Tumgik
coughfieldholden · 4 years
Text
Masayang Araw
-Written by J. J. San Agustin
Gumising ng nakangiti ang binata na si Romeo, kitang kita mo sa mga ngiti nito na alam mo na ang plano niya sa buong maghapon at halata mong walang kahit na anong aberya ang makakapag patanggal sa ngiti na nakapinta sa kanyang mga labi.
“HOY ROMEO LUMABAS KANA DITO TANGHALI KA NANAMAN NAGISING!! WALA KA TALAGANG KWENTANG ANAK!!” sigaw ng kanyang ina. Hindi nagmadali si Romeo na bumaba sa kanilang hagdanan, hindi dahil marupok na ito dahil nakatira lamang sila sa isang baro-baro, kundi dahil gusto niya sulitin ang bawat minuto ng araw na ito dahil alam niya na magiging masaya ngayon.
Isang malakas na sampal ang inabot ni Romeo sa kanyang pangalawang ina noong siya ay nakarating sa baba “Ikaw punyeta ka, hindi ba’t trabaho mo na iligpit ang mga nakakalat ditto? Pupunta si Jasper mamayang hapon tapos ito dadatnan niya?!” isinigaw ni marites, pero kahit na ito ay patuloy na binubulyawan ng kanyang ina, halata mo parin sa mukha ng binatang na ito na hindi siya naaapektuhan sa kung anong sumbat ang makarating sakanya.
“Sabi po ni papa wag daw po kase mag inu-..” at muling sinampal ni marites ang binta at sinabunutan siya nito “Wala akong pake sa tatay mong babaero! Saken sa sumunod! Hindi mo ba napapansin na mas mabuti akong ina kesa dun sa patay mo ng nanay na si Bea? Napaka panget tas antaba, buti nalng namatay na yung hayup na yon, tas ganto moko tatratuhin?!” dinala ni Marites ang binata para ilubog ito sa drum na pinagtutuluan ng tubig sa bubong.
Sa eksaktong oras na ito, hindi ubusan maisip ni Romeo na magiging mas panget o mas maayos ang sitwasyon niya ngayon kahit pa na may baguhin siyang detalye sa kanyang talambuhay, pero kahit ganun pa man, masaya parin ang batang ito sa kung ano ang narrating niya sa buhay.
“Kunin mo ung ayuda sa barangay tas bigay mo saken, mag mo-motel nalng kame ni jasper, andugyot dito.” sinabe ng kanyang ina habang pinupunasan ni Romeo ang kabaong ng kanyang kapatid, “pano po si Yolbert? sino po mag babantay sakanya?” tanong ni Romeo. “Tanga kaba? Malamang ikaw! Pambihira kasi yang kapatid mo, hindi kase nag kakakain yan tuloy namatay sa covid, puro kase pagaaral ginagawa lalaki rin namang pulibi.” Isinaad ni Marites.
 “Sa leukemia po siya namatay…” binulong ni Romeo, “Pakielam ko kung saan sya namatay? Mag pasalamat ka nalng na walang pabigat sa bahay na ito pwera sayo, sana nga namatay ka na rin.” buod ni Marites, napaka haras ng isinabi nito pero hindi parin natiitbag ang ngiti na nakapaskil sa mga labi ni Romeo, lalo pa siyang natutuwa dahil malapit na matapos ang araw niya at makakapagpahinga na siya.
“Eto po oh.” Inabot ni Romeo ang bayad kay marites, “Pahingi nalng po ng load para makapagpasa ako ng gawain ko po sa online clas.” batid ni Romeo sa kanyang ina “Anung online class pinag sasabe mo!? Kulang nga toh pang honeymoon naming ni Jasper, maki connect ka sa kapit bahay!” tugon ni Marites  habang binibilang niya ang pera na nagkakahalaga ng 3 libong piso. “I-abot mo saken ung abuloy.” banggit ni Marites habang dahan dahan na inaabot ni Romeo ito sa kanyang ina, “para po sa babayaran sa funeral service ni Yolbert...” bulong ni Romeo, “Oh anong pakielam ko? Hindi ko naman anak yan? Kung gusto mo ibenta mo yang katawan mo total bakla ka naman!” banggit ni Marites habang patayo ito para lumabas ng bahay. Madilim na ang paligid sa labas at halos tulog na lahat ng tao, si Romeo ay kumuha ng silya para sa pagtutungtungan niya. Habang ginagawa niya ito, iniisip niya na sobrang say apala ng nagging araw na ito, hindi man kaayaaya ito sa ibang mga mata pero lubusang natuwa si Romeo sa kung ano ang kinahantungan ng araw niya at lalong lalo na ng buhay niya. Nakangiti si Romeo habang isinusuot ang tali na nakasabit sa kisame, at tuluyan niyang itinulak ang silya. Habang unti unting dumidilim ang paningin ni Romeo, isa lamang ang tumatakbo sa isip niya. Yolbert hintayin niyo ko nila mama.
0 notes
coughfieldholden · 4 years
Photo
Tumblr media
Ruth Bader Ginsberg portrait drawn on an aged dictionary page containing the term “justice.” 8.5x11-ish inches. black ink.
Etsy shop: Seth Draws Good
8K notes · View notes