Tumgik
#maikling kwento
nkktrl · 1 year
Text
Peste sa Pesante
Nikka
Maituturing na tanikala sa mga uring magsasaka ang mala-pyudal na sistemang patuloy na namumutawi sa lipunan. Sa patatsulok na hugis ng lipunan, ang mga naghaharing uri at imperyalista pa rin ang nangunguna sa pagpapalaganap ng parasitikong sistema na bumabansot sa buhay ng mga pesante.
Sa isang malawak na bukirin, tagaktak ang pawis ni Pedro sa initang tumutunaw sa kaniyang balat, dumadausdos sa mahaba niyang manggas ang maalinsangan na pakiramdam dulot ng maghapong pagbilad sa araw. Nagmistulang kuba naman ang likuran niya sa magdamagang pagtatanim ng palay, kapalit ang umaaray na sadsad presyong bentahan nito. Kasabay ang pagtitiis ni Pedro sa pagkahapo, pangungulo ng tiyan, at panunuyo ng lalamunan — martir kung mailalarawan ang katulad niyang may radikal na pagmamahal sa lupang sakahan. Ito ang mahigit dekada niyang eksena na kasangga sa dapit-hapon niyang buhay.
Habang patuloy sa pagbabanat ng buto, dala pa rin sa bagahe ng isipan ni Pedro ang di magkamayaw na ugong at palahaw ng uri niyang anakpawis sa dinaluhan nilang kilos-protesta noong nakaraang araw. Isang organisadong panawagan para sa mga magsasaka na naglalayong makamtam ang tunay na repormang agraryo. Bagaman ito’y suntok sa buwan para kay Pedro, patuloy pa rin siyang nag-aasam.
“Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!” nangibabaw na sigaw ng marami habang inda-inda ang tirik ng araw.
“Itigil ang pagpatay sa uring magsasaka!” dagdag pa ng mga kasaping nag-aalsa.
Mga kataga na lalong nagpagising sa diwa at paninindigan ni Pedro. Kaakibat ang pangingibabaw at panghihilakbot na damdaming mapabilang siya sa mga marahas na pinapaslang, lumaban man o hindi sa panginoong maylupa, ang kakampi ng berdugo’t pasistang estado. Takipsilim na ng matapos si Pedro, ang kaninang maalinsangan ay napalitan ng malamig na simoy ng hanging humahaplos sa pagal niyang katawan, maituturing na bangkay sa priser ng isang morge.
“Hanggang dito na muna, kinabukasan na lang natin ipagpatuloy” ani ni Nestor. Isang magsasaka na matagal nang katuwang ni Pedro sa bukirin.
“Oo at kay pagod na rin ako” tugon nito.
Nagsilbing liwanag ang bilugang nagmumula sa kalangitan sa pagbaybay nila sa daan, patungo sa komunidad na pinaroroonan ng kani-kaniyang bahay. Nang makarating, dinig ang bulungan ng mga tao hingil sa pagpunta ng mga naka asul na uniporme sa kanilang lugar. Nagbabadya ng hindi kaaya-ayang tugtugin sa mga pesante. Akmang bubuksan na ni Pedro ang pintuan ng tagpi-tagpi niyang bahay, nang may biglang tumapik sa kaniyang balikat, si Padring. Kabungguang-balikat at isa rin na katulad niyang magsasaka ngunit mas bata kung ikukumpara. Bakas sa mukha nito ang halong ngitngit at pagkabalisang nagnanais na kumawala sa kaniyang bibig para ipahayag kay Pedro ang nakalap na balita. Pansin din ang naghahabol nitong paghinga, na pawang tumakbo ng isang kilometro ang layo.
“Tatang…masamang balita…” pautal-utal na ani nang naghahabol hiningang si Padring.
“Babakuran daw ng mga pulis ang palayan…ngayong gabi…utos ng maylupa!” dagdag pa nito.
Marubdob naman na tinanggap ni Pedro ang iminungkahi sa kaniya. Alam niyang hindi ito isang bulaan. Gayonpaman, nag-iwan pa rin ito ng tinik at kapootan sa kaniyang puso. Tanging hanapbuhay niya lang kasi ang pagsasaka, ito na rin ang kinalakihan niya. Ang imbes na gabing nakalaan para sa kaniyang pagpapahinga ay inialay niya pabalik sa lupang sakahan. Umaasa na baka sakaling mapaki-usapan ang mga armadong sangay ng estado.
Sa kaniyang paglalakad, ramdam niya ang labis na panghininayang. Muling tinutusok ng karayom ang puso niyang desididong ipaglaban ang bukirin. Hindi pa man nakakatapak sa lupang sakahan, dinig niya ang umaalingawngaw na ungol ng baril. Dama niya ang ilang libong pesanteng dumanak ang dugo sa balang pumapantay ng paa ng kahit sinong masang api. Ang akala niyang peste na kaya lang pumatay sa kaniyang mga pananim, ay iba pa lang peste na magdadala sa kaniyang kamatayan.
10 notes · View notes
soapermaryow · 1 year
Text
WALAng kaWALA
         Sabi nila, madali lang kalimutan ang mga maliliit na bagay sa buhay ng tao. Pustahan, hindi mo na tanda kung kailan ka huling nakatapak ng jackpot sa daan o kung anong isinulat mo sa upuan ng bus na iyong minsang nasakyan. Maliliit na bagay na posibleng wala namang kahulugan kaya hindi mo na pinagtutuunan ng pansin. Naaapakan mo nalang ang mga ito nang minsan kang dumaan sa masikip na eskinita, hindi mo naramdaman nang umihip ito at dumampi nang bahagya sa iyong balat, malamang hindi mo rin narinig ang bulong nito; ang impit na sigaw, ang pigil na tawa, ang maliit na boses.
         Ngunit iba si Mela, walang nakatatakas na detalye mula sa kanya. Hirap siyang kumalimot ng mga bagay at pangyayari sa buhay, malaki man o maliit. Lahat tumatatak kay Mela; maging ang pangalan ng jeep na nasakyan niya nang unang beses siyang mag-commute, ang brand ng kendi na ibinigay sa kanya ng isang kamag-aral noong elementarya, maski ang lotto numbers na tumama ilang taon na ang nakalilipas mula sa kasalukuyan. Hirap siyang kumalimot at makalimot. Ito ang sumpa na dala-dala niya.
         Isa sa maraming maliit na bagay na hindi kailanman malilimutan ni Mela: ang Baraan. Kung mayroon kang mapa hanapin mo ang tila tuldok na isla na sa sobrang liit, kaunti na lamang ay lalamunin na ito ng kulay asul na pumapalibot dito. Maliit na bayan ang Baraan kung saan simple ang pamumuhay. Maliit na bayan ngunit malaking bahagi sa pagkatao ni Mela. Ito ang lugar kung saan siya nagdalaga, kung saan humiwalay nang ilang ulit ang sarili niyang kaluluwa sa kanya at maging ang ilang ulit nitong pagbalik, kung saan nagbago nang ilang beses ang repleksyon niya sa salamin hanggang sa hindi na niya makilala ang kanyang nakikita.
         Matagal na siyang nakaalis sa Baraan. Nakahanap na siya ng bagong buhay malayo rito at masaya na siya roon. Kontento sa inuupahang apartment, may mga bagong kaibigan at paminsan-minsang nakatatagpo rin ng minamahal. Nang umalis siya sa Baraan, wala siyang ibang dala. Iniwan niya ang mga bagay na kakambal ng maliit na bayan. Wala siyang bagaheng dala-dala; maski ang mga damit, libro, paboritong manika ay iniwan niya sa bahay na kanilang tinitirahan. Wala siyang ibang bitbit kundi ang mga alaala na hindi siya kailanman lulubayan.
         Sa kanyang muling pagbabalik, rumagasa ang mga alaala. Para itong malalaking alon sa dagat— nag-uunahang tumama sa dalampasigan ng isip ni Mela. Hindi ganito ang hangin nang umalis siya ng Baraan, malamig noon. Kulimlim at nagtatago sa mga maiitim na ulap ang haring araw. Nagbabadya ang ulan nang umalis siya sa bayan ngunit ngayon, sa kanyang ‘di inaasahang pagbabalik ay maliwanag ang paligid. Mataas ang sikat ng araw ngunit hindi masakit sa balat dahil sa maaliwalas na simoy ng hangin. Nililipad nito ang abot-baywang na niyang buhok na noong umalis siya ay hanggang leeg lang. Napangiti si Mela nang salubungin siya ng pagtango at pagkaway ng mga pamilyar na mukha. Magaan sa pakiramdam hindi kagaya noong umalis siya na maski wala siyang dalang bagahe ay tila pasan niya ang buong Baraan dahil sa bigat.
         Sa pagpasok sa eskinita, bumalik ang— haplos, sakit, kamay, iyak, hikbi, bitiw— alaala ng lagim. Sa makipot na daan, isang balat ng pamilyar na kendi ang pumukaw sa atensyon ni Mela. Sa isang iglap, siya na muli ang batang Mela, nasa ikatlong baitang sa elementarya at walang mapagsidlan ang galak sapagkat nakatanggap siya ng kendi mula sa kaklase. Binaybay niya ang madilim na eskinita upang marating ang bahay nilang nasa kabilang dulo nito. Sinabayan siya ng isang hindi pamilyar na lalaki. Sinasadya nitong sabayan ang kaniyang maliliit na mga hakbang upang mag-abot sila sa daan. Kung bibilis ang lakad niya, ganoon din ang lalaki. Hindi niya alam ang pangalan nito, ni hindi niya napasadahan ng tingin ang mukha bunga ng takot at ang tanging pagkakakilanlan ng lalaking iyon para sa musmos na si Mela ay ang nakakatakot na osong naka-tattoo sa kamay niya. Ilang beses naulit ang ganoong eksena— haplos, sakit, kamay, iyak, hikbi, bitiw— hanggang sa makatapos siya ng elementarya. Walang ibang daan pauwi kaya nilulunok niya ang takot sa eskinita at sa lalaking— haplos, sakit, kamay— may oso sa — iyak, hikbi, bitiw— kamay. Nagbalik siya sa ulirat nang may humawak sa kanyang braso, nagbago ang gulát na ekspresyon nang makita ang nangungulilang ngiti ng kanyang Ina. Magkahawak-kamay silang sabay na nilandas ang eskinita.
         Nang marating ang kanilang bahay, ipinilig ni Mela ang kanyang ulo sa kanang bahagi niya. Doon, tila patak ng ulan ang mga alaalang nagsipaglaglagan, kumakawala maski hindi niya gustuhin, at wala sa pagpipilian ang tangkaing pigilin ito. Sa harap niya, ay ang nakataob na lamesa, nagkalat na mga basag na pinggan, tilamsik ng dugo sa sementadong sahig, at ang umiiyak niyang Ina. Nasa ikalawang taon ng sekondarya si Mela noon at galing sa isang patimpalak sa eskwela kung saan nanalo siya. Halos mapunit ang bibig gawa ng ‘di mapigil na ngiti habang buong pagmamalaking nakasabit sa kanyang leeg ang medalyang nakamit. Naglaho ang ngiti niya nang salubungin ng umiiyak na Ina, at dumagdag ang ungot ng isang sanggol na hindi pamilyar sa kanya. Nag-unahan ang mga tanong sa isip ni Mela at inilibot niya ang paningin para humagilap ng sagot— mesa, basag na pinggan, iyak ng sanggol, dugo sa aspalto, hagulgol ng Ina, lubid— at ang tunog ng paparating na ambulansya. Sa rami ng maliliit na detalyeng napansin niya, hindi niya nakita ang nakatalukbong na katawan sa lapag— si Lani.
         Nagbalik siya sa ulirat nang salubungin ng pamangkin. Pansamantalang nakalaya sa panunupil ng mga alaala nang ikulong siya sa isang mahigpit na yakap ng batang si Lani, isinunod sa ngalan ng kanyang yumaong kapatid. Si Lani, ang naiwang anghel ng kanyang Ate Lani. Sa sala, may maliit na sulok kung saan naroroon ang larawan ng nakakatandang kapatid ni Mela, si Lani— mesa, basag na pinggan, iyak ng sanggol, dugo sa aspalto, hagulgol ng Ina, lubid— ipinilig ni Mela ang kanyang ulo, pilit na pinigil ang dagsa ng mga alaala. Ilang araw lang mula nang kunin ni Lani ang kanyang sariling buhay, ay naging laman siya ng kwento-kwento ng mga hipokrito. Kesyo malandi raw at maagang sinuko ang bataan, hindi nag-iisip, makasarili, at kung ano-anong masasakit na salita. Nakikita ngayon ni Mela si Lani sa sala, nakangiti at tinitignan siya gamit ang mababait nitong mga mata na hindi maipagkakailang namana ng kanyang pamangkin. Mabuting tao ang Ate Lani niya, alam niya ‘yon higit sa kahit sino pa man sa buong Baraan kaya labis ang hinagpis niya nang makita ang walang buhay nitong katawan. Mula noon— mesa, basag na pinggan, iyak ng sanggol, dugo sa aspalto, hagulgol ng Ina, lubid— ang alaalang iyon ay sinusupil siya gabi-gabi, hindi siya pinatutulog, pinipigil maski ang kanyang paghinga. Ang alaala ng kanyang kapatid ay tila isang malaking batong nakadagan sa kanya; pinaparalisa siya nito hanggang ngayon at hindi niya tiyak kung makalalaya ba siya mula rito kailanman.
         Kumakain sila ng pananghalian nang dumating ang kanyang Ama mula sa trabaho nito sa Sentro. Sa tuwing titignan niya ang kanyang Ama, wala siyang ibang nakikita kundi ang anino nito. Kulay itim na bulto na ayaw niyang bigyan ng mukha, ayaw niyang bigyang ngalan at pagkakakilanlan dahil hindi niya pa rin tanggap na ang unang lalaking minahal niya ay siya ring unang dahilan ng pagkawasak niya. Unang beses na humiwalay ang kaluluwa ni Mela sa kanya at ang tanging nakita niya lang ang anino, ang kulay itim na bulto. Sa tuwing maririnig niya ang halakhak ng kanyang Ama— iyak, saklolo, kamao, latay— bumabalik sa kanya ang mga panahong sumusobra ang pag-inom nito ng serbesa. Hindi halakhak ang naririnig niya kundi ang palitan ng sigaw, pagkabasag ng mga pinggan, ang tangkang pag-awat ng Ate Lani niya, at ang sarili niyang mga hikbi. Kinamusta siya ng kanyang Ama habang nasa hapag, magalang siyang sumagot at nagpalitan pa sila ng mga ngiti ngunit ang pinakamalakas na ideya sa isipan ni Mela ay ang tanong kung kailan mawawala ang kanyang Ama.
         Pagkatapos ng kanilang pananghalian, umakyat si Mela sa ikalawang palapag ng tahanan at dumiretso siya sa kwartong ang pinto ay kulay lila. Pagbukas niya, sinalubong siya ng halo-halong memorya sa dati niyang silid. Ang silid na nakasaksi sa ilan sa mga pinakamahahalagang bahagi ng buhay niya, ng mga pangyayaring bumuo sa kung sino at ano siya ngayon. Sa isang sulok kung saan naroroon ang kanyang mga manika, may isang Mela na nakangiti at bumubuo ng istorya sa kanyang isip; gumagawa ng panibagong mundo na malayo sa kanyang reyalidad— doon ay hindi siya takot, masaya ang kanyang pamilya, maganda siya at gusto ng lahat. Sa kanyang aparador, nagtatago ang takot na Mela; pinipigil ang hikbi at mahigpit ang pagkakatakip sa dalawang tainga, mistulang nilulunod sa nakabibinging katahimikan ang palitan ng masasakit na salita galing sa sala— gusto niya itong lapitan, yakapin, at sabihing ayos lang ang pag-iyak, na hindi ito takda ng kahinaan, na hindi niya ito dapat pigilan. Iba’t ibang Mela sa magkakaibang bahagi ng buhay niya at  iba-ibang pagkakataon sa panahon na iginugol niya sa Baraan. Kung tuldok lang sa mapa ang Baraan, ano pa kaya itong silid niya? Sa sobrang liit, hindi niya lubos akalain na ganito karaming alaala ang kaya nitong arugain at bigyang-kalinga sa loob ng mahabang panahon.
           Kumalansing ang kanilang tarangkahan, takda na may pumasok kaya naman sumilip siya sa bintana at doon nag-unahan na naman ang mga alaalang nagsilbing ‘di nakikitang tanikala na nagtatali kay Mela at sa Baraan. Gaano man siya kalayo sa lugar, may kung anong puwersa ang pilit na tatangay sa kanya pabalik. Ano mang pigil ang gawin niya, tuso ang mga alaala, makasarili ang memoryang hindi siya kailanman patatahimikin. Bitbit niya ito mula nang magkaroon siya ng kamalayan, hindi siya pinalaya maski iniwan na niya ang Baraan, at sa muling pagbabalik niya, lalo lang siya nitong gagambalahin.
Bakit ka pa kasi babalik?
          Siyang tanong ng kaibigan niya. Wala siyang maisagot kundi kibit-balikat at buntong-hininga. Halos isang dekada na rin mula nang iwan niya ang Baraan. Ilang taon din ang lumipas bago niya kausapin muli ang kanyang Ama’t Ina hindi dahil nangungulila siya sa kanila kundi para kumustahin ang naiwang anghel ng Ate Lani niya. Malayo na siya sa madilim na bahagi ng buhay niya kaya bakit pa siya babalik?
Hindi naman ako babalik dahil alam kong kailanman hindi ako nakaalis ng Baraan. Naroon pa rin ako saan man ako mapadpad. Kailangan kong harapin ang Baraan para tuluyan akong makalaya mula rito. Nakagapos ako sa Baraan at sa Baraan ko lang matatagpuan ang susi sa kandadong kumukulong sa akin. Hindi ako babalik sa Baraan. Hindi ako kailanman babalik.
          Kumalansing muli ang tarangkahan— haplos, sakit, kamay, iyak, hikbi, bitiw— magkasabay na lumabas ang kanyang Ama— iyak, saklolo, kamao, latay— at ang matalik nitong kaibigan na pamilyar ang osong naka-tattoo sa kamay— mesa, basag na pinggan, iyak ng sanggol, dugo sa aspalto, hagulgol ng Ina, lubid— lumakad palayo kay Mela ang dalawang anino, kulay itim na bulto, tangay ang susi sa kandado ng tanikalang gumagapos sa kanya at sa alaala ng Baraan.
***
[Ito ay lahok para sa Saranggola Blog Awards 12]
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
otepzablan · 2 months
Text
SEGUNDA
Ni Otep Zablan Sa isang bakuran may isang punso na tinitirhan ng mag-asawang langgam na sina Mang Pulot at Aling Nival. Mayroon silang tatlong anak, ito ay sina Puti, Pula at Segunda.Katulad ng ibang mga langgam, likas na sa kanila ang pagiging masipag. Araw-araw nagtatrabaho ang kanilang mga magulang para may makain silang magkakapatid.Isang araw nagkaroon ng sakit si Mang Pulot. Kalaunan…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
deyunoves · 5 months
Text
hinayang
A/N *sigh* mandatory post for this month. wala pa din akong takas sa goals ko this year. here’s a short story titled “hinayang”, it’s a 3-part flash fiction written in Filipino; reason kung bakit ko sinulat kasi gusto ko lang i-challenge sarili ko at wala po itong english translation kasi mawawala po ang “meaning” kapag ganon! hinayang sulat ni: Sophia Sage | fismoo “Siguro gusto ko siya, di…
View On WordPress
0 notes
lenflor · 9 months
Video
youtube
PAGBASA ng SALITANG may DALAWANG PANTIG / Beginners and Primary
0 notes
mgakwentongbayan · 1 year
Text
Ang Paghahanap sa Kapatagan
“Ang Paghahanap sa Kapatagan” ay isang maikling kuwento na isinulat ni Efren R. Abueg. Ang kwento ay tumatalakay sa buhay ng mga magsasaka sa kapatagan ng Pilipinas. Ang kwento ay naglalahad ng kuwento ng isang matanda na nagngangalang Romy. Siya ay isang magsasaka na nakatira sa isang liblib na lugar sa kapatagan. Si Romy ay nangangailangan ng pera upang matustusan ang pagpapagamot ng kanyang…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
whinkssgray · 2 years
Text
Tumblr media
May isang pamilyang naninirahan sa bundok ng Mindoro, sila ay malayo sa bayan at kalamitan mga ikahuli ng tatlong buwan sila nakakababa sa bayan, naninirahanan ang isang pinaka magandang dalaga sa lugar na ito na nag ngangalang agnes, siya ay masipag at mahinhin na babae, siya ay anak ni tonyo na isang nag fafarmer at aling ulisha na nag tatahi ng mga basehan upang ibenta sa bayan.
Isang araw habang nag luluto si agnes para sa kanilang umagahan, may mga binatang nag mula pa sa ibang mga baryo para dalawin siya at magbigay ng mga pasalubong sa kanya. Hindi narin nakapag tataka na hindi siya magustohan ng mga binata sa ibang mga baryo dahil siya ay pumupunta sa mga iba’t ibang mga baryo upang sumali ng mga padyent duon, ginagawa niya ang mga bagay nayun upang makatulong din sa kanyang mga magulang kahit kaunti lamang ang kanyang napapalanuhan. Nung makita ni agnes ang mga binata sa kanilang labas ay agad niyang tinawag ang kanyang ama upang humingi muna ng permiso. Agad na tumungo ang kanyang ama sa labas ng kanilang bahay upang kausapin ang mga binata at kung ano ang kanilang mga pakay. Kinausap na ito ng kanyang ama at ang pakay pala ng dalawang binata ay umakyat ng ligaw sa kanyang unika ihang anak. Agad ng pinapasok ni mang tonyo ang mga binata sa kanilang munting tahanan at pinag ayos na muna ang kanyang anak na si agnes, agad na pina upo ng ina ni agnes ang mga binata sa kanilang muntiing sala at ikinuha na ng kanyang ama ang mga dalang pag kain at alagang manok sa mga binata, At ipina upo na ng magulang niya si agnes sa tabi nila at kinausap na ng mga magulang ni agnes kung ano ba ang gusto nilang sabihin.At dun nag pakilala muna ang mga binata na si mark at ,hans ngunit merong isang binata ang nag painting ng puso ni agnes ito ay si hans bukod na mabait ito at matalino kilala itong taong ito na tumutulong sa mga kabataan na hindi na kayang paaralin ng kanilang mga magulang at umiikot din siya sa mga baryo upang mamigay ng mga pagkain sa mga mahihirap duon, ngunit habang kinakausap ng kanyang mga magulang ang mga binata ay napansin niya si mark na mataas ang tingin nito sa kanyang sarili at may mga pag yayabang sa kanyang mga magulang patungkol sa mga ari arian nito.
Nalaman ng mga magulang ni agnes na anak pala ito ng mayamang mayor sa kanilang lugar. Isang araw pumunta si agnes sa kabilang baryo para mamili ng sinulid para sa kanyang ina at nakita niya duon si hans na nag bibigay ng mga gulay sa mga nakatira duon. Nakita siya nito at kinawayan siya at agad naman siyang lumapit dito at kinausap siya. Tinanong agad siya nito kung kung kumain na siya at sabi niya ay hindi pa kaya agad agad siyang hinila ni hans sa karindertya at niyayang kumain at duon sila nag usap at nag ka mabutihang dalawa. At nakita pala ito ni mark at galit na galit na lumapit sakanilang dalawa at tinanong king ano ang kanilang ginagawa. Nagulat ang dalawa sa pag sigaw ni mark sa kanila at kina usap ito ni hans at sinabihan na kumakain lamang sila at sinabihan siya ni mark na layuan si agnes kundi may mangyayaring hindi maganda sakanya at duon na nag simula ang pag aaway ng dalawa, napag pasyahan nalamang ni agnes na umuwi nalang sakanila dahil napansin din niya na dumidilim narin at kailangang niyang umuwi na kundi malalagot siya sa kanyang ama.
Lumipas ang mga araw ay na napansin ni agnes na parating pumupunta si mark sa kanilang tahanan upang mag bigay ng mga alagang hayop at mga pagkain sa kanyang mga magulang, pero una palang ay hindi na sang ayon ang kanyang ama’t ina kay mark dahil sa pagiging mataas nito at pagkawala ng respeto nito sa kanila. Dumaan ang mga araw ay hiningi na ni mark ang kamay ni agnes sa mga magulang nito ngunit hindi pumayag ang mga magulang ni agnes na ibigay ang kamay ng kanilang anak kay mark dahil sa mga ipinapakitang pag uugali nito at baka hindi maging maganda ang pamumuhay ng kanilang anak dito. Nung malaman ni mark yun ay ito ay nagalit at nag sabi ng masasakit na salita sa magulang ni agnes at ito ay hindi nagustuhan ni agnes, siya ay umiyak dahil sa masasakit na sinabi nito sa kanyang mga magulang at pag susumbat sa mga binigay nito. Hindi lang yun nag banta pa ito na babalik ito at kukunin si agnes ng walang makakapigil sa kanya, takot na takot si agnes nung mga araw na ito at yumakap sa kanyang ina. Simula noon ay hindi na nag paramdam si mark sa kanila at natahimik na ang buhay nila aganes, at ang pumupunta naman sakanila ay si hans at lagi itong may dalang bulak lak para sakanya at sa ina ni agnes, sobrang mag kasundo narin sila ng ama ni agnes at gustong gusto siya ng mga ito para sa kanilang anak at doon na nag pasya si hans na kung pwedeng maging nobya niya na si agnes at pumayag naman ang mga magulang nito. Kitang-kita sa mga mukha nila ang saya ng pag iibigan nilang dalawa at parati na siyang hinahatid ni hans kung pupunta ito sa kabilang baryo o sa bayan para mamili ng kanilang Pangangailangan.
Sumapit ang kinagabihan ay nakaramdam ng kakaiba ang ama ni agnes sa kanilang lugar na tila may mga tao sa labas kaya’t ito’y sumilip sa bintana at nakita niya si mark sa ilabas na may mga kasamang mga malalaking mga tao at agad ng kinausap ito ng kanyang ama at sinabi “gabi na ginoo ngunit bakit ikaw parin ay nandirito kung may kailangang ka ay bukas na nating pag usapan” ngunit tumanggi ang binata at sinabi “ nakalimutan mo naba ang aking sinabi na ako ay babalik upang kunin ang iyong anak” at agad na isinarado ng ama ni agnes ang kanilang tahanan at nag pupumilit na pumasok sa kanilang tahanan ang mga ito. Agad ng kinausap ni tonyo ang kanyang anak na mag tago sa ilalim ng kanilang papag at huwag lalabas hangga’t hindi pa nakaka alis ang mga ito takot na takot si agnes at sinunod ang bilin ng kanyang ama, makalipas ang mga oras ay bigla siyang nakarinig ng dalawang putok na baril at ang pag sisigaw ni Mark habang tinatawag ang kanyang pangalan ngunit hindi siya nakita nito. Nung malaman niya tumahimik na, siya ay lumabas at nagulat sa kanyang nakita, nakita niya ang kanyang mga magulang na duguan at wala nang buhay dahil sa pag baril sa mga ito, iyak ng iyak si agnes at hindi makapag salita dahil sa pangyayari. Agad-agad niyang tinawag si hans at nag tataka ito bat tumawag ng ganung oras at umiiyak ito, pumaroon agad si hans sakanila nung malaman nito ang pangyayari at tumawag ng mga pulis para pumunta sa kanilang tahanan. Pag dating ni hans kila agnes nakita niya itong nakatulala at nanginginig habang nakatingin sa kanyang mga magulang agad namang niyakap ni hans si agnes at inilayo sa kanyang mga magulang at kinausap kung sino ang Gumawa at sinabi nito na si mark ang pumatay sa kaniyang magulang at agad ng pinag hahanap si mark at nakita itong nag tatago sa kabilang baryo at hinuli at kinulong ng wlang pyansya. At dahil sa pangyayari ay isinama nalang ni hans si agnes sa kaniyang sariling bahay at duon sila nanirahan hanggang sa maging maayos ang sitwasyon ni agnes at makalipas ang ilang mga taon ay kinasal ang dalawa at nag kaanak sila tatlo. At kahit na ganun ang nangyari sa kanyang buhay, at dahil sa pag papasaya at pag aalaga ng mabuti niyang asawa ay unti-unti nang tinanggap ni agnes ang pangyayari sa kanyang buhay.
0 notes
msmagsayo-blog · 2 years
Text
Pananampalataya sa Pag-asa
Malungkot ang kapaligiran para bang nakiki-ayon ang panahon sa kalagayan ni Nita. Si Nita ay isang dalagang ina, masakit para sa kanya ang sinapit niya ngunit mas masakit para sa kanya na makitang ang kanyang anak ay nag-iisang inaayos ang sarili para pumasok sa paaralan. Pitong taong gulang pa lamang ang kanyang anak na si Joy. Maaasahan na ito sa loob ng bahay, responsableng bata si Joy…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
lihimlihamtinta · 2 years
Text
Mamahalin na muna kita sa ngayon
Saka na ang mga pangako ng puso
Sumasalamin sa nilalaman na pagsuyo
Mamahalin na muna kita sa ngayon
Hanggang ang boses ko ay mapaos
Sinisigaw ang mga katagang nakatago
Mamahalin na muna kita sa ngayon
Habang ang bukas nati'y pinagdadamot
Ayaw pakinggan ang nag iisang hiling sa pagtulog
Mamahalin na muna kita sa ngayon
Dahil ito palang naman talaga ang kaya ko
Sapagkat hanggang dito lang muna ako
Mamahalin na muna kita sa ngayon
8 notes · View notes
katrinarodriguez025 · 2 years
Photo
Tumblr media
Ang Lihim na Tinig Ni Lea - Ang Lihim na Tinig ni Lea (on Wattpad) https://www.wattpad.com/1277878737-ang-lihim-na-tinig-ni-lea?utm_source=web&utm_medium=tumblr&utm_content=share_reading&wp_uname=025rodriguezkatrina&wp_originator=oJVG1vwxJuGvNcwBOBaRafs2UODbjDNUXbgIWjNWPBasdS1CW8n2eMeqNGBZQC9KyVObDeB3EB2ARanxYKQIT15RhEU9FwvQ7rNhs2oQADhy6H4sBWXApe4zGQE6K%2FKa Ito ay nagsasaad ng kwento ng pagpapamalas ng pagunawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili at pagkakaroon ng disiplina tungo sa pagkakabuklod-buklod o pagkakaisa ng mga kasapi ng tahanan at paaralan
1 note · View note
ligayangdala · 2 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
📨 requested by anon
🎧 NOW PLAYING: heaven by julia michaels
📣 MARK LEE. smut, sakristan!au, college!au
✍️ written in taglish | ⚠️ mentions religion, sacrilegious (? hindi kami sure, pero ilalagay na rin namin) oral (m receiving), hairpulling, cum swallowing/spitting | 📅 posted on july 14th, 2022 | 🔞 minors, do not interact!
📝 this is a work of fiction, all characters are used in a fictitious manner and not used to offend anyone.
Tumblr media
HINDI KA NAMAN RELIHIYOSO, PERO PAG NAKIKITA MO SI MARK, PARANG GUSTO MO NALANG LUMUHOD SA HARAP NITO.
mabait, mapagmahal, matalino, at may takot sa diyos. mark lee ang pangalan ng sikat na sakristan sa eskwelahan niyo. sa tuwing nagmimisa, halos lahat ay nakatingin sa kanya dahil madalas siyang nakaupo sa tabi ng pari. sa totoo lang, napansin na rin ito ng pari at minsan na itong nabanggit sa homily ng pabiro kung saan sabi niya ay iniisip niya na maraming dumadalo sa first friday mass sa eskwelahan dahil nga gwapo ang kanyang sakristan.
nung una, hindi mo rin maintindihan kung bakit nga maraming umaattend sa misa. hindi naman kasi required umattend ng first friday mass sa school niyo dahil hindi naman lahat ng nag-aaral dito ay katoliko. pero nung late kang pumasok, isang araw, ay nakasabay mo si mark sa pathwalk. hindi mo siya kilala, hindi ka rin niya kilala, pero dahil sa haba ng pathwalk niyo at halos magkatabi kayong naglalakad ay nagkaroon kayo ng maikling kwentuhan hanggang sa nakarating kayo sa designated rooms niyo. nang makita ito ng mga kaibigan mo, agad ka nilang binomba ng sandamakmak na tanong. dito mo siya nakilala, base sa mga kwento ng mga kaibigan mo.
lalo mong nakilala si mark noong naging magka-partner kayo para sa isang semestral project. wala kasi 'yung professor ng section nila buong sem, kaya naman hinalo nalang ang section nila sa section niyo. hindi naman 'yun naging kaso sayo, pero nung nag-bunutan para sa pair semestral work, nagulat ka dahil sa dami niyo sa klase, talagang kay mark lee ka pa napunta. maraming gusto makipag-switch sayo, mga babaeng may gusto kay mark, mga lalaking pabor makipag-partner sa kanya dahil matalino siya. ikinagalit naman ito ng professor niyo dahil final na ang pairing at andami pang arte ng iba.
"tangina y/n" ungol ni mark, kasalukuyan kayong nasa condo niya kung saan pumayag kang gawin ang worksheet niyo this week. it was innocent at first, nagkukwentuhan lang kayo about sa buhay ng isa't isa, not until you got to know his dark side— ang side na hindi mo ineexpect sa isang sakristan. "tangina ang sarap ng bibig mo"
oo, chinuchupa mo si mark ngayon. gigil na gigil ang kapit niya sa buhok mo habang nakahilata siya sa sofa at ikaw naman ay nakaluhod sa sahig. hindi 'to unang beses na nangyari, pangatlo o pang-apat na ata 'to, kaya naman kapag chuchupain mo na si mark, may naka-ready na na unan para sa tuhod mo dahil noong unang beses 'tong nangyari, naririnig niyang nakikipag-asaran ka sa mga kaibigan mo tungkol sa mapula mong tuhod.
"puta, lalabasan na 'ko, y/n" sabi niya, hinawakan niya ang parehong side ng ulo mo, inangat ang sarili at siya na mismo ang gumagalaw sa loob ng bibig mo. palalim ng palalim yung tite niya sa bibig mo't nararamdaman mo to sa pinakadulo ng dila mo. napahawak ka nalang rin sa binti niya, ang bilis kasi niyang bumayo at napapaungol ka na rin. "s-sa bibig, okay lang ba?"
tumango ka sa kanya, lalo pang bumilis ang pagbayo niya hanggang sa nalasahan mo ang matamis na may pagka-maalat niyang tamod sa loob ng bibig mo. nanghina ang tuhod ni mark, kaya naman bumagsak siya sa sa sofa at nagpunas ng pawis. ilang segundo lang ay tumayo siya para kuhain ng t shirt niya sa sahig. nilagay niya ang t shirt niya sa bibig mo sabay sabing "spit" kaya naman dinura mo agad ang naipong tamod sa bibig mo. "wait here, i'll get you some water and igaguide kita sa bathroom para makapag-mouthwash ka"
nakangisi ka naman pagkatayo niya, pinunasan mo ang gilid ng mga labi mo gamit ang daliri mo sabay sabing "di ko inakalang may tinatago ka palang ganyang side, mark"
268 notes · View notes
karagatantalabuwan · 1 month
Text
Tumblr media
Marahil isa lamang akong maikling yugto. Yung kwento na binabalik-balikan sa tuwing kaaway ang mundo, yung daan na binabaybay sa tuwing ang utak ay magulo. Yung maikling sanaysay na binabasa sa tuwing naghahanap ng ligaya, yung larawan na hinuhukay sa kahon kapag nangungulila ang mata. Parang isang maikling tula. Yung madalas bigkasin kapag hindi na sigurado – minsan ay ginagawang awitin sa mga gabing damdamin ay malabo. Isang malaking hiling na binabanggit sa buwan, pero parati namang ang pagkapit ay panandalian. Parang isang kanta na minsan lamang tugtugin sa gitara. Isang panalangin na sinasambit kapag naliligaw na ang mga paa. Marahil nga ay isa lamang akong maikling yugto na minsan ay naiisipang daanan at balikan. Isang matamis na “sana” na kailanman ay hindi hiniling na makasama. Parang patak ng alak sa lalamunan sa gabing puno ng katanungan, umaasang ako yung may dala ng mga kasagutan. At ayoko na maging pansamantala – maging panandaliang saya. Ayoko nang tahakin ang daan patungo sa’yo kung hindi ka naman sasalubong. Marahil ang pag-ibig nga na ‘to ay hindi parang rosas na may pag-asang umusbong.
3 notes · View notes
username1172344 · 2 months
Text
"Maynila sa mga Kuko ng Liwanag"
Panimula
May Akda
Ang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay isang klasikong nobela ni Edgardo M. Reyes na unang nailathala noong 1966. Ang nobelang ito ay nagsasalaysay ng kwento ni Julio Madiaga, isang probinsyanong lalaki na pumunta sa Maynila upang hanapin ang kanyang nawawalang kasintahan, si Ligaya Paraiso. Sa kanyang paghahanap, napadpad si Julio sa masalimuot at mapanlinlang na buhay sa lungsod, kung saan nasaksihan niya ang mga kahirapan at kabuktutan ng mga taong nasa laylayan ng lipunan.
Pamagat ng Nobela
Ang pamagat ng nobela, "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag," ay tumutukoy sa kalagayan ng lungsod ng Maynila na isinasaad sa kwento. Ang "kuko ng liwanag" ay maaaring simbolismo ng pag-asa o ilaw na nagmumula sa liwanag, subalit sa konteksto ng nobela, maari rin itong tumutukoy sa dilim, pagkawala ng pag-asa, at kapahamakan.
Kaugnay kay Edgardo M. Reyes, ang may-akda ng nobela, maaaring magkaroon ng iba't ibang interpretasyon ang pamagat. Maaaring ang naglalarawan sa kanyang pananaw o damdamin sa kalagayan ng Maynila noong panahon ng pagsulat ng nobela. Maaaring itong pahayag ng kanyang pagmumuni-muni sa mga suliranin at isyu ng lipunan na kanyang makikita sa lungsod. Bukod dito, maaaring maging simbolo rin ito ng kanyang pagnanais na muling ilawan ang mga suliranin ng lipunan upang magkaroon ng pag-asa at pagbabago.
Sa pamamagitan ng pag-unawa sa konteksto ng pamagat at sa pag-aaral ng buhay at pananaw ni Edgardo M. Reyes, maaaring mas maunawaan ang kahalagahan at kahulugan ng "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" bilang isang klasikong akda ng panitikang Pilipino.
II. Katawan 
Tauhan, Pagpapakilala at Paglalarawan
 Sa nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag," may ilang pangunahing tauhan na nagbibigay-buhay sa kwento at nagdadala ng mga pangyayari sa paligid ng lungsod ng Maynila. Narito ang ilan sa mga mahahalagang tauhan sa nobela:
Julio Madiaga: Ang pangunahing tauhan ng nobela. Si Julio ay isang probinsyanong lalaki na pumunta sa Maynila upang hanapin ang kanyang kasintahan na si Ligaya Paraiso. Sa kanyang paglalakbay, siya ay nakaharap sa mga kahirapan at pagsubok sa lungsod, na nagtulak sa kanya upang magbago at makipaglaban para sa kanyang mga pangarap.
Ligaya Paraiso: Ang kasintahan ni Julio na kanyang hinahanap sa Maynila. Bagamat tila nawawala sa simula, ang paghahanap kay Ligaya ay nagsilbing motibasyon para kay Julio na magpatuloy sa kanyang paglalakbay sa lungsod.
Atong: Isang kaibigan ni Julio sa Maynila. Si Atong ay isang mabuting kaibigan na tumulong kay Julio sa kanyang mga pagsubok sa lungsod. Sa kabila ng kahirapan at panganib, nanatili siyang tapat at mapagkakatiwalaan.
Mrs. Cruz: Isang taong mapagkalinga at nagbigay ng trabaho kay Julio sa Maynila. Bagamat may mabait na kalooban, si Mrs. Cruz ay nagtago ng lihim tungkol kay Ligaya, na nagdulot ng pangamba at pagdududa kay Julio.
Imo: Ang lider ng mga kabataan sa squatter area na pinasukan ni Julio. Si Imo ay isang mapanganib na karakter na nagpapakita ng karahasan at pang-aabuso sa mga mahihirap. Siya ang nagdulot ng mga pagsubok at panganib sa buhay ni Julio sa lungsod.
Ang mga tauhang ito ay nagtutulungan at nagbabanggaan sa iba't ibang paraan sa kuwento, nagbibigay ng iba't ibang pananaw at damdamin sa mga suliranin at karanasan ng mga tao sa Maynila. Sa kanilang mga karakter, maaari nating mas maintindihan ang komplikadong kalagayan ng lipunan at ang mga hamon ng buhay sa lungsod.
Banghay / Buod
Ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes ay naglalarawan ng kwento ni Julio Madiaga, isang probinsyanong lalaki na naglakbay patungong Maynila upang hanapin ang kanyang kasintahan si Ligaya Paraiso. Narito ang maikling buod ng nobela. Si Julio Madiaga, isang maralitang taga-probinsya, ay nagtungo sa Maynila upang hanapin ang kanyang minamahal na si Ligaya Paraiso. Dito, siya ay nagtatrabaho bilang konstruksiyon worker at nagpunta sa isang maliit na apartment sa ilalim ng tulong ni Mrs. Cruz, isang taong mapagkalinga na nagbigay sa kanya ng trabaho at tirahan.Sa kanyang paghahanap kay Ligaya, natuklasan ni Julio na ang kanyang kasintahan ay naipit sa isang mapanlinlang na buhay sa lungsod. Sa tulong ng kanyang kaibigan na si Atong, natuklasan niya ang katotohanan tungkol kay Ligaya at sa mga taong nakapaligid dito.Habang naglalakad si Julio sa kanyang journey, nakaranas siya ng mga pagsubok at panganib. Natagpuan niya ang sarili sa gitna ng kahirapan, katiwalian, at karahasan sa Maynila. Sa kabila ng mga pagsubok, nanatili siyang determinado na hanapin at iligtas si Ligaya mula sa kanyang mapanlinlang na kapalaran.Sa huli, natagpuan ni Julio si Ligaya, ngunit sa di-inaasahang kaganapan, ito ay hindi ang katuparan ng kanyang mga pangarap. Sa gitna ng dilim at pagkalunod sa liwanag, naunawaan ni Julio ang katotohanan tungkol sa kanyang buhay at sa lipunan ng Maynila.Sa pamamagitan ng kwento ni Julio Madiaga, ipinapakita ng nobela ang mga suliranin at karanasan ng mga maralita sa lungsod ng Maynila. Ito ay isang matinding paglalarawan ng kahirapan, pag-asa, at pagkawala sa gitna ng urbanisasyon at modernisasyon.
Tema / Damdamin
Ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay may sari-saring tema at damdamin na naglalarawan ng karanasan ng mga tao sa Maynila, lalo na ng mga maralita at mga nasa laylayan ng lipunan. Narito ang ilan sa mga pangunahing tema at damdamin na makikita sa nobela:
Kahirapan: Ang kahirapan ay isa sa pinakamahalagang tema ng nobela. Inilalarawan nito ang mga hamon at paghihirap na kinakaharap ng mga maralita sa lungsod ng Maynila. Ang mga tauhan tulad ni Julio ay nagpapakita ng determinasyon at pagtitiis sa kabila ng mga pagsubok na dala ng kahirapan.
Pangarap at Pag-asa: Sa kabila ng kahirapan, patuloy na nagtataglay ng pangarap at pag-asa ang mga tauhan sa nobela. Si Julio ay naglakbay sa Maynila upang tuparin ang kanyang pangarap na mahanap si Ligaya at magkaroon ng magandang buhay. Gayunpaman, ang mga pangarap na ito ay madalas na naudlot at nasasaktan sa harap ng mga realidad ng buhay sa lungsod.
Pag-ibig: Ang pag-ibig, lalo na ang pag-ibig ni Julio kay Ligaya, ay nagbibigay ng init at pag-asa sa kuwento. Subalit, ang pag-ibig ay nagsisilbing daan din tungo sa kabiguan at sakit, lalo na sa pagtatapos ng nobela kung saan naipakita ang hindi pagtupad ng inaasam na pag-ibig.
Katiwalian at Korapsyon: Isa pang mahalagang tema sa nobela ay ang katiwalian at korapsyon sa lipunan. Ipinapakita nito ang paglubog ng mga institusyon sa katiwalian, kung saan ang mga mahihirap ay patuloy na nagiging biktima ng mga mapanlinlang na gawain ng mga may kapangyarihan.
Sa pamamagitan ng mga tema at damdaming ito, ipinapakita ng nobela ang komplikadong kalagayan ng mga maralita sa Maynila at ang kanilang pakikibaka sa harap ng mga hamon at pagsubok ng buhay sa lungsod.
III. Pagsusuring Pampanitikan 
Teorya 
Ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay maaaring suriin at bigyang-diin mula sa iba't ibang teorya sa panitikan. Narito ang ilang posibleng teorya na maaaring magamit sa pag-aanalisa ng nobela:
1. Sosyo-kritisismo: Ang sosyo-kritisismo ay isang teorya sa panitikan na tumutukoy sa pagsusuri ng panlipunang realidad at pagsasalin ito sa akda. Sa pamamagitan ng sosyo-kritisismo, maaaring suriin ang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" bilang isang pagtalakay sa mga isyu ng kahirapan, katiwalian, at pang-aabuso sa kapangyarihan sa lipunan.
2. Realismo: Ang realismo ay isang teorya sa panitikan na tumutukoy sa paglalarawan ng totoong buhay at karanasan. Sa pamamagitan ng realismo, maaaring suriin ang paggamit ni Edgardo M. Reyes ng mga tunay na pangyayari at karanasan sa Maynila upang ipakita ang komplikadong kalagayan ng mga maralita sa lungsod.
3. Pang Masa o Populistiko:
Ang teoryang ito ay tumutukoy sa pananaw na ang panitikan ay naglilingkod sa pangangailangan at interes ng masa o karaniwang tao. Sa pamamagitan ng paggamit ng teoryang pang masa, maaaring suriin ang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" bilang isang akda na nagpapakita ng mga karanasan at pakikibaka ng mga maralita sa Maynila.
4. Feminismo: Bagaman hindi direktang nakatuon sa tema ng feminismo, maaaring suriin ang nobela mula sa pananaw ng mga karakter na kababaihan, tulad ni Ligaya Paraiso. Maaaring suriin kung paano ang kalagayan ng mga babae sa nobela ay nagpapakita ng mga isyu tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at pagkakaroon ng kapangyarihan.
Sa pamamagitan ng paggamit ng iba't ibang teorya sa panitikan, maaaring masuri at mas malalim na maunawaan ang mensahe at kahalagahan ng nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes.
Akda 
Ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay isinulat ni Edgardo M. Reyes. Si Reyes ay isang kilalang Pilipinong manunulat na sumulat ng mga nobela, maikling kuwento, at mga dula. Ipinanganak siya noong 1937 sa Sta. Cruz, Maynila. 
Bukod sa "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag," ilan sa kanyang mga kilalang akda ay ang "Sa Mga Kuko ng Liwanag" (1967), "Mga Anak ng Dagat" (1979), at "Ang Lalaki sa Dilim" (1987). Ang kanyang mga akda ay madalas na naglalarawan ng buhay at karanasan ng mga maralita at mahihirap sa lipunan.
Bilang isang manunulat, naging malaking impluwensiya si Reyes sa panitikan ng Pilipinas, lalo na sa larangan ng realismo at sosyo-kritisismo. Ang kanyang mga akda ay patuloy na binibigyan ng pagpapahalaga at nakilala sa kanilang pagtatalakay sa mga isyu at tema ng lipunan.
"Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay isa sa kanyang pinakatanyag na nobela na nagbibigay-tuon sa mga suliranin at pagsubok ng buhay sa lungsod ng Maynila. Ang husay ni Reyes sa pagsasalaysay at paglalarawan ng mga pangyayari at karakter ay nagbigay-daan sa nobelang ito na maging isang klasikong akda sa panitikang Pilipino.
Panunuri
Sa pagsusuri ng nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes, maaaring bigyang-diin ang mga sumusunod na aspeto:
1. Sosyo-kultural na Konteksto: Ang nobela ay nagbibigay-diin sa mga suliranin at realidad ng lipunang Pilipino, lalo na sa mga maralita at mga nasa laylayan ng lipunan. Ipinakikita nito ang kahirapan, katiwalian, at pang-aabuso sa kapangyarihan na karaniwang nararanasan sa Maynila at iba pang mga urbanong lugar sa Pilipinas.
2. Karakterisasyon: Ang pagbuo ng mga karakter sa nobela, lalo na si Julio Madiaga, ay mahusay at makatotohanan. Naka Konekta ang mga mambabatas sa kanilang mga damdamin at karanasan, at nagpapadala ng simpatiya sa kanilang mga pakikibaka at pagdurusa.
3. Estilo ng Pagsasalaysay: Ang estilo ng pagsasalaysay ni Reyes ay may halong realismo at pagpapakatotoo sa buhay sa Maynila. Ginamit niya ang malalim na deskripsyon at dialogo upang buhayin ang mga tauhan at tagpo, na nagbigay-daan sa mambabasa na maipasok sa mundong ipinapakita ng nobela.
4. Mga Tema: May malalim na tema ang nobela tulad ng kahirapan, pag-ibig, korapsyon, at pag-asa. Ang pagtatalakay sa mga tema na ito ay nagpapakita ng mga komplikasyon at pagsubok sa buhay ng mga karakter, na nagpapaalam sa kanilang mga personalidad at pakikibaka.
5. Mensahe: Sa kabuuan, ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay nagbibigay ng mensahe ng pag-asa sa kabila ng mga hamon ng buhay. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pagtitiis, determinasyon, at pananampalataya sa kabila ng mga suliranin at pagsubok sa buhay.
Sa pag-aanalisa ng mga aspetong ito, maipahayag ang kahalagahan at kabuluhan ng nobelang ito sa panitikang Pilipino at sa pag-unawa sa lipunang Pilipino.
IV. Konklusyon 
Sa kabuuan, ang nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes ay isang makabuluhang akda na nagbibigay-tuon sa mga suliranin at karanasan ng mga maralita sa lungsod ng Maynila. Sa pamamagitan ng mahusay na pagbuo ng mga karakter, detalyadong deskripsyon ng mga tagpo, at pagtatalakay sa mga mahahalagang tema tulad ng kahirapan, pag-ibig, at korapsyon, nagiging kapana-panabik at makahulugan ang paglalakbay ng mga mambabasa sa mundong ipinapakita ng nobela.
Sa pamamagitan ng pagtutok sa mga isyu at realidad ng lipunan, hinahamon ng nobela ang mambabasa na mag-isip at magtanong hinggil sa kalagayan ng mga maralita at mahihirap sa ating lipunan. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pagsubok at pag-asa ng mga tauhan, ipinapakita nito ang kahalagahan ng determinasyon, pagtitiis, at pagtitiwala sa kabila ng mga hamon ng buhay.
mySa pangwakas, ang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay hindi lamang isang simpleng nobela kundi isang makabuluhang akda na nagbibigay-buhay sa mga karanasan at pakikibaka ng mga maralita sa lungsod ng Maynila. Ito ay isang pangunahing halimbawa ng panitikang Pilipino na patuloy na nagbibigay-liwanag at inspirasyon sa ating mga kaisipan at damdamin.
2 notes · View notes
otepzablan · 2 months
Text
ANG ALAMAT NG UBAS
Ni Otep Zablan Sa isang bayan sa probinsya may dalawang magkaibigang nag ngangalang Ursula at Basilio. Madalas silang naglalaro sa kalsada. Noong una, kapag pinapasasok na sila ng kanilang mga magulang agad din naman silang pumapasok. Pero isang araw, nagawa nilang suwayin ang mga magulang nila. “Ursula! Magdidilim na! pumasok ka na sa bahay” sabi ng kanyang ina. “Nanay naman! mamaya na po…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
jpehg · 2 months
Text
Sino si Alex Alexanderson? 130324 1316
Nung college ako, meron akong prompt sa isang libro. Tungkol siya sa isang binata na may kakayahang ibalik 'yung oras kapag inii-snap niya yung fingers niya. Oo, uunahan ko na kayo, 'di na bago 'yung time-travelling at time manipulation bilang isang cliché sa mga kwento, tula, or pelikula. Pero think about it, a piss poor guy na walang redeemable qualities maliban sa inosente niyang understanding sa mundo, tapos sinusubukan pa niyang kilalalin sarili niya, tapos 'yung setting, isa sa pinakaprestigious na unibersidad ng Pilipinas? Tapos kaya niyang ibalik 'yung oras? Bata pa ako nung naisip ko 'yon pero sa mata ng isang iskolar ng bayan, sapat na 'yan para maging bala sa bolpen at lapis. Gagamitin niya 'yung newly-learned powers niya sa kabutihan like para 'di male-late sa klase, or makapag-aral pa sa susunod na exam, o kaya siguraduhing tumae muna bago umalis ng bahay. I know. Taga-UP siya pero he's not that smart. Buhangin, oras, kahirapan. Literally Prince of Persia, but Pinas.
Pero noong mga panahong 'yon, inisip ko kung ano yung magiging alas ng librong 'to sa "Perks of Being a Wallflower", o kaya "Twilight". Wala akong mga bampira at 'di ko naman kayang i-afford si Logan Lerman bilang book cover. Syempre, kakailanganin natin ng mga magbabasa nito kahit na 'di ko naman ninais n'on na "dapat mabasa ng lahat 'to." Ewan, mas gusto ko kasi ng mas maliit na grupo ng readers na magsasabi ng "Haha, what was this guy thinking fuckin' dumbass" kapag may katangahang ginawa yung bida tapos ise-send nila sa messenger/tumblr ko 'yung reaction. That would feel nice. Pero ok nasa-sidetrack tayo, balik sa topic.
Ganto dapat 'yung magiging format ng libro. Ready ka na ba?
PAATRAS YUNG BILANG MGA CHAPTERS.
Pero hindi siya straightforward na "30" tapos "29" yung kasunod. Hindi rin nakalagay 'yung word na chapter. Basta number lang siya sa isang blankong papel. Magsisimula siya sa isang napakataas na numero hanggang sa umabot sa 1. Halimbawa, yung pinaka-unang chapter ay 423412312 pero in words. Sa una, iisipin ng mambabasa na "huh, ano 'yon?" Tapos tutuloy na lang sila sa susunod na kabanata. So nag-eenjoy sila. Tapos 'di nila mapapansin na pababa nang pababa 'yung number.
Tapos pagdating sa second to the last chapter, 120 or 60 na lang yung number.
Tapos habang binabasa nila yung maikling chapter na 'yon. Saka nila maco-correlate na 'yung numbers pala ay equivalent kung gaano pa katagal yung buhay ng bida.
Ang twist kasi ay, although may godlike powers ang bida natin, pabawas nang pabawas yung life span niya habang ginagamit niya 'yung abilities niya. And habang nagpo-progress 'yung books mahahalata rin ng mambabasa na parang nagkakasakit 'yung bida. Lalabas 'to pero small hints lang na parang 'yung hagdanan niya palagi niyang inaakyat, parang nararamdaman niyang mas nakakahingal.
Tapos heto pa. 'Yung second to the last chapter, equivalent lang sa 60-120 seconds reading time. Ganto 'yung context bago yung 2nd to the last chapter.
3rd to the last chapter:
Kumbaga, may plano yung bida na magpro-pose sa kasintahan niya kaya may pupuntahan sila. Pero sa kasamaang palad, maaaksidente 'yung bida at 'yung love interest niya (na syempre foreshadowed din kasi 'yung pinakaunang sentence sa libro is dine-describe ng bida kung bakit ayaw niya sa mga Fortuner na puti ewan para sa poetic lang na 'yung pinakaayaw pa niya yung magiging undoing niya). Tapos, dahil alam ng bida at ng mambabasa na mamamatay na siya kapag binalik niya 'yung oras, medyo suspense na talaga. Ano ba 'yung desisyon niya? Ibabalik ba niya? And kung oo, sa punto ng buhay niya ibabalik? Tapos *snap*.
2nd to the last chapter:
Number: Animnapu or Isang daan at dalawampu
De-describe ng bida 'yung scene. Mainit, maraming tao. Mahaba 'yung pila. Kukuha ng form 5. Familiar na 'yung mambabasa at 'yung bida dito sa scene na 'to kasi heto rin yung isang scene sa 2nd chapter ng libro. Pero imbes na mga random descriptions ng mga tao 'yung ide-describe niya, mga pangalan ng kaibigan niya 'yung mga sasabihin niya. Gets? Kasi kilala na niya 'yung mga taong 'yon. Tapos, magegets din ng mambabasa na "Ah puta mga kaibigan niya pala 'yung mga 'yon pero since di niya pa sila kilala at that point, dine-describe lang niya yung mga ginagawa nila. Balik nga ako sa chapter N here para ma-check." Apat 'yung kaibigan niya, and as fate dictated, nandun din pala sila sa pila. Yung dalawa sa kaibigan niya, magkapatid na lalaki at babae. Sa huling timeline (bago siya magsnap sa 3rd to the last chapter), namatay 'yung babae dahil sa isang krimen.
Tapos dito rin sa scene na 'to 'yung first interaction niya sa magiging love interest niya. Nabangga nung girl yung bida tapos nalaglag yung mga dala niyang papeles tapos nagpa-sorry tapos may familiar look 'yung babae na parang "have we met before?".
Unting-unti manghihina 'yung bida, kaunting luha. Tapos pipikit na 'yung mata niya.
Heto 'yung huling mga linya ng kabanata:
Siguro, mabuti nang ganito 'yung kinahantungan nating lahat. Hindi ako nagsisisi na tanging mukha mo at 'yung nakakunot mong noo 'yung huli kong makikita. Sobrang init talaga dito no? Parang ang sarap matulo.
Last chapter.
Number: Isa
Inaantok na ako.
Wakas.
---
Gets ba? 1 kasi isang segundo na lang pala bago siya baiwan. Isang segundo rin kailangan mo para basahin 'yan. Hindi ko ilalagay na explicitly siyang mamatay for dramatic flair. Gusto natin pagkatapos magbasa ng mambabasa, ibaba niya yung libro, tapos sasabihin niya "Damn," tapos is-search niya yung pangalan ko at makikita niya yung account ko sa linkedin tapos sasabihin niya, "Ay weh, software engineer pala 'to?" o kaya is-search niya "Is Alex Alexanderson dead?" tapos ang google quick result sasabihin na "The author did not explicitly state that he died but based from his conditions, it was heavily implied that he did."
Either of the two, that's good enough for me.
Hindi ko 'to tinuloy kasi dahil sa mga iilang dahilan-
Hindi ko gusto yung tagalog na translation ng "snap".
Nawalan ako ng motivation dahil sa mga pangyayari nung undergrad ako tapos dinahilan ko na lang 'yung pagpanaw ng tita ko para masabi na valid 'yung rason ko. Ba't ko ginawa 'yon? Hindi ko rin alam.
Anyway, ayon lang. Matagal ko na 'tong kinikimkim talaga. Hindi ko alam kung may kapareho na siyang plot or anything pero 2008-2013 ko pa yata 'to pinag-iisipan.
Heavily inspired din talaga 'to sa mga games at mythology shit na binabasa ko na related sa oras. Kronos, Prince of Persia. Tsaka sa sobrang romanticized understanding ko ng pagmamahal nung bata pa ako. Extremes talaga like martir puta 'di ko nga alam ba't ganon ako pero it is what it is.
Hindi ko alam kung isusulat ko pa 'to. Pero gusto ko lang din sanang malaman kung maganda ba 'yung prompt or nagm-make sense ba siya sa inyo. Let me know, please. Para alam ko kung delulu din ako or what.
By the way, isang fun fact about me, kapag nagsusulat ako, pinakauna kong sinusulat 'yung last line or yung ending. So 'yung "Inaantok na ako." na linya, matagal na siyang nabuo bago pa 'yung storya. Yung ibang lines na naisip ko is "At pagkatapos non, tapos na". Pero gusto ko sanang gawing galing sa perspective talaga ng bida. Kaya ayan.
2 notes · View notes
avrillaignee · 2 months
Text
It’s more fun in Boracay!
Ang Boracay ay isa sa mga pinakasikat na destinasyon sa Pilipinas, kilala ito sa kaniyang puting buhangin, at maraming aktibidad na inaalok para sa mga turista. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Aklan at kadalasang binibisita ng mga lokal at dayuhan.
Agosto 29, 2023.
Tumblr media
Sa araw ng aming paglalakbay, kami ay nagising nang maaga upang hindi ma-late sa aming flight, dahil alam naman nating lahat, ang oras ng mga Pilipino ay laging maaga. Nagsimula kaming umalis ng alas-kwatro ng madaling araw mula sa Balanga patungong Clark International Airport. Pagdating namin, kumain muna kami ng almusal at naglibot sa paligid ng paliparan.
Sa pagpasok namin sa eroplano, nakaramdam ako na para bang sumakay ka lang ng bus ngunit mas malaki at mas organisado. Ang mga stewardess ay napakaganda at napakabait, talagang nakakatuwa. Sa pag-angat ng eroplano, kinuhanan namin ito ng litrato at sa wakas ay nakapagpahinga kami nang kaunti habang nasa biyahe.
Tumblr media
Sa aming paglalakbay patungo sa hotel, labis ang pagpapatawa sa amin ng drayber dahil sa mga kwento nito tungkol sa Boracay. Binigyan niya kami ng maikling paglilibot at ipinakilala sa amin ang mga lugar na maaaring puntahan kung nais naming maglibot.
Pagdating naman namin sa hotel, nagpalit kami ng aming kasuotan upang makapagkuha ng mga litrato sa labas. Kahit malakas ang hangin, napakaganda pa rin ng tanawin. Maraming tao ang nag-aanyaya sa amin na subukan ang kanilang mga pagkain at mag-enjoy, ngunit tumanggi kami at naglibot sa paligid.
Tumblr media
Sa gabi, muli kaming nagpalit ng aming kasuotan at dinama ang ganda ng tanawin. Maraming propesyonal ang nagsasayawan gamit ang apoy at ang mga tao mula sa iba't ibang lugar. Kumuha rin kami ng mga litrato ng magagandang tanawin at inikot ang buong beach.
Labis ang tuwa ng aking puso sa mga tao na nadadaanan ko. Abot langit ang kanilang mga ngiti na para bang sila ay malalapit sa amin. Napakaraming turista at talaga namang makikita mo sa kanilang mga mata ang kasiyahan at kung gaano nila kagusto ang lugar.
Tumblr media
Agosto 30, 2023.
Kinabukasan, tinanghali na kami ng gising dahil sa pagod mula sa pag-ikot sa lugar. Pagkatapos, tumawag kami at nagrenta ng isang tour guide upang maglibot sa Boracay. Sa wakas, nasubukan ko rin ang crystal kayak na pinag-uusapan ng lahat sa internet. Nakakatuwa ito ngunit medyo nakakatakot.
Sa mga aktibidad na aming nasubukan, ang pagsakay sa crystal kayak ang pinaka nagustuhan ko. Isa ito sa mga bagong karanasan na aking nagustuhan sa buong buhay ko. Matagal ko nang inaasahan na masubukan ang aktibidad na ito. Kahit nakakapagod ang paglalakad, sulit pa rin ito.
Tumblr media
Sinulit namin ang huling gabi ng aming pananatili sa Boracay. Inikot namin ang buong beach kahit na nakakapagod ito. Bumili kami ng mga pasalubong at marami pang iba. Binisita rin namin ang mga lugar na nakikita namin sa internet at talaga namang totoo ang balita, maganda ito sa personal. Sa karanasan na ito, nakuhang mahumaling ulit ng aking puso sa isang lugar na talaga namang napakaganda.
Tumblr media Tumblr media
Sa kabuuan, lubos kong itinamasa ang kagandahan ng Boracay. Sa loob ng dalawang araw, naramdaman ko ang kapayapaan at kagandahan ng lugar na iyon. Minahal ko ang bawat aktibidad at kasiyahan na naranasan ko. Tiyak na irerekomenda ko ito sa lahat ng tao.
Mensahe para sa aking minamahal, aking Aly: Balang araw, dadalhin kita sa Boracay, sa lugar kung saan ako ay nakakaramdam ng lubos na kaligayahan. Pakatatandaan mo, walang katumbas ang kapayapaan at kasiyahang hatid mo sa akin kumpara sa anumang nadama ko sa lugar na ito. Naniniwala ako na ang Boracay ay isang pook ng kaligayahan, ngunit mas naniniwala ako na mas magiging masaya ito kung kasama kita, ang aking pinakamamahal. Sa huli, ikaw at ikaw pa rin ang lugar na natatangi at hahanap-hanapin ko.
#Boracay #ItsMoreFunInBoracay
2 notes · View notes