimbita rin ako ng mga resource person para mas lumawak at tumalas ang ating pag-aaral at pagsusuri.
7 notes · View notes
walangmaboto · 2 years
Text
Hindi siya Cooking Show
Tumblr media
Kayo ba ay may sariling isip na Anti-Marcos or sunod sunuran lang sa isang Yellow Troll Army na cut and paste lang at mag share kung ano lang ang sinabi nila?
Nuong napabalitaang hindi dadalo si BBM sa forum ng KBP ginawa din issue kaagad na naduwag si Junior, takot humarap sa taong bayan para ipakita lang na marunong siya magluto.
FORMER senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., or BBM, a candidate for president in the 2022 elections, on Friday skipped a forum organized by the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) and opted for a separate one-on-one interview with television host Korina Sanchez-Roxas, whom he joined in a cooking demonstration.
BBM opts to cook, Isko okays turncoatism - The Manila Times
Amid today’s live forum, attended by five candidates — senators Panfilo Lacson and Manny Pacquiao, Vice President Leni Robredo, labor leader Leody de Guzman, and Manila mayor Isko Moreno — who bared their platforms and insights on important issues, the Rated Korina Facebook page released photos of Bongbong Marcos in his taped interview with star journalist Korina Sanchez, where he showed the magazine show host how to cook dishes from his hometown of Ilocos: bagnet and pinakbet.
Bongbong Marcos skips presidential forum to cook ‘bagnet’ and ‘pinakbet’
Cooking show lang pala!
HINDI siya cooking show! Wala nga sa introduction ni Korina Sanchez ng Presidentiables na series niya na nag luto lahat ng candidates. Interview siya tulad ng ginawa ni Toni Gonzaga, tulad ni Boy Abunda.
Mas consistent pa nga format ni Boy Abunda kumpara kay Korina. Bakit nga ba iba iba ang kay Korina?
Base sa naka upload sa YouTube channel ng Rated Korina si Lacson at si Pacquiao ang may mga pinaka magigsing video. Si Bongbong, si Leni, at si Isko may mga tig dalawang video, at sa combined na oras ay hindi naman nagkakalayo sa haba. Minsan may questions mula sa iba’t ibang sector ng lipunan minsan wala.
May mga edits pa yun. Assembled ang interview bilang palabas ni Korina at pangalawa lamang bilang isang interview kung saan makikita mo ang kandidato na tila ikaw ang nagtatanong.
Hindi mo alam ilan lahat natanong, hindi mo kita mga reaction, hindi mo kita kung nahirapan.
Sa ngayon may pangalawang bash na nga si Toni Gonzaga, nag pakilala lang naman kay BBM sa Philippine Arena. Pero bakit wala sa usapan at pangigilatis ang ginawang interview ni Korina Sanchez-Roxas?
0 notes
bewarethebasement · 5 years
Text
Ang hangad ko lang talaga ay matinong arts events sa Elbi
Shaunnah Ysabel Cledera
Sa loob at labas ng UPLB, bukod sa limitadong imprastraktura na nakalaan para sa arts activities(1), iilang arts courses na inaalok ng DHUM, at kakaunting platforms para pag-usapan ang arts, ang iba’t ibang pagtitipon tulad ng film screenings, performances, workshops, at art markets ang lumilikha ng espasyo para sa sining. Ang kakulangan sa pisikal na espasyo at suportang pinansyal (at moral?) mula sa UPLB admin at LGU para sa mga may pakialam at may “passion”, ika nga, para ipagpatuloy at pagyamanin ang praktika nila ay sinusubukang punan ng ilang-beses-sa-isang-buwan na mga inisyatibong pinadadaluhan sa mga interesadong katawan sa iisang oras at lugar upang magbahaginan ng kanilang sining. Mas gusto kong isipin ang arts initiatives sa Elbi bilang mga kabuteng biglaan at hindi mapipigilan kung magsulputan sa mga suluk-sulok ng Los Baños, kaysa isang malawak na parang na bagamat nariyan ay nakatiwangwang.
Nalaman ko sa pagdalo sa A roundtable on the state of arts and criticism in Los Baños sa Nomina Nuda na maraming initiatives sa sining sa labas ng UPLB ang hindi alam ng mga taga-loob ng campus(2); sa kabilang banda, marami ring activities ang mga cultural orgs ng UPLB na hindi alam ng mga taga-Los Baños na hindi konektado sa UPLB(3). Noong naimbitahan ang Magpies, ang collective na kinabibilangan ko, na mag-talk at mag-exhibit ng mga gawa sa WiSiK: Wika, Sining, at Komunidad ngayong taon, nakita kong isa sa mga posibleng pagtugon dito ang pagdala ng WiSiK sa sinasabing “wider and more diverse audience”(4) sa pamamagitan ng pakikipag-partner nito sa iba’t ibang art spaces sa Los Baños. Malaki ang ambag ng WiSiK sa paglilikha ng espasyo para sa sining sa Elbi: simula noong una itong ginanap noong 2012(5), naiiba na ito agad sa mga Elbi events dahil may pagdiin ito sa “pagdiriwang ng wika, sining, at komunidad” na itinatag ng mga “miyembro ng komunidad”. Libre ang event sa parehong attendees at artists, at bukas sa sinumang gustong mag-exhibit, mag-perform, at magbenta ng gawa. Kinalaunan, nakapagpasok rin sa program ng mga libreng talks at workshops. Dahil sa laidback vibe nito, lalupa’t ginaganap tuwing Sabado sa DL Umali o SU, hindi lamang artists at mga studyante ang nakadadalo kundi pati mga pamilya o barkadang namamasyal sa Freedom Park. Ngayong taon, sa desisyong iwan ang DL Umali o SU at (sorry) i-wisik ang event sa iba’t iba at dumaraming art spaces sa labas ng UPLB(6), mas lalo lang lumilitaw ang pangangailangang pag-usapan ang mga espasyo para sa sining.  
Kung pag-iisipan ko ang pag-organisa ng arts events sa Elbi, isa sa mga unang konsiderasyon ko ang papel ng event sa paglilikha ng espasyo na batay sa ugnayan at relasyon ng mga tao. Naging malinaw ito sa akin noong tumulong ang Magpies kay Asshulz sa pag-organisa ng unang Zine Orgy noong 2015 sa pagtangkang sagutin ang problema ng consignment ng zines sa pamamagitan ng pag-schedule ng pagkikita-kita ng mga gumagawa ng zines at mga gustong magkakopya nito. Hindi naging option para sa Zine Orgy na ganapin ito sa loob ng campus dahil nagkakasundo ang mga organizers na mas masayang makipag-usap sa establishments sa labas ng campus kaysa makipag-agawan sa schedule ng mga orgs at university activities sa pagkuha ng permit para sa venue sa campus (bukod sa malamang hindi rin papayagan dahil sa kontrobersyal na pangalan ng event).
Swak sa konsiderasyong ito ang tema ng WiSiK 2018 na “Kapwa”, na pagbalik raw sa “most essential building block of societal growth, of seeing others as kindred”(7). Naaayon lamang sa lohika ng layuning dalhin ang programa ng WiSiK sa “wider and more diverse audiences” ang pagpapakita na may iba pang mga sulok na pwedeng maging tagpuan ng mga artists bukod sa campus grounds, at na hindi nangangahulugang kung wala sa priority ng UPLB ang sining ay patay ito. May iba pa bang mas lantarang pahayag kaysa sa kawalan ng kahit na anong UPLB-initiated arts events, bukod sa semestral culminating pakulo ng mga Hum2 classes, at mga org-initiated events, sa kabila ng pagkakaroon ng opisina para mismo rito: ang Office for the Initiatives in Culture and the Arts (OICA)?(8)  At may iba pa bang mas lantarang pahayag ng pagtutol sa kawalang-prayoridad na ito kaysa sa taunang pag-angkin ng independently-organized WiSiK sa bakuran ng DL Umali, sa labas mismo ng opisina ng OICA at Sining Makiling Gallery? Kaso madaling magkamali sa pag-aakalang dahil halos wala namang makitang suporta mula sa UPLB admin sa arts and culture initiatives ay pwedeng nang i-etsapwera ang halaga nito bilang tagapangasiwa ng mga pook na pwede rin sanang magamit para sa sining.
Tumblr media
Napagtanto ko ito mula sa pwesto ng Magpies sa KTKS noong Oktubre 27 sa WiSiK. Matumal at may pakiramdam na walang ibang tao kundi mga exhibiting artists at mga kaibigan nilang nahatak lang na pumunta. Pinakamalaking porsyento sa kakaunting dumalo ay mga studyante o graduate ng UPLB na regulars na sa mga arts events; maraming hindi nakadalo dahil nailabas lang ang mapa at timetable ng WiSiK activities alas nuebe ng umaga ng mismong araw ng event, oras na ng pagsetup ng mga exhibiting artists sa kani-kanilang designated venues. Hindi ma-i-publicize nang maayos ang event dahil hindi malinaw ang mangyayari sa kabuuan nito. Kung ang desisyong ilabas ang WiSiK mula sa campus ay para ilapit ang mga attendees sa mga art spaces sa labas ng UPLB, ang pagsasabay-sabay ng activities at kakulangan ng publicity efforts para makahatak ng sapat na audience sa bawat activity ay lalo lang nakahati ng audience. Hindi na kami nagkaroon pa ng oras na dumalaw sa WiSiK art market sa Ginhawa noong araw na iyon, pero para sa nasa walong oras na pananatili ng nasa sampung mesa ng exhibitors sa KTKS, kakaunti ang dumalo, bumili, at nakausap naming “mga miyembro ng komunidad.” Marami pang hindi kaaya-ayang nangyari noong araw na iyon(9), pero mas mapapakinabangan kung tutuon sa kawalan ng attendees sa araw na iyon, lalo na kung babalikan natin ang pag-iisip tungkol sa matinong arts events sa Elbi.
Naisip kong hindi nga naman kailangang may mga mamimili at audience ang isang art event(10), kaso nga lang ang disenyo ng WiSiK ay nakaangkla sa pagganap nito sa konteksto ng komunidad at kapwa--hindi naman ako naghahanap ng dagdag na mamimili ng kakarampot naming zines at stickers na hindi rin naman ginawa para kumita, pero inaasahan kong kahit paano ay maranasan ang komunidad at makilala ang ibang kapwa na sinasabing makikilala sa paglabas sa nakagawiang venue ng WiSiK. Para sa akin, ang paninigurado ng organizers na mayroong sapat na dadalo sa event ay pagpapahalaga rin sa mga inimbitahang artists, ang ilan ay bumiyahe pa mula sa Maynila o sa kabilang bayan. Hindi sa kahit na anumang dahilan kundi sa pagpapatunay sa pagtingin na nagkakaroon lamang na kabuluhan ang likhang sining sa konteksto ng komunidad at kapwa. Ano ba ang pagtatanghal kung walang manonood? Sapat na ba ang paglikha lang ng sining? Sabi nga sa call for submissions ng Pananaw literary folio, “hanggang saan aabot ang sining mo?”
Mahalagang linawin na nakatulong ang pagganap ng mga nakaraang WiSiK sa DL Umali at SU dahil mas madaling napipilitang magtipun-tipon ang mula sa iba’t ibang larangan at pinanggagalingan, ngunit palaging magandang ideya para sa akin ang i-decentralize ang produksyon ng sining at kultura at palawakin ang komunidad ng mga artists at audience sa  pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang art spaces. Nga lang, kailangang siguraduhing matagumpay nga nitong nadadala ang mga gawa ng imbitadong artists sa nararapat na audience. Kung hindi, paano na lamang ang pagkakahulugan ng organizers sa komunidad? Sino ang nakikitang kausap sa sining na kapwa? Ayokong isipin na ang magkakaharap ay ang mga dating mukha, mga dating art collectives na kasama sa WiSiK noong wala pa ang mga alternative art spaces sa Elbi, dahil ayokong isipin na hindi lumalawak at umuunlad ang ating komunidad.
Hindi tulad ni Tonio Flores, ang punong organizer ng WISIK 2018, hindi ko pa kayang hangarin na makapag-“burst ng epistemic bubbles” at makapag-”bulldoze ng ivory towers” sa Elbi. Hindi ko pa nakikitang nagpapaunahan o nagpapabidahan ang cultural orgs at art collectives sa “eksena” sa Elbi para i-gatekeep ito; kakaunti pa tayo masyado para sa ganitong drama. Mas nakikita ko ang pagsusumikap ng mga artists, performers at writers ng Elbi para paniguraduhing buhay ang paglikha ng sarili nilang sining. Kung nais nating alagaan ang komunidad ng mga lumilikha ng sining at tumatangkilik nito, kailangan munang siguraduhing may matinong events na bubuo sa sinasabing eksena. Dahil sa events nagpapatuloy ang paglikha ng espasyo para sa sining.
Mga Tala
(1) Sa UPLB, ang Sining Makiling Gallery at Makiling Performance Garden lang ata ang dedikadong espasyo para sa sining. Hindi nakakagulat na mas tinatawag ang MPG na “Ruins” dahil hindi mo mawari kung natapos ba ang construction nito o dinesenyo ba itong walang bubong; tulad ng binabanggit ni John Daryl Alcantara sa kaniyang sanaysay, malaking problema ang pabagu-bagong panahon sa Elbi at ang limitadong seating capacity nito kahit na versatile sana na tanghalan ng mga dula. Malaking tulong ang mga restaurant na dumodoble rin bilang venues ng mga events tulad ng Ginhawa Art Cafe sa UPLB, Haraya Cafe, Books, Crafts & CoffeeShop, Cafe Berde & KTKS Studio Cafe, The Fat Yard, Jacques, Smokehouse One Bonito’s Place, Entablado, at ang suking 77 Events Place. Ang pagbukas ng Nomina Nuda, isang art space sa Umali Subdivision na dedicated para sa mga emergent artists, at hindi restaurant o cafe, ang isa sa mga pinakamahahalagang development ng espasyo para sa sining sa Elbi.
(2)  Sa pagbabahagi ni Noms Los Baños, buhay na buhay ang graffiti writing sa Elbi at nakikipag-ugnayan sa mga writers sa iba pang bahagi ng Laguna. Bukod pa ito sa iba pang anyo.
(3)  Ibinahagi ni Bong Cañete, isang residente ng Los Baños na ipinanganak sa Los Baños, na kamakailan niya lamang nalaman na mayroon palang gallery sa ilalim ng DL Umali.
(4)  Nakalagay sa imbitasyon sa Magpies, nilagdaan ng organizer na si Tonio Flores.
(5)  Nakadalo ako bilang miyembro noon ng Samahang LAYB, at isa kami sa tatlong organisasyon kabilang ang UP Painters’ Club at MakiSining na tumambay sa hagdan ng DL Umali para magbenta ng mga gawa.
(6)  Ngayong taon lamang nagbukas ang Nomina Nuda at Cafe Berde ng KTKS; kakalipas lamang ng unang anibersaryo ng Haraya Cafe; tatlong taon pa lamang ang Ginhawa Art Cafe at Books, Crafts, and Coffeeshop.
(7)  Ayon sa imbitasyon sa Magpies sa WISIK na nilagdaan ng punong organizer na si Tonio Flores.
(8)  Kailangan mabanggit na saglit na nagkaroon ako ng pag-asa noong binuksan ng OICA sa pamumuno ni Prof. Romeo dela Cruz kasama ni Mr. Kulay Labitigan ang Sining Laboratoryo (Si-LaB) para ipagdiriwang ang National Arts Month noong 2015. Iniugnay ng OICA ang piling cultural at non-cultural orgs sa mga emergent art practitioners tulad nina Jett Ilagan, Lesley-Ann Cao ng Green Papaya Projects, Joseph Gabriel at Kelvin Atmadibrata ng 98B, at iba pa. Sa palagay ko naging mahalaga ito sa pagbukas ideya ng pakikipagkolaborasyon ng mga orgs sa mga non-UPLB practitioners na mula sa ibang larangan.
(9)  Halimbawa, sa karanasan ng Magpies sa KTKS: Pinapunta sa venue ang exhibitors ng alas nuebe y media ng umaga sa KTKS para sa libre pero first come, first served tables pero nalaman na alas dose pa pala makakapagbukas ang KTKS kaya pinaglatag muna sa kabilang coffee shop; hindi mag-play ng maayos ang mga pelikulang dala ng RESBAK; hindi nagsimula sa oras ang mga activities kaya ang ilang gustong daluhan na activities sa ibang venes ay hindi na nadaluhan; ang link sa uploaded na mapa ng time table ay nagreredirect sa isang youtube playlist; atbp.
(10)  Ang tinutukoy ko rito ay workshops o fellowships na hindi kinakailangan ng audience tulad ng mga talk, performance, o art market.
___
Si Shaunnah Ysabel Cledera ay isa sa mga founding member ng Magpies. 
cargocollective.com/shaunnahcledera
1 note · View note