Tumgik
rigorpauljohn · 11 years
Text
seven hundred thirty days.
Ang bilis lumipas ng araw. Hindi ko napapansin na ang dami na palang nagbago at ang dami na palang nangyari. Pero sa lahat ng nangyari hindi ko man lang naisip na isa ka sa mga bagay na yun. 
Last Saturday night nagulat na lang ako sa balitang natanggap ko. Kung hindi ko pa natext ung tropa hindi ko alam na ganun na pala ung nangyari ng hindi ko nalalaman. Inisip ko pa naman na kung may mangyari man, isa ako sa mga unang makakaalam pero ako pa yata ung nahuli.
Alam kong hindi tayo ganun kaclose kahit lagi tayong magkasama. Ikaw kasi ung palaging naasar at napipikon sakin. Bunso ka sa tropa natin kaya ganun ka na lang namin pagalitan pag may mali kang nagawa. Ikaw kasi ung tipo na pagbiniro hindi ka makakatulog hanggat hindi ka nakakaganti. Pero isang katangian mo lang ung pinakamaganda dun. Panay tawa ka lang, kung makatawa ka parang wala nang bukas, kahit na wala naman talagang nakakatawa.
Mahigit dalawang taon na kong hindi nakauwi. Ang daming araw na ang lumipas at nadadagdagan pa. Pero sa tagal nang panahon na yun, hindi man lang sumagi sa isip naming lahat na ikaw mismo ang kikitil sa sarili mong buhay. Hindi namin alam ang dahilan mo at kahit kelan man hindi na namin yun malalaman pa. Sana naging masaya ka naman sa desisyon mo at nirerespeto namin yun. Pero dapat hindi ka naging makasarili. Pareparehas naman tayong may problema. Pareparehas naman tayong nahihirapan matulog sa gabi kasi iniisip natin kung anung mangyayari bukas. Wala na kaming magagawa. Tapos na eh, wala ka na. Tanggap na namin na kulang na kami ng isa. Iilan na nga lang tayo nabawasan  pa. At ngayon pareparehas tayong nawalan.
Nagpapasalamat parin ako sayo kahit na ngayon naaasar ako sayo. Lilipas din to. Paguwi ko pupuntahan na lang kita at dun ako tatambay sa lugar mo. Salamat sa lahat-lahat at hindi ko na kailangan sabihin sayo at alam mo na yun. Sana masaya ka ngayon kung asan ka man. Hahanap-hanapin ko ung pangugulit mo, pang-aasar mo at wala nang sasakay sa motor kasama ko. Naalala ko tuloy nung nadisgrasya tayo at kasama ka sa mga remembrance ng peklat ko. Tapos na yung paglalakbay mo at hindi ka nagtagumpay. Dapat kasi hindi ka sumuko at lumaban ka lang. Mabuti hindi mo ginamit ung Araw ng Kalayaan nung ginawa mo yung kalokohan na yun. Salamat talaga kasi ang dami kong narealize dahil sayo. Salamat at paalam. 
0 notes
rigorpauljohn · 11 years
Text
Long time no Tumblr. :)
2 notes · View notes
rigorpauljohn · 11 years
Text
#Leo’s can give more love than they receive. Just don’t let them feel overly used, otherwise it’s over.
— Xstrology™ (@XSTROLOGY)
May 14, 2013
1 note · View note
rigorpauljohn · 11 years
Text
I can fail before I ever try.
I try to write it out and I am not sure what I can recall. I can't tell if this is memory or just a story telling now. Everything happened in a blink of an eye. I am clueless of what is happening here and the worst thing is I am just the only one affected. If this is ever meant to end, I am looking forward it ends where it began. Sitting here locking my hands behind my head is not easy. Trying to understand that there is an old mistake that only fool can make. My body needs a reason to cross that line to end this storm in front of me. Please wake me up, I don't know if this is real or just a dream. I can't even see my trails behind me to find my way back. The only option is to moved forward and find the solutions. Hoping that I can find it along the way, I won't turn back. Even though its a long way down, I won't fall apart. Making this choice is easier said than done. 'Cause you will be somebody's girl and you will keep each other warm but tonight I am feeling cold. Don't worry I can recover quickly and I'll convince you soon that I am fine.
0 notes
rigorpauljohn · 11 years
Text
Nasanay lang talaga ako ng ganun kaya ngayon alam ko na kung ano ung kulang. :)
0 notes
rigorpauljohn · 11 years
Text
Ang dami na palang nangyari pagkalipas ng isang taon.
0 notes
rigorpauljohn · 11 years
Text
May mali talaga.
Matagal na rin bago ulit ako nakaramdam ng ganito. Ibang-iba to sa mga nangyayari dati sa normal na araw ko. Ung pakiramdam na hindi ka mapakali sa hindi mo alam na kadalilanan. Hindi naman ako ganito dati eh. Dati pag gusto kong matulog nakakatulog kaagad ako. Mapapansin mo na lang na umaga na pala. Ngayon paikot-ikot lang ako sa higaan ko. Ung tipong parang may kulang talaga. Bakit pa kasi nakita kita? Edi sana kung hindi kita nakita hindi sana ako nagkakaganito. Sana ngayon masarap na ang tulog ko, sana tumutulo na yung laway ko sa unan, sana wala na akong ubang iniisip at sana hindi na ako nagigising upang isipin ka, kung nasaan ka at kung ano ang ginagawa mo ngayon. Napakatanga ko kasi eh. Dapat pala dati pa lang sinara ko na lang to para ngayon wala na akong pinoproblema. Wala naman akong ibang masisisi kasi sa umpisa palang kasalanan ko na talaga. Narealize ko lang na mahirap pala talagang matulog pag may nakita kang ipis sa na pumasok sa kwarto mo. Napakahirap talaga.
1 note · View note
rigorpauljohn · 11 years
Text
Carousel.
Which one is right and which one is wrong? It's hard to make a decision and be misunderstood. And if I could just realize that it doesn't really matter. Its my mind which is running in reverse. I am struggling with my thoughts, trying to read between the lines to figured out everything and change the locks inside of my head. Would you believe me if I said that I am tired this. I dont even know when will this end. It just goes on and on. I never thought that I will end up like this. I guess I was wrong one more time. These things are just spinning around and it wont stop. I'm trying to forget my problems and ignore the headaches. I'm gonna take it all in a day and I'm gonna be fine.
1 note · View note
rigorpauljohn · 11 years
Photo
Tumblr media
15K notes · View notes
rigorpauljohn · 11 years
Text
Gusto ko lang talagang magsulat.
May mga bagay talaga na kahit anong mangyari sayo hindi ka lulubayan. Pwede nating sabihin na nakakalimutan mo yun pero pansamantala lang. Bago ka matulog at pagkagising mo sa umaga maiisip mo yun. Hindi man lang matapos ung araw mo nang hindi mo siya poproblemahin. Hindi ko rin alam kung bakit ako ganito. Kaya kong magbigay ng opinyon sa mga kaibigan ko pero pag ako na yung nasa sitwasyon parang ang hirap na mag-isip at magdesisyon. Kung iisipin mo lang parang ang dali lang pumili sa dalawang choices na meron ka pero pagnagkumpara ka na ng magiging resulta, iisipin mo na lang na mas maganda kung hindi ka na lang pipili. Ang problema naman pag wala kang pinili, parang hindi sayo mawawala naisipin pa rin ung bagay na yun. Kung pwede lang sanang ibaon sa lupa, edi sana ang lalim na nang nahukay ko ngayon.
1 note · View note
rigorpauljohn · 11 years
Text
Si Joanna ka ba?
kasi pagnakikita kita, I Joanna close my eyes. :)
1 note · View note
rigorpauljohn · 11 years
Text
...
Una sa lahat ayoko talagang isulat to kasi naasar lang ako pagnaiisip ko yun pero ito na lang siguro ang paraan para kahit papaano kumalma ako. Kailangan ko ding ilabas kahit konti. Parang gusto kong magwala na hindi ko maintindihan, Sa totoo lang kadarating ko pa lang sa bahay. Kung hindi lang ako papasok bukas parang ayaw ko pang umuwi. Gusto ko munang mapag-isa. Ung wala kang iisiping kahit ano. Bakit ako pa? At bakit ngayon pa? Parang wala nang nangyayaring maganda. Hindi man lang ako makapag-isip ng maayos para maayos to o wala na talagang paraan para maayos to. Ayokong maging sagabal to sa mga magiging plano ko at sana kung meron pa mangparaan dapat maayos na. Tama nga sila na minsan pagpalagi mong ibinibigay ang oras mo para sa iba darating ung oras na maiisip mo na wala ka na palang naibibigay na oras para sa sarili mo. Kung pwede lang sana pagkagising ko bukas, maayos na ang lahat.
2 notes · View notes
rigorpauljohn · 11 years
Text
122AM
Almost one hour na kong nakahiga sa higaan ko pero hindi parin ako makatulog. Ilang gabi na rin akong ganito. Parang meron bumabagabag sakin. Matagal ko  na ring pinag-iisipan ung tungkol sa bagay na yun. Pero nitong mga nakaraaang araw parang iba ung dating nito sakin. Bakit kasi ngayon ko pa to iniisip. Dapat dati palang kinalimutan ko na. Dapat ngayon mas focus ako sa review ko pero naguguluhan pa rin ako. Parang lahat ng nireview ko sa isang araw nawawala lahat pag-inisip ko yun. Siguro eto na yung tamang panahon para magdesisyon para sa bagay na yun. Pero parang hindi pa ko handa sa magiging resulta.  Hindi ko parin alam kung hindi pa ako handang gumawa ng desisyon o takot sa magiging resulta. Isang resulta na magbabago sa lahat.
0 notes
rigorpauljohn · 11 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1. Mark XLVII 2. Deep Space Armor 3. Hulkbuster 4. Heartbreaker 5. Ghost Armor 6. Stealth Armor 7. Hydro Armor 8. Hypervelocity Autonomous Personnel Protector 9. Godkiller Armor
1 note · View note
rigorpauljohn · 11 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
3 notes · View notes
rigorpauljohn · 11 years
Photo
Tumblr media
0 notes
rigorpauljohn · 11 years
Text
Bakit ang dami nila sa mundo?
Tumblr media
1 note · View note