Tumgik
halkonensis · 7 months
Text
ANG LABAN NG ISA AY LABAN NG LAHAT! HINDI KRIMEN ANG DRAG!
"Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus." (Ga 3:28 MBBTAG)
Tumblr media
Una, bilang mga Kristiyano, kailangan nating tingnan ang ating paligid. Oo nga at nakikita natin ang kawalang-pakundangan sa imahe ni Jesu-Kristo, at balidong makaramdam tayo ng ngitngit, ngunit binigyan ba natin ng oras na tingnan ang mga signos ng panahon? (Mt 16:1-4) Kung bakit nagtanghal si Pura Luka Vega in the first place? Dahil sa laganap na pang-aabuso, hindi lamang sa gender minorities, kundi sa sambayanan! Kung tutuusin, mas blasphemous at makasalanan pa ang tahasang pang-redtag, intimidasyon, pag-torture, at pagpatay ng administrasyong Marcos-Duterte sa ating mga nag-aasam at kumikilos para sa pagbabagong panlipunan. Kinikitilan ng karapatan at buhay ang mga taong nilikha ayon sa wangis ng Diyos! Hindi ba mas kahindik-hindik iyon?
Ikalawa, kahit ano pang sensibilidad ng mga Kristiyano ang na-offend sa performance ni Pura Luka Vega, hindi dapat maparusahan sa batas ang ganitong ekspresyon ng sining. Kailangang mabatid nating lahat na sa hinaba-haba ng kasaysayan, ginamit na armas ang relihiyon para sa represyon ng mga komunidad LGBTQIA+. Isa itong kolektibong ekspresyon ng trauma, grief, at pagbawi ng espasyo mula sa sakit at abuso! 
Tingnan natin kung sino ang mga may pakanang nagposas at nagkulong kay Pura. Sila rin ang mga kagawad ng pulisyang pumatay kay Jude Thaddeus Fernandez, isang 67-taong gulang na organisador ng mga manggagawa. Sila rin ang mga nagsinungaling sa mamamayan nang dinakip nila sina Jhed Tamano at Jonila Castro, mga kabataang taong-simbahan at environment advocates para sa Manila Bay. Sila rin ang naghahasik ng mga bomba sa isla ng Masbate at nagdudulot ng matinding takot sa mga residente. Sila rin ang nakikinabang sa confidential and intelligence funds na balon ng katiwalian.
Mga kapwa-Kristiyano, sa panahon ng malalang represyon sa ating saligang karapatan para sa buhay, kailangan na nating bumuklod sa malawak na mamamayang Pilipino. Kasama rito ang komunidad ng LGBTQIA+ at iba pang mga uri at sektor na araw-araw binibiktima ng pang-aapi at pagsasamantala. Tinatawagan tayo na sundan ang mga yapak ni Kristo patungo sa pagkilos para sa kapayapaan dito sa lupa na nakabatay sa katarungan. Ang laban ng isang nagdarahop para sa kanyang karapatan ay laban ng lahat ng nagdarahop para sa karapatan ng lahat, sapagkat tayong lahat ay iisa na sa pakikipag-isa natin kay Jesu-Kristo!
FREE PURA LUKA VEGA! JUSTICE FOR ALL VICTIMS OF STATE REPRESSION!
KRISTIYANO AT MAMAMAYAN, MAGBUKLOD PARA SA KAPAYAPAANG BATAY SA KATARUNGAN!
1 note · View note
halkonensis · 10 months
Text
Tumblr media Tumblr media
ikaw ang bayan
kinatha 2022/12/11, dagdag-rebisyon 2023/07/04
1 note · View note
halkonensis · 10 months
Text
Tumblr media
unspoken elegies
written 2023/06/29
0 notes
halkonensis · 10 months
Text
Tumblr media
bagong balangiga
kinatha 2023/06/22
0 notes
halkonensis · 10 months
Text
Tumblr media
howling wilderness (we, balangiga)
written 2023/06/22
1 note · View note
halkonensis · 10 months
Text
Rumaragasang ilog ang katarungan:
Ang masaker sa pamilya Fausto at ang Kristiyanong pagsisikap para sa kapayapaan
Sa halip ay padaluyin ninyo ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang di natutuyong batis. Amos 5:24 MBBTAG
Tumblr media
Trigger warning: graphic descriptions of military violence
Nakagigimbal ang pagpaslang ng pamilya Fausto, mga magsasaka at kapanalig ng Iglesia Filipina Independiente (IFI), sa kamay ng mga kagawad ng 94th Infantry Battalion ng Philippine Army (IBPA), sa Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Oriental noong Hunyo 14.
Kumikintil pa rin sa diwa ang mga litrato ng kubong tinutuluyan ng mag-anak: mga duguang bangkay na nakalaylay sa pintuan at sa hagdan. Apat na katawang balot sa puting tela, nakahandusay sina Roly Fausto, ama; Emelda Fausto, ina; at sina Ben at Ravin, mga anak.
Sinasalaysay lamang ng mga litrato ang isang parte ng kuwento. Marami pang mga pinagkakait ang 94th IBPA at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mga detalye.
Ayon sa September 21 Movement, isang grupo para sa karapatang pantao, matagal nang target ng panliligalig ang mga Fausto sapagkat kasapi ang pamilya ng Baklayan, Bito, and Cabagal Farmers and Farmworkers Association (BABICAFA). Kasama sa mga ginawang paglabag sa karapatang pantao ng mga kagawad ng 94th IBPA ang panunutok ng sundang kay Emelda, pagnanakaw, pangtotortyur kay Roly upang pasukuin bilang di-umanong kasabwat ng New People’s Army (NPA), at pangraransak sa bahay, bago ang sukdulang pangmamasaker sa mag-anak.
Ngunit sa pag-iral ng kasamaan ng AFP, imbes na itaguyod ang hustisya at panagutin ang mga maysala sa kanilang hanay, pilit nilang binabalahura ang alaala ng pamilya sa pamamagitan ng pagbabaluktot sa katotohanan. Ayon kay Orlando Edralin, opisyal ng 94th IBPA, sa isang panayam sa DNX News, asset daw ng militar si Roly na nais nang bumaklas sa pagkakasabwat mula sa NPA, at ang pumatay raw sa mga Fausto ay ang mga NPA, bagay na pinabulaanan ng kaanak ng mga biktima.
Kade-kadenang Paglabag sa Karapatang Pantao
Di makakaila ang track record ng AFP (at ng estado sa pangkabuuan) sa karapatang pantao. Sa kasamaang-palad, pinupuno lamang ito ng mga paglabag.
Sa Guihulngan City, Negros Oriental, minasaker noong Hulyo 22, 2022 ng pinagsanib na puwersa ng 62nd IBPA at PNP ang 18 taong gulang na si Everly Kee Jacolbe, buntis niyang ina na si Maria Christina Jacolbe, at kamag-anak na si Rodan Montero, matapos ang walang-humpay na red-tagging at pagpapahirap.
Sa ulat naman ng Karapatan Negros, pinatay naman noong Enero 9 ang magsasakang si Jose Gonazales sa Barangay Carabalan, Himamaylan City ng 94th IBPA, kapwa mga kagawad ding pumaslang sa mga Fausto. Nilapastangan pa ng mga sundalo ang bangkay ni Gonzales sa pagparada nito bilang babala sa mga mamamayan sa di-umanong rebelyon, ngunit pinasinungalingan ito ng mag-anak ng pinaslang.
Kamakailan lang din, nagsagawa ng seminar ang NTF-Elcac na primaryang pinatatakbo ng kasundaluhan sa mga pagawaan ng Philfoods Fresh Baked Products Inc. at Gardenia Bakeries, Phils. sa probinsya ng Laguna upang pigilan ang pagtatayo at paglakas ng unyon ng mga manggagawa. Di nagpapigil ang mga sundalong i-red-tag ang Unyon ng Panadero-Gardenia Bakeries, Phils. (PANADERO-OLALIA-KMU) at paratangang NPA ang opisyal nitong si Rhoel Alconera. Ganito ring panliligalig ang ginagawa ng mga kagawad ng NTF-Elcac at mga sundalo sa mga pagawaan tulad ng Wyeth-Nestle at Fuji sa Laguna.
Ang Kristiyanong Sagot: Kapayapaang batay sa Katarungan
Ngunit sa harap ng lantarang paglabag sa karapatang pantao, ano ang dapat itugon ng kabataang Kristiyano?
Ang sagot ay nakasaad sa Banal na Aklat: pagsikapang matamo ang kapayapaang nakabatay sa katarungan. (Isa 2:4, Mik. 4:3, Joel 4:10)
Batay sa katotohanang ang tao ay nilalang na kawangis ng Diyos, ang katarungan ay ang pagtataguyod ng dignidad ng bawat buhay ng tao. Nilalapastangan ng rehimeng Marcos-Duterte ang dignidad na ito sa porma ng pagkakait ng pagtataas ng sahod, pagpapabayang tumaas ang presyo ng bilihin, kawalan ng reporma sa lupa, hindi pagsasaayos ng matagalang krisis sa edukasyon, at pagpapatahimik sa mga balidong daing ng mamamayan. Isama pa ang pagdaragdag ng base-militar ng US sa lupain ng Pilipinas, pagraratsada ng Mandatory ROTC, at pagtutulak sa Maharlika Wealth Fund.
Kung totoo ngang kapayapaan ang nais makamit ng rehimen gamit ang mga galamay nito tulad ng AFP at PNP, ano ba ang pagpapakahulugan nila sa kapayapaan? Ito ang kalagayang wala nang lumalaban sa kanila upang magawa ang lahat ng gusto nila at makuha ang lahat ng luho nila.
Labis naman itong kaiba sa kapayapaan para sa sambayanang Pilipino. Simple ang hangad: magkaroon ng marangal na kabuhayan, tamang oras ng masustansyang pagkain, tirahang sasanggala mula sa init at ulan, karapatan sa pagpapahayag, at edukasyon ng mga kabataan. Kung ikukumpara sa kasalukuyang kalagayan, talagang nakaririndi ang kawalan ng kapayapaan lalo na at nabubuhay ang sambayanan sa panahon ng kawalang-katarungan.
Bilang mga kabataang Kristiyano naghahangad ng kapayapaan at nagtataguyod ng katarungan, kailangang balikan ang Mabuting Balita ayon kay Lucas. Mula sa pagsasalaysay, sinabi ni Cristo na kaakibat ng pagsunod sa kanya ang pagtatakwil sa sarili at pagpapasan sa krus (9:23). Mapapatotoo natin ang pangakong Kaharian ng Diyos dito sa lupa sa pagsunod natin kay Jesus. Dapat nating iwaksi ang pagkamakasarili sa pamamagitan ng pag-ugnay ng problema ng kabataan sa mas malawak na problemang kinahaharap ng sambayanang Pilipino. Ang krus na papasanin natin ay ang mabigat na krus ng aktibong pagbaka at pakikibaka laban sa namamayaning kasamaang nagpapahirap sa bayan ng Diyos.
Wika nga ni Jesus sa kanyang sermon sa bundok, “Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan sa kapayapaan, sapagkat sila’y ituturing na mga anak ng Diyos.” (Mt. 5:9 MBBTAG) Gayong mahaba ang landasin ng Kalbaryo para sa Kristiyanong kabataan at sambayanang lumalaban, tayo rin ang bubukalan ng katuwiran upang dumaloy ang katarungang parang ilog (Amos 5:24).
Magsumikap para sa kapayapaan! Paragasain natin ang ilog ng katarungan!
Hustisya para sa pamilya Fausto! Singilin ang 94th IBPA at ang rehimeng Marcos-Duterte!
0 notes
halkonensis · 11 months
Text
TAYO ANG MARTILYONG PUPUKPOK SA HULING PAKO NG ATAUL NG IMPERYALISMO!¹:
Maikling pagninilay hinggil sa araw ng "kasarinlan" at libro ng mga Macabeo²
"Ang takdang panahon ni Matatias ay dumating. Ngunit bago siya namatay, sinabi niya sa kanyang mga anak, 'Laganap ngayon ang karahasan at paghihirap. Mga mapagmataas ang nasa kapangyarihan at tayo'y hinamak. Kayo, mga anak, ay dapat maging matapat sa Kautusan at kung kinakailangan ay handang ibuwis ang buhay para sa tipan ng Diyos sa ating mga ninuno.'" (1 Mac. 2:49-50 MBBTAG-DC)
Tumblr media
Larawan: "Machabeusze" (Ang Mga Macabeo) ni Wojciech Kornelli Stattler (1830-1842)
Sa paggunita ng pagpahayag ng kasarinlan ng bansa, kailangan nating tingnan ang ating paligid. Nakalantad ang katototohanang HINDI TUNAY ang kalayaan. Binabalot pa rin tayo ng halimaw ng imperyalismo ng US at Tsina sa aspektong pang-ekonomiya, pampolitika, pangkultura, pangmilitar, at pang-ugnayang panlabas.
Ang paring si Matatias, ang anak niyang si Judas Macabeo at ang salinlahi nila ay nagtanggol laban sa pananakop ng mga haring Griyego, pagpaslang sa mga ina at bata, at pambubusabos sa kultura at relihiyong Judio, kahit sa kasukdulang pagtangan ng armas at pagbubuwis ng buhay. Hinarap ng mga banal na Macabeong martir ang pang-uusig, pagpapahirap at pagpaslang upang itaguyod ang kalooban ng Diyos at ang pagtitipan Niya sa mamamayan ng Israel.
Kailangang halawan ang kanilang buhay sa harap ng pang-aapi at pandarahas, lalo na sa hanay ng Kristiyanong kabataan. Sa pagtangan ng parehong papel bilang pag-asa ng bayan at tagasunod ni Cristo, dapat nating sabay na siyasatin at suriin ang kalagayan ng lipunan sa lenteng maka-Diyos at maka-mamamayan.
Nananatili ang kahirapan at kagutuman sapagkat dinadambong ng ganid na mga imperyalista ang ating yaman. Gamit ang papet na AFP-PNP at ang pamahalaan, laganap ang mga paglabag sa karapatang pantao lalo na sa hanay ng mga lumalaban sa kanilang pananakop.
Hindi malilimutan ang ginawang pagkubkob sa UCCP Haran, Davao City ng mga paramilitar na suportado ng AFP-PNP noong 2020. Nagbakwit ang mga Lumad sa UCCP Haran dahil sa militarisasyon ng Pantaron Range, na pinadadambong ng pamahalaan sa mga lokal at dayong kompanya ng mina. Hanggang sa kasalukuyan naman, naka-freeze pa rin ang bank account ng Rural Missionaries of the Philippines, mga misyonaryong nakikidepensa sa laban ng mamamayan sa kanayunan, dahil sa di-umanong pagpopondo sa NPA, ayon sa Anti-Money Laundering Council, bagay na pinabulaanan ng mga misyonaryo.
Sa larang ng ekonomiya, patuloy pa rin ang pag-iral ang mga export processing zone (EPZ) sa bansa, kung saan ineempleyo ang mga manggagawang Pilipino kapalit ang napakababang sahod sa mga pagawaang pagmamay-ari ng dayuhan na may tiba-tibang tubo—manipestasyon ng neoliberalismo sa bansa.
Maraming malalapat mula sa kasaysayan ng ating kaligtasan patungo sa patuloy nating pakikibaka para sa ganap na kasarinlan. Ang pinakasigurado rito ay takda na ang lahat--makakamit din natin ang ganap na buhay at kalayaan.
Wika nga ni Cristo sa kaniyang alagad nang magtanong sila hinggil sa pagpapasuko niya sa kayamanan ng lalaking lumapit sa kaniya, "Ngunit maraming nauuna ang mahuhuli, at maraming nahuhuli ang nauuna." (Mc. 10:31) May pangako si Cristo sa mga pinayuyuko ng imperyalismo, at ito ang pangako ng kaligtasan! At kung babalikan natin ang kasaysayan ng mga Macabeo, maigting silang nakibaka laban sa pagpaslang ng mga dayuhang mananakop at pambubusabos sa kultura. Sa harap ng ganitong kalagayan, kahit ang Banal na Kasulatan ay binibigyang-katuwiran ang ating kasalukuyang laban!
Samakatuwid, mandato sa ating mga Kristiyano na magbuklod sa mamamayang nilalabanan ang mga atake ng imperyalismo sa ating bayan. Dadalhin natin ang pangako ni Jesus na buhay na masaganang lubos (Jn. 10:10) sa pakikiisa sa mga laban ng mamamayan kasabay ng paghahatid ng Mabuting Balita.
MGA TALA [1] Hindi sigurado ang pinagmulan ng pangalang "Macabeo", ngunit isa sa mga namamayaning kahulugan ay "martilyo". [2] Ang Mga Libro ng Mga Macabeo (1 Macabeo at 2 Macabeo) ay librong Deuterocanonical. Ibig sabihin, kasama lamang siya sa canon o opisyal na mga libro ng Biblia ng Simbahang Katoliko buhat ng Konseho ng Trent noong ika-16 siglo, matapos ang kilusang Repormasyon na nagpasiklab ng pag-usbong ng Protestantismo. Gayunpaman, kalakhan sa mga simbahang Protestante ay kinikilala ang halaga ng Mga Libro ng mga Macabeo bilang librong apocryphal ng Lumang Tipan.
0 notes
halkonensis · 11 months
Text
Tumblr media
balitang alas-siyete
kinatha 2022/10/19
1 note · View note
halkonensis · 11 months
Text
Tumblr media
katiyakan sa kabaliwan
kinatha 2023/06/10
0 notes
halkonensis · 11 months
Text
Tumblr media
pag-aaral sa lungsod
kinatha 2023/04/12
0 notes
halkonensis · 11 months
Text
Tumblr media
unang beses sumama ng ama sa rali
orihinal na kinatha 2022/11/17 sa pamagat na 'perstaym ni tatay magmartsa'
0 notes
halkonensis · 11 months
Text
Tumblr media
gitnang subyugto
kinatha 2023/06/06
1 note · View note