Tumgik
#ni dahong
green-ajah · 1 year
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
《 天盛长歌 》The Rise of Phoenixes (2018)  ⤷ Feng Zhi Wei is the unfavored daughter of the Qiu Family, who has to flee due to unfortunate circumstances. Owing a favour to the 6th prince Ning Yi, Zhi Wei dresses as a man to attend the prestigious Qingming Academy and becomes the supreme scholar to the Emperor. She remains loyal and honest to the reigning Emperor during the princes’ fight for the throne while falling in love with Ning Yi who seeks to unravel mysteries from his past and seek revenge for his beloved ones.  Although their love for each other is true, can they maneuver the scheming and countless hurdles thrown their way?
watch on Netflix 
116 notes · View notes
moviemosaics · 2 years
Photo
Tumblr media
The Assassin
directed by Hou Hsiao-hsien, 2015
12 notes · View notes
chineseredcarpet · 10 months
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ni Dahong takes the cover of Powercircles Magazine
0 notes
Text
Padron ng Paglaho
Ulan ng mga dahong kawayan sa aserong puti, hindi ko na nakita ang liwanag ng araw. Kaluskos ng mga sanga sa aming butasing bubong. Nahulog ang mga malulutong na dahon. Doon sila dumausdos nang walang tigil sa bintana, at nang maubos, lumitaw si Nanay na may ngiti … na sa akin ay nagpahikbi. Kumain ka na? tanong niya. Tumango ako, Oo naman, Nay [sinungaling]. Kaya aking inaliw ang sarili sa pagbibilang ng bawat pagsampay niya ng mga blusang puti na sa hanging malagihay ay kumikendeng-kendeng. Parang kagaya ito ni Tatay noong nakapasa si Ate Laarni sa UPCAT pero ngayo’y lumpo na, lumpo na rin ang kaniyang pag-asa sa nag-iisang dalaga. “Ang ganda ng mga blusa, Nay! Bagay sa ’yo.”
“Kay Tita Courtney mo ito. Alam mo ba e malaki bayad niya ngayon. Limang daan, di tulad sa regyular kong laba na dos singkuwenta lang.”
Naawa lang sa amin—panigurado, kaya dinoble ang bayad. May washing machine naman sila, naawa lang talaga. Si Tatay kasi, nabundol ng traysekel. Hindi naman magawang singilin ni Nanay ang pamilya ng nakabangga dahil kagaya namin, sila’y kumakahig, ni hindi nga makatuka. Mas mabuti sana kung kotse na lang, e kaso mahal na mahal kami ng kamalasan. Nagbiro pa nga ako kay Tatay na lulumpuhin ko rin ang lalaking iyon.
Saging na saba ang pinambayad ng ginang—na pinagpipiyestahan ng linta kong bayaw. Nakabuburyo ang talamsak ng bibig niyang bukambibig ang suweldong kinse mil—na hikahos naman sa kaniyang mga gala. Nanatili siyang binata habang nalalanta ang asawa niyang minsan nang pinakamagandang Reina de Las Flores sa apatnapu’t limang baranggay ng Dumangas. Nagkangitian sila ni Ate Laarni; tumalikod naman si Tatay nang sila’y matingnan saka pinatay ang radyo.
Pinatugtog ulit ito ni Kentoy, ang bunso, at sumabay sa awiting Ingles. Umawit na rin si Nanay. Sintunado silang dalawa subalit kay sarap pakinggan. Nagmistulang pagwawakas ng isang komedyang pelikula nina Dolphy at Redford White ang biglaang pagsayaw naming lahat—maliban kay tatay. Alam ko namang mahal niya pa rin si ate kahit binigo siya nito.
Sa mga gabi, damang-dama ko ang kaniyang lungkot kada tilapon ng mga baso sa kusina. Iyon ang dahilan kung bakit bumili kami ni Nanay ng mga basong gawa sa lata at kinolekta na ang mga baso ng mga cup noodles. Nahirapan nga si Tatay magbasag, disturbong ingay naman ang kapalit na sa akin ay nagpapahiwatig: “Quijano, ang responsibilidad ay pinapasa ko na sa iyo.” Na sa sobrang bigat, miminsang binalak ko na ring mag-asawa’t bumukod. Ikot ng dekadang karalitaan sa aming angkan na nararapat lang tuldukan. Pero bakit ako? Dapat si ate, siya ang mas matanda. Gusto ko pa maging engineer. Nasa sekondarya pa nga lang ako.
Sinimangutan ko si ate. Ano kaya ang tumatakbo sa kaniyang kokote? Sinimangutan ko rin si Tatay. Bakit kaya mahirap pa rin siya—kami? E, ang sipag-sipag niya naman pumasada, a? Sa wakas, sumayaw na rin ang lumpo niyang paa, si ate lang talaga ang makapagpapasayaw sa isang lumpo. Si Tatay? Dinadaan niya na lang ang pagmamahal sa pagbabantay sa una niyang apo. Ano’ng sinabi ng galit na lolo sa pisnging siopao ng biluging unano? ‘𝘞𝘢𝘩! 𝘒𝘢𝘬𝘢𝘪𝘯𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘺𝘢𝘯!’
Doon ko napansing kumapal ulit ang abo sa kaniyang buhok. Quijano Sr., kakayanin pa kayang paitimin ng henna ang iyong mga pilak? Para na siyang sais sienta años kahiman quarenta ang tala ng papel. Nagmistulang kapatid niya na lang si lolo.
***
“Dalawang libo lang ito. Pilak nga ba ito?” Kukunot malamang ang noo ko sa tanong ng lolong mag-aalahas. “2.5 ounce. Sige, isang libo, at limang daan naman para sa mismong relo.
Walang gana kong sinuri ang bigay niyang perang papel. Naging isang libo at limang daan lang ang relong may pinakamataas na halaga sa aking buhay. Patawad kay Nanay. Kapos pa rin ito sa bayarin. Umalis na lang ako sa lumang sanglaan at dumiretso sa isang kaibigan.
“Pare, pasensiya ka na talaga. Hindi na kita mapapahiram pa ng pera. May utang ka pa. Bayaran mo muna iyun. Kailangan ko rin ng pera.” Bistado na ako kaagad kahit isang pangungusap pa lang ang nabigkas ko. Tinago ko na lang ang panlulumo’t inis sa paglagok ng inalok niyang alak. “Mag-abroad ka na lang kaya? May libreng seminar doon sa center papuntang SoKor. Factory worker. Daig pa suweldo ng guro mo.”
Tinitigan ko lang siya—titig sa aming kabataan. “Salamat, p’re. Uwi na lang muna ako.” Mas lamang ako sa kaniya noong kami’y nasa sekondarya; binaligtad kami ng buhay. Sarap na lang itapon ng mga medalya’t setipikong panandaliang dangal lang ang dulot. Kung hindi lang ako pahinto-hinto sa kolehiyo baka mayaman na ako.
Nilisan ko ang kaniyang department store habang kanta-kanta ang awiting Ingles nina Nanay at bunso—nakagagaan. Parang kailan lang sinasayawan namin ito. Buwiset, bakit kasi ang mahal na ng upahan ngayon? Kung full scholarship lang sana ang binigay sa akin e bawas pa sa gastusin.
Pumara ako ng jeep. Nakasakay sa pangatlong para. Sa biyahe, inoobserbahan ko ang mga kapwa estudyante. May nagwantutri pa. Naalala ko noong una ko itong sinubukan, nahuli at nahiya ako sa guro ko kaya mula noon lagi na akong nagbabayad lalo pa’t dating drayber si tatay.
Pumara ang jeep, sumakay 𝘴𝘪𝘺𝘢 at ngumisi sa alaalang naalala. Nagkatinginan muna kami bago siya 𝗎𝗆𝗎𝗉𝗈 sa aking tabi. Grabe ang asiwa sa hanging umaaligid. Para kaming mga sira kung sino ang mauunang babati kaya mabuti’t biglang pumreno ang jeep. Sa akin dumikit ang kaniyang katawan at 𝗇𝖺𝗋𝗂𝗇𝗂𝗀 𝗄𝗈 𝖺𝗇𝗀 kaniyang paumanhin. Pasimple ko naman siyang inamoy … ang gaan sa utak.
“Manong, para po! Kuya, paabot naman ng bayad ko … salamat.” Pinaabot ko na rin ang aking bayad sa tsismosang katabi saka lumundag palabas ng jeep. Bumuntot lang akl sa likod ng aking guro habang pa𝗉𝖺𝗌𝗈𝗄 𝗄𝖺𝗆𝗂 sa gate ng unibersidad.
Nakinig sa kaniyang diskusyon at bakit di niya ako magawang tuksuhin? Alam ko naman ang sagot. … Tapos na ang klase, sumakay kami ulit sa jeep at para pa rin akong tuta sa kaniyang likod. Bumaba kami sa mumurahing kainang dinadagsa. Hinubad niya ang id naming dalawa at pinatago sa aking bag. “Para patas na tayo, 𝖩𝖺𝗇𝗈.” Kung sa malayo, simple kaming nagtutuksuhan, kumakain ng turo-turo, hot cake at sago’t gulaman.
“Ma’am.”
“Jano, ang kulit mo.”
Pinagpatuloy naming ang pagsasaya sa pagkain at pagkuha ng mga retrato. Sinulit ang isang oras para sa isa’t isa.
“P’wedeng sumama sa bahay n’yo?”
“E, di ba may part time job ka pa mamayang gabi?”
“Kukumustahin ko lang si tito.”
“Gano’n pa rin si Papa.”
“Tara na sa inyo.”
Sumakay kami ng padyak tungo sa kanilang subdivision. Mabilis kaming nakarating sa kanilang bahay. Malaki. Pagkakita ko sa kaniyang ama, naalala ko si Tatay. Dapat kagaya ni Tito Delfino ay nagpapahinga na lang din si Tatay.
“Kumusta, Jano?”
“Ayos lang po.” Tinanggap ko ang inalok niyang alak. “Tito … minsan na po ba kayong nalumpo?”
“A?”
“Wala po.”
Nagtagal ako hanggang alas otso at nalasing. Ang lakas pala uminom ni Delfino. Sumigaw ako ng padyak nang makalabas at nakaistorbo. Inalalayan na lang ako ng drayber.
***
Bumaba sa padyak na ebike. Dati mano-mano pa iyan, ngayon de-kuryente na. Sa arko ng baranggay, mayroong bombilyang patay-sindi ang kulang sa pansin. Papasok sa aming kanto, nakasusulasok ang amoy ng kahirapan at kamangmangan—sila ang palaging bumubungad. May isang amoy lang ang naiiba—ito ang sinampay at halimuyak ng aking asawa. Lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan ko ang pasada … ilan pa kayang sikap at tiyaga ang kailangan kong ipamalas? Ganito na lang ba kami hanggang malagutan ng hininga? Matutulad ba kami kay Quijano Sr. at Eufemia?
Jano! Welcome home! Bati ng aking asawa at para siyang si Nanay noong pinagmamasdan kong nagsasampay ng mga blusa. Noong si Nanay ay cuarenta años. Sa paghawi niya ng kumot, kami ay nagkatitigan, sunod ay nagkangitian. Hinagkan niya ako nang sa kaniya’y makalapit: ako sa pagtataka, siya nama’y natatawa. Ano’ng meron? Usisa ko. Wala, ambango mo lang, hagikhik pa niya.
Parang kalian lang, guro ko pa siya, ngayon asawa na. Parang kailan lang, masigla pa ang kaniyang papa, ngayon ay lumpo na rin. Nagkasakit din ang kaniyang mama, tulad sa sinapit ni Nanay. Pinapaaral niya na rin ang bunso niyang kapatid tulad sa akin. Patas na kami. Ngunit sa gabi ay nahuhuli ko siyang umiiyak. Tila gusto niyang sabihin na hindi niya na kaya. Ako nga kinakaya ko kahit na ubos ang oras niya sa kaniyang pamilya at katiting lang ang binibigay sa akin. Kinakaya ko talaga.
“Kung hindi lang sana nabundol si Papa. Sana talaga mahuli na ang kriminal na ’yun.” Hinila niya ako papasok at nahiya ang kapal ng kalyo sa palad kong nakalapat sa kaniyang palad.
Nagluto kami ng hapunan na may kasamang concierto na pinagtak’han ng mga kapitbahay. Tinatawag akong tililing. Hindi ko alam bakit. Nagpatuloy na lang kami sa hapunan at sa panghimagas ay may paimpit nang kasama habang kami ay nagsasalo-salo. Hanggang sa dumungaw ang bukangliwayway, nakatanggap ako ng kape pero ang kape ay parang matagal nang tinimpla. May kaunting pandesal pero di ko ginalaw, may bulaklak na kasi. Iniwan naming malamig ang kape, sabaw, at sinangag; sa loob ng kuwarto ay mainit. At nang lumabas, nagulat ako … dumami ang hugasin sa kusina.
TILILING! HOY TILILING! Tawag ng kapitbahay o panunukso? Hindi ko na lang pinatulan. HOY JANO, NANG-AAKIT KA BA SA AKIN? AYOKO SA TILILING! Pinagsarahan ko na lang siya ng bintana, nagbihis at hinanap ang aking asawa. “Langga? Nasaan ka?” Nawala. “Langga!” Nawala siya …
***
“Pare, sa susunod na buwan ka na pala sasakay ng eroplano. Grabe, halos isang taon ka rin nagpakahirap para lang makapasa riyan. Mababayaran mo na mga utang ninyo.” Tinago ko na lang ang panlulumo sa paglagok ng inalok niyang alak. “Kumusta si misis?” Sa tanong niyang iyon ay mas tinago ko pa ang panlulumo. 𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘸𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢.
“Salamat, P’re. Uwi na ako.” Akala niya siguro hindi ako yayaman. Pag-uwi ko’ng Pinas, mas aangat na ang estado ko kesa sa kaniya. Tinitigan ko lang siya—titig na baka makita ko sekreto niya sa isang tagumpay.
Ang kaniyang department store … mas malaki na … kinanta ko na lang ang awiting Ingles nina Nanay at Kentoy—ang gaan sa utak.
Nang makababa na sa ebike, naglakad papasok, nakaligtaan kong wala na ang ilaw na kulang sa pansin. ’Yung ilaw din noon sa aming tahanan, noo’y nagpahinga nang hindi kapansin-pansin. Ang husay ni Nanay maglihim.
Papasok sa aming kanto, biglang nabawasan ang amoy ng kahirapan at kamangmangan. Pero may amoy ng kandila. Nasaan ang mga tumatambay na babati ng ‘good afternoon, Sir Jano! 300 isa’ sa pinakamatigas nilang bigkas? A, nakahimlay silang lahat. Hindi naman buwan ng wika pero lahat sila nakabarong.
Kabanas naman ng isang balita sa telebisyon.
At ang bahay ko, bakit kandila pa rin ang amoy? Huli kong sindi ay isang taon.
Nasa malapit lang ba ang mga kaluluwa ng mga tambay? Gusto ba nila akong magsanto rosaryo? Hay nako, kabanas naman ng balita sa telebisyon. ‘babaeng nagbigti sa Jaro gamit ang sampayan’; at ang sampayan ko ay may mga polong marurumi ang kuwelyo. Sila ang babati sa mga bisitang dadayo sa tahimik kong bahay. Nabuburyo ako. Dati naman malinis ang mga kuwelyo at lagi pang presko.
Ngayo’y nakahihindik, parang noong araw na nangako ako kay Nanay na ako na ang maglalaba sa aming mga damit na kailanma’y di na niya malalabhan. Kahit anumang kuskos, hindi mawala-wala ang mantsa. Ngayo’y triple ang aking takot. Nagpaparamdam ang aking asawa sa aming sampayan. Ayoko nang magkuskos maglaba. Ayoko nang kunin ang mga polo baka sa paghawi ko ng mga damit, himatayin ako sa takot. Tinatawag niya nga ako e. Umiiyak siya, Bakit mo ito ginawa sa akin, Quijano? Bakit?’
***
“P’re, tatlong tulog na lang pala at aalis ka na, ano? Ito nga pala, mga gamit ni Kentoy. Pinadala ng roommate niya. Ako na lang ang kumuha. Wala ka kanina.” Nabigo akong maitago ang panlulumong naging pangit na iyak. 𝘎𝘳𝘢𝘥𝘶𝘢𝘵𝘦 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰, 𝘒𝘶𝘺𝘢 Jano! 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘯𝘢! Ang bungad ng kaniyang liham at dama kong itinipa niya ito nang may pagkasabik. Sa wakas, may engineer na rin kami.
“Salamat, p’re. Uwi na ako.” Hindi ko na siya tinitigan. Siya na ang tumitig sa akin. Nahiwagaan malamang sa pagtulo ng aking luha.
Limang minuto lang ang lumipas, kumanta selpon ko. … Terminal po tayo, pakiusap ko sa ebike drayber. … Baba na po! Panggigising sa akin ng konduktor. Tinulugan ko lang pala ang distansya ng Jaro at bayan ng Dumangas? Alas otso ng gabi ako nakarating tapos naabutan ang ate kong nagpapadede sa kaniyang supling. Pang-ilan mo na  ba iyan? Pampito, sagot niya.
“Kumusta, Quijano?”
“Alam mo namang mas maayos pa sa kalagayan mo. Nasaan si Tatay?”
“Ahh. Natutulog na. Kanina lang kasi uminom ng gamot.”
“Ate … tungkol kay Kentoy,” saglit kong tinitigan ang kuwarto ni bunso, “ikaw na bahala sa kaniyang lamay, ako sa pera. Ikaw na rin magpaliwanag kay Tatay. Dahan-dahanin mo lang, baka sumunod.”
“Jano, nakahanap ako ng mumurahing kabaong,” bumunot siya ng hangin, “sampung libo.” Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kaya. Ang hikbi niya lang ang nagpaluha sa akin. Sobrang pamilyar ng sitwasyon. Sampung libo rin iyong kabaong ni Nanay. Kainis. Bilang lang sa daliri ang dumalo no’ng nilibing si Nanay. Kape’t tinapay lang kasi ang handa.
Hinayaan ko si ate mapipi sa kaiiyak. “Kunin mo na anak mo sa labas. Nangangalay na ang leeg sa bintana ng kapitbahay.”
“Sinangla kasi ni Herbert ang TV.”
“Ate, hiwalayan mo na si Herbert. Maawa ka naman sa mga anak mo. Kapag siya nilista sa papel ng mga watcher, baka madamay pa kayo. Pera na naman.”
“Jano, kung ang usapan na ito ay papunta lang naman ulit sa asawa ko, itigil mo na.”
“Nagkasalubong kami kanina sa labas. Sigurado akong magdamag na siya doon kay Aleng Queenie. Saan ba siya kumukuha ng pambili? Sa iyo pa rin ba?” Tinabunan ni ate ang pasa sa kaliwa niyang braso gamit ang sanggol. “Ate, tanga ka ba sa buhay? Mamaya pagkauwi ni Herbert madadagdagan na naman iyang mga ube sa katawan mo. Ano ka? Ube pandesal? Punching bag?”
“Alam kong sinisisi mo lang si Herbert sa pagkamatay ni Kentoy. Nasasayangan ka lang sa mga ginastos mo sa pagpapaaral sa kaniya. Jano, pinadala ko lang kay Herbert ang mga gamot ni Kentoy. Iyon lang at wala na!”
“Iyon na nga, Ate. Ba’t mo kasi pinadala sa asawa mo? May record na si Herbert. Minamataan na siya. Nadawit tuloy si Kentoy.”
“Hindi si Herbert ang pumatay kay Kentoy. Ikaw, Quijano! Ikaw! Palaging umiiyak si Kentoy nagsusumbong sa akin, ‘Ate, napapagod na ako. Ikaw na lang magpa-aral sa akin.’ Pagagalitan mo na naman dahil may bagsak na subject! Gusto mo siyang maging engineer e gusto nun maging musikero.”
“E di sana ikaw ang nagpa-aral sa kaniya! Kung may pera ka. May pera ka ba? … Wala! At wala naman talagang pera diyan sa pagkakanta niya!”
“Kung may pera lang ako gagawin ko!”
Doo’y umiyak ang kaniyang sanggol. Nagsilabasan ang iba ko pang pamangkin. Umuwi ang mga nasa labas. Tito, may pasalubong ka po ba? Bati nila sa akin. Hinalikan ako ng kambal. Piyaya! Sigaw nila. Mabilisang pinabuksan sa kanilang nanay. Matapos nun ay ang masaganang pagtulo ng dugo sa ilong ni ate. Nanginginig din ang mga kamay—senyales ng droga.
“Kelan ka pa gumagamit?”
“Pasma lang ito. Tambak kasi ako ng labahin.”
“O pinipilit ka ni Herbert?”
“Pasmado nga lang ako.”
Sana nga pasma lang. May karayom ulit sa aking puso. Pinupukpok ng kaniyang sitwasyon. Pinapalibutan ng pitong supling, buto’t balat pa ang apat. Umalis si ate, tumungo sa kusina. Maingat niyang niyapos ang sanggol habang pinapatay ang mapupulang uling. Mag-aalas nuebe hindi pa rin sila nakapaghahapunan. Inaya niya akong kumain at tinikman ko ang daing. Maalat, baka nabagsakan niya ng luha? Perpekto na rin ang kaniyang sinaing na dati’y laging hilaw o sunog.
“Anak.” Napabaling ako sa kurtina ng kuwarto ni tatay. “Nasaan si Kentoy?”
“Tay…”
“Ba’t mo inaaway Ate Laarni mo?”
“Tay…”
“Sa inyong dalawa, ikaw dapat ang mas nakauunawa. Nagsusumikap din naman ang ate mo sa paglalaba at pagtatahi. Tanggap ko na ang sitwasyon ng ate mo, sana ikaw din. Nasaan si Kentoy?”
“Tay … bakit lagi na lang si ate, si Kentoy? Nagsusumikap? Hindi naman ito ang pinangarap ni Nanay para sa amin.”
“Nangako ka kay Eufemia na tutulungan mo mga kapatid mo. Ikaw lang nakapagtapos dito.”
“Pati si Nanay, kahit mamamatay na, sila pa rin ang bukambibig. Paano naman ako?”
“Napag-usapan na natin ito, di ba? Na ayos lang naman sa ’yo at kanina pa kita tinatanong. Nasaan na si Kentoy? Ngayon din dapat uwi niya, di ba?”
“KENTOY KENTOY KENTOY! Wala na siya! Patay na Kentoy mo!” Hinambalos ko ang puerta mayor bago nilusob ang putanginang Herbert. “HERBERT!” Bumagsak siya sa lamesang iniinuman. Kay raming taon akong nagtimpi na mabugbog ang kaniyang katawan kaya sa bawat suntok ay ang gaan-gaan sa puso. Natatawa ako. Sobrang gaan.
***
“P’re, good luck sa South Korea. Next week na talaga flight mo. May babaunin ka pang mga pasa sa mukha. Ay nga pala. Sayang talaga si Kentoy. Engineer na sana ang batang iyon. Condolences.”
“Salamat. Mauna na ako.”
Sa aking pag-uwi, ganoon pa rin ang bahay—may mga bakas ng paglaho sa kalsada tungo sa bahay na aking kabisado. Kung gayong pamilyar sila sa akin, ba’t hindi ko napigilan ang kanilang paglaho? Hindi ba sapat ang pagmamahal kong nilaan? Tulad kay nanay, ang mga padron ng paglahong nararamdaman ko ngayon ay karayom sa aking puso. Pinupukpok ng aking pagsisisi kaya lalong sumasakit. Huling-huli na ang lahat. Talo ako. Tinalo ako.
May alingawngaw ng patrol sa labas. Ayaw kong lumabas.
Biglang umulan. Nagagalit ako sa tunog ng ulan. Araw-araw ko na ring binibilad ang mga basang unan. Di bale, itutulog ko na lang. Bukas o sa makalawa—sa susunod na mga taon ay wala na ang mga padron. Mang-iibang bayan na ako. Titiisin muna ang biglaang paglaki ng kuwarto … titiisin.
Langga, may mga pulis sa labas.
Lahok sa Saranggola Blog Awards 12
Maikling Kuwento
 
http://culturalcenter.gov.ph
 
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
4 notes · View notes
sinosihusengbatute · 6 months
Text
Kalupi ng Puso
Tumblr media
Talaan ng aking mga dinaramdam, Kasangguning lihim ng nais tandaan, bawat dahon niya ay kinalalagyan ng isang gunitang pagkamahal-mahal
Kaluping maliit sa tapat ng puso ang bawat talata’y puno ng pagsuyo, ang takip ay bughaw, dito nakatago ang lihim ng aking ligaya’t siphayo.
Nang buwan ng Mayo kami nagkilala at tila Mayo rin nang magkalayo na; sa kaluping ito nababasa-basa ang lahat ng aking mga alaala.
Nakatala rito ang buwan at araw ng aking ligaya at kapighatian… isang dapithapo’y nagugunam-gunam sa mga mata ko ang luha’y umapaw… Anupa’t kung ako’y tila nalulungkot binabasa-basa ang nagdaang lugod; ang alaala ko’y dito nagagamot, sa munting kaluping puno ng himutok.
Matandang kalupi ng aking sinapit dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis; kung binubuksan ka’y parang lumalapit ang lahat ng aking nabigong pag-ibig.
Sa dilaw mong dahong ngayon ay kupas na ang lumang pagsuyo’y naaalaala, O, kaluping bughaw, kung kita’y mabasa masayang malungkot na hinahagkan ka…
May ilang bulaklak at dahong natuyo na sa iyo’y lihim na nangakatago, tuwi kong mamasdan, luha’y tumutulo tuwi kong hahagkan, puso’y nagdurugo.
Paksa ng Tula
Ang tulang KALUPI NG PUSO ni Jose Corazon de Jesus ay tungkol sa sakit na sinapit ng persona pagkatapos ng isang relasyon. Ang kaibahan nito sa ibang tula ni de Jesus ay ang paggamit ng kalupi o “pocketbook” sa tula upang maipakita at mabalikan ang mga alaala ng persona. 
Mensahe ng Tula
“Sa kaluping ito nababasa-basa, ang lahat ng aking mga alaala”
Ang kakaiba sa tulang ito ang paggamit ng kalupi ng persona. Ang paggamit ng pocketbook o diary ay madalas mangyari, mas lalo na sa kabataan. Nagsisilbi itong labasan ng saloobin at damdamin. Ipinapahiwatig dito na isinulat ng persona lahat ng magandang memorya kasama ang kanyang sinisinta sa kalupi, at nang ngayo’y wala na ang relasyon, masakit ng balikan pa ang kalupi. 
“Matandang kalupi ng aking sinapit, dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis”
Isinasaad na ang kalupi ay luma na, ibig sabihin ay matagal na ang nangyari sa loob nito, ngunit hindi pa rin nakakalimot ang persona. Madalas itong mensahe ng mga tula ni Jose Corazon de Jesus, kung saan ang sakit ay hindi naghihilom ng mabilisan. Maihahalintulad din itong tula sa “May Mga Tugtuging Hindi Ko Malimot”.
1 note · View note
shi5s2 · 6 months
Text
KALUPI NG PUSO
Isinulat ni Jose Corazon de Jesus 
Talaan ng aking mga dinaramdam, Kasangguning lihim ng nais tandaan, bawat dahon niya ay kinalalagyan ng isang gunitang pagkamahal-mahal Kaluping maliit sa tapat ng puso ang bawat talata’y puno ng pagsuyo, ang takip ay bughaw, dito nakatago ang lihim ng aking ligaya’t siphayo. Nang buwan ng Mayo kami nagkilala at tila Mayo rin nang magkalayo na; sa kaluping ito nababasa-basa ang lahat ng aking mga alaala. Nakatala rito ang buwan at araw ng aking ligaya at kapighatian… isang dapithapo’y nagugunam-gunam sa mga mata ko ang luha’y umapaw… Anupa’t kung ako’y tila nalulungkot binabasa-basa ang nagdaang lugod; ang alaala ko’y dito nagagamot, sa munting kaluping puno ng himutok. Matandang kalupi ng aking sinapit dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis; kung binubuksan ka’y parang lumalapit ang lahat ng aking nabigong pag-ibig. Sa dilaw mong dahong ngayon ay kupas na ang lumang pagsuyo’y naaalaala, O, kaluping bughaw, kung kita’y mabasa masayang malungkot na hinahagkan ka… May ilang bulaklak at dahong natuyo na sa iyo’y lihim na nangakatago, tuwi kong mamasdan, luha’y tumutulo tuwi kong hahagkan, puso’y nagdurugo.
Kaisipan ng tula
Ang tula ni Jose Corazon de Jesus na "Kalupi ng Puso" ay nagpapakita ng damdamin ng pag-ibig sa pamamagitan ng isang munting kalupi. Ipinakita ng makata ang kalupi bilang simbolo ng pagmamahal, ligaya, at lungkot. Sa pamamagitan ng kalupi, naipahayag ang pag-asa, pangarap, at pangungulila sa pag-ibig. Ang tula ay isang makatang pag-alaala sa mga karanasang puso na puno ng emosyon.
Mensahe ng tula
Ang tula ni Jose Corazon de Jesus na "Kalupi ng Puso" ay nagpapahayag ng damdamin ng pag-ibig, kasayahan, at lungkot. Sa pamamagitan ng imahen ng kalupi, ipinapakita ng makata ang karanasang umiibig at nagmumula sa puso. Binibigyang diin ng tula ang halaga ng pag-alaala sa mga magagandang alaala at sakit ng pagkawala. Sa huli, ipinapaabot nito ang mensahe ng pag-ibig bilang isang makapangyarihang damdamin na nagdadala ng saya at pighati sa buhay ng tao.
0 notes
hannah-riza-gordon · 10 months
Text
FEATURE
"kahirapan"
"inay ba't moko iniwan?"iyan ang bukambibig ni Jashly habang humahagulgol sa iyak.Habang hinahawakan ang kamay ng ina.
Si Jashly ay kilala sa paging masipag,maaruga,mapag alaga at higit sa lahat sa pagiging maaalahanin sa kapuwa.Nakatira din siya kasama ng kaniyang ina sa isang maliit na kubo sa bukid mula noong iniwan sila ng kaniyang ama ay natutong magtrabaho si Jashly dahilan upang Hindi na ito makapag aral dahil nga sa kailangan niyang tulungan ang kaniyang ina at sa dahilan na Wala rin silang pera sa pag aaral niya.
Simula noon ay kasama na niya ang kaniyang ina sa pagtatrabaho sa bukid.Dahil nga maliit lang ang kanilang taniman ay maliit din lamang ang kanilang naibebenta,minsan pa nga ay umaabot sa puntong walang bumibili sa kanilang paninda dahilan upang wala silang makain.Kahit pa mahirap ay lumalaban parin si Jashly para sa kaniyang ina.
Ayon sa bente kuwatro Oras nga GMA ay libo-libong mga estudyante ang hindi nakakapag aral dahil sa mahirap ang buhay at malayo din ang kanilang tinitirhan sa paaralan at kailangan pa nilang tumawid sa ilog at bukid ng mahigit apat na oras kaya naman mas minabuti ng kanilang mga magulang na huwag na lamang pag aralin dahil maraming peligro ang dala ng pagtawid sa bukid.
Lumipas ang mga panahon at tumatanda na ang kaniyang ina at pumupunta na rin si Jashly sa pagdadalaga.Kaya naman ay kinakailngan ni Jashly na sulohin mag isa ang mga gawaing bahay at ang pagtatanim ng mga prutas at gulay sa bukid kasama na rin ang pagbebenta nito sa palengke.
Hindi kalaunan ay bigla na lamang nanghina ang ina ni Jashly dahilan upang bumagsak ang katawan nito.Dahil sa malayo ang ospital at pagbibilhan ng gamot ay umaasa na lamang sila sa mga dahong bukid dahil ito na rin ang nakagisnan niya.
Base sa TV patrol ng Kapamilya Channel marami sa ating mga kababayan na nakatira sa mga bukid ang nahihirapan sapagkat napakalayo ang lahat sa kanila ang pinaka mahalga ay ang ospital dahil sa malayo ito kailangan na lamang umasa sa mga dahong bukid at antayin na lamang ang kamatayan nila kaya sobrang pahirap talaga ito sa kanila.
Isang araw gumising si Jashly ng maaga upang maipaghanda ang ina ng mainit na lugaw,matapod nitong maluto ay agad niya itong dinala sa kaniyang ina."ina?gumising kana nandito na ang mainit na lugaw para sayo".Sabi pa ni Jashly.Bigla siyang nagtaka sapagkat hindi sumasagot ang kaniyang ina agad na kinabahan si Jashly,kinuha niya ang kamay ng kaniyang ina at pinulsuhan ito,napahagulgol ng sobra si Jashly nung malaman niyang hindi na humihinga ang kaniyang ina.
Dahil sa kahirapan hindi maibili ni Jashly ang kaniyang ina ng kabaong kaya naman napag isip niyang humingi ng tulong sa nakakataas.Maaga pa lamang at gumising na si Jashly upang pumunta sa kanilang mayor.Umuwi si Jashly ng may malaking ngiti sa mukha sapagkat magpapadala ng tulong ang kanilang mayor pantuling pambili ng kabaong ng kaniyang ina.Simula ng mailibing ang kaniyang ina ay napagpasyahan ni Jashly na bumaba at doon na lamang mamuhay at bumuo ng pamilya.
1 note · View note
Text
MGA TULA NI JOSECORAZON DE JESUS
Tumblr media
KALUPI NG PUSO
Talaan ng aking mga dinaramdam, Kasangguning lihim ng nais tandaan, bawat dahon niya ay kinalalagyan ng isang gunitang pagkamahal-mahal
Kaluping maliit sa tapat ng puso ang bawat talata’y puno ng pagsuyo, ang takip ay bughaw, dito nakatago ang lihim ng aking ligaya’t siphayo.
Nang buwan ng Mayo kami nagkilala at tila Mayo rin nang magkalayo na; sa kaluping ito nababasa-basa ang lahat ng aking mga alaala.
Nakatala rito ang buwan at araw ng aking ligaya at kapighatian… isang dapithapo’y nagugunam-gunam sa mga mata ko ang luha’y umapaw… Anupa’t kung ako’y tila nalulungkot binabasa-basa ang nagdaang lugod; ang alaala ko’y dito nagagamot, sa munting kaluping puno ng himutok.
Matandang kalupi ng aking sinapit dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis; kung binubuksan ka’y parang lumalapit ang lahat ng aking nabigong pag-ibig.
Sa dilaw mong dahong ngayon ay kupas na ang lumang pagsuyo’y naaalaala, O, kaluping bughaw, kung kita’y mabasa masayang malungkot na hinahagkan ka…
May ilang bulaklak at dahong natuyo na sa iyo’y lihim na nangakatago, tuwi kong mamasdan, luha’y tumutulo tuwi kong hahagkan, puso’y nagdurugo.
PAKSA
Ang "Kalupi" ay isang tula ni Jose Corazon de Jesus na naglalahad ng kanyang pagkadismaya sa kanyang buhay. Sa tula, ang may-akda ay nagpapahayag ng kanyang pagkabigo sa pag-ibig at pagkabigo sa pangarap. Ang tula ay nagpapakita ng damdamin ng pagkadismaya, pagkahinagpis, at pagkabigo na nararanasan ng may-akda dahil sa mga hindi natupad na pangarap at hindi naging matagumpay ang kanyang mga pag-ibig.
Ang tula ay tumutukoy sa kahirapan sa buhay at sa pagkakaroon ng mga hindi matupad na pangarap na nagdudulot ng pagkadismaya sa may-akda. Ang tula ay nagpapakita ng pagkadismaya sa kanyang sarili dahil sa hindi niya nagagawang maabot ang kanyang mga pangarap at hindi niya nagagawang maprotektahan ang kanyang pag-ibig. Ang tula ay naglalahad ng pagkabigo sa buhay na hindi lamang nararanasan ng may-akda kundi ng maraming tao sa lipunan.
Tumblr media
Ang mensahe ng tula "Kalupi sa Puso ni Jose Corazon de Jesus" ay ang pagkadismaya sa buhay dahil sa hindi natupad na pangarap at hindi matagumpay na pag-ibig. Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin ng pagkabigo sa buhay at pagkadismaya sa sarili dahil sa hindi nagagawang maabot ang mga pangarap at maprotektahan ang pag-ibig. Ang tula ay naglalahad ng pagkabigo sa buhay na hindi lamang nararanasan ng may-akda kundi ng maraming tao sa lipunan. Sa pangkalahatan, ang tula ay nagbibigay ng mensahe tungkol sa kahalagahan ng pag-asa at pagpapahalaga sa sarili sa harap ng pagkadismaya sa buhay.
0 notes
butteronbred4me · 2 years
Text
Humiga ako matapos mapagtantong ayoko ng gawin to, malambot ang kama—uratex kasi, nakakaantok. Naisip ko tuloy kung ito ba talaga ang nais ko, kung ganoon ba't ako inaantok?
Inabot ng kanang kamay ko ang lapis na hinagis kanina, pinagmasdan itong magpaikot-ikot sa pagitan ng aking hintuturo at hinlalato habang iniisip kung ano ba talagang plano ko. Sa totoo lang, wala naman talaga. Para akong dahong bumagsak sa rumaragasang ilog at nag-iintay kung saan dadalhin ng agos, kung iisipin hindi malabong mapagtanto kung saan mapapadpad ang anomang dadalhin ng agos, maaaring itong matisod sa bato at lumiko patungo sa isang malapit na nayon o magpatuloy hanggang marating ang dulo—sa dagat. Yun ang hinihintay ko, himala ng bato. Na baka paggising ko bukas ng umaga alam ko na ang nais ko, sigurado at walang halong ni katiting na pagdududa. Kung hindi man dumating ang milagrong inaantay bago sumapit ang Agosto, ipagkakatiwala ko na lang sa roleta ang susunod na apat na taon ng buhay. I-roleta ko na lang?
Napabangon akong muli ng biglang tumunog ang telepono sa tabi, alas-dos pasado, kung hindi ako magpapasa ay mahuhuli ako. Tinatamad man ay pilit kong sinulyapan ang mga gamit sa mesa, kung kaya ko sigurong iguhit ang kapalaran baka ginawa ko na ngunit hindi.
Ang hirap sa pagkakaroon ng sandamakmak na pangarap ay hindi mo na alam kung ano ang dapat unahin. Nakatuon na ang mga mata ko sa dulo ng daan, sa may hardin, kaya't tila nakalimutan ko ng planuhin kung paano ako gagawa ng tulay upang mapagdugtong ang dalawang magkaibang mundo at marating ang paroroonan. Kumbaga'y masyado akong maraming naisip na paraan kung paano ko maabot ang inaasam kaya't hindi ako makapili. I-roleta ko na lang?
Kung marating ko man ang inaasam ay tiyak kong tatanungin ko rin ang aking sarili kung ito ba talaga ang nais ko, hindi ko rin kasi alam. Paano kung pangarap pala ito ng ibang tao na binitbit ko lamang at pilit na isinaksak sa aking pagkatao hanggang sa mapaniwala ang sariling pangarap ko rin ito? Sapagka't nung mga oras na iyon, tila ba'y sila'y tiyak sa kanilang nais at ako'y tila isang alitaptap na naakit sa kislap ng mga matang iyon kaya't pilit kong inabot hanggang sa tuluyan kong makamtan ngunit sa dulo'y napagtantong kong ako'y naubos? Paano ko malalaman kung alin dito ang pangarap ko? I-roleta ko na lang?
1 note · View note
9jalightrend11 · 2 years
Text
Wolf Warrior [Movie]
Wolf Warrior (2015) [Hollywood English Film HD full Movie free on Sabishare Meetdownload Netnaija]Survivor , Bartkowiak (2021) – A Chinese special force soldier with extraordinary marksmanship is confronted by a group of deadly foreign mercenaries who are hired to assassinate him by a vicious drug lord.Genre: Action, Crime, ThrillerStars: Scott Adkins, Jing Wu, Nan Yu, Dahong Ni DOWNLOAD
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
dingyuxi · 3 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
BAI JINGTING, NI DAHONG, YANG XINMING, & SHA JINGCHANG — BAZAAR (2021) photographed by Oliverjune
41 notes · View notes
moviemosaics · 2 years
Photo
Tumblr media
Cliff Walkers
directed by Zhang Yimou, 2021
5 notes · View notes
baoshan-sanren · 3 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
SVSSS Fan Cast | 20/20 ↪ Xiao ShunYao as Wu YanZi ↪ Xuan Shang as Qin WanYue ↪ Ni DaHong as Immortal Master Lao GongZhu  ↪ Xu Hao as Young Palace Mistress Xiao GongZhu ↪ Gong ZhengNan as LinGuang-Jun
45 notes · View notes
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Su Daqiang watching Nirvana in Fire
30 notes · View notes
cfensi · 3 years
Text
Zhang Yimou's espionage thriller gears up for premiere
Zhang Yimou's espionage thriller gears up for premiere #Impasse #悬崖之上
I didn’t enjoy Zhang Yimou’s Shadow and One Second as much as I’d hoped, but Impasse / Cliff Walkers should be right up my alley. Granted, I’m not expecting the film to surpass The Message, but surely you can’t go too wrong with a cast like this? Starring Zhang Yi, Yu Hewei, Qin Hailu, Zhu Yawen, Ni Dahong and the director’s latest starlet Liu Haocun, the film is slated to premiere on April…
youtube
View On WordPress
2 notes · View notes
weeguttersnipe · 4 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Is it because you have too many sons? The Rise of Phoenixes, ep 21 (Chinese tv series, 2018)
31 notes · View notes