Today's gratitude. 1 month in my own home. Pinaghirapan, Pinagpaguran at patuloy na pinagtatrabahuhan. ๐ Pinangarap ko lang to dati, iniiyak ko lang palagi. Ang lagi kong dasal "Kahit ganito lang, Ama." "Okay na po ako sa ganito, Ama." Pero higit pa sa pinagdadasal ko ang binigay sakin. Dati iniiyak ko sa taas ang mga pangarap ko. Pero ngayon iniiyak ko sa taas ang pasasalamat at pagpapalang natatanggap ko. Sobrang pasasalamat, Ama. Hindi lang po ako ang binabangon nyo, nagagamit nyo narin po kaming magina na makatulong din sa ibang tao. ๐
Lord, Salamat sa mapayapang tahanan na nababalutan ng pagmamahal. Habang buhay ako magpapasalamat.
29 notes
ยท
View notes
04/22/2024 โข Ganito pala ang pagmamahal na may konsiderasyon. Kasama ka sa lahat ng bagay. Kasama ka sa lahat ng plano, kasama ka sa pagdedesisyon. Kasama ka sa binubuo nyang buhay. Ganito pala ang pakiramdam. Mararamdaman mo ang klase ng pagmamahal na ikaw ang prayoridad. Ikaw ang inuuna sa lahat. Ganito pala ang pakiramdam. Ang pagmamahal na may respeto. At higit sa lahat, ang pagmamahal na hindi masakit.
14 notes
ยท
View notes
Backlog update:
Yung ilang buwan kong pinaghirapan pag ipunan na first time ko ginawa in my whole life. Sobrang naging strict ako sa pagiipon ko hanggang sa makayanan ko nang mag move out sa house ng mom ko.
Finally, I have my own space na. Sariling pinaghirapan, sariling pinagsikapan. Sobrang saya ng puso ko. Kasi kinaya ko, kaya ko pala.
Up and down with 1 bedroom and 1 mini closet room na ginawa kong mini studio ko pra sa work ko. Kulang kulang pa ko sa gamit pero uunti untiin kong pupundarin! Mag iipon ulit ng mag iipon.
Sobrang saya ko. Sobrang saya ng puso ko.
82 notes
ยท
View notes
Casually uploading coffee pic at 4am โ
19 notes
ยท
View notes
9K notes
ยท
View notes
Hello ๐
49 notes
ยท
View notes
26K notes
ยท
View notes
To more cozy cafes this 2024.
53 notes
ยท
View notes
Mula pag aasikaso kay zaki pag gising pa lang, sa pag prepare ng food namin ni zaki. Sa paghatid sundo sa kanya sa school and in the middle of that pasingit singit na work. Pagkauwing pagkauwi naman namin ay nagtatrabaho na ko derecho agad sa mga pendings ko. Tapos asikaso ulit sa pagkain nmin, sa mga assignments, at sa paglinis, pagligpit ng kwarto namin. Grabe yung pagod na di mo maexplain. Pagdating ng hapon nararamdaman ko na yung pagbagsak ng katawan ko. Masaya kong nakakasama ko anak ko at nakakapagtrabaho at the same time. Blessing yun. Pero bilang tao, may pagod paring nararamdaman. Kaya saludo talaga ko sa mga kapwa ko nanay eh. Iba yung respect. Ang galing nyo! Ang galing natin!
13 notes
ยท
View notes
Rune lazuli
8K notes
ยท
View notes
Another 2023 late upload snaps.
Isa sa mga nagustuhan na coffee shop bonding namin ni kuya zaki. Nagustuhan nya yung croffles here. Malapit lang yung location neto sa school nya kaya after ng school nya dito na kami dumerecho para magmeryenda.
15 notes
ยท
View notes
Affirm:
You will be celebrating so many blessings in 2024!โจ
122 notes
ยท
View notes
Hi! Paano mo po sinimulan yung business mo?
Hello. Di ko alam pano ko sisimulan ung tanong pero I just started. As in ganon lang, may naisip akong idea, sisimulan ko agad. Started from scratch hanggang sa makapagproduce nko ng mas malaking puhunan. โบ๏ธ Di takot sa failures and risks since dun ako matututo. At dun ako natututo โบ๏ธ
4 notes
ยท
View notes
16K notes
ยท
View notes