Tumgik
nabichuun · 2 years
Text
medtech student!jaemin, who’s willing to teach you and let you practice your skills on him para pareho kayo pasado sa practicals 🥹🥹🥹 imagine him teaching u how to properly draw ng blood or pano mag streak ng agar. your very smart and gwapo bf would help you study everytime may quiz kayo, he will make sure na kabisado niyo buong reviewer xd
“bab, i told you kabisado na natin to’ makakasagot na tayo sa quiz bukas.”
Tumblr media
48 notes · View notes
nabichuun · 2 years
Text
loeww!! i have a few ppl asking if i have a twt acc btw i have onee^^ but im still not posting anything doon but u can still follow me naman hehe its @nabichuun
0 notes
nabichuun · 2 years
Note
Hello!!!!!! I miss you so much TT I hope you're doing great, authornim! :DD
HALA NGAYON KO LANG NAKITA!! hello hello sana okay pa kayoo huhuhu
0 notes
nabichuun · 2 years
Note
omg helloo how are u pooo!
HELLO BEHH ETO KINAIN NA NG COLLEGE HUHUHUHU
0 notes
nabichuun · 2 years
Text
Helow poh kamusta po ang lahat 🥹🥹🥹🥹
1 note · View note
nabichuun · 2 years
Text
i have few requests in my inbox and i'll try to do most of them when i feel like writing them or when i have time dw^^ thank u so much for sending theemm 🥺🫶🏻
1 note · View note
nabichuun · 2 years
Note
oNG OMG HII MISS MA'AM !! namiss k8ta so much, sana po nakakahinga pa kayo dahil sa uni kse ako haha.. tamang ngiti nlng sa gedli kse very neomu stressed na */humimlay
HELLO11!!! medyo nakakahinga pa naman ako kasi di pa kami totally start pero nag sisimula na me maoverwhelm hahahah if stressed na dont forget to take breaks^^ para po di tayo mabaliw 😭
0 notes
nabichuun · 2 years
Note
kamuzzta na ses, sana humihinga pa tayo. pati ako naloloka na sa uni haha 😃 humimlay nlng tayong lahat
e2 beh orientation plang namin pero hihimlay na ako kaagad huhuhuhu sana okay ka lang din dyan beh kapit lang cguro
0 notes
nabichuun · 2 years
Note
thinking about boyfriend jaemin na gigil na gigil kakaamoy sayo and he's unapologetic about it like kapag kausap niyo mutual friends niyo nakabaon lagi ilong niya sa neck area mo pag yakap ka niya from the back or pag nakasaklot ka sa kanya HOOOO
p.s. do you accept anons po? if yes can i be 🍰 anon? thank you !!
pda kung pda si jm especially kapag naamoy niya yung pabango mo. siya yung tipo na bigla kang hihilahin sa tabi niya kapag break time niyo. yayakap yan sa bewang mo tapos ibabaon yung mukha niya sa leeg mo kahit nasa harap kayo ng buong tropa niyo.
"bango mo baby"
idk how anons work here pero sure!! u can be 🍰 anon hehe
4 notes · View notes
nabichuun · 2 years
Note
wala na, im kinikilig na look oh 😵‍💫 HUHUHU BAT NAMAN PO GANON NXSBSJZNZNSJ EHE PERENG SHERE
BEH 😭😭😭😭
1 note · View note
nabichuun · 2 years
Text
hi hello good evee!!! sorry for not answering sa mga asks nyo huhuhu naging soaper busy si anteh bcs of uni huhuhu ANYWAYS KAMUSTA KAYOOOO
0 notes
nabichuun · 2 years
Text
lahat ba kinikilig na kay chenle 😆😆😆 kasi same po huhu pogi pogi so much HAYZ
1 note · View note
nabichuun · 2 years
Note
AAAAHH ANO BA MADAM BEA, MASYADO MONG GINALINGAN huhu. grabe kilig ko sa chenle imagine mamsh madaling araw na yung kilig ko mula talampakan hanggang bumbunan ko sagad na sagad
ily na talaga to the max, masarap tulog ko neto fnengmmcnrngmemfmv
SHUTA HSHSHSHHAHA ILY TOO BEH sana matutulog tayo may ngiti ngayong gabi 🫶🏻🫶🏻🫶🏻
0 notes
nabichuun · 2 years
Note
owemji hi po huhuhu finally another filo nctzen on tvmblr 😭!!!
HELLOO HAHAHAHAH
1 note · View note
nabichuun · 2 years
Note
loe po,,,,, open po ba reqs?????
hi po,, yezz po 🤩🤩🤩
0 notes
nabichuun · 2 years
Text
1,2,3 Catch!
Tumblr media
kung saan di lang pala bola ang na-catch mo, feelings din pala.
💭 zhong chenle sa ur summer crush, fluff.
‼️ written in taglish.
🎧 Lintik by Brownman Revival
(This is a spin-off from Ngayong gabi)
“INENG!!” Sigaw ng tita mo mula sa baba ng bahay niyo, napatigil ka naman sa pag scroll sa tiktok mo ng marinig mo ang tawag sayo. Mula sa pag kakahiga ay tumayo ka at dali daling bumaba kahit na mapaakan mo ang mga pinsan mong tulog sa lapag. Pag ka baba mo ay nakita mong nakakagulo ang mga tao. 
“OH! kumain ka na at mag ayos ng gamit mo para mamaya” sabi ng lola mo na naghahalo ng giniling para sa shanghai. Sandali mong tinitigan ang mga pangyayari at kumamot ng ulo. mag ayos ng gamit para mamaya? kumuha ka ng isang piraso ng lutong shanghai at kinain yun. 
Habang nanguya at nakatitig sa kawalan ay narealize mo, may outing pala kami. 
Sabog. Dahil nga pala dumating ang mga tita at pinsan mo na tiga maynila para ngayong bakasyon ay meron kayong outing sa resort ng kamag anak niyo. Tradisyon na ito sa inyo at lagi kayong nag o-outing tuwing umuuwi sila. Dali dali kang kumain ng almusal at umakyat ulit para mag ayos na
“Hoy mga tamad bangon na daw, mag swimming na tayo!” sabi mo sa mga pinsan mo habang niyuyugyug sila para magising. You’re surprised na di pa sila gising dahil ang init init at siksikan pa. patayan ko to ng electric fan eh 
“Gago ngayon ba yun?” sabi ng pinsan mo na kakagising lang at nagtatanggal ng muta. 
“Oo teh kaya bumangon ka na diyan” sabi mo habang kumukuha ka ng damit mula sa drawer mo. sandali ka namang nag isip kung ano ang susuotin mo pang swimming.
Mga 10 am na nung nakarating kayo sa resort kaya naman ramdam na ramdam mo ang init kaya naman napag isipan niyong bumili ng scramble para naman mabawasan ang init. Habang naglalakad kayo ay pinag masdan mo ang resort. Andami na nag bago dito bukod sa nagkaroon na ng events place ay nadagdagan din ang mga cottage at pwede na mag overnight. At nasaksihan mo lahat ang pagbabago. 
Sa totoo lang medyo sawa ka na sa lugar na ito, bilang taga dito ka lang din at bumabalik ka dito sa resort sa kahit anong event o panahon. Na nanawa ka na sa lugar na to kaya naman di ka na nag eexpect ng bago. Swerte na lang kung makakakita ka ng gwapo o may pasabog ang resort. 
“Hi ateng. Andito uli kami today” bati ng pinsan mo kay ate na nag bebenta ng scramble, nginitian mo din ang tindera. 
“Oh? Kakagaling niyo lang dito last last week ah?” sabi ni ate habang nilalagyan ng marshmallows yung scramble. 
“Ate ano meron ngayon? Dami ata tao?” Tanong ng pinsan mo, napatingin ka naman sa paligid. May mga tao nag seset up ng parang stage. sino kaya mga tutugtog ngayon?
“Parang naman hindi ka nandito lagi, anniversary ng resort ngayon. Nag imbita sila ng mga kakanta kaya nag seset up sila ng stage” 
“Ahh ngayon ba yun? Akala ko nung nakaraang araw pa” sabi ng pinsan mo, inabot mo ang bayad para scramble at nagsimulang maglakad lakad lakad bago bumalik ng cottage niyo. Dahil nga anniversary ng resort ay medyo inaasahan mo na may makikita ka man lang gwapo, di ka na aasa na makakalandian mo basta makakita ka lang okay na. 
Napatigil ka naman ng may nahagip kang gwapo sa may entrance ng resort, instinctively sinundan mo sila ng tingin. 
“Kuya mark ano ba yan! Ang bagal mo naman” pucha ang pogi tapos ang pogi din ng boses? sabi nung lalaking gwapo na naka black na hoodie habang dala dala ang mga gamit nila. 
“Sandali lang yung mga pakwan kasi mabigat” sagot nung lalaking blue yung buhok na may bitbit na pakwan sa braso nito. 
Hinila mo ang braso ng pinsan mo at sinenyasan mo na tumingin ito sa may bandang entrance. 
“Beh ang gwapo nung naka shades, bet” sabi mo sa pinsan mo, nabigla ka naman ng itinaas nung lalaking naka black na hoodie ang kanyang shades at sakto nag tama ang mata niyo tapos biglang ngumiti ng bahagya.
Napa iwas ka ng tingin at dali dali mong hinila ang pinsan mo pabalik sa cottage niyo. nakaka bigla naman!
“Gaga ang gwapo nakita mo ba yung ngiti?! jusko!” agad na sabi mo ng makarating kayo sa cottage niyo, tinawanan ka naman ng pinsan mo. 
“Saan kaya cottage nila?” dagdag mo habang lumilingon lingon pa
“Sana malapit lang sa cottage natin” sagot ng pinsan. 
“Gago haha-”
“Hoy mga dalaga tara na at kakain na” sabi ng lola mo, kaya naman sandali natigil ang chikahan niyo para kumain. mahirap lumandi ng gutom!
Parang buong resort yung papakainin niyo sa dami ng pagkain na nakahanda, bonggang bongga ang seafoods at liempo sinamahan pa ng bagoong at manggang hilaw. Fiesta ata napuntahan mo.
Matapos niyong kumain ay inutusan kayo na tumulong sa pagligpit ng pinagkainan, napabuntong ka ng hininga ng nakita mong knock out ang pinsan mo sa may cottage niyo. Mukang ikaw lang mag isa naghuhugas ng pinggan. 
Agad mo namang sinimulan ang paghuhugas dahil medyo marami rami ang kailangan hugasan, medyo abuso na to. buti na lang ay sa likod lang ng cottage niyo ang gripo at yung designated na hugasan ng pinggan. 
Habang naghuhugas ka hindi mo maiwasan mag muni muni, naalala mo yung dalawang gwapo sa entrance kanina kaya naman napangiti ka habang sinasabon mo yung mga kutsara at tinidor. Bigla kang ginanahan mag hugas. 
“Pass! Dito kuya!” napukaw naman ang atensyon mo sa mga nag lalaro, dahil nga nasa likod tong hugasan ay tanaw na tanaw mo ang basketball court mula sa pwesto mo. napatingin ka naman sa mga nag lalaro. 
“Ayee! Chenle for three points!” sigaw nung mga lalaki sa may court, shet sila yung mga gwapo kanina!
“Gago apat sila?” sabi mo sa sarili mo ng makita mo apat na gwapo na nag lalaro ng basketball sa may court. Mukang mag trotropa sila. Lumingon lingon ka naman sa paligid mo para hanapin kung saan cottage nila. 
Agad ka naman nagulat ng biglang may lumabas na lalaki sa katabing cottage niyo at sumigaw. 
“Hoy! Tama na yang kakalaro niyo! Mag iihaw pa tayo!” sigaw nung lalaki, agad namang napalingon ito sayo nang maramdaman niyang may nakatitig sa kanya. He gave you a small smile at bumalik na din kaagad sa cottage nila. 
soo tiga kabilang cottage lang sila…
“Miss yung gripo, sayang yung tubig” sabi nung isang lalaki, mukhang siya yung naka shades kanina. omg chinito na matangkad!  
“Ay hehe” nanlaki ang mata mo at agad mong pinatay ang gripo. Tumungo ka lang at hindi mo na siya nilingon ulit. Nag focus ka nalang sa paghuhugas pero hindi mo pa din talaga mapigilang mapangiti.
Matapos mo mag hugas ay kinuha mo yung tray na may mga plano at dumaan ka sa kabilang gilid ng cottage niyo para makisilay uli. Pasimple ka namang tumingin sa may kabilang cottage para tingnan kung ano ang ginagawa nila.
Nakita mo naman na nag iihaw sila ng bangus at liempo, tapos yung iba sa kanila ay nagluluto at nag hahain. 
“Chenle! Tara dito paypayan mo nga to” tawag nung poging lalaking naka white na tshirt na may mint hoodie na nakatali sa balikat. Ano daw yung pangalan? Chenle?
Lumapit naman yung lalaking kumausap sayo kanina at pinaypayan yung inihaw, nabigla ka naman ng bigla nitong hinablot pataas ang damit at pinunas ito sa mukha niya. At parang dinaig mo pa ang mga agila sa talas at linaw ng mata mo dahil kitang kita mo ang 6 packs abs niya. Pati bawat tulo ng pawis kita mo 
LORD ANO TO PAGSUBOK BA TO
Agad ka namang umiwas ng tingin at naglakad na papasok sa loob ng cottage niyo. Agad mong nilagay sa lamesa yung mga pinggan at umupo ka sa tapat ng electric fan. Sa hindi malamang ‘dahilan’ ay biglang naging mainit bigla ang pakiramdam mo. 
At dahil nga tulog ang pinsan mong magaling wala kang mapag kwekwentuhan at napag lalabasan ng kilig kaya naman kinuha mo cellphone mo at tumawag sa mga tropa mo. kinuwento mo sa kanila na mayroong gwapo sa may kabilang cottage. 
“MARE ISANG BUONG MAG TROPA SILANG GWAPO”
“De nung una nakita naman sila sa may entrance, shuta ang pogi na shock ako”
“Sana sumama kayo edi sana nakita niyo din ang blessin-” naputol ang pag chichikahan mo sa phone when you noticed someone walking towards sa cottage niyo. 
huy hala bakit siya papunta dito?! Teka lord!?! Agad ka namang umayos sa pagkakaupo mo at nagtago ka ng kaunti para pagmasdan yung papalapit. 
“Uhh hello?” Tawag nung lalaki nang makarating ito sa cottage niyo, at kabang kaba mo namang binati ito. 
“Hi? May kailangan ka ba?” You shyly said while avoiding his gaze, 
“Eto, baka gusto niyo we bought too many eh” he said at may inabot siyang dalawang watermelons. huh, di ko napansin na may bitbit pala siyang pakwan.
“Ay hala salamat, mukha ngang madami kayong dala” sabi mo at kinuha yung dala niyang pakwan. Agad mo naman tong nilagay sa la mesa at binalikan yung lalaking nag dala ng pakwan. 
“Salamat uli hehehe” ANG LANDI
“No prob. Ah, Chenle nga pala” sabi ni Chenle at ngumiti
Lord, I do
Matapos ang magpakilala sa isa’t isa ay nalaman mo na taga maynila sila at nagbabakasyon lang sila dito sa lugar niyo. Habang nag kwekwentuhan kayo ay nililibot niyo na din yung resort, since bago nga lang si chenle sa lugar nato. 
“Ohh so basketball player ka?” Tanong mo kay Chenle na may hawak na ng bola, nasa court kayo ngayon. Dito mo sila nakita kanina nung naghuhugas ka ng pinggan. 
“Yeah” sagot nito at nag shoot ng bola, pinanood mo lang siya maglaro sa may gilid. lumapit siya sayo bigla at binigay ang bola sayo. 
“Try mo” sabi nito, gagi di ako marunong.
“Hindi ako marunong” sagot mo, at binalik sa kanya ang bola. Imbis na kuhunanin ang bola ay hinawakan ni chenle ang braso mo
“Tara turuan kita, ganito lang yan” sabi niyo at pumwesto sa likod mo habang hawak ang dalawang braso mo. TEKA TSANSING TO AH
Inangat ni chenle ang mga braso mo para iguide ka mag shoot. Halos di mo na marinig ang mga sinasabi ni chenle dahil mas naririnig mo ang kabog ng puso mo. 
“ayan tas ishoot mo” sambit nito at ginawa mo naman, muntikan na di pumasok pero hey na shoot mo! Nag apir kayong dalawa and you earned a smile from him. 
“Galing ah, pwede na” pag bibiro nito
“Baliw hindi, ikaw nga yung magaling eh. Parangap mo ba mag laro for uaap?” 
“Hmm oo pero mas maganda pa din if makakapasok ako ng nba” he said with a shy tone, napangiti ka naman dahil bigla itong nahiya
“Makakapasok ka!” Sabi mo sakanya, mas lalo namang lumapad ang ngiti ni Chenle.
“Desisyon ka?” Natatawang sabi nito
“Oo bakit” you said and crossed your arms. Pareha naman kayong natawa ni Chenle sa pag uusap niyo. Ang sarap kabonding at kausap ni Chenle dahil chill lang to at nakikiride sa lahat ng bagay. 
“Oh sige basta aattend ka pag may laro ako ah” dagdag ni chenle. 
“Oo naman. Kahit ako pa tiga abot ng gatorade at taga punas ng pawis mo eh” pabiro mong sabi
“Abagan ko yan ah” sabi nito habang natatawa sa sinabi mo. nako masyado kang masaya sakin.
“LELE!” nagulat ka naman ng may biglang sumigaw sa may likod mo, may matangkad na lalaki na papunta sa direksyon niyo.
Nagtama naman ang mata niyo at agad namang umiwas yung lalaki. Agad tong pumunta sa tabi ni chenle. 
“Ah! Si Jisung nga pala kaibigan ko” pagpapakilala ni chenle sa kaibigan nito. Infairness gwapo din at sobrang tangkad parang model
pero chenle pa din hehe
“Hi! Nice to meet you” masaya mong bati sakanya pero he only gave you a “hello” with a small smile.
“Sa una lang yan mahiyain to, dadaldalin ka na din nito mamaya” sabi ni chenle at hinamapas naman siya ni Jisung sa braso. 
Muli naman kayong nag libot sa resort dahil gusto din daw ni jisung mag explore. Wala din naman masyadong makikita sa resort dahil hindi din naman ito ganun kalaki, habang kumakain kayo ng scramble ay nag aya na sila mag swimming. 
“Tara sama ka na samin” eventually naging comfortable si Jisung sayo kaya naman inaya ka nito sumama mag swimming sakanila. 
“Ahh sige pero balik muna amo sa cottage namin baka hinahanap na ako eh, see you nalang mamaya” 
You declined the offer kasi una sa lahat kailangan mong mag palit sa cute mong pang swimming tsaka para gisingin ang pinsan mong mahimbing ang tulog. 
Chenle pats your head bigla at bumulong ng “see you later” tapos umalis na din sila ni jisung.
Kinikilig kang bumalik sa cottage niyo at nakita mo naman na gising na ang pinsan mo. Nakadungaw ito sa labas at pinagmamasdan ang mga pogi sa katabing cottage na nag vivideoke ngayon
“Hoy gaga gising ka na pala” sabi mo at kinuha ang bag sa gilid para mag palit. Inaya mo ang pinsan mo na mag palit na din para makapag swimming na
After mag palit ay umupo muna kayo sa may gilid ng pool dahil medyo malamig ang tubig kaya di muna kayo lulusong.
Nakita mo naman sa kabilang gilid ng pool si chenle at isa niya pang kaibigan. Nakatingin sila sa inyo at nag nagkwekwentuhan 
“Hoy alam mo ba binigyan nila tayo ng pakwan kanina” you remembered. 
“Ohh? Kailann?” 
“Nung tanghali, masyado daw madami silang dala kaya namigay sila” 
Matapos ang ilang oras ng kwentuhan at onting basaan ay nag cr muna kayo tapos mag swiswiming na kayo. Pag labas niyo ng cr ay agad niyong nakasalubong si chenle at yung isa niyang kaibigan.
“Hi!” bati sainyo nung lalaking naka itim, nakita mo siya kanina nung nadaan mo sila habang nag iihaw
“Hello!” Bati mo naman pabalik
“Haechan nga pala, tas eto si Chenle kaibigan ko. Kami yung naka pwesto sa kabilang cottage niyo” i know pero hehehe ano meron?
“Ahh oo nga, nakita ko kayo kanina hehehe” sagot mo uli kasi mukhang na tameme yung pinsan mo. 
“Baka gusto niyo dumaan sa cottage namin saglit? Madami pa kaming pakwan. Baka gusto niyo ulit?” Biglang aya ni Chele sa inyo. Nakaramdam ka naman ng kilig ng nag tama ang mata niyo. Sandali mong tingnan ang pinsan mo, telepathically mong tinatanong kung sasama ba kayo sakanila
“Sure sige lang, tara” 
Pagkadating niyo sa cottage ay inabutan kayo ng pakwan na nasa plastic cups at nagkwentuhan saglit. Habang nanguya ka sa pakwan mo ay mayroong kumalabit sayo.
“Psst, tara swimming” napalingon ka naman at nakita mo si Chenle at Jisung na handa na tumalon sa pool. Agad mong inubos ang kinakain mo at iniwan ang pinsan mo nakikipag landian pa kay haechan. 
“Ano tara slide tayo” pag hahamon mo sa dalawa, umakyat naman kayo sa may taas para maka slide. Paupo ka na sa slide nang pinigilan ka ng chenle
“Ako muna mag slide para may sasalo sayo sa baba, baka malunod ka” sabi nito at agad na umupo sa slide, sumigaw muna ito at nag slide na pababa.
DI NA AKO MARUNONG LUMANGOY BIGLA
Napalingon ka naman kay Jisung na nasa likod mo, so sinong mauuna sainyo? Tumawa ito at mahina kang tinulak paupo sa slide.
“Ikaw na muna, ready na yung tiga salo mo sa baba oh” pang aasar niyo at tinuro si Chenle na naka abang sa baba ng slide.
You felt adrenaline rush as soon as you pushed your body sa slide, dahil medyo malakas ang pag kakatulak mo sa sarili mo ay ang babilis mo sa pag slide. Ipinikit mo ang mata mo at ilang sandali pa ay naramdaman mo ang pagbagsak mo sa tubig. 
Agad ka naman nakaramdam may sumalo sayo dahil may nakahawak sa bewang mo para di ka malunod. instinctively, you wrapped your arms sa leeg ni chenle to steady yourself. Pag bukas ng mata mo ay nakita mo na sorang lapit ng mukha niyo ni chenle, your noses almost touching.
“Caught you” Chenle said while looking at you. Ilang segundo kayong nagtitigan ng biglang kayong makarinig ng sigaw mula sa sigaw. 
“HOY TUMABI KAYO!!” sigaw ni Jisung at nag slide pababa. Agad naman kayong umalis ni chele sa may baba ng pool at dinala ka sa may gilid ng pool. binuhat ka naman ni chenle para maka upo ka sa gilid ng pool habang siya ay nasa harap mo nasa tubig pa din
“ang saya mag slide! Isa pa!” Sabi ni Jisung habang lumalangoy papunta sa inyo. 
Matapos yun ay nakailang ulit kayo at ilang ulit ka ding sinalo ni Chenle. Meron pa nga sabay kayong nag slide, nakaupo ka sa pagitan ng hita ni Chenle. mo pero napagalitan kayo ng guard dahil baka daw malunod kayo. okay lang kuya, kaya naman ako saluhin ni Chenle.
Nabagot naman sa inyo si Jisung dahil ang third wheel niya daw, kaya naman inaya niyo na ang iba na mag swimming na din. Tamang tama ay may tumutugtog at nag peperform na. 
Agad kayong pumunta para manood, kayo nila chenle ay nakaupo lang sa may gilid ng pool at yung iba pati yung  pinsan mo naman ay naka lusong sa pool. 
While jamming sa mga reggae songs na pinapatugtog ay nagkwekwentuhan kayo ni Chenle, hindi mo naman mapigilan makaramdam ng kilig dahil ramdam mo ang braso niya sa likod mo at tuwing may sasabihin siya ay inilalapit niya talaga ang mukha niya sayo dahil maingay kaya kailangan lumapit para marinig mo. 
“May boyfriend ka ba?” Bulong ni Chenle sayo, tila nabingi ka naman sa dahil sa tanong at biglang lumakas ang tibok ng puso mo
“Ha ano?” teh narinig mo naman shuta ka. natawa lang si Chenle sayo at umiling
“Wala, sabi ko ang ganda mo. Sobra” mulang bulong sayo ni chenle, agad ka namang namula at hinampas ang binata. 
Bago mo pa masagot si chenle ay narining mong tinatawag ka ng lola mo, you excused yourself kay chenle at pumunta pabalik sa cottage niyo. 
pauwi na kayo
Halata sa mukha mo ang disappointment dahil hindi pala kayo naka overnight ngayon. kung kailan naman may pogi at kalandian ako. hindi ka din nakaalis dahil tumulong ka sa pagliligpit. 
Nang matapos kayo ay tinawag ay hinanap mo ang pinsan mo para sabihin na uuwi na, nang makita mo to na umahon sa may kabilang pool kasama si haechan ay tinapunan mo ang pinsan mo nang mapang asar na ngiti. naka score si gaga
Dali dali kang bumalik sa pwesto niyo kanina pero nakita mo na sila Jisung nalang ang nandoon, tinanong mo siya kung nasaan si Chenle. 
“Baka nasa court” sagot nito. Nag thank you kay Jisung at agad na pumunta sa court. Nakita mo naman si Chenle na mag isang nag lalaro
“Uy, sorry natagalan ako kanina” sabi mo sa kanya at nilapitan mo siya. 
“Okay lang, napadaan ako kanina sa cottage niyo nakita kita nag aayos ng gamit” huh? Di ko siya nakita
“Uuwi na kayo? Oh catch!” Dagdag pa nito. wag mo na ipaalala huhu .nagulat ka naman ng biglang hinagis ni chenle ang bola sa direksyon mo buti nalang marunong kang sumalo. 
“Ah oo kaya nga hinanap kita para mag paalam” nahihiya mong sabi, sa totoo lang di ko alam kung bakit ka pa nagpapaalam pero felt like you just need to say goodbye kahit papano. 
“Nag enjoy ako, thanks for the company i guess?” Sabi nito at nilahad ang kamay niya. Walang ano ano ay tinanggap mo ang kamay ni Chenle
Chenle suddenly pulled you closer to him and placed a small kiss at your temples.
“See you soon” sabi pa nito at ginulo ang buhok mo. Natameme ka naman at nakatitig ka lang kay Chenle hanggang umalis na ito dahil tinawag na siya ni Jisung.
GAGO PARA SAAN YON?!
Unfortunately, nalimutan mong tanungin si chenle about sa socials niya. Bukod sa nahihiya ka ay mas busy kang kiligin at titigan siya para maitanong. Kaya naman umuwi kang nakasimangot. 
ipapa-hanap ko nalang siya sa mga kaibigan ko, magaling naman sila dun
Isinasaalang mo nalang sa universe ang kapalaran mo na makita siya uli, malay mo makita mo siya pag punta mo ng manila.
lord, pati ata feelings nasalo ko.
45 notes · View notes
nabichuun · 2 years
Note
fluff hours with renjun UwU i feel like he's the type of bf na ang saya asarin kasi ang entertaining ng reactions niya, super cute nakakagigil (gusto mo na siya ikiss nang sobra or kagatin type of gigil). and kapag naggagame kayo, palagi mo siyang natatalo. minsan, nagmamakaawa siyang magpatalo ka naman just once para ma-feel niya naman ang feeling na manalo BUT u being the mapang-asar na jowa and gusto mong makita yung favorite reaction mo from him, sasabihin mo "okay, sige na nga, papatalo na ko" pero kakastart palang ng game, pinatay mo na agad siya. dahil don, tatampo na siya sa'yo. edi ikaw todo suyo ka naman (di niya alam pinipikon mo siya intentionally kasi gustong-gusto mong sinusuyo siya kasi nakikita mo how hard he tries to suppress the huge grin on his face everytime kinikiss kiss mo face niya >//<) HAHAHAHA ANG CUTIE MO RENJUUUUUN GUSTO KITA IDUYAN KUNG AKO JOWA MO IBEBABY KITA T___T gets na gets ko na talaga dreamies kung ba't ganon sila kay renjun HUHUHUHU anyway, this tweet inspired this fluffy injun thoughts :D
p.s. get well soon renjun baby loves and also mark my honeybunch sugar plum pumpy-umpy-umpkin 🙁💗
HELLO IM SORRY FOR REPLYING LATE HUHUH
that's trueee super cute ni renjun asarin kaya the dreamies can't get enough with him 😭 literally everything he does is so endearing at di mo talaga siya maseseryoso lalo na kapag naasar huhuhuhuhu tapos yung mga reactions niya are always unexpected pero so natural kaya if u observe him talaga esp sa mga contents nila you'll know kung gano ka precious yung personality niya huhuhuh 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺
2 notes · View notes