Tumgik
#kulturang pinoy
kuwentista · 2 years
Photo
Tumblr media
Barong Tagalog: The Traditional Filipino Men's Attire By Franz Sorilla IV, September 18, 2020
Worn up to this day on very important celebrations and formal gatherings, the barong tagalog’s ever-present magnificence that is inherently Filipino has stood the test of time. Barong tagalog, root word baro pertaining to “upper garment”, literally means “Tagalog outfit”. It was coined during the early Spanish colonial period to distinguish it as a native attire of Filipinos in contrast to the European-styled three-piece suits.Evolution in fashion throughout the centuries brought upon various modifications of the barong tagalog, and even grew in popularity nowadays on women as an alternative to the elaborate four-piece traje de mestiza known as Maria Clara. Typically, it is made of sheer lightweight woven fabric made of either piña or jusi, the former considered more precious.Piña could be an heirloom garment when properly maintained, for its tedious process and delicateness. The Aklanons of western Panay are acknowledged to be the pioneers in piña weaving. The tedious process begins with the stripping of the epidermis of the leaves of the red Visayan pineapple (ananas comosus), using a shard of Chinese porcelain. The lustrous coarse fibre called bastos is extracted by hand and reserved for use in making strings or twine. The next layer is the liniwan, which is obtained using a coconut shell. Ivory white in colour, this fibre is the finest. It undergoes degumming, which involves repeated rinsing, beating and air-drying—each step undertaken with great care. When completely dried, each strand is knotted to produce long continuous threads. The process of weaving the warp and weft takes weeks to complete, yielding just enough fabric for one barong tagalog. Some fibres are naturally dyed; most fabrics are hand embroidered. This tedious and time-consuming process of production renders the piña a most precious material
20 notes · View notes
qrwisant · 1 year
Text
Tara sa Tagaytay, at Suriin ang Ganda nitong Taglay!
Kung hanap mo ay magpahangin at preskong simoy, hindi mo na kailangan lumayo pa. Isa o dalawang oras lamang mula sa lungsod ng Maynila ay makakarating ka na sa tinaguriang “second summer capital of the Philippines” o mas kilala bilang Tagaytay City.  Ang lagay ng panahon sa lugar na ito ay talaga namang nais mong mapuntahan kung saan ang daily average nitong temperatura ay 21°C, mas malamig kumpara sa mataong lungsod ng Metro Manila. Kaya naman ay mairerekomenda kong magdala ka ng jacket o shawl kapag nais mong puntahan ang lugar na ito. Ang Tagaytay ay palaging nangunguna sa listahan ng mga city dwellers para sa kanilang “weekend destinations”. Kilala ito sa mga nakakamanghang tanawin, foodtrips, at mga aktibidad na pampamilya.
Tumblr media
Noong Disyembre 2022, kami ng aking pamilya ay nagpunta sa Tagaytay City upang magdiwang ng maagang kapaskuhan. Dahil kami ay nanggaling sa Maynila, binaybay lamang namin ito sa loob ng isa't kalahating oras. Kung nais mong mag-commute, marami rin ang mga pampublikong sasakyan ang lumalakbay patungo sa Tagaytay kaya hindi mahirap pumunta rito. Mula sa Maynila, maaring dumaan sa Roxas Boulevard patungo sa Manila-Cavite Expressway hanggang Emilio Aguinaldo Highway. Sa dulo nito ay matatagpuan ang sakayan na papunta ng Tagaytay City.
Sa hindi kalaunan, nakarating kami agad sa Tagaytay at kami ay tumuloy sa isang hotel room sa La Bella Boutique Hotel. Masasabi kong talaga namang isa ito sa mga dapat mong puntahan kung ikaw ay naghahanap ng hotel upang matuluyan. Bukod sa magandang tanawin ng Tagaytay na nakapalibot dito, kumpleto pa ang mga kagamitan na aming kinakailangan.
Tumblr media
Bukod pa rito, nakakamangha sapagkat sa loob ng hotel na ito ay mayroong Art Gallery kung saan matatagpuan ang iba’t ibang contemporary art pieces na gawa ng ilang mga contemporary artist sa lugar.
Tumblr media
Pagkalipas ng ilang oras na pamamahinga sa hotel, kami ay unang pumunta sa Tagaytay Picnic Grove. May eco-trail at zipline roon kaya naman talagang nagustuhan ito ng buong pamilya. Ito ang pangunahing pinupuntahan dito sapagkat maaaring matanaw mula rito ang Taal Lake at Taal Volcano. Umaga noong kami ay nakarating doon at napakalamig ng simoy ng hangin.
Napapaligiran ang Tagaytay ng mga magagandang tanawin at saan ka man mapaparoon ay matatanaw mo ang kagandahan ng Bulkan ng Taal na tila lumulutang sa tubig at napapalibutan ng nagbiberdehang mga bulubundukin.
Tumblr media
Pagkatapos mamasyal, panahon na para kumain! Kilalang-kilala ang Tagyatay para sa kanilang bulalo at pritong tawilis na isang uri ng isda na maaaring mahuli sa Taal Lake. Natikman namin ang mga putaheng ito sa RSM Lutong Bahay. Sila ay isa sa mga pinaka-kilalang kainan sa Tagaytay City. Maaari din puntahan ang Mahogany Market kung saan may sari-saring karinderya na nakalinya na naghahain ng iba’t ibang klase ng lutong pinoy. Kalimitan ding binibista ito dahil sa masasarap na pagkain na talagang bubusog sainyong mga kumukulong tiyan. Sa dinami dami ng mga restoran sa paligid ay marami kang pagkaing pagpipilian.
Tumblr media
Sa pangkalahatan, masasabi ko na ang Tagaytay ay hindi lamang mayaman sa mga magagandang atraksyon sapagkat mayaman din ito sa kulturang Pilipino, tulad ng lugar, mga aktibidad, sining, masasarap na pagkain at iba pa. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga rason kung bakit maraming dumarayo dito. Hindi sapat na makita niyo lamang ang kagandahan ng Tagaytay sa mga litrato kaya nararapat lamang na masaksihan ng lahat ng tao kung gaano kaganda ang lugar na ito sa pamamagitan ng aktwal na pagbisita.
2 notes · View notes
kirkeyeeeart · 3 months
Text
dalawang icon ng kulturang pinoy
Tumblr media
1 note · View note
dalisay17 · 4 years
Text
Tumblr media
#TabiPo2020 Week, Prompt 2: "Halimuyak", feat. Sabel
(Kasi siya na siguro yung mukhang pinakamabango sa kanila - tamang-tama lang para mambitag ng susunod na biktima.)
Art (c) @dalisay17
5 notes · View notes
freeme936 · 4 years
Text
Filipino: Ang Kulturang Pinagsasaluhan ng Lahat ng mga Pilipino
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Tagalog, Bisaya o sa anumang pangkat-etniko ka man nabibilang, hindi maipagkakailang ika’y isang tunay na Pilipino sapagkat binibigkas ng dila mo ang wikang Filipino.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang lengguwaheng nagbuklod sa bansang nahahati sa higit pitong libong pulo. Ang naging dahilan upang mapagtanto ng mga taga-Luzon, Visayas at Mindanao na iba’t ibang kultura’t lipunan man ang kinalakihan, sila’y nabibilang sa…
View On WordPress
0 notes
walterescaro · 3 years
Text
Mga Pagkain na Binabalik-Balikan Tuwing Simbang Gabi
Simbang Gabi nanaman!! Bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin ng pagsisimba, inaabangan din ng karamihan ang mga pagkain na itinitinda sa tabi ng mga simbahan.
Dahil marami na ang sawa sa mga unhealthy na fast food, maraming Pinoy ang nag-aabang ng mga tindang kakanin na madalang na nilang matikman.  Siyam na gabi o madalaing araw din lang ang Simbang gabi kaya sinasamantala na nila ang pagkakataon na makakain ng mga ito.
PUTO BUMBONG
Tumblr media
Pinipilahan ang puto bumbong—yung kulay violet na malagkit na nilagyan ng mantikilya at madalas ay nakabalot sa dahon ng saging. Mas masarap kung bubudburan ng niyog at mascuvado o brown sugar.
Masarap ito kung mainit pa kaya madalas bago makarating sa bahay ay ubos na.
PUTO CHEESE
Tumblr media
Maraming tao ang solved na sa puto cheese. Ito ay hugis bilog na may keso sa ibabaw. Sobrang sarap nito kaya maraming tao ang gusto ito.
KUTSINTA
Tumblr media
Kapag nariyan ang puto, syempre may kutsinta. Madalas ay kasing laki ito ng puto at kulay orange dahil sa inilalagay na lihiya na nilalagyan ng niyog sa ibabaw. Mas malagkit din ito kaysa sa puto.
BIBINGKA
Tumblr media
Ang bibingka ay niluluto sa pamamagitan ng baga sa ilalim at ibabaw. Gawa ito sa giniling na bigas at masarap kung mayroong keso sa ibabaw.
Pwede rin itong lagyan ng butter, itlog na pula at niyog depende sa iyong panlasa.
SUMAN
Tumblr media
Ito raw ang kauna-unahang kakanin at isa sa mga orihinal na pagkaing Pilipino. Hindi gaya ng ibang pagkain tuwing Pasko, madalas inihahanda ang suman sa mga kasiyahan sa kulturang Pilipino gaya ng Pasko, kasal, binyag, kaarawan at fiesta! Kapag iyong natikman, lalo na kung ipinartner sa latik o asukal, talagang babalik-balikan. Kaya hindi nakapagtatakang paborito rin itong meryenda ng mga Pilipino.
SIKWATE
Tumblr media
Kapag malamig masarap humigop ng kape, pero para maiba subukan ang tablea. Ang tablea ay purong cacao na lulutuin sa kumukulong tubig. Masarap itong isama sa kakanin o kaya’y pandesal. Sikat din ito sa panahon ng Pasko sa Pilipinas, partikular sa mga bata.
KAPE
Tumblr media
At siyempre pa, kape. Masarap humigop ng kape kapag malamig ang panahon. Mamahaling kape ba o di kaya’y three in one.  Kadalasan ang kape ang kapartner ng masasarap na kakanin at pandesal.
TAHO
Tumblr media
Huwag nating kalimutan si mamang taho. May mga tao na ginagawa itong pamalit sa kape. Gawa sa soya na nilagyan ng taho at arnibal.
LUGAW
Tumblr media
Masarap ang lugaw kung mainit-init pa.Tiyempong-tiyempo sa maaliwalas at malamig na panahon pagkalabas ng simbahan. Kadalasan ay plain lang ang lugaw, ang iba, mas gusto na nilalagyan ito ng nilagang itlog at sinasamahan ng tokwa’t baboy. Mas masarap ito kung maraming bawang.
2 notes · View notes
abiiiing · 3 years
Text
Banghay Aralin 7
I – LAYUNIN
· Natutukoy ang pang-abay sa isang dayalogo
· Nagagamit ang pang-abay upang mabuo ang pangungusap
· Nauuri ang pang-abay
II – PAKSANG ARALIN
Paksa : pang-abay
Sanggunian : aklat sa Filipino 4
Kagamitan : mga larawan
Pagpapahalaga : pagmamalaki sa kulturang pinoy ay pagiging Pilipino
III – PAMAMARAAN
A. Pangunahing Gawain
a. Pagbabalik aral
- May bagay na ipapasa-pasa kasabay ang saliw ng musika, at kapag ito’y humito, ang studyanteng may hawak ng bagay na iyon ay tatanungin patungkol sa nakaraang leksyon.
b. Pagganyak
- Itanong sa klase kung may alam silang bugtong.
- Sinu-sino ang mahilig sa bugtong?
- Mahalaga ba ang bugtong sa kulturang Pilipino?
Magbigay ng bugtong:
1. Nagising si Insyong, sa ilalim ng gatong.
2. Wala sa langit, wala sa lupa, kung maglakad patihaya
3. Bituing buto’t balat, kung pasko lamang kumikislap.
c. Bago ang pagbasa
Ibigay ang kaukulang pamantayan sa pagbasa at pakikinig ng dayalogo.
d. Pagbabasa
Basahin ang dayalogo na ilalagay sa pisara
e. Pagkatapos ng pagbasa
Magtanong ng mga bagay tungkol sa dayalogong binasa.
f. Paghlalahad
i. Magtanong sa mga estudyante kung ano ang kanilang mga napapansin sa mga salitang may salungguhit mula sa dayalogong binasa.
ii. Ipasuri ang mga sumusunod na pangungusap
1. Sa ilalim ng punong mangga kami nagkukwentuhan.
2. Malinaw siyang magkwento.
3. Tanaghali na nang gumising si Lola Tinay.
iii. Magbigay halimbawa ng pangungusap na may pang-abay ang mga estudyante.
g. Paglalagom/paglalahat
i. Ano ang pang-abay?
ii. Anu-ano ang mga uri ng pang-abay?
IV- PAGTATAYA
Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pangabay na pamaraam, PN kung itoy pang-abay na pamanahon at PL kung ito ay pang-abay na panlunan.
1. Nagbakasyon kami sa Tagaytay.
2. Babalik sila sa isang lingo.
3. Masayang naglalaro ang mga bata.
4. Dadalaw kami sa bahay ni Ana.
5. Maagang pumasok si Noel.
6. Ipagdiriwang ang kaarawan ni Jones sa Sabado.
7. Gaganapin ang pagdiriwang sa Jollibee.
V – TAKDANG ARALIN
Magsalaysay ng isang karanasan na hindi mo makakalimutan. Gumamit ng mga pang-abay sa pasalaysay.
Banghay Aralin 8
I-LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang;
1. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng panghalip.
2. Nakakabuo ng sariling mga halimbawa sa bawat uri ng panghalip.
3. Napapahalagahan ang gamit ng panghalip sa bawat uri nito sa pangungusap.
ll-Paksang aralin
a. Paksa: Ang Panghalip
b. Sanggunian: Daloy ng Mithi lll sa pahina 96-993.
c. Kagamitan:
visual aids, flash cards, paper tape
d. Pagpapahalaga:
Mapahalagahan ang gamit ng panghalip sa pangungusap
lll-Pamamaraan
(Pamaraang Pabuod)
A. Paghahanda
1. Panalangin. Pagbati ng guro sa mga mag-
aaral ng isang “magandang araw”
2. Pagganyak
Magpapagawa ng isang laro na tawag ay stop music at kung sino ang matapatan sa pag tigil ng tugtug ay sya ang tatanongin.
B. Paglalahad
Pagkatapos magbigay ang guro ng pagganyak, kanyang tatanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang kaalaman sakahulugan ng panghalip.Pagkatapos marinig ng guro ang ilan sa mga kasagutan mga mag-aaral, ibibigay niya ang tunay na kahulugan nito.Panghalip- ay mga salitang ginagamit na pamalit o panghalili sa pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, opangngalan.
3. Paghahambing at Paghalaw
Ipaghahambing ng guro sa mga mag-aaral ang panghalip panao at panghalip pananong.Matapos maipaghambing ng guro ang dalawang panghalip, ipaghahalaw naman nito sa mga mag-aaral angpanghalip pamatlig at panghalip panaklaw.
4. Paglalahat
Matapos matalakay ng guro ang mga uri ng panghalip, kanya itong irerebyu muli upang malaman kung nainntindihan onauunawaan na ba ang mga mag-aaral ang mga ito.
5. Paggamit
Susubukin ng guro ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang mga gawain. Ang mga sumusunod ay ang ilang mga gawain na ibibigay ng guro sa mga mag-aaral:Panuto: Gamitin sa pangungusap ang bawat panghalip na nakatala.
1. Kami 2. Iyo 3. Dito 4. Heto 5. Kalian
IV- PAGTATAYA
Matapos makapagbigay ang mga mag-aaral ng mga pangungusap gamit ang mga ilang mga panghalip na ibinigay ngguro, magbibigay ang guro ng iasang pagsususlit upang ganap na masubukan ng guro ang kaalaman ng mga mag-aaralsa mga uri ng panghalip. Ang mga sumusunod ay ang mga pagsusulit na ibibigay ng guro sa mga mag-aaral.Panuto: Kumuha ng isang kalahating papel at sagutan ang mga sumusunod. Salungguhitan ang panghalip sa bawatpangungusap at isulat sa patlang kung anong uri nito. _________1. Saan ka magtutungo? _________2. Nakita ko silang dumaan dito kanina. _________3. Lahat tayo ay pupunta sa kaarawan ng lola mo. _________4. Akin ang pantasang iyan! _________5. Marami ang pumunta sa Mabini Shrine noong nakaraang Sabado. _________6. Tiyak na mahuhulog ka sa kanya kapag nagpatuloy pa iyan. _________7. Ito ba ang pinamumukha mo sa akin? _________8. Huwag kang makulit dahil may ginagawa ako. _________9. Sila ay sama-samang magsisismba sa Linggo. _________10. Tayo
’y magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya Niya sa atin.
V- TAKDANG-ARALIN
Isulat sa isang buong papel.Gumawa ng isang sanaysay o diyalogong ginagamitan ng mga panghalip. Salungguhitan ang mga panghalip.
1 note · View note
jakepullsthetrigger · 4 years
Photo
Tumblr media
Isang love letter kay dir. Erik Matti.
Unahan ko na: 1. Hindi ako fan ng Korean shows and music. 2. Marami akong mga gusto na pelikula ni dir. Erik Matti. 3. Mahilig ako sa pelikula, local and international, pero hindi super film buff. 4. Pero, parang may mali sa playing victim statement natin re sa ating Local Film and Entertainment Industry, sir, as published sa Tweet niyo at sa article na ito ng ABS-CBN News:
1. Hindi naman siguro kasalanan sa kahit anong industriya ang maging mas competitive sa market. E naging mas aggressive ang support sa kanila ng industriya, ng gobyerno, ng market nila e. E naging mas aggressive sila sa pag-angat ng content at tema nila (BL, Historical Drama, kung anu-ano pang topic na tinatalakay). E naging mas aggressive sila sa pagpapalago ng distribution ng mga palabas nila (Netflix, etc). Again, e kasi naging mas aggressive sila at wala tayong control doon. Pero para ibaling sa K-Drama Galore ang fearless forecast na "our TV and movie are doomed in the future" ay parang sinusukuan na rin natin ang kakayahan ng ating sariling TV and movie industry. Hindi ba natin kayang maging mas aggressive in terms of more relevant content and themes, in terms of clamouring support, in terms of production, etc? Kayo ang mas makakasagot niyan sir bilang isang direktor. Ang industriya rin ang makakasagot kung paano magiging mas competitive sa kalaban. Suggestion, why don't we try exploring content that are usually being shot down kasi "mukhang hindi bebenta" o "hindi pasok sa pangmasang formula"? Bakit hindi kaya tayo maghain ng bago aside sa mga content tungkol sa pangangaliwa, sa poverty porn, sa below-the-belt humour, sa pagkakapitalize sa mga pogi at magaganda LANG, etc, etc. Nakakaumay din kasi sir ang paulit ulit na inihahain sa lamesa, kaya naghahanap ng ibang putahe ang mga manunuod. Pasarapan sir, walang sisihan.
2. Sir, may problema rin ako sa statement niyo na "Faux cinderella stories with belofied actors whiter than white. And it’s all about love in the midst of this pandemic. " Una sa lahat, hindi ba masyadong overgeneralizing ito? Paano kaya kung sabihan din ang pelikula't palabas natin na "Masyadong angkla sa kahirapan o infidelity ang mga pelikulang Pililipino plus nafi-feature ang mga artistang matatangos ang ilong, mapuputi at makikinis plus parating ginagawang katatawanan ang pagiging bakla, pagiging maitim, o pagkakaroon ng kapansanan, plus okay lang mangmanyak ang bida ng leading lady?" Payag ka ba sir? Syempre, dahil generalize nga, damay na rin diyan ang mga peyborit kong pelikula niyo na OTJ, BuyBust, Honor Thy Father at Seklusyon among others. Ako kasi sir, hindi ako payag.
3. Huli na sir: mas may leverage tayo sa playing field. Mas may access tayo sa local distribution, channels at platforms. Mas naiintindihan natin ang gusto ng mamamayan, mas immersed tayo sa kulturang Pilipino. Given, tumataas ang Netflix. Pero sir, Netflix lang iyan. Hindi lahat ng mamamayan ay may access sa Netflix. Hindi rin lahat ng mamamayan ay may access sa internet, particularly mabilis na internet at malaking data para makapanuod ng maraming online videos. Malakas pa rin ang TV sa buong bansa sir. Mas may control tayo sa kung ano ang pwede nating ipalabas sa TV diba, sir? Suportado rin naman ng mga Pinoy ang mga content online. Basta maganda sir. Basta may quality, sir. Baka kailangan na nating irevisit kung anong uri ng mga content ang madalas nating pinapalabas sa telebisyon para mas maintindihan natin kung bakit nahuhumaliw ang mga tao sa Korean shows.
4. Ito, huli na talaga sir: 'Wag tayo matakot kung mas may access na ang mamamayan sa iba't ibang content. Una, mas nakakatulong ito magbigay ng ibang panlasa't perspektiba sa mga manunuod. Pangalawa, mapipilitan ang industriya natin na mas itaas ang antas ng mga palabas upang muling makuha ang atensyon at suporta ng mga mamamayan. Pangatlo, nagkakaroon tayo ng point of reference sa maraming bagay para makuha ng mga best practice, tulad sa content themes o storytelling, and even mas mapagbuti pa ang atin. Sir, 'wag tayo matakot sa access. Matagal nang takot ang gobyerno sa access at impormasyon, pati ba naman tayo sir sa industriya ng KOMUNIKASYON AT MALAYANG PAGPAPAHAYAG. Ironic yun, sir Erik. Mas magandang bukas ang entablado kaysa sarado't kontrolado (pamilyar, pamilyar).. Pero tayo sir, wag tayo matakot. Nandiyan kayo at ang iba pang magagaling na direktor na for sure na may mas malulupet na pantapat sa entablado ng mga pelikula't palabas. May mga kaibigan din akong nagsisimula palang sa film and entertainment industry, pero may malulupit din silang ideya at storya at kung anu-ano pa. Sir, 'wag tayo matakot kasi pasibol palang ang mas magagandang mga pelikula. Nasa atin na kung puputulin natin ang paglago nito.
Basta ako sir, 'di ako payag na mababa ang tingin ng ibang tao sa lahat ng palabas na Pilipino, kasama na ang malulupet na pelikula niyo, sir. Malaking insulto sir kapag sinukuan natin ang sariling atin.
Nagmamahal at excited sa mga future na pelikula't palabas na Pilipino, Jakeyboy.
8 notes · View notes
julyana-stuff · 5 years
Photo
Tumblr media
Ako'y isang pinoy, Hindi isinapuso't diwa, Pinoy na isinilang sa ating bansa, Ako'y nasanay sa wikang banyaga, Ako'y pinoy na mayroong ibang uri ng wika, Wikang Pambansa ay hindi ko gamit na salita, Bayan kong Sinilangan, Hangad ko lagi ay kaguluhan, Si Gat Jose Rizal na noo'y nagwika Siya ay nagpangaral sa ating bansa, Ang hindi raw marunong magmahal sa sariling wika, Ay higit pa ang amoy ng mabaho at malansang isda. Bakit kayo nakikipagsiksikan sa isang lata ng sardinas? Kung malawak naman ang espasyo ng karagatan? Bakit ibang wika na ang sa atin dumuduyan? Saan na ba ang wikang naging supling ng Perlas ng Sinilangan? Ayan... ayan ang mga katanungan na laging pumapasok sa aking kaisipan Ang dating wika na naging bulaklak sa hardin ng kamalayan, Na ngayo'y pinitas na ng mga dayuhan... Tayo... tayo ang dayuhan sa sarili nating bansa, Hindi natin ito'y diniligan o miski man lang alagaan, Mas nakinabang ang mga masasamang damo sa lupang tinubuan, Tayo ang rigadera, tayo ang tagapagdilig ngunit ibang halaman ang s'yang sumibol at nakinabang. Sumapit na ang Buwan ng Agosto, Sabik na sabik ang mga Pilipino lalo na yung mga kabataan. Masigasig sa kakapaskil ng tula na animo'y maka-Pilipino Aba! Aba! Aba! Mahal mo lang ang wika dahil sa proyekto, Isa kang Pilipinong nagbabalat-kayo, Ang wikang napuruhan sa giyera noon ay binawian na ng buhay ngayon. Nababaduyan kayo sa Wikang Filipino? Dahil mas gusto niyo ang mga Koryano at Amerikano? Na animo'y parang hinaharana kayo sa tuwing tumutugtog ang kanilang mga awitin, Ngunit alam niyo ba ang pinagkaiba ng Tagalog, Filipino, at Pilipino? 'Yung mga salita tulad ng... doon at dito? kong at kung? ng at nang? sila at sina? Alam niyo ba ang pang-ukol, pang-akop, at pangatnig? Hindi 'di ba? kasi... kasi sinubsob ninyo ang inyong katapatan sa kanila. Tayo mismo ang nagpinta sa wika pero tayo lang din pala ang bubura, Hinayaan natin na magpakadena tayo sa kolonyalismo, Imbes na galangin ang wika ng mga banyaga ay sinasamba pa natin, Kung may panahon tayo sa lengwahe at kultura ng iba, Sa wika at pagiging makabansa ay ganoon din naman sana, Hindi yung bibigyang pansin mo lamang tuwing sasapit ang Buwan ng Agosto. Oo nga, isa tayong milenyal na pinangunahan na ng pagbabago sa kulturang meron ang mga pilipino, Pero `wag puro sml/skl ang iparating mo, `Wag puro GG, Wala na Finish na, Advance ako magisip eh' at kung ano pang balbal na gamit mo, `Wag tayong conyo, May sarili tayong wika't kultura na dapat kinakabisado. Wikang Filipino, Kulturang Pilipino ay pagtibayin natin, Ipakitang naiiba ang Pilipino at kaya nitong tumayo sa sarili nito, Na hindi mabubura ang Wikang Filipino o kahit ang kulturang meron tayo, Kung uunahin nating respetuhin ito bago ang pagrespeto sa dialekto at kalinangan ng ibang wika. Patuloy kong itatarak ang punyal ng reyalidad sa karamihan pati na rin sa sarili ko, Dahil minsan ako yung bumato subalit ako rin ang tinamaan, Ako yung nagmahal subalit ako yung nasaktan. Kinain ko rin ang lahat ng aking salita, Ngunit patuloy pa rin ako sa pakikidigma, Kasama ang tulis ng aking pluma at ang hukbo ng aking tinta, Nakasuot ka man ng kalasag, tatablan ka pa rin ng espada kong nababagabag. Ito'y inyong pakatatandaan, Ipapatikim ko sa inyo ang wikang noo'y sinaing, at itataga ko sa bato na ang wikang banyaga na kinain niyo ay s'yang lalason sa inyo, Huwag natin anihin ang wikang itinanim ng ating mga ninuno, Dahil ang halamang ito ay siyang bubuhay sa ating mga Pilipino. Patunayan natin sa mga banyaga na isa tayong pinoy na may sariling wika, Patunayan natin ang ating panata na isa tayong Pilipinong Makabansa, At kung tila nga nakakalimutan mo na, Heto ako nakatayo para muling ipaalala, Na pilipino ka at wag kang magpakabanyaga. CREDITS TO DEVIANTART.COM FOR THIS PICTURE
3 notes · View notes
binibiningmikkaella · 5 years
Text
Dugong Pilipino na kilos Amerikano: Pagkahumaling sa kadena ng pagkaalipin
“Game of thrones series” “Marvel” “Michael Kors bag” “Skechers shoes” “Kylie cosmetics” “Forever 21” “Starbucks” “Facebook” “Twitter” “Instagram” “Snapchat” “Apple products”
ilan lamang ito sa mga kilalang gawang Amerika na umabot na sa ating bansa. Marami sa atin ang gumagastos ng malaking pera o nagbibigay ng mahabang oras sa pagtangkilik ng mga nasabing gawang banyaga. Kung ating iisipin, higit na “pinapatronize” ang kulturang banyaga kahit na wala tayo sa mismong bansa nito. Bakit nga ba mas napupukaw ang atensyon ng mga Pilipino sa mga gawang amerika kaysa sa mga gawang pinoy?
 1898, tuluyang naangkin ng Amerika ang Pilipinas dahil sa Tratado ng Paris. Sa loob ng kanilang pamamahala, pinaigting ang pananakop sa pamamagitan ng pagbigay ng edukasyon. Naging pribilehiyo man ito para sa karamihan ngunit naging daan din ito upang tuluyang makontrol ng mga amerikano ang kaisipan ng mga Pilipino. Kanilang hinubog ang ating isipan at ugali na maging amerikanisado. Dinala rin nila sa bansa ang kanilang mga produkto at inihain ito sa mga Pilipino. Mas pinakilala ang kulturang amerikano at itinago sa mga Pilipino ang sarili nitong kultura. Noon, hindi lang lalaki at mayayaman ang nakakatanggap ng edukasyon. Maging ang mga babae at mga mahihirap ay nakakatamasa ng edukasyon. Nagpapadala rin sila ng ilang mga matatalinong pilipinong estudyante sa Amerika upang ipagpatuloy ang pag-aaral doon. Kung titignan maraming mga benepisyo ang nakuha ng mga Pilipino noong nasakop tayo ng mga Amerikano. Mas naging bukas ang ating kamalayan at pinakain tayo ng mga kaalaman. Hinayaan din nila ang ilan sa mga Pilipino na mamahala sa gobyerno, ngunit ang pinaka kapangyarihan at kontrol ay hawak pa rin ng mga mananakop.
 1946 nang tuluyan na tayong nakalaya mula sa mga kamay ng mga mananakop. May sarili na tayong pamahalaan at mga Pilipino na ang may kapangyarihan at pinaka kontrol sa ating bansang Pilipinas. Ganunpaman, nanatili ang koneksyon natin sa Amerika. Patuloy ang mga aktibidad na isinusulong ng relasyong Amerika-Pilipinas katulad na lamang ng “Balikatan” o ang annual military exercises. Hindi lamang iyon, hanggang ngayon ang mga teksto sa librong ginagamit natin ay hango sa wikang ingles. Maging sa mga pormal na sulat at usapan, basehan ng talino at ng katayuan sa buhay, ang kolonyal na wika ang madalas na ginagamit at naging batayan sa mga ito. Ginagamit din ang wikang kolonyal upang makahanap ng magagandang trabaho lalo na kung gugustuhin mong magtrabaho sa labas ng bansa. Ani ng karamihan, ang salitang ingles ang daan sa mas magandang buhay. Dahil dito, karamihan sa mga Pilipino ay inaayon ang kanilang pagkilos sa pamumuhay ng mga amerikano. Marami sa atin ang may paniniwala na kapag sinunod natin kung paano kumilos ang mga taong namumuhay sa isang progresibong bansa ay uunlad din ang ating buhay.
 Hindi man na tayo sakop ng Amerika ngayon ngunit ang ugali at pag iisip ng karamihan sa mga Pilipino ay amerikanisado na. Naiwan ang ilan sa mga kultura ng amerika noong tayong kanilang pinalaya at hindi natin namamalayan na hanggang ngayon ay yakap yakap pa rin natin ang mga ito. Hindi maikakaila na tunay na may magagandang mga damit, palabas, sapatos o kahit na ano pa mang mga produkto ang mga Amerikano ngunit hindi dapat ito maging dahilan upang tuluyang kalimutan ang kultura ng ating pinagmulan. Matagal na tayong nakalaya kaya hindi na dapat nating muling ibalik ang mga kadena ng pagkakaalipin mula sa mga amerikano.
1 note · View note
sikmurangmaingay · 5 years
Text
Kanina pumunta kami ng DMV para dun sa reexamination ko dahil sa mga accidents na nangyari sakin, buti nalang at hindi ganun kagrabe yung mga naitanong nung officer sakin, anyways, masaya ako dahil dun, sinamahan ako ng aking nobyo.. maaring naikwento ko na siya dati, but anyways, masaya ako at nakilala ko siya, maaring lumaki siya dito, pero masaya ako at naadapt niya parin yung kulturang pinoy, tulad ng pagiging maginoo, atbp. ibang iba siya, nag call in talaga siya para lang masamahan ako, sa maikli naming pagsasama, lalo kong nakikita kung gaano siya ka-deserving sa pagmamahal ko.. sana hindi siya magbago, mahal na mahal kita Erick ko
2 notes · View notes
Text
St. John’s Academy, Inc.
Dinalupihan, Bataan
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO: PATAKARANG PANG WIKA
HUMSS 11 – ST. AUGUSTINE
Mga Pangalan ng Miyembro
Boluso, Nicole Kate R.
Gaza, Rhycel Cruz
Elison, Gieneil
“Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987 ng DECS o "Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal"
Sa kabila ng pagiging linguistically diverse na bansa natin, mula pa 1974 ang ating edukasyon ay nakatutok sa patakarang bilinggwal, paggamit ng Filipino at English bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na asignatura.
Sa sektor ng pamahalaan, noon pang 1969 sa panahon ng Pangulong Marcos, hinikayat na ang paggamit ng wikang pambansa sa mga opisyal na komunikasyon at korespondensya, sa katunayan noon pa man ay nagkaroon na ng mga pagsasanay para dito sa pamumuno ng dating Surian sa Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino. Sinundan ito ng E.O 335 noong 1988, na nag-aatas sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang upang magamit ang Filipino sa mga opisyal na komunikasyon at korespondensya. Subalit noong 2003, ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nag-atas na ibalik ang English bilang pangunahing wikang panturo. Ito ay kaugnay pa rin sa pakikilahok ng ating bansa sa pandaigdigang pamilihan na sa ngayon ay English ang dominanteng wika ng pandaigdigang ekonomiya at komersyo.  Ayon pa sa Pangulo: “Our English literacy, our aptitude and skills give us a competitive edge in ICT. We must continue our English literacy which we are losing fast.” Kasunod ng pahayag ng pangulo na ibalik ang English bilang pangunahing wikang panturo, nagpalabas ang Malacañang ng Executive Order No. 210 noong Mayo, 2003 na may pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen the Use of the English language as a Medium of Instruction in the Educational System”. Bilang patakaran, ayon sa kautusang ito, ituturo ang English simula sa unang baitang at gagamitin itong wikang panturo sa English, Matematika, at Agham. English ang magiging pangunahing wika ng pagtuturo sa lahat ng mga paaralang publiko at pribado sa mataas na paaralan at hindi bababa sa 70% ng kabuuang panahong inilaan sa pagtuturo ng lahat ng asignatura ang time allotment para sa paggamit nito. Sa mga institusyong pantersyarya man ay English ang gagamiting pangunahing wikang panturo, ayon sa kautusan.
Bunga nito, nalimitahan ang gamit ng Filipino at itinakda na lamang ito bilang wikang panturo ng mga asignaturang Filipino at Araling Panlipunan. At nitong huli, pinagtibay ng Kongreso ang House Bill 4701 na may pamagat na “An Act Prescribing English as the Medium of Instruction in Philippine Schools.” Kaugnay nito, nais kong ilahad ang ilang mga pag-aaral kaugnay ng patakarang pangwika sa ating bansa
Noong 1974, nagsimulang ipatupad ang patakaran sa edukasyong bilinggwal bilang pagsuporta sa paglinang ng isang bilinggwal na bansa. Nang mapagtibay ang 1987 Konstitusyon, nirebisa ng Kagawaran ng Edukasyon ang patakarang ito at ipinalabas ang 1987 Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal na halos katulad lamang ng nakaraang patakaran maliban sa ilang dagdag na probisyon tulad ng pagbibigay sa antas tersyarya ng gampaning pangunahan ang intelektwalisasyon ng Filipino. Nakasaad din na kailangan ang regular na pag-evaluate sa patakarang ito. Kung kaya’t noong 1986, isinagawa ng isang pangkat ng LSP ang unang summative evaluation sa pagpapatupad ng patakaran ng edukasyong bilinggwal sa antas tersyarya na pinangunahan nina Sibayan at Gonzalez (1987). Ayon sa resulta ng pag-aaral nina Sibayan, hindi seryosong ipinatupad ng mga paaralan ang programang edukasyong bilinggwal. Negatibo ang mga paaralan sa paggamit o paraan ng paggamit ng Pilipino sa mga paaralan ngunit hindi sa Pilipino bilang pambansang wika. Inilahad din ng resulta ng pag-aaral na ang mga mag-aaral sa buong bansa ay napakahina ang performance, sa mga paaralang pampubliko o pampribado, magagaling o mahihina mang paaralan. Ang dahilan ng malungkot na sitwasyong ito ay ang mga guro mismo na walang sapat na kaalaman sa asignaturang kanilang itinuturo. Ipinakita sa kinalabasan ng ebalwasyon na ang Edukasyong Bilinggwal ay hindi prayoridad sa antas tersyarya. Sa karamihan ng mga institusyong pantersyarya, ang pagpapatupad ng Edukasyong bilinggwal ay walang masusing disenyo, Bilang pagbubuod, ang pag-aaral na ito ay nagkaroon ng kongklusyon na ang pagbaba ng achievement scores ng mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya ay hindi dapat isisi sa Patakaran ng Edukasyong Bilinggwal kundi sa kakulangan ng kakayahan ng mga guro, mahinang pamamahala ng mga paaralan at kakulangan ng mga aklat at iba pang mga kagamitan sa pagkatuto – mga salik na iniuugnay sa mababang sosyo-ekonomikong antas at kakulangan ng suportang pinansyal. Ang pag-aaral na ito ay sinundan ng pag-aaral ni Fuentes (2000) sa istatus ng pagpapatupad ng 1987 patakarang edukasyong bilinggwal, ngunit naging limitado lamang sa mga institusyong pantersyarya sa Cebuano at Hiligaynon. Ayon sa pag-aaral na ito, bigo ang implementasyon ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga institusyong pantersyarya ng Cebuano at Hiligaynon. Ang pagpapaunlad ng kakayahan sa wikang English ang pangunahing layunin ng mga institusyong pantersyarya sa mga nabanggit na lugar at ang Edukasyong Bilinggwal ay itinuturing na hadlang sa di pagtamo ng layuning ito Ang pag-aaral ding ito ay nagpapatunay na ang wikang Filipino ay tanggap na bilang wika ng pagkakaisa at simbolo ng pambansang pagkakakilanlan maging sa mga Cebuano na noon pa ay nagpakita na ng matinding pagtutol. Gayunpaman, naniniwala ang karamihan na ang pagiging angkop bilang wikang pambansa ay hindi nangangahulugang angkop ding wikang panturo sa mga asignaturang science at math. Ipinaliwanag ni Fuentes na “Filipino is percieived to have more of symbolic than functional purpose in the lives of Filipinos.” Idinagdag pa na naniniwala ang karamihan na sila ay makabansa sa kabila ng kanilang kakulangan ng kakayahan sa wikang pambansa.
“Kautusang Tagapagpaganap Blg. 210, s. 2003 o ang patakaran na nagpapaigting sa "Paggamit ng Ingles Bilang Pangalawang Wikasa Sistemang Pang-edukasyon."”
PANIMULA KALIGIRAN NG PANANALIKSIK Ang pag-aaral na ito ay ukol sa positibo at negatibong epekto ng wikang Ingles bilang wikang panturo sa iba’t ibang parte ng bansa lalo na sa mga mag-aaral na Senior High School, partikular sa asignaturang Agham at Matematika. Noong 1901, sa pangunguna ng Philippine Commission, ginawang opisyal na wikang panturo ang wikang Ingles sa bisa ng Batas blg. 74. Subalit noong 1925 ay napagtanto nila na hindi ito naging epektibo sa pagkakatuto ng mga Pilipino sapagkat noong panahong iyon ay hindi pa masyadong pamilyar ang mga Pilipino sa wikang Ingles. Ang impormasyon na ito ay ayon sa Monroe Educational Survey Commission. Ngunit sa paglipas ng panahon ay naging laganap na ang wikang Ingles sa bansa at dahil dito ay ginagamit na ito bilang wikang p anturo sa iba’t ibang asignatura tulad ng Agham at Matematika, at nadagdagan ng iba pang asignatura ang ginagamitan ng wikang Ingles tulad ng Literatura at Pilosopiya. Ang wika, ayon kay Henry Gleason, ay dinamiko o nagbabago. Ito ay lumalago dahil na rin sa impluwensiya ng iba’t ibang tao. Noong unang panahon ay wikang Filipino lang ang ginagamit bilang wikang panturo sapagkat karamihan sa mga Pilipino ay hindi pa ganoon kapamilyar sa wikang Ingles. Subalit sa paglipas ng panahon ay natuto din ang mga Pilipino sa tulong ng pananakop ng mga dayuhan katulad ng Espanyol, Amerikano, at Hapon. Ang wikang Ingles ang ginagamit bilang wikang panturo sa asignaturang Agham at Matematika sapagkat mas madali itong maintindihan at maunawaan, dahil nasanay na din tayo sa pag-aral ng paksa sa wikang Ingles dulot ng pananakop ng mga banyaga. Ang pag-aaral na ito ay masusing sinusuri at sinasaliksik na may layuning malaman ang positibo at negatibong epekto ng paggamit ng wikanga wikang Ingles bilang wikang panturo sa dalawang asignaturang ito, at kung epektibo ba ang pagkatuto nila gamit ang wikang ito. FILIPINO ANG DAPAT Para sa KWF na pinamumunuan ang Pambasansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario, hindi naaayon sa Saligang Batas ang mungkahi na dayuhang wika, sa halip na pambansang wikang Filipino, ang gagamitin bilang pangunahing paraan sa pagtuturo. Sa position paper ng komisyon na inihanda bilang pagtutol sa panukala ni Arroyo, sinabi na muli lang binuhay ng HB 5091 ang mga dati nang panukala na inihain [tulad ng HB 8460 noong 2009], na Ingles ang gamitin sa pagtuturo pero ibinasura na noon ng Senado. Idinagdag nito na nakasaad sa Saligang Batas na Filipino ang wikang pambansa, at dapat itong linangin, payabungin at pagyamin. "Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang paraan ng opisyal na komunikasyuon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon," ayon sa posisyon ng KWF. Tinawag din ng KWF na anti-Filipino ang panukala at sumasalungat sa mga prinsipyo ng pagtuturo na itinatakda ng UNESCO, na nagsasaad na ang patakarang pang-edukasyon na ang mga bata, lalo na ang mga nasa mababang baytang ay mas matututo sa kanilang sinasalitang wika sa halip na banyagang wika. Kung pagbabatayan din umano ang implementasyon ng MTB-MLE (Mother Tongue-Based Multilingual Education) ng Department of Education Order #74, series of 2009, at ang nakapaloob sa bagong K-12 Curriculum Program sa ilalim ng Republic Act 10533, at ng Enhanced Basic Education Act of 2013, ang panukala na isinusulong ni Arroyo ay hindi na umano kailangan. Paalala din ng komisyon, kung may mga pangamba ang ilan na humina sa wikang Ingles ang mga Pinoy, higit umanong dapat na ikatakot kung ang sariling wika ng mga Pilipino ang maglalaho. PAMAMARAANG GINAMIT Ang pamamaraang ginamit sa pagbuo ng pag-aaral na ito ay deskriptibong pananaliksik kung saan inilarawan ang mga suliranin at naglalayong alamin ang epeketo ng paggamit ng wikang Ingles sa asignaturang Agham at Matematika sa mga mag-aaral na nasa Senior HighSchool. PAGLALALATAG NG KONKLUSYON Sa pag-aaral na ito ay nakakuha ng positibo at negatibong pananaw at epekto ang mga mananaliksik mula sa mga mag-aaral ng Senior High School ukol sa paggamit ng wikang Ingles bilang wikang panturo sa asignaturang Agham at Matematika. Sa positibong pananaw ay nagbibigay daan ang wikang Ingles bilang panturo sa pagiging bihasa sa pagunawa at paggamit ng salitang ito na nagsisilbing daan tungo magandang pakikipagkapwa sa mga banyagang bansa at may mga mag-aaral na nagsasabing mabuti ang epekto nito sa kanila sa paraang mas tumataas ang lebel ng kanilang kumpiyansa sa sarili sa pagsasalita ng wikang Ingles. Ang negatibo namang epekto nito sa ibang mag-aaral ay nahihirapan silang unawain ang mga leksiyon sa asignaturang Agham at Matematika dahil hindi sila ganoon kagaling sa pagunawa ng wikang Ingles at napagtanto ng mga mananaliksik na mas mabuting gamitin ang pambansang wika bilang midyum sa pagtuturo lalo na sa asignaturang Agham at Matematika dahil mas pamilyar tayo sarili nating wika kaya’t mas madaling mauunawaan ang mga leksyon at ito ang siyang magiging daan sa mas maganda at maunlad na edukasyon ng ating bansa.
“Kautusang Pangkagawaran Blg. 16, s. 2012 na nagtatakda naman ng mga panuntunang susundin sa pagpapatupad ng mother tounge-based, multilingual education o MTB-MLE.”
Ang Mother Tongue Based, Multilingual Education (MTB-MLE) ay ang pagtataguyod ng pagtuturo ng wika (mother tounge) sa distrito ng paaralan sa halip na Filipino (Tagalog) o Ingles. Ang iba pang wika sa ating bansa ay ituturo at isasama sa kurikulum ng paunti-unti. Ang mga tagapagtaguyod ng proyektong ito ay tumuturo sa mga programa sa Pilipinas na naging matagumpay sa pagtulong sa mga mag-aaral na makakuha ng buong kasanayan sa wikang ina, pambansang wikang Pilipino, at Ingles. Sinuportahan ng UN o United Nations ang programang "Edukasyon para sa lahat" dahil ang kanilang sariling layunin ay upang mapahusay ang edukasyon, na may paniniwala na kailangang may pambansang pagkilala sa lingguwistang minorya. Sa pagsisimula ng wika na sinasalita ng isang tao sa bahay, ang puwang sa pag-unawa ay maaaring mapigilan, at mas mahusay na matututuhan ng mga estudyante ang kurikulum. Ang batas ay ipinatutupad sa darating na taon ng pag-aaral. Ang pangunahing pag-aalala na may maraming tagapagturo na may panukalang ito ay ang bilis na kung saan ang bill ay humihiling ng pagbabago, na iniiwan ang mga guro na hindi nakahanda para sa dramatikong paglipat. Ang katunayan na mayroon na ngayong 13 taon ng pag-aaral para sa mga bata, sa halip na 10, ang mga tawag para sa isang pinalawak na kurikulum na hindi ginagamit ng mga guro. Ginagawa ng ilang guro na hindi sila sapat na sinanay para sa naturang pag-ikot. Kung wala ang mga tamang kasangkapan, ang pagpapatupad ng batas ay nasa panganib na mawalan ng bisa nito. Bukod pa rito, ang kahulugan ng "inang wika" ay isang paksa na pinagtatalunan, gaya ng itinuturo ng maraming mga magulang sa kanilang mga anak na Ingles sa tahanan. Ang "inang wika" ay binigyang-kahulugan ng ilan bilang wika ng kultura, ngunit ang iba ay ang wika na itinuro mula sa kapanganakan, hindi alintana kung ito ay bahagi ng tradisyonal na pamana. Kung walang malinaw na kasunduan, mananatili ang pagtutol sa panukala at pagkalito sa loob ng mga komunidad. Habang nananatili ang mga tanong at alalahanin tungkol sa pagpapatupad ng bill na ito, ang mga tagapagtaguyod ng pagpapanatili ng kultura ay naniniwala na ang hakbang na ito ng MTB-MLE ay isang hakbang sa tamang direksyon. Ang pag-aatubili ng mga tagapagturo at administrador ay hindi nangangahulugang pagtutol. At mahalaga, binuksan ng panukalang-batas na ito ang isang pambansang pag-uusap tungkol sa pagkakaiba-iba ng wika sa bansa at kung paano makitungo sa homogenous na edukasyon na nakabatay sa Ingles. Ang makasaysayang batas ay nagdudulot ng isyu sa harap ng isip ng bansa, dahil ito ay nakakaapekto sa hinaharap ng mga batang Pilipino nang malaki. Sa ganitong paraan, ang mga taon ng diskriminasyon sa wika, parehong sinadya at hindi sinasadya, ay tinalakay na ngayon sa pambansang antas. Ang passage ng bill ay nagpapadala rin ng isang malinaw na mensahe sa mga nakikibahagi sa diskriminasyon ng wika, na ito ay isang pagsasanay na hindi na tatanggapin o binabalewala ng pamahalaan. Ang kuwenta mismo ay maaaring magsilbing isang halimbawa para sa ibang mga bansa na naghahanap ng reporma sa edukasyon. Maayos ang pag-usapan ng U.S. na isasaalang-alang ang pagsingil na ito kapag bumubuo ng mga bagong patakaran. Ang inisyatibo ng MLB-MTE ay naipasa sa isang maayos na maingat na pag-aayos ng edukasyon. Ang oras ay maaaring tama para sa pagtatangka ng U.S. sa pag-aaral na tumpak na sumasalamin sa pagkakaiba-iba ng sariling linguistic ng bansa, lalo na pagdating sa mga katutubong wika sa mga Katutubong komunidad.
Bagaman may mga problema parin sa ibang kabataan, mahihinuha na may kagandahang nabago sa paraang ng pag-iisip ng mga bata, partikular sa akademiko at intelektuwal na aspeto. Ito ay ang mga sumusunod: Nabawasan ang mga Drop out o lumiliban ng klase, nabawasan na pag-uulit sa klase, naging mas aktibo sa klase ang mga bata, ang mga bata ay umunlad sa pananalita at pagkakatuto, at pag-unlad sa komunikasyon. Nabawasan ang mga drop-outs at pag-uulit dahilsa pagkakabuo at pag-unlad ng tiwala sa sarili ng mga mag-aaral. Mahihinuha na ito ay dulot ng pagengganyo sa bata na gamitin ang kanyang wika na ginagamit sa bahay o unang wika. Hindi rin napapahiya sa klase ang mga bata kung ginagamit ang kanilang kinagisnang wika sa bahay, dahil ito mismo ay kanilang pinag-aaralan. Ito rin ang dahilan kung bakit naging aktibo ang mga bata sa klase. Ang mga bata ay umunlad sapagkatuto at pananalita dahil mas naipapresenta ng mga bata ang kanilang nais. Sa kadahilanang ito, nasasabi ng mga bata ang kanilang nais matutunan, hindi naintindihan, at pangangailangan. Bunga nito, nahahasa ang kanilang intelektwal na kakayanan, dahil nasasagot ang katanungan sa kanilang mga isipan.
 Maaaring magpatupad ng batas kung saan ituturo o isasama sa kurikulum ang baybayin at iba't ibang lenggwahe sa pilipinas na maaari nating magamit na komunikasyon sa iba't ibang lugar o tao na ating makakasalamuha. Ang mga lenggwahe na ito ay maaaring makatulong sa mga estudyante na maraming matututunan at magkaroon ng maraming kaalaman sa ating mga lenggwahe. Ang pagtuturo o pagsama ng mother tounge sa ating pag-aaral ay nakakatulong upang mas lumawak ang ating kaalaman pag dating sa diyakleto at mas lalo nating kinikilala o tinatangkilik ang sariling atin. Maaari ring magpatupad ng batas kung saan ituturo ang ibang lenggwahe o wika sa iba't ibang bansa kaso ito ay magkukunsumo ng mahabang panahon o oras. Ngunit, ang pagtuturo o pagsama ng katutubong wika sa kurikulum ay nangangahulugan na tinatangkilik o kinikilala pa din ang sariling atin. Hindi na matatanggal sa ating sistema ang pagtangkilik ng iba pang lenggwahe o diyalekto ngunit maaari natin itong palawakin upang mas lalong magka-unawaan o magkaintindihan ang mga tao. Maraming modernong salita ngayon ang sinasalita o ipinagsasalin-dila dahil sa paghahalo halo ng diyalekto/wika na kadalasang sinasabi ng henerasyon ngayon o millenials kung tawagin. Patuloy pa ring kumakalat o lumalaganap ang mga bagong salita dahil na rin sa impluwensya ng iba’t ibang bansa. Hindi alam ng karamihan na ang kanilang ginagamit na salita ay may halong ibang diyalekto. Walang nakakaalam kung mahihinto/matitigil pa ba ang paglaganap o pagtangkilik ng ibang lenggwahe. May mga tao pa rin namang ginagamit ang wikang kanilang kinalakihan ngunit ito’y may halo na ng Ingles o ibang lenggwahe/diyalekto. Sa paglipas ng panahon, walang makakapag saad kung ano na ba ang kalagayan ng ating wika sa hinaharap. Maaaring madagdagan ang mga namatay na wika sa ating bansa. Hindi masama ang tumangkilik ng ibang wika dahil maraming tao ang mas nagkakaintindihan o nagkakaunawaan sa wikang Filipino ngayon ngunit hindi dapat kaligtaan ang ating wikang kinalakihan. Kailangan magka-isa ang lahat upang ang wikang ating kinalakihan ay hindi mawala sa ating industriyang kinasanayan.
2 notes · View notes
Text
St. John’s Academy, Inc. Dinalupihan, Bataan
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO: PATAKARANG PANGWIKA
HUMSS 11 -ST. AUGUSTINE ANGULO, FRANZ MACALANDA, MANUELLA MARIANO, JUSTINE
Ang bawat batas ay maaring magdulot ng positibo at negatibong kaukulang responsibilidad. Kung tayong mga mananaliksik ang tatanungin, unang-una nating bibigyan pansin ang imahe na magandang maidudulot ng patakarang ito. Marahil na lubos itong makakatulong sa atin, paano naman natin haharapin ang kaukulang responsibilidad o ang negatibong maaaring idulot neto sa atin, ganun narin sa ating lipunang ginagalawan. Gaya na lamang ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 52,s 1987 ng DECS o “Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal”.Dahil patuloy na lumalawak ang wikang Ingles sa buong mundo, at isa tayo sa mga naimpluwensiyahan ng mga Amerikano, parte na ng sistema ng ating edukasyon ang aralin ang wikang Ingles kasabay narin ang ating sariling wikang Filipino. Pero bakit nga ba natin dapat aralin ang wikang Ingles? kung meron naman tayong sariling wikang sinasalita at bukod pa dito, marami pa tayong wikang kinagisnan na hindi naman din napagtutuunan ng pansin. Upang simulan ang pananaliksik,ang batas patungkol sa pagkakaroon ng edukasyong bilingguwal ay upang palawakin ang Filipino bilang isang wikang literasi, sinasaad din nito na ang bawat isang indibidwal ay may sapat na kaalaman sa wikang ginagamit sa pamahalaan, administrasyon, hukuman, agham at teknolohiya, negosyo at industriya, media at iba pang larangan, isa ding rason ay upang maging instrumento ito sa pagtayo ng magandang komunikasyon sa isa o higit pang dayuhang indibidwal. Sa sitwasyon ng Pilipinas, kailangan maging mahusay sa Filipino at Ingles ang mga mag-aaral. Ang Ingles ay pangatlo sa pinaka sinasalitang lengwahe sa buong mundo. Sa katunayan sa mahigit kumulang 7.5 billion na tao sa mundo, 1.5 billion dito ang gumagamit ng salitang ingles. Dito palamang ay makikita na natin ang importansiyang linangin o aralin ang wikang Ingles dahil sa mga positibong maidudulot nito. Komunikasyon, ang pagiging bilinguwal ay lubos na makakatulong upang magkaroon ng magandang komunikasyon sa ibang bansa. Unang-una na sa trabaho, pakikipagkalakalan, pagkakakilanlan at marami pang aspeto .Bukod pa man maaaring magbunga naman ito ng kaukulang pagbabawas ng kinagisnang Wika dahil hindi na ito mabibigyang pansin/ mapag-aaralan kaya maaari na itong tuluyang malimot o mabaon sa lupa. Sa kabilang banda naman dahil sa Edukasyong Bilingguwal mas madaming pagbabago at pagunlad ang naganap o magaganap pa sa ating bansa. Mas nagkaroon narin ng madaming kaalaman ang mga tao hindi lamang sa pag-aaral ng ingles kung hindi kung papaano din natin ito gagamitin sa ating pamumuhay. At dahil sa patakaran na ito, nagkaroon ng kakayahan o nagkaroon ng lakas ng loob ang mga mamamayan na magbukas ng magandang konbersasyon sa mga tiga ibang bansa na sila ay magkakaintindihan. Dito kasi matututunan ng mga mamayan ang dalawang lengwahe na dapat nilang aralin ito ay ang: Ingles at Tagalog. Sa pagkakaroon ng mga estudyante na may kaalaman sa Ingles magkakaroon sila ng mas malawak na kaisipan. Magagamit nila ito sa iba’t-ibang asignatura na nangangailangan ng pagsasalita ng wikang ito. Ito rin ay kanilang magagamit ng husto sa kanilang kukuhaning propesyon. Magkakaroon ng mas malawak na komunikasyon at pagkakaintindihan ukol sa pakikipagusap sa mga dayuhan sa iba’t-ibang bansa. Sa kasawiang palad naman ay hindi maipagkakaila na maaaring mabaon o makalimutan na ang kinagisnang wika. Unti-unti itong mawawala, na dapat ay mas lalong umunlad at malinang ang ating nalalaman sa ating sariling wika. Oo nga at ang wikang Ingles ay ginagamit sa iba’t-ibang parte ng mundo ngunit hindi mararapat na mas bigyang pansin ito kaysa sa nakagawiang wika. Hindi rin naaayon ang layunin nito. Kumbaga kung patuloy lamang nating binibigyang importansya ang wikang Ingles may posibilidad na mawala ang pagmamahal ng mga tao sa sariling wika.
Gaya nga ng aming inulat ang bawat batas ay maaaring magdulot ng posititbo at negatibong pananaw sa bawat isa sa atin. Ang pagiging mulat sa modernong panahon ay importante sa ating mga kabataan dahil marapat lamang na tayo ay makasabay sa kung ano ang naaayon sa panahon at laging mulat sa kung ano ang nangyayari sa bansa. Sa madaling salita naiimpluwensiyahan tayo ng mga bagay na nauuso base sa panahon at teknolohiya sa larangan ng pananamit, pagkain at pati narin ang ating pananalita, at paano tayo makakasabay sa kung ano ang naaayon o nauuso? Simple lamang kailangan natin itong aralin at linangin upang makasabay tayo sa panahon at hindi mapag iwanan. Ganoon din sa edukasyon. Sang-ayon kami na gamitin ang wikang Ingles bilang pangalawang wika sa edukasyon sa kadahilanang mas madaling intindihin ang mga piling asignatura kung ingles ang gagamitin, kumbaga ang tinapay ay mas masarap kung iteterno sa maiinit na kape ,at hindi sa malamig na tubig ganoon rin sa wikang ginagamit .Mas madaling intindihin ang siyensya at mathematika kung ingles ang gagamitin Dahil rin sa patuloy na paglago ng ekonomiya kasabay ng paglawak ng wikang Ingles. Higit na maraming trabaho at opportunidad ang nagbubukas sa mga pilipinong naghahanap ng trabaho. Mas madami ring kumpanya o agency ang kumukuha ng mga nakapagtapos lamang ng kolehiyo at mahusay sa dialektong Ingles sa kadahilanang ang mga trabahong ito ay may kaugnayan sa pakikipag komunikasyon sa ibat-ibang dayuhan. Ipinapahiwatig lamang nito na ang batas pangwika na ito ay maghahanda sa ating mga kabataan na maging propesyonal sa ating magiging trabaho o propesyon na tatahakin sa takdang panahon. Mas magiging mulat din tayo sa kung ano ang nangyayari sa mundo dahil ang wikang ingles ang ginagamit unang-una sa politika at iba pang aspeto .Madali tayong makakasabay sa mga nauuso kung lahat tayo ay kayang pagtuunan ng pansin ang mga ito. Sa aming palagay ang batas na ito ay may positibong dulot. Ang isa pang positibong dulot nito ay magagamit din sa mga asignatura ng mga mag-aaral. Lilinangin at papaunlarin nito ang kanilang isipan. Ngunit sa kabilang banda hindi lahat ng mga mag-aaral ay kayang makapagaral dahil na rin sa kahirapan. Hindi sila makakapasok sa eskwelahan dahil kapos sila sa pera upang makapagaral. Hindi lahat kayang tugunan ito. Lalo na sa mga pribadong paaralan na mas tinuturo ang Ingles. Ang wikang Ingles ay tinuturo rin naman sa publikong paaralan ngunit mas prioridad ng mga guro sa publiko ay ang sarili nating wika kaya hindi nila mas napapansin ang wikang Ingles hindi tulad sa mga pribadong paaralan kasi dito kailangan alam ng mga kabataan kung pano mabibigkas o masasalita ng maayos ang wikang Ingles lalo na sa mga matataas na paaralan tulad ng UST, UP at iba pa.
Ang pagpapatupad sa patakarang paggamit ng Mother Tongue sa kabataan mula baitang 1, 2 at 3 ay lubos na makakabuti dahil maagang malilinang ng mga batang murang isipan ang kahalagahan ng ingles, subalit mahihirapan din mga kabataan lalo na sa pagpapalit o pagtatranslate ng mga salitang Ingles na gagawing Tagalog. Mahihirapan sila kasi merong mga Ingles na salita na komplikadong aralin sa Tagalog. At kung tutukuyin, merong ibang salita na walang ibig sabihin sa tagalog o walang kaukulang pahayag. Ang mga kabataan na magsisimula ng primarya ay magigisnan ang Ingles at Filipino, ang positibong maidudulot nito ay ang pagkatuto ng lenguwaheng Ingles sa murang isipan .Bilang pangalawang wika sa pakikipagkomunikasyon. Upang makapagsimula ng isang konbersasyon sa ibang lahi kailangan natin aralin kung paano sila magsasalita o anong lengwahe ang gamit at ang Ingles ang sagot sa katanungang ito, dahil dalawampung persyento ng mamamayan o tao sa mundo ay gumagamit ng wikang Ingles bilang pangalawang lengwahe at ito ang magiging binokular ng ating komunikasyon. Maagang mamumulat ang kabataan sa lengwahe maaaring magpaunlad sa kanila at sa kanilang kinabukasan. Sa kabilang banda naman ang foreign langguage ay mas malilinang ng husto kaysa sa sariling wika natin. At ito ang dahilan kung bakit namamatay na ang ating mga katutubong wika. Dahil hindi nabibigyang pansin ang mga lengwaheng ito, unang-unang dahilan kung bakit nalilimutan na ang mga wikang ating nakagisnan ay ang kawalan ng ganang aralin ang mga ito. Dahil simula palang ang primary Ingles na agad an gating inaaral ksabay ang wikang Filipino. Isapang dahilan ay ang mas pagbibigay pansin o hilig sa imported na lengwahe bukod pa sa Ingles tulad nalamang ng Korean dahil ito ang naayon sa uso at tinatangkilik ang mga ito ng higit kaysa sa sariling wika natin. Nakakalungkot pang isipin na mas binibigyan ito ng importansiya kaysa sa lengwahe o mga baybayin na ating kinagisnan. Ukol sa mga mamamayan o mga eksperto hindi magtatagal ay aaralin nadin ang Chinese Mandarin dahil ito ang pinakamalaking lenggwahe sa mundo at kung mangyayari man ito maaaring malimutan na natjn ang sarili nating wika. Pero sa aming nakikita dapat talagang pag-aralan ang wikang Ingles para tayo ay magkaroon ng magandang agos ng pakikipagkomunikasyon sa bawat mamamayan na may iba’t-ibang lengwahe na ginagamit at makakamit natin ito kung aaralin natin ng mas maaga, kumbaga mamumulat ang mga kabataan at maagang itapak ang mga paa sa kung papaano makikisalamuha hindi lamang sa kapwa pinoy kung hindi pati narin sa kapwa dayuhan. Dahil meron tayong sari-sariling lengwahe na ginagamit kung kayat tayo’y hindi nagkakaintindihan ng husto, malaking tulong ang Ingles sa pagkakaroon ng matibay na tulay sa pagkakaisa kaya tayo ay nag-aaral ng wikang Ingles para magkaroon ng magandang komunikasyon. At ang pwedeng maging negatibong parte naman nito ay ang pwedeng makalimutan na ng tuluyan ng mga mamamayan ang sarili nating wika dahil sa mga iba’t-ibang lengwahe na kanilang natutuklasan sa panahon ngayon. At baka pag dumating ang araw ay tuluyan ng mawala sa ating bansa ang sarili nating wika dahil mas binigyang pansin na ng mga tao ang ibang lengwahe na galing sa iba o dayuhang bansa.
Ang mga mananaliksik ay magpapahayag o magaambag ng isang batas na parehas matutugunan ang pag-aaral ng mga estudyante ng sariling wika at ang wikang Ingles. Ito ay uunahin sa elementarya at ang unang ituturo ay ang wikang Filipino. Ito ay mula sa daycare hanggang sa ikalawang baitang At ang pagtuturo naman sa wikang Ingles ay mula ikatlo hanggang ikaanim na baitang. Sa paraang ito mas malilinang ang isipan ng mga batang mag-aaral sa sarili nilang wika. Hindi din maghahalo ang kanilang pag-aaralan. Sa pagtuturo nito sa mga batang mag-aaral mapapalalim ang kanilang kaalaman sa wikang Filipino pati na rin sa kultura nito. Mahahasa ang kanilang kaalaman at pati na rin ang kanilang kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Marami silang mauunawaan dahil ang kanilang nagagamit na salita ay tatatag ang pundasyon. Marami din silang malalaman na mga bagay-bagay tungkol sa mga Pilipino. Ang mga kwentong naambag o mga pelikula at iba pa ay mapapahalagahan dahil ang mga bata ay may sapat na pag-unawa sa kanilang sariling wika. Ang pagkakaroon ng pagkaunawa ng kabataan sa sariling wika ay mareresulta ng pagiging makabayan at pagmamahal sa sariling bansa. Samantalang sa ikatlong baitang hanggang ikaanim naman sa pagtuturo ng Ingles ay isang malaking tulong din. Magagamit din ito sa iba’t-ibang asignatura maliban sa Filipino. Ang mga mag-aaral ay may kakayahang din makipagusap gamit ang wikang Ingles. Pwede din nila itong magamit sa kukunin nilang trabaho o propesyon pag lumaki sila. Lalawak ang kakayahan nila sa maraming bagay. Ito ay pwede nilang magamit sa larangan ng pakikipagusap o kahit na sa pakikipagtalastasan. At mas madadagdagan ang kanilang kaalaman sa paggamit ng wikang Ingles dahil sa pakikipagkomunikasyon nila sa bawat mamamayan na kanilang makakausap. Ito rin ay makakatulong sa kanilang pang araw-araw na buhay dahil isa ito sa mga sikat na lengwahe na ginagamit sa ating bansa. Pagdating naman ng kolehiyo marapat na aralin ang wikang katutubo bilang respeto sa ating wikang kinagisnan pati narin sa paglinang ng wika kung saan nakilanlan ang Pilipinas. Dapat rin mag-published ng mga libreng aklat patungkol sa pag-aaral ng katutubong wika lalong lalo na ang alibata para sa mga estudyante ng kolehiyo. Magdagdag ng isa pang asignatura kung saan pinag aaralan ang mga katutubong wika kasabay ng pagpapaunlad ng wikang dayuhan. Naisip naming italaga ang batas na ito dahil para maging isang Pilipino dapat alam mo kung papaano maging isa, at masisimulan mo ito sa paglinang ng wika kung papaano tayo nakilanlan at aralin ang wikang banyaga upang magkaroon ng komunikasyon sa iba pang lahi. Tulad nga ng sabi ng ibang mamamayan ito ay mahalagang aralin ng bawat Pilipino dahil hindi tayo pare-parehas ng lengwahe ginagamit sa pang araw-araw nating pangkabuhayan dahil tayo ay may iba’t-ibang diakletong ginagamit sa iisang bansa kung kaya’t ang pagtuturo at pag-aaral ng Wikang Ingles ay malaking tulong sa atin sa mga kabataan at sa susunod pang henerasyon .At ang pag-aaral naman ng katutubong wika upang labis na malaman kung ano at sino tayo .Sa kung papaanong paraan tayo nakagisnan at kung papaano tayo pinagbubuklod ng isa at mahigit pang dialaekto na sariling atin. Mas maayos kung pantay-pantay ang paggamit sa mga nasabing wika. Walang labis at walang kulang. Magkakaroon ng pagkakaisa ang lahat at posibilidad na makapagaral ng wikang Ingles ng hindi nalilimutan ang wikang kinagisnan at wikang kasalukuyang sinasalita sa paglipas ng maraming panahon.
1 note · View note
dalisay17 · 4 years
Text
Tumblr media
Bilang #TabiPo2020 Week ngayon!!
Prompt 1: "Laya" feat. Salome!!!
Sobrang nakakamiss ng quick sketches/one-sitting drawings aaah
Art (c) @dalisay17
1 note · View note
huminahon · 5 years
Text
They’re mocking me for listening to Ms. Haniely “HanHan” Pableo’s music >:( FYI kahit nasa ibang bansa na sya continue pa rin sya sa paggawa ng kantang Pinoy at sumasalamin sa mga Filipino at kulturang Pinoy. I’m supporting this artist coz she uses kulintang, agong, bamboos and kubing on her music. Ngayon nyo sakin isampal na makabayan kayo kung di nyo magawang suportahan at tangkilikin ang sariling atin. 
3 notes · View notes
Photo
Tumblr media
MORIONES IN MARINDUQUE: The Way of the Cross In thorough upswing for our Philippine Culture and the Arts, reliving its value and essence, currently working on the coffee art series "Sining Kape at Kulturang Pinoy" showcasing the Filipino people, their works, habits as well as their lifestyle into todays in demand and unique medium, the coffee art painting. #internationalcoffeeartist #internationalcoffeeexposition #internationalcoffeeartexhibit #kapepilipinas #proudlyfilipinomade #tatakpinoy #VictoryAndHumanity #nam2022 #coffeepainting #nationalartsmonth2022 #SiningNgPagAsa
0 notes