yall ever just yearn? ever get filled with the most profound sense of longing for something you cant understand? yall ever crave? ever have an unexplainable ache?
Minsan kinukwestyon ko yung desisyon ko na pumunta dito. Minsan masama rin pala yung mangarap ng malaki? Naiisip ko na sana nakuntento nalang ako sa kung ano yung meron ako dati. Hindi sana ako nahihirapan ng ganto.
Sinusubukan kong tumingin sa positive side na lahat naman ng bagay ay may dahilan. But sometimes.... I mean most of the time, it’s just too much.
Hanggang ngayon ang hirap pa rin. Sa sobrang pagod at exhausted wala nalang akong ibang choice kung hindi ang umiyak sa gabi bago matulog. Hindi ba dapat tapos na yung adjustment period? Pero bakit parang mahirap pa rin. I learned that everyday is just about surviving.
Hello Tumblr! Medyo nalulungkot talaga ako the past few days. Sobrang nakakapagod. Sobrang hirap mag simula ulit sa umpisa. Minsan napapaisip ako kung mali ba talaga yung desisyon ko sa pag punta dito? Parang nakakapang sisi talaga. Minsan naiisip ko sana pala nag tiis nalang ako dun sa sinasahod ko dati sa Pilipinas? Ang hirap din pala mangarap ng malaki. Parang ang hirap nung kapalit.
Hindi ko alam kung parte lang ba ito ng proseso. Basta ang alam ko lang ay ang hirap 🥲
Been too tired that I don't want to function anymore. Too tired that I forgot to feel homesick, I didn't have the time to cry. Sleep has been my only escape. For all those years starting over was the most I was afraid of so I settled for less. And these days I am really having a hard time adjusting from the work and all. Most of the time, I feel like I regret coming over here, however dealing with all of these is my only choice.
Hello Tumblr! Kakagising ko lang at parang nakaramdam lang ako ng konting lungkot. Sa Tuesday ay aalis na ako pa-Singapore para doon na mag trabaho. Medyo excited, may kasamang lungkot at kaba dahil natatakot ako sa haharapin ko. Iniisip ko nalang na magiging worth it naman siguro ang lahat? Nakakalungkot lang talaga isipin na kailangan mo mangibang bansa para lang sumweldo ng nararapat.
Kahapon, medyo naging emotional talaga ako. Hindi ko napigilan umiyak. Sabi nya aantayin nya daw ako, mabilis lang daw ang panahon at mag papakasal na daw kami pag balik ko. Ilang ulit nya sinabi na mag aantay sya sakin. Wag daw akong malungkot dahil makakasiguro daw ako na hindi sya mawawala. Ang sarap sa pakiramdam makahanap ng taong susuportahan ka sa lahat ng pangarap at gusto mo. Medyo nalulungkot din ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa sya maipakilala sa pamilya ko. Natatakot talaga ako sa mga maari nilang sabihin. Pano kung tumutol sila? Pano kung hindi nila magustuhan? Nag papasalamat nalang ako at naiintindihan nya ako, sabi nya wag ko na daw problemahin kung hindi ko pa sya maipakilala. Sana dumating na yung araw na mag karoon ako ng lakas ng loob.
Ang dami dami kong naiisip at nararamdaman sa ngayon. Kung ano man ang lungkot na nararamdaman ko ngayon, panigurado na maiibsan din siguro ito?
Dito nalang siguro ang mag sesenti? At least malaya akong sabihin ang lahat ng nais kong sabihin.
0 notes
Statistics
We looked inside some of the posts by
ninetyeight-mind
and here's what we found interesting.
Average Info
Notes Per Post
152K
Likes Per Post
76K
Reblog Per Post
76K
Reply Per Post
97
Time Between Posts
14 days
Number of Posts By Type
Text
15
Photo
2
Explore Tagged Posts
Fun Fact
Kazakhstan’s Minister of Communications and Informatics has blocked the Tumblr site because it contained 60 sites of terrorism, extremism, and pornography in 2015.