Tumgik
badgalalien 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
The Book With a Painful Plot
3 notes View notes
badgalalien 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note View note
badgalalien 4 years
Text
Balisong
alam mo ba ang pakiramdam ng magtago
ng sikretong hindi sa'yo?
makinig ka sa kanila,
sa bawat salita,
sa mga binibitawang litanya,
ibinabahagi sa'yo ang lungkot at ligaya.
isang bote,
isang kwento.
dalawang bote,
magsisimula ang debate.
ikalimang bote,
maglalabasan ng sikreto.
hindi ako masalita,
pero marami akong nakikita.
maraming naririnig ang aking tenga.
pero hindi naman lahat ng binahagi nila
sinadyang masabi sa iba.
may mga sikretong mababaw,
mga bagay na sa iyo'y magpapatawa.
ngunit merong sa may ari'y nagpapapalahaw,
tila siya'y nagmamakaawa.
ang ilan ay mabigat,
sobrang bigat,
yung tipong magpapanatili sa'yong dilat
at pag naaalala, ika'y maiiyak.
hindi akin ang sikretong ito,
mali bang narinig ko ito?
diba dapat sa'yo lang 'to?
pero mas mali ba kung itatago ko ito?
pero ikaw,
ikaw lang ang may karapatan
na sa iba ito'y ipangalandakan.
kaso mukhang ayaw mo.
pero!
kailangan mo ng tulong.
kaso hindi mo gusto na siya'y isumbong.
oo hindi ka pumatay ng tao
pero ang sikreto mo,
pag tinago ko ito
baka yan pa ang makapatay sa'yo?
pero baka ikapahamak mo pa lalo.
nalilito na ako.
alam ko ang mga sikreto,
marami sila dito sa utak ko.
hindi ko sasabihin sa iba ang mga 'to,
makakaasa kang hanggang sa hukay hindi makakalabas 'to.
pero maaari mo rin bang itago
ang sikreto ko?
na ang kutsilyong pumatay sa nanakit sa'yo
ay galing sa mga kamay ko?
2 notes View notes
badgalalien 4 years
Text
been threee months since I last came here. Three poems, coming right up
0 notes
badgalalien 4 years
Text
MGA LUGAR NG ALAALA
At dahil maghihiwa-hiwalay na tayo,
isinulat ko ang tulang 'to.
Mga ala-ala ng mga lugar kung saan nag-umpisang magkakulay ang dalwang taon ng buhay ko.
Balikan natin ang Dubai,
yung kwarto sa taas ng chow
na nasa bandang kaliwa ng CR
at katabi ng tahian.
Dito tayo unang nagkakila-kilala.
Tayo ang mga demonyong lalong nagpainit sa impyernong ito.
Dumadagundong pa lagi ang sahig pag nagkukulitan tayo
Buti na lang talaga di tayo na-shoot sa computer shop sa baba.
Lagi rin tayong napapagalitan nung mga mananahi sa kabila.
Bumaba naman tayo at tumawid sa parking lot,
diyan natin madadaanan ang Le Cafe.
Hello sa mga tropang tumambay dito na dala ang mga baon nila
kahit na may nakadikit na sa pader na bawal nga.
Lakad pa ng onti at makikita natin ang Oli's Den,
doon sa mahabang lamesa,
yung nasa may entrance banda
sinasakop natin dati yan diba?
Wala na tuloy maupuan ang iba.
Sampung buwan tayong nanatili sa Dubai,
hayahay ang ating buhay,
lalo na pag may program sa gym.
Kasi pag maingay,
manonood tayo sa kanila o kaya nama'y matitigil ang klase.
At sa ika-trese ng Pebrero,
may nabuong kulto.
Ay este, grupo.
Kung tawagin ito'y nomo.
Kami nila Aeros ang nagplano,
group 4 and 5 lang sana ng research ito,
pero kumalat ang balita't nag-inuman na nga tayo.
Sun valley,
ang bahay ni Samie
dito ang una nating spot.
Malamig,
nakakalakas ng tama,
meron pang maingay na musika.
Habang nag-iinuman,
kakain rin naman.
Sa bandang kusina
may naghuhugas na.
Si Kobie pala.
Dito nakikiligo pa minsan si Solla
at sa gabi, nag-sskin care pa nga.
Bumiyahe pa ng kaunti at ang Masville ay matutumbok mo na.
Bahay ni Moreno,
Maganda dito pumwesto,
kasyang-kasya tayo.
Dito bumirit ng Buwan si Da帽o.
Talagang matatamaan ka
sa dami ng alak na kanilang dala-dala.
Yung tipong aabutin kayo ng umaga
Makakatulog ka at pag gising mo may araw na.
Tapos lugaw ang almusal
na binili gamit ang natitira pang pera.
Si Bekoy na sabing susunod kagabi,
nag-umaga na wala pa rin.
Pausarin niyo pa ng ilang minuto ang jeep
Tapos pupunta naman tayo sa CAA,
sa rooftop nila Manwel.
Ito yung kahit binabagyo,
pupunta tayo.
Ang rooftop na may sumpa,
pag umakyat kang may cellphone na dala
Pagbaba mo may cellphone ka pa rin,
pero may basag nang kasama.
Diba Syd at Vernie?
Sa rooftop na 'to, marami tayong ala-ala.
Yung tipong may dumating na taga-ibang section
at hinintay si tropang babae sa baba.
Pero imbis na si babae ang humarap sa kanya,
andyan ang back up na mga lalaki.
Dito rin merong mga nadalang hindi kabilang satin,
Pero nakapagsimula ng iba't-iba pang kwento.
Lumayo muna tayo ng bahagya
At sa bandang Cavite pumunta.
Unahin natin sa Circle Island,
Dito nag-celebrate ng birthday si Ching.
yung may DJ na gwapo
na pinopormahan si Jules ko,
Jules natin pala.
Maingay ang musika,
Inuman sa kubo
Pag nagkatama'y ilangoy mo.
Pag trip mo pa makigulo ka sa mga tao.
Sa Cavite pa rin,
Sa Springville
Sa mga di nakakaala,
dito yung Mad World Entertainment,
ang celebration ng kaarawan ni Jules.
Mapanakit na araw para sa iilan
Pero may kaibigang nakilala,
unang beses makaharap si Lord
diba para kang sinusundo tapos kinukuha na?
May SPG pa nung nag-twerk si ate gurl sa gitna.
Dumating ng may pinagdadaanan,
Umuwing masasaya naman.
Baybayin pa ang Cavite at makakarating tayo sa Ace Island,
Dito raw nag-celebrate ng birthday yung matanda
鈥擜y este si Ate Darla pala.
Di ako nakasama
Sa kadahilanang di ko na maalala
Pero balita ko may nilulunod daw kayo na dalawa?
Noon sumunod na buwan,
sa Gen Tri naman
Nag-birthday yung demonyo,
legal na siya
Pero ang sumalubong satin ay santo,
syempre si Kylie 'to.
Mukhang anghel sa ating paningin,
pero nung ilabas ang tower
ayan na nga't tayong lahat ay naaning.
Nakailang tower tayo
Tapos meron pang nagsuka.
Yung biglang tumawa
tas nagpasabog ng suka,
sis diba???
Tapos yung iba sa kubo na nahiga,
ang legend na si Ching doon ko unang nakitang tumuba
habang si ate darla,
tulog lang din at may talukbong pa.
Pero gaya ng dati, nakakauwi pa rin naman tayo ng buo.
Di pa nagtatapos diyan ang adventures ng barkada sa Cavite,
doon naman tayo sa Nietos
kasi meron ulit nag-birthday,
syempre ang nagsusulat ng tula
Sabay ang celebration namin ni Nieva.
Kasama niya ang kanyang jowa
basta ako may pagkain at alak ako.
Naglunuran na naman
ang mga buang.
Isa 'to sa mga pinakamasayang birthday celebration ko.
Balik tayo sa Sucat,
doon sa bahay na pinakamalapit sa OC,
kina Jules.
Pupunta na lang tayo dun bigla
tas pag gabi magfu-foodtrip na.
May pancit canton,
may tuna,
may tinapay,
may kanin.
Kukulitin natin ang kapatid niya
na sobrang hirap pakainin
Tapos susubukan ni Kemuel kausapin
at napapasabi na lang siya ng "is this the worst?"
Sa SM Sucat naman,
yung kapag ayaw pa nating magsi-uwian,
ito ang ating tinatambayan.
Mag-aambagan tapos kakain.
Magkukwentuhan tayo ng nangyari sa mga araw natin
hanggang sa maglipit na sila kuya at unti-unting mamatay ang mga ilaw sa foodcourt.
Isa sa mga lugar kung saan tayo lumalamon,
sa Kumpares.
Masarap ang ulam,
unli pa ang kanin.
Ako 'tong mahinang kumain,
hindi lagi makaubos
kaya pinamamahagi na lang sa iba.
lakad pa ng onti at dun naman tayo sa Gatchalian.
Yung mga turo-turo
na paborito nila ching at Jules.
Tapos yung tinatambayan natin,
ang I 鉂わ笍 Milktea.
Dito tayo nagchichikahan,
seryosong mga usapan
na hindi lumalabas kahit na magsi-uwian.
Maraming iba pang alaala,
hindi ba?
Magtungo naman tayo sa Mang Inasal,
yung may manager na ayaw nang maging manager kasi ang dami raw laging tao dito
kaya malapit na siyang masiraan ng ulo.
Dito natin laging nakakasama si mami Je.
Inookupa ang tatlo o apat na magkakadikit na mesa,
tawanan,
kwentuhan,
paramihan ng mauubos na kanin.
Ako lagi ang talo,
si Vir ang panalo
ang lalakas ng tiyan niyo,
pang-inuman lang kasi ang tiyan na meron ako.
Ngayong grade 12 nakatuklas tayo ng mga bagong mapag-iinuman
Unahin muna natin yung Millenials
May pulang neon lights,
maganda ang mga tumutugtog na kanta
Masarap ang pagkaing binebenta
At ang isang tower,
yung mother fcker?
Ha, talagang mahihilo ka!
Nung pauwi, may tumatawag ng uwak sa daan.
Diba solla?
Ang paborito kong alaala
ay dito sa sumunod na lugar.
Sa may PATTS, mga mahal!
Dito tayo umiinom ngayon,
may pwestuhan,
ang alak ay bibilhin mo na lang.
Meron pang maiihian,
bayad dos ka na lang.
May malapit na ihawan,
kung sakaling magutom ka man.
Nagkaroon tayo ng sariling mesa,
naki-share sa mga kakilala,
may bagong mga nakilala.
At ang highlight, heto na nga.
Ang kabaliwan ni Nieva,
talagang nakakatuwa maalala.
Pero kung nung gabing yun nandun ka,
kawawa ka.
Umuwing may pasa't iilang sugat dahil umawat.
Dinala siya sa kung saan tapos pinalunasan.
Pag gising ko,
ang sakit sobra ng katawan ko.
Naisiksik ko sa isang tula ang dalawang taon ko kasama kayo.
May nakalimutan ba ako?
Baka may nakalimutan ako,
alam niyo namang makakalimutin si tane/tame niyo.
Pwede bang magpasalamat sa inyo?
Sa mga yakap ni Jaja
at ang nakakaiyak niyang pangangamusta
Salamat kasi palagi kayong andyan,
sa hirap man o sa saya.
Salamat sa pagsama sa'kin na magsunog ng atay.
Salamat sa mga libre,
sa mga pagpapahiram ng damit o sapatos pag merong nangangailangan.
Salamat sa pagsama sa'kin sa kalokohan,
mamimiss ko ang mga hinatayan
kahit na nakakainip pa yan.
Pansamantala kayong naging tahanan,
pero ngayon kailangan na nating magsilisan.
Hindi naman tayo mag-iiwanan,
maghihiwa-hiwalay lang.
0 notes
badgalalien 4 years
Text
LAMAT
mga multo ng nakaraan,
nananatili sa aking isipan
sila'y aking napapanaginipan
sampung taon na pero di ko pa rin malimutan.
hindi makatulog sa gabi.
kailangan ng musika upang ang utak ay mabingi.
isang umaga'y ginising ng hikbi
ayokong sa lugar na yun ay manatili.
hindi ako makahinga
pag naaalala ko ang ginawa nila.
muntik nang malagutan ng hininga
buti at nakaligtas pa.
wala na kami roon,
wala na kami sa lugar na yon
patay na ang gumawa ng mga yon
pero bakit ganon?
nandoon ako ng ibaon ka nila sa lupa,
wala akong madama.
pero ngayong wala ka na,
sana sa impyerno ka napunta.
bata noong magkalatay,
muntik na akong mamatay.
marapat sa'yo ang mahimlay,
kailanman sa kanila'y di ka naging mabuting tatay.
hindi nakakapaglaro sa labas,
minsan pag-uwi'y sinasalubong ng hampas.
pananakit ay walang habas
ikaw ang nagkatawang taong uri ni satanas.
masaya akong wala ka na,
wag mo na akong guluhin pa.
noong bata'y tahimik,
lumaki't hanggang ngayon ay tikom ang bibig.
hindi malalaman ng mundo ang iyong mga pananakit.
pero Diyos na ang bahala sa iyong masasapit.
gusto kong mapayapa,
kaya sana
ang mga panaginip ko ay lisanin mo na.
0 notes
badgalalien 4 years
Text
Tumblr media
Sige
apat na letra,
isang salita
nagpapahiwatig ng pagpayag,
walang halong pagpalag
kahit na sa loob mo'y may bumabagabag.
yan na lang ang nasabi ko
matapos mong tapusin ang lahat.
sige,
kahit ayaw.
sige,
kahit masakit.
sige,
kahit ang dami ko pang gustong sabihin.
ayokong makipagtalo,
ayaw ipilit ang gusto
dahil ikaw lang naman ang iniisip ko,
ang makakabuti't makakagaan sa'yo.
kung yan ang gusto mo,
sige ibibigay ko.
ayoko nang pahabain ang tula,
lalo ko lang naaalala.
hindi naman sa gusto ko nang kalimutan ka.
pero alam mo namang hindi ko talaga gustong matapos ang lahat,
nahirapan pero kaya naman.
hanggang ngayon,
misteryo ka pa rin sa aking isipan.
walang palag pagdating sa'yo.
bibilhan mo ako ng pagkain at gamot,
sige.
ayaw mong bayaran ko,
sige.
ikaw ang uunahin ko,
sige.
may mga bagay rin akong ayaw,
pero tinakpan ko ng isang "sige".
kasi ikaw yan,
ang bawat pagsabi sa'yo ng "sige"
ay kasing halaga
ng sa akin mo'y pagsama,
ang pagbawi mo sa mga oras na hindi kita nakakasama.
halos isang buwan,
lilisanin na ang nakasanayan.
sige.
sige na lang.
sige,
kahit ayaw.
sige,
kahit masakit.
sige,
kahit marami pang gustong sabihin.
apat na letra,
isang salita.
sige.
0 notes
badgalalien 4 years
Text
Tumblr media
KATOK
ang pinaka ayaw kong bisita ay kumakatok na naman,
walang paa-paalam
tumayo sa higaan
gabi'y hindi alintana
makalayo lang sa kalungkutang nagbabadya
naglakad, pilit tinatanggalan ng laman ang isipan.
ayokong mabalik ang kalungkutan.
naniniwala akong kapag hindi ko ito pinansin ay mawawala na lang.
pero mahirap pa rin kalabanin.
ayokong humingi ng tulong sa kanila,
hindi pa rin ako sanay dumepende sa iba.
ako lang muna,
mas gusto kong naglalaban kami ng sarili kong utak.
sa isang bagay lang naman natatapos 'to...
doon sa masyado siyang malakas kaya magpapatalo na lang ako.
kaso nanalo na ako!
ayokong sumuko.
naiahon ko na yung sarili ko,
bakit parang kaunti pa malulunod na naman ako?
aakyat ako ngayong gabi
hindi para lumipad
kailangan ko lang isipin ang lahat,
damhin ang lamig ng gabi
at ang mga kalaban ay maiwaksi.
nais kong makita kung gaano kaliwanag sa mundo kapag gabi.
na kahit ang kapaligiran ay madilim,
may mga ilaw na magniningning.
malulunod sa kakatingin sa mga bituin,
tititigan ang buwang magiting.
gusto ko ulit mawala.
sa pananahimik,
sa pagkikimkim,
nasasanay na namang muli.
kaya kong umintindi,
kaya kong maghintay,
pero madali akong mapagod.
at ayoko pang mapagod.
siguro masyado lang akong nagdaramdam,
ayokong magpalamon muli sa dilim,
ikaw ang liwanag na inaasam.
kaya pwede bang dito ka lang?
kung ang sandata ng ibang makata ay sakit,
sakit na natamo sa pag-ibig,
ang sa'kin ay isa lang...
kalungkutan,
ang walang hiyang yan na hindi ko na naman alam ang pinagmulan.
wala akong balak hanapin,
hindi ako papatol sa hamong 'to.
masaya ako,
sinusubukan kong manatiling ganito.
kaya tangina, kalungkutan layuan mo ako!
ang pinaka ayaw kong bisita ay kumakatok na naman
at wala akong balak na siya'y pagbuksan.
2 notes View notes
badgalalien 4 years
Text
Bagong taon,
Bagong dekada,
Ika nga nila.
Kaya naman, tatalikuran na kita
(oo, kahit dalawa ang likod ko)
Totoo na nga
Promise, legit
Ayoko nang makita ang pangalan mo at isiping paulit-ulit kung paano ako nasaktan ng dahil sa鈥檡o
Hindi na ako makikinig ng mga kanta at hahanapin ang ikaw at ako sa bawat salita.
Wala na,
Tanggap ko na,
Tagal na
Tapos ngayon lang ako uusad diba?
Dapat kasi dati pa
E kaso biglang pinaalala sa鈥檏in ng alak na ikaw pa rin pala.
Hindi ko na bibigyang kahulugan ang lahat ng bagay na tungkol sa鈥檡o.
Kapag umakbay ka sa鈥檏in, normal yun kasi magkaibigan tayong dalawa.
Kapag may hiningi ka, kailangan mo lang ang bagay na yun.
Hindi ako ang kailangan mo
At hindi ka sa鈥檏in humihingi ng tulong dahil ako ang unang pumasok sa isip mo
Kasi matagal na akong nawala diyan diba?
Kaya tatanggalin na rin kita dito sa utak ko.
Sa tuwing magrereply ka sa mga tweet, stories o di kaya鈥檡 my day ko,
dahil lang yun sa wala kang makausap.
Kailangan mo lang ng kaibigan.
Baka nagkaproblema na naman kayo
Naghahanap ka lang ng makikinig sa鈥檡o
O baka kailangan mo lang ng kainuman.
Hindi na ako magpapaapekto sa鈥檡o,
Iiwasan ko nang sumagi ka sa 聽isip ko.
Hindi ka na magiging dahilan ng depresyon o ng panibagong sakit ko,
Hindi na kita mamahalin katulad ng pagmamahal ko sa鈥檡o nung nakaraang taon.
Hindi ako mananatili sa kung saan mo ako iniwan.
Pag dumating ang araw na mauna ulit akong bumaba ng jeep
At pagbaba mo鈥檡 nakita mo akong tumatawid,
Pwede bang huwag mo na akong tawagin?
Magkunwari ka na lang na hindi mo ako nakita.
Bagong taon,
Bagong dekada.
Uusad na ako ah,
Hindi na ulit ako titigil para sa鈥檡o.
0 notes
badgalalien 4 years
Text
You鈥檙e One
You are my one,
Even called you my person,
I was your favorite,
you said.
聽Favorite, you like me more than the rest
But being my one means that you鈥檙e the only one
Damn I thought I was yours too,
Turns out I ain鈥檛.
聽You are also the only exception,
Just like what Paramore said in their song.
I hated everyone except you,
I did not want to go with them,
But with you, I always want to.
聽You took me places,
We talked a lot about our lives.
I don鈥檛 even like you at first
But you were so good,
especially at handling my attitude.
聽You鈥檙e that one I鈥檓 looking for,
My guy version.
One who writes poems too,
One who does not like talking about real feelings
But wants to feel real things,
One that is super moody.
聽We were opposites,
You said once.
You鈥檙e the positive and I鈥檓 the negative.
We were both each other鈥檚 stressor and stress reliever.
聽You introduced yourself to me
And I did too, but not all of me.
Maybe that鈥檚 when the problem started.
Because I began lying about being okay.
聽I was looking for you when I couldn鈥檛 find myself.
I could still remember how I fixed myself to deserve you,
To not do anything that could hurt you.
Then I felt like I was slowly losing you.
聽I knew that this extremely painful day would come
And that my heart would bleed.
But what I did not expect is for it to bleed this long.
You can鈥檛 handle me too,
I get it.
聽But I want you to know
You鈥檙e my one.
You are one patient guy.
You鈥檙e still the one I love right now.
聽But you are just one,
And there are billions of people in the world.
You won鈥檛 be my one for long,
Just like how I wasn鈥檛 your only one.
0 notes
badgalalien 4 years
Text
Sino Ang Maysala?
Hanggang ngayon bumabagabag sa utak ko
Ang mga posibleng dahilan kung bakit iniwan mo ako.
Sisisihin ko na naman sana ang sarili
Buti naalalang dapat ay hindi.
Ang kung anong meron tayo ng panahong yun ay puro magagandang alaala
Maayos ang lahat
Sinasabi mo pang mahal mo ako sa tuwing magseselos ako
Pero anong pakiramdam na sabihin ang mga katagang yun kahit nagtataksil ka na?
Madalas kong iniisip kung kailan ka nanlamig
At sa iba'y naghanap ng init.
Basta nung gabing samin ay ipinakilala mo siya,
Ang alam ko lang ay manahimik.
Nanahimik ako,
Ayaw kitang husgahan kahit na kitang-kita na ng mga mata ko ang ginagawa mo.
Sa pag-uwi, humingi ka ng tawad.
Akong si tanga na mahal na mahal ka, sinabing wala lang yun.
At naniwala ka naman.
Nagpaliwanag ka pa at sinabing aksidente ang lahat.
Ano? Aksidenteng tumayo yan para sa iba
Habang sinasabi mo sa'kin ang mga katagang, "mahal kita" ???
Maniwala ka, gustong-gusto kong magalit sa'yo.
Pero isa yun sa mga kahinaan ko pag nagmamahal.
Isa pa, hinang-hina ako para magalit pa sa'yo.
Ayokong magmukhang hangal.
Pinalaya kita, na akala ko ginawa ko talaga.
Nagkaroon ka ng iba matapos siya.
Kung alam ko lang na hihiwalayan mo pala siya, edi sana inilaban kita.
Kaso wala.
Itong panibago na laging away ng away sa'yo,
Mas marami pa ata ang naging problema niyo.
Sinubukan kong hindi tumingin
At nanatili na naman akong tahimik.
Hindi kita inaway gaya ng pang-aaway niya,
Hindi kita pinahirapan gaya ng pagpapahirap niya.
Hindi kita ipinagpalit sa iba gaya ng ginawa niya.
Ngunit minahal kita hindi gaya ng pagmamahal niya.
Nabalitaan ko na lang, tinapos mo na raw yung sa inyo.
Nag-usap pa tayo tungkol diyan nung nakaraang linggo.
At isang gabi, nilalandi mo na naman ako.
Hindi ko na sana papansinin ang mga ito.
Kaso, pinatugtog mo ang mga kantang gustong-gusto ko.
Pati na rin ang kantang kinakanta nating dalawa.
Inangkas mo ako sa likod mo
At kinulit, pinasaya na namang muli.
Nilunod mo pa ako,
E hindi mo alam lunod na lunod pa rin ako sa nararamdaman ko sa'yo.
Ni hindi ko nga alam kung paano umahon.
Kailangan ko na ata ng tulong.
May kataga pang lumabas sa iyong labi,
"kung nagtagal lang sana tayo"
Diyos ko, mahabaging Panginoon!
KASALANAN KO BA?
Alam kong may kasalanan rin ako
Kasi hindi mo naman hahanapin yun sa iba kung naibigay ko sa'yo.
Pero mas malaki ang kasalanan mo.
Dahil ikaw ang tumikim ng iba.
Anong karapatan mong sabihin ang mga katagang yun kung ikaw naman ang dahilan?
Kung ikaw naman ang lumisan?
Nanahimik ka nung magtanong ako kung kasalanan ko ba,
Dahil parehas nating alam ang sagot.
Nung gabing yun, hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko.
Dahil pakiramdam ko pinapahamak ko na naman ang sarili ko.
Alam mo ba ang pakiramdam nang isang gabi mo lang ako nilandi habang higit sampung buwan na kitang minamahal?
Nababaliw na ang isip ko dahil pakiramdam ko, babalik ka na naman sa kanya.
Hindi ako ang nagkasala
Pero ako ang napaparusahan.
Kung kasalanan pala ang maging tapat sa minamahal,
Tanggap ko nang isa ako sa pinaka makasalanang tao.
0 notes
badgalalien 4 years
Text
Alam Ba Niya?
alam ba niya yung mga bagay na alam ko tungkol sa'yo?
Kasi simula nung nagustuhan kita, sinimulan ko na rin ang aralin ka
Inalam ko ang halos lahat sa'yo
Para alam ko kung paano magiging sapat
Alam ba niya na mahina ang baga mo?
Sapagkat isa lang noon ang meron ka?
Alam ba niya na pasaway ka?
Na kahit parusa sa baga mo, hindi mo pa rin maitigil ang paninigarilyo?
Alam ba niya ang pinagdaraanan mo sa bahay niyo?
Ang mga pagkukumpara
Ang mga away na kahit umaga pa lang ay nag-uumpisa na at kahit gabi na'y hindi pa nagtatapos
Pati ang kung gaano mo kamahal ang pamilya mo?
Alam ba niya na mahina ang mga paang meron ka?
Na onting lakad lang,
Mula eskwelahan hanggang sakayan lang e sumasakit na ang mga yan?
At nais mo nang buhatin ka niya.
Alam ba niya na minsan kapag gabi
Kung hindi ka inaatake ng hirap sa paghinga
Ay namumulikat ang iyong paa
At nagmamakaawa ka sa iyong ina para lang hindi ka na mahirapan pa?
Alam ba niya na kapag pagod ka na sa lahat ay siya ang gusto mong maging pahinga?
Na gusto mong makulong sa mga bisig niya,
Na nais mong magpamasahe
At humiga lamang sa kanyang tabi?
Alam ba niya kung gaano kabibigat ang mga problemang dinadala mo sa araw-araw?
Na dapat ay hindi na siya dumadagdag pa.
Imbes na awayin ka pa niya dahil sa kakulangan mo ng oras sa kanya
Ay dapat siyang magpasensya.
Alam ba niya ang mga bagay na alam ko tungkol sa'yo?
Mga bagay na hindi ko tinanong
Ngunit sinabi mo.
O ginugusto niya bang alamin ang mga ito?
Alam ba niya
At alam mo ba
Na ikaw pa rin pala
Ikaw pa rin pala ang gusto ko.
Kahit na ayaw ko na
Dahil napakasakit talaga
Kapag ika'y nakikita
Nagbabalik ang ngiti sa aking mga mata.
Alam ba niya na dapat ka niyang ingatan?
Kasi kung hindi, magsasawa ka
At mapapagod.
Tapos ako na naman ang mahihirapan.
Alam ba niya?
Alam niyo ba?
Na kapag napagod ka sa lagi niyang pagtataboy sa'yo,
E nandito pa rin ako
Marahil ay naghihintay pa rin sa pagbalik mo.
Kahit na naglakbay ka na sa iba't ibang ibayo.
alam ba niya yung mga bagay na alam ko tungkol sa'yo?
Kasi simula nung nagustuhan kita, sinimulan ko na rin ang aralin ka
Inalam ko ang halos lahat sa'yo
Para alam ko kung paano magiging sapat
Pero minsan pala,
hindi sapat ang alam mo lang kung paano maging sapat.
Dapat mo ring alamin
Kung paano siya pananatilihin.
0 notes
badgalalien 5 years
Text
Muntik
Ilang tula na ang naisulat ko para sa'yo
Pero hindi pa rin nito nababawasan ang aking nadarama.
Mula sa pagmamahal hanggang sa sakit.
Namamanhid lang ako, ng paulit-ulit.
Ikinumpara na kita sa mga bagay-bagay dito sa mundo,
Mga bagay na mahal ko.
Katulad ng buwan at libro,
Ganun rin kasi kita kamahal.
Ayokong sinisira ka ng iba,
Gustong-gusto kong tinititigan at tinatanaw ka.
Ayokong napupunta o nagbibigay liwanag ka sa buhay ng iba.
Pero ano pa bang magagawa ko?
Isa akong tatanga-tangang patuloy na umaasa.
Nanghihina sa bawat paghawak at pagdikit mo.
Kahit anong pilit kong ayawan ka, hindi ko pa rin magawa.
Ang rupok rupok ko pagdating sa'yo.
Isang hawak,
Isang yakap,
Isang beses mo lang isandal ang ulo mo sa balikat ko,
Bumibigay na naman ako.
Kahit na alam kong hindi na dapat,
Kasi may gusto o mahal ka na yatang iba,
Heto pa rin ako
Nag-aabang sa pagbabalik mo.
Naghihintay na ikaw ay magbalik
Kahit iba na ang binibigyan mo ng matatamis mong ngiti at halik.
Sana kasi kung gaano kabilis kang umalis,
Ganun ka rin kadaling babalik.
May mga gabi pa ring pinipili kong umiyak kaysa matulog.
May mga araw na pinipili kong mag-isip ng malalim kaysa maging masaya.
Mas pinipili kitang mahalin
Kahit pinipili mong iba na ang makapiling.
Tinanong nila ako kung paano ko nasabing mas higit kitang minahal kaysa sa kanya,
Isa lang ang sagot:
Dahil lagi akong handang piliin ka.
Ikaw kasi ang aking lagi't pinaka.
Kaso bigla kang naging "muntik na".
0 notes
badgalalien 5 years
Text
Bakit?
Isang salita,
May limang letra
At isang tandang pananong.
Bakit?
Isang tanong na mahirap sagutin,
Ito ay maaaring magkaroon ng maraming sagot.
Pero ito lang naman ang aking tanong,
Bakit?
Isang tanong pa lang pero hindi mo na masagot.
Isang tanong na makakapagpabaliw sa kahit sino.
"Bakit ano?"
Pero bakit lang naman kasi ang tinatanong ko.
Una, bakit may siya?
Na sinagot mo ng "bawal ba?"
Ang puso ko ay para mong binarena,
Pwede ba kitang i-silya elektrika?
Pangalawa, bakit ba walang mali sa'yo?
Kahit na kadalasan isa kang gago,
Simula nung nagustuhan kita, lahat na tama.
Wala e, tinamaan ako.
Pangatlo, bakit ka ganyan?
Di mo man lang naisip ang aking nararamdaman,
Pinairal ang kalibugan
At ako'y biglang iniwan.
Pang-apat, bakit parang hindi sapat sa'yo na mahal kita?
Kulang ba?
E nung nagkulang ka nga, di naman ako naghanap ng iba.
Sabihin mo mang aksidente yan, desisyon mo pa rin yan.
Pang-lima, bakit mo siya iniwan?
Muli ka na bang uuwi sa iyong tahanan?
Oras na ba para ako'y tumahan?
O baka ako'y umaasa na naman?
Pang-anim, bakit walang makapantay sa'yo?
Simula nung nahigitan mo yung nauna, wala ng ibang nakita ang aking mga mata.
Puro ikaw na,
Nawalan bigla ng sila.
At ang panghuling "bakit?"
Bakit ka bumalik at sinamahan akong tumawid?
Sabi ko lang pakibalik yung sarili kong tinangay mo.
Dinagdagan pa ng mga mata mong nakakatunaw ng puso.
Bakit?
0 notes
badgalalien 5 years
Text
Tawiran
May kasalanan ako sa sarili ko,
Naiwala ko na naman kasi siya.
Oo, makakalimutin ako
Halos lahat na lang nakakaligtaan ko.
Pero mayroon akong isang hindi makalimutan,
Ikaw.
Laging inaalala,
Laging iniisip,
Kapag may pagkakataon, inaasikaso.
Pero hindi ko naman inasahan na ang pagkahanap ko pala sa'yo ang magiging rason na naman ng pagkawala ko.
Mahirap hanapin ang sarili sa mga lugar na lagi kong nadadaanan
Papasok at pauwi ng eskwelahan.
Kasi parang kahit saan,
Ikaw ay nandyan.
Pag tingin sa kanan,
Naririnig ko sa isip ko ang ating mga tawanan.
Pag tingin sa kaliwa,
Naaalala ko ang ating mga kwentuhan.
Sa tawiran,
Ang lugar kung saan lagi tayo parehas kumportableng dumaan
Kasi kung tayo man ay masagasaan,
Paniguradong babayaran.
Nandito pa rin ako,
Sa lugar kung saan mo ako iniwan,
Habang ikaw nandyan,
Nakita ko kung paano ka umalis kasama siya.
Sinusubukan ko laging tumawid.
Kaso lang lagi rin akong nabubundol dahil sa'yo ako laging nakatingin, sa inyo.
Ilang beses kong pinilit paghilumin ang mga sugat at pasang aking natamo.
Palagi rin akong lumalaban at tumatayo.
Pero hindi na ako makadama,
Tila ba naparalisa.
Hindi makaramdam ng sakit, o ng tunay na saya.
Bakit ka ba kasi tumawid nang hindi ako hinahayaang makabitaw sa'yo?
Bakit ka kumapit sa iba nung nakahawak pa ako?
Bakit hindi ka muna bumitaw?
Akala ko tayo lang ang tatawid,
Bakit biglang siya na ang iyong kasama?
Uy, yung sarili kong tinangay mo, pakibalik naman o.
Para naman makatawid na rin ako.
0 notes
badgalalien 5 years
Text
Tahanan
Ang tahanan ay isang lugar kung nasaan ang puso mo,
Mauuwian mo,
Matatambayan mo,
Makakasaksi ng lahat ng itinatago mo sa mundo.
At ako, ako ang tahanan mo.
Ako ang mauuwian mo kapag napapagod ka na sa pang-aapi ng mga tao.
Ako ang tatanggap sa'yo kahit na ano pa man ang kasalanang nagawa mo.
Ikaw man ay nag-gago, o nagloko.
Mananatili akong nakatayo rito,
Pipiliting hindi maguho ang mga pader na ito para sa iyo.
Lahat ng ito'y gagawin ko,
Habang naghihintay ako sa pagbabalik mo.
Ilang beses ka mang umalis,
Kahit na umuwi ka lang para magbihis,
Kahit hindi ka na magwalis
Pag sinabi mong babalik ka na, maghahanda ako ng kay bilis.
Mag-uwi ka man ng iba,
Sumama ka man sa kanila,
Magtagal ka man sa labas,
Magbisyo ka man ng walang habas.
Minahal na kita ng higit sa nauna sa iyo
Kung tutuusin ay tapos na ang palugit na ibinigay ko sa sarili ko.
Tapos na ang isang linggo,
Pero heto pa rin ako.
Iniisip kong ako ang tahanan mo, parang tangang naghihintay sa pagbabalik mo.
Kahit sa ibang lugar, o kwarto, o dormitoryo ay pinili mong pansamantalang manuluyan,
Manirahan, maghanap ng kanlungan.
Ako ang iyong tahanan,
Sa aking piling ay hindi ka tatahan.
Dahil kailanman, hindi tayo aabot sa puntong ika'y magiging luhaan,
Kung iiyak ka man, sa labis lamang na kasiyahan.
Ako ang iyong tahanan,
May bubong na poprotekta sa'yo mula sa ulan o matinding araw na maaari kang saktan,
May mga pader na kailanman ay hindi ka susukuan,
Ang lugar na bukas lagi ang pintuan,
Naghihintay lamang na ako'y iyong balikan.
Dito ka na lang,
Sa iyong tahanan.
Hindi ka lubos na mahihirapan,
Ikaw ay laging iingatan.
Ngayon kung nasaan ka man,
Kung palayasin ka man niya diyan sa kasalukuyan mong tinutuluyan,
Tandaan mong hinihintay lang kita.
Dahil kahit na anumang mangyari, mas gugustuhin kong nakikita kitang masaya...
Sa akin sana,
At hindi sa kanya.
0 notes
badgalalien 5 years
Text
GANUN LANG, SPEED LANG
Parang kailan lang ako pa
Tapos kagabi siya na.
Ako yung dating inaakbayan at sinasamahan,
Tapos kagabi siya na.
Nakakatawang isipin kasi kung kailan lumalalim na ang damdamin
Saka mo naman ako gaganyanin.
Mas nakakatawa naman ang kakayanan kong ikaw ay patawarin,
Na parang hindi mo man lang ako nasaktan.
Pero maniwala ka, sobrang sakit.
Ngunit walang luhang lumalabas mula sa'kin.
Kung bakit?
Parang ayaw ko na alamin.
Pinarinig mo pa sa'kin ang mga kantang gusto mo
Iiwan mo rin pala ako.
Kumanta pa tayo nung kantang gusto ko,
Papalitan mo rin pala ako.
Alam mo nakutuban ko naman na,
Pero nung nandito't totoo na,
Parang ayaw ko pa talagang maniwala
Kaso ayun na nga.
Ako yun,
Dapat ako yun.
Tayo dapat,
Pero bakit kayo?
Sana sinabihan mo man lang ako,
Para nakapaghanda ako,
Para nakahanap rin muna ako ng iba,
Di mo man lang ako binigyan ng oras
Mukha lang akong ayos
Kasi yun ang gusto kong makita mo.
Nung humingi ka ng tawad
Hindi mo alam kung gaano ko kagustong magalit sa'yo
Pero hindi ko talaga magawa
Ganun na kasi kalala.
Mahal kita tapos may mahal ka na palang iba.
Pero sige, balik ka lang pag gusto mo ha?
Sabi mo pa kagabi "para na akong tanga"
Pero parang ako yata dapat ang magsabi niyan
Kasi napunta ka sa iba nang di ko namamalayan.
Ganun lang, speed lang.
Tangina naman.
0 notes