Tumgik
#may doktora na sa pamilya
nice2meetyouu · 1 year
Text
Happy birthday to me.
[Long post about PLE]
These past few days, every time may "announcement" or mukhang importanteng notification na lumalabas, parang malalaglag na 'yung puso ko sa kaba. At some point, daig na daig ko 'yung nagkape sa pagpalpitate. At may point din na parang tumigil na lang talaga 'yung puso ko.
Kagabi, hinintay ko 'yung resulta ng exam. Sabi ko, para alam ko kung magcecelebrate ako ng birthday ko na masaya. 'Yung exam ay ginanap noong October 21, 22, 28 at 29, tapos bandang November 5, andami nang nagtatanong, "Kumusta? May resulta na ba?" Naloloka na ako sa excitement nila.
[Kaninang umaga ko 'to sinimulang i-type tapos andaming nangyari in between like mga tumatawag na kamag-anak at nagsundo ng kapatid, etc. so nakalimutan ko na 'yung sasabihin ko talaga.]
What a journey it has been!!! November 9 daw irerelease pero pumatak na ang 12 midnight, wala pa ring nangyayari. Nagkatawagan pa nga kami ng isang med friend hanggang past 1. Mga 2AM na ako nakatulog. 'Yun pala, 3AM banda lalabas 'yung resulta. Siyempre, naka-silent ang phone ko kaya missed call silang lahat. Nagising lang ako noong umaga kasi ang ingay ng nanay ko, "Pumasa ka raw!" Tapos ang bungad ng telegram sa akin ay messages na CONGRATS at 'yung screenshot na may pangalan ko.
'Yung utak ko at this point (bandang 5AM) sobrang "loading", hindi nag-sink in 'yung sinend na screenshot pero 'di ko rin na-search na 'yung listahan kaka-reply sa mga nag-message. Hahaha. Mas nag-panic pa mga magulang ko, sabi nga nila napanaginipan nilang hindi ako pumasa. Sabi ko, 'yan talaga ang nasa subconscious niyo eh. Nagdrama? Haha. Andami nang nangyayari sa paligid, andaming tumatawag sa nanay at tatay ko, hindi ako maka-keep up.
Pati sila, hindi na rin nakakilos nang maayos. Na-late sa trabaho 'yung tatay ko. Hahaha. 'Yung nanay ko hindi na nakaluto. Ang surreal ng feeling. 'Yung tatay ko hindi maka-move on sa "panghuhula" ko raw. Hindi raw ako makausap nang maayos nu'ng pagkatapos ng exam. Sila talaga 'yung mas anxious kaysa sa akin.
Ngayon, inaantok na ako, sa ibang post na lang 'yung iba kong feelings. I'm just so grateful right now.
17 notes · View notes
graceflorentino19 · 1 year
Text
Ang Kaalaman na Di Malilimutan Mary Grace S. Florentino
Tumblr media
Simula Nursery palang ako hanggang ako ay mag Grade 6 ay marami na akong natutunan. Mga kaalaman na hindi lamang purong patungkol sa academics, kung hindi na mga kaalaman na magpapayabong sa akin bilang isang indibidwal. Marami rin sa aking mga natutunan ay magagamit ko pagtungtong ko ng sekondarya. Mayroon akong mga pagkakamali na aking nagawa noon na aking pinagbuti at binagong itama para sa aking ikabubuti at ginawa ko ring inspirasyon upang pag igihan pa at maging mabuting tao. Kaya sana ay inyong basahin ang blog na ito ng mga karanasan at mga kaalaman na aking natutunan noong nasa elementarya pa lamang ako at mga nagtutulak sa akin sa pag aaral ng mabuti.
Nais kong magpasalamat sa mga guro kong nagturo sa akin mula Nursery, hanggang ngayon kasalukuyang Grade 6 student na ako. Sila ay laging masipag, mabait, pasensyoso, at higit sa lahat may pagmamahal sa estudyante habang nagtuturo ng buong puso. Pero higit sa lahat, gusto ko sanang pasalamatan ang aking mga magulang dahil sa mga sakripisyo nila at pagmamahal para sa aming pamilya, at kung hindi dahil sa kanila, hindi ako makakapag aral.
Tumblr media
Isa sa mga importanteng natutunan ko ay ang maging magalang at mapagmahal sa kapwa. Tumulong sa nangangailangan at maging mabait at masipag lagi. Wag ako magsisinungaling at matigas ang ulo. Marami din akong natutunan habang nasa elementarya ako, tulad ng mga tamang Grammar at English, pang-uri at pangngalan sa wikang Filipino, Math, Mapeh, Le/Ict, Araling Panlipunan, Cled, at Science.
Tumblr media
Pero ang pinaka importante at mahalaga sa lahat ay ang pagiging mabuting bata at maging mapagmahal. Maraming dahilan, mga bagay at tao na aking inspirasyon sa pagpupursige at pag aaral ng mabuti. Ang aking pamilya ang aking pinaka malaking inspirasyon upang mag aral mabuti, maliban sa kanila, meron din akong mithiin o pangarap para sa aking sarili. At iyon ay ako'y maging isang mahusay at matagumpay na doktora o Ceo! Mula bata palang ako, gusto ko nang maging isang magaling at mahusay na doktora, pangarap ko talaga iyon kaya nagpupursige ako sa pag aaral. Pero habang lumalaki ako at nadadagdagan ang aking kaalaman sa buhay, naging pangarap ko narin maging isang Ceo ng isang kumpanya, ang mga restaurant ng ibang mga kumpanya ay naging inspirasyon ko at nakuha ang aking interest sa entrepreneurship.
Tumblr media
Pagtungtong ko ng sekondarya alam ko na meron akong baon na sandatang mabibitbit para sa aking bagong laban na kakaharapin. Alam ko rin na napakaraming bagay pa ang aking matutunan habang umuusad ako sa aking buhay. Kung kaya, patuloy din akong magpupursige para sa aking mga mithiin di lamang para sa aking sarili, kung hindi pati na rin sa aking pamilya. Ito'y para rin sa aking pamayanan at kapwa. Ako'y patuloy na magsisikap upang matupad ang aking pangarap, at pag dating ng araw mapapasalamatan ko ang mga naging inspirasyon ko sa buhay.
Tumblr media
(Ctto of the pictures)
-Mary Grace S. Florentino from Mcs Grade 6-St. Francis Xavier
1 note · View note
Text
The Last Weekend
Dggggggggggghhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Dggggggggggghhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Dggggggggggghhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!Nakakatindog balahibo na tunog ng tambol na sinabayan pa ng mga torotot na tila ba'y nagsilabasan na ang mga trumpeta mula sa langit.Hindi mabilang na tao sa lugar ng San Sebastian na nagsisigawan ng Happy Fiesta!Happy Fiesta!
Ika Anim ng Hunyo idinadaos ng mga taga San Sebastian baranggay Mapino 147 street ang kanilang fiesta na ipinatupad ng kanilang punong baranggay na nagngangalang Roland C.Villamore na biniyayaan ng apat na supling na sila Tressa,Vince,James,at Luke.
Sa mga Espesyal na araw na lamang madalas magkakasama ang pamilya dahil meron na silang sariling pamilya at mga supling,maliban na lamang kay luke na bunso na nag aaral pa lamang hindi niya masamahan ang kanyang a dahil malayo ang kanyang paaralam sa kanilang bahay.
Si Elise Villamore naman ang pinakamamahal na asawa ni Rolando Villamore na pumanaw noong nakaraang taon lamang sa sakit na Diabetes.
Sa madaling salita nag-iisa lamang si rolando villamore sa kanilang bahay pagkatapos ang pasko at fiesta.
Si Tressa naman ay nakapangasawa ng isang Black American nagkakilala sila noong nagtrabaho si ellise sa america bilang isang Overseas Filipino Worker o OFW,biniyayaan sila ng dalawang munting prinsesa na nagmumukhang anghel kagaya ni Tressa.
Si james naman ay ikatlo sa apat na magkakapatid meron narin siyang sariling pamilya at may isang anak na lalake.
Si Vince naman ay pangalawa sa apat na magkakapatid merong deperensya sa ulo ngunit hindi yun naging hadlang para hindi siyamagkaroon ng pamilya dahil biniyayaan si vince ng magiging asawa at meron ng tatlong supling.
Ika Anim ng hunyo ng mag usap usap ang magkakapatidna surpresahin nila ang kanilang ama.Ako na bahala sa pagkain( na tila bang nagyayabang) sabi ni vince.Bandang alas 9 ng umaga pumunta si kapitan rolando villamore sa simbahan para magpasalamat dahil nadagdagan nanaman ang ang kanyang buhay,dahil mismong fiesta nila ay ang kanyang kaarawan.Agad nagmadali ang mga magkakapatid na mag ayos sa kanilang bahay at maghanea ng pakolo at ng gimik kung paano nila ito susurpresahin.Bandang alas dose ng tanghali ng pabalik na ang kanilang ama,ayos dito! ayos doon! na tila ba'y katapusan na ng mundo.
Hanggang sa humantong ang kanilang ama sa pintuan ng kanilang bahay.Happy Birthday and Happy Fiesta lolo! sigaw ng kanyang mga apo at niyakap nila itong napakahigpit.
at dahil nga kaarawan ng kanilang ama nakumpleto silang magkakapamilya sa bahay nila.Ika 8 ng hunyo ng umaga may naramdamant kakaiba na para bang dinapuan ng kakaibang sakit na halos hindi na makagalaw sa lamig at hindi narin makapagsalita.Agad itinakbo ng magkakapatid ang kanilang ama sa General Santos Hospital upang maagapan ang kanyang sakit lumipas ang anim na oras na panunuring doktor ibinahagi niya ang kanyang nalaman sa apat na magkakapatid at nagsisihan.
Vince- kasalanan mo to ate eh ikaw dapat nagbabantay kay tatay kasi ikaw ang nag iisang babae!!!
Tressa- bat ko naging kasalanan?!kasalanan ni papa kasi hindi niya inalagaan sarili niya.
James- at nakuhaniyo pa talagang sabihin sa harap ni papa?!
Tressa- bat ba kasi ako may kasalanan huh?!!(sigaw ni tressa)
Luke- tumigil na nga kayo!imbes na ipagdasal natin si papa nag away away pa kayo!ang tatanda niyo na!(d naka imik ang tatlong magkakapatid)
Doktor- may taning ang inyong ama,dalawang linggo na lamang ang natiturang buhay niya dito sa mundo.maaari niyo na siyang iuwi at sulitin niyo na ang bawat oras na kapiling siya(naka yokong sabi ng doktor).
Nag iyakanna ang mga magkakapatid sa tabi ng kanilang ama Pa! Pa! (sigaw ng apat na magkakapatid).
makalipas ang tatlong oras nagdesisyon na ang magkakapatid na iuwi na ang kanilang ama.
Yinaya magdasal ni luke ang kanyang tatlong kapatid para ipagdasal ang kaligtasan ng kanilang ama walang nagawa si Tressa kungdi sumama kahit na wala siyang paniniwala sa diyos.Halos tatlong oras silang nakapikit na nagdadasalna sana ay gumaling na ang kanilang ama.
Makalipas ang isang linggo nagsimula ng kabahan ang apat na magkakapatid halos hindi na makakain hindi na makatulog at wala ng nagagawa sa loob ng bahay kundi bantayan ang kanilang ama,lunes ng umaga ng may dumating na tawag mula kay doktora Lim.
Hello dok?(sagot ni james na natataranta)
oh hello james!pasensya nga pala sa nasabi ko nong nakaraang linggo nagkamali kasi ako ng nakuhang resulta walang taning ang inyong ama pasensya talaga.
Naku doktor!maraming salamat po!napakalaking himala ito!(sagotni james na tila ba nanalo ng loto sa saya)agad niya itong ibinalita sa kanyang mga kapatid at sa kaniyang ama.Agad silang nagpasalamat sa diyos at nagyakap yakap.
4 notes · View notes
Text
Sino ako sainyong paningin?
Sino ako? Sino ako sainyong paningin? Nakilala ako bilang masiyahing bata ngunit sa ibang tao isang maarteng bata at walang alam sa mundo. Pamilya at ang mga kaibigan ko lamang ang makakasagot iyan.
-Ako pa lang yung gising dito sa bahay kaya nakaupod muna ako. Simulan natin!!
Minsan hindi ko kilala ang aking sarili ito at lumalabas bigla-bigla ang ibang tao ang magsasabi na ganito ang iyong ugali magugular nalang ako sakaniyang sinabi. Ako'y isang babae na malambot ang puso kahir awayin mo ako ng ilang beses hinding hindi ako gaganti. Hindi ko alam kung bakit ganito kahit na masakit ang iyong sinasabi wala akong pake.. Minsan nagagalit rin ako pero pangmadalian lamang. Para akong pusa,diba ang pusa pag nakahuli jg daga kinakain pero ang pusang ito pag nakakita ng daga lalaruan lang. Ganito rin ako pag may umaapi laro-laro lang saaking isipan. Teka! Kakain muna ako.
Makalipas ang labing limang minuto
Nagbabalik!
Maraming pagkain ang bawal saakin kaya pag kumain ako ng bawal punta agad sa hospital para gamutin pero ingat doktora baka bawal rin yan na gamot. Eto pa! Gusto ko pumunta sa malayo pag malungkot ako kailangan sa may dagar para makahinga ng maluwag. Basta pag nakakita ako ng dagat ang saya saya ko yan. Syempre dito sa bahay bawal lumabas kaya musika ang nagpapasaya.
Tumblr media
"May mga bahagi sa ating sarili na kaysarap ibahagi mga kaganapan na pumupukaw sa ating problema sa sarili kahit isang saglit qng nakamtam habang buhay naman sa nagbibigay nitong ngiti sa ating mga labi."
2 notes · View notes
graphicsanctuary · 7 years
Text
TANO SINGLE AKO?
Apat na taon na.
Apat na taon na palan akong arog kani.
Mamata, mapamahaw, makarigos, mabulos, macommute, matrabaho, mapangudto, matrabaho, mauli, makakan, ma edit, maturog, repeat.
Mamata, mapamahaw, makarigos, mabulos, macommute, matrabaho, mapangudto, matrabaho, mauli, makakan, ma edit, maturog, repeat.
O nahiling na nindo yan? magayunon ang sitema sa aro-aldaw na pagkabuhay.
Dae pa dyan kabali si photoshoot, makawat sa meta, hangout sa komentarista, ang pagkaulay sa mga tinanom ni mama,  ang pag download ning mga pelikula na nirerequest ni papa, pati ang pag intindi sa tugang ko na maki kpop saka oppa.
Sa pirang taong nakaagi iyo man giraray arog kang dati, May naghahapot, 'Mike, dae ka nasasawa na pirmi kang arog kayan?' May iba man na nagsasabi 'takot ka sa babae, o mas gusto mo sa lalaki?'
Dakul naghuhuna, dakul naghahapot, Dawa si dae ko man bisto, nagka-ugwang pakilabot. Ano daw ang ikakarhay pag naaraman ning banwaan Kun tano single ako sagkod sa ngunian?
Eh makulit kamo, sige na daw. Pagbibigyan ko na kamo.
TANO SINGLE AKO? BUSY AKO.
Busy pa ako sa mga bagay na kaipuhan kong gibuhon. Mayo pang lugar sa kalendaryo ko ang maglaan ning panahon lalong lalo na sa mga taong dae man tataong maglaan ning panahon ninda para sako.
Mas pipilion ko mumang intindihon ang reseta na sinurat ni doktora kaysa intindihon ang ugali ning babaeng dae mo maiintindihan ang dalagan kang pamayo.
Iinuton ko muna ang mga importanteng bagay na makakatabang sako. Pag-adal, trabaho, negosyo, pamilya, mga barkada, saka si mga ikos ming sigeng ralaog sa harong tapos maunas ning panira mi.
Sa ngunian, carreer muna bago lovelife, Ta ang lovelife, minsan nkakaraot nin career.
TANO SINGLE AKO? MAGASTOS.
dae ko sinasabi na basehan ang kwarta para sana magkabata. Pero akuon ta na ang katotoohan na dawa pa pagparasabihon tang pagkamoot ang kasimbagan, ang hapot kung sakaling kamo ang magkadagusan matatawan ka daw kayan ning bagas?
Dae ta ipag negar na dawa sa simpleng paagi, nag gagastos kita. Bako lang ini patungkol sa kwarta, Kapag nagdesidir kang magpadangat ning sarong tao, igagastos mo gabos. Oras, panahon, effort, asin lalo na itong pagtubod.
Nag gagastos ka ning pagtubod, na sana sa kabila ning gabos na ginigibo mo para sa sarong tao, dae man sana niya sayangon si mga pagal na ginibo mo para mapatunayan mo na karapat-dapat ka para saiya.
TANO SINGLE AKO? HABO KONG MAGSABAY SA DALOY NING KAHAMBUGAN NING IBA.
Naiirita ako minsan pag sinasabihan akong 'Mike, ika na lang baga ang mayong bitbit sa grupo ta.'
Anong point ning maki ayon sa grupo nindo kung pinapamukha nindo sako na kaipuhan  may arog ako kani?
Ang pagkakaigwa ning lovelife dae yan sinasabay sa uso, Sinasabay mo dapat yan sa kung anong namamati mo. Bako dapat sinda ang magdikta kung nuarin mo kaipuhan magkabata. Ika man giraray ang ma decide kung nuarin ang tamang panahon para saimo.
TANO SINGLE AKO? BASOLON NINDO SI MGA EX KO.
Basolon nindo sinda kun tano hanggang ngunian single pa ako.
Si saro nakipagbreak ta may cancer daa. Pero kang naaram ko si totoo, si ate mong na cancer, na-cancer palan kang iba.
Si pangduwa, nag 7 months man kami. Pero pagkatapos kadto, basketbolista si pinili ni manay mo.
Si pinakahuri, mas namomoot sako, alagad dae ko na pinursue, ta naraya na ako. Naraya na kaya akong mag try hanapon ang pagkamoot na huna kong mahahanap ko sa iba... alagad sala.
Na realize ko na ang pagkamoot nagpupuon sa sadiri. Kaya mas pinili kong padangaton muna ang sadiri Para pag abot kang aldaw, kaya ko nang magpadangat arog kang pagpadangat ko sa sadiri ko.
Unfair man sa panibago mo kung papadangaton mo siya na may bitbit ka pang kulog. Dae madali ang mag probar na maghanap ning panibago kung dae ka pa nahihingawan sa mga nakaagi mo.
TANO SINGLE AKO? DAE PA AKO HANDA.
Dae pa ako handa sa mga posibilidad kung ano ang buhay ko once na maglaog ako sa arog kaning sistema.
Papano palan kung the next day, may aki na ako? Papano palan kung mapirit si magurang kang bata ko, arrange wedding lang, ganon? Dae ta masasabi ang dalagan kang panahon.
Masakit ang buhay para pagpara isipon saka pagpara hanapon sana kung siisay baya ang mabagay para saimo, maray na tong gibuhon muna ang mga paagi para pag abot ning aldaw, bagay ka na para duman sa taong guato
Habo ko na kayang maarog sa mga taong dae nag trayumpo sa buhay ninda dahil sa kakahabol ninda sa aka nindang pagkamoot na mapaasenso sainda.
Pero siyempre, iba iba man kita nin persepsyon sa buhay. Alagad pirmi tang tatandaan na bako lang pagkamoot ang kasimbagan sa gabos na bagay. Kaipuhan ning tyaga. Kaipuhan tang manudan kung ano ang dalagan ning buhay. Magpuon sa kung pano mo aatamanon ang sadiri mo, si mga basic na gibo
Sabi ngani kayan: Love come to those who waits.
Kaya mas maray man giraray na pinaghahandaan ang gabos na bagay dawa papano. Totoo, pwedeng maging unexpected pero at least handa ka pag uminabot na siya sa buhay mo.
TANO SINGLE AKO? MAOGMA AKO.
Dae ibig sabihon na pag single ka, namumundo ka. Pwede ka man makahanap ning kaogmahan sa buhay na dae mo lang mahahanap sa  sarong tao. Yaon ang pamilya mo, barkada mo, si ido nindo,
Sa ngunian, kontento muna ako sa arog kaning buhay. Maray na tong aram kong may nakakaaram na nag eexist ako, inaapreciate si mga kaya kong gibuhon saka tanggap kung siisay man ako.
Pero sinasabi ko saindo, mas maogma pag single.
Nata? Yan ta ugwa ka ning kalayaan na gibuhon kung anong gusto mong gibuhon... na mayong madikta saimo, basta responsable ka sa sadiri mo asin bawat hiro mo.
Dakul pa akong pwedeng itaram kung tano single ako, Alagad ini lang ang maitataram ko, pasensya na kamo.
Nadangog na nindo sa iba kung ano sa hiling ninda ang rason kun tano single pa ako. Dae ako kumbinsido, mga pakyu kamo.
Sa mga arog kong single man, Dae kamo masupog, maging proud kamo. Nilalaan ta kaya ang mga sadiri ta para sa karapat-dapat sato.
Walatan ko kamo ning mga huring tataramon:
Dae magmadali, dae mapungot, An para saimo, iyan maabot. Mabuhay ka muna, na ang kinaban binibisto. Padangaton ang sadiri Iyan ang totoo.
- M
0 notes
Photo
Tumblr media
Rebyu mula sa pelikulang “The Hows Of Us” ni Direk Cathy Garcia-Molina
youtube
                               The Hows Of Us Official Trailer
Mula sa pelikula sa batikang Direktor na si Cathy Garcia-Molina, ito ang The Hows Of Us na ikatlong pelikula kasama si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo o mas kilala sa tawag na “KathNiel”. Mapapansin na ang repustasyon maging keridibilidad ng mga taong kasama sa pelikulang ito mula direktor, manunulat, produksiyon, maging mga karakter ay masasabing kaabang-abang ang at magtatagumpay ang pelikulang ito. Pagkalabas pa lamang ng Official Trailer ay agarang sumugod ang mga taong may balak panoorin ito kung kaya’t hindi ako nagkamali, dahil ang “The Hows Of Us” ay gumawa ng kasaysayan sa larangan ng takilyang Pilipino at itinanghal na kauna-unahang pelikulang lokal na umabot sa Php 600 milyong kita sa loob lamang ng dalawampung araw. Dala ang rekord na ito sa aking kaisipan, pinanood mula sa sinehan hanggang sa ngayon ay nilabas na ang pelikula sa isang aplikasyon na tinatawag na “Netflix”. Isa ako sa sumusubaybay sa bawat pelikula ng tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, dahil simula sa adapsiyon nitong pelikula na “She’s Dating A Gangster”. 
Tumblr media
Kuwento/Banghay
Sa Balangkas ng kuwento, sina Primo Alvarez (Daniel Padilla) at George Silva (Kathryn Bernardo) ay magkaklase na naging magkaibigan dahil sa debateng kanilang pinaglabanan. Si George ay isang estudyante sa medisina na nangangarap maging Doktora, samantalang si Primo ay isang musikerong nangangarap na sumikat ang kanyang bandang tumutugtog ng OPM. 
Tumblr media
Masaya silang naninirahan sa tahanan ng Lola ni George (Susan Africa) kung saan pinangarap nila ang kanilang magiging buhay sa mga susunod pang taon. Ngunit sa kabilang banda, nag-iba ang ikot ng mundo, at hindi nila naisakatuparan ang kanilang mga pangarap at pangako. Nawala ang banda ni Primo, habang si George ang kumakayod habang nag-aaral. Nagbago man si Primo, tinanggap ni George ang lahat ng mga ginagawa nito dahil na rin sa kagustuhan ni Primo na makabuo muli ng bagong banda at hindi nito gusto ng iba pang trabaho. Dahil na rin sa hirap, tao lang si George na napapagod ng itayo pa ang kaniyang sarili bumagsak na. Sinabi ni George ang kaniyang nararamdaman, pagod na pagod na siya at hindi na magkanda-ugaga, pina-alis niya ito at kaagaran siyang sinunod ni Primo hinabol ni George ito ngunit wala na si Primo. Dalawang taon ang lumipas, muling nakabangon si George mula sa pagdadalahamhati ng kaniyang puso at naghahanda na para sa nalalapit niyang pagsusulit sa medisina, nag-balik ang bagong Primo. Dito na umikot ang kanilang malalim na kuwento. 
Tumblr media
Ang pelikulang ito ay masasabi kong totoong nangyayari, umabot sa damdamin ng mga manonood. Nakaramdam ako ng mga pinagahalu-halong emosyon, mula sa saya, pagkamuhi, kasabikan, panghihinayang, at higit sa lahat ang sakit na dulot nito. Nagpapasalamat ako sa nagsabing mag-handa ng panyo at kahit walang pagkain talagang mahuhumaling ka sa istorya nilang dalawa. Mula noon hanggang ngayon ay hindi ako binibigo ng “KathNiel” sa paglalabas nila ng bagong pelikula, hindi ito ang tipikal na istorya ng pelikulang romantiko kung saan ipinakita kung papaano sila nagkakilala hanggang sa kung paano silang nangarap ng magandang buhay. May mga panahong masaya, ngunit kalakip nito ang salitang lungkot. Maaaring masaya kang kasama siya, kausap siya , ngunit darating din sa punto na malulungkot ka dahil yung kinasayan mo, nag-iba na. 
Ilang oras pa lamang akong nanonood ng pelikula, ramdam ko na ang salitag saya, ngunit habang tumatagal naipaparamdam na nito ang pagbabago ng emosyon na dahilan para malungkot at masaktan. Bilang isang manonood at sumusuporta sa pelikulang Pilipino, malaking tulong ito dahil sa ganitong pamamaraan alam nating nakikipagsabayan tayo sa larangan ng pelikula. 
Ang kuwentong ito ay magsisilbing aral para sa lahat, may karelasyon ka man o wala. Dahil ang kuwentong ito ay tungkol sa pangarap, pangarap na kinakailangang maabot ngunit kinakailangan ng paghihirap. Pamilya na palaging nariyan upang suportahan ka, at higit sa lahat ang salitang “Pride” kailanma’y hindi magiging mabuting asal ito ng isang tao, kung hindi ka marunong magpakumbaba, kung hindi ka marunong umunawa, at kung hindi ka pa handa sumubok nararapat lamang na matutunan nating umintindi. 
Tumblr media
Bibigyan ko lamang ng kaunting pansin ang senaryong ito na kung saan hindi na tinanggap ni George ang mga sinasabi sa kaniya ni Primo dahil alam na nito na maaari nanamang masira ng buhay niy, pitong taon na pagtitiis at pitong taong panghihinayang. 
Tumblr media
Kailanma’y hindi ako magsasawang paulit-ulitin ang pelikulang ito, babalik balikan, at kung kailangan, kakabisaduhin ang mga linyang nasa pelikula. Saludo ako sa bumuo ng pelikulang ito, mula sa paghihirap ng mga direktor maging mga karakter ay talaga namang nag-bunga ng magandang pagbabago. 
Nag-iwan ito ng aral na kahit mahirap, may solusyon, kahit masakit, may sayang kapalit, at kahit bumagsak, babangon para sa pangarap.
LEAD CAST: KATRHYN BERNARDO, DANIEL PADILLA, JEAN GARCIA, SUSAN AFRICA
DIRECTOR: CATHY GARCIA-MOLINA
SCREENWRITER: CATHY GARCIA-MOLINA, CARMI RAYMUNDO
PRODUCER: OLIVIA LAMASAN, CARLO KATIGBAK
EDITOR: MARYA IGNACIO MUSICAL DIRECTOR: JESSIE LASATEN
GENRE: ROMANCE, COMEDY
CINEMATOGRAPHER: NOEL TEEHANKEE
DISTRIBUTOR: ABS-CBN FILM PRODUCTIONS
0 notes
apriljoy06-blog1 · 6 years
Text
BEAUTY IN THE DARK Twelve-Minute Play
CHARACTERS
Main Character:
             Cha-cha - Anak anakan ni manang esme
             Dr.Fontalez - Amo, Doktora
             Jenny - Kaibigan ni Doktora, Ang dahilan
                          kung bakit naging madilim buhay niya
             Janice - Kaibigan ni Dr. Sa loob ng club
TIME:   Morning between 8:00 to 10:00   Night between 9:00 to 11:00    
 PLACE: A town in Batangas Philipines
Scene 1
Morning. Cha-cha at Dr.
Cha-cha:
Sa buhay ko siguro marami na akong nakasalamuha ibat ibang klase ng tao may mayaman may mahirap may simple may sosyal at iba pa. pero masasabi ko sa lahat ng taong nakasalamuha ko may isang kwentong hindi ko makakalimutan. Isang kwentong nakakaantig at magandang bigyan buhay. May isa akong kilalang dalaga isang marikit na binibini nakakaakit na kagandahan balingkinita na katawan at kulay bawang na kutis ngunit hindi pala lahat sa kanya ay perpekto. Ako si cha-cha ngunit minsan kapag kasama ko ang magandang binibini ang tawag sakin ay chacha marikit. Hindi lang basta ako si cha-cha ang buo kong pangalan ay Charina Carmina Leonor Jacinto Ventura labing anim taong gulang(16 years old). Laking probinsyana at pagmamay-ari na ata ako ng stio. Fermin Lipa Batangas at ang nag aruga at kumupkop saakin ay ang mabait mapagmahal kong tiyahin. Tinuturing niya akong tunay niyang anak kung magsakripisyo siya parang galling na ata ako sa kanya. Siya si Esmeralda Gonzales Ventura kapatid siya ng aking ama. Ang tawag ko sa kanya hindi tiya Esmeralda kundi nanay esme. Si nanay esme isnag tapat mabait at mapagkakatiwalaang kasambahay. Naninilbihan si nanay esme kay Doktora Fontalez mayroong isang araw namalengke si nanay esme kasama ko sa bahay si Dr. at ang matalik na kaibigan ni nanay esme na isa ring kasambahay si manang Ellen at si mang. Carpio driver ni Doktora. Sila ang mga tapat at mababait na naglilingkod kay Doktora. Sa araw ding yun naging kaibigan ko si Doktora.
( On the stage. Sa may salas)
                                         DR.
                               Cha-cha ang nanay esme?
                                       CHA-CHA
                                   Ah namalengke po.
                                         DR.
                                    Ah ganon ba?
                                       CHA-CHA
                             Doktora hindi po papasok ngayon?
                                         DR.
      Hindi eh kase tuwing sabado at lingo off ko na si Dr. Moralez na tuwing off ko ang papasok.
      Ikaw Cha-cha kumusta naman pag-aaral mo?
                                       CHA-CHA
                                    Okey naman po.
                                         DR.
   Pagbutihan mo kase alam mo sa panahon ngayon importante ang may pinag-aralan tsaka huwag
   Matutukso sa ibang kaklase mong iba ang pinagkakaabalahan.
                                      CHA-CHA
                      Ahmmm Doktora pwede po bang magtanong?
                                        DR.
                                 Oo naman ano yun?
                                     CHA-CHA
   Pwede niyo po bang ikwento sa akin yung buhay niyo po at kung bakit po kayo naging isang Dr.?
                                        DR.
Alam mo Cha-cha madilim at masaklap ang naging buhay ko dahil narin sa mga maling desisyon ko. Pero
Sige ikwekwento ko sayo.
                     Nagsimula si Doktora’ng magkwento nasa salas kami nun.
                                       DR.
  Alam mo Cha-cha since grade 1-grade 5 ako lagi akong kolelat laging nasa huli yung pangalan ko pero
  Graduate na ako ng elementary taong 1990 top 5 na ako. Hanggang nag high school ako pinagbutihan
  Ko ng mag-aaral 1995 grumaduate ako ng high school salutatoryan na ako. 1st year collage nag-enroll ako
  Ng Nursing hanggang natapos hanggang 4rth year collage at grumaduate ako nun ng collage taong 1999
  At 20 years old na ako at ang plano ko mag exam na para maging nurse. Pero hindi pala plano ng tadhana
  Yun. Isang umaga tumawag sa akin yung isang batch ko. Si Jenny.
                               (On stage sa bahay ni Doktora)
                                     (Rewind)
                                        JENNY
                                Hello hoy ms. Fontalez.
                                       DR.
                                Oh Jenny napatawg ka?
                                     JENNY
 Fontalez punt aka sa bahay mamayang 5 ng hapon may onting salu-salo wag kang mag-alala susunduin
 Kita tsaka pupunta yung ibang batch mate natin tsaka ano si Janice kilala mo?
                                       DR.
                                      Hindi.
                                     JENNY
 Hala ang bilis mo namang makalimot si Janice na ka klase natin nong 3rd year collage yung nag-drop at
 Andun din siya sa party.
                                       DR.
                                  Ah ganon ba. Sige bye.
                                     JENNY
                                 Bye din see you letter.
                              (On stage sa may gate nila dr.)
 Sa araw ding yun nag prepared ako nagpaalam ako kay Tatay Joe pati kay nanay Lileth. Wala ibang bansa sila Tatay at Nanay hindi pa sila babalik pero ang sabi baka raw next week ang balik ni Tatay sa Canada at si Nanay naman sa Hongkong.
                                   Anjan na si Jenny.
                                       Jenny
                                 Tao po. Tita Lileth tita Joe
                                        Dr.
                                 Oh Jenny anjan kana pala?
                                         Jenny
                                Tara na 5 na kaya! exited na ako.
                                        Dr.
                                   OH sige eto na!
                               (on stage sa bahay ni Jenny)
                           Nakarating na sila sa bahay nina Jenny.
                                       Jenny
            Hi guys oh andito na kami. Hoy Fontalez ipapakilala kita ha. Jelax kalang.
                                        Dr.
                                     Okey sige.
                                       Jenny
      Guys may ipapakilala ako sa inyo. Ito si ms. Fontalez. Ms. Fontalez ito si Max Angie Raffy Ella Migz  
      Abby Jade at si Janice.
  Nang maipakilala ni Jenny silang lahat pumunta na sila sa kanya kanyang pwesto at naiwan sina Janice at
Ms. Fontalez.
                                       JANICE
                                    Hi! Kumusta?
                                         DR.
                            Mmm Hi din. Okey lang naman.
                                       JANICE
      ��                   Mahiyain ka ba? Ako si Janice ikaw?
                                        DR.
                            Ms. Fontalez ang itawag mo sa akin.
                                       JANICE
                      Ang pormal mo naman. Nahihiya tuloy ako sayo.
                                        DR.
                                    Bakit naman?
                                      JANICE
            Eh kasi ang pormal mo pati sa pananamit pati rin sa pananalita. Eh ako ganito.
                                        DR.
                                    Anong ganito?
                                      JANICE
  Janice yung pangalan ko sa club pero yung tunay kong pangalan Maria Christina Palma yun yung tunay
  Kong pangalan. Sa club lang yung Janice.
                                       DR.
                         Ah okey pero paano ka nakarating sa club?
                                     JANICE
    Mahabang kwento. Ahm ikaw anong pangalan mo para hindi naman Fontalez ang tawag ko sayo.
                                       DR.
     Ahm. Isabela Rose Fontalez yun yung pangalan ko ammm Rose nalang ang itawag mo sa akin.
                                     JANICE
                                    Sige Rose.
                                       Dr.
                                  Salamat Janice.
 Mahaba ang kwentuhan ng dalawa. Sa pagkakakilala ni Rose kay Janice ditto nagsimula ang kwento ni Rose.Si Isabela Rose Fontalez nagtapos ng nursing ngunit hindi pa nag bar exam. Sumunggab ang tukso sa kanya na siyang naging dilim ng buhay niya. Isabela Rose ngunit mas kilala sa tawag na Lina sa loob ng club na ang ibig sabihin ay Magdalena sa pagktukso niya siya ang reyna ng entablado. Hinangaan ng kalalakihan at kapwa kababaihan. Mapanuksong mukha at katawaan at sat wing magsisismula ang musika sa bawat hakbang niya. Sa bawat ikot ng kanyang balakang sa bawat baba ng dibdib niya sa matalim at mapanghikayat na mga mata na siya ring daloy ng pera sa kanyang mga palad naging porsigido siya sa pagsayaw dahil sa pera at papuri ng mga madla sa dibdib ang kanyang naging puhunan ngunit alam niyang lahat nang ito ay mali at nakakasuka pero ang paniwala niya dito na siya nabubuhay at humihinga. Tulog sa umaga gising sa gabi ito ang kalendaryo ng buhay niya sa club. Magtatatlong taon na siya sa lugar na iyon sadyang madilim at blangko ang mundo nya. April 12 2003 pinasok ng mga pulis ang mayaman at maasensong club na kung saan nagtratrabaho si Lena at Janice. Sa taon ding iyon nagbago ng katotohanan ang buhay ni Rose. April 13 2003 bumalik si Rose sa kanila. Umuwi siya na may sumalubong sa kanya na mahigpit at malaking pag-unawa galling sa nanay Lileth at tatay Joe niya.
                              (On stage sa bahay nina Doktora)
                                        Dr.
  Nanay!! Tatay!!..... patawarin niyo po ako sa nagawa ko alam ko pong mali pero mas pinili ko parin na
  Gawin yun dahil na silaw ako ng pera at papuri ng ibang tao kaya’t sana po mapatawad niyo ako. Alam ko
  Pong hindi madali pero sana po bigyan niyo pa ako ng pangalawang pagkakataon para itama yung mga  
  Maling nagawa ko.
                                       NANAY
  Lileth: anak! Pag gusto may paraan pag ayaw maraming dahilan hindi pera ang dahilan para mabuhay
  Ang isang tao. Sabi nga nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.
                                     TATAY JOE
  Mahal na mahal ka namin ng nanay mo anak kaya’t hindi ka namin matitiis ng nanay mo na nakikita kang
  Nahihirapan ano pa’t naging magulang mo kami kung hindi ka naming tatanggapin at ikaw lang ang nag-
  Iisang anak namin kaya bukas parin ang pintuan para sayo dahil iisang pamilya tayo.(niyakap siya ng kan
  Yang mga magulang sabay ng kanyang pag iyak)
                               (On stage japan-kay Janice)
                     Samantalang si Janice naman ay nag japan singer.
                                      JANICE
        Ito na ang simula ng aking buhay palayo sa masaklap at mapait kong nakaraan.
Jully 22 2013 nagdesisyong mamasukan si Rose bilang isang Cashier sa isang malaki at sikat na Mall 2003 hanggang 2006 dito nagkakulay at nagkabuhay ulit ang buhay at mundo niya. Si Isabela Rose na dating Lena ngayon bagong Rose ang namukadkad isang Rose na disente manamit magsalita at kumilos. Isang Rose na mataas lumipad Rose na may direksiyon na sa buhay isang Rose na hindi hinahangaan ng Madla at hindi na kailangan ang papuri ng madla kundi isang Rose na pumupuri sa Diyos pumapalakpak para sa Diyos at isang Rose na sinisikatan ng araw.
                              (On the stage Harap ng University)
February 25 2007 lakas loob at may fighting spirit ang dumapo kay Rose. Nag Bar Exam siya na alam niya walang kasiguraduhan. October 17 2007 nakipila si Rose para lang sa Bill Board pero hindi lang ito basta Bill Board. Bill board ito nang mga nursing na pumasa at pwede nang kumuha ng Lisensiya. Capital letter F-Fontalez pumasa siya. Isabella Rose Fontalez napasigaw siya ng sobra sobra na halos lahat ng mga tao doon napatingin sa kanya.
                                         DR.
Ha?Totoo ba ito? Nananaginip ba ako?nakapasa ako sa exam  hooooo yeeeeessssss ! thank you Lord! Hindi ko maipliwanag ang nararamdaman ko Ngayon dahil sa sobrang saya. Sa kabila ng mapait kong nakaraan napatawad at binigyan ako ng Diyos Ng isa pang pagkakataon para magbago at siguro nga ito dahilan kung bakit ako inilayo sa bar para maabot ko ito napakabait ng Diyos!
                                 (On the stage Hospital)
October 18-20 2007 nilakad niya ang kanyang mga dokumento. October 22 2007 nagsimula ang araw niya sa Hope De Carmen Private Hospital. 2007-2010 naglingkod siya bilang isang nurse isang magiting na nurse. 2010 nagpatuloy siya nag-aral siya ng pagiging Doktora at para sa medicina 2014 nagtapos siya sa tulong narin ng kanyang mga magulang na nasa ibang bans. Sa taong 2014 nanungkulan na siya bilang isang Doktor and Medicine Examiner’s sa De Cerebio Medical Hospital na hanggang sa taong ito siya na rin si Dr. Isabela Rose Fontalez. Dr. ng bayan.
                                       DOKTORA
Tama sila nanay at tatay “Nasa Diyos ang Awa Nasa Tao ang Gawa” kaya Lord salamat po sa biyayang pinag-
Kaloob niya sa akin. Sobrang thankful po ako dahil napakabait niyo sa akin!
 “My God My savior who strengthen me through his Grace and Power.”
TO GOD BE THE GLORY
ISABELA ROSE FONTALEZ
0 notes
humssketeers · 6 years
Text
Doktora Olivia
Doktora Olivia
Sabi nga nila, ang Diyos ang pinaka-magaling na Doktor, ano mang sakit, nagagamot, niya. Pisikal, emosyonal, o mental man, sa tulong ng mapaghilom niyang mga kamay at mapagmahal na puso, mga sakit ay karamdaman ay nawawala, at buhay ay nadudugtungan, pero, sa kabila nito, may naniniwala na mas magaling pa siya sa Diyos.
July 27, 2007
               “Time of Birth; 8:30 am. It is a Baby Boy!”
               Malakas na iyak ng bagong silang na sanggol ang bumalot sa operating room. Kanyang ina ay labis labis na natutuwa dahil sa pagkatapos ng ilang subok nilang mag-asawang si Isabelle at Jim, at di mabilang na pag-sayaw sa Obando, Bulacan ay nabiyayaan na sila.
               Nang maibigay na ng nars ang sanggol sa kanyang mga magulang, di mapawi ang ngiti sa kanilang mga labi, at mga luha mula sa kanilang mga mata ay di mapigilian mula sa pag-tulo dahil sa saya na nararamdaman.
               Nanggaling ang mag-asawa sa mga relihiyosong pamilya, kaya naman nagdasal sila kasama ng kanilang anak at nagpasalamat sa napakagandang biyaya mula sa langit.
               “Panginoon, Maraming salamat po sa bagong kabanata ng buhay naming ito, Maraming salamat dahil biniyayayan niyo kami ng napakagandang regalo, ang aming, anak, at habang buhay kami magpapasalamat sa bini-“ Naputol ang pagdadasal ng mag-asawa ng pumasok ang Doktor na nag-paanak sa babae.
               “Kamusta naman ang pakiramdam ng pagiging bagong magulang?”
               Tila nag-aalangan sumagot ang dalawa dahil hindi nga natuloy ang kanilang pagdadasal, nag sign of the cross na lamang ang mag-asawa at napa-tingin sa kanila ang doctor?”
               “May problema ba? Bakit kayo nag sign of the cross? Ah! Nagdadasal siguro kayo no?”
Tanong ng Doktor.
               “Ah opo. Gusto lang naming magpasalama-“
               “Talaga? Yan problema sa mga tao eh, pag nagamot yung sakit, o kaya pag na-revive yung pasyente, sa Diyos nagpapasalamat. Hindi ko mainitindihan ha, bakit ba kayo naniniwala sa mga hindi niyo nakikita? Tapos sakin nga ni hindi pa kayo nag-papasalamat, eh kung hindi naman dahil sakin, hindi kayo magkaka-anak. At sasabihin niyo pang sumayaw kayo sa Obando para lang magka-anak?  Gaano katotoo yan?! “ Galit na wika ni Olivia, ang Doktor na hindi naniniwala sa kakayahan ng Panginoon, na naniniwala na mas nakakapagpagamot pa siya kaysa sa kanya.
               “Pasensya na po Dok kung nakalimutan naming magpasalamat. Pero hindi ba mas nakakapagtaka at nakakabastos, ang pagpasok ng basta basta sa kwarto ng asawa ko at sisisihin kami sa paniniwala naming sa Diyos? At bakit sa tingin mong mas magaling ka pa sakanya, ha? Sino ka ba? Doktor ka lang! Oo, alam ko naman na marami ka nang napagaling, naipanganak at niligtas. Sa limang taon mong serbisyo bilang Doktor, masasabi ko na magaling ka talaga. Pero sa tingin ko SOBRA nang lumaki ang ulo mo Doktor Olivia, pati Diyos ay gusto mong lamangan, gusto mo kayong mga doktor lang ang pasalamatan? Ano ba naman yan Olivia! Masaya na ang anak mo kasama ang Panginoon! Sobra kang naging madamot pagdating sa mga anak mo, pati saming mga KAIBIGAN mo ay ayaw mo ipahiram. At nung kinuha siya ng Diyos nagalit ka? At pagkatapos ng lahat ng pinagkaloob at binigay niya sayo, heto ka ngayon at nagagalit sakanya, at hinihikayat mo pa kaming tigilan ang paniniwala sakanya? Anong nangyari sayo?!”
               Hindi na naitago pa ni Jim ang galit niya kay Doktora Olivia, na matalik na kaibigan nilang mag-asawa. Nasaksihan nila kung gaano ito nasaktan, kung gaano kadaming galon ang napuno niya sahil sa mga luhang iniyak nang mawala ang kaisa-isa niyang anak.
Noon, ay magkakasama pa silang magsimba para sambahin at pasalamatan si Hesus at ang Panginoon, ngunit sa paglipas ng panahon ay napapansin ng magkasintahan pa lang noon na si Isabelle at Jim na simula nung pumasok ito sa Med School ay nag-iba na ito. Paminsan minsan na lamang nagsisimba at bihira na lamang nila na Makita ito magdasal.
At tatlong taon naman ang nakakalipas, sinilang niya ang kanyang anak na babae. Tuwang tuwa siya at sa sobrang saya ay hindi na rin niya napigilan na magpasalamat sa Panginoon. Ngunit nagbago ang lahat nang kinuha ng Diyos ang kanyang kaisa-isang anak.
Parang binagsakan ng langit si Olivia ng mamatay ang kanyang anak. Puro sakit at galit sa Panginoon ang naramdaman niya. Ika pa niya at hind niya ito mapapatawad. Lahat ng sisi ay ibinato niya sa ama sa taas. Isang taong gulang pa lamang ito at hindi niya matanggap na wala na ang kanyang anak.
“Oh alam mo naman pala ang dahilan eh. Buti pa nga kayo may anak, eh ako? Kinuha niya, kasi pabaya siya, wala siyang awa, ilang beses ako nagdasal nung may sakit ang anak ko, ilang simbahan na ang napuntahan ko, ilang holy water na ang pinahid ko sa kanya. Pero ano? Nakinig ba siya? Hindi  naman diba?” Mangiyak ngiyak na sagot ni Olivia kay Jim.
Naging madilim na ang awra ng kwarto pagkatpos ng sagutang nangyari sa magkaibigan. Naisip ni Isabelle na paalisin na lamang siya sapagkat hindi na niya nagugustuhan ang inaasal nito.
July 2008
“Time of death; 6:30 pm”
“Time of death; 9:20 am”
“Time of death; 2:59 am”
“Time of death 1:47 pm”
Paulit-ulit na binibigkas ito ni Olivia sa buwan ng Hulyo. Para sa kanya, bilang Doktor, ay impiyerno ang buwan na ito. Sunod sunod sa kanyang mga pasyente ang namatay. Isama mo pa ang mga hindi niya naligtas sa lumipas na isang taon. Bawat buwan ay may pasyente siyang hindi niya naililigtas. At siympre, sa Diyos nanaman ang sisi niya. Umiiyak siya tuwing may sumasakabilang buhay na pasyente, hindi niya mapigilan ang mga luha kaya iniiyak niya ito. Iniisip niya na kasalanan ito ng Panginoon, na wala namang mangyayari kapag maniwala siya sa Panginoon.
               Dumating ang araw ng Linggo, napadaan si Olivia sa bahay ng Mag-asawang Jim at Isabelle para iabot ang regalo kay Nathan, ang anak nila. Pagkatapos ng sagutan nila, nagkaroon ng distanya sa knilang tatlo ngunit naayos rin naman nila ito. Pero sa kasamaang palad, hindi pa rin nila ito nakumbinsi na bumalik ang loob sa Panginoon.
               “Oh nandito ka na pala!” Natutuwang bati ni Isabelle kay Olivia.
               “Hi Isabelle. Pasensya ka na, kung hindi ako nakapunta sa birthday ni Nathan ha, alam mo naman busy sa Ospital. At tsaka, apat na pasyente ko na kasi yung namatay. Sobra akong nasasaktan.” Malungkot na sinabi ni Olivia sa kaibigan
               Hinawakan naman ni Isabelle ang mga kamay ni Olivia. Pinikit ang kanyang mga mata at taimtim na nagdasal.
               “Panginoon, sa nakalipas ng isang taon ay puro dagok at pagsubok ang nangyayari kay Olivia-“
               “Huy anong ginagawa mo?!” Angal ni Olivia sa ginagawa ng kaibigan
               “SHHHHH.” Pagtahimik niya sa kaibigan, at pinagpatuloy ang pagdadasal.
               “Sana po ay buhayin niyo ang pag-big na minsang naghari sa kanyang puso at tanggalin ang galit na nararamdaman niya sa pagkawala ng anak niya at sainyo. Panginoon, Bilang kaibigan niya, nananalangin ako na sana ay tulungan niyo siya sa mga pagsubok na nararanasan niya. Sana ay bumalik na siya sa iyo at ang paniniwala niya nawala.  Matigil na sana ang sunod sunod na pagkamatay ng kanyang mga pasyente, at sana sa susunod ay mailigtas na niya ag mga susunod pa. Amen.”
               Natuwa si Isabelle sa nakita dahil nakita niyang nakapikit rin si Olivia kahit tapos na ang pagdadasal.
               “Subukan mo Oli. Mahal na mahal ka ng Diyos. Nangyayari ang mga bagay bagay dahil may kadahilanan ang mga ito. Siguro kaya hindi mo nailigtas ang mga pasyente mo dahil oras na talaga, wag mong sisihin ang sarili mo at ang Panginoon. Kailanman, hindi siya naging pabaya. Kung hindi maganda ang buhay mo sa taong ito, marahil ang mga susunod pang taon ay gaganda na ito. Olivia, uulitin ko, kahit ilang beses mong itakwil ang Panginoon, hindi ka niya susukuan. Mahal ka niya Olivia. Isipin mo na lang na kaya niya binibigay ang mga pagsubok na ito para bumalik ka sa kanya.” Ang nggiti sa kanyang mga labi at sinseridad sa kanyang mga mata ang tumuldok sa wika ni Isabelle. Nanatiling tahimik si Olivia ngunit napangiti sa sinabi ng kaibigan.
               “Oh, Linggo pala ngayon eh, samahan mo kami mag-simba! I won’t take no for an answer tara na!”
               Pagkatapos ng nakakapagod ngunit pinagpala na araw na iyon, napahiga na lamang si Olivia sa kama niya at kinuha ang larawan ng anak, at tinitigan ito.
               Naalala niya ang sinabi ng pari sa Homily kanina.
               “May dalawang balita ang Panginoon ngayon, Una, Bad news, hindi niya tayo tutulungan na pasanin ang krus na dinadala natin. Pero! May Good news, Papagaanin niya ito.”
               Umiyak siya at hinagkan ang larawan ng lumipas na anak. Nang siya ay ipinagdasal ni Olivia sa kanyang harapan ay naramdaman niya ang pagmamahal ng Panginoon. At nung sila ay nag-simba,  Nagkaroon siya ng rason para bumalik loob sa Panginoon.
               Isinantabi ni Olivia ang lahat ng galit na nararamdaman niya sa Panginoon at nagdasal.
               “Panginoon. Alam kong naging masama akong katoliko. Hindi pa naman siguro huli para bumalik ako sayo diba? Sana po ay tulungan niyo ako at tanggalin ang galit na naramdaman ko sayo at sa mundo. Patawarin ninyo po ako, gusto ko nang bumalik sayo.”
_____________________________________________________________________________________                November 17, 2027
               “He is okay now, the tumor has been removed from his brain.”
               Pagdilat ko ng aking mga mata, nakita ko ang mga magulang at mga kapatid kong nag-aalala sa akin.
               “Anak anong nararamdaman mo? Okay ka na ba?”
               “Anak magaling ka na!”
               “Kuya, tara play na tayo!”
               Hindi ko mapigilang ngumiti at tumingin sa taas para magpasalamat sakanya.
               “Lord, Thank you sa panibangong buhay, I love you po!”
               “Kamusta ang nararamdaman mo, Nathan”
               “Maayos naman po, Ninang Olivia. Salamat po talaga, kung hindi dahil sayo, nandito pa tong tumor sa utak ko.”
               “Walang anuman. Pero alam mo, hindi naman talaga ako ang nagligtas sayo eh, si Hesus at ang panginoon ang gumaling sayo. Tinulungan nila ako, habang tinatanggal ko yan, nagdadasal ako, sabi ko “Lord, tulungan niyo naman ako oh, marami pa ang oportunidad na maaaring maibigay sa batang ito. At isa pa, napalapit na ang batang ito sa akin. Sana po ay tulungan niyo ako.”
               Lumabas naman si Ninang Olivia, Nanay at Tatay at iniwan kami sa loob.
               Kwinento ni Nanay ang napag-usapan nila, na sobrang nagpasalamat sila kay Ninang. At si Ninang naman, napaka-bait. Binigyan ako ng krus na kwintas na naka lagay sa isang box at may nakasulat.
               “Mark 9:23. Anything happens if a person believes.” Just Trust him Nathan. God Loves you. Hindi niya tayo iiwan. Tiwala lang sakanya ha, wag mong hayaan na mawala ito, tulad ng nangyari satin. Bibingiyan niya tayo ng pagsubok para bumalik sakanya. Mahal ka niya!”
               Napangiti ako at nagpasalamat dahil biniyayaan ako ng Panginoon ng tulad ni Ninang Olivia.
_____________________________________________________________________________________
               “Napakagandang kwento naman nito Nathan!”
               “ Salamat po Sir!”
               Ang saya. Nakakuha ako ng mataas na marka sa malikhaing pagsulat!
               Salamat, Lord, at sa Kwento ng buhay ni Doktora Olivia.
-pabebe girl
0 notes