Tumgik
#maikling kuwento
ilaw-at-panitik · 7 months
Text
Binago rin ng pandemya ang diskarte nilang mag-asawa sa pagsasaing. Ngayong nagtatanghalian na sila sa bahay, tanghali ang unang saing nila. Tatlong takal. Ang matitira ay iibabaw sa sinaing sa gabi. Dalawang takal lang. Sakto na ito. Kaya kung gusto nilang magsangag sa almusal kinaumagahan, ginagawa nilang tatlo hanggang apat na takal.
Emmanuel T. Barrameda, mula sa "Sinaing" (Inilathala sa Tomás: The Journal of the UST Center for Creative Writing and Literary Studies, Volume 3, Issue 4, 2022)
11 notes · View notes
otepzablan · 2 months
Text
SEGUNDA
Ni Otep Zablan Sa isang bakuran may isang punso na tinitirhan ng mag-asawang langgam na sina Mang Pulot at Aling Nival. Mayroon silang tatlong anak, ito ay sina Puti, Pula at Segunda.Katulad ng ibang mga langgam, likas na sa kanila ang pagiging masipag. Araw-araw nagtatrabaho ang kanilang mga magulang para may makain silang magkakapatid.Isang araw nagkaroon ng sakit si Mang Pulot. Kalaunan…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
Text
Umihip ang malamig na hangin mula sa hilaga, at humuni ng malungkot na awit ang mga ibon sa alapaap. Binalot ng ulap ang langit na tilang makapal na abo.
Umupo ako sa bakal na duyan ng palaruan ng aming eskuwelahan. Ang bakal ay umungol sa aking pag-upo. Ang mundo ay nagdalamhati sa pagkawala ni Harris.
Mula pa noon, perpekto nang bayani si Harris. Matapang, mabait, at matikas—nasa kaniya na ang lahat. Kaya ipinagtaka ng lahat noong ako ay kaniyang pinansin at kaniyang minahal. Dahil sino ba ang mamansin sa akin? Wala akong katangiang katangi-tangi para ibigin ng isang katulad ni Harris. Pero minahal niya parin ako—pero kinalimutan niya na ako. Simula noong niligtas niya ang ang aming bayan mula sa mga mananakop, lumayo ang loob niya sa akin. Sinabi niya na ang buong Usales ay kailangan niya nang alagaan, hindi lang ako. Ngayon ay patay na siya.
Ang buong kaharian ay nagkagulo, ang iba ay nagdalamhati sa pagkawala ng isang bayani, ang iba naman ay naghanap ng ipapalit sa kaniya. Hindi ako nabilang sa alinman; hindi ako nangulila gaya ng aking inasahan.
Pina-ugoy ko ang duyan at ito ay umungol. Pasira na ito; ang pintura ay natutuklap na at kinakalawang na ang bakal nito. Ang palaruang ito ang pabarito naming tambayan ni Harris. Dito rin niya ako unang hinalikan. Naalala ko ang pakiramdam noong idampi niya ang kaniyang labi sa akin, ang tuwa na bumalot sa aking katawan. Ngayon ito ay wasak na, isang duyan lamang ang natira.
Umupo ako doon ng sandali, inaalala ang lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa nang biglang magliwanag ang aking paningin at ako ay nasilaw.
Sa isang iglap, ako ay napadpad sa isang maulap na palasyong makinang at maputi ang mga dingding. Lumutang sa aking harapan ang bangkay ni Harris, ang kaniyang balat ay makinang at makinis. Guwapo parin siya kahit namatay na.
"Kay ganda niyang tingnan, hindi ba?" Sinabi ng babaeng boses mula sa aking likuran. Ako ay tumalon sa bigla. Nilabas ko ang aking mahiwagang baton at hinanap ang nilalang na nagsalita. Isang usang antropomorpiko na nakasuot ng puting bestidang mahaba na may mga kulay rosas na bulaklak na nakapalamuti ay lumabas mula sa likod ng isang marmol na haligi. Tumawa siya. "Huwag kang matakot, Aliya. Ako ay isang kaibigan."
"Sino ka? Anong gusto mo s'akin?" Itinutok ko sa kaniya ang aking baton, handang tumawag ng mahika kung siya ay aatake.
"Hindi mo ako nakikilala?" Kaniyang ipinagtaka. "Ako ay si Rusalia, ang diyosa ng sangkahayupan. Ako ang pumili kay Harris para maging bayani ng Usales."
Ako ay nagtaka. Hindi kailanman binanggit ni Harris ang bagay na ito. "Kung gayon," aking sinagot, "anong kailangan mo sakin? Bakit ako nandito?"
"Hindi mo pa ba nahahalata?" Bumungisngis siya. "Ikaw ang papalit sa kaniya. Ikaw ang bagong bayani ng kaharian ng Usales."
Ako ay natulala. "B-b-p-paano? Isa akong walang kuwentang tao na nagkataon lamang na minahal ni Harris!"
"Ilang segundo bago siya namatay, tinawag ko siya dito sa aking palasyo. Malaya niyang tinanggap ang kaniyang kapalaran at tinanong ko sa kaniya kung sino ang maaring pumalit sa kaniya. Ikaw ang pinili niya, Aliya. Ikaw."
"H-hindi ko kaya. Hindi ko alam ang gagawin ko at baka pumalya ako at—"
"Inaasahan ko na isasakatuparan mo ang iyong mga tungkulin na may katapangan at karangalan." Pumalakpak siya ng isang beses at muling nagliwanag ang aking paningin.
"Hindi! Hindi ko—"
Sa isang iglap, ako ay nakaupo muli sa duyan, may hawak nang espada. Nanginig ang lupa. Nagtakbuhan ang mga tao palabas ng eskuwelahan, at binalot ng mga tili ng takot ang paligid. Biglang dumagundong ang isang ungol at naaninag ko ang isang halimaw na binunot ang mga puno at tinapon ang mga ito sa malayo. Hawak-hawak ang espada, ako ay lumakad papunta sa halimaw, kinalaban ang daloy ng tao. Wala akong ibang naisip kundi pigilan ang halimaw na ito. Ang aking mga hakbang ay unti-unting bumilis, at namulat ko na ako ay tumatakbo na, dala-dala ang espadang kumikiskis sa sementong lapag.
Ako ay madaling nakarating sa kinaroroonan ng halimaw. Ito ay naghasik ng lagim—sinira ng buntot nito ang kaniyang mga paligid at dinaganan ng kaniyang mga malalaking paa ang mga taong walang magawa kundi sumigaw sa bigat ng halimaw. Inobserbahan ko ang halimaw na kahugis ng buwaya na may maputik na kulay. Napansin ko na may nakakimkim na galit sa dilaw niyang mga mata. Nagpakawala uli ito ng isang nakakabinging ungol.
Ako ay nagalit at iwinagayway ang aking kamay para makuha ang atensyon nito. "Hoy!" Aking sinigaw. "Ako ang kalabanin mo!" Lumingon sa akin ang halimaw at tinitigan ako ng ilang segundo bago ako sinigawan ng napakalakas. Tumakbo ako ng mabilis papunta dito habang lumakad siya sa akin. Ang mga mata nito ay naging kulay pula sa labis na pagkagalit. Noong ako ay nakalapit, ang kanang kamay nito ay sumalubong sa akin. Tumalon ako ng napakataas para iwasan ito. Habang nasa taas, itinutok ko ang aking espada sa halimaw. At sa aking bulusok pababa, isinuot ko ito sa pagitan ng kaniyang mga mata, at tinamaan ang bungo at utak nito. Hinila ko ang espada mula sa kaniyang bungo at lumapag ng ligtas bago bumagsak sa lupa, katabi ang halimaw na wala nang buhay.
Huminga ako ng malalim. Ligtas na ang eskuwelahan,  ligtas na ito mula sa halimaw na nasa harap ko. Nagsilabasan ang mga tao sa kanilang pinagtataguan at tinitigan nila ang halimaw na may pagkamangha. "Isang bayani!" Tawag ng isang estudyante at itinuro ako. "Isang bayani," nagbulung-bulungan ang mga tao. Dumami ng dumami at lumakas ng lumakas ang tunog hanggang nagsimula silang magpalakpakan. Nakakabingi. Nakakatakot. Hindi ko na makaya ang tunog at kumaripas ako ng takbo. Kailangan kong puntahan ang kaisa-isang lugar sa eskuwelahan na alam kong ligtas ako.
Sa aking pagpasok, isinara ko ang pinto at hinarangan ito para walang makapasok. Ligtas na ako, aking inisip. Umupo ako so lapag at hinabol ang aking hininga. Nasa silid-aklatan ako. Dito makakahanap ako ng sagot na aking kailangan. Pagkatapos ng ilang sandali, tumayo ako muli at tumungo sa mga libro. Siguradong may mahahanap akong impormasyon tungkol sa espadang aking hawak.
Historya ng Mga Halamang Gamot. Historya ng Mga Mananahi. Ayun! Historya ng Mga Espada at Ibang Mga Sandata! Kinuha ko ang librong ito at dinala sa patungan ng aklat. Binasa ko isa-isa ang mga pahina. Wala akong mahanap na kahugis ng aking espada. Bumalik ako sa mga istante. Ang Historya ng mga Patay. Historya ng Mga Lason. Historya ng mga Diyos at Diyosa? Binasa ko ito.
Rusalia, Diyosa ng Kahayupan
Ang diyosang ito ay may anyong katulad ng isang usa at isang tao. Kaya nitong magbago ng anyo at baguhin ang damdamin ng mga hayop. Hindi niya napapasok ang isip ng isang tao maliban na lang kung pumayag ang tao, o mahina ang katawan nito. Walang may alam kung nasaan ang diyosa.
Pinasok niya ba ang aking isip kaya ako'y naging matapang? Pumayag ba talaga si Harris na magpakontrol sa kaniya? Binago ko ang pahina.
Al' Wira, Diyosa ng Mga Bayani
Isang matapang na mandirigma na pinatawan ng Maykapal ng katangi-tanging katangian, si Al' Wira ay tinawag ang kaniyang sariling "Diyosa ng Mga Bayani." May hawak siyang isang malaking espada (tingnan ang libro tungkol sa mga mahiwagang kagamitan) na ginagamit niya para paslangin ang kaniyang mga kalaban. Napaslang siya habang nilalabanan ang isang mabangis na titan. Walang nakaaalam kung nasaan na ang espada.
Tumakbo ako at hinanap ang librong sinasabi sa sipi. Mga Mahihiwagang Kagamitan sa Historya. Mabilis kong pinaraanan ang libro hanggang mahanap ko ang tinutukoy ng may akda.
Espada ng Diyosa ng Mga Bayani
Ito ang espadang ginamit ng diyosang si Al' Wira sa pakikipaglaban. Malaki ang talim ng espadang ito at may isang ginintuang hawakan. Ang mga disenyong naka-ukit sa espada ay batay sa kuwento ng pagkahirang ng diyosang gumamit nito. Sa bakal ng espada ay may naka-ukit na mga salita. "Maging Bayani ang Sinomang Humawak Ng Espada. Ngunit ang Magmataas ay Mawawalan Ng Dangal." Sinasabing ang mga salitang ito ay ang propesiya ng pagkamatay ng diyosa. Walang nakakaalam kung nasaan na ang espada.
Iginuhit ng may akda ang espadang kaniyang tinukoy. Tinaas ko ang aking hawak. Magkahawig ang dalawa. Pati ang deskripsiyon ay tumpak na tumpak. Nakakatawa. Isang biro lamang ito, di'ba? Nakakatawa. Papaanong nangyaring ako, akong isang walang halagang tao, ay ang hahawak sa isang dakilang espada. Isa lamang akong tauhan sa kuwento ni Harris. Hindi ako ang bida. Tumawa ako. Hindi ako pwede maging isang bayani. Tumawa ako ng tumawa hanggang ito ay naging luha. Hindi ko kaya. Umiyak ako hanggang ako ay makatulog.
Makalipas ang ilang oras, ako ay nagising sa aking kwarto, ang aking mga magulang ay pinapanood ako. Bumangon ako. "Huh?" Aking sinabi na may kahirapan. Masakit ang aking lalamunan. "Paano po ako napunta dito?" "Nakita ka namin sa silid-aklatan sa eskuwelahan niyo," sinabi ng aking ama habang pinapainom ako ng tubig. "Anong nangyari, anak?" Binulong ng aking ina. Nakita ko ang pag-aalala sa kanilang mga mata at ako'y muling naluha. "Hindi ko po alam, ma." Yinakap nila akong pareho habang ipinaliwanag ko ang lahat. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko po ngayon. Hindi po ako karapatdapat maging bayani. Wala po akong kakayahan para maging katulad ni Harris. Hindi ko po kaya. Hindi," aking niluha. "Aliya," sinabi ng aking ama. "Marami kang kakayahan, anak. Huwag kang papayag na may magsabi sa iyong hindi." Tumango ako. "At kailangan mong maging bayani," kaniyang idinagdag. "Kailangan mong siguraduhing hindi matutupad ang propesiya sa atin." "Ano pong propesiya?" Aking itinanong. Nagtinginan silang dalawa. "Sigurado ka ba?" Tinanong ng aking ina sa aking ama. Tumango siya.
"Noong ang Usales ay itinatag, pinaslang ng ating mga ninuno ang isa sa kanilang mga kasama dahil naging traydor ito. Bago mamatay ang lalaking ito, may mga demonyong pumasok sa kaniyang duguang katawan at may sinabi sa isang malalim na boses. 'Dadami ang inyong mga anak at sasakupin niyo ang isang buong bayan. Ngunit sa segundong ipinanganak na ang inyong ika-sampung libong kadugo, lalamunin kayong lahat ng mga halimaw mula sa ilalim ng lupa at mamatay lahat ng inyong mga anak. Malilimutan kayo ng mundo at walang sinumang makaka-alala sa inyo.'" Huminga ng malalim ang aking ama. "Malapit nang magkaroon ng sampung libong katao sa ating bayan," kaniyang idinalamhati.
"Kaya dapat mong pigilin ang propesiyang ito, Aliya. Ikaw lang ang makagagawa nito." Tiningnan ko ang espadang nakapatong sa tabi ng aking higaan at tumango. "Magiging bayani po ako ng Usales," aking binulong. "Ililigtas ko po ang ating kaharian sa pagkawasak." "Salamat, anak." Yinakap nila akong muli at ibinalik ko ito sa kanila.
Bumalik ako sa aking eskuwelahan kinabukasan. Lahat ng aking nakasalubong ay kinakausap ako.
"Ang galing mo, Aliya!" Sigaw sa akin ng isang lalaki habang ako'y naglalakad. "Bayani kita, Aliya!" Sinabi ng isang maliit na babaeng may matinis na boses. Bawat apak ko ay may tumatawag sa akin para pumuri o magtanong.
"Aliya," tawag sa akin ng dalawang babaeng aking nakasalubong, "hindi ba ikaw yung dating kasintahan ni Harris?" Tumango ako. "Grabe. Kaya pala pinatulan ka niya kahit panget ka." Inikot nila ang kanilang mga mata bago lumakad palayo. Ako ay napayuko sa hiya at ilang. Ganoon ba talaga ang tingin ng mga tao sa aming dalawa? Minahal ako ni Harris kaya ko siya naging kasintahan. Hindi dahil magaling ako o magaling siya. Minahal niya ako at minahal ko rin siya.
Sa pagpasok ko sa aking klase, nagbulung-bulungan ang aking mga kaklase. Nailang ako lalo at nakayukong lumakad papunta sa aking upuan. "Aliya," tawag sa akin ng aking guro, "pumunta ka sa opisina ni Punonggurong Farah. Pinapatawag ka niya." Agad akong tumayo at nagsimulang lumakad palabas ng silid. "At dalhin mo daw yung espada mo." Nagsimulang magbulung-bulungan muli ang aking mga kaklase at nagpatuloy parin ako sa aking paglabas.
Kumatok ako sa pintuan papunta sa opisina ng punongguro. Ang puso ko'y tumatakbo ng napakabilis na iyon lang ang aking narinig sa kaba. "Pumasok ka," sagot mula sa loob. Inikot ng aking nanginginig na kamay ang hawakan ng pintuan at pumasok.
Maliit lamang ang opisina ni Punonggurong Farah ngunit maraming mga abubot na nakapaligid dito. Mga simbolo ng isang usa, mga litrato ng mga guro, at iba pa. Nakaupo ang punongguro sa likod ng isang kahoy na lamesa, may binabasang mga papeles na napagtanto kong akin. Pinaupo niya ako sa harapan niya.
"Aliya Atilia, animnapung taong gulang, nasa ika-sampung baitang," kaniyang binasa. "Sabihin mo nga sa akin, Aliya: anong pinagmamayabang mo?" Nabigla ako. "Ano po?" "Ano bang kakahayan mo kaya apaka yabang mo?" Hindi ako nakapagsalita. "Dahil ba sa espada mo? Gustong mong ipagmalaki ito kaya inatake mo ang halimaw?" "Hindi po iyon!" Aking mabilis na sinabi. "Ginusto ko lang pong—" "O hindi kaya gusto mong patunayan na kasing-galing ka ni Harris? Desperada ka bang maging bayani tulad niya?" Umiling ako at bumulong. "Hindi po." "Wala ka namang ipagyayabang, Aliya. Hindi ka maganda at hindi ka malakas," kaniyang sinalita. "Hindi ba kawalan ng galang kung papalitan siya ng isang katulad mo kaagad?" Pinilit ko ang aking sariling huwag lumuha sa harap niya. "Hindi ko muna kukuhanin ang espada mo. Basta ipangako mong hindi mo uulitin ang iyong ginawa. Maliwanag ba?" Hindi ako umimik. "Maliwanag ba?" Tinaas niya ang kaniyang tono. Nagulat ako at tumango. "Opo." "Sige, makakaalis ka na."
Pagkalabas ko sa opisina ay bumagsak ako sa lupa at umiyak. Marahas ang kaniyang mga sinabi sa akin. Hindi ko naman kasalanan ang nangyari. Hindi ko pinili na maging isang bayani. Hindi ko ginustong mamatay si Harris. Wala akong kontrol sa anumang nangyari. At hindi ba dapat silang matuwa at magpasalamat sa aking ginawa? Walang mga utang na loob. Apaka damot nila. Tinitigan ko ang aking espada. Isang diyosa ang minsang humawak nito. "Maging Bayani ang Sinomang Humawak Ng Espada." Iyon ang nakasulat sa mga letrang nakaukit dito. Ako ay isang bayani dahil hawak ko ang espada. Magiging isa akong bayani at papatunayan ko sa aming punong-guro na may kakayanan ako dahil nasa akin ang espada. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at yumanig muli ang lupa.
Isa nanamang halimaw, aking naisip. At tama ako. Iba ang itsura ng halimaw ngayon. Ito ay lumilipad gamit ang isang pares ng makulay na mga pakpak. Isa itong malaking paru-paro. Sa bawat pagaspas ng mga pakpak nito ay isang buhawi ang nahuhubog. Tumakbo muli ang mga tao palayo dito at naghanap ng matataguan. Ito ang pagkakataon kong patunayan ang aking sarili.
Gamit ang aking mahiwagang baton, pinalutang ko ang aking katawan sa ere. Lumapit ako sa halimaw at hinigpitan ang hawak sa espada. Nadama ng paru-paro ang aking presensya at humarap sa akin. Itinulak niya ako palayo gamit ang mga buhawi at ako ay nagpa-ikot-ikot sa hangin. May tunog ng paglagutok mula dito. Itinuwid ko ang aking sarili at inatake ang halimaw. Sa isang tama ay pinutol ko ang ulo nito at nahulog ito sa lapag. Dahan-dahan akong lumapag.
Biglang nagpalakpan at nagsigawan ang mga tao. Nakita ko ang mga ngiti sa kanilang mga mata at lumakas ang aking loob. Isa akong bayani.
Lumapit sa akin ang punong-guro, ngayon ay nakangiti. Walang bakas sa kaniyang mukha ang pagkamuhing ipinakita niya kanina. Pinatong niya ang kaniyang kamay sa aking balikat at hinarap and madla.
"Kamakailan lamang, nawala ang isang matapang na bayani sa ating bayan. Isinakripisyo ni Harris ang kaniyang buhay para iligtas ang ating kaharian mula sa mga masasamang puwersa. Inakala nating lahat na wala nang magproprotekta sa atin. Ngunit salamat sa Maykapal!" Hinawakan niya ang aking kamay at itinaas ito. "Binigyan niya tayo ng isang bagong bayaning marangal at matapang!" Pumalakpak at nagsigawan lalo ang mga tao. "Kaya ngayon, gamit ang kapangyarihang initaang sa akin ng mga diyosa, pinaparangalan ko ang estudyanteng si Aliya Atilia bilang isang bayani ng Usales!" Isang estudyante—ang anak ng punong-guro—ang naghatid ng medalya ni Harris at isinuot ito sa akin. "Purihin ang bayani!" Pumalakpak muli ang mga tao at hinigpitan ng punong-guro ang hawak sa aking balikat. "Nanalo ka na, Atilia," kaniyang ibinulong. "Nanalo ka na."
*-*
Tumakbo ako paikot sa halimaw, at nilito ito. Sa aking bawat hakbang ay pinutol ko ang isa sa kaniyang walong mga paa. Bumagsak ito at walang nagawa kundi igalaw ang mga nalabi sa kaniyang mga paa. Tiningnan nito ang aking mga mata bago ko hatiin ang katawan nito sa dalawa. Pumalakpak muli ang mga tao at ako'y pinuri. "Ang galing mo talaga, Aliya!" Sinabi sa akin ng isang tagahanga. Hindi ko siya pinansin at naglakad ako pauwi sa aking bahay.
Isang taon na ang nakalipas mula noong ako ay naging bayani ng Usales. Dumadami ang mga halimaw na sumusulpot sa aming bayan. Pinapaslang ko silang lahat. Ako ay binigyan ng malaking tahanan ng mga pinuno dahil sa aking istado at kabayanihan. Pumasok ako dito at sinalubong ako ng aking mga magulang sa loob. "Anak!" Sinubukan akong yakapin ng aking ina ngunit ako ay umiwas. "Kamusta ka na?" "Anong ginagawa niyo dito?" Pagalit kong tinanong. "Bumisita lang kami, anak. Matagal na nang huli tayong nagkita," sabi ng aking ina. "Nangungulila na kami sa iyo, Aliya. Umuwi ka muna sa bahay, anak," hiniling ng aking ama. "Ito na ang bahay ko. Umalis na kayo." "Hindi mo bahay ito, anak. Sumama ka na sa amin." "Mala-palasyo na ang bahay ko," aking sinagot. "Ayaw ko nang bumalik sa bahay niyong maliit at madumi. Hindi ba sinabi niyong huwag na'kong babalik don?" "Hindi ko sinasadya, anak. Nadala lang ako ng galit." Inikot ko ang aking mga mata. "Bahala kayo dyan." Dinaanan ko sila at umakyat sa hagdan patungo sa aking silid. "Aliya!" Sinigaw ng aking ama bago ko isinarado ang aking pinto.
Inimbitahan ako ng isang opisyal sa isang pagdiriwang sa kaniyang tahanan. Sinuot ko ang aking pinakamagandang damit at inayos ko ang aking buhok. Maraming mga makapangyarihang tao doon kaya kailangan kong magpakitang gilas. May kumatok sa pintuan. Andiyan na ang aking sundo. Wala naman na siguro ang aking mga magulang. Itinago ko ang aking espada at baton sa aking saya at lumabas ng aking bahay.
Habang kami ay naglalakbay, dinaanan ng aking sinasakyan ang isang ilog. Iba't-ibang klase ng halaman ang tumutubo sa paligid. May mga usa at mga unggoy na naglalaro sa tabi nito. Ang isa sa mga usa ay lumayo sa kaniyang grupo para uminom mula sa malinaw na tubig ng ilog. Mapayapa itong yumuko para makainom ng biglang lumukso ang isang halimaw mula sa ilalim ng ilog at nilamon itong buo. Ako ay nabigla at pinatigil ang karitela. Nilabas ko ang aking espada at lumabas para harapin ang halimaw.
Lumapit ako dito at ako'y agad napansin. Ipinakita ng halimaw ang kaniyang buong anyo at tila'y tumayo itong nagbabanta. May mahaba itong katawan na parang isang ahas. Ang katawan nito ay pinuprotektahan ng mala-armor na kaliskis. May ulo ito ng isang dragon. "Traydor," sinalita ng serpyente, ipinapakita ang matatalas na ngipin nito. Pareho ang galit na nakakimkim sa mga mata nito ng halimaw na aking unang pinaslang. Napalulon ako. Sa unang pagkakataon sa aking buhay, ako ay totoong natakot.
Wala akong ibang naisip kung hindi atakihin ang halimaw. Pinalo ko ang aking espada sa katawan nito ngunit hindi ito tumalab. Nagalit lalo ang halimaw at umungol, ang laway nito'y umulan sa akin. Biglang inilabas nito ang kaniyang mga pakpak at lumipad palayo. Napanganga ako. Kakaiba ang halimaw sa lahat ng aking nakalaban. Nang napagtanto ko na patungo siya sa bayan ay kumaripas ako ng takbo.
Naabutan ko ang serpyente sa eskuwelahan at tinatakot nito ang mga tao. Lumipad itong malapit sa lupa at sinungab ang mga taong kaniyang nadaanan bago bumalik sa taas na parang isang agilang walang paa. Nilulon niya ang kaniyang mga nahuli at inulit ang proseso.
Tumayo lang ako at pinanood ang karumal-dumal na mga pangyayari. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Nilulon niya ang marami pang mga tao at sumisid muli pababa. "Aliya!" May tumawag sa akin. Lumingo ako at nakita ang punonggurong tumatakbo. "Si Daniel..." Kaniyang ibinuntong hininga. "Ano?" Aking tinanong. Maputla ang kaniyang mukha. "Nakuha ng halimaw si Daniel. Nakuha niya ang anak ko!" Tumingin ako sa taas at nakitang linamon nito ang mga tao, kasama ang anak ng punongguro. "Ipaghiganti mo siya, Aliya. Pakiusap." "H-h-hindi ko kaya!" Hindi niya ako pinansin. "Ipaghiganti mo, bayani, ang aking anak." Inikot niya ako palayo sa kaniya at itinulak ako. Hindi ko inantisipa ito at ako'y napatid sa isang bato. Napansin ako ng halimaw at lumipad papunta sa akin. Tumayo ako at hawak ang aking espada'y sinalubong siya.
Imbis na patayin ang serpyente, sumabit ang espada sa mga pangil nito. Lumipad ako sa ere, sinusubukang humigpit sa hawakan para hindi mahulog. Binitaw ko ang isa sa aking mga kamay at hinanap ang aking baton. Nang nakuha ko ito ay bumitaw ako at pinalutang ang aking sarili. "Traydor!" Muling sinalita ng halimaw. Nahulog ang aking espada mula sa kaniyang mga pangil at sinalo ko ito.
Sumisid siya muli at inatake ako. Gamit ang aking mahika ay gumawa ako ng pananggalang para protektahan ang aking sarili. Ngunit sa isang kagat lamang ay unti-unti nang nabasag ito. Wala na akong magawa. Malapit niya na akong lamunin. Lumiwanag ang aking paningin.
Nasa palasyo ako muli ng diyosang si Rusalia. Wala na ang bangkay ni Harris na naging abo. Wala na rin ang dating kinang ng mga dingding at kagamitan. Lumuluha ang diyosa habang ako'y kinausap. "Patawad, Aliya. Nagkamali ako. Pumalya akong pigilan ang sumpa. Binigo ko ang Usales." "Anong sinasabi mo? Anong nagyayari?" "Hindi ko siya napigilan. Mawawala ang Usales. Mamamatay kayong lahat para iligtas ang mundo," kaniyang sinabi. "Walang makakaalala sa inyong sakripisyo maliban sa Maykapal." "Ngunit wala ka bang magagawa?" Aking kwinestiyon. "Ikaw ang diyosa ng mga hayop. Hindi mo ba siya mapipigilan?" "Mamamatay lamang ako. Mas ligtas ako dito sa alapaap." "Hindi mo man lang susubukan? Anong klaseng diyosa ka?" "Huwag mo akong paparatangan, mortal," kaniyang isinigaw. "Inililigtas ko lamang ang aking sarili. Gagawin mo rin ito kung ikaw ang nasa posiyon ko." "Makasarili ka," aking sinabi. "Wala sanang magmahal sa iyo." "Katulad mo?" Kaniyang kalmadong sinabi. Ako ay nalito. "Anong ibig sabihin mo d'on?" "Gusto mo ba malaman kung bakit ka pinatulan ni Harris?" Naguluhan ako. "D-dahil mahal niya ako at mahal ko rin siya. 'Yon lang ang dahilan." Tumawa siya. "Hindi," kaniyang isinambitla. "Pinatulan ka niya dahil nakita niya ang iyong potensyal sa mahika. Ginamit niya ito para maging mas malakas sa iyo. Iyon lamang ang dahilan." Parang nadurog ang aking puso. "H-hindi totoo 'yan!" Aking idinepensa. "Mahal niya 'ko." Hindi ko pinaniwalaan ang aking sinabi. "Wala kang kamuwang-muwang, Aliya."
Naglakad siya papunta sa akin. "Mawawala ang Usales at hindi natin parehong kaya piggilan ito. Ngunit sa iyong pagkamatay ay hindi masisira ang mundo kasama nito." Hindi ko siya pinansin. Ang nasa isip ko lamang ay si Harris. Totoo bang hindi niya ako minahal? Kapag hinahalikan niya ako, laging nakamulat ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang mga ngiti ay hindi kailanmang umabot sa kaniyang mga mata. Kay tanga ko. Lumiwanag muli ang aking paningin.
Malapit nang mabasag ang pananggalang aking ginawa. Ngunit wala na akong pakialam. Ayoko nang mabuhay sa isang mundong walang nagmamahal sa akin. Tuluyang nabasag na ang aking proteksyon at ako'y nahulog sa bunganga ng halimaw. Ang lahat ng mga nangyari ay nagliliwanag sa aking mga mata bago ako binabalot ng kadiliman hanggang wala na akong nararamdaman.
0 notes
username1172344 · 2 months
Text
"Maynila sa mga Kuko ng Liwanag"
Panimula
May Akda
Ang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay isang klasikong nobela ni Edgardo M. Reyes na unang nailathala noong 1966. Ang nobelang ito ay nagsasalaysay ng kwento ni Julio Madiaga, isang probinsyanong lalaki na pumunta sa Maynila upang hanapin ang kanyang nawawalang kasintahan, si Ligaya Paraiso. Sa kanyang paghahanap, napadpad si Julio sa masalimuot at mapanlinlang na buhay sa lungsod, kung saan nasaksihan niya ang mga kahirapan at kabuktutan ng mga taong nasa laylayan ng lipunan.
Pamagat ng Nobela
Ang pamagat ng nobela, "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag," ay tumutukoy sa kalagayan ng lungsod ng Maynila na isinasaad sa kwento. Ang "kuko ng liwanag" ay maaaring simbolismo ng pag-asa o ilaw na nagmumula sa liwanag, subalit sa konteksto ng nobela, maari rin itong tumutukoy sa dilim, pagkawala ng pag-asa, at kapahamakan.
Kaugnay kay Edgardo M. Reyes, ang may-akda ng nobela, maaaring magkaroon ng iba't ibang interpretasyon ang pamagat. Maaaring ang naglalarawan sa kanyang pananaw o damdamin sa kalagayan ng Maynila noong panahon ng pagsulat ng nobela. Maaaring itong pahayag ng kanyang pagmumuni-muni sa mga suliranin at isyu ng lipunan na kanyang makikita sa lungsod. Bukod dito, maaaring maging simbolo rin ito ng kanyang pagnanais na muling ilawan ang mga suliranin ng lipunan upang magkaroon ng pag-asa at pagbabago.
Sa pamamagitan ng pag-unawa sa konteksto ng pamagat at sa pag-aaral ng buhay at pananaw ni Edgardo M. Reyes, maaaring mas maunawaan ang kahalagahan at kahulugan ng "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" bilang isang klasikong akda ng panitikang Pilipino.
II. Katawan 
Tauhan, Pagpapakilala at Paglalarawan
 Sa nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag," may ilang pangunahing tauhan na nagbibigay-buhay sa kwento at nagdadala ng mga pangyayari sa paligid ng lungsod ng Maynila. Narito ang ilan sa mga mahahalagang tauhan sa nobela:
Julio Madiaga: Ang pangunahing tauhan ng nobela. Si Julio ay isang probinsyanong lalaki na pumunta sa Maynila upang hanapin ang kanyang kasintahan na si Ligaya Paraiso. Sa kanyang paglalakbay, siya ay nakaharap sa mga kahirapan at pagsubok sa lungsod, na nagtulak sa kanya upang magbago at makipaglaban para sa kanyang mga pangarap.
Ligaya Paraiso: Ang kasintahan ni Julio na kanyang hinahanap sa Maynila. Bagamat tila nawawala sa simula, ang paghahanap kay Ligaya ay nagsilbing motibasyon para kay Julio na magpatuloy sa kanyang paglalakbay sa lungsod.
Atong: Isang kaibigan ni Julio sa Maynila. Si Atong ay isang mabuting kaibigan na tumulong kay Julio sa kanyang mga pagsubok sa lungsod. Sa kabila ng kahirapan at panganib, nanatili siyang tapat at mapagkakatiwalaan.
Mrs. Cruz: Isang taong mapagkalinga at nagbigay ng trabaho kay Julio sa Maynila. Bagamat may mabait na kalooban, si Mrs. Cruz ay nagtago ng lihim tungkol kay Ligaya, na nagdulot ng pangamba at pagdududa kay Julio.
Imo: Ang lider ng mga kabataan sa squatter area na pinasukan ni Julio. Si Imo ay isang mapanganib na karakter na nagpapakita ng karahasan at pang-aabuso sa mga mahihirap. Siya ang nagdulot ng mga pagsubok at panganib sa buhay ni Julio sa lungsod.
Ang mga tauhang ito ay nagtutulungan at nagbabanggaan sa iba't ibang paraan sa kuwento, nagbibigay ng iba't ibang pananaw at damdamin sa mga suliranin at karanasan ng mga tao sa Maynila. Sa kanilang mga karakter, maaari nating mas maintindihan ang komplikadong kalagayan ng lipunan at ang mga hamon ng buhay sa lungsod.
Banghay / Buod
Ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes ay naglalarawan ng kwento ni Julio Madiaga, isang probinsyanong lalaki na naglakbay patungong Maynila upang hanapin ang kanyang kasintahan si Ligaya Paraiso. Narito ang maikling buod ng nobela. Si Julio Madiaga, isang maralitang taga-probinsya, ay nagtungo sa Maynila upang hanapin ang kanyang minamahal na si Ligaya Paraiso. Dito, siya ay nagtatrabaho bilang konstruksiyon worker at nagpunta sa isang maliit na apartment sa ilalim ng tulong ni Mrs. Cruz, isang taong mapagkalinga na nagbigay sa kanya ng trabaho at tirahan.Sa kanyang paghahanap kay Ligaya, natuklasan ni Julio na ang kanyang kasintahan ay naipit sa isang mapanlinlang na buhay sa lungsod. Sa tulong ng kanyang kaibigan na si Atong, natuklasan niya ang katotohanan tungkol kay Ligaya at sa mga taong nakapaligid dito.Habang naglalakad si Julio sa kanyang journey, nakaranas siya ng mga pagsubok at panganib. Natagpuan niya ang sarili sa gitna ng kahirapan, katiwalian, at karahasan sa Maynila. Sa kabila ng mga pagsubok, nanatili siyang determinado na hanapin at iligtas si Ligaya mula sa kanyang mapanlinlang na kapalaran.Sa huli, natagpuan ni Julio si Ligaya, ngunit sa di-inaasahang kaganapan, ito ay hindi ang katuparan ng kanyang mga pangarap. Sa gitna ng dilim at pagkalunod sa liwanag, naunawaan ni Julio ang katotohanan tungkol sa kanyang buhay at sa lipunan ng Maynila.Sa pamamagitan ng kwento ni Julio Madiaga, ipinapakita ng nobela ang mga suliranin at karanasan ng mga maralita sa lungsod ng Maynila. Ito ay isang matinding paglalarawan ng kahirapan, pag-asa, at pagkawala sa gitna ng urbanisasyon at modernisasyon.
Tema / Damdamin
Ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay may sari-saring tema at damdamin na naglalarawan ng karanasan ng mga tao sa Maynila, lalo na ng mga maralita at mga nasa laylayan ng lipunan. Narito ang ilan sa mga pangunahing tema at damdamin na makikita sa nobela:
Kahirapan: Ang kahirapan ay isa sa pinakamahalagang tema ng nobela. Inilalarawan nito ang mga hamon at paghihirap na kinakaharap ng mga maralita sa lungsod ng Maynila. Ang mga tauhan tulad ni Julio ay nagpapakita ng determinasyon at pagtitiis sa kabila ng mga pagsubok na dala ng kahirapan.
Pangarap at Pag-asa: Sa kabila ng kahirapan, patuloy na nagtataglay ng pangarap at pag-asa ang mga tauhan sa nobela. Si Julio ay naglakbay sa Maynila upang tuparin ang kanyang pangarap na mahanap si Ligaya at magkaroon ng magandang buhay. Gayunpaman, ang mga pangarap na ito ay madalas na naudlot at nasasaktan sa harap ng mga realidad ng buhay sa lungsod.
Pag-ibig: Ang pag-ibig, lalo na ang pag-ibig ni Julio kay Ligaya, ay nagbibigay ng init at pag-asa sa kuwento. Subalit, ang pag-ibig ay nagsisilbing daan din tungo sa kabiguan at sakit, lalo na sa pagtatapos ng nobela kung saan naipakita ang hindi pagtupad ng inaasam na pag-ibig.
Katiwalian at Korapsyon: Isa pang mahalagang tema sa nobela ay ang katiwalian at korapsyon sa lipunan. Ipinapakita nito ang paglubog ng mga institusyon sa katiwalian, kung saan ang mga mahihirap ay patuloy na nagiging biktima ng mga mapanlinlang na gawain ng mga may kapangyarihan.
Sa pamamagitan ng mga tema at damdaming ito, ipinapakita ng nobela ang komplikadong kalagayan ng mga maralita sa Maynila at ang kanilang pakikibaka sa harap ng mga hamon at pagsubok ng buhay sa lungsod.
III. Pagsusuring Pampanitikan 
Teorya 
Ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay maaaring suriin at bigyang-diin mula sa iba't ibang teorya sa panitikan. Narito ang ilang posibleng teorya na maaaring magamit sa pag-aanalisa ng nobela:
1. Sosyo-kritisismo: Ang sosyo-kritisismo ay isang teorya sa panitikan na tumutukoy sa pagsusuri ng panlipunang realidad at pagsasalin ito sa akda. Sa pamamagitan ng sosyo-kritisismo, maaaring suriin ang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" bilang isang pagtalakay sa mga isyu ng kahirapan, katiwalian, at pang-aabuso sa kapangyarihan sa lipunan.
2. Realismo: Ang realismo ay isang teorya sa panitikan na tumutukoy sa paglalarawan ng totoong buhay at karanasan. Sa pamamagitan ng realismo, maaaring suriin ang paggamit ni Edgardo M. Reyes ng mga tunay na pangyayari at karanasan sa Maynila upang ipakita ang komplikadong kalagayan ng mga maralita sa lungsod.
3. Pang Masa o Populistiko:
Ang teoryang ito ay tumutukoy sa pananaw na ang panitikan ay naglilingkod sa pangangailangan at interes ng masa o karaniwang tao. Sa pamamagitan ng paggamit ng teoryang pang masa, maaaring suriin ang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" bilang isang akda na nagpapakita ng mga karanasan at pakikibaka ng mga maralita sa Maynila.
4. Feminismo: Bagaman hindi direktang nakatuon sa tema ng feminismo, maaaring suriin ang nobela mula sa pananaw ng mga karakter na kababaihan, tulad ni Ligaya Paraiso. Maaaring suriin kung paano ang kalagayan ng mga babae sa nobela ay nagpapakita ng mga isyu tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at pagkakaroon ng kapangyarihan.
Sa pamamagitan ng paggamit ng iba't ibang teorya sa panitikan, maaaring masuri at mas malalim na maunawaan ang mensahe at kahalagahan ng nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes.
Akda 
Ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay isinulat ni Edgardo M. Reyes. Si Reyes ay isang kilalang Pilipinong manunulat na sumulat ng mga nobela, maikling kuwento, at mga dula. Ipinanganak siya noong 1937 sa Sta. Cruz, Maynila. 
Bukod sa "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag," ilan sa kanyang mga kilalang akda ay ang "Sa Mga Kuko ng Liwanag" (1967), "Mga Anak ng Dagat" (1979), at "Ang Lalaki sa Dilim" (1987). Ang kanyang mga akda ay madalas na naglalarawan ng buhay at karanasan ng mga maralita at mahihirap sa lipunan.
Bilang isang manunulat, naging malaking impluwensiya si Reyes sa panitikan ng Pilipinas, lalo na sa larangan ng realismo at sosyo-kritisismo. Ang kanyang mga akda ay patuloy na binibigyan ng pagpapahalaga at nakilala sa kanilang pagtatalakay sa mga isyu at tema ng lipunan.
"Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay isa sa kanyang pinakatanyag na nobela na nagbibigay-tuon sa mga suliranin at pagsubok ng buhay sa lungsod ng Maynila. Ang husay ni Reyes sa pagsasalaysay at paglalarawan ng mga pangyayari at karakter ay nagbigay-daan sa nobelang ito na maging isang klasikong akda sa panitikang Pilipino.
Panunuri
Sa pagsusuri ng nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes, maaaring bigyang-diin ang mga sumusunod na aspeto:
1. Sosyo-kultural na Konteksto: Ang nobela ay nagbibigay-diin sa mga suliranin at realidad ng lipunang Pilipino, lalo na sa mga maralita at mga nasa laylayan ng lipunan. Ipinakikita nito ang kahirapan, katiwalian, at pang-aabuso sa kapangyarihan na karaniwang nararanasan sa Maynila at iba pang mga urbanong lugar sa Pilipinas.
2. Karakterisasyon: Ang pagbuo ng mga karakter sa nobela, lalo na si Julio Madiaga, ay mahusay at makatotohanan. Naka Konekta ang mga mambabatas sa kanilang mga damdamin at karanasan, at nagpapadala ng simpatiya sa kanilang mga pakikibaka at pagdurusa.
3. Estilo ng Pagsasalaysay: Ang estilo ng pagsasalaysay ni Reyes ay may halong realismo at pagpapakatotoo sa buhay sa Maynila. Ginamit niya ang malalim na deskripsyon at dialogo upang buhayin ang mga tauhan at tagpo, na nagbigay-daan sa mambabasa na maipasok sa mundong ipinapakita ng nobela.
4. Mga Tema: May malalim na tema ang nobela tulad ng kahirapan, pag-ibig, korapsyon, at pag-asa. Ang pagtatalakay sa mga tema na ito ay nagpapakita ng mga komplikasyon at pagsubok sa buhay ng mga karakter, na nagpapaalam sa kanilang mga personalidad at pakikibaka.
5. Mensahe: Sa kabuuan, ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay nagbibigay ng mensahe ng pag-asa sa kabila ng mga hamon ng buhay. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pagtitiis, determinasyon, at pananampalataya sa kabila ng mga suliranin at pagsubok sa buhay.
Sa pag-aanalisa ng mga aspetong ito, maipahayag ang kahalagahan at kabuluhan ng nobelang ito sa panitikang Pilipino at sa pag-unawa sa lipunang Pilipino.
IV. Konklusyon 
Sa kabuuan, ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes ay isang makabuluhang akda na nagbibigay-tuon sa mga suliranin at karanasan ng mga maralita sa lungsod ng Maynila. Sa pamamagitan ng mahusay na pagbuo ng mga karakter, detalyadong deskripsyon ng mga tagpo, at pagtatalakay sa mga mahahalagang tema tulad ng kahirapan, pag-ibig, at korapsyon, nagiging kapana-panabik at makahulugan ang paglalakbay ng mga mambabasa sa mundong ipinapakita ng nobela.
Sa pamamagitan ng pagtutok sa mga isyu at realidad ng lipunan, hinahamon ng nobela ang mambabasa na mag-isip at magtanong hinggil sa kalagayan ng mga maralita at mahihirap sa ating lipunan. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pagsubok at pag-asa ng mga tauhan, ipinapakita nito ang kahalagahan ng determinasyon, pagtitiis, at pagtitiwala sa kabila ng mga hamon ng buhay.
mySa pangwakas, ang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay hindi lamang isang simpleng nobela kundi isang makabuluhang akda na nagbibigay-buhay sa mga karanasan at pakikibaka ng mga maralita sa lungsod ng Maynila. Ito ay isang pangunahing halimbawa ng panitikang Pilipino na patuloy na nagbibigay-liwanag at inspirasyon sa ating mga kaisipan at damdamin.
2 notes · View notes
akoangmaykatha · 2 years
Text
Babala: ITO AY MAHABAAAAAAAAA...
Naalala ko lang nung college pa ako, wala akong sapat na kaalaman sa larangan ng pagsulat. Pero alam ko sa sarili ko na gustong gusto kong sumulat, ng kahit ano. Kahit tula, maikling kuwento, nobela o kahit sanaysay. Basta masabi lamang na ako ang may likha nito. Mahilig kasi akong magbasa ng iba't ibang uri ng akdang pampanitikan, oo. Noon pa man. At sa kabila ng kahiligan kong yun, may minsanang sumasagi sa isip ko, "ano kayang pakiramdam na ako ang may-akda?" Parang ang sarap sa pakiramdam non, parang ang sarap makita na simula sa pamagat, kasunod ay pangalan mo ang nakasulat. Doon na nagsimula ang mumunti kong pangarap.
May mga pagkakataon pang sinusubukan kong gumawa ng tula, nagsimula sa isang kataga, isang taludtod, hanggang sa nakaisang saknong. Proud na ko 'non. Pero muli akong nakararamdam ng pagkabigo sa tuwing sinusundan ko ito ng isa pang saknong, bakit? Dahil nawawalan na ng saysay ang kabuuan nito, walang kaisahan ang mga salita nito, na para bang kulang na lang kausapin ako ng bawat salita at sabihing "hoy, pasaan ang tungo mo?" Nasasayang lang yung unang saknong, sa tuwing inuulit ko ang pagbasa unti unti akong nawawalan ng pag-asa. Hanggang sa ihihinto ko na lang ang pagsulat, pupunitin ang pahina ng kwadernong sinulatan, gagasumutin at ituturing itong basura. Ganon, ganon lang sa tuwina, walang pag-usad. Gustong gusto ng utak, isip at puso kong lumikha ngunit palaging walang napapala.
Nasa ikalawang taon ako sa kolehiyo ng magkaroon ng pagkakataong maituro sa amin ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa paglikha ng isang akda. Sa aking pag-uwi ay agad kong kinuha ang aking panulat kasama ng kawawang kwaderno na halos matira na lang ay pabalat. Puwesto sa isang espasyong kung saan sa palagay ko'y gagana ng matiwasay ang aking isipan. Kaagad kong inalala at isinabuhay ang aking mga natutunan. At aba'y himala. Bumubukal ng salita ang aking isipan na para bang dumadaloy sa aking mga kamay at isinasalin sa aking panulat hanggang sa magsihanay na sa bawat pahina. Oo. Tunay ngang himala ito, sa wari ko'y napakayaman ng aking bokabularyo ng mga oras na iyon. At simula noon, sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko na hahayaang mawala ang nagniningas na pagnanasang iyon tungo sa aking mumunting pangarap. Mababaw siguro para sa iba. Ngunit sa akin, sa palagay ko'y napakalaking bagay na nito upang masimulan ko ang mga hakbangin tungo sa aking hangarin.
Kaya naman, hindi sa pagmamayabang. Akin ding naalala na isa nga pala ako sa mga nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino na hindi na nakapag-take ng final exam. Dahil ang nilikha kong sanaysay na may pinamagatang "Sa Unang Pagkakataon" ay isa sa napiling ilathala sa isa sa mga kagamitang pampagkatuto ng mga nasa unang taon sa kolehiyo. (May part 2 tayo dyan, dahil papunta pa lang tayo sa exciting😁)
At dito ko napatunayan, na tunay ngang ang pangarap maliit man o malaki, mababa man o mataas, kung talagang nais mong matupad, matuto ka ring lumipad. Tuloy lang ang buhay, wala ng mas tatamis pa sa natupad na munting pangarap, kasama ng iyong mga pagod at hirap.
---ang kuwento sa likod ng sanaysay na pinamagatang...
"Sa Unang Pagkakataon"
ni -tooooooooooooot- 🤗
*Unang bahagi*
4 notes · View notes
wandering-versess · 2 months
Text
Ilocos Sur: Ang Buhay ng Kasaysayan, Kalikasan, at Kultura
Sa pagitan ng mga lupain ng Ilocos Sur, kung saan ang mga hangin ng Amianan ay humahaplos sa aming mga balat. Naglakbay kami ng aking pamilya sa isang kakaiba at misteryosong destinasyon. Dito sa lugar na ito, hinahanap namin ang kalakasan ng kalikasan at ang kapayapaan ng aming mga kaluluwa.
Bilang isang Pilipino, alam natin na ang Pilipinas ay puno ng mga hiwaga at kagandahan na naghihintay lamang na matuklasan. Mula sa malalim na karagatan hanggang sa makasaysayang mga tanawin, bawat sulok ay may nag-aabang na kuwento at pakikipagsapalaran.
Sa bawat paglalakbay, kami ay patuloy na bumabalik sa mga ugat ng aming pinagmulan, nagbibigay pugay sa yaman ng ating bayan at nagpapahalaga sa bawat sandali ng aming pagiging Pilipino. Ito ang aming misyon: ang tuklasin at ipagmalaki ang kagandahan ng Ilocos Sur at ang kayamanan ng ating kultura bilang mga tunay na Pilipino.
Maikling pagkilala sa lungsod ng Ilocos
Ang Ilocos ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Luzon. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi, ang Ilocos Sur at ang Ilocos Norte. Sa Ilocos Sur, matatagpuan ang tatlumpu't apat na bayan habang sa Ilocos Norte, mayroong dalawampu't tatlong bayan.
Ang rehiyon ng Ilocos ay hindi lamang nagpapakita ng yaman sa kultura at kasaysayan ng bansa, kundi nagbibigay din ng halaga sa mga kabanata ng kasaysayan nito. Ipinapamalas nito ang mayamang alaala ng nakaraang kolonisasyon ng Espanyol sa Pilipinas, na bumubuo ng isang makasaysayang bahagi ng kuwento ng bansa.
Credits to Staycations Philippines
Pinakamagandang oras ng taon para bisitahin?
Ang pinakamagandang oras para bisitahin ang Ilocos Sur ay tuwing tag-init, partikular na sa buwan ng Disyembre hanggang Pebrero, kung saan ang panahon ay kadalasang tuyo. Sa mga buwan na ito, mas madaling maglakbay at maglibot sa mga atraksyon ng lalawigan nang hindi naapektuhan ng malakas na ulan o bagyo.
Paano makapunta sa Ilocos Sur?
Sa aming paglalakbay patungong Ilocos Sur mula sa Bataan, nagpasya kaming umalis gamit ang aming pribadong kotse kasama ang buong pamilya. Ang aming biyahe ay umabot sa humigit-kumulang na labing-anim hanggang labindalawang oras, na nagbabago depende sa kalagayan ng trapiko at mga pahingahan sa daan. Sa aming ruta, kami ay unang dumaan sa TPLEX (Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway), at mula roon ay nagpatuloy kami sa pagbiyahe sa McArthur Highway patungong hilagang direksyon hanggang sa aming marating ang aming patutunguhan. 
Tumblr media
Pagdating namin sa Ilocos Sur, labis akong namangha sa kagandahan ng mga tanawin at kasaysayan ng lugar. Napahanga ako sa mga makasaysayang simbahan at mga estrukturang nagpapahayag ng mayamang kultura ng rehiyon. Hindi nawala ang pagtitiyak sa sarili na ang aming pagbisita rito ay magiging isang karanasang hindi malilimutan.
Saan maaaring manatili?
Kami ay nagpalipas ng dalawang gabi sa  Hotel Mercante dahil sa abot-kayang presyo nito. Alam kong magiging sulit ang pananatili namin dito dahil sa mga positibong rebyu na nabasa ko online. Pagkarating namin sa hotel, nagulat kami sa kalidad ng mga kuwarto. Malinis at komportable ang bawat isa, at talagang nakapagpahinga kami nang maayos. Sa kabila ng abot-kaya nitong presyo, hindi kami nagkulang sa kaginhawahan at kalidad ng tulugan.
Ang serbisyo sa Hotel Mercante ay hindi rin nagpahuli. Ang mga tauhan ay mababait at handang tumulong sa anumang kailangan namin. Hindi rin namin pinalampas ang pagkakataon na masubukan ang mga pagkaing inihahandog ng kanilang restawran. Masarap at abot-kaya ang mga pagkain, na talagang nagbigay sa amin ng kasiyahan.
Tumblr media
Mga destinasyon na maaaring puntahan:
Calle Crisologo
Tumblr media
Nang makarating kami sa Vigan, Ilocos Sur, agad kong nadama ang kakaibang tibok ng lungsod na ito. Sa unang tingin ko pa lamang sa mga kahoy na kalsada at mga matatandang bato, tila ba ako'y bumalik sa panahon ng mga Espanyol. Nakatutuwang isipin na narito ako, naglalakbay sa mga makasaysayang kalye na matagal nang tanaw ang kasaysayan ng Pilipinas.
Sa paglalakad sa Calle Crisologo, hindi ko mapigilang humanga sa ganda ng mga bahay na tindig pa rin mula noong ika-19 siglo. Ang bawat bintana, pintuan, at bato ay patunay na yaman ng kasaysayan ng Vigan. Nararamdaman ko ang bigat ng bawat yapak ko sa kalsada, isang patunay na ako'y nakatayo sa lugar na puno ng kasaysayan at kultura.
2. Bangui Wind Farm
Tumblr media
Upang mas makilala pa namin ang lungsod ng Ilocos Sur, ang ikalawang destinasyon na aming nilakbay ay patungo sa Bangui Wind Farm na kilala bilang isa sa mga pinakamalaking wind farm sa Pilipinas at isa sa mga pangunahing atraksyon sa Ilocos Norte. 
Nakamamangha na makita ang epekto ng modernong teknolohiya sa kalikasan. Ang paggamit ng hangin bilang mapagkukunan ng enerhiya ay hindi lamang nagbibigay ng solusyon sa suliranin ng enerhiya, ngunit nagtuturo rin sa atin ng kahalagahan ng pagiging maingat sa ating kapaligiran.
Tumblr media
Sa bawat hakbang ko sa Bangui Wind Farm, mas lumalim ang aking pag-unawa sa kahalagahan ng pagiging mapanuri at responsableng mamamayan. Ang pagbisita sa lugar na ito ay hindi lamang isang karanasan sa pagtuklas ng kagandahan ng kalikasan, ngunit isang paalala rin sa akin na tayo ay may responsibilidad na pangalagaan at protektahan ang ating kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.
3. Church of Paoay
Tumblr media
Sa ikalawang araw namin sa lalawigan ng Ilocos Sur, kami ay dumayo sa isang simbahan na pinalilibutan ng diwa ng nakaraan at pagpapahalaga sa tradisyon. Ang Church of Paoay ay hindi lamang isang simbahan; ito'y isang pamana, isang tanikala ng kasaysayan na nagpapahayag ng pagiging matibay ng pananampalataya at pagmamahal sa kultura ng mga Ilokano at buong Pilipinas.
Tumblr media
Ang aking unang paglapit sa simbahan ay nagdulot sa akin ng pakiramdam ng paghanga sa galing ng mga sinaunang manggagawa na nagtayo nito noong ika-18 siglo. Ang mga butil ng bato't tisa na pinagsama-sama upang lumikha ng magarbong estruktura ay nagpapakita ng taglay nitong tibay at kagandahan.
4. Baluarte Zoo
Tumblr media
Para naman sa aming huling destinasyon, kami ay tumungo sa Baluarte Zoo na kung saan agad kong naramdaman ang pagkamangha sa likas na ganda ng lugar na ito. Ang malawak na tanawin ng lupa, ang sariwang hangin na dumadaloy sa paligid, at ang mga hayop na naglalaro sa kanilang maluwag na espasyo ay nagbigay sa akin ng pakiramdam ng kapayapaan at kalayaan.
Ang lugar na ito ay isang maliit na zoo na nagtatampok ng iba't ibang uri ng hayop mula sa iba't ibang bansa pati na rin ang mga katutubong hayop ng Pilipinas. Ito ay pagmamay-ari ni Chavit Singson, isang kilalang personalidad sa Vigan. Ang Baluarte Museum ay nagpapakita ng mga hayop na nahuli at pinatay ni Chavit Singson.
Tumblr media Tumblr media
Pangkahalatang Karanasan
Nang maglakbay kami sa Ilocos Sur, aking natuklasan ang isang mundong puno ng kahanga-hangang tanawin, makasaysayang mga lugar, at masasarap na pagkain. Ang paglalakbay sa mga bantog na tourist spots tulad ng Vigan, Paoay, at Bangui Wind Farm ay isang karanasang hindi malilimutan. Sa bawat hakbang, tila ba ako'y sumasayaw sa mga alaala ng nakaraan at nalulunod sa ganda ng kasalukuyan.
Ang Ilocos Sur ay hindi lamang nag-aalok ng mga makasaysayang simbahan at mga arkitekturang kolonyal. Dito rin matatagpuan ang mga pasyalan tulad ng Baluarte ni Chavit Singson, kung saan mapapaligiran ka ng iba't ibang uri ng hayop mula sa iba't ibang panig ng mundo.
Ang paglalakbay sa mga lugar na ito ay hindi lamang isang paglibot sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, kundi isang pagtuklas ng sarili. Ang mga tanawin na binibigay ng mga bundok, dagat, at mga taniman ay nagbibigay inspirasyon upang kayo'y hikayating pumunta rito.
Sa bawat lugar na aming pinuntahan, ang damdamin ko'y nababalot ng diwa ng pagtanggap at pagpapahalaga sa kagandahan ng ating bansa.
Tumblr media
Sanggunian:
Koki. (2019, November 26). Kagandahan ng Ilocos. Site Title. https://kagandahanngilocosregion.travel.blog/2019/11/26/kagandahan-ng-ilocos/
UNESCO World Heritage Centre. (n.d.). Historic city of Vigan. https://whc.unesco.org/en/list/502/
1 note · View note
teachpinas · 3 months
Text
Filipino Reading Materials (Maikling Kuwento)
Reading is one of the important skills that needs to be developed in every child. This serves as a key towards knowledge and language development that fosters critical thinking skills and creativity. Establishing a love of reading at a young age not only promotes academic success but also promotes a lifelong learning mindset. Unlock the depth of their imagination with these free downloadable…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
talaan-ng-paglalakbay · 5 months
Text
Ang Ganda at Pasakit ng Walang Hanggang Paglipas ng Oras
Tumblr media
"I barely knew anything about him... We only traveled together for 10 years. I knew human lives were short... Why didn't I try to get to know him better?" - Frieren
Frieren: Beyond Journey's End, isang Japanese manga series na isinulat ni Kanehito Yamada at iginuhit ni Tsukasa Abe. Nagkaroon ito ng anime adaptation na pinalabas noong Septiyembre 2023. Mabilis nakuha ng unang apat na episode ng serye ang atensyon ng karamihan ng mga nanonood ng anime. Nakatanggap ito ng maraming papuri dahil sa pagiging emosyonal at sentimental mula pa lamang sa unang nitong episode.
Nagsimula ang kwento hindi gaya ng karamihang kwentong pantasya kung saan nagsisimula sa umpisa ng lakbayin ng mga karakter. Nagsimula ang Frieren: Beyond Journey's End sa pagtatapos ng paglalakbay ng Hero's Party matapos ng kanilang 10 taon ng pakikipagsapalaran upang mapaslang ang Demon King na noo'y nagpahirap sa kanilang mundo ng matagal na panahon. Sa unang episode ng anime at sa unang kabanata ng manga, saglit nating makikila sina Himmel, Heiter, Eisen, at Frieren o ang Hero's Party, ang grupong nagwagi laban sa Demon King. Sa karamihan ng kwento, si Frieren ang ating sinusundan na karakter ngunit ang kanyang mga kasamahan na sina Heiter, Eisen, at lalong lalo na si Himmel ang puwersang nagtutulak sa susunod na lakbayin ni Frieren.
Isang elven mage si Frieren at namumuhay ng higit pa sa libu-libong taon ang mga lahing elf. Sa sandaling nakikilala natin si Frieren, mapapansin natin ang kaniyang hindi karaniwang pagtingin sa oras. Sa isang elf na namumuhay ng napakatagal na panahon, ano nga ba ang sampung taon sa kanyang libo at magiging higit pa? Ano nga ba ang halaga ng ilang dekada para sa isang nilalang na kayang mamuhay ng higit pa sa isang daan na henerasyon ng ating mga pamilya?
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sampung taon magkasamang naglakbay ang grupo nila Frieren. Para kina Himmel, Heiter, at Eisen na mas maikli ang buhay kung ikukumpara kay Frieren, napakahabang panahon na ito ng kanilang buhay at mahabang pagsasamahan na ang mga taon na iyon. Ngunit para kay Frieren, maikling kaganapan lamang ang mga taon na iyon sa kaniyang mahabang buhay. Kaya matapos ng kanilang paglalakbay, tumahak muli si Frieren sa isang paglalakbay upang tuklasin ang iba't ibang mahika ng kanilang mundo. Nangako siyang babalik matapos ng limang dekada upang samahan ang kaniyang mga kasamahan sa panonood ng Era Meteor Shower na nangyayari lamang tuwing limampung taon. Sa kaniyang pagbalik, naging malinaw ang pagbabagong naranasan ng kaniyang mga dating kasamahan. Habang nanatili ang kaniyang kabataang anyo at lakas, tumanda at nanghina sina Himmel, Heiter, at Eisen. Namayapa si Himmel matapos panoorin ang meteor shower kasama sina Frieren sa huling pagkakataon. Sa pagpanaw ni Himmel, napagtanto ni Frieren na hindi niya gaano nakilala ang kanyang kaibigan at hindi niya gaano pinahalagahan ang mga oras na hawak nila noon. Nangyari sa unang kabanata ang lahat ng nailathala sa taas. Naging mabilis ang paglipas ng panahon sa kabanata hanggang sa pagpanaw ni Himmel. Gaya ito ng pagdama ni Frieren sa oras, tulad lamang ng mga minuto sa kanya ang mga taon sa atin. Sa pagtatanto ng kanyang pagkakamali, naglakbay muli si Frieren, hindi lamang upang makakuha ng mga baging mahika, ngunit upang maintindihan at makilala ang mga tao matiyagang namumuhay sa mundo kahit sa ikli ng kanilang panahon. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pagbabalik sa daan na kaniyang tinahak kasama ang kanyang mga kaibigan. Ang konsepto ng kuwento na umiikot sa alaala, buhay, at oras ang unang humila sa akin sa serye. Labis kong nagustuhan ang simple ngunit magandang lakad ng kuwento. Nagustuhan ko kung paano nito tinalakay ang hindi mababagong takbo ng oras at kung paano namumuhay ang mga alaala ng mga tao matapos ang maraming panahon.
Malupit ang oras at hindi bumabalik ang panahon. Kahit anong pagmamakaawa ng mga tao, patuloy na pasulong ang daloy ng oras at wala tayong magagawa ngunit tanggapin ito. Maari lamang tayong tumayo at patuloy na lumakad na dala-dala ang aral ng ating pagkakamali. Dapat din tayong maging masaya sa mga panahon nahawakan natin kasama ating mga mahal sa buhay.
Tumblr media Tumblr media
Sa tingin ko, kahit nasa loob ng mundo ng pantasya ang kuwento ni Frieren, napapakita pa rin nito ang ilang aspeto na parte sa ating lipunan. Mula sa kung paano natin harapin ang ating sariling oras hanggang sa paano natin nilalakbay ang buhay at mga taong nasa paligid natin. Maraming pagkakataon na naghihinayang tayo sa mga nawalang panahon na sana kasama natin ang ating mga mahal sa buhay sa pagaakala na mataas pa ang hawak nating panahon. Katulad din tayo ni Frieren sa aspetong iyon at gaya ni Frieren, madalas tayong kinakailangan na magpatuloy sa ating buhay habang dala-dala ang mga alaala nakasama natin sa nakaraan.
Tumblr media Tumblr media
November 24, 2023 Alyssa Marie Pellerin
0 notes
akosishane · 6 months
Text
Kumusta?
Isang maikling tanong pero mahaba ang sagot
Ngunit pinipili nating huwag sagutin ang ito
Tinatago ang mga kuwento sa isang parilalang
“Okay lang ako”
Kumusta ka na?
Kahit ‘wag mo nang sagutin
Hindi na bale, Wala na pala
0 notes
mickylarae · 1 year
Text
PERIOD OF JAPANESE
TWO REMARKABLE WRITERS
1. Liwayway Arceo
Tumblr media
Biography: Liwayway A. Arceo was a multi-awarded Filipina fictionist, journalist, radio scriptwriter and editor from the Philippines. She was born on January 30, 1924 and she died on December 3, 1999.
Contribution: Liwayway A. Arceo was born January 30, 1924. Arceo authored a number of well-received novels, such as Canal de la Reina (1973) and Titser (1995). She also published collections of short stories such as Ina, Maybahay, Anak at iba pa, Mga Maria, Mga Eva, Ang Mag-anak na Cruz (1990), and Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997).
2. Macario Pineda
Tumblr media
Biography: Macario Pineda was a Filipino short story writer, novelist, and columnist. He started out writing short stories in English. "Five Minutes", his first story was published by Graphic. His other English stories were "Cita", "Nila", and "Auntie Writes the Ending". However, he is most well-known for his stories written in Tagalog. In 1937, his story "Walang Maliw ang mga Bituin" was chosen as one of the ten best stories of the year by Mabuhay. In 1943, his story "Suyuan sa Tubigan" won second prize in a literary contest by Liwayway. His short stories has appeared in various magazines and publications including Sinag-tala, Daigdig, Ilang-ilang, Bulaklak, Malaya, Aliwan, tagumpay, Paru-paro, Kislap, and Liwayway.
Contribution: Pineda's stories has appeared in anthologies including Ang 25 Pinakambuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943 (1944) and Maikling Kuwentong Tagalog, 1886-1948 (1949) which was edited by Teodoro A. Agoncillo.
Pineda has also written a number of full-length novels. These are Halina sa Ating Bukas (1945), Ang Ginto sa Makiling (1947), Mutyang Tagailog (1947-1948), Langit ng Isang Pag- ibig (1948), Magat (1948), and Isang Milyong Piso (1950). He wrote regular columns for the Liwayway and Daigdig magazines.
Reference:
http://www.archipelagofiles.com/2021/10/filipino-author-macario-pineda.html?m=1
https://www.wikipedia.org/
0 notes
ilaw-at-panitik · 7 months
Text
Kahit pa alam na nilang parehong rice cooker ang laman ng kahon ng rice cooker, kakikitaan pa rin sila ng pananabik. Walang inalis noong nagbubukas sila ng ilang regalo pagkatapos ng kasal. Hindi na nila pinagtiyagaang tanggalin ang buhol sa pagkakatali. Gamit ang talim ng nadampot na itak, nakalagan nila ng tali ang kahon. Agad na niyang nilabas ang rice cooker. Iniangat na animo’y nagkakarga ng bagong silang na bata. Hawak-hawak naman ni Mildred ang kurdon na parang umbilical cord. Agad niyang pinatong sa gilid ng lababo, sa may tabi ng lalagyan ng mga pinggan, ang rice cooker. Binuksan ang lata ng biskwit na siyang lalagyan ng bigas. Subalit kakarampot na bigas lang ang naroroon. Masasaid na at hindi na huhusto kahit sa kalahating takal. Kahit pa nakasara ang gasul ay mabilis silang nakapagpaliyab ng kani-kanilang mga ulo. Bakit walang bigas? Tinalunton nila kung sino ang huling nagsaing. Nagkaungkatan sa kung kaninong sahod ang ginamit sa pagbili ng bigas. Mauungkat pa ang dati pang away. Sumubo ito, umapaw. Nagpatuloy ang pagtatalo hanggang magsara na ang karinderya sa kanto, ang tindahang pinangakuan ng pagsasauli ng bote. Magtatapos ang away sa kalam ng sikmura. Pagtatawanan na lang nila ang isa’t isa noong wala na silang maungkat. Inihanay na lang nila sa plato ang mga helmet, adidas, at barbeque sa pinggan. Tatlong mangkok para sa tatlong sawsawan. Binuksan ang RC Colang pinanawan na ng lamig. Hindi na sila nag-abalang kumuha pa ng baso, nagsalitan na lang sila ng tungga sa boteng walang deposito. Iyon ang unang gabi ng rice cooker sa kanilang kusina. Walang kanin. Subalit may iniinin na pag-ibig.
Emmanuel T. Barrameda, mula sa "Sinaing" (Inilathala sa Tomás: The Journal of the UST Center for Creative Writing and Literary Studies, Volume 3, Issue 4, 2021-2022)
8 notes · View notes
otepzablan · 2 months
Text
ANG ALAMAT NG SAMPALOK
Ni Otep Zablan Noong unang panahon may isang bahay sa probinsya na mayroong malawak na lupain. Sa lupaing ito may mga nakatanim na iba’t ibang puno katulad ng buko, bayabas, mangga at iba pa.Sa tuwing maglalaro ng taguan sina Luke at Sam kasama ang iba pa, madalas dito sila umaakyat para magtago.Naging takbuhan nila ito, hindi lang sa tuwing maglalaro sila kundi pati rin sa tuwing hinahanap sila…
View On WordPress
0 notes
nhvymandantes · 1 year
Text
2 REMARKABLE AUTHORS DURING THE PERIOD OF JAPANESE
Liwayway A. Arceo
(January 30, 1924 – December 3, 1999) was a multi-awarded Filipina fictionist, journalist, radio scriptwriter and editor from the Philippines.
Arceo authored a number of well-received novels, such as Canal de la Reina (1973) and Titser (1995). She also published collections of short stories such as Ina, Maybahay, Anak at iba pa, Mga Maria, Mga Eva, Ang Mag-anak na Cruz (1990), and Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997). Most of her books were published by Ateneo de Manila University Press and The University of the Philippines Press. Arceo's story, Uhaw ang Tigang na Lupa was placed second in the Japanese Imperial Government-sanctioned Pinakamabuting Maikling Katha ng 1943 (The Best Short Stories of 1943).
Macario Pineda was a Filipino short story writer, novelist, and columnist. He started out writing short stories in English. "Five Minutes", his first story was published by Graphic. His other English stories were "Cita", "Nila", and "Auntie Writes the Ending". However, he is most well-known for his stories written in Tagalog. In 1937, his story "Walang Maliw ang mga Bituin" was chosen as one of the ten best stories of the year by Mabuhay.
Pineda was born on April 12, 1912 in Malolos, Bulacan. His parents were Felisa de Guzman and Nicanor Pineda. He finished his secondary education at the Bulacan High School where he excelled in writing and basketball. He has held various jobs including being a telephone lineman, municipal clerk, palay seller, and treasurer in Malolos, Meycauayan, Pandi, and Bigaa.
When he was just twenty years old, Pineda married and settled down in San Juan, Bigaa, Bulacan. He and his wife had seven children. When World War II broke out, Pineda joined the local guerilla movement where he did propaganda work with other Filipino writers such as Clodualdo del Mundo, Brigido Batungbakal, Mabini Rey Centeno, and A.C. Fabian.
Retrieved from:http://www.archipelagofiles.com/2021/10/filipino-author-macario-pineda.html?m=1
Retrieved from: https://en.m.wikipedia.org/wiki/Liwayway_Arceo
0 notes
kriziiiibeq · 1 year
Text
Period of Japanese
Tumblr media
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/17999646479
FRANCISCO ARCELLANA
(6 Setyembre 1916-1 Agosto 2002)
Isang manunulat ng maikling kuwento at sanaysay, peryodista, kritiko, at guro si Francisco Arcellana (Fran·sís·ko Ar·se·lyá·na). Zacarias Eugene Francisco Quino Arcellana ang buo niyáng pangalan. Si Arcellana, na kilala rin bilang Franz, ay isa sa mga tagapanguna sa pagsusulat ng maikling kuwento sa Ingles. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 1990.
Nakilála ang kahusayan ni Arcellana sa pagsusulat noong 1932 at estudyante pa lámang sa Torres High School dahil sa pagkakalathala sa Graphic ng kaniyang kauna-unahang katha, “The Man Who Could Be Poe.”
Ang kaniyang inilathalang Expression (1934) ay pagsisimulan ng kanilang mahabàng panahon ng pagsusulatan at samahan ni Jose Garcia Villa, isa ring Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan sa wikang Ingles. Bahagi siyá ng Veronicans na binubuo ng 13 manunulat bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na sumasalungat sa tradisyonal na porma at paksa sa panitikang Filipino.
Tumblr media
https://www.goodreads.com/author/show/74757.Nick_Joaqu_n
NICOMEDES MARQUEZ JOAQUIN (1917–2004) was a Filipino writer and journalist best known for his short stories and novels in the English language. He also wrote using the pen name Quijano de Manila. In 1976, Joaquin was conferred the rank and title of National Artist of the Philippines for Literature. He has been considered one of the most important Filipino writers, along with José Rizal and Claro M. Recto. Unlike Rizal and Recto, whose works were written in Spanish, Joaquin's major works were written in English despite being a native Spanish speaker.
#2 remarkable filipino writers in a different periods.
#period of japanese
1 note · View note
mgakwentongbayan · 1 year
Text
Ang Paghahanap sa Kapatagan
“Ang Paghahanap sa Kapatagan” ay isang maikling kuwento na isinulat ni Efren R. Abueg. Ang kwento ay tumatalakay sa buhay ng mga magsasaka sa kapatagan ng Pilipinas. Ang kwento ay naglalahad ng kuwento ng isang matanda na nagngangalang Romy. Siya ay isang magsasaka na nakatira sa isang liblib na lugar sa kapatagan. Si Romy ay nangangailangan ng pera upang matustusan ang pagpapagamot ng kanyang…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
unseenemenem · 1 year
Text
Akademikong sulatin
Mga kasapi:
Ericka, Francisne ,Francis, Ellah 
Mga halimbawa ng akademikong sulatin
Lakbay-sanaysay
Ang layunin nito ay karaniwang itakda kung saan napunta ang manlalakbay.  Nilalayon din nitong idokumento ang mga karanasan sa paglalakbay.  
Ito ay isinulat upang ihayag sa mambabasa kung ano ang nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit ang mga pandama.
Ang katangian nito ay umaakit sa mga turista na bisitahin ang inilahad na lugar. Maglahad ng mahahalagang impormasyon gaya ng mga direksyon o direksyon para makarating sa isang lugar.  
Larawang sanaysay
Ang layunin nito ay magdala ng kagalakan at kaaliwan sa mga gumagawa ng mga kuwento, magbigay ng mahalagang impormasyon, at hikayatin ang pagkamalikhain. Sa madaling salita, ang larawang sanaysay ay nagnanais makatawag ng atensyon at interes sa binabasa.
Ito’y ginagamit upang ihatid ang isang mahalagang mensahe, kadalasan may mas  mga larawan at kaunting salita. 
Ang katangian nito ay ang paggamit ng mga imahe sa pagsasalaysay. Ito ay may makabuluhang pagpapahayag sa litrato at organisado.
Posisyong papel
Ang layunin nito ay hikayatin ang mambabasa na magkaroon ng kamalayan sa mga argumentong ipinakita. 
Ang paggamit nito ay nagsisilbing patunay, argumento, at pagpapatunay ng problema
Ito ay naglalarawan sa pamamagitan ng kakayahang isama ang mga isyu ng pambansa o internasyonal na saklaw na nakakaapekto sa isa o higit pang mga grupo ng mga tao o buong komunidad. Dito ay dapat na organisado ang pagka sunod-sunod ng ideya at maging pormal.
Talumpati
Ang talumpati ay naglalayon na makapag hikayat at mapaniwala ang kanyang mga tagapakinig sa pamamagitan ng paglahad nito ng maayos at malinaw na pagtatala.
Ang talumpati ay isinasagawa upang tumugon sa isang paksa o isyu, na magbibigay katwiran o paniniwala sa mga makikinig gamit ang pagbigkas o bibig.
Ang talumpati ay may katangian na pormal at malinaw na daloy ng mga ideya. Ang uri nito ay nakabatay sa mga tagapakinig.
Replektibong sanaysay
Ang replektibong sanaysay ay naglalayon na maiparating ang pansariling natuklasan o naranasan sa ispesipiko na usapin. Ito rin ay naglalayon na maipabatid ang ang mga nakalap na detalye o impormasyon na natutunan ng mambabasa ukol sa paksa o sulatin.
Ang replektibong sanaysay ay isinulat upang ihayag ang mga personal na perspektibo sa usapin, o mga bagay tulad ng karanasan, damdamin, opinyon, at natuklasan patungkol sa isang paksa. Maari rin itong makatulong sa may akda na mas mapabuti ang kanyang gawa. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga akademikong papel, blog, at iba pang mga uri ng pagsusulat na nangangailangan ng pagsusuri at pagpapaliwanag ng sariling karanasan at perspektiba.
Ang replektibong sanaysay ay may katangian na malinaw ang pagpapakilala o introduksyon, katawan, at ang konklusyon upang maibatid ang mga nakaraan na kaganapan at kung paano ito nakalikha ng pagbabago sa mambabasa.
Buod o sintesis
Ang buod o sintesis ay naglalayon na makakuha ng maikli ngunit mahahalagang impormasyon sa kabuuang teksto.
A buod o sintesis ay kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad na lamang ng mga maikling kwento.
Ang buod o sintesis ay may katangian na komprehensibo at maikli sapagkat ito ay kinakailangan upang mapaikli ang bersyong orihinal. Ilan sa mga ito ay dapat nasasagot ang sino, ano, paano, saan, at ang kailan.
Panukalang proyekto
Ang layunin nito ay makapagbigay ng proposal sa proyektong nais ipatupad.
Ito ay ginagamit upang mabigyan ng resolba ang mga problema at suliranin.
Ito ay may dalawang katangian maikling proyekto at mahabang proyekto.
Ang maikling proyekto ay naglalaman lamang ng dalawa hanggang 10 pahina na kadalasan ay nasa anyong liham lamang samantalang ang mahabang proyekto ay naglalaman ng mahigit sa 10 pahina.
Katitikan ng pulong 
Natatalakay ang mga hakbang sa pagsulat ng katitikan ng pulong.
Pag dodokumento ng mga mahalagang puntong inilalahad sa isang pagpupulong.
Ito ay dapat na organizado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga punto ng napag-usapan at makatotohanan.
Bionete
maikling impormatibong sulatin na karaniwang  isang talata lamang at naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal
Ginagamit ito para sa iba pa o mas kakaibang personal profile ng isang indibidwal,  tulad ng kanyang academic career at mga academic achievements, at iba pang  impormasyon ukol sa kanya.
Maikli lang dapat ang nilalaman nito, Binabanggit ang degree o tinapos ng paksa sa bionote.
Agenda
Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon. Nakapaloob dito ang oras, petsa at lugar ng gaganaping pagpupulong.
Ito ang nagsisilbing gabay upang maging maayos ang magiging pulong at siguradong natatalakay ang mga mahahalagang bagay. Naglalaman din ito ng mga plano o aksyon na dapat gawin tungkol sa paksang tatalakayin.
Ito ay isang listahan ng mga bagay bagay na pag uusapan o tatalakayin
Memorandum
Magbigay ng anunsyo o magbaba ng patakaran na kinakailangang mabatid ng lahat. memo. pangalan ng opisina o at dapat na tiyak at maikli.
Samantala, ayon sa ibang pag unawa, ito ay nangangahulugan ng isang paraan ng komunikasyon sa anyo ng isang maikling mensahe na naglalaman ng mga mungkahi, direksyon, o paliwanag na ginawa ng mga partido na may mataas na posisyon at ibinigay sa mga awtoridad sa pagsasagawa ng mga utos mula sa liham.
Maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong , pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya.
#FA #AkademikongSulatin
0 notes