Tumgik
#armor by john bengan
bookloure · 5 months
Text
Tumblr media Tumblr media
Armor by John Bengan is a collection of thirteen stories set in late 90s Davao City when the then mayor Rodrigo Duterte started his (in)famous "cleansing" of the crime-infested city, a purge we now know so well.
From a Death Squad recruit on his first day on the job to a drug user Miss Gay contestant, these stories give the reader a taste of Duterte's Davao before the War on Drugs became a national phenomenon.
The premise, setting, and subject matter appeal immensely to me; add to that the fact that this book is a National Book Awards finalist, so of course, I was excited to pick it up. It's an anticipated read.
Which is why I'm sad that this did not work for me. While I enjoyed the 90s feel of the whole collection, overall, I found the writing bland and clunky in places. The Filipino expressions, kasabihan, lost their power when translated into English. The second-person point of view is wasted on stories that elicit little emotion from the reader. Except for a few standouts, I did not jive very much with the telling of these important stories.
The standouts in this collection are the following:
"Slaughter Story" and "Manny Pacquiao Speaks to a Butterfly in California"—both of which I like because of their experimental nature; the title story "Armor" and my favorite, "Disguise."
Follow me on Instagram to know what I'm reading!
12 notes · View notes
ilaw-at-panitik · 6 months
Text
EVERY CITY is haunted. That was on my mind as I crossed the bridge over the river where, a hundred or so years ago, a local chief fought a Basque pirate, the pirate's armada of Spanish conquerors and natives they had convinced to fight for them. I imagine their ghosts floating over the waters, the settlements, and the condominium units that loomed over a view of the gulf.
John Bengan, from "Disguise" in Armor: Stories (Bughaw, 2022)
21 notes · View notes
yadukaru · 1 year
Photo
Tumblr media
Finally my copy of ARMOR by John Bengan has arrived! 📖 I'm excited to read the latest book of one of my favorite Mindanaoan writers – @johnbengan Autograph na lang kulang. 😁📘 ✨ARMOR is available at Lazada and Shopee in @ateneopress online store(s). I bought it on Shopee. P.S. I love the book cover. 🥰 #bookstagram #books #Filipinobooks https://www.instagram.com/p/CmoBGNypNoE/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
gestofidle · 3 years
Text
Masasabing tunay ngang hindi biro ang komplikasyon sa aspektong panlipunan na umuugat pa sa paniniwala, kultura, tradisyon, at kaugalian ng mga Pilipino. Tulad na lamang ng pagsugpo sa droga na kung saan hindi lang karahasan ang maaaring gamitin upang ito ay mapigilan ngunit ipinagpatuloy pa rin dahil ito ang nakasanayan.
Hindi ito tuluyang ganap sa lipunan sapagkat ito ay taliwas sa paniniwala na nagdudulot ng diskriminasyon. Isang halimbawa ang akda ni John Bengan na pinamagatang Armor na kung saan ang kwento sa umiikot sa isang baklang may talento sa sining at gumagamit ng ipinagbabawal ng gamot na nakahanap ng pag-asa mula sa pagsali sa patimpalak. Pinupunto dito ng kahit saan may diskriminasyon ngunit nasa sa iyo pa rin kung paano ka kikilalanin. Pero tulad ng ginawa ng tauhan, ginamit niya ang pagiging katangi-tangi upang mamukod tangi sa lahat.
“To make this happen, there will be a lot of battles to conquer including stereotypes and discrimination,”
Tulad din ng kwentong pinamagatang Impeng Negro na isinulat ni Rogelio Sicat, na kung saan ang pangunahing tauhang ay naging tampulan ng tukso dahil sa pisikal na anyo dahil naiiba siya sa nakasanayan at nilaban niya ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng tapang at determinasyon. Tinatalakay sa kwento ang pagmamalupit at pang-aalipusta ng mga taong iba ang katangian at kalagayan o uri ng buhay. Kung paano ipinaglaban ang dangal at dignidad ng isang tao.
Isa rin ang kwentong Dangal ni Norman Wilwayco na ipinakita kung paano kayang bilhin ng salapi at wasakin ang dangal ng isang tao at sa kung paano nakakayang gawin ang lahat ng bagay; mabuti man o masama, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming pera.
Mayroon namang tumatalakay sa estado ng buhay na siyang pinamagatang Kubeta ni Nancy Kimuell-Gabriel, sumasalamin sa kwentong ito ang caste gamit pagpapakita ng pagkakaiba ng uri ng kubeta na sumasalamin sa buhay ng mga tao at pati sa lipunang ginagalawan.
Samantalang ang Forced by Habit ni Eman Nolasco ay tumutukoy sa ipinagbabawal na pagmamahalan na itinalaga ng paniniwala at relihiyon. Isang pagsasamang mali sa mata ng karamihan, pagmamahalan ikinulong sa sariling mundo upang maiwasan ang panghuhusga ngunit naging rason upang palayain ang isa’t-isa. Hindi man ganoon kadali iyon, maaaring tulad ng Kwento ni Eli Guieb II na Kasal, mapapalaya rin nya ang kanyang sarili pagdating ng panahon. Ang huli ay isang akda na tumatalakay sa isang relasyon na hindi kailangan ng isang dahilan upang tapusin.
Ang mga akdang nasa itaas ay maihahalintulad sa ginagalawan nating lipunan sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng paghimaymay sa iba’t ibang kwentong ito ay naipakita ang iba’t ibang kaganapan na maaaring dinaranas ngayon ng maraming Pilipino tulad ng kahirapan, droga, caste system problema sa edukasyon, diborsyo, at korapsyon na batid kong parang epidemyang hindi mapuksa-puksa at patuloy na lumalaganap sa ating pamayanan.
Para sa akin ay nabigyang diin ng mga may akda Punto de Vista ng mga kwento. Maganda at klaro ang bawat bitaw ng mga salitang ginamit ng manunulat sa kwentong kaya mabilis itong maintindihan. May kaunting kaguluhan lamang ako sa akdang Armor sapagkat malawak ang puntong ipinapakita ng istorya sa unang basa. Ang pinaka nagustuhan ko sa lahat ay ang Kasal ni Eli Guieb III na tumutukoy sa pagpapalaya dahil sa emosyong ipinaparating nito sa magbabasa, kung paano naglaro ang mga salita, at ang pagpapakahulagan nito.
0 notes
bene-blog-filipino · 3 years
Text
Ang repleksyon ng katotohanan sa panitikan
Tumblr media
Ano nga ba ang katotohanan kung hindi ito mailalahad?  Isa lamang itong kaalaman na hindi naisisiwalat dahil hindi nabibigyan ng pansin.  Ngunit, sa mundo ng panitikan, ang katotohanang ito ay patuloy na binubulgar, patuloy na ipinakikita’t ipinamamalas sa lahat ng mambabasa.  Sa mundo ng panitikan, patuloy na ipinamamalas ang diskusyon sa paraan ng paglalahad upang mas makapukaw ng atensyon mula sa lahat.  Sa mundo ng panitikan, ang mga problema ay binibigyan ng panig at ang mga kasapi ay nabibigyan ng boses, ‘di gaya sa mundong ating kinagagalawan.
Isang halimbawa nito ay ang Kasal ni Eli Guieb III.  Ipinakita sa obrang ito ang mga pinagdaraanan ng magkasintahan kung bakit sila naghihiwalay. Sa ating kultura, sa ipinalaganap sa atin ng simbahan, dapat, kahit na anong mangyari, kailangang manatili ng mag-asawa sa isang relasyon dahil nangako sila sa harap ng Panginoon na magkakasama sila sa hirap at ginhawa.  Sa obrang ito, ipinamalas ang ideya na hindi lamang naghihiwalay ang magkasintahan dahil gusto lang nila, kundi dahil mayroon silang matinding nadarama, na ang desisyon iyon ay hindi lamang dahil nahihirapan sila kundi dahil alam nilang ang solusyon ay nasa paghihiwalay.  Ipinamamalas ditto na hindi lahat ng kasal ay nagbubunga ng magandang buhay may asawa. 
Pangalawa ay ang Kubeta ni Nancy Kimuel-Gabriel.  Ipinakita dito ang likod sa taong may kakayahang suungin ang kahit anong problema. Ipinamalas sa atin ang buhay ng mga taong nasa masalimuot na sitwasyon at ipinakita kung bakit nila nagagawa ang kaya nilang gawin.  Ipinakita dito na hindi porket ikaw ay may kagalingan na gumawa ng ganitong bagay ay dapat ginagawa mo na ito palagi.  Ipinamamalas dito na ang kulturang Filipino na hindi marunong magreklamo at patuloy lamang na lumalaban kahit na hindi pantay ang patlang ng buhay ay masama at hindi kaaya-aya at dapat nating puksain.  Nagbibigay ito ng liwanag para sa mga taong katulad nila pero hindi na binibigyang pansin ang posibilidad na baka, kung ayusin ng mga nasa taas ang patakaran, magiging maayos ang lahat para sa marami.
Pangatlo ay ang Dangal ni Norman Wileyco.  Ipinakikita dito ang kabilang mundo ng pagiging lalaki—ang masalimuot na katotohanang naiipit ang mga kalalakihan sa mga isteryotipikong “panlalaki” na dapat nilang sundin dahil kung hindi, sila ay hindi tunay na lalaki at dapat na kamuhian. Ipinakikita dito ang lagay ng bawat isa, hindi lamang ng mga babae, pati na rin ang mismong nagpapalaganap ng ganitong kaisipan.  Isinasalamin dito na pati ang mga lalaki ay biktima ng nakalalasong pag-iisip sa pagiging lalaki.
Pang-apat at panglima ay ang Forced by Habit ni Emman Nolasco at Armor ni John Bengan. Ipinakita dito ang dalawang mukha ng LGBTQ, na hindi lahat ay may kakayahang ipakita kung sino sila at ang mga taong walang paki sa sasabihin ng iba basta maipakita nila kung sino sila. Ipinakikita dito na hindi lahat ng tao ay kayang lumaban sa pambabatikos ng iba dahil gusto nilang magpakatotoo sa sarili.  Isa pang lumabas dito ay ang kinamumuhian na mukha ng gera sa droga.
Salamat sa animeglitch para sa GIF.
0 notes
itssigrid · 3 years
Text
Article 2 (friction and non-friction)
Aking natutunan at totong reaksiyon sa mga akdang friction at non-friction.
 Sisimulan ko sa Kasal ni Eli Guieb III para sa akin ito ay bago at napaka gandang istorya. Mga katagang binitaw na “Yung mahalin kita habambuhay, hindi ko yata iyon puwedeng ipangako sa iyo. Pero ‘yung iisipin kita habambuhay, iyon, baka iyon ay puwede ko pang ipangako sa iyo, kahit papaano”. Malalaman mona agad na hindi ito ang tipikal na istorya na mababasa mo na mag kakatuluyan sa dulo. Pagtatapos ng kanilang relasyon na di nagkakasakitan ng damdamin madalang ako makarining ng ganong sitwasyon palaging may samaan ng loob at may dahilan na may sumali pang isa sa relasyon kaya naghihiwalay. Kung pano nagkabalikan si Michael at Joanne. Mga tanong kung bakit kailangan kunin sakanila si toni. Alam kung masakit yon para sa nagkwekwento pero tinanggap niya para sa mahal niya. Kung saan sasaya si joanne doon narin siguro siya sasaya. Sobrang nakakahanga ang pag mamahal ng nagkwekwento kay joanne. Pero di niya parin mahanap hanap ang hinahanap niyang tutuldok sa kandyang mga katanungan.
 Dangal na isinulat ni Norman Wilwayco ay tumatalakay sa usaping pag-ibig, pamilya, pinansyal at karangalan. Ang kuwentong ito ay patungkol sa dalawang magkaibigang nabago ang kanilang mga buhay ng dahil lang sa pera. Maraming naidudulot ang pera sa ating buhay, maaaring nakakabuti at maaari ring nakakasama ito para satin at ang hinalimbawa dito ay si Chris. isa sa mga bida na nagpursiging magtrabaho upang makatulong sa pamilya at masuportahan ang sarili habang nag-aaral pa lang. Nung una’y nakakabuti pa ang perang pinaghihirapan niya ngunit nagbago ang lahat ng mapamanahan siya ng kaniyang tiyahin na nag-asawa ng foreigner sa states. Nagbago ang ugali ni Chris, naging maluho at masama ang naidulot ng pera sa kaniyang buhay. Maging ang niligawan niya noon na si Marissa ay nadamay, nawala sa isang iglap ang magagandang bagay at karangalan na naipundar niya. Parehas silang nagmahal sa iba’t ibang paraan, naghirap, nagpabulag sa pera at nasaktan ngunit sa huli ay pagsisisi at aral parin ang natamo.
Armor ni John Bengan, sa aking pagkakaintindi si Ronnie ay bida, bakla, nagsusuot ng damit pangbabae, sumasali sa mga pageants at nagkakagusto sa lalaki. Nung una ay gusto niya na talaga magpakamatay dahil sa takot na baka barilin siya ng isang hitman dahil sa paggamit niya ng pinagbabawal na droga. Ang pagiibigan nila ni biboy na isang drug pusher at pagtuloy nito sa kanyang bahay pag tulong sakanya sa pageant. ang simbolo ng armor base kay King Arthur ay isang bagay na ginamit upang kumatawan sa kanyang mga emosyonal na pagkapagod at ang kanyang pagnanais na palayain ito. Ang Armor na ito ay unang pinagaling siya mula sa matinding paghihirap sa buhay, unang binuo kasama si biboy at pagkatapos ay ginagamit ito upang ipakita ang kanyang sarili bilang isang malakas/magaling na pinuno. Nirerepresenta ng kanyang armor ang kanyang pagkagambala sa mga pamantayan sa lipunan na ang pagiging bakla ay hindi lamang pagiging malambot ngunit kaya din nilang gawin ang personalidad na gusto nila. kung ibubuo ay ang pag balik niya kung ano siya noon.
 Ang “Forced by Habit” na isinulat naman ni Eman Nolasco ay patungkol sa ginagawa ng isang guro tuwing magtatapos na ang semestre, pero hindi lang tungkol sa buhay ng awtor ang kwentong ito dahil maging ang buhay ng apat na estudyante niyang sina Ced, Fred, Nathaniel at Carla ay kasama rin. Dito ipinapakita ang epekto ng kahirapan sa mga mag-aaral, may mga tumitigil sa pag-aaral upang magtrabaho at makapag-ipon, mayroon ding pinagsasabay ang pagtatrabaho sa pag-aaral, at pati narin ang paghihirap sa pag-iibigan ng dalawang magkaparehas na uri ng tao. Habang binabasa ko itong kuwento at nakita ang linyang ito. “Kapag naging teacher pala, hindi madaling iwasan na makinig sa mga reklamo ng mga estudyante. Mahirap i-ignore ‘yung mga sama ng loob mula sa mga school policies, grading system, mababait na prof, pahirap na requirements at eto nga, kahit personal na mga problema.” ay naisip ko na ito ang rason kung bakit “Forced by Habit” ang pamagat ng kuwento dahil totoo na ang mga guro ay nasanay narin na makinig at magtanong tanong rin kahit papaano at hindi nila ito maiwasan na gawin kahit iba naman talaga ang nais nilang gawin.
0 notes
yesally · 3 years
Text
Creative Works
Sa aking pagbabasa ng maikling kwento ni John Bengan na pinamagatang “Armor”, napa-isip ako sa mga naging ganap sa hulihang parte ng kwento kung ano ba ang nakita ni Ronnie at dali-dali syang umalis sa entablado? Hindi ko maiwasang isiping may masamang nangyari kay Biboy kaya ganoon nalang ang reaksyon ni Ronnie. Ang implikasyon ng mga sinasalitang “…sudden, cool night” ay nagpapahiwatig ng malabong konsepsyon sa kung ano ang nakita ni Ronnie sa labas. Sa huli’y naisip ko nalamang na sinadya ng manunulat na tapusin ang kwento nang ganon at bahala na ang mambabasa kung ano ang isipin niyang ending para sa kwento.
 Ang kwentong “Dangal” ni Norman Wilwayco ay tungkol sa isang tao may malinis na reputasyon ang masisira dahil lang sa pera. Mahusay ang pagkakasulat ni Wilwayco sapagkat hindi ito mahirap intindihin at para ka lang nakikinig ng isang kwento mula sa isang matalik na kaibigan. Habang binabasa ko ang kwento, nararamdaman ko ang buhay ng isang estudyanteng nag-aaral sa pampublikong paaralan dahil maski ako ay isa ring estudyanteng nag-aaral sa pampublikong paaralan. Ngunit hindi naging malinaw saakin kung bakit nagalit si Chris gayong tinanggap naman ni Marissa ang perang inaalok nito.
 Tinalakay sa kwentong “Impeng Negro” ni Rogelio Sicat ang pangma-maliit at pang-aalipusta ng mga taong iba ang katangian at kalagayan ng buhay. Maayos na nailalahad ang pangunahing kaganapan sa kwento katulad na lamang ang araw-araw na pangmamaliit kay Impen sa gripo. Inilarawan din ng maigi ang kalagayan ng pamilya ni Impen na kung susuriin ay hindi gaanong biniyayaan ng magandang buhay. Sa pamamagitan ng panghimaymay sa iba’t ibang bahagi ng kwento ay naipapakita ang iba’t ibang kaganapan na maaring dinaranas ngayon ng maraming Pilipino.
 Ipinakita sa kwentong “Kasal” ni Eli Rueda Guieb III ang ibang mukha ng pagsasama, pagmamahal, at paghihiwalay. Nag-iwan si Guieb ng mga katagang may mabibigat na mensahe at kahulugan. Nagdudulot ito ng sari-saring emosyon mula kilig, pagtataka, panghihinayang, at sakit. Habang binabasa ko ang kwento, naitanong ko sa aking sarili kung bakit “Kasal” ang pamagat gayong mauuwi lamang sila sa hiwalayan? Sa pangkalahatan ng kwento, namamangha ako at natututok nito ang aking kaisipan sa kwento sapagkat ang konsepto nito’y kakaiba. Hindi pangkaraniwang romansang babasahin na may happy ending, bagkus ito’y patungkol sa pagmamahal at paghihiwalay.
 Bungad pa lamang ng kwentong “Kubeta” ni Nancy Kimuell-Gabriel ay sadyang nakakapangilabot dahil sa kaniyang paglalarawan ng nakakadiring kubeta. Masuri ang mga impormasyon mula sa historya ng Pilipinas at kung gaano ka-problema sa lipunan ang kubeta. Nakakakumbinsi ang kwento dahil hindi lang siya naglalarawan ng isa, kundi marami itong naipapahiwatig. Ayon sa sinabi mula sa pahayag na, “…ang klase ng kubeta ay sukatan din ng kalagayan ng kahirapan.”, kung saan patuloy ang pag-agos ng kahirapan na umaabot sa puntong napapabaya ng batas ang pagpapanatili ng kalinisan at kaligtasan sa kalusugan. May pagkakataon na hindi kayang kontrolin o sakupin ang lahat ng sulok ng lipunan, hindi laging nabibigyan ng sapat na tulong ukol sa problemang pangkalusugan at pangkabuhayan.
0 notes
charminebugayong · 3 years
Text
Creative Works
    “Yung mahalin kita habambuhay, hindi ko yata iyon puwedeng ipangako sa iyo. Pero ‘yung isipin kita habambuhay, iyon, baka iyon ay puwede ko pang ipangako sa iyo, kahit papaano“ (Kasal, Eli Gueb)
   “Hindi mo kayang bilhin ang lahat ng tao” (Marissa, Dangal)
   “Sa bagay, kung mula pagkagising mo sa umaga hanggang pagtulog, pag-ibig ang usapan ng mga tao, bakit hindi ka mahahawa? Kung mula sa Ibong Adarna hanggang El Filibusterismo at maging sa buhay ni Rizal, kwentong pag-ibig pa rin ang hinahanap nila, baka hindi kahirapan o imperyalismo ang problema ng Pilipinas kundi ang tamang paraan ng pagmamahal.” (Forced by Habit, Eman Nolasco)
Sa aking pagbabasa ng mga malikhaing akdang may titulong kasal ni Eli Guieb III, dangal ni Norman Wilwayco, forced by habit ni Eman Nolasco at ang armor ni John Bengan, ako ay napadpad sa panibagong mundo na tumatalakay sa iba’t ibang uri ng pagmamahal kung saan ipinakita ang iba pang mukha ng pagsasama at paghihiwalay, ipinakita rin ang iba’t-ibang mukha ng kahirapan.
Ang mga akdang pinaka pumukaw sa aking atensyon at damdamin ay ang akdang kasal at dangal. Ang dalawang akdang ito ang siyang nagpakita at nagpamulat sa akin sa mga bagay bagay na tungkol sa buhay ng isang tao. Nais kong mas pagtuunan ng pansin ang akdang kasal, dahil marami akong napulot na aral sa bawat kataga mula sa akdang ito, sadyang may mabibigat na mensahe at kahulugan. Nagdudulot ang mga ito ng sari-saring emosyon, mula sa kilig, pagtataka, panghihinayang, at sakit. Nagkaroon din ako ng malawak na pagkakaintindi tungkol sa mga suliranin na nabanggit sa mga akdang ito.
Ang akdang Kasal ni Eli Guieb III. Ang akdang ito ay tumutukoy sa buhay ng mag-asawang piniling palayain ang isa’t-isa. Maraming mga pagtatalo patungkol sa usaping kasal partikular sa usaping divorce o annulment, dahil para sa marami kabilang na ang aking sarili, ang kasal ay isang bagay na higit lamang sa isang papel o kontrata ang nagbubuklod sa dalawang tao. Ang kasal ay pinagbuklod ng pag-ibig at ito ay hindi basta-bastang desisyon na ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan, ngunit hindi ko magawang maipaglaban ang aking pananaw dahil sa akdang ito. Nang aking mabasa ang akdang ito ako’y napaisip kung ano nga ba ang tamang pananaw pagdating sa usaping kasal, dapat bang kumapit pa sa relasyong pinanghahawakan kung bumibitaw na ang kasintahan o mas dapat na palayain ito at hayaang maging masaya kahit na hindi na ito sa piling mo? Korni man sa pandinig ngunit ito ang totoong saloobin na aking naramdaman habang binabasa ang akda. Nanumbalik ang lahat ng sakit ng nakaraan, nung panahong aking nakikita ang unti-unting pagbitaw ng aking mga magulang sa isa’t-isa at piliing maghiwalay na lamang kaysa higit pang magkasakitan.
“Sino ang may sabing lahat ng tinatapos na relasyon ay dapat na malungkot? Puwede rin naman sigurong maging masaya sa pagpilas ng mga dokumento ng ugnayan. Maaring naroroon ang pait, hindi mo maiaalis iyon. Pero hindi ibig sabihin no’n ay dapat na malungkot ang lahat ng pagtatapos.”
Labis ang aking paghanga sa katagang ito na sinabi ng nagsasalaysay sa akda. Hindi ko kailanman naisip na ang paghihiwalay ay maaring gawing masaya dahil hindi naman ito ang aking naranasan. Napatunayan kong ang aking pananaw sa pag-ibig, kasal at paghihiwalay ay sadyang kay kitid pa. Para sa akin ang kasal ang isa sa pinakamagandang bagay na mangyayari sa buhay ng isang tao lalo na kung ito’y may kasamang pagmamahalan at sa kabilang banda naman, isang malaking kapighatian at kalungkutan ang mahiwalay o ang iwanan ng taong iyong labis na minamahal ngunit ibang-iba ang ipinaunawa sa akin ng akdang kasal.
“Hindi namin kailangang maghanap ng kasalanan para tapusin lang ang aming relasyon. Puwede namang wakasan ito nang walag galit sa isa’t-isa, nang walang hintuturong nanduduro ng paninisi, nang walang pagkataong mawawasak, nang walang pusong masasaktan, nang walang kaluluwang mapupunit.”
Malabo mang mangyari ngunit sana lahat na lamang ng paalam at hiwalayan ay masaya. Yung walang poot na mabubuo sa puso ng iniwan at walang hinagpis sa puso ng mang-iiwan. Yung pareho ninyong naiintindihan na ito lamang natatanging paraan para maging maligaya muli ang puso ng bawat isa. Sabi nga sa isang kasabihan, “It takes a lot of courage to let something go than it does to hang on it and try to make it better”.
Hindi madaling magparaya at magpalaya lalo na kung ito ay ang taong ninais mo nang makasama sa habangbuhay.
Tumblr media
0 notes
panyaannngggg · 3 years
Text
BLog #2 (Malilikhaing Akda)
Ayon sa "Kasal" na akda ni Eli Guieb III, ipinakita rito na hindi lamang iisa at masaya ang katapusan ng pagpapakasal. Maraming maaaring mangyari, isa na dito ang pinaka punto ng akda; ang pakikipaghiwalay. Hindi mo kailangan ng maraming dahilan para wakasan ang pagsasama, hindi kailangang magkaroon ng argumento o kaya naman ay magalit, ang kailangan ay napagkasunduan ito. Pero gaya nga ng sabi sa akda, hindi madaling tapusin ang relasyon. Masakit pero tinanggap ito ng lalaki, Kaya dapat umpisa pa lamang ay handa dapat sa maaaring mangyari kahit na anong maging dulo ng pagsasama.
Ang naunawaan ko naman sa "Dangal" na akda ni Norman Wilwayco, 'wag tayong magpabulag at mahalin ang pera dahil wala itong maidudulot na maganda. Gaya ng nangyari kay Marissa at Chris, maaaring hindi natin sigurado kung anong nasa isip ni Marissa kung bakit siya pumayag sa dulo na ipalit ang kanyang puri para sa pera kahit na nung umpisa ay nagalit siya ng binibili ito sa kanya. Pero hindi natin maaalis na pumayag siya sa huli kapalit ang mas malaking pera na ibibigay sa kanya na ang naging resulta ay kaniyang pagkapahiya sa harap ng maraming tao. Isa pa rito ang ginawa ni Chris na pagsusuhol o pagaakalang maaari na niyang gawin lahat ng gusto niya dahil sa nagkaroon siya ng malaking pera. Maganda itong aral para sa lahat, na dapat nating tandaan. Walang magandang idudulot sa atin kung mamahalin natin abg salapi.
Sunod naman ay ang "Armor" ni John Bengan. Sa babasahing ito makikita na walang pakealam sa karapatang pantao ang Death Squad para sa mga inaakusahang gumagamit at nagbebenta ng droga, magnanakaw, at marami pang maliliit na kriminal. Basta basta na lamang sila pumapatay, patunay dito ang nangyari kay biboy habang isinasagawa ang pageant. Kahit na siya ay inosente at nakikitira lamang sa talagang gunagamit ng droga pero siya ang hinatak at di na sigurado kung buhay pa.
Isa pang kwento ay ang "Impeng Negro" na akda ni Rogelio Sicat. Mababasa rito kung paano ang pang-aapi o pang-aalipusta ng mga tao sa mga katutubo o sa mga taong bakas ang pagiging 'native filipino' pag tatawanan at lalaitin dahil sa itsura. Maaari rin nating sabihin na kahit pantay pantay naman o pareho man sila ngtrabaho may nga taong hahanap at hahanap ng tao na maaari nilang mas ibaba sa kanila para lang ipakita sa iba na kahit papaano ay mataas sila. At hindi lamang sila titigil sa pang-aapi ng berbal, gusto parin nila itong saktan sa pisikal na pamamaraan. Kaya naman ng gawin nila ito ay lumaban na si impeng at ipinakita na kaya niyang lumaban sa mga pang-aapi sa kanya, na may panahon na hindi na siya aapihin dahil ipinakita niyang may kakayahan siyang lumaban sa pang-aapi sa kaniya at kaniyang ina.
Huli naman ay ang "Kubeta" ni Nancy Kumuell-Gabriel. Makikita dito ang historya ng mga pilipino tungkol sa kubeta noong panahaong 60's. Gaya nga ng sabi sa akda, makikita sa kubeta ang antas ng isang pamilya at ang disiplina nito sa paggamit. Mababasa sa akda na kahit maayos at may kubeta sa bahay ay itinatapon parin sa labas ang dumi at isa iyon sa pagiging unethical o pagiging iresponsable ng ibang pilipino. Makikita rin sa kubeta kung ano ang mga paraan ng mga pilipino para lutasin at alisin ang dumi. mayroong pail system, o kaya'y kubeta na walang tubo kundi umaagos na tubig ang ilalim na aanudin ang dumi o iba pang paraan para lutasin ang hindi pagi-imbak ng dumi.
0 notes
kdxchua · 3 years
Text
Blog #3: Ang Malikhaing Pagsulat
Tunay at siyang napakalawak nga ng panitikan. Biruin mo, pati ba naman sa kasuluksulukan ng isyung panlipunan maari mo pala iyong ikwento sa pamamagitan ng malikhaing pagsulat nang raw o di kaya naman ay lumikha ng mga maiikling istorya para maipabatid mo sa mambabasa ang mga ekspiryensya ng mga sitwasyong akala natin ay hindi na nage-exist sa panahon natin ngayon.
Gaya na lamang ng babasahin na pinamagatang Kubeta ni Nancy Kimuel-Gabriel na ultimo magkaroon ng access sa kasilyas o comfort room ay pahirapan pa rin pala hanggang sa ngayon. Nagbangit pa nga roon ng mga statistika sa Tondo kung saan ang resulta ay isa sa limang pamilya lamang ang may sariling access sa kubeta at laganap pa rin ang flying saucer at pail-system pati na ang pag-dumi sa ilog. Ngunit hindi naman natin buong masisisi ang taong ganito pa rin ang gawa dahil maraming nakakapekto kung bakit hanggang sa ngayon ay ganito pa rin ang kanilang pamamaraan. Sabi nga sa isa sa mga post na nabanggit sa Kubeta --- “ang ganitong klase ng kubeta ng mamamayan ay sukatan din ng kalagayan ng isang lipunan”  anya ni Olan Santos --- totoo nga, hindi naman din siguro gugustihin ng mga tao na hanggang sa ngayon ay makaluma pa rin ang sistema nila ng kubeta, wala naman siguro ang guustuhin na maka-amoy sila ng umaalingasaw at mabahog amoy sa araw-araw. Ngunit kung ganito ang kanilang kalagayan, hindi ba’t ito rin ay representasyon ng isang lipunan dahil sa kapabyaan ng namumuno rito?
Isa rin sa mga babasahin ang Forced by habit ni Emman Nolasco at Dangal ni Norman Wileyco kung saan mababatid rin sa parehas a istorya ang sitwasyon sa edukasyon. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon, ngunit dahil sa mga sirkumstansya ay para bang nagiging pribelehiyo ito at tanging ang may kakayanan lamang ay ang mga taong pinansyal na naka-aangat sa buhay ang may access rito.
Maging ang racism ay naipabatid rin sa akda ni Rogelio Sicat na Impeng Negro kung saan madalas tuksuhin si Impen na negro dahil sa kulay ng balat nito dagdag pa rito ang kulay ng balat ng kanyang mga kapatid sa Ina. Kasama na rin ang mga akda tulad ng Armor ni John Bengan, na tungkol naman sa mga beauty gay pageants nabanggit din dito ang Death Squad na napapanhon rin dahil sa mga extrajudicial killings ngayon dahil sa war on drugs. At ang Kasal ni Eli Guieb na tungkol namam sa mag-asawang naghiwalay bunga ng pagkamatay ng kanilang tatlong taon pa lang na anak.
Kung susumahin, ang mga ekspiryensya na ipinamamalas ng mga kwentong ito ay hindi malayo sa realidad at lahat ay nag-uugat sa kahirapan. Ang 'di pagkakaroon ng kasilyas, libre at accessible na edukasyon, pagkapit sa patalim na mga trabaho tulad ng pagiging pokpok, pag-gamit at pagtutulak ng droga at maging ang pagkakaroon sana ng mas maayos na mga equipment ng mga ospital upang mas mataas ang survival rate ay dahil sa kahirapan.
Hindi naman kailangan na personal pa nating maranasan ang mga ito o kung nararanasan man ay hindi na ito kailangang magpatuloy at abutin pa ng susunod na henerayon, sapat na ang panitkan upang makisimpatya at kumilos tayo laban sa mga mapang-api at ganid sa kapangyarihan at pera na mga kurap na tao.
Sa huli, tunay nga na makapangyarihan ang panitkan, dadalhin ka nito sa mga lugar na hindi mo na aakalaing totoong nangyayari. Ngunit baliwala ang mga ito kung simpatya lamang ang kaya mong ibigay habang buhay.
0 notes
bookloure · 5 months
Text
Tumblr media
Twenty-eight days to go before we say goodbye to 2023. What is time, really? Anyway, a month's ending means a wrap-up in this space. So here are eight books I managed to finish in November, with mini-reviews: 5⭐ 📖 Tagalog Bestsellers of the Twentieth Century: A History of the Book in the Philippines by Patricia May B. Jurilla—this is my favorite reading journey of the month for sure! 📖Wuthering Heights by Emily Brontë—i love this book, but I hate everyone. well, everyone Hareton. i love him to death! 4⭐ 📱Garlic & the Vampire by Bree Paulsen—such a cute and wholesome graphic novel! I'm definitely picking up the sequel. 📱Please Do Not Touch This Exhibit by Jen Campbell—jen is my favorite book reviewer, but I think her poetry is not for me. still, I enjoyed this very personal collection of hers. 3⭐ 📱Why Women Have Better Sex Under Socialism: And Other Arguments for Economic Independence by Kristen R. Ghodsee—very much a primer book. i recommend it to young people interested in the topic! 🎧Trick Mirror: Reflections on Self-Delusion by Jia Tolentino—this would have benefitted me more had I read this is 2019 when it was published. now it just tells me things I already know, and nothing in the writing particularly wowed me. 📱Braised Pork by An Yu—not bad. but i was hoping to like this more than i did. would recommend it to fans of weird books! 2.5⭐ 📖 Armor by John Bengan—ah, i love the idea behind this short story collection. unfortunately, the writing did not gel with me.
6 notes · View notes
ilaw-at-panitik · 5 months
Text
—but at the end of the day, we were but a speck in the enormity of nature. We could only pray that the volcano remain asleep.
John Bengan, from "Disguise" in Armor: Stories (Bughaw, 2022)
11 notes · View notes
ilaw-at-panitik · 6 months
Text
Sitting beside him, I was unmoved by the prospect of tenderness. I didn't know what to do with what he would have given me.
John Bengan, from "Bad Heart" in Armor: stories (Bughaw, 2022)
3 notes · View notes