Tumgik
#buhay medisina
rogrogrog · 3 months
Text
Tumblr media
Beginning Lent today—Ash Wednesday. Have a blessed Lent to one and all.
Celebrating Valentine’s day as well. ❤️
St. Ignatius Chapel, NYC / Feb. 14, 2024
37 notes · View notes
chowbaw · 6 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Doing my own challenge called Zildtober. Each day will be based on one song from the album "Medisina" by Zild. This one is "Isang Anghel", the first song from the album!
Lines starting from Page 2 (second image): Ayoko munang mamatay (I still want to live) Ang buhay ko na matamlay noon (my life that once was uneventful) Paligid ko ay nag-iba (my world changed)
Page 3 (third image): Noong na tagpuan kita, sinta (when I met you my love) Para kang isang anghel / Na 'di pumapapel (you're like a generous angel)
14 notes · View notes
qrstuvvvvv · 2 months
Text
SINING NG ILOCOS
Sa pagbigay ng pagkakataon na muling makumpleto ang pamilya ko, hindi namin ito sinayang at nagplanong maglakbay. Noong February 2024, napagdesisyunan ng aking pamilya na libutin at pasyalan ang lugar ng Ilocos, bago muling umalis ng bansa ang aking tatay. 
Tumblr media
Alas-otso ng umaga nang magsimula kami patungo sa una naming pupuntahan, ang Vigan City. Ang binalak ng aking pamilya na puntahan sa Vigan City ay ang kilalang Calle Crisologo, kung saan ipinagmamalaki nito ang mga siglong lumang bahay na bato, magagandang tungsten lamp, at ang paggamit nito sa mga karwahe o kalesa na hinihila ng kabayo bilang transportasyon.
Tumblr media
Mga alas-dos ng hapon kami nakarating sa Vigan City at nagcheck-in muna kami sa isang Airbnb na Happy Grey Hotel upang makapagpahinga nang saglit. Paglipas ng ilang oras na pahinga, nag-ayos na muli kami para sana pumunta sa Baluarte Resort and Mini Zoo, ngunit sarado na ito nung kami ay makarating. Kaya naman, dumiretso na kami sa Calle Crisologo nang mga alas-singko ng hapon. Pag-apak ko pa lamang ay manghang-mangha ako sa ganda ng mga bahay doon. Naglakad-lakad kami at ninais naming sumakay sa kalesa. Sumakay kami ng aking mga kapatid at ang isa kong pinsan sa karwahe o kalesa. Sa halagang dalawang daan ay inikot na kami sa mga lugar sa Calle Crisologo at makikita talagang makaluma ang mga bahay doon, ganoon din ang mga kainan, banko, at bilihan ng medisina. Pagkatapos kaming ilibot ay bumili kaming ang dirty ice cream na kilala rin doon. Nagikot-ikot muli kami para makabili ng mga pasalubong at mga souvenirs. Binilhan ko ang mga kaibigan ko ng mga pasalubong ko sa kanila. Ilang oras din kaming naglilibot sa Calle Crisologo at naisipan na naming umalis. Ang kasunod na pinuntahan namin ay ang Musical Dancing Fountain sa kanilang plaza. Bilib na bilib akong panuorin ang paggalaw ng tubig at ang mga ilaw. Pagkatapos ng show ay nag-hapunan kami sa isang sea food restaurant. Umuwi na kami at napagpasyahang magpahinga para sa muling paglakbay kinabukasan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Alas-sais ng umaga, naglakbay kami papunta naman sa Bangui kung saan nandoon ang sikat na mga windmill. Apat na oras ang byahe papunta doon ngunit hindi ko ito naramdaman dahil sa ganda ng mga dagat at tanawin na nadadaanan namin. Pagkarating naming doon, kumuha lamang kami ng litrato at nilusong ko ang aking mga paa sa dagat. Ang panandaliang oras na iyon ay nakakawala ng pagod at problema, kasama ko lamang ang hangin, dagat, at ang aking pamilya. Napagdesisyunan naming umalis na dahil din mainit. Sinagad na namin at tumungo pa sa Pagudpud sa Patapat Viaduct. Sumaglit lamang kami doon para lamang pagmasdan ang tanawin at kumuha muli ng litrato. Naglakbay na kami pabalik para kumain dahil nakakaramdam na kami ng gutom. Kasunod ng pagkain namin, ay nilakbay namin pabalik ang Rock Formation, isang tourist attraction sa Ilocos. Mga alas-dos ng tanghali kami nakarating doon kaya init na init kami pero hindi naming sinayang ang bawat oras kaya itinuloy namin ito. Lumakad kami ng konti para makalapit sa Rock Formation at kumuha ulit ng mga litrato. Ayan ang huli naming pinuntahan bago kami umuwi. Sa lakbay namin pauwi ay kumain kami sa Jollibee sa may La Union. Tuloy-tuloy na ang byahe naming pauwi at umabot kami ng alas-dose ng madaling araw para makarating sa aming tahanan. 
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang kamakailan na paglalakbay na ito ay naging isang magandang ala-ala na madadala ko habang buhay. Lahat kami ay umuwing may bitbit na memoryang hindi malilimutan. Ang paglalakbay na ito ay nagsilbi na oras namin para sa isa’t-isa. Ang tanging hiling ko na lamang ay maulit muli ang ganitong uri ng paglalakbay sa panahon na kami ay makumpleto muli.
Tumblr media
2 notes · View notes
upismediacenter · 1 year
Text
OPINION: Sagot o Salot: National Citizen’s Service Training
Tumblr media
Photo credit: Sulat Nadera
NCST o National Citizen’s Service Training. Ika-16 ng Disyembre nang nakaraang taon, naipasa na sa ikatlong pagbasa ang kontrobersyal na bill na naglalayong palitan ang kasalukuyang National Service Training Program o NSTP. Ngunit, ano nga ba ang NCST, at bakit ito tila minamadaling maisabatas ng kamara? Karapat-dapat bang ipalit ito sa NSTP? Ano ang maaaring maging papel nito sa pag-unlad ng mga kabataan, at pag-unlad ba ang maidudulot nito?
Ano ba ang pagkakaiba ng NSTP at NCST? Isinasaad sa Section 13 at 14 ng bill na ang mga graduate ng naturang programa ay ikokonsidera nang nagtapos ng mandatory military training sa ilalim ng Republic Act 7077, o ang Citizen Armed Forces of the Philippines Reservist Act, at ituturing nang reservist ng Armed Forces of the Philippines o AFP. Ayon din sa Section 2 ng House Bill 6687, layunin ng NCST na i-incorporate ang kabataan sa Citizen’s Armed Forces. Kung susuriing maigi, mapapansin natin na ang NCST ay hindi nalalayo sa Reserve Officers Training Corps o ROTC dahil sa militaristiko nitong kalikasan, ngunit ito ay mas “watered down” kumpara sa ROTC. Kaiba ang mga ito sa NSTP na mas nakatuon sa community development at humanitarian work. Nililinang ng NSTP ang makabayang pag-iisip sa pamamagitan ng literacy training at civic welfare training, na mas mainam para sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa kung saan higit na kinakailangan ang pagpapaunlad ng lipunan at pag-empower sa mga mamamayan. Higit na kinakailangan din ang literacy training dahil sa laganap na disinformation sa panahon ngayon.
Nakababagabag ang bill na ito dahil nanganganib din ang kapakanang pangkalusugan ng kabataan. Nitong buwan ng Pebrero, naging maingay ang pahayag ni Department of National Defense (DND) Officer-in Charge Carlito Galvez Jr. sa isang hearing sa senado. Ayon sa kanya, makatutulong ang ROTC at NCST upang pagtibayin ang resilience at strength of character ng isang indibidwal. Mapapalabas daw nito ang survival instinct ng isang indibidwal nang sa gayon ay tumataas ang kanyang tolerance sa frustration at kalauna’y gagaling ang kanyang mental problems. Kaiba ito sa NSTP kung saan maisasapuso ng indibidwal ang experience training. Ano ang basehan ni Galvez sa mga pahayag na ito? Wala siyang ibinigay na mga kongkretong ebidensya at suporta mula sa mga eksperto ng medisina at sikolohiya. Sa katunayan, taliwas ito sa mga sinasabi ng mga eksperto. Ayon sa mental health advocate na si Dr. Gia Sison, ang pilit na pag-iimplementa ng ROTC o NCST ay mas nakapipinsala sa mental health ng isang indibidwal. Dagdag pa ni Dr. Dinah Nadera, isang psychiatrist, ang pagpapataas sa frustration tolerance ay hindi palaging nakabubuti para sa isang indibidwal. Sinabi naman ni Dr. Joan Mae Rifareal ng Philippine Psychiatric Association na hindi nangangahulugang "magagamot" ng mga programang ito ang mga problema sa mental health, ngunit maaari itong magsilbing "isang outlet para sa mga frustrations na posibleng mayroon ang mga mag-aaral sa iba't ibang aspeto ng buhay na kinabibilangan nila." Ito ang rason kung bakit mas mainam na bigyan natin ng kakayahang pumili ang mga mag-aaral kung lalahok ba sila sa programang ito o hindi.
Maaalala na noong 2001, pinaslang ang isang college student mula sa University of Santo Tomas (UST) na si Mark Welson Chua dahil sa pagbulgar niya sa mga nangyayaring korapsyon at panunuhol sa loob ng ROTC. Siya ay parte ng intelligence monitoring team ng kanilang unit, at natuklasan niya ang malawakang korapsyon sa mga nakakataas sa ROTC, na kaniyang isiniwalat sa “The Varsitarian”, ang opisyal na student publication ng UST. Noong sumunod na taon, ginawa nang opsiyonal ang ROTC sa pagsasabatas ng Republic Act 9163 at inilunsad ang NSTP. Mula sa nangyari kay Chua, kitang-kita ang posibilidad na maging mapang-abuso at marahas ang programa sa mga estudyanteng sasailalim dito.
Maraming pang isyu ang kinahaharap ngayon ng sektor ng edukasyon na mas nangangailangan ng agarang atensyon at solusyon mula sa pamahalaan. Una, hindi sapat ang benepisyong ibinibigay sa mga guro, maging ang kanilang natatanggap na sweldo, sa kabila ng sobra-sobrang ibinibigay sa kanilang trabaho. Pangalawa, lumalala rin ang nangyayaring pagrerebisa sa kasaysayan sa mga modyul at teksbuk ng mga mag-aaral. Isang halimbawa nito ay ang pagpapalit-tawag sa panahon ng Martial Law bilang “New Society” o “Bagong Lipunan,” ang pangalan ng programang ginamit bilang propaganda noong rehimeng Marcos, sa mga teksbuk na inilimbag ng Departamento ng Edukasyon (DepEd). Ito ay isang halimbawa ng historical denialism sa mga teksbuk at modyul ng mga mag-aaral. Pangatlo, marami pang mga paaralan sa bansa ang nangangailangan ng pagkukumpuni, pag-maintain, at muling pagpapatayo. Ayon sa pinakahuling datos ng DepEd, 104,536 lamang mula sa 327,851 na paaralan sa bansa ang nasa magandang kondisyon. Ito ang mas kailangan ng sistemang pang-edukasyon, hindi ang mandatory ROTC o NCST.
Tumungo naman tayo sa maaaring pangmatagalang resulta ng programang ito. Kung babalikan natin ang ating kasaysayan, ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon upang lusawin ang makabayang pag-iisip pagkatapos ng rebolusyon laban sa mga Espanyol. Sa kasamaang palad, tayo ay hindi pa tuluyang gumagaling mula sa sakit na ito sa ating lipunan, at isa itong ebidensya kung gaano kadali makontrol ang sambayanan gamit ito. Ang sistemang pang-edukasyon ay isa nga namang napakamakapangyarihang medyum upang manipulahin ang mga kinabukasan at kamalayan ng bayan. Mahihinuha na tila nais nitong pairalin ang pekeng “nasyonalismo” kung saan nagiging sunud-sunuran lamang ang mga mamamayan sa pamahalaan gamit ang mga militaristikong indoktrinasyon. Ito ay maaari ring maging tulay para sa paglilinang ng mapang-abusong sistema.
Kung nasyonalismo nga ang hangarin ng pamahalaan, tuturuan nila ang kabataan na mag-isip nang kritikal at malaya, sa halip na ipilit ang isang programang may potensyal na maging mapang-abuso, dahil hindi sinasanto ng tunay na nasyonalismo ang katiwalian. Ang tunay na nasyonalismo ay ang pagpapaunlad ng lipunan nang pangmatagalan. Hindi kami papayag sa hinaharap kung saan ang kabataan ay hamak na mga piyesa sa mapang-aping makinarya ng pamahalaan. //nina Apollo Tumaliuan at Kirsten Chantal Dela Cruz
References:
CNN Philippines. (2023, February 7). Galvez clarifies ‘ROTC as cure for mental health’ statement. CNN Philippines. https://www.cnnphilippines.com/news/2023/2/7/galvez-rotc-cure-for-mental-health-clarification.html
Romualdez, F.M., et al (2022). AN ACT INSTITUTING A NATIONAL CITIZENS SERVICE TRAINING PROGRAM IN ALL PUBLIC AND PRIVATE TERTIARY EDUCATION INSTITUTIONS, REPEALING FOR THE PURPOSE REPUBLIC ACT NO. 9163, OTHERWISE KNOWN AS THE “NATIONAL SERVICE TRAINING PROGRAM ACT”, AND APPROPRIATING FUNDS THEREFORE. https://hrep-website.s3.ap-southeast-1.amazonaws.com/legisdocs/third_19/HBT6687.pdf
House of Representatives. (2022, December 16). House approves NCSTP on 3rd reading. GOVPH. https://www.congress.gov.ph/press/details.php?pressid=12347#:~:text=National%20Citizens%20Service%20Training%20Program,Public%20and%20Private%20Tertiary%20Education
Magsambol, B. (2023, February 6). Doctors debunk Galvez claim that ROTC ‘cures’ students’ mental health issues. Rappler. https://www.rappler.com/nation/doctors-debunk-galvez-bato-claim-rotc-cure-mental-health/
Baron, G. (2021, March 8). Remembering Mark Welson Chua. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2021/03/18/remembering-mark-welson-chua/
The Philippine Star. (2022, December 26). EDITORIAL - Remembering Mark Welson Chua. https://www.philstar.com/opinion/2022/12/26/2233360/editorial-remembering-mark-welson-chua
2 notes · View notes
mga-salita-ni-kiro · 3 months
Text
Oo, noong una, ikaw ang medisina.
Gamot sa lahat; sa kabaliwan at kalungkutan na nadarama.
Sa sariling halimaw at demonyo, ikaw ang pampakalma.
Naging rason kung bakit ang buhay ay ipinagpatuloy pa.
Ako'y naging kulang-kulang at sira-sira.
Pero iyong binuo at muling ginawa.
Nilunod ako sa ilusyon na hanggang dulo, ikaw ang kasama.
Pinagsamantalahan ang aking kahinaan; kahit isang araw lang na wala ka ay hindi ko kaya.
Ikaw ang nagtanggal ng mga sakit na dulot ng nakaraan.
Pinaltan ito ng mga memorya na peke na punong-puno ng kasiyahan.
Araw-araw na nagsinungaling, binusog ako sa katarantaduhan.
Para sa sarili mong kaligtasan at para hindi ka na masaktan, ako'y tinuring at ginawa mong laruan.
Pero, tapos na ang pakikipaglaro.
Sa wakas, ako'y nagising na sa katotohanan at namulat na sa realidad ng gagong mundo.
Ngayon ay alam ko na; sa lahat ay walang totoo.
Oo, noong una ay ikaw ang naging medisina at gamot; pero ikaw din pala ang lason na pumapatay sistema ko.
Kiro - Lason, 4 AM
0 notes
dan6085 · 1 year
Text
Sa buong mundo, kilala ang mga Filipino nurses bilang mga propesyonal na mahusay sa kanilang larangan. Hindi lamang sila mahusay sa pag-aalaga sa kanilang mga pasyente, ngunit kilala rin sila sa kanilang mga kakayahan sa teknolohiya, mga kakayahang interpersonal, at pagiging matiisin sa kanilang trabaho.
Sa Estados Unidos, halos kalahati ng mga nurse na nasa ibang bansa ay galing sa Pilipinas. Ang mga Filipino nurses ay nagpapakita ng kanilang kasanayan sa iba't ibang larangan ng medisina, kasama na ang pagsusuri, pagpapagamot sa mga pasyente, at pagiging nurse educator. Hindi lamang sila nagbibigay ng kanilang mga kakayahan sa mga pasyente, ngunit sila rin ay nagbibigay ng kaginhawaan sa kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay.
Sa Europa, nakikita rin ang mga Filipino nurses sa iba't ibang larangan ng medisina. Sila ay nagbibigay ng kanilang mga kakayahan sa mga ospital, klinika, at mga tahanan sa pagpapagamot. Sila rin ay may malalim na kaalaman sa mga uri ng mga sakit at pangangalaga sa kalusugan na ginagamit sa Europa.
Sa Middle East, ang mga Filipino nurses ay nagsisilbi sa mga pamahalaang ospital, pribadong klinika, at mga nursing homes. Sila ay nagbibigay ng kanilang kasanayan sa mga pasyente na kadalasang nangangailangan ng espesyal na pangangalaga. Bukod sa pag-aalaga sa kanilang mga pasyente, ang mga Filipino nurses ay kilala rin sa kanilang mga kakayahan sa pagsasagawa ng mga doktor order at pagtitiyak na ang mga pasyente ay nakakatugon sa kanilang mga pangangailangan sa kalusugan.
Ang mga Filipino nurses ay kilala sa buong mundo bilang mga propesyonal na mahusay sa kanilang larangan. Hindi lamang sila nagbibigay ng kanilang mga kakayahan sa mga pasyente, ngunit sila rin ay nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga kababayan nila sa Pilipinas. Ang kanilang mga kasanayan at pagsisikap ay patunay ng kahusayan at kagalingan ng mga Filipino nurses sa kanilang trabaho.
Tumblr media
0 notes
Text
Tumblr media
Buhay Ko, Istorya Ko: Talambuhay ni Aira Manabo
Ang aking pangalan ay Aira D. Manabo at ako ay isinilang sa maliit na barangay ng Lun Padidu na isang maganda at tahimik na probinsya noong Agosto 23, 2004. Ang aking ina ay si Raida D. Manabo at ang aking ama naman ay si Ronnie A. Manabo. Ako ay nag-iisang anak lamang ngunit pinalaki ako na hindi kulang sa pagmamahal at aruga sapagkat palaging nasa aking tabi ang aking mga magulang upang suportahan ako sa lahat ng bagay. Mahilig akong tumuklas ng mga bagay na matatawag kong hobby at pinaka-ayaw ko sa lahat ang sobrang ingay. Sa musmos na edad, masasayang ala-ala ang aking naranasan at naikubli sa aking mumunting isipan. Natutunan kong tumakbo at maglaro kasama ang mga kaibigan sa mga gubat sa likod ng aming bahay at magtampisaw sa ulan sa tuwing uulan. Nasubukan kong madapa, masugatan, at umiyak dulot ng mga maliliit na bagay na dati ay parang mabigat na problema na para sa atin. Ang aking mga magulang ay mga masisipag, matiyaga at mapagmahal na indibidwal na nagbigay sa akin ng  nagturo sa akin na sa paglaki ay dapat na unahin ang pamilya at mahalin pag-aaral.
Nang tumungtong sa elementarya ay nag-aral ako sa Lun Padidu Central Elementary School, kung saan nagkaroon ako ng marami-raming kaibigan na aking naging sandigan sa tuwing nasa loob ng silid-aralan. Sa baitang na ito ay natutunan kong magpakita ng magandang performance sa aking pag-aaral at nakapagkwekwentuhan at nakikipaglaro sa maraming kaibigan na tiyak na magtatagal sa buhay. Dito ko natuklasan ang hilig ko sa pagsusulat, pagbabasa, at radio broadcasting nang sumali ako sa journalism club sa aming paaralan. Natuto akong sumulat ng mga lathalain nang nasa ikalimang baitang na ako na nagging dahilan para manalo ako sa iba’t ibang kompetesyon tulad ng Division Schools Press Conference (DSPC) na nagdala sa akin Regional Schools Press Conference (RSPC).
Sa high school, nagsimula akong mas magpursige na matuto at maging magaling na manunulat ng lathalain. Pumasok ako sa Special Program in Journalism (SPJ)  class upang mas mapagtuonan ko pa ng pansin ang aking hilig sa pagsusulat at radio broadcasting. Dito ay nagsimula akong maglaan ng aking libreng oras sa paggawa ng mga tula at maikling kuwento. Ang high school na buhay ay isang hamon ngunit kasiyahan sa akin. Mas bingyan ko ng pokus at naging aktibo ako sa pag-aaral, naging parte ng softball team at minsan ay nagsisilbing editor sa school newspaper. Sa high school na rin ako nagsimulang ma-engganyo sa mga bagay na may kinalaman sa pagsalba ng mga buhay, na nagbigay sa akin ng interes sa pagpursige ng aking karera sa medisina.
Pagkatapos ng graduation sa high school, nagpasya ako na magpa-enroll sa paaralan na alam kong mas mabibigyang pansin ang kurso na aking nais. Nagdesisyon ako na mag-aral sa General Santos Doctors' Medical School Foundation, Inc. at pumasok sa STEM strand sapagkat alam ko na magiging malaking tulong ito sa akin upang maging handa sa pagsabak sa kolehiyo. Senior high school student ako nang maging Presidente ako ng Supreme Student Government (SSG) na isang organisasyon sa paaralan na naglalayong pamunuan at maging mabuting huwaran sa mga kapwa mag-aaral. Dito ko natutunan kung paano at gaano kahalaga ang makinig at makihalubilo sa iba pang mga mag-aaral lalo na ang pagkakaroon ng pasensiya at pag-unawa.
Sa buong buhay ko, ako ay biniyayaan ng mga mapagmahal na pamilya at kaibigan, mga taong nagbibigay ng kasiyahan, at mga taong handa akong suportahan sa kahit na anong laban. Ako ay nagpapasalamat sa lahat ng ibinigay sa akin at pangako ko na mas pagbubutihin ko pa ang aking pag-aaral upang makapagtapos at masuklian ang hirap at sakripisyo na dinanas ng aking mga magulang. Sa pamamagitan ng aking pagtitiyaga at pagsisikap, naniniwala ako na maaari akong magbigay ng positibong epekto sa buhay ng mga tao at maging isang instrumento ng pagbabago sa mundo. Sa panahon na ito, patuloy ko pang hinahangad na maging isang responsible, matibay at epektibong mag-aaral na kayang panindigan lahat.
0 notes
temysimundac-blog · 1 year
Photo
Tumblr media
The World Health Organization (WHO) estimates that around $83 billion worth of counterfeit drugs are sold annually, and one in ten medical products circulating in developing countries, like the Philippines, are substandard or fake. A report from the Pharmaceutical Security Institute (PSI) on counterfeit drugs in the Southeast Asian region shows that, from the 673 incidents from 2013 to 2017, 193 occurred in the Philippines, 110 in Thailand, 93 in Indonesia, and 49 in Vietnam. Fake medicines is more prevalent in the Philippines than in most of our neighbors in the region. I commend the FDA for organizing the National Consciousness Week with the theme: “Maging Mapanuri. Magkaisa! Labanan, Pekeng Medisina”. With the urgency of this problem, the effort to address this has to be concerted and multi-sectoral. From our end as LGU, we will intensify our campaign against the supply of the fake medicines. We will also raise the awareness of our constituents to be more wary in buying medicines to avoid unconsciously patronizing fake medicines. Kung sama-sama po tayo, mas malaki ang pagkakataon mapigil po ang pag-kalat ng mga pekeng gamot. #NCWACM2022 #COUNTERFAKEMEDS Mapagpalang araw sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay, Muntinlupeño! Maraming salamat po! #TemySimundac #BisengBiseMagsilbi #TapatAtTaosPusongSerbisyo #OneMuntinlupa Mayor Ruffy Biazon #RuffyBiazon #MayorRuffyBiazon Congressman Jimmy Fresnedi #JimmyFresnedi #CongressmanJimmyFresnedi Vice Mayor Temy Simundac Vice Mayor Muntinlupa #ViceMayorTemySimundac #MuntinlupaNakakaproud 1Munti City Government of Muntinlupa - OFFICIAL Food and Drugs Administration Philippines 18 November 2022 Friday https://www.instagram.com/p/ClQEWSAv3BT/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
rogrogrog · 3 months
Text
Tumblr media
We’ll keep on moving on, anyway.
Feb. 9, 2024 / NYC
41 notes · View notes
walangmaisippnaurl · 1 year
Text
lumabas result ng PLE ngayon. ang naging usapan tuloy namin is pagme-med namin. hindi na namin talaga alam gagawin sa buhay namin. sino ba nagsabing madaming pera sa medisina? ampota mamatay na kaming walang sariling pera
1 note · View note
blogcontent2-tcm3k4 · 2 years
Text
BLOG- WEEK 1 (TAGALOG)
WASTONG PAG-IINGAT SA ATING KALUSUGAN.
Kalusugan ang tanging yaman na hindi matutumbasan nang pera kahit kailan. Ang kalusugan ang isa sa pinakaimportanting bagay dito sa ating mundong ibabaw sapagkat hindi ito nabibili kaya’t nararapat ay ingatan natin ito. Maraming hakbang ang maarin nating gawin upang iwasan natin magkaroon ng sakit isa na ito ang pagkain nang masustansyang pagkain gaya nang prutas at gulay na nakakatulong sa ating katawan upang tayo ang maging malusog iwasan kumain nang mga artipisyal na pagkain at mga junk foods dahil ito ay may kemikal na nakakasama sa ating katawan. Pangalawa, wastong hygine sa katawan ang paligo araw araw, pagsisipilyo, paghuhugas nang kamay palagi ay isa sa mga bagay na inituro sa atin sa premarya ay dapat natin itong tugan nang pansin. Pangatlo, ang pag eehersisyo sa loob ng 30 minuto araw-araw at pagkakaroon nang sapat na tulog na anim hanggang pitong oras. Ang pangangalaga sa kapaligiran, nutrisyon, pag-iwas sa sakit, at pangangalagang pangkalusugan ay ang pinakamakapangyarihang aspeto ng mahusay na inangkop na mga pag-unlad sa medisina. Ang pag-aaral sa mga aspetong ito ay makakatulong sa iyong sukatin ang kaligayahan at kagalingan. Ang mabuting kalusugan ay ang balanse ng pisikal, mental at panlipunang kalusugan na naging posible ng isang malusog na pamumuhay. Ang isang malusog na buhay ay nagmumula sa isang malusog na katawan at isip. Samakatuwid, ang pisikal, mental at panlipunang kalusugan ay pantay na mahalaga. Ang mga tungkulin ng kababaihan sa modernong lipunan ay magkakaiba. Madalas silang nasa ilalim ng pressure mula sa trabaho at pamilya. Ang pamumuhay ng malusog na pamumuhay at pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat tungkulin ay hindi madaling gawain. Ang mga kababaihan ay dapat bigyang pansin ang kalusugan ng pag -iisip, pati na rin ang pamumuhay sa kalusugan, kalusugan at kasiyahan ng katawan. #healthiswealth #WEEK1
COPYRIGHT INFRINGEMENT: https://wealthofgeeks.com/healthy-lifestyle-habits/
Tumblr media
1 note · View note
Text
Sino ba si Jose Rizal?
Tumblr media
Bago lumalim ang talakayan tungkol sa pagmulat ng mga mata ng Pilipino sa kasamaan na nagdaan, kilalanin muna natin ang isang bayani at ang kanyang naging buhay. Ito ay walang iba kung hindi si Dr. José Protasio Rizal Mercado Y Alonso Realonda, o mas kilala natin sa ngalan na Jose Rizal. Ipinanganak siya noong Hunyo 19, 1861 sa bayan ng Calamba, Laguna sa mag-asawang, Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Sa murang edad, mapapansin na ang kanyang labis na katalinuhan at kakayahan kung maikukumpara sa ibang estudyante. Ang mga halimbawa nito ay ang kanyang pagkamatatas sa iba’t ibang wika at galing sa panunulat ng sanaysay at mga tula. 
Unang nagpatala si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila kung saan nalinang ang ganyang galing sa literatura. Matapos dito, lumipat siya sa Unibersidad ng Santo Tomas upang mag-aral ng Medisina. Ngunit hindi pa ito ang huli, ipinatuloy pa niya ang pag-aaral sa Espanya kung saan nakatanggap siya ng lisensya sa Medisina. Maliban dito, nadiskubre rin niya ang iba pang mga talento tulad ng arkitektura, ekonomiya, at sosyolohiya. Sa kanyang patuloy na pag-aaral at karanasan, mapapansin ang kanyang interes sa pagkakaroon ng bukas na kaalaman.
Pagkatapos ng kaniyang pag-aaral sa Pilipinas, dumalo si Rizal sa Europa kung saan isinulat niya ang “El Amor Patrio (Love of Country)”. Itinuloy niya rin karagdagang pag-aaral ng medisina, pilosopiya, sining, at wika sa Madrid at sa San Fernando. Binuo rin ni Rizal kasama ng mga ilustrados ang Circulo Hispano-Filipino, kung saan nilikha niya ang Mi Piden Versos (They Ask Me for Verses). Bukod dito, nasulat din ni Rizal ang kaniyang unang nobela, ang Noli Me Tangere sa Madrid. 
Nang makabalik si Rizal sa Pilipinas, tumayo siya ng sariling kliniko kung saan ginamot niya ang mga may sakit habang siya ay lumilingkod sa munting komunidad ng Calamba. Ngunit dahil sa mga prayle, bumalik muli siya sa Europa kung saan itinapos niya ang kanyang pangalawang nobela na ang El Filibusterismo. Bago ang mga huling araw ni Rizal, sinulat niya ang Mi Ultimo Adios, at sa pamamagitan ng kaniyang mga malikhaing akda ay makikita ang walang sawang pagmamahal ng isang bayani para sa sariling bayan. 
Valdeavilla, R. (2018, June 8). The life and legacy of José Rizal: National hero of the Philippines. Retrieved from https://theculturetrip.com/asia/philippines/articles/the-life-and-legacy-of-jose-rizal-the-philippines-national-hero/
0 notes
tropical-gothic · 6 years
Text
Tumblr media
Me trying to be productive during duty. Optha has been a good rotation. Good enough on this Clerk that she can afford to post this little something on tumblr.
While Optha has been fun as well as benign, I can tell that it’s not really for me. Cheers to the next rotations being great and benign too!
4 notes · View notes
vvsminhyung · 3 years
Text
Tumblr media
𝟗:𝟒𝟕, 𝐉𝐀𝐄𝐌𝐈𝐍 ; “handa akong magsilbi na medisina.”
DREAM CAFE, that one coffee shop na lagi mong tinatambayan tuwing may problema. Problema sa bahay, problema sa pag-aaral, problema sa pera, at problema sa sarili. The shop itself is a witness of your downfall. Nakita ka na nito na tumulala, umiyak, at mawalan ng gana sa buhay. This is like a bar for you, but the minor version. People didn’t really care when you are weeping in your own table, some offered their tissues and asked if you’re okay, but that’s just the most of it. You were glad that they care, a stranger even, when most of the time, your family doesn’t. Mas tinutugunan nila ang pagmamalasakit sa’yo kaysa sa sarili mong pamilya.
You were cast down, mentally and emotionally. Iniisip mo na lang na sana magpasukan na para mawala na yung mga bagay na bumabagabag sa isipan mo. Sometimes, hindi mo na kaya, pero most of the times, tamang kinakaya na lang. In school, you are busy. Talking with your classmate and making fun of your teachers. That was a school life that you are hoping to experience soon, but who are you kidding? Today is a new episode. a new problem and a new breakdown. The reason you are here tonight is because your father lost his job, and your mother made a shocking revelation to you that totally broke your spirit down.
“You’re not going to school this year.”
It wasn’t anything heartbreaking to other teenagers, but to you, it felt like the whole world collapse. Your whole world collapse. Your mind went blank, and your feelings felt numb. Isipin mo ‘yon, yung tanging lugar na liblib sa iyong problema ay bigla-bigla na lang mawawala? Para ka na lang pinarusahan. Lalo na’t kung wala ka sa paaralan, siguradong sa bahay ka naman mananatili at mapapa-isip kung bakit kailangan pa mangyari sa iyo ‘to kung ang gusto mo lang naman ay makapagtapos kagaya ng iba. You cried. The tears didn’t stop. You just want to go to the stage with them. Experience the graduation of your batch. Experience the achievements of your hardships. Experience the happiness with your classmates, kahit wala ang mga magulang. You didn’t care, mas may pakialam ang mga kaklase mo sa’yo kaysa sa mga magulang mo, and that’s what hurt you the most. You are stuck with people who didn’t care one bit about your feelings.
You stood up, planning to head to the CR when you bump into someone’s chest. Hindi ka tumingin sa kanya. Sa halip, nagpaumahin ka lamang at dumireto na ng tuluyan sa women’s comfort room.
You breathed out and calm yourself. 
The second you stepped out was the moment you heard voices singing in the background. It wasn’t singing - it was more like rapping. Familiar sa’yo ‘to. It was a song from before. A local song. Laging kantahan ng mga kaklase mo sa likod ng classroom habang free time. You unknowingly smiled, your classmates always seems to have that kind of effect on you. Sa kanila ka na lang mapapangiti dahil sa kalokohan nila.
“Hindi mo malaman ang sagot kung bakit malungkot kaya ang iyong sarili ay sinisisi,” You went closer to the stage. To take a sit. To the boys who’s rapping and to this bandmates who are performing.
It was that moment you take a closer look when you saw someone known there. Up in that stage, you knew someone so familiar to you. 
“Walang umiintindi sayong nararamdaman,” Your eyes caught how he performs. He was a guitarist, the lead, and also the vocalist of the night. He was so much closer than you think, to the point he might have noticed you already. “Minsan ka lang ngumiti, ako’y tunaw kapag nasusulyapan.”
And you weren’t wrong. 
Indeed, he noticed you.
“Ang ‘yong mga luha ay punasan mo na.”  
Simula palang nang pagpasok niya sa loob ng coffee shop, he noticed you. Your distressed look, your eyebags, and your tears. Yet, from a classmate - a seatmate, wala siyang magawa dahil first of all, he never saw this side of you. You guys are seatmates, quite close, but he never saw you cry. Lagi kang nakangiti sa classroom na tipong akala mo iiyak ka na lang sa tuwa sa tuwing babanat si Donghyuck nang kanyang kayabangan.
“Susubukan ibalik ang ‘yong kislap sa mata,” Kung hindi ka lang siguro kakilala ni JAEMIN, malamang hindi niya mapipili ang kantang ito ngayon. He never knew this song. A local one. Laging sina Mark Lee at Donghyuck ang kumakanta nito sa likod ng classroom nila, but when Minhyung recommended this song to him, the thought of you suddenly entered his mind. Ngayon lang sumagi sa kanyang isipan ‘yon noong nakita ka niyang balisa. 
When he saw you like that, he felt a part of his heart broke. Naaawa siya, he pitied you. Wondering what made you look like that. Your spirit looks so disheartened, para nawalan ka ng gana bigla. Hindi kagaya nang mga ngiti mo sa classroom, mukha kang may dinarama ngayon. Wala sa sarili, at hindi mapalagay.
“Ang lahat ay gagawin para lang sumaya, kaya tumahan kana.”
“Hindi kita masisisi bakit ka ganyan,”
You saw him smiled.
Jaemin just smiled at you.
“Sa dami ng nangyari, araw-araw ka’y matapang at nandyan, nanatili kung saan ka man.”
Maliit na ngiti lang ‘yon pero grabe ang epekto sa’yo.
For a moment, your heart felt no burden from before. Like a weight was lifted up, before it can even crush you down. Gumaan ang pakiramdam mo.
You smiled.
Seriously, your classmates really had this effect on you.
“Kung ngayong gabi ay sisimangot, ay handa akong magsilbi na medisina.”
Tumblr media
13 notes · View notes
onmysideofthefence · 3 years
Text
“Dalawang araw nalang ang natitira”
Ako ay patuloy na namamangha
Di ko akalaing sa pinaka mahirap na parte ng medisina
May nakaabang pa sa dulo ng ikalawang pahina
May taong handang umakap sa natitira ko pang enerhiya
Di ko akalaing dadating ka sa pinakamahinang parte ng buhay ko
Di ko inaasahang may makakasama pa noong iniwan ako ng aking mundo
Ako ay patuloy na namamangha
Dalawang araw nalang ang natitira
Mas umiigting ang apoy kong makatapos
Mas lumalakas ang loob kong makaraos
Ang hirap ng bawat daan
Pero gagawa ako ng paraan
Ang lapit na ng pangarap ko
Isasama kita sa paglipad ko
Dalawang araw nalang ang natitira
Pero sa mga kasunod pang araw nito
Mayroon ka ng ako,
Lakbayin natin ang nakaukit na pangarap
Para sa isang simpleng taong kagaya ko
Dalawang araw nalang ang natitira
Hindi ko na ito papahabain pa
Mahal kita kahit pa ang mundo’y dalawang araw nalang ang natitira
2 notes · View notes
carylleladd · 3 years
Text
DEKADA 50: ANG GININTUANG PANAHON NG PELIKULANG PILIPINO
Tumblr media
Ang industriya ng pelikula sa Pilipinas ay isa sa pinakaabala pagdating sa paggawa ng mga pelikula sa Asya. Itinatayang nakapaglabas ng 350 na pelikula sa isang taon ang Pilipinas na pumapangalawa sa bansang Japan.
Ang dekada 50 ay napakaimportanteng panahon sa industriya ng pelikula sa Pilipinas. Itinuring itong Unang Ginintuang Panahon ng Pelikulang Pilipino dahil sa mataas na artistikong pagpapahalaga na ipinakita.
Sa dekadang ito, apat na naglalakihang production studios ang namuno at ito ay ang LVN Pictures, Sampaguita Pictures, Premiere Productions, at Lebran International.
Tumblr media
Ang dekada 50 ay napakaimportanteng panahon sa industriya ng Pelikula Pilipino sapagkat sa panahon na ito nagawa ang ilan sa mga mahahalagang pelikula sa kasaysayan ng pelikula sa Pilipinas. Mga pelikula na hindi lamang nakilala sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
MGA PELIKULA SA DEKADA 50
ANAK DALITA
Tumblr media
Ang pelikulang Anak Dalita ay tungkol sa isang sundalo na nakipaglaban sa giyera sa Korea na ginampanan ni Tony Santos at sa isang mang-aaliw sa isang bar na ginampanan naman ni Rosa Rosal. Inilabas ito sa taong 1956 at ginawaran ang pelikula ng 1956 Asian Film Festival Award.
GENGHIS KHAN
Tumblr media
Ang pelikulang Genghis Khan ay tungkol sa buhay ng isang Mongol ruler na ginampanan ni Manuel Conde. Inilabas ang pelikula sa taong 1950. Ang pelikulang ito ay ang pinakaambisyosong pelikula na ginawa noong panahon ng post war.
PRINSIPE AMANTE
Tumblr media
Ang Prinsipe Amante ay inilabas sa taong 1951 at ang pinakaunang full-colour na pelikulang inilabas sa Pilipinas. Inilaban ang pelikula sa Venice International Film Festival.  Ito rin ang nag marka sa pagsisimula ng paglaganap ng pagbagay ng Filipino komiks sa pelikula.
Sa dekadang ito ay nakilala ang mga mahuhusay na aktor at aktress na nagpakita ng kanilang galing sa pagarte. Sila ang isa sa mga rason kung bakit ang mga pelikula ay naging matagumpay. At hanggang ngayon ang mga aktor at aktress ay hinahangaan at ginagalang parin.
MGA KILALANG AKTOR AT AKTRESS SA DEKADA 50
LILIA DIZON
Tumblr media
Claire Strauss y Dizon o mas kilala sa pangalang Lilia Dizon ay isang sikat na aktress na bumida sa mga pelikulang Sanda Wong, Bathumal, Kalderong Pilak at iba pa. Tinaguring isa sa pinakamagaling na aktress sa Asya at ang pinakaunang Pilipinong artista na nakamit ang Best Asian Actress Award sa Cambodia Film Festival.
REGIDOR DE LA ROSA
Tumblr media
Regidor de la Rosa ay isa sa pinakapopular na matinee idols sa ika-20th siglo. Sa 1955 ay nanalo siya bilang Pinakamahusay na Aktor sa FAMAS at Southeast Asia's Pinakamahusay na Aktress sa Hong Kong Festival para sa pelikulang "Higit sa Lahat".
Hindi magagawa ang mga pelikula kung wala ang direktor. Kaya ngayon, kilalanin natin ang mga direktor na nagbigay at gumawa ng mga pelikulang pumukaw sa mga puso ng mga Pilipino.
MGA KILALANG DIREKTOR SA DEKADA 50
LAMBERTO AVELLANA
Tumblr media
Si Lamberto Avellana ay isang sikat na direktor sa pelikula at teatro. Tinaguriang Boy Wonder of the Philippine Movies. Siya ang direktor ng pelikulang Kalderong Pilak na pinakunang pelikulang ipinakita sa Cannes International Film Festival at ang. At sa taong 1976 ay iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro at Pelikula.
GERARDO DE LEON
Tumblr media
Si Gerardo de Leon ay isang sikat na direktor, aktor at doktor sa medisina. Ilan sa mga kilalang pelikula na ginawa niya ay ang Sisa (1951), Dyesebel (1953), Pedro Penduko (1954), Noli Me Tangere(1961), at El Filibusterismo (1962). Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro at Pelikula sa taong 1983.
Sa dekada 50 nagsimulang magkaroon ng tagapaggawad-parangal ang Pilipinas at ito ay ang Maria Clara Awards at Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS.
Tumblr media
1. FLIPINO ACADEMY OF MOVIE ARTS AND SCIENCES O FAMAS
Ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS ay ang pinakamatandang tagapaggawad-parangal kung saan binibigyan ng parangal ang mga artista, direktor at artisan sa kanilang ipinakitang kagalingan sa pelikula.
2. MARIA CLARA AWARDS
Ang Maria Clara Awards ay ang pinakaunang tagapaggawad-parangal sa mga natatanging direktor, artista at artisan sa laranagan ng pelikula sa Pilipinas.
ILAN SA MGA KILALANG PELIKULA SA DEKADA 50
Sisa
Sanda Wong
Biyaya ng Lupa
Gerilya
Walang Kamatayan
ILAN SA MGA KILALANG DIREKTOR
Gregorio Fernández
Consuelo Ateng Padilla Osorio
César Gallardo
Armando Garces
Eddie Romero
Ang Dekada 50 ay napakaimportanteng panahon sa industriya ng Pelikula Pilipino. Ito ang dekada kung saan nabuhay ulit ang paggawa ng mga pelikula matapos ang digmaan. Dekada kung saan nagawa ang ilan sa mahahalagang pelikula at nakilala ang ilan sa mahuhusay na artista at direktor sa Pilipinas. Dekada na nagpatunay sa husay ng mga Pilipino pagdating sa larangan ng pelikula.
4 notes · View notes