Tumgik
herajishioka · 2 days
Text
ganito pala ang pakiramdam na magkagusto sa kapit-bahay. nakagagana lumabas at maglakad-lakad. kuntento na sa pasimpleng pagsulyap sa tuwing nadadaanan ko ang bahay niyo. umaasa na kahit sandali ay masilayan ko sa bintana ang mukha mo. pabor na nga sa akin na mautusan akong bumili sa tindahan. nagbabaka-sakali lang naman na makasalubong kita sa daan. tangina. ang hirap humanap ng tiyempo na magpakitang gilas sa taong sobrang bihira lumabas.
hayaan mo. sa ngayon, magkapit-bahay lang tayo pero sa susunod, nasa iisang bahay na tayo.
0 notes
herajishioka · 2 days
Text
hindi na bago sa akin ang masabihan na "kuripot". ultimo kahit para sa sarili raw ay para akong nagdadamot. pero sa totoo lang, kung bibigyan ako ng pagkakataon kung saan hindi ko na kailangan magbilang, magsukat, at magtantiya upang pagkasiyahin ang pangangailangan ko sa pang-araw-araw at susunod na buwan, ibibigay ko ang lahat para sa sarili ko. kung hindi lang kakarampot ang natatanggap ko, hindi ko rin naman pipiliin na pagdamutan ang sarili ko. magkaiba ang nagtitipid kahit may sobra sa taong may kailangan tantiyahin dahil iyon lang ang kinaya.
hindi ako kuripot. mahirap ako.
0 notes
herajishioka · 17 days
Text
noong una pa lang ay binalaan niya na akong mahirap siyang mahalin pero ni isang beses ay hindi ako gumamit ni katiting na lakas para mahalin siya. gusto kong iparamdam sa kaniya na kasing dali ng paghinga ang mahalin ang isang katulad niya.
1 note · View note
herajishioka · 17 days
Text
kapag nakatikim ka na ng kaunting pag-asa at pinalasap na sa 'yo ng buhay ang tunay na kasiyahan, saka mo lang maiisip na isang pribilehiyo ang matakot kay kamatayan.
1 note · View note
herajishioka · 17 days
Text
hindi naman pala lahat ng paalam ay nakalulungkot. hindi rin lahat ng paalam ay katapusan. minsan, kailangan mong magpaalam upang makapagsimula muli.
nagpaalam na ako kay kamatayan.
1 note · View note
herajishioka · 21 days
Text
madalas man mawalan o maubusan ng tinta ang pluma, hindi panghabambuhay ang pagkawala ng gana sa literatura
kailangan namin ng maraming katulad mo.
1 note · View note
herajishioka · 22 days
Text
to be loved is to be understood
hindi naman porket maraming tao ang hindi ka maintindihan ay ibig sabihin mahirap ka nang intindihin. may mga taong kabisado ang iyong pagtahimik at hindi pag-imik. para sa kanila, isa kang paboritong lugar na alam ang kasulok-sulukan at kaibuturan ng iyong pagkatao. para sa kanila, para kang libro na paulit-ulit nang nabasa at kaya kang basahin gaya ng pagbasa nila sa abakada. para kang isang lenghuwahe na madalas nilang bigkasin ngunit hindi pamilyar sa iba. para sa kanila, isa kang kape tuwing umaga. hindi na kailangan tingnan ang sangkap dahil kabisado na nila ang tamang timpla. kaya kung iisipin mo na hindi ka naiintindihan ng iba, mayroong tao na kabisado ang iyong bawat pagbuntong-hininga.
1 note · View note
herajishioka · 22 days
Text
i'd rather be dead than have somebody love me that way
kaya kong magmahal ng tao nang higit pa sa sarili ko pero kaya ko rin silang iwan sa oras na maramdaman kong kaya nilang lagpasan ang pagmamahal na mayroon ako. hold me, but not so tight. mahalin mo ako, pero huwag 'yung sobra. mahalin mo ako sa paraang hindi sobrang sakit ang magiging dulot sa 'yo ng pagbitaw ko. hindi kasi ako komportable sa anumang klase ng pagmamahal kaya pagtulak papalayo ang palagi kong tugon. masaya akong malaman na ako lang ang gusto mong makasama sa hinaharap pero pakiusap, burahin mo na ako sa mga plano mo. as nice as it sounds, i don't wanna marry. i'm sorry to say that i'll never get married. takot akong makilala nang lubusan. takot akong malaman mo na sa pagsabotahe ng relasyon lang ako magaling. marahil hindi ako sanay na alayan ng malalim na pagmamahal dahil alam kong hindi ako handang sisirin ang kailaliman at malunod sa nag-uumapaw mong pagsinta. 
i'd rather be dead than have somebody love me that way.
1 note · View note
herajishioka · 22 days
Text
masakit din pala magluksa sa buhay.
sensitibo ako pagdating sa pagbabago kaya mabilis kong mapapansin ang pagbabago pagdating sa tono ng boses, sa pisikal na kaanyuan, sa ugali, at sa kung paano ako tratuhin. akala ko noon, takot ako sa kung paano magbago ang mga tao. buti na lang naisip kong iyon ang pinaka-normal na pangyayari sa buhay dahil hindi pwedeng habambuhay kang mananatili sa kung ano ka ngayon. depende na lang kung magbabago ka sa nakabubuti o nakasasamang paraan. saka ko lang naunawan na ang kinatatakutan ko ay ang pagbabago ng nararamdaman ng tao sa'kin. nakatatakot isipin na kahit gaano ka man kamahal ng isang tao, pwede itong magbago sa isang iglap…
   mas maraming beses kang magluluksa sa buhay kaysa sa patay. dahil ang patay, isang beses lang pinaglalamayan. ang buhay, ilang beses kang magluluksa at maraming beses mong paglalamayan ang mga bersyon nilang namatay na.
1 note · View note
herajishioka · 22 days
Text
"Kayong mga lalaki na pinanganak na may mga titi ngunit walang mga bayag, walang pinagkaiba ang mga titi niyo sa baril. Parehong delikado, parehong pumuputok. Nakabubuhay man ng isang nilalang, pero marami nang pinatay na pangarap."— Hera Jishioka.
2 notes · View notes