Tumgik
ainodyei · 2 years
Photo
Tumblr media
And I’m just so lucky to watch your back while you sleep. I’ve slept without anyone beside me for a long time till you came and my bed doesn’t feel warm anymore without you. Your tight hugs that gives me security is what I longed for. Your messy hair that covers your serene face always makes the best excuse to touch your face but I’m afraid I’ll wake you up. And sometimes the world can be so tiring but I’m fortunate enough because at the end of the day, you are there to be my rest. And I fvking love you for that.
0 notes
ainodyei · 3 years
Text
Buried Words
I don’t exactly know how many years have gone passed since I last wrote something that I finished. I always end up leaving stories I enthusiastically started hanging. Sometimes it feels depressing, but most of the time just disappointing.
1 note · View note
ainodyei · 7 years
Text
Untitled
Struggles, they were true. Sa lahat ng klase ng relasyon, pagkakataon at aspeto ng buhay nandyan sya. Mahirap, Oo. At minsan nagpapatangay na lang tayo sa agos hanggang sa sumuko na lang tayo. Mali yon, di tayo pwedeng magpatangay na lang sa agos. Kailangan nating lumangoy palaban sa agos kung gusto talaga natin kung ano nasa dulo nito. Malalim ba ba ang mga sinasabi ko? Nakakalunod na ba? Kasi ako minsan, kung hindi madalas, oo. Minsan di ko na masundan ang takbo ng utak ko. Wala ba sa ayos, mabagal o mabilis lang talaga? Di ko na alam. Minsan parang wala lang ako. Yung parang di ako nag-eexist pati na ang paligid ko. May mga pagkakatain na sarili ko lang ata ang iniisip ko. Tama ba? Tama? Para sa taong walang sawang nagmamahal sakin sa kabila ng mga pagkukulang ko na di ko alam kung napupunuan ko ba o mapupunuan ko pa ba, pasensya ka na. Pasensya na talaga. Alam ko madalas para akong walang pakiramdam. Para akong walang pakialam. Hindi yun ang nasa utak ko at hindi yun ang gusto ng puso ko pero yun ang pinapakita ng mga kilos ko. Bakit ba salungat ang kinikilos ko sa tinatakbo ng utak ko? Bakit ko rin ba ito tinatanong sa sarili ko. Madalas hindi nga ata ako nag-iisip. Marami akong bagay na nasasabi na nakakasakit ng hindi ko alam. Kaylan ba ko matututo? Kaylan ba ko titigil na magdahilan na hindi ko naman sinasadya yun? Kaylan ko ba maiiwasang gawin ang mga bagay na paulit ulit ko na lang nagagawa kaya ka nasasaktan? O titigil pa kaya ako? Paulit ulit din akong humihingi ng tawad ba sa kalauna'y naging salitang wala ng laman. Walang halaga. Mga salitang hindi makakahilom ng maliit ng sugat na napapabayaan ko na ata at lumalaki na, lumalalim. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko para maayos ang lahat at bumalik dun sa mga araw kung saan simple lang ang lahat. Sa bawat salita kong binibitawan, parang lumalala lang ang lahat. Magulo at may mga hindi masabing salita pero magpapanggap na lang na ayos ang lahat para lang maka-iwas. Ang hirap. Nahihirapan din ako. Nasasaktan twing nasasaktan kita.  Paulit ulit kong sinasabi na gusto ko kung ano ang meron satin. Pero paulit ulit din akong gumagawa ng ikasisira natin. Wala naman akong masisisi kung hindi  ang sarili ko kung bakit tayo ganito. Hindi ako ganito noon. Hinding hindi ko gugustuhing maging ganito sayo ngayon. I guess, I will always be the fool out of me.
0 notes
ainodyei · 8 years
Photo
Tumblr media
Author’s POV
Ilang taon na ba akong nagsusulat sa wattpad? dalawa na ba? hindi ko na namalayan na aabot ako sa ganito. Yung may magbabasa ng gawa ko. na magugustuhan ito at tatangkilin ng mga kapwa ko tiga hanga ng alyden. nung unang beses kong naisip na magbahagi ng kwento dito hindi naman alyden ang bida ko. marami-rami na rin kasi akong nabasang gxg stroy noon at dun ako na-inspired na sumulat ulit, bagay na hininto ko nung magcollege ako. Di ko akalain na magsusulat ulit ako kung kelan nagtatrabaho na ko. Isipin nyo, unang trabaho ko dapat nagfofocus ako nagpapa-impress sa boss ko pero hindi, tumatakas ako ng pagsusulat dahil aayokong sayingin yung idea na dumadaloy sa utak ko. May mga panahon din na kinakailangan kong magpaalam sa girlfriend ko para makahingi ng oras dahil gusto ko magsulat. Yung magpupuyat ako para lang makaupdate. Kaya lang minsan busy talaga at kailangang magprioritize kaya minsan naisasakripisyo ko yung pag-aupdate. Bakit ko ba to sinasabi? Ano bang pinupunto ko?
Nitong mga nakaraang araw kasi at buwan marami akong nababasa na post ng mga pina-fallow kong author sa wattpad. Lahat sila pare-pareho ang sinasabi. Meron daw nang-gaya o kumopya ng gawa nila. Yung isang author pa nga nagulat sya kasi talagang pinalitan lang ang name ng mga characters para masabing ibang kwento yun. Buti na nga lang at may mga nakakapagsabi at mabilis din umaksyon ang wattpad. Nakakalungkot lang na may mga taong gumagawa ng ganun. Hindi kasi biro ang oras at utak na nilalaan ng mga nagsusulat para lang makabuo ng story tapos kokopyahin lang? hindi ba nung nag-aaral naman tayo isa sa mga tinutro na bawal ang mangopya ng gawa ng iba? Natatandaan ko pa yung isang prof namin sa philo. Talaga mabusisi sya sa mga report papers namin. Bawal ang copy paste galing sa google. Kailangan alam mo ang tamang writing style. Pag nahuli ka nyang nangopya ng gawa automatic noon singko ka sa kanya. Walang gusting makakuha ng pulang marka sa transcript kaya lahat noon kahit di marunong magsulat natuto.
Kung hindi mo kayang magsulat wag mo itong gawing dahilan para mangopya ng gawa ng iba. Magpraktis ka. Wag kang matakot na ma-critisized ng iba. May magsasabi na panget ang story mo. Eh ano naman? Gamitin mo yun para iimprove yung sarili mo. Lahat naman ng magagaling magsulat ngayon at siguradong dumaan din sa ganung phase.
At sa mga readers naman na nakakapansin ng ganitong aksidente, wag kayo mahiyang magsabi. Pero wag nyo naman din muna husgahan yung tao. Iverify nyo muna. Malaking tulong yun sa mga manunulat.
Ako, proud kong sasabihin sa inyo na lahat ng gawa ko ay galing sa puso at isip ko. Bawat letrang nasulat ko ay nakatatak sa pagkatao ko. At talagang masasaktan ako pag nangyari din sakin ang mga nababasa kong post ng mga idol ko.
Pasensya na kayo sa mahabang sinabi ko. Paraan ko lang ito para maki-simpatya at suportahan ang advocacy ng mga kapwa ko manunulat. Uulitin ko, hindi biro ang oras, utak at pusong nilalaan ng mga nagsusulat. NO TO COPYRIGHT INFRINGEMENT.
0 notes
ainodyei · 8 years
Photo
Tumblr media
This is one of my favorite pictures of you love.
0 notes
ainodyei · 8 years
Photo
Tumblr media
Love. Mahal. Ai. Amor.
0 notes
ainodyei · 8 years
Text
First
Hi palangga! Akalain mo nga naman ano? One month have gone passed. Parang ang bilis lang no, parang kelan lang we were just two strangers in a virtual world. Two strangers not knowing they’ll meet people who’s going to change their everyday. It all starts from a simple and shy conversation. Being careful with things to say, afraid we might step on things we both doesn’t want to be in. then those conversation turned to something. Naglaro tayo, isang laro na ang mga damdamin natin ang nakataya. Akala ko, siguro akala mo rin, hindi yun mauuwi sa seryosohan. Hanggang sa hindi na natin namalayan ang lahat, may isang nahulog at hindi nasalo. May isang nasaktan at may isang nakapanakit. We are both to blame coz we both know what we are doing have the possibility of going that far. It’s a fifty-fifty situation, we’re losing and winning was on the same level. Apparently we both loose and win at the same time. I know you know what I mean. It’s just that, winning and losing have the same effect on us. Pain.
Naging urong sulong ang lahat satin. It’s like one minute we’re on the go and then the other we’re stepping backwards again. Things between us happened so fast, but I’m thankful we choose to slow down on the right time we know we should. Kasi tingnan mo kung nasan na tayo ngayon? Sa pling ng isa’t isa (not literally tho.) Tingnan mo kung ano na tayo ngayon. Tayo na. Kita na ga.
I believe first month is one of the critical month of every relationship. Though it is one of those dreamy month too. If you ask why, because for me, this is where all the adjustments takes place. Alam ko wala naman masyadong nabago nung nagging tayo kasi dati ang kulang na lang satin ay ang formal na pagkakasundo na tayo ay exclusive para sa isa’t isa. O yung tinatawag na M.U. Magulong Usapan? Malanding Ugnayan? Mababahong Unggoy. Sigurado akong hindi yung pangatlo. Yun yung Mutual understanding. Pero para sakin yun din yung Malinaw na Unawaan tungkol sa nararamdaman ng bawat isa.
Kung may mga taong makaka-alam ng relasyon natin, sa tingin ko marami sa kanila ang magsasabi na wala naming espesyal sa relasyon natin. Kung ganun ang tingin nila ay wala akong magagawa. Hindi naman kasi nila alam kung ano ang mga nangyayari sa pagitan nating dalawa hindi ba? They don’t know how long we stay on the phone. They don’t get to know what are the silly conversations we’re having at that long talk on the phone. They don’t know how our heart wants to jump off of our chest whenever we hear each other’s voice. They don’t know how those simple things makes our commitment stronger.
You know what I love about this commitment? Yes I’d like to call it commitment rather than relationship. And I like to say that I’m committed to you. You know why is that? You can have relationship with anyone, with your friends, with your family or with anybody there. But you can only be committed to one person. For me it denotes loyalty. Anyways back to the “why’s”, di ko masasabi na unique ang kung anong meron tayo sa iba, baka nga pareho lang pero para sakin ibang iba to. Gustong gusto ko yung nagagawa nating i-bully yung isa’t isa, alam mo naman ako. Sobrang loko loko ko. Na kahit ikaw na girlfriend ko ay di ko pinapalamapas. At ganun ka rin, can’t forget how you laugh at my snores. Don’t get the idea wrong, I love your laughs, they are contagious. Gusto ko rin yung mga oras na nagkakaroon tayo ng mature conversations. I really love that, despite of our age difference –which is you being the younger one-- we somehow have the same views in life. Those time where we’re calling each other “Nay” when we’re starting to nag each other. Our Ilonggo 101, na sobrang natutuwa ako pag sinasabi mong ang galing ko. Alam mo kung bakit seryoso akong matuto non? Kasi gusto kong mas mapalapit pa sayo. Gusto kong dumating yung araw na hindi mo na kailangang magconvert ng ilonggo word sa tagalog para lang magtuloy tuloy yung usapan natin. I want to make it easier for you. I also love those times when we are pretending to be just next to each other. I love that when I close my eyes, I can feel you.
At gaya nga ng sabi ko, first month is critical. We had a taste of our first fight. I broke my word and you’ve been cold that it gives chills to my bones. I told you I know my love for you is real because it hurts when you get cold. It hurts when I know you don’t want to reply in any of my massages. It hurts when I don’t see our endearment in any of your few text that day. It hurts. Really. I learned my lesson. I say sorry, you do too. And it just makes us stronger. Diba?
I just want to say thank you for putting up with me.
Thank you for being a friend. A mother. A girlfriend to me.
Thank you for supporting me to my endeavors and know that I will also support you to everything you want to do and pursue.
Thank you for being my number 1 fan. Tho you are not number 1 to me. Because you are only one.
This is just the first of many Ga, it won’t be easy. It’s going to be hard. But I’ll always be here. I’ll stay. I hope you do too. I love you. Always.
Happy first love.
 P.S
I know you feel so much kilig on this. I think I owe you a kiss. Right Ga?
0 notes
ainodyei · 8 years
Quote
Long distance relationships. They aren’t easy, they are actually really hard. Many people think it’s easier to have long distance because “distance makes the heart grow fonder” Let me tell you, it’s bullshit. Being in a long distance relationship means fighting, struggling to make a day when you both can see each other, it means laying awake at 2:00 am because you want that person next to you or you can’t sleep. It does have its perks, that first embrace when you finally see each other is not like anything else, it’s all that distance and time spent apart melting away and all that matters is that one person, and the fact that they are finally in front of you. Nothing else matters. Long distance is hard work, but so worth it.
(via thebeckdelacruz)
You are worth it Ga.
2K notes · View notes
ainodyei · 9 years
Text
Palangga Ko.
Palangga,
Nagsimula ang lahat sa isang simpleng mensahe mo sa message board ko sa wattpad. Sa dami ng nag-memessage sakin hindi ko na ito halos napapansin. Hindi rin naman kasi ako madalas mag-online noon. Mag-oonline lang ako kapag mag-aupdate ako o kung kailangan kong magreply sa mga comments. Isang araw, may nagsabi sakin na pansinin ko na raw ang mga message mo, sabi pa nya gusto mo raw ako. Sabi ko naman hindi siguro, na wag nyang bigyan ng meaning ang lahat. Pero sinunod ko rin, tiningnan ko yun pero hindi  ko matandaan kung nareplyan ba kita. Hanggang sa nag-iwan ka na ng message sa inbox ko, sabi mo concern ka sakin at gusto mo pa kong makilala. Nung nabasa ko yung message mo, sa totoong lang natawa ako. You insistend that I do have a love life, na wala naman talaga. Nung mga oras na yung masasabi kong wala talagang laman ang puso ko. Totoo yung sinabi ko sayo noon na nung oras na yung hindi ako malungkot at hindi rin naman ako masaya. Pero syempre dumadating din yung oras na naluungkot ako kasi nakakamiss rin pala yung may karelasyon ka. Nakakamiss yung may magpapa-alala sayo, mau magagalit sayo pag napapabayaan mo yung sarili mo.
Diba nasabi ko na sayo na ayaw ko sa mga taong feeling close? Pero I didn't find you that way. Our conversations? Feels so natural. Actually may isang bagay lang ako na hindi comportable noong oras na yun, yun ay yung parang sobrang taas naman ng tingin mo sakin. Na para kang isang fan na nakakita ng ultimate idol mong artista. Sa isip isip ko noon, sobra naman yung praises mo sakin. Parang hindi naman ako yun at hindi naman ako ganun.
Then time came, you started a game. BF and GF exist. It was a fine idea for me. Aaminin ko sayo, nung oras na yun naisip ko na.. wow mukang meron akong pwedeng landiin. Sorry for the term pero yun talaga yung naiisip ko. It was fun from the start but when everything got serious, I got nervous. Sabi ko sa sarili ko. Makakasakit na naman ba ko? Kaya tinanong kita kugn ano lahat ng yun para sayo. Baka kasi nabigyan kita ng maling signal kaya ganun yung nangyari. Gusto ko sanang maging light lang ang lahat para satin. Then you said your first of many good byes. Sabi mo tama na hanggang hindi pa malalim ang lahat. Nalungkot rin ako kasi wala na akong playmate. Pero hindi mo rin ako natiis kaya nagparamdam ka ulit. Masaya ako, hindi dahil pwede na ulit tayong maglaro kung hindi dahil akal a ko mababawasan na naman kasi ang kaibigan ko. Palagi ko ngang sinasabi, “friends are supposed to be incrementing not the other way around.” naniniwala pa naman ako na “feelings are not toy to be played” kaya lang sa ginawa kong pagsakay sayo noon sa “bf thing” pakiramdam ko napaglaruan ko yung feelings mo at sa larong yung ikaw yung talo dahil ikaw yung unang nahulog.
Yun din yung dahilan kung bakit hindi ako nagparamdam sayo e, ayokong masaktan pa kita. Ayoko na ulit marinig yung boses mo sa phone habang umiiyak ka. Sobrang bigat sa dibdib. Kinakain ako ng konsensya ko. Pero hindi rin kita natiis e, yung huling text mo nung hapon, wala na, bumigay na yung puso ko. Hindi na kita kayang tiisin.
Sa sobrang konsensya ko noon, naisip ko pang gumawa ng biglaang desisyon. Buti na lang at hindi ako pinayagan ng langit. Akala ko pa noon magbabago ang pakikitungo natin sa isat isa matapos ng dramahan na yun. Pero mali ako, sa tingin ko nga mas umayos pa. Kasi wala ng pagpapanggap, yung ako na lang yung ako at ikaw ay yung kung sino ka. Dun na natin nakilala kugn sino si J at kung sino si D. Kung tutuusin maiksi pa ang panahon ng pagkakakilala natin pero pakiramdam ko matagal na tayong magkakilala.
Naalala ko pala, nung mga panahon na sinasabi ng mga kaibigan mo na baka niloloko lang kita, na baka tiga dyan lang din ako sa inyo, sa totoo lang nainis ako sa kanila noon. Gusto kong mag-angas noon e, sino ba sila para ijudge ako ng ganun? Hindi nila ako kilala. Hindi nila alam kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko. Pero hindi ko ginawa dahil naisip ko, kaibigan mo sila. They are just trying to protect yun. Kung sa kaibigan ko man nangyari yun syempre babalaan ko rin sila na mag-ingat.
Sabi ko nga sayo hindi ako mahilig magtext, sa totoo lang lugi ako sa binabayad ko sa globe pero nung nakilala kita sumipag na naman ako magtext. Pero huy, sayo lang ha. Sa iba tamad pa rin akong magtext. Muli, ecited na naman akong marinig yung tunog ng phone ko dahil alam kong ikaw yun. At kung nakikita mo lang ang muka sa twing mapapasimangot ako pag hindi ikaw yung nagtext. Tapos eto pa, dumadalas na ata yung pangyayari na nakakalimutan ko ng pindutin yung send button. Tapos maiinis ako kasi sabi ko “ano ba yan bat ang tagal magreply” tapos yun pala ako pala yung hindi pa nakakatext. Pano ka nga naman magrereply kung wala akong text. Haha
tapos ang sarap mong kausap, its good to know that we do have many things in common. Gustong gusto ko pag nakakasabay ka sa mga kalokohan ko. Kaya tuloy yung five minutes call natin nagiging ilang oras. Natatawa ako sayo tuwang ipapaalam ko sayo kung oras na pero hindi ka pa maniniwala sakin. I know, ang hirap paniwalaan na ang tagal na pala nating magkausap no? Parang hindi naman.
Ang dami ko ring natutunan sayong Illonggong salita, pero sa lahat ang pinakapaborito ko ay yung pagsasabi ng “nahidlaw na ako sa imo”. Isn't it amazing how we missed a person we just talked to? Na kung makapagsabi tayong miss na natin ang isat-isa kala mo ilang araw tayong hindi nakapag-usap. Eh wala e, namimiss talaga kita e.
I've always been clear to you on how I felt for you. I wasn't love at first time. Hindi naging madali para sakin ang lahat. I was feeling nothing, then late did I know I'm feeling something for you. I don't know when did it started. Maybe after I watch you singing may favorite song. You made something that no one has ever done for me. Sobrang kinilig ako non! Langya! Halos di ako makahinga. Dun pa nga lang sa nalaman ko na kakantahan mo nga ako kahit na ayaw mong kumakanta sobrang natuwa na ko e, pero nung nakita ko yung video? Yung lettering, yung balloons, yung flowers? I almost cried because of so much happiness. For the long time, shit. Kinilig ako! You got me tongue tied. Naikwento ko pa nga yun kay Jobelle, at kitang kita nya kung paano ako mabading sa sobrang kilig ko sayo.
Hindi ko na rin matandaan kung paanong naging “ikaw at ako” ang kanta natin. Basta ang alam ko, sa twing naririnig ko yun, ikaw na ang imaheng pumapasok sa utak ko. And thinking of you gives waves of emotion in my chest.
And may I please tell you that you are so adorable when you scream answering my phone call. Na para bang sobrang tuwang tuwa ka, di ko alam kung kinikilig ka ba kung ano. Damang dama ko yung excitement sa boses mo e. yan yung dahilan kung bakit nagselos ako kay Tommy. Paano naman kasi grabe ka kiligin dun, parang katumbas na rin ng excitement mo pag kausap mo ko. Pero promise ngayon talaga wala na sakin yun. Okay lang kahit crush mo sya. Ako naman palangga mo eh. Alam ko sasabihin mo na naman na nagtitikal ako. Eh wala eh, kasama ko rin yan nung pinanganak ako.
Ang layo mo, pero yung mga simpleng conversation natin na kinapupuyatan natin. Yun ang nagbibigay sakin ng pakiramdam na ang lapit mo.
Nasabi ko na rin ba sayo ang mga takot ko? Alam ko naman na hinihintay mo na lang ako noon, akala mo ba hindi ko napapansin na minsan naisisingit mo sa usapan yun pero binabawi mo lang agad at nililihis mo yung usapan. Nung sinabi mo na hindi mo alam kung anong nangyari sayo, straight ka. Oo nagkaka-crush ka sa babae pero hanggang dun lang yun, sakin mo lang kamo naramdaman yung mga weird feelings. Natakot ako para sayo, kung ako ang magiging first mo ano ang ang mabibigay ko sayong kasiguraduhan sa lahat? I'm not the ideal frist love for you. Ang layo ko, at susuwayin mo ang mga magulang mo kung mamahalin mo ko. First love were meant to be wonderful. Tinatanong ko ang sarili ko, kaya ko bang gawin yun? Kaya ko bang ibigay sayo yun. Oo, matapang ako sa ibang bagay pero sa ganito aminado ako, duwag ako. Isa pa inaalala ko, pano kung malaman ng tatay mo ang namamagitan satin? Hindi kita agad mapupuntahan. Alam ko noon sa puso ko iba na yung pakiramdam ko sayo pero hindi pa sapat yun para labanan ko yung takot ko. Hanggang sa isang gabi, kinantahan mo ako ng isang kantang ikaw mismo ang gumawa. Dun ko narealize, dun ako natauhan. An amazing girl like you don't deserve a coward like me. Kaya nagin matapang ako para maging karapat-dapat sayo. Right at that moment when you singing at me, nag-iisip na ko kung paano ko gagawin yung pagsasabi sayo na gusto ko nang umakyat pa tayo sa mas mataas na level ng realationship natin. I want to make it official.
Manunulat ako pero bakit wala akong maisip na paraan kung paano ko gagawin yun. Nakapagsulat naman na ko ng magagarbong proposal pero tensyonado ako. Hanggang naka-isip na ko ng paraan. Kaya nga naki-usap ako sa mga reader ko na tulungan nila ako. Pasensya ka na kung nakuha kong magsinungaling sayo pero syempre surpresa nga diba kaya hindi ko pwedeng ipaalam sayo.
Kausap pa kita habang ginagawa ko yun. I imagine you smiling from ear to ear. Being speechless. But I didn't anticipated that you'll. That moment, in my head I was jumping and shouting yes! Yes! Yes! Yes success! Hindi naman sa pagyayabang (na alam kong kokontrahin mo), di pa kita tinatanong alam kong “yes” na ang sagot mo. Ikaw na rin naman nagsabi nun e. erpo iba pala yung pakiramdam pag sinagot mo na talaga. Lahat ng pagpupuyat, lahat yun nasuklian. Sobra sobra pa nga.
Ngayon tayo na.
From nothing to something.
From pretending to reality.
Wag kang magtaka at magtanong dahil hindi ka mahirap mahalin. Oo hindi ko agad nakita yun, pero nakilala kita. I saw all the goodness in you. Suddenly, just hearing your voice makes me smile. Suddenly you have to power to make my heart beat faster than how it should beat. Suddenly, I just found out that I love you. You're not just a reader to me anymore. You are my Eden. My love. My girlfriend.
Ga, Palangga ta ka.
                                                                                                                                                             With love,
                                                                                                             -J
P.S
hanggang dito na lang muna, pero sa susunod alam ko mas marami pa akong maisusulat tungkol sa ating simple pero kakaiba at masayang pagsasama.
0 notes
ainodyei · 9 years
Text
Again.
Finally, I have something to write again.
0 notes
ainodyei · 9 years
Quote
There is a voice that does not use words. Listen.
Rumi (via onlinecounsellingcollege)
3K notes · View notes
ainodyei · 9 years
Quote
One is loved because one is loved. No reason is needed for loving.
Paulo Coelho (via onlinecounsellingcollege)
3K notes · View notes
ainodyei · 9 years
Quote
Your heart knows the way. Run in that direction.
Rumi (via onlinecounsellingcollege)
3K notes · View notes
ainodyei · 9 years
Photo
Tumblr media
242K notes · View notes
ainodyei · 9 years
Text
I’ll start now
How to Find Purpose in Life
1. Take time to ponder the questions “What really matters in life; what do I want to have achieved when I look back over my life?”
2. Make time for solitude and silence. Filling every minute makes it hard to listen to our intuition, or that inner guiding voice.
3. Seek out people who inspire you – and then learn from them. There are many people who live inspiring lives. We can learn from their experience, and what they have to share.
4. Consciously monitor your progress. It is easy to slip back into unproductive habits. Hence, we need to be committed to sticking to our plan.
5. Accept that struggles and setbacks will be part of your experience. There will be times when you are tempted to give up and stop trying … but choosing to keep going will lead you to your dreams.
2K notes · View notes
ainodyei · 9 years
Text
Si Michelle at  ang Bus Pauwi
Tumblr media
Natapos na naman ang isang araw ko sa trabaho, ito ang unang trabaho ko simula ng grumadweyt ako sa kolehiyo. Ang hirap pala magtrabaho pero masaya naman dahil nagagamit ko ang pinag-aralan ko sa loob ng apat na taon sa unibersidad. Mababait rin ang mga katrabaho ko, ako ang pinakabata sa opisina pero hindi sila mahirap pakisamahan. Yun nga lang hindi ko masydong mailabas ang kalokohan ko dahil mga seryoso na ang mga tao doon. Kung magkaedad din kaya ako ay magiging ganun na ako kasersoyo? Parang ayoko naman.
Kasabay ko ang ilan sa  mga katrabaho ko papunta sa sakayan ng bus, pero iba iba kami ng sasakyan pauwi at yung iba naman ay jeep ang sinasakyan. Pag dating ko sa bus stop, ayun sakto may isang bus na maluwag. Mukang suswertihin ako ngayon at hindi ko na kakailanganin ilabas ang mandirigmang nakatago sa loob ko para makipaglaban para sa iisang upuan na sampu ata ang gustong umupo. Myerkules na kasi ngayon kaya maluwag na ang mga bus.
Minsan pag sobrang dami ng tao sa bus stop,  tatayo lang ako sa gilid para panuorin na mag-una unahan sa hindi pa nga humihintong bus ang mga tao. Estudyante, empleyado, babae, lalake, yung may mga kasamang bata, matanda, lahat na ng klase ng commuter makikita mo. Pagbukas na pagbukas pa lang ng bus naka-abang na agad ang mga tao, hindi na nga makababa ng maayos ang mga pasaherong galing sa loob dahil nag-gigitgitan na ang mga tao sa baba para mauna sa pagpasok. Matatawa ka na maiinis dahil tatlo ang sabay sabay na papasok sa pinto kaya lalong tumatagal ang pag-akyat. At ang malupet pa sa panahon ngayon, wala ng babae babae o lalake, ang katwiran ng iba “pare-pareho lang natin gustong makauwi”. Kaya naman sige, para silang naglalaro ng basketball, kahit sino pwedeng mabox-out.
Pero ngayong araw walang ganung eksena. Kaya lang pagpasok ko wala na palang bakanteng upuan. Maririnig mo na lang yung kundoktor na sumisigaw ng “Maluwag pa po tayo! Pasok lang po kayo sa dulo”. Gusto ko sanang sumagot kay manong kundoktor ng “Lul pakyu, maluwag pa nga! Maluwag pa yung isle para sa mga tatayo”. Ganun naman palagi, sanayan na lang din, ang nakakainis lang isisiksik ka nila ng isisiksik sa dulo tapos talikuran ang mga pasahero kaya pag bababa ka na hirap na hirap ka. Tapos magagalit ang driver dahil ang tagal mo raw bumaba. Walastik lang diba?
Ako yung maswerteng pasahero na pinaka-unang naubusan ng upuan. Bago ko pa marinig yung nakakabwisit na linya ni manong kundoktor ulit nagpunta na ko sa pinadulo ng isle. Dun ako humarap sa huling hilera ng pangdalawahang upuan. Napangiti na lang ako ng palihim para pigilan ang pagtawa ko, kasi naman, si kuyang pasahero na nasa tapat ng bintana nakatingila pa habang nakanganga. Sa isip isip ko, nakailang gabi na kaya tong si Kuya? Pero naawala yung ngiti ko ng mapadako ang tingin ko sa katabi nyang babae, yung mismong nasa tapat ko. Yakap nya ang kayang kulay lavander na bag pack habang nakadukdok sya dito at yumuyugyog ang kanyang mga balikat. Umiiyak ba sya? O baka naman tumatawa rin dahil sa itsura ni kuyang katabi nya? Hanggang sa nakita ko syang nagpunas ng pisngi. Umiiyak sya.
Tumingin ako sa paligid ko at napansin ko na napapatingin na rin ang iba sa gawi nya. Yung iba naa-awa, yung iba naman nagtataka. Ako pareho kong nararamdaman ang mga iyon nung oras na iyon. Nagtataka ako kung bakit sya umiiyak sa ganitong pampublikong sasakyan at naa-awa ako dahil siguradong mabigat ng nararamdaman nya para hindi na nya naisip na nasa pampublikong sasakyan sya habang umiiyak. Kagaya ng ginagawa ng iba pang pasahero ng bus na yon, dapat sana ay binabalewala ko na lang sya. Pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Parang may kung anong pwersang humihila sakin papunta sa kanya. Paulit ulit kong sinasabi sa utak ko na “wag ka na lang maki-alam” pero sa huli nanaig din sa akin ang kagustuhan na tulungan sya. Teka, anong gagawin ko? Ano ba dapat ang ginagawa pag may nakita kang taong umiiyak? Ah! Alam ko na! Panyo. Dapat bigyan ko sya ng panyo para ipamunas nya ng luha dahil napansin kong kamay lang nya ang ginagamit nya kanina. Pero pano yun? Wala akong panyo, tanging towel lang ang meron ako at nagamit ko na yun pamunas ng pawis ko kanina. Nakakahiya naman kung yun ang ibibigay ko sa kanya, hindi ko nga alam kung amoy pa ba ang fabcon na ginagamit ni nanay sa paglalaba. Sabi ko na lang sa sarili ko, bahala na.
“Miss eto oh” sabi ko sa kanya. Wala akong natanggap na sagot. Ni hindi nya rin inangat ang ulo nya mula sa pagkakayuko. Pero nanatiling naka-abot ang kamay ko na may hawak na towel. Makalipas pa ang ilang sandali, patuloy pa rin sya sa pag-iyak. Siguro ayaw nyang maki-alam ako sa kanya kaya hindi na lang sya nagsalita.
Babawiin ko na sana ang kamay kong may hawak na towel ng kunin nya ito. Nagulat ako, pero natuwa rin ako dahil sa palagay ko'y nakatulong ako. Bumalik ang ngiti sa labi ko nung makita kong ginamit nya ito. Napanatag na rin ang kalooban ko. Kinuha ko na ang headphone na ilang buwan kong pinag-ipunan para mabili ko sa pagkakasabit sa leeg ko. Medyo mamahalin kasi ang brand na ito, yung brand na meron ding gawang bumbilya. Pasensya na kung kailangan ko pang banggitin. Isa kasi ito sa gusto ko talaga mabili noong nag-aaral pa lamang ako. Hindi naman kasi kami mayaman, ang halaga nga nito ay katumbas na ng tuition ko para sa isang semester sa pampublikong unibersidad na pinag-aralan ko. Dose lang kasi kada unit doon.
Ine-enjoy ko ang malakas na musikang nanggagaling dito ng maramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko, yung babaeng inabutan ko ng towel ang nakahawak sa kanang kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak nya dito na para bang dito sya kumukuha ng lakas. Hindi ba kapag hinawakan ng estranghero ang kamay mo, ang una mong gagawin ay alisin ito? Pero hindi yun ang ginawa ko, hinayaan kong hawakan nya ang kamay ko. Inangat nya ang ulo nya mula sa pagkakadukdok nya sa sa kanyang bag at isinandal ito sa braso ko. Bahagya akong napatda. Pero muli, hinayaan ko sya. Wala pa ring tigil sa pagyugyog ang balikat nya, tila lalo lamang tumindi ang pag-agos ng luha nya. Napatanong tuloy ako sa sarili ko, ako ba ang may gawa? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya upang tumahan na sya sa pag-iyak kung kaya naman hinawakan ko na lang din ang kamay nya saka ito pinisil. Umaasa akong kahit papano maipaparating nito sa kanya na “magiging maayos din ang lahat”. Buong byahe ay ganun kami, medyo dumikit na ako sa kanya upang matakpan ko sya sa mata ng ibang tao na gusto lang ata makakuha ng tsismis.
Ayoko man sana syang iwan pero malapit na nag bus stop kung saan kailangan ko ng bumaba. Sumigaw na ang kundoktor para sa mga bababa sa lugar namin pero mahigpit pa rin ang kapit nya sa kamay ko. Nakababa na ang lahat ng tigasa- amin maliban sa akin. Umandar na muli ang bus, pinanood ko na lang na lagpasan ng bus ang bus stop kung saan ako dapat bumaba. Hanggang sa dumating na ang bus sa pinakadulong hintuan, sa terminal. Kami ang pinakahuling bumama sa lahat ng pasahero. Doon ko lamang nakita ang muka nya, namumula ang ilong at magang magang mata nya sa kakaiyak. Pulang pula ang pang-ibaba nyang labi na sa tingin ko ay dahil sa kakakagat nya dito para pigilan ang luha nyang lumabas. Hindi na ako nagsalita. Ginalaw ko na lang din ang mga paa ko nang mag-umpisa na syang maglakad. Nang makalabas kami ng terminal ay may lumapit sa amin na tricycle. “sakay kayo?” tanong ng driver. Tumango sya at sumakay na kami. Nung tinanong na kami ng driver kung saan kami papunta ay sumagot sya gamit ang gumagaralgal nyang boses.
Inabot na kami ng dilim sa daan. Magkahawak pa rin ang aming mga kamay. Patuloy pa rin sya sa pag-iyak. Rinig na rinig ko ang bawat paghikbi nya. Hindi ba sya nauubusan ng luha? Gaano ba kabigat ang problema nya na kahit halos dalawang oras na syang umiiyak ay hindi pa rin nauubos ang luha nya?
Huminto kami sa isang puting bahay na may dalawang palapag. Lagpas tao ang itim na gate nito. Pero hindi naman solid yung gate nila na katulad ng sa malalaking bahay sa baranggay namin na ayaw ipasilip ang bakuran ng bahay nila. Rehas ang gate nila. Sabi ko sa sarili ko. Wow mayaman! Sabagay ang unipormeng suot nya galing sa pang mayamang unibersidad sa Morayta na ang tuition fee para sa isang semester ay kasing halaga na ng tuition fee para sa apat na taong kursong tinapos ko  sa unibersidad na pinasukan ko at may sosobra pa nga.
Binuksan nya ang gate nila, hawak pa rin nya ang kamay ko kaya naman pati ako ay nakasama na ring pumasok sa bahay nila. Bago pa kami makaabot sa pinto ay bumukas na ito, isang babaeng nasa mid-40's ang sumalubong sa amin. Ito marahil ang mommy nya.  Hinalikan nya ito sa pisngi at niyakap gamit ang isang libreng kamay nya. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko o kung ano ang gagawin ko. Sa amin kasi pagdating sa bahay nagmamano lang ako. Naisipan ko na lang batiin ang kanyang mommy ng magandang gabi. Kumunot ang noo nya, tila kinikilala ako. Ano ang isasagot ko? Ako nga, hindi ko alam kung bakit ako nasa bahay ng babaeng hindi ko manlang alam kung ano ang pangalan. Isang alanganing ngiti ang binigay ko sa mommy nya. Nagpatangay na lang ako ng hilahin nya ako papunta sa ikalawang palapag. Nagpunta kami sa kwarto nya. Pagdating doon at hinila nya ako paupo sa kama nya pagkatapos ay humiga sya sa kandungan ko habang hindi inaalis ang pagkakahawak sa kamay ko.
Iyak pa rin sya ng iyak. Ni hindi ko magawang tanungin kung ano ang pangalan nya at kung bakit nya ako sinama sa bahay nila. Hinayaan ko lang syang umiyak, hinaplos ko ng hinaplos ang buhok nya. Sa tingin ko ay ito ang kailangan nya, ang katahimikan at ang taong handang pakinggan ang bawat pagtangis nya. Nakatulugan na lamang nya ang pag-iyak. Pinunasan ko ang pisngi nya gamit ang kamay ko, kaawa awang nilalang. Ni hindi man lang nya nakuhang tanggalin ang sapatos sa paa nyang nakalawit pa sa sahig o di kaya ay mag-alis man lang ng uniporme. Maingat kong inalis ang ulo nya sa kandungan ko. Lumuhod ako sa paanan nya para tanggalin ang sapatos nya. Saka ko inayos ang pagkakahiga nya. Kinumutan ko sya. Ilang sandali ko pa syang tinitigan.
“salamat sa pagtitiwala mo”
tahimik akong lumabas ng kwarto nya. Hinanap ko ang mommy nya para magpaalam na. Nakita ko sya sa kanilang kusina.
“Uuwi na po ako” paalam ko sa kanya.
“Salamat sa paghatid sa kanya hija. Kaibigan ka ba nya? Dito ka na lang kumain ng dinner. Parating na ang asawa ko” ang bait naman ng mommy nya.
“Hindi na ho. Ang totoo ho nyan hindi naman nya ako kaibigan. Sa katunayan nga ho ay kanina ko lang sya nakilala dahil nagkasabay kami sa bus pauwi. Ni hindi ko nga ho alam ang pangalan nya” nahihiyang sagot ko sa Mommy nya. Tila nagulat sya, ito raw kasi ang unang beses na nag-uwi ng kabigan ang anak nya, akala pa nya ay kaklase ako ng anak nya. Nalaman ko na rin ang pangalan nya. Sya pala si Michelle. Nalaman ko rin na kumukuha sya ng edukasyon sa uniberdidad na pinapasukan nya at nasa huling taon na sya.  Hindi nag-alinlangan ang mommy nya sa pagkukwento sakin ng mga bagay tungkol kay Michelle. Nagpakilala na rin ako. Dumating na rin ang daddy ni Michelle.
Habang nasa hapag kainan kami ay panay ang kwento nila. Masayahin daw si Michelle at likas na palakaibigan nung high school pero ng tumuntong daw ito sa kolehiyo at naging tahimik ito at malihim sa kanila. Palagi lamang daw itong nagkukulong sa kwarto. Kung hindi nila nakikitang nagbabasa, nagsusulat naman ito. At nitong huling buwan nga raw ay palagi itong umuuwi ng umiiyak, sa twing tatanungin naman daw nila ang dahilan ay hindi ito sumasagot. Hindi na rin daw ito sumasabay sa kanila sa pagkain twing gabi pero pag malalim na ang gabi ay nahuhuli daw ito ng kanyang mommy na kumakain sa kusina. Ni hindi man lang daw nito sinisindihan ang ilaw, nakayuko ito at umiiyak habang kumakain.
Masarap ang ulam na hinanda nila, maraming klase ng putahe ang nasa mesa. Kung sa ibang pagkakataon sana ito, baka marami na akong nakain dahil sa bahay namin isang putahe lamang sa isang kainan. At tig-iisang maliit na parte lang kami ng apat ko pang mga kapatid na ang sumunod sa akin ay nasa ikatlong taon na rin sa kolehiyo. Ang dalawa ay nasa high school na at dalawa rin ang nasa elementarya. Pero hindi ko magawang lunukin ang masarap na ulam dahil sa bigat ng dibdib ko mula sa mga narinig kong kwento. Ang kanyang mommy nga, tawagin na lang natin syang tita Lyn. Tuluyan ng napaiyak habang nagkukwento.
Umalis ako sa bahay nila na mabigat ang paa at dibdib ko. Maraming katanungan ang baon ko sa pag-uwi. Habang sakay ako ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep, hindi nawala sa isip ko si Michelle. Sa isip ko, maswerte sya dahil ipinanganak syang mayaman. Hindi katulad ko, ng pamilya ko na kahit na puti na ang buhok ng mga magulang ko ay hindi pa rin magawang huminto sa trabaho dahil may mga kapatid pa akong nag-aaral at napakaraming gastusin sa bahay. Buwan buwan umiikot ang pwet ng nanay ko dahil hindi nya malaman kung kanino pa sya mangungutang para may ipambayad kami sa upa ng bahay pati sa tubig at kuryente. Mabuti na lamang nga at nakatapos na ako, kahit papano nakakatulong na ako sa araw araw na panggastos at nababawasan na rin ang mga utang namin paunti unti. Baka nga sa isang buwan ay tuluyan ng maubos ang utang namin. Hay sa wakas.
“para ho” sabi ko sa tricycle driver. Sa jeep naman ako sumakay. Mga bente singko minutos nasa amin na ako nito.
Hindi pala sya maswerte gaya ng iniisip ko. Malaki ang dalawang palapag na bahay nila at tatlo ang sasakyan nilang nakaparada. Tig-iisa ata sila. Pero ang lungkot ng aura ng bahay nila, walang sigla. Para bang sa lahat ng sulok nito maririnig mo ang pag-iyak ni Michelle.
Tulog na ang mga magulang ko ng dumating ako. Pero yung sumunod sa akin, gising pa at nag-aaral. Mahirap kasi ang kurso nyang accountancy. Nagpalit lang ako ng damit pambahay at tumabi na rin sa mga kapatid ko sa sahig na nalalatagan lang ng banig na pinatungan ng makapal na kumot galing sa NGO noong bumagyo. Buong gabi hanggang sa dalawin na ako ng tulog, iniisip ko si Michelle at ang pag-iyak nya sa Bus pauwi.
Kinabukasan, maluwag na talaga ang mga bus. Huwebes na kasi.  Uupo na sana ako sa ikatlong hilera ng mapadako ang tingin ko sa dulong bahagi ng bus. Sa gawi kung saan ko nakita si Michelle na umiiyak. Sa halip na sa malapit lang ako umupo lumakad ako papunta sa bahaging iyon at naupo sa tabi ng bintana. Tinitigan ko lang ang upuan sa isle na para bang naroon si Michelle. Nakadukdok sya sa bag nya at yumuyugyog ang mga balikat nya.
“Miss san ka?” tanung sakin ng kundoktor. Siguro nagtataka sya kung bakit nakaangat ang kamay ko na para bang may aabutin ako.
“Sa junction ho” sagot ko. Dalawin ko kaya si Michelle? Inabot sakin ng kundoktor ang ticket. Tiningnan ko ito. Saka ako nakapag-isip.
“kuya pakidagdagan na ho. Sa terminal na lang ako bababa”. Pagdating ko ng terminal nakita ko yugn stall ng mumurahing donut. Bumili ako ng pinakamaliit na kahon, ito lang kasi ang kaya ko. Malayo pa ang sahod, baka kapusin ako kung yung malaking kahon ang bibilin ko. Sumakay na ako ng tricycle papunta sa kanila. May liwanag pa naman. Malayo pa lang ako sa kanila ktia ko na, na maraming tao ang labas pasok sa bakuran nila. Saka maraming sasakyan ang nakaparada sa tapat ng bahay nila pati sa di kalayuan. Umagaw sa aking paningin ang sasakyang pang-pulis. Nakabukas din ang mataas na itim na gate nila.
Pagbaba ko ng tricycle sa di kalayuan, wala na kasi papasukan yung tricycle kaya dito na lang ako bumaba, nagtanong ako sa unang Ale na nakita ko.
“Ano ho bang meron? Bakit ang daming tao sa bahay nila Michelle? At bakit ho may pulis?” malungkot na umiling sakin ang Ale.
“Ang nag-iisang anak nila Lyn, wala na” sabi nito saka ako nilampasan. Para akong nabingi sa sinabi ng Ale? Paanong wala na? Ano ang ibig nyang sabihin? Kahapon lang ay sinamahan ko pa sya pauwi.
Umiilaw pa ang serena ng sasakyang pang-pulis, nakita ko na meron silang nilalabas mula sa bahay sakay ng stretcher. Tao ito, base sa bulto. At natatakpan ito ng putting tela. Kasunod nito si tita Lyn habang umiiyak at inaalalayan ni tito. Nung makita ako ni tita Lyn na nakatayo sa harap ng gate nila ay tumakbo sya paputna sakin at niyakap ako. Iyak sya ng iyak sa balikat ko. Nanatili lang akong nakatingin sa stretcher na pinapasok sa ambulansya.
---
Makalipas ang tatlong gabi..
Lunes ng umaga, nandito ako sa sementeryo kasama nina tita Lyn. Si Michelle pala ang sakay ng stretcher nya. Nung mag-gagabing dumating ako sa bahay nila, natagpuan syang wala ng buhay sa kwarto nya. Pinili na ni Michelle na wakasan na ang pakikipaglaban sa mundong naging malupit sa kanya. Nalaman na rin ng magulang nya kung bakit nagbago ang anak nila. Bullied. Yan si Michelle sa kolehiyong pinapasukan niya. Maganda si Michelle. Maputi, makinis ang balat at itim na itim ang buhok. Matangos ang ilong, bilugan ang mga mata at may manninipis na mga labi. Napagbintangan daw itong nang-aagaw ng boyfriend at mula noon at pinagtitripan na ito ng mga babae at nga mga alipores nito na di umano ay naagawan ng boyfriend. Wala syang pinagsabihan tungkol dito. Umiwas na rin daw sa pakikipagkaibigan si Michelle ayon sa isa nyang kaklase dahil ayaw daw nitong madamay ang sino pa man sa pagpapahirap at pamamahiyang dinadanas nya. Ang huling ginawa raw siguro ng mga bully nya ang dahilan kung bakit nag-suicide si Michelle. Isang sex video raw ang kumalat sa uniberdidad nila at ang bali-balita ay si Michelle ang babae doon. Nung araw pala na nakita ko si Michelle na umiiyak, yun pala ang araw na kumalat ang sex video at yun din ang araw kung saan pinatalsik sya sa uniberdidad dahil daw sa immoral na kasalanan nya. Nalinaw na rin naman ang kaso, napaamin na rin ang mga nagkalat na hindi si Michelle ang babae sa video at maging sila ay napatalsik sa uniberdidad. Pero para saan pa ang mga iyon? Huli na ang lahat. Wala na si Michelle. Kinitil na nya ang sarili nyang buhay.
Habang ibinababa ang kabaong nya sa hukay, nagpupuyos ang damdamin ko sa galit. Anong karapatan nila para gawin iyon sa iba? Mga wala ba silang magawa sa buhay nila? Nag-aaral pa man din sila sa kilalang pribadong uniberdidad pero sa ginawa nila daig pa nila ang mga tambay na adik sa kanto namin na walang mga pinag-aralan. Siguradong ikinahihiya sila ng unibersidad at ng mga nag-aaral dito dahil dawit na ang pangalan nito sa isyu. Nung nakaburol si Michelle isang beses lang ako tumingin at hindi ko na inulit dahil hindi ko kayang tingnan ang muka nya na hindi payapa. Nakasuot sya ng lavander na gown. Pati ang kabaong niya ay lavander. Iyon daw kasi ang paboritong kulay ni Michelle.
Nakakalungkot ang naging pagkakakilala namin. Kung pagkakakilala nga bang matatawag iyon dahil hindi naman nya nalaman ang pangalan ko. Masakit isipin na yung taong hawak lang ang kamay ko nung myerkules ng gabi, ngayon ay dahan dahan ng binabaon sa lupa. May isang parte ng pagkatao ko na sinisisi ang sarili ko. Siguro kung hindi ko sya iniwan noon baka hindi sya nagpakamatay. Baka nagawan pa namin ng paraan na gustuhin pa nyang manatili sa mundo.
Habang pinapanuod ko ang mga puting lobo na lumipad palayo bumubulong ako. Gusto kong sabihin kay Michelle, maganda ang mundo. Masarap mabuhay. At hindi sya nag-iisa.
May isa pang tanong na naiwan sakin. Ganoon lang ba kadali ang buhay? Bakit kay dali naman ata para sa iba na sirain ito? Bakit kay dali para sa iba na kitilin ito? Bakit?
Sa huling sulyap ko sa lapida nya kung saan nakaukit ang maganda nyang pangalan, nagpaalam ko. Malaya ka na Michelle. Natakasan mo na ang kalupitan ng mundo. Sana lang mas maaga pa kita nakilala. Sana rin mahanap mo ang daan patungo sa piling ng Amang may likha. Sana masaya ka na kung nasaan ka man.
Sa twing sasakay ako ng Bus pauwi maaalala kita. At kung bakante sa dulo, dun ako palagi uupo para alalahanin ka. Paalam Michelle.
0 notes
ainodyei · 9 years
Text
Heartbroken.
Hi! Hmm actually I'm arguing with myself right at this very moment. should I write this or not.I haven't told anyone about this,well except with my workmate, which is by the way experiencing the same turmoil as I am. I have my first job even before I graduated, I'm so grateful about it. I think and feel that this is the perfect job for me. It is not a big company tho, but the people I'm working with,the place,the boss.It's all I've ever dream for a job. I never felt obligated to work. I’m always excited about it. It feels like my second home. But its now shutting down on the 30th. When my boss(my idol) broke the news to me, my brain only recognized the word “Shut it down”, the others? they just pass through my ears. He’s telling me all the consoling word but I’m just too focus on the invisible limp on my throat and to the crack in my heart that I felt after he said that damn word. I’m holding my tear but when he tapped my shoulder, my tears broke loose. The news is just heartbreaking for me. That moment, in never occur to me that I will be jobless after a month. My tears are for the people I’m working with, form y dream job that I’ll loose, for my boss. I feel like I dissapointed him. like I should’ve done more, I should’ve been more productive. There’s a big part in me saying that we are the one to blame. Our incompetence. And it pains me more that my boss is all praise of me. He’s always telling me how great I’am and how I will be a Rockstar in the future. If I’am great, why do we end up like this?  Every night, I cry. Fears, pressure and disappointment is slowly sinking on me. Am I just over-thinking? I think I’m slowly drowning into depressing thoughts. this is my first job and the thought that I’m going to loose it because the company is shutting down hunts me. I haven’t told my family, how can I? I pay all the bills. now if I loose my job what will happen to my family? My father hasn't got any stable job since I graduated and my mom barely earn in her job, just enough to pay for loans. I know I’ll find another job but how soon?
Now I’m counting the days. How I hate the number 30.
0 notes