Tumgik
#nakaraos
nice2meetyouu 1 year
Text
Happy birthday to me.
[Long post about PLE]
These past few days, every time may "announcement" or mukhang importanteng notification na lumalabas, parang malalaglag na 'yung puso ko sa kaba. At some point, daig na daig ko 'yung nagkape sa pagpalpitate. At may point din na parang tumigil na lang talaga 'yung puso ko.
Kagabi, hinintay ko 'yung resulta ng exam. Sabi ko, para alam ko kung magcecelebrate ako ng birthday ko na masaya. 'Yung exam ay ginanap noong October 21, 22, 28 at 29, tapos bandang November 5, andami nang nagtatanong, "Kumusta? May resulta na ba?" Naloloka na ako sa excitement nila.
[Kaninang umaga ko 'to sinimulang i-type tapos andaming nangyari in between like mga tumatawag na kamag-anak at nagsundo ng kapatid, etc. so nakalimutan ko na 'yung sasabihin ko talaga.]
What a journey it has been!!! November 9 daw irerelease pero pumatak na ang 12 midnight, wala pa ring nangyayari. Nagkatawagan pa nga kami ng isang med friend hanggang past 1. Mga 2AM na ako nakatulog. 'Yun pala, 3AM banda lalabas 'yung resulta. Siyempre, naka-silent ang phone ko kaya missed call silang lahat. Nagising lang ako noong umaga kasi ang ingay ng nanay ko, "Pumasa ka raw!" Tapos ang bungad ng telegram sa akin ay messages na CONGRATS at 'yung screenshot na may pangalan ko.
'Yung utak ko at this point (bandang 5AM) sobrang "loading", hindi nag-sink in 'yung sinend na screenshot pero 'di ko rin na-search na 'yung listahan kaka-reply sa mga nag-message. Hahaha. Mas nag-panic pa mga magulang ko, sabi nga nila napanaginipan nilang hindi ako pumasa. Sabi ko, 'yan talaga ang nasa subconscious niyo eh. Nagdrama? Haha. Andami nang nangyayari sa paligid, andaming tumatawag sa nanay at tatay ko, hindi ako maka-keep up.
Pati sila, hindi na rin nakakilos nang maayos. Na-late sa trabaho 'yung tatay ko. Hahaha. 'Yung nanay ko hindi na nakaluto. Ang surreal ng feeling. 'Yung tatay ko hindi maka-move on sa "panghuhula" ko raw. Hindi raw ako makausap nang maayos nu'ng pagkatapos ng exam. Sila talaga 'yung mas anxious kaysa sa akin.
Ngayon, inaantok na ako, sa ibang post na lang 'yung iba kong feelings. I'm just so grateful right now.
17 notes View notes
papersparrows 8 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
last day of august~
馃崜 been taking driving lessons ulit since saturday kahit matagal na kong may lisensya causeee di na ko nakapagpractice since last time na kumuha ako ng lincense at nag exam. sobrang busy ng life lalo na nung namatay dad ko so wala nang tumulong sakin magpractice and nasanay ako mag grab para less hassle lolz anyway last day ko na rin nitong 31 and ok na ko hehehe confident na makipag gitgitan chariz
馃崜 natapos din ang linggo hallelujah nakaraos din. nag self date na lang at namili ng art supplies. excited na ko gamitin hehe
馃崜 ayan september na merry xmas na sating lahat wahaha
28 notes View notes
kwentonigerald 4 months
Text
2023
Complex na taon, pero nakaraos naman. salamat salamat salamat
Kape pa.
2 notes View notes
bbarican 10 months
Text
july 03, 2023; 10:51 pm - 50/50
today has been legit split into half - a part of me is happy and grateful na nakaraos naman ako after my eom mtg with my two bosses but the other part of me is annoyed and confused and borderline furious kasi ang daming need isipin for my residential project in terms of the custom furniture
nang dahil dun, nasira pa plans ko for tomorrow kasi i now have to visit the site to check on everything na hindi naman na dapat need gawin if all of this didnt happen in the first place
im just glad na hindi galit sakin boss ko that is helping me oversee this project kasi i was honest with him na i came into this project again being assured na the workers plotted and measured everything so dapat wala ngang discrepancies to begin with
pero meron and idk why and i hate it
but today was good either way; tomorrow will be okay too, i just have to prep for it
time to sleep though; good night tumblr
2 notes View notes
nawawalangtsinelas 1 year
Text
Mahilig akong tumingin sa sapatos,
sapatos na humahakbang sa kalsada,
mga sapatos na di mo alam saan pupunta,
may mga sapatos na basa pa
pero alam kung paano lumakbay sa baha.
may mga sapatos naman na tuyo na
pero naglalakbay pa rin papunta sa kung saan.
Minsan may mga tsinilas na kasama,
minsan magkasama ang mga tuyong sapatos habang ang isa naman ay basa pa.
Minsan may mga kwentong dala-dala,
putik galing sa mahabang lakaran,
mga papel na sumasabit sa swelas
o di naman kaya mga ala-ala.
Ang mga sapatos sa daan minsan nakakatawa
Merong mga nilalakad kahit pagod na,
merong inilalakad na lang para guminhawa,
meron din namang mga sapatos na para sa bata,
inosente ang mga hakbang, masaya ang mga paa.
Minsan ang sapatos masayang hulaan saan galing,
kung sa masaklap na kapalaran
o kung nakaraos na ba sa kalungkutan
o kung hahakbang pa lang ba siya sa kwento ng buhay
o kung buhay na ba ang nilalakaran nila.
Ang sapatos ng mga tao, nakakatawa.
Maraming nagsasabing tama lang ang sukat para sakaniya
pero merong ipinagkakasya ang mga paa para lang makarating sa patuutunguhan nila.
Ang sapatos na basa minsan dahil sa luha,
sa galit na naipon, sa sayang matagal na hinintay
o di kaya sa bahang gustong sulungin para lang huminga.
May mga sapatos na tuyo na pero naghihintay pa rin,
Tuyo dahil sa araw, tuyo na dahil pagod na.
Ang mga sapatos ay nakakatawa,
di mo alam saan sila papunta.
Kung ano ang dahilan ng bilis ng pagtakbo o bagal sa mga hakbang na ginagawa.
Kung ang sapatos ng bawat isa'y makakapagsalita,
anong kwento sa bawat hakbang ang magagawa?
6 notes View notes
tangian 2 years
Text
Nakaraos 12hours duty ughhhhhhh
2 notes View notes
clumssyg 3 months
Text
Lord Thank you nakaraos ang binyag ng aming baby dreb sa, salamat po at sa kabila ng mga aberya nairaos pa din po, sana po gumaling na si daddy maraming salamat panginoon sa mga blessing nio sa amin thank you po馃馃檹馃徎
0 notes
xxexile 5 months
Text
Sa sobrang dami kong ginagawa nakakalimutan ko ng mag update hahaha so here's today story Nov. 29 Wednesday
Kwento ko lang nangyari nung kahapon kase wala kaming pasok nung lunes kase inadjust yung bday ni Bonifacio hahaha wow desisyon yung president, so ayun nung martes nag practice kami ng yell kase wala si sir larry so hindi kami nakapag practice ng rampa kaya nakisama nalang kami sa mga nagpapractice ng yell, grabe sigaw ko kase bench YELL nga raw, YELL hindi WHISPER, inangyan paulit ulit, mapaoa paos na yung tao bago matapos, buti naman okay pa voice ko ngayon, and nung kinahapunan nag practice naman kami ng production namin sa foundation day, and goods naman naging mag friends na kami ng iba pang muse and ang aliw nila hahaha bata nga naman mwhehehehe. Nagbilangan rin nung time na yun final counting and grabe napressure talaga kami saan kami kukuha ng pera, buti nakaraos hahaaha so ang nanalo sa queen is grade 7 and king naman is JABE hahahha king ko mwhehehe corny pero wala e siya yan hahahahaha, galing niya, proud gf here huy hahahha delulu, and nung uwian naman, nag practice kami ng maga make up saken para mahiram ko yung heels na needed daw na gamitin sa practice para masanay na ako, so ayun sungit niy ante tas magaling nama siya mag turo hindi ako masyado natitipalok pero masungit siya hahah pag uwi ko sobrang sakit ng body ko lalo na binti ko hahahaha nanginginig, sana next time iba naman dahilan panginginig ng tuhod ko eme hahahaha that's all.
next is ngayon Wednesday, grabe ang sakit ng katawan ko hahahah lalo na sa binti ko, nagpractice kami ng morning and be hahahahaha pak na pak ang lagapak sa semento at pinto, sobrang sakit hahahaha kala ko kaya ko na yung heels hahaha kaiyak napahiya ako sa harap ng crush ko, super sakit niya tumama sintido ko sa haligi ng pinto, alog utak e hahahaha and after nun hindi na ako tumayo haha umiyak pa amp kahiya hahahahah, 'yoko na, and after nung balik room and grabe dumagdag sakit ng katawan ko pati shoulder kasama na sa mas sumasakit hahahah nung hapon nag practice ulit kami and sobrang takot ko na ihakbang yung heels be, grabe yung trauma shet feel ko kada hakbang ko matutumba ako hahahaha and that time, kinakabahan na ako pero nagawa ko pang magdelulu na kapag natipalok ako, sana masalo niya ako kaagad huy hahahaha and btw nung nag rampa na kami na by partner shet haahaha sabi niya oh tangkad mo be, shet hahhaha tinawag niya akong BE hahahahaha small things pero pag sa kanya galing kakilig hahahahhaahhaahahahahhahahah ghad hindi ako makamove on hahahah nu ba napahiya na nga e hahaha tas ganyan ka pa hahahhahaa tama na, that's all for today na hahahaa
0 notes
aerkidiary 6 months
Text
Tumblr media
review sa library kahit puyat at sabog na pero nakaraos dn 馃槶 huhu
0 notes
kleiyah 6 months
Text
Nakaraos din sa exam
1 note View note
ainnayp 6 months
Text
Tumblr media Tumblr media
biyernes
wala ulit sa huwisyo
halos buong linggo na akong kabado
pero salamat sa Diyos nakaraos naman ngayong hapon
sana bumuti na ang lahat sa mga susunod na araw 馃槍
1 note View note
insanejennievie 8 months
Text
Hay Lord wag mo ako pagtripan 馃ぃ
So proud of myself too, nakaraos na yung tyan ko 馃ぃ
0 notes
keiiiooo 10 months
Text
Nakaraos na sa interview
0 notes
tokwattoge 10 months
Text
Life Update.
Hay Buhay. Pero magiging okay din ang lahat. Nakaraos na kami sa malaking gastos which is dedication and birthday ni baby :) Ngayon dapat work work work na ako pero eto parang naburn out na rin ata ako. I feel sad. Ang hirap talaga pag pera, nakakadepress talaga. But then again, kasalanan ko to. Kaya kailangan malagpasan ko rin ito. Dalawa na yung tumawag sa pinagkakautangan ko, BillEase at Cashalo. Nagtext na rin ang SLoan at Ggives. Nanlalambot na ako, pero kailangan kong tatagan ang loob ko. Para din ito sa character development ko. Fighting.
0 notes