Tumgik
#amanak
bubervitch · 2 years
Text
my favourite song played at the end of ted lasso season two episode three and i’ve never heard it in the wild before or met anyone who’s heard it i think that broke my brain i was so surprised
0 notes
carohkyani-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
Mis chaparros van a cenar delicioso apoyando una buena causa. Tu ya viniste por tus deliciosos buttermilk pancakes??? Si no quieres los carbohidratos también se puede donar de manera directa con donativos en especie, apadrinando niños, voluntariado. #amanak #cancerinfantil #comidaconcausa #apoyemos #juntoshacemosmas #vamosmexico #niñosfelices #niñossaludables (en IHOP Metepec Oficial) https://www.instagram.com/p/Bu65xRWnTDE/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=1kln2o5z7wdxb
0 notes
saltymcsaltins · 7 years
Photo
Tumblr media
Ooo shite I meant to post this earlier then stuff happened so have this now I guess #masqueraider #wakfu #selfie #selfportrait #chubby #chubbygirl #wakfu #dofus #amanak #amanka #digitalart #color #artistoninstagram #artist #cute #draw #sketch #wip #oc
0 notes
Text
Minik muhtar adayı Çağatay’dan valiye ziyaret
Minik muhtar adayı Çağatay’dan valiye ziyaret
Habererk.com’un yayınladığı habere göre
Ardahan’ın Damal ilçesinde sosyal medyayı sallayan 5 yaşındaki muhtar adayı Çağatay Amanak, Vali Mustafa Masatlı’yı ziyaret etti. Otağlı köyünde yaşayan Çağatay Amanak’ın yerel seçimler öncesi çekilen videosu sosyal medyada paylaşım rekorları kırdı. Vali Masatlı, küçük muhtarı karşılarken “hoş geldiniz muhtarım” diye seslendi. Ardından makam odasında bir…
View On WordPress
0 notes
marketprdaily · 4 years
Text
49ers mailbag: How many ways to ask if Lamar Jackson can be beat?
49ers mailbag: How many ways to ask if Lamar Jackson can be beat?
SANTA CLARA – How many ways can fans if the 49ers can stop Lamar Jackson? This week’s mailbag fielded dozens of ways, via Instagram and Twitter. Plus, we’ve got other compelling issues heading into Sunday’s biggie in Baltimore:
Do you think the Niners D can stop Lamar Jackson? (@amanak.33)
Can they? Yes. Will they? I’ll commit now and say … yes. If ever there was a 49ers defense capable of this…
View On WordPress
0 notes
zilyonaryo · 7 years
Text
AmAnak: Games
Ama: Ang galing-galing mo sa cellphone. Sana sa pagbabasa magaling ka rin. Anak: (Tumingin lang sa ama, pagkatapos tumitig uli sa libro.) Ama: Dapat educational ang mga games dito sa cellphone mo. Ina: Hindi ako ang nag-iinstall niyan. Siya lang din. Tapos, ipapakita sa kaklase. Sasabihin, 'Share It ko sa inyo dali.' Ama: Uninstall mo na nga ang mga games diyan. Ina: Hindi nga ako marunong, e. Ama: Ako na nga.. Anak: Nilagyan 'yan ni Ate ng password para 'di madelete. Ama: (Hinanap ang unistall button) Akala mo, ha. Mas nauna akong ipinanganak sa 'yo. (Ipinakita na sa anak ang Cancel at OK button.) OK. Anak: (Kinuha ang kamay ng ama upang hindi mapindot ang OK.) (Nang mapagod ang mag-ama sa pag-aagawan, tumigil sila. Inilayo ng ama ang cellphone.) Mayamaya... Anak: Iibahin ko ang password para hindi mo madelete ang games. Ama: Paano kung ako ang mag-iba ng password? Hindi ka na makakapaglaro? Anak: (Walang nasabi.)
0 notes
zilyonaryo · 8 years
Text
Amanak: Lola
Paggising ng ama, nakita niya ang anak na nakaupo sa harap ng kama ng nakaratay na lola. Ama: Wow! Ang bait ng anak ko, a! Ngumiti nang napakatamis ang anak. Ama: Binabantayan mo ba si Lola? Anak: Hindi. Nagpapahangin. (Itinuro pa ang bentilador sa harap niya.) Napangiti na lamang ang ama.
0 notes
zilyonaryo · 8 years
Text
Laruan
Naglalaro ang anak sa kanilang kutson nang inabot ng antok ang ama. Ama: Matulog muna tayo, Be. (Hinawi niya ang mga laruan at naipon sa isang tabi.) Anak: (Nakasimangot) Naglalaro pa ako, e. Ama: Mam'ya naman. Anak: Mamaya ipapaligpit mo na naman agad ang mga laruan ko. Ama: Hindi na. Kahit magdamag kang maglaro mamaya. Gusto mo? Sa labas ka nga lang maglalaro. Anak: (Hindi sumagot. Nahiga na lang at nagtakip ng unan sa mukha.)
0 notes
zilyonaryo · 8 years
Text
Kalendaryo vs Cellphone
Anak: Kelan tayo uuwi sa Aklan?
Ama: Matagal pa.
Anak: Bakasyon?
Ama: Opo.
Anak: Anong number?
Ama: 10
Anak: 10? Pahiramin mo ako ng cellphone mo araw-araw, pag sinabi ko ha?
Ama: Bakit?
Anak: Titingnan ko.
Ama: Ayan ang kalendaryo, o. D'yan mo tingnan.
Anak: Cellphone ba 'yan?
Ama: Yan ang tunay na kalendaryo. Ginaya lang ng cellphone.
Anak: Siyempre, cellphone, e.
0 notes
zilyonaryo · 9 years
Text
Design
Anak: Papa, bakit may guhit tayo dito. (Tinuturo niya ang palad niya.)
Ama: (Walang maisip na sagot) Design 'yan.
Anak: Design? Wee, di nga?!
Ama: (Napangiti na lang ang ama.)
1 note · View note
zilyonaryo · 9 years
Text
Towel
Napaliguan na ng ama ang anak para sa kanilang pagpasok sa paaralan. Sunod namang naligo ang ama. Pagkatapos, naabutan niyang nakabihis na ng shorts ang anak.
Ama: Nasaan ang ginamit mong towel? Anak: 'Yun.
Kinuha at isinampay ng ama ang tuwalya.
Anak: Nilagay ko 'yan sa ulo ko na parang 'yung ginagawa ng babae, tapos hindi naman pala. Mukha akong magnanakaw dun sa Superbook.
Natawa na lang ang ama.
1 note · View note
zilyonaryo · 9 years
Text
Sombrero
Ama: Tanggalin mo muna ang sombrero mo. Basa pa ang buhok mo. (Tinutukoy niya ang boy scout cap ng anak.) Anak: E, ayoko! Ama: Bakit? Anak: Kasi pagtatawanan na naman ako ni Steven. Sasabihin na naman niya na wala akong sombrero. Ama: Bakit? Pogi ba siya at pinagtatawanan ka? Anak: Naiinis na nga ako. Gusto ko nang awayin. Ama: E, di isumbong mo kay Teacher. Anak: E! Ayoko! Ama: Bakit? Anak: Kasi mawawalan ako ang kaklase. Ama: (Natawa) Sus! Andami mong kaklase. Anak: (Natawa rin) Hanap na lang ako ng iba. Ama: Opo!
1 note · View note
zilyonaryo · 9 years
Text
Nagmana
Madalas biruin ng anak ang ama.
Anak: Pangit, Papa.
Ama: Gwapo ka?
Anak: Opo!
Ama: Sa'n banda?
Anak: Ha?
Ama: Sa'n banda ang kagwapuhan mo?
Anak: Dito sa mukha ko. (Nagpogi sign pa.)
Ama: Kanino ka nagmana?
Anak: Kay Mama?
Ama: Gwapo ba si Mama?
Anak: Maganda.
Ama: E, di sa akin ka nagmana.
Anak: Ayoko sa'yo.
https://www.wattpad.com/55909878-amanak-nagmana
1 note · View note
zilyonaryo · 9 years
Text
Mineral
Ama: Mag-toothbrush ka na dito. (Nilagyan niya ang tooth brush ng toothpaste at nagsalin ng tubig sa baso. Ibinigay niya ang mga ito sa anak.) Anak: (Nagsimula nang magsipilyo, pero maya-maya ay nag-aaksaya ng tubig.) Ama: ‘Wag mong sayangin ang tubig! Mineral 'yan. Anak: (Tumingin lang siya sa ama at nagsipiliyo na nang maayos.)
Lumipas ang ilang sandali…
Anak: Ininom ko na. Kasi sabi mo… mineral, e. Di ba sabi mo 'yan? Di ba? Di ba? Ama: Ang sabi ko, wag mong sayangin. Hindi ko sinabing inumin mo.
https://www.wattpad.com/55906361-amanak-mineral
1 note · View note
zilyonaryo · 9 years
Text
Teachers
Anak: Papa... Papa, may sasabihin ako sa'yo...
Ama: Ano 'yun?
Anak: Alam mo? Masaya ako kapag kasama ang mga teachers.
Ama: Bakit ka masaya kapag kasama mo sila?
Anak: Kasi... kasi kasama ko ang mga teachers.
Ama: Natutuwa ka ba sa kanila?
Anak: Masaya ako kapag pumupunta tayo sa bahay ni... ni... Hindi na nga lang. Yun lang ang sasabihin ko sa'yo...
https://www.wattpad.com/55906291-amanak-teachers
1 note · View note