Tumgik
soapermaryow · 5 months
Text
past my prime. eto na yon. ganito nalang ako
0 notes
soapermaryow · 5 months
Text
aida 2019
hindi na bago sa akin ang lungkot mula pagkabata magkasama na sila ng takot na yumayakap sa akin gabi-gabi habang nanginginig ang mga labi
dahil maririnig ko na naman ang sigawan aalingawngaw ang bangayan sa ilalim ng kumot ako magtatago baka masalba ako sa nagliliparang plato
ikaw ang nagsabi sa akin hindi lahat ng bagay iniiyakan pero bata ako, bakit kailangan kong maging matapang?
kaya noong nawala ka maski naghihingalo ka sa mga bisig ko ay hindi ako umiyak
walang luhang tumulo nung libing mo, sinabihan nila ako bakit hindi ka umiiyak?
pero umiiyak ako ngayon umiyak ako noong eksaktong isang buwan mula nang mawala ka
umiyak ako nung gabi habang nililinis ang kwarto mo
umiyak ako noong tulog na ang lahat umiyak ako no'ng wala nang makaririnig umiyak ako nang walang nakakakita
umiyak ako nang palihim
umiiyak ako ngayon sana yakapin ako ng hangin ---bagay na hindi mo nagawa.
Tumblr media Tumblr media
9 notes · View notes
soapermaryow · 5 months
Text
aida 2019
hindi na bago sa akin ang lungkot mula pagkabata magkasama na sila ng takot na yumayakap sa akin gabi-gabi habang nanginginig ang mga labi
dahil maririnig ko na naman ang sigawan aalingawngaw ang bangayan sa ilalim ng kumot ako magtatago baka masalba ako sa nagliliparang plato
ikaw ang nagsabi sa akin hindi lahat ng bagay iniiyakan pero bata ako, bakit kailangan kong maging matapang?
kaya noong nawala ka maski naghihingalo ka sa mga bisig ko ay hindi ako umiyak
walang luhang tumulo nung libing mo, sinabihan nila ako bakit hindi ka umiiyak?
pero umiiyak ako ngayon umiyak ako noong eksaktong isang buwan mula nang mawala ka
umiyak ako nung gabi habang nililinis ang kwarto mo
umiyak ako noong tulog na ang lahat umiyak ako no'ng wala nang makaririnig umiyak ako nang walang nakakakita
umiyak ako nang palihim
umiiyak ako ngayon sana yakapin ako ng hangin ---bagay na hindi mo nagawa.
Tumblr media Tumblr media
9 notes · View notes
soapermaryow · 5 months
Text
hangin
naramdaman ko ang ihip ng hangin mula sa siwang ng bintana na sa sobrang luma ay di na magawang maisara nang maayos. malamig ang hangin sa baguio. dagdag pa ang panaka-nakang pag-ulan ngayong gabi. makapal ang hangin, mabigat, nakakalungkot. naisip ko, baka dala nitong hangin ang lungkot. baka mula sa malayo, may taong umiiyak dahil sa hindi rin malaman na dahilan at ang mga luha niya ay tinuyo nitong kaparehong hangin na dumadampi sa balat ko, ipinipasa sa akin ang pilit tinatakasang lungkot. at wala akong magawa kundi tanggapin ito. pero hindi ako iiyak. hindi na ako iiyak. hindi na ako luluha para lang tuyuin ito ng hindi makita-kitang hangin. pipigilin ko ang hikbi para ako na ang huli, para hindi na bumigat ang hangin, para naman makapaglakbay ito nang walang dalang bagahe mula sa iba kundi tanging bitbit lang ang bagahe niya. para sa matiwasay na paglalakbay---paghahanap ng espasyo sa mundo.
2 notes · View notes
soapermaryow · 5 months
Text
kung hindi madali ang mahalin ako, pipiliin mo pa rin bang mahalin ako?
0 notes
soapermaryow · 6 months
Text
Tumblr media
5 notes · View notes
soapermaryow · 6 months
Text
Tumblr media
dahil nawalan ng kuryente...
2 notes · View notes
soapermaryow · 7 months
Text
dalawang buwan
minsan, kailangan ko lang marinig ang boses mo. kapag kailangan kong maramdaman ang init na sa sinag ng araw ko lang nahahanap noon. sa tuwing gusto kong damhin ang kaginhawaan mula sa maaliwalas na simoy ng hangin. sa mga pagkakataon na tumatalon ang puso ko dahil sumakto sa aking balikat ang paglaglag ng nalalagas na dahon; na parang pinili nitong sa akin pansamantalang humimlay mula sa nakakapagod nitong paglambitin sa sanga ng puno. minsan, kailangan ko lang marinig ang boses mo para ipaalala sa akin na ang mahalin ka ay hindi nalalayo sa inosente kong pagmamahal sa kalikasan, sa mundo. na sa likod ng panganib, at ilang madidilim na bahagi nito ay mananatili ang init mula sa sinag ng araw, ang maaliwalas na sinag ng hangin, at ang pagpili sa akin ng dahon. ang boses mo ay magkasabay na kapayaan at kasiglahan. sana kaya kong gamitin ang sarili kong boses para masabi sa iyong: ang mahalin ka ay lubos na nahahawig sa pagmamahal ko sa kalikasan, sa mundo, sa buhay.
1 note · View note
soapermaryow · 7 months
Text
ngayon lang ako nahirapan magsinungaling. hindi okay. walang okay. putanginang yan.
0 notes
soapermaryow · 7 months
Text
i dont like to feel real im not real im not real im not real pls stop
0 notes
soapermaryow · 7 months
Text
repeating “my love is mine all mine” everyday in the mirror like an affirmation
12K notes · View notes
soapermaryow · 7 months
Text
may mga pagkakataon na wala akong ibang nararamdaman kundi ang nagbabadyang pagguho ng mundo. naririnig ko ang nagbabagsakang gusali at ang agos ng naglalakihang alon. binabaha ng mga ideyang ito ang isip ko, nilulunod ang katotohanang buhay pa ako at may dahilan pa para mabuhay. ngayong gabi pipiliin ko ang pagharap sa gumugunaw kong mundo. nandyan ka, pero mag-isa ako. hindi na nawala ang pakiramdam kong palagi akong mag-isa. hindi nabawasan maski nang dumating ka. mahal kita, pero mag-isa pa rin ako. pasensya ka na. ako pa rin ang hihingi ng pasensya.
0 notes
soapermaryow · 7 months
Text
sa unang isang buwan na dinikta ng pormalidad
sinong mag-aakalang perpekto ang kombinasyon ng boses mo at ang pagsabay ng walang tigil na busina at nakakairitang ingay ng tambutso na umaalingawngaw sa kabilang linya ng telepono? maniniwala ka ba kung sabihin ko na hinehele ako ng mga inipon mong kwento maski na katulad ito ng sala-salabit na trapiko sa kamaynilaan na siyang binabagtas mo? aaminin ko na, kung saan-saan tumatawid ang bawat maisipan mong sabihin sakin ngunit lahat sila ay nagtatagpo sa interseksyon ng kagustuhan mong mapasaya ako. sana alam mo, panatag ang loob ko sa tuwing nararating mo ang bawat destinasyon nang ligtas. At sana alam mo, na katumbas ng pananahimik ko ay ang kapayapaan na dala ng pagmamahal mo. alam mo ba, gusto ko ang palagian mong paniniguro kung nasa kabilang linya pa ako; parang bata na natatakot maiwan sa kalsada at sisilay ang ngiti kapag narinig na muli ang boses ko. ayoko sa rehistro ng boses ko sa telepono, at totoong hindi ko na gustong mabuhay noon, pero dahil sa'yo, natutuhan kong bigyang espasyo ang sabay kong pagkatuto kung paano ka mahalin at ang sarili ko.
2 notes · View notes
soapermaryow · 8 months
Text
i get why deer run in front of cars
19K notes · View notes
soapermaryow · 8 months
Text
ivan,
alam mo ba na blangko ang langit sa paningin ko bago ka dumating?hindi sa wala akong nakikita sa tuwing tumitingala ako para tanawin ito, ang sinasabi ko lang ay nadagdagan ang mga bituin na nagniningning dito mula nang makilala kita. nabawasan ang mabibigat na ulap at hindi nalang basta dilim sapagkat kahit papaano'y ipinakilala na rin nito ang bughaw niyang sarili. ang sasapat na katwiran sa madalas kong pagtanaw rito ay dahil ikaw ang naalala ko sa tuwing sisilay ang liwanag nitong taglay. aaminin kong nakakatakot ang katotohanang napakalaki ng langit gaya ng pagmamahal mo pero sino ako para tanggihan ang 'di masukat na pag-ibig? sino ako para iwasan ang napakalaking pagmamahal na kayang balutin sa pagpapahalaga ang munti kong pag-iral? hindi ko alam ang pakiramdam na humawak ng ulap pero malakas ang kutob ko na singsarap nito ang yakap mo. hindi pa ako nakalilipad sa himpapawid pero hindi na ako magdududa kung minsan isang araw lumipad ako at ang tanging maalala ko lang ay ang pakiramdam nang unang dumampi ang labi mo sa labi ko. at kapag sinabi kong mahal ko ang langit at naaalala kita rito, kalakip nito ang pangako na kahit sa mga oras na madilim ito at walang ibang kayang ibigay kundi mabibigat na ulap at naglalakasang ulan ay patuloy kitang gugustuhin. kung sunod-sunod man ang mga bulalakaw na babagsak sa kalangitan, nais kong alalahanin mo na walang sawa, paulit-ulit, lagi't laging ang hiling ko ay ikaw.
1 note · View note
soapermaryow · 9 months
Text
who else is afraid it’ll feel this way forever!
1K notes · View notes
soapermaryow · 9 months
Text
Hindi ko kabisado ang alpabeto ng pag-ibig. Hindi gamay ng bibig ko ang wastong bigkas sa mga salitang makapagpapadama sa’yo na mahal kita at mahalaga ka. Matagal na mula nang maglaho sa bokabularyo ko ang pagmamahal at marahil wala na ito sa pansariling diksyunaryo ko sa isip. Nasanay na ako sa mga salita ng paalam at pag-iwan kaya naninibago ako sa tamis ng pangako ng pananatili. Hindi ko alam kung paano masusuklian ang malumanay na pag-intindi dahil nanggaling ako sa gulo at sigawan na bunga ng kaunting ‘di pagkakaintindihan. Wala na sa mga kamay ko ang mapa ng pasikot-sikot na distrito ng pag-ibig kaya pasensya ka na kung may mga pagkakataon na maliligaw ako. Ignorante akong turista sa bayan ng pagmamahal mo; hindi sigurado sa mga hakbang, nagdadalawang isip sa bawat liko at natatakot sa posibilidad ng pagbubukas ng mga bagong kalsada at daan. Sa kabila nito, maski binabalot man ng kaba ang puso ko, lalandasin ko ang tulay mula sa matagal kong pag-iisa patungo sa’yo. Aaralin ko ang wika mo, kakabisaduhin ang metapora ng pag-ibig, at aalamin ang bawat bahagi ng iyong pananalita. Kikilalanin kita nang paulit-ulit hanggang sa makabisado ko ang alpabetong bumubuo sa’yo at sa pag-ibig mo. 
2 notes · View notes