Tumgik
#potograpiya
fedik · 2 years
Text
mornin gphotography kahapon ng umaga gamit ang mirrorlesscamera ni ate fujifilmxt200
instagram
0 notes
conveyed0 · 2 years
Text
Halalan 2022: Dayaan sa Halalan, Wag Pahintulutan!
Lorence Lozano | Activity #8
Kabado at walang alam ang nararamdaman ko no’ng bago at araw ng pagpaparehistro ko, paulit-ulit na pagtatanong sa mga kaibigan kong nauna kung paano ako proseso. Kahit pa mayro’n naman nito sa internet ay hindi pa rin mayakap ng utak ko. September 6, araw ng pagpaparehistro ko, mas lalo akong kinabahan no’ng ando’n na ako mismo sa lugar. Ang init at haba ng pila pero mayro’ng saya sa puso na nararamdaman habang ando’n ako, nakapila. Ngiti sa labi dahil marami akong nakitang tao na gusto magparehistro at bumoto kagaya ko. At dahil matagal ko rin itong inantay. na sawakas, makakapagpa-rehistro at boto na rin ako. Pwede na rin akong makilahok upang makapagpabago ng takbo ng gobyerno at buhayng masa.
Ilang linggo matapos makapagpa-rehistro, sinimulan ko naman magsiyasat para sa pipiliin kong kandidato na iboboto. Sila Neri Colmenares, Chel Diokno, Elmer Labog, ay mga kilala ko na noong 2016 pa. Sila ay mga kandidato na sikat at pinaguusapan no’n sa social media kasama si Samira Gutoc, nakakadismaya lang na ang paglipat ni Samira sa ibang partido ay siya ring pag iba ng adbokasiya nito.
Hindi lamang sa mga senador ako nagsiyasat kundi pati na rin sa magiging president at bise presidente ng pilipinas, no’ng una, wala akong makita magandang kandidato dahil kilala ko na ang mga ito lalong-lalo na ang ‘Duterte in the making’ trapo na si Isko Moreno. Isang malaking ngiti at agos ng damdamin ang naramdaman ko no’ng malaman kong tatakbo ang bise-presidente na si Leni Robredo, na siya rin namang naramdaman no’ng hindi naririnig at nararamdaman ang gobyerno no’ng panahon ng pandemya. Kasama nito si Kiko Pangilinan sa pagtakbo, hindi ko pa siya kilala, at hindi ko rin alam na asawa pala siya ni Sharon Cuneta; mabuti na lang ay nagsiyasat ako at nalaman ko ang makasama nitong plataporma at matagal ng pagtulong para sa mga magsasaka.
Bilang isang may hilig sa potograpiya at gustong maging photographer sa hinaharap, ay nagamit ko ito upang sumama at tumulong sa kampaniya ng mga kandidatong iboboto ko. Kagaya na lamang ng pag attend sa Grand Rally na mayro’n sina Leni at Kiko kasama ang Senate Slate nito. Naging isa akong photographer sa mga ganap nila ro’n at pati na rin ng partylist na Kabataan Partylist.
Araw ng halalan, masaya ngunit kinakabahan dahil nagbabalik muli ang Marcos-Duterte sa kapangyarihan. Kagaya ng pagpaparehistro, mainit at mahaba ang pila sa araw ng botohan. Marami ring naitalang aberya sa bawal presinto na siya rin naman talagang nakakabahala lalo pa’t may ulat na nagkakaroon ng dayaan. Kinagabihan, hindi naman mali ang mga hinala at mga kaganap bago at matapos ang botohan. Nangyayari nga ang dayaan at kitang-kita ito ng dalawa kong mata, sa lugar man ng pagbobotohan at hanggang sa labas ng partial unofficial votes na iniuulat sa telebisyon. Nakakagalit, dahil kitang-kita na matagal itong pinaghandaan at plinano, maraming taktika at stratehiyang ginamit ang Marcos-Duterte upang maisegurado ang pagkapanalo nila para makabalik sa kapangyarihan. At hindi rin naman ipinanganak kahapon ang mga botante, alam nila ang dayaang nagaganap at kasinungalingan na inihahayag sa lahat. Nagkaroon ng ‘Kampuhan Kontra Daya’ isang araw matapos ang elekesyon, protesta para sa kapabayaan at kapalpakan ng COMELEC at pandaraya ng Marcos-Duterte. Hindi lang sa pagka-presidente at bise-presidente may aberya kundi pati na rin sa mga senador na nangunguna. Nakakasura, talagang mga trapo at wala pang pakialam sa masa at bayan ang nananalo. Dapat itong maiwaksi at dapat tutulan ang pagbabalik ng dalawang pasista, pahirap, tuta, at diktador na Marcos-Duterte. Ngunit kung magpapatuloy ito, at ito na ang magiging opisyal na resulta. Talagang awa ng panginoon ang sasandigan nating lahat dahil hindi magiging maayos at madali ang ating mga susunod na bukas. Hindi lang ako o ang pamilya ko ang maapektuhan kundi ang buong bayan. Kawalan ng trabaho ng pamilya ko, at pagpapatahimik sa mga kritikal na kabataankagaya ko ang iilan lamang sa mga ekspektado na mangyayari sa bansa kung ang Marcos-Duterte ang mauupo para maging lider ng bansa. Patuloy na maghihirap ang mahihirap, patuloy na malulugmok ang mga maralita, patuloy na patatahimikin ang mga kabataan. Walang kalayaan, walang kasiguraduhan ang magandang bukas na inaasahan.
0 notes
piggypang0 · 3 years
Text
“Photography is the story I fail to put into words”-Destin Sparks
Ang potograpiya ay isang sining biswal kung saan isa itong paraan o proseso para makagawa ng isang larawan sa pamamagitan ng isang aparato na kung tawagin ay kamera.Sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng isang potograpo o potograper ang kanilang damdamin o kanilang mga saloobin.ito ay sinig sa pagkuha ng larawan at pagtitimpla ng mga imahe gamit ang angkop na ilaw at anggulo. Ang potograpo o potograper ay isang taong kmukuha ng mga litrato o larawan sa kahit anong bagay na kanilang makikita na gusto nilang ipahayag ang kanilang magiging saloobin sa pamamagitan ng bagay na iyon. Sa susunod na litrato ay isang halimbawa ng potograpiya kung saan ako mismo kumuha.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mapapansin sa mga litratong nakuha ko ay mga litrato ng ibat ibang halaman o di kaya ay isang puno.Mapapansin din na nakapokus sa isang bagay ang mga litrato. Nagsimula ang potograpiya noong panahon ng mga kastila sa dekadang 1870 hanggang 1890.Ginamit ang litrato para sa balita at impormasyon hinggil sa katayuan ng kolonya.Ito ay naging kasangkapan o instrumento upang manghikayat ng mga turista. Malaki ang impluwensiya ng potograpiya sa bansa dahil maraming mamamayan ang nagkakaroon ng interes sa pagkuha ng litrato at ito ay kawili wili para sa lahat. Ang sumusunod ay mga sikat na potograper sa pilipinas. XYZA CRUZ BACANI Isang pilipina na manunulat at potograper kung saan ay ginamit niya ang kaniyang trabaho upang isulong ang kamalayan.Kilala siya sa kaniyang “black and white photographs of hongkong” at dokumentaryong proyekto tungkol sa migrasyon at interseksyon ng paggawa at karapatang pang tao.
NICCOLO COSME Isang konseptwal na potograper na nakabase sa manila philippines.Ang kanyang ama ay si Caesar Colet Cosme, isang manunulat at direktor sa television.
SHAIRA LUNA Isang pilipinang potograper.Kagaya ng iba,ay kilala rin bilang “gifted child at “promil kid’.na naging tampok sa patalastas ng isang gatas para sa mga sanggol ng Wyeth sa taong 1995
EDUARDO MASFERRE Isang filipino-catalan na potograper na gumawa ng importanteng dokumentaryong pahayag tungkol sa pamumuhay ng katutubong tao sa rehiyon ng cordillera sa pilipinas .Siya ay kinilala bilang”father of philippine photography”
MANNY LIBRODO Isang full time na guro sa isang internasyonal na paaralan sa bangkok kung saan nadiskubre niya ang kaniyang pagnanasa sa potograpiya at kung saan nadiskubre rin sa mundo ng online ang kaniyang katangi tanging “purely ambient light” na diskarte sa glamour,fashion at sa travel portraiture.
SAAB MAGALONA Isang filipinang aktres,mang aawit,at blogger na nagsimula sa tv5 sa isang drama serye na nakatuon sa kabaataan na pinamagatang “lipgloss”. Siya ay anak ni Francis Magalona at kapatid nila Maxene Magalona ,Frank Magalona at Elmo Magalona. EMMANUEL SANTOS Isang dokumentaryo at sining na potograper na nakabase sa Melbourne,Australia.Habang naninirahan sa pilipinas siya ay naging potograper ng united nations high comissioner for refugees. Matapos lumipat sa australia noong 1982 at nagtrabaho siya bilang katutubong mang aawit.Ang kaniyang mga likhang sining simula noong 1980’s ay nakapokus sa Jewish Diaspora,kung saan ay kinuhanan niya sa buong mundo. Iilan lamang iyon sa mga kilalang potograper dito sa pilipinas na naghahatid ng magaganda at nagbibigay inspirasyon na mga litrato.Dito nagtatapos ang talakayan tungkol sa potograpiya.
2 notes · View notes
mukavemet · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
107 notes · View notes
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang sining ay naging isang pangunahing aspeto ng buhay ng tao. Hindi man mamalayan ito ngunit ano man ang nakapaligid sa iyo ay matatawag na sining. Sa buoang buhay ng tao, nagagamit ang sining bilang isang paraan ng komunikasyon, representasyon, pamumuhay, at cultura. Dahil ang sining ay may napakalawak na larangan ng saklaw, mahahayag nito an gang mga sanga nito. Napakaraming larangan nga sining ang ating natunghayan, mula sa sining biswal, gampaning sining,panitikan bilang sining at applied na sining. Ang apat na ito ay ang pangkaraniwang sangay ng sining na tiyak tayo ay nakakaintindi. Nganuit sa ngayon tayo’ymag bigay halaga sa ating tatalakayin dahil ako ay mag sasalaysay at magbibigay impormasyon tungkol lamang sa isang sangay ng sining ang Sining biswal dahil na rin sa dahilanang ito ang aking forte.
Sining biswal ay natututkoy natin bilang isa sa may malawak na sakop o bahagi ng sining. Kung iisipin dito sa sining biswal nag simula halos lahat ang mga artist. Napaklawak ng sakop na ito dahil bahagi nito ay ang pagguhit, pagpinta, eskulptura, mga likhang sining o crafts, at potograpiya. Ating isasahin ang mga ito.
Ang pagguhit o drawing ay isang anyo ng sining biswal na kung saan ang tao ay gumagamit ng iba’t instrument mula sa lapis at papel. May ibat’ibang grado ang isang lapis mula sa H,HB at B, sa papel naman ay mayroong normal na papel at meron din oslo paper na karaniwang ginagamit sap ag isketch. Ang pagpinta o painting naman ay pagpapahid ng pintura o pigmento sa isang canvas at iba pang medium. Ito;y nag papakita ng mas detalyeng gawa dahil sa kulay na pinapakita nito, mas na anyayahan tayong tumanaw ng mga gawang ganito dahil sa rasong nagbibigay ito ng kawiliwli sa mata. Susunod ay ang eskulptura na tumutukoy bilang isa sa mga sangay ng sining biswal na naglalayong paglilikha ng kahit anong tatlong-dimensyonal na anyo. Karaniwang ginagawang inspirasyon ang mga tao sa paglikha nito. Makikita rin ito sa mga simbahan, mga establisyemento ng gobyerno at sa mga museum. Tungo naman tayo sa crafts. Isa itong anyo ng sining biswal na ginagamit ang mga karaniwang bagay para gawing kawiliwiling sining. Halimbawa nito ay ang origami kung saan ginagamit ang isang papel at tinitiklop ito ng may dibuho at makalikha ng isang bagay. Sa likhang sining nakikita talaga kung gaano ka malikhain ang isang artist. Sa panghuli ay ang potograpiya, ito ay isang paraan o proseso ng paggawa o paglikha ng isang larawan sa pamamagitan ng isang kamera. Tinatawag na potograpo, potograper, o litratista ang isang táong kumukuha ng mga litrato o larawan. Halimbawa nito ay kapag kayo ay tipikal lang na kumukuha ng litrato gamit ang cp. Sa mga propesyonal ay gumagamit sila ng isang digital camera dahil mas may magandang epekto ito sa pag lathala  ng litrato.
Iyon na nga ang sining biswal at ang mga sangay at anyo na nakabahagi nito. Bilang isang mag-aaral ng Arts and Design track ang sining ang aking kaginhawaan at pangarap. Ang sining biswal ay bilang isang pangunahing sining na aking natutunan patuloy ko parin itong pagalingin at huhulmahin. Ayon nga sa isang kataga “ kung sino man ang lumilikha ng sining  gamit ang kamay, ulo at puso ay isang Artist, kaya kung ano mang anyo ang para sa atin ay Komportable dapat nating gawin ng may puso at pagnanasa.
2 notes · View notes
Photo
Tumblr media Tumblr media
Potograpiya ni Monching
1 note · View note
tagalngfridaynight · 3 years
Text
Tuwing may mapapatsismis na celebrity na 'di umano ay may nude photos, nagiging socially active at friendly ang netizens, lalo na kapag Pinoy. Kung maitutumbas mo ang nudes sa isang espesyal na bagay, para s'yang isang invitation card sa isang public event na may pa-raffle na apat na milyon. May challenge nga lang na bawal uminom ng tubig sa loob ng apat na buwan. In short, para sa mga uhaw.
Pero kapag may umaamin na mayroon silang nude art, nag-iiba ang timpla ng kamunduhan ng tao. Biglaan itong magiging malikhain, maangas, matapang, one of a kind, at kung ano-ano pang salitang p'wedeng may relasyon sa sining.
May naging kaibigan ako na gumagawa ng mga nude art— nakasilip na ako sa isang reference n'ya at ang mismong kinalabasan nito pagkatapos n'yang iguhit. Magaling ang kamay ng taong 'yon kaya ang nagiging finish product ay parang photocopy lang ng reference: kuhang-kuha ang hulma ng mga suso, ng t'yan, ng dibdib, at ultimo mga guhit sa natural na katawan ng tao.
Sa madaling salita, makatotohanan. May mga katawan na maninipis at mayroong makakapal. Hindi pantay ang tunay na suso, hindi pink ang utong, at hindi libag ang stretch marks. Binabali ng nude art ang maling pananaw ng maraming tao tungkol sa katawan ng mga babae (at lalaki minsan); nagiging kuwestyon sa umiiral na katotohanan kung bakit sining ang tingin ng maraming tao sa hubad na dibuho, pero hindi sa hubad na retrato.
Ang potograpiya ay sining sa paraang tulad ng kung paano naging sining ang tradisyunal na biswal-sining. Ang nudity naman ay matagal nang bahagi ng sining. Pero dahil may kamangha-manghang duality si Juan, ang nude photo ay karaniwang isang iskandalo lamang at ang itinuturing lang na sining ay ang nude art.
Ginugulo ako ng tanong na kung paano matutukoy ang nude na kabilang sa sining sa isa lamang purong iskandalo. Itinanong ko rin 'yan sa tinutukoy kong dibuhista. Ang posisyon n'ya ukol rito ay parang ganito:
"Ang potograpiya ay sining. Ang hubad na larawan (nude photo) ay sining. Ang hubad na dibuho (nude art) ay sining. Ang kahubdan ay isa pa ring sining.
Pero maituturing lang na sining ang nude photo depende sa rason umano ng paghuhubad. Kung ang hubad na babae ay nakatakdang maging simuno ng potograpiya, pelikula, dibuho, iskulto, tula, o pinta: ito ay sining. Kung nakatakdang maging simuno ng iba pang bagay na makamundo't walang kahulugan: kamanyakan."
Hindi umano, art is subjective, at ang pagpapakahulugan sa sining ay nakadepende sa umiintindi nito. Karaniwan, sinasang-ayunan ang pahayag na art makes you feel something.
Pain is an art. Ecstasy is an art.
Kung ganito ang pinagbabasehang kahulugan, isa pa sa mga babagabag sa tao, tulad ng kung paano ako binabagabag nito, ay ang kaangkupan ng pornograpiya sa sining at libog sa emosyon.
Nagagawa ng pornograpiya na basain kung ano mang maaaring mabasa at patigasin ang anumang maaaring tumigas sa katawan ng tao. Nagiging mitsa sa mala-kuryenteng daloy ng kamunduhan sa katawan. Kung gayon, masasabing may nararamdaman ang tao sa tuwing nanonood ng porn, dahil naturalesa ng katawan ang tumugon sa nakikita't napapanood ng mga mata. Pasok sa depinisyon ng sining kung ang pagbabasehan lang ay ang opinyon ng mayoryang art makes you feel something.
Sa kabilang banda, hindi ito ang uri ng sining na tinutukoy ng karamihan. Madalas na selective at biased ang pananaw ng tao tungkol sa sining, at sa pagdaan pa ng mga panahon ay nagiging offensive ang pornagrapiya dahil na rin sa masasama nitong dulot sa isip ng tao. Nagiging sanhi ito ng sexual assault at maling kaalaman ukol sa katawan. Malakas maka-impluwensya ng unsafe sex, improper hygiene, rape at incest. Hindi kabilang sa art ang mga ganitong kakupalan. Kung gayon, hindi na sining ang pornograpiya sa puntong ito.
Masasabi marahil na ang pornograpiya ay parehong sining at 'di-sining.
Angkop ang sining para sa mga negatibong emosyon pero hindi angkop na dahilan para sa kawalan ng dignidad, moralidad, at respeto. Hindi kabilang sa pagiging malikhain ang pagiging manyak, at ang tawag ng laman ay inilulugar. Kung may lugar man ito sa sining, nawa'y para lamang talaga sa kapakanan ng sining. Walang labis, walang kulang.
Sa kabuuan, isa lang naman ang pinakapupunto nito: mas mainam kung sa susunod na magkaroon ng scandal o nude na kumalat ang isang celebrity o influencer ay wala nang magpista— dahil nga nudity is an art. Huwag na ring alamin ang konteksto ng materyal para gawing panlibak sa kapwa dahil pare-pareho namang may suso at bayag ang mga babae at lalaki. Kung nagtatalik man, isipin na lang parte 'yon ng pagiging tao.
Higit sa lahat, mamatay na sana lahat ng kupal na nanghahamak sa mga nahubaran.
Tumblr media
3 notes · View notes
jeancamillemalabago · 3 years
Text
Ang applied na sining ay napabilang sa isa sa pinakamalaking impluwensya sa boung bansa pati narin sa buong mundo kung saan naglabasan ang malilikhaing tao mula sa pagawa ng likhang-kamay, pelikula, potograpiya, vlog at iba pa.Mula sa bata hangang sa matatanda ang applied na sining ay kinagigiliwan ng lahat mula noon hangang ngayon.Kung saan itoy pinagkikitaan at ginagawang sideline upang kumita, kaya maraming kabataan ang gustong matuto sa tinawag nilang applied arts dahil ito ay nakakamangha sa mga mata at patuloy na pinipasa ang mga kaalaman tungkol sa applied na sining.Kaya pati ako ay gustong matuto dahil itoy nakakapataba ng utak sa malikhaing paraan. Una, ang likhang kamay kung saan nagtutulungan ang utak at kamay mo sa pagawa ng malilikhaing bagay. Sa pagawa naman ng likhang-kamay may ginagamit ang isang artist na kahit na anong medium na gusto nila upang makagawa ng presentasyon  o isang produkto depende sa gamit na medium. Ang likhang-kamay ay isa sa pinakaunang applied na sining noon na nagbigay ng kaalaman sa bagong kabataan ngayon kung saan itoy minsay  ginagawa ng mga estudyante bilang isang proyekta sa kanilang paaralan. Ikalawa naman neto ay ang potograpiya kung saan ginagawang larawan ang isang nakuhang picture sa naganap na pangyayari. Ito ay sumikat at naging popular noon dahil painting pa kasi ang karaniwang gamit nila, ngunit nung natuklasan nila ang ptograpiya itoy nagustuhan ng lahat mula noon hangang ngayon. Kung saan ang itim at puti na larawan noon ay naging makulay at mas nag improve ang quality at mula sa malalaking camera nakaimbento nadin sila ngayon ng maliliit na kamera na pede e-pasok sa bulsa pati narin sa cellphone natin may kamera nadin instantly. Habang dumadaloy ang panahon ay pinag-aralan nila ng malalim ang ptograpiya kung saan mayroon itong tinatawag na landscape at portrait ngunit ngayon may naidagdag na 180 degree  na larawan at 360 degree na larawan kung saan pede itong maigalaw depende sa range neto. Dagdag pa nito ay mayroon ding ibatibang paraan sa pagkuha ng larawan gaya ng depende sa layo at lapit ng subject at tamang angulo gaya ng kanan at kaliwa at marami pang iba. Katatlo ay ang tinaguriang aliw at panglibangan ng masa ang tinatawag na pelikula. Kung saan ang pelikula ay ay pinagbibidahan ng karakter na pedeng mababago ang emotion depende sa direktor. Ang pelikula ay produkto ng ibat-ibang artist gaya ng direktor at staff neto dahil hinde posible ang magawa ang pelikula kung hinde kayo marami at nag-iisa. Ang pagawa ng pelikula ay binibigyan ng sapat na panahon at oras upang maging mabuti ang kalalabasan na ito. Ika-apat ay ang vlog dahil meron pakasing ibat-ibang applied na sining kung saan itoy may kinalaman sa applied na sining. Ang vlog ay pinagbibidahan ng isang vlogger at ina-aliw nito ang manonuod depende sa content ng video ng isang vlogger. Ang pag-vlovlog ay makabagong paraan upang kumita at mag share ng estorya sa pangyayari ng buhay ng isang vlogger. Kaya patuloy na dumarami ang mga vlogger dahil ang pag-vlovlog ay naging isa sa pinaka magandang trabaho sa ating bansa ngunit ito parin ay patuloy nakakatulong upang maka-angat ang ekonomiya ng ating bansa.
1 note · View note
lowiejaysblog · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
SINING BISWAL
Ang sining biswal ay mga porma ng sining tulad ng pagpipinta, pagguhit, paggawa ng print, iskultura, keramika, potograpiya, video, paggawa ng pelikula, disenyo, sining, at arkitektura. Maraming mga masining na disiplina tulad ng pagganap ng sining, pang-arte na pang-arte, at sining ng tela na nagsasama rin ng mga aspeto ng visual arts pati na rin mga sining ng iba pang mga uri. Kasama rin sa lob ng biswal na sining ang mga inilapat na sining tulad ng pang-industriya na disenyo, graphic na disenyo, disenyo ng fashion, panloob na disenyo at pandekorasyon na sining.
Pagpipinta
Ang masisining na pagpipinta ay ipinakilala noong ika-16 na siglo nang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas. Noong panahong iyon, ang mga Kastila ay madalas magpinta ng mga propaganda tungkol sa relihiyon upang mapalaganap ang Katolisismo sa buong Pilipinas. Ang mga pinta na ito ay laging nakikita sa mga pader ng simbahan, tampok ang mga relihiyosong anyo kung saan lumalabas ang mga aral ng Katoliko. Sa kadahilalan ng pangangasiwa ng simbahan sa sining ng mga Pilipino at pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas, karamihan ng layunin ng mga pinta ay mula sa ika-16 hanggang ika-19 na siglo ay tulong sa simbahang Katoliko.Sa maagang ika-19 na siglo, ipinakilala ang mas mayaman at edukadong Pilipino sa mas sekular na Pilipinong sining, naging sanhi upang ang sining sa Pilipinas ay lumihis sa mga panrelihiyong paksa. Ang paggamit ng watercolor sa pagpipinta ay nagsimulang isama ang mga tanawin, tirahan ng mga Pilipino, anyo ng mga Pilipino, at mga opisyal sa pamahalaan. Ang mga estampang pagpipinta na itinampok ng mismong pintor ang kaniyang sarili, ang mga alahas ng Pilipino, at ang mga katutububong kasangkapan ng bahay. Ang paksa sa tanawing pagpipinta ay tampok ang mga pangalan ng mga pintor ay tampok ang mga pangalan ng mga pintor na ipininta na maganda sa pinta at ang pang-araw-araw na eksena ng mga karaniwang Pilipino sa pagsalo sa mga araw-araw na gawain. Itong mga pinta ay ginawa sa kanbas, kahoy, at mga iba’t-ibang uri ng mental.
PAGLILILOK
Ang lilok o eskultura ay kahit anong tatlong-dimensiyonal na anyo na nilikha bilang isang masining o artistikong pamamahayag ng saloobin. Tinatawag na paglililok o pag-eskultura ang sining sa pagbubuo o paghuhubog ng isang bagay na maaaring kahit anong laki at kahit sa anong nanaangkop na materyal. Manlililok o eskultor naman ang tawag sa mga taong gumagawa o lumililok ng mga istatuwa o rebulto.
Ang iskultura ay isa sa mga sangay ng Sining Biswal na naisasagawa sa tatlong dimension. Ang proseso ng panlililok upang ito ay maging matibay, ay karaniwang ginagamit ang pag-uukit (ang pagtanggal ng materyal) at paghuhulma (ang pagdagdag ng materyal tulad ng luad), bato, metal, seramiko, at kahoy at iba pang materyales pero, sa panahon ng modernisasyon, ang proseso ng paglililok ay nagresulta o napunta sa kalayaan sa kahit anong materyales at proseso na maaaring gamitin. Sa malawak na pagkakaiba-iba ng materyal maaaring gamitin ang paguukit at paghuhulma. Ang isang iskultura na gawa sa bato ay mas matagal mabuhay kaysa gawa sa ibang madaling masirang materyales. Madalas nirerepresenta ang karamihan sa mga nanatiling iskultura (maliban sa paggawa ng palayok) galing sa sinaunang kultura, ngunit ang tradisyon ng paglililok sa kahoy ay maaaring mawala na ng tuluyan. Karamihan sa mga sinaunang eskultura ay pinintahan ng maliliwanag na kulay at ito ay nawala na. Ang iskultura ay naging sentro ng relihiyosong debosyon sa maraming kultura. Ang malalaking eskultura na masyadong mahal para sa mga pribadong indibidwal para ilikha ay kadalasang simbolo ng relihiyon at pulitika.
1 note · View note
saring · 3 years
Text
Lahat ng bagay ay nagbabago gayundin sa mga tao o ikaw, sa kapaligiran na iyong nakasanayan, at sa lahat na umiiral sa kaparaanang nagdala sila ng masama o mabuting kinalabasan.
Kodak!
“Kodaki ko, please?” (“Kunan mo ako ng litrato, pakiusap?”)
Narinig mo na siguro itong linyang ito, na kadalasang ginamit ng mga bisaya (which is iconic to the point na kilalalang kilala ng mga tao ang brand na “Kodak” without them knowing na ito pala ay isang brand).
Ang pagkuha ng litrato gamit ang iba’t ibang uri ng camera ay isang sining na tinatawag na Potograpiya o Photography in english. Isipin mo kung ano ang mangyayari kapag biglang nawala o naiwan ang mamahaling camera na ibinigay ng iyong mga magulang o ang sariling selpon sa huli mong pinuntahan?
Siyempre! 90% ng tao ay magtataranta. Kita mo, teknolohiya na ang nasa paligid natin, lahat ng tao ay merong gadyet, lalong lalo na sa pagkukuha ng litrato. Paano ka na makakapag update niyan sa Instagram? Facebook? Pinterest? Paano na ang iyong mga followers?
Kita mo punto ko? Halos mga madla sa panahon ngayon ay may sining sa paraanang magaling silang mag porma ng sariling katawan, magaling silang mag edit, at magaling silang kumuha ng litrato para sa kanyang kaibigan kahit man ang mismong style sa pagkuha sa litrato ay inspirado mula sa ibang tao o sa mismong potograper.
“Aspire to Inspire before you expire!” ka mo!
Ilang mga kagiliw-giliw na katotohanan tungkol sa Potograpiya:
• Joseph Nicéphore Niépce, siya ang French inbentor na nabigyang kredito sa pag inbento ng Potograpiya.
• Johann Zahn ang kauna unahang nagdesign o inbento ng kamera at si Joseph Nicéphore Niépce ang unang nakapag gamit nito.
• Ang pinakamatandang potograpiya ay kinuha ni Joseph Nicéphore Niépce noong 1826 na tinawag ang litratong ito na “View from the Window at Le Gras”.
• Heliography, ang tawag sa kauna unahang potograpiyang nakuha ni Joseph Niepce.
• Ang kauna unahang presidnte na nakuhaan ng litrato ay ang ika-anim na United States President William Henry Harrison noong March 4, 1841.
• Ang taong pinakamaraming nakuhanan ng litrato ay si Brahmanandam Kanneganti, isang Indian aktor at comediante. Siya ay nakuhanan 14,400,000 times.
• Ang naka pag inbento ng DSLR na kamera ay si Steven Sasson.
Marami rami narin ang nakapag inbento ng iba’t ibang camera tulad ng Photographic Film Camera na kadalasang makikita sa loob ng cabinet ng ating mga magulang. Meron ding DSLR camera na ginagamit ng mga potograper, Smartphone camera na built in na sa mismong selpon na halos nagagamit sa pang araw araw at may iba pa.
Sa lahat ng naimbento na camera, hindi ka ba nagtaka kung bakit nila maiimbento ang naturang camera?
Hindi mo lang ba aalamin ang rason kung bakit naimbento ang camerang iyong ginagamit para sa iyong social media?
Louis Daguerre ay ang nag inbento ng daguerreotype process ng potograpiya. Ang camera noon ay kay tagal makakuha ng shot at di gaano ka ganda ng kalidad kaya ginawa ni Daguerre ang camera upang gawin ang eksaktong kabaligtaran ng lumang camera alin ang pag gawa ng madaling pagkuha at magandang kalidad ng mga litrato.
George Eastman ang nagtatag ng Eastman Kodak Company, panig niya na gusto niyang gumawa ng camera para lamang sa sarili ngunit pagkatapos ay naisip niya ang ideya na gamitin ito para sa komersyal na produksyon.
Ang mga Camera ay hindi lamang tinatawag na teknolohiya na nakakapinsala sa hinaharap, dahil nakukuha ng mga camera ang mga espesyal na kaganapan at napanatili ang mga alaala.
Isipin mong tumanda kana at nasilip mo sa iyong Google Photos ang mga lumang jeje pose mo at ikaw ay nagbalik tanaw sa nakaraan.
Oldest surviving photography by Joseph Nicéphore Niépce:
Tumblr media
1 note · View note
ucprincess · 3 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Si Benedicto Reyes Cabrera (ipinanganak noong Abril 10, 1942), na mas kilala bilang "BenCab", ay isang Pilipino pintor. Siya ay iginawad ng Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas (Pagpinta) noong 2006. Siya ay ang "pinakamabentang pintor ng kanyang henerasyon ng mga Pilipinong pintor. "
Sa Malabon noong Abril 10, 1942, si BenCab ay ipinanganak kina Democrito Cabrera at Isabel Reyes. Siya ang bunso sa pamilya. Ang unang pagkakalantad at pagtuklas ni BenCab ng sining ay nangyari sa pamamagitan ng kanyang nakatatandang kapatid na si Salvador, na siya ay isang matatag na pintor noong bata pa si Bencab.
Nagpatuloy siya sa pag-aaral sa University of the Philippines Diliman, kung saan sinubukan niya ang iba`t ibang mga art visual form - potograpiya, draftsmanship, paggawa ng print - habang kinikilala ang kanyang napiling pabor bilang isang pintor. Noong 1963, nakatanggap siya ng kanyang bachelor's degree sa Fine Arts
Umalis si Bencab sa Pilipinas upang kumatawan sa bansa sa kilalang VI Paris Biennale, kasama sina Virgilio Aviado at Lamberto Hekanova, na may isang hanay ng mga pinturang spray, at abstract na mga pagpipinta. Naglalakbay din sa Thailand, Hong Kong, India, Nepal, Switzerland, Italy bago pumunta sa London kung saan ikinasal niya ang fiancée niya si Caroline Kennedy, isang British journalist.
Nagpasya ang mag-asawa na manatili sa London. Nagkaroon silang tatlong anak. Ang panganay, si Elisar, ay ipinanganak noong 1971 at ngayon ay isang tagagawa ng pelikula at serye sa web, kasal sa nagwaging award na manunulat ng dula at manunulat ng serye sa web, si Lisa Gifford, na nakabase sa London; Ang kanilang gitnang anak na si Mayumi, ay ipinanganak sa Maynila noong 1973 at naging isang modelo sa London at Los Angeles. Ang kanilang bunso, si Jasmine ay ipinanganak noong 1977 at nakatira sa siyudad ng Quezon.
Sa London, nagbebenta si Bencab ng oriental na mga antigo sa isang palengke sa Chelsea upang madagdagan ang kanyang kita.
Ang mga unang taon ni Bencab bilang isang pintor sa London "ay hindi gaanong madali", ngunit ang kanyang mga talento ay agad na kinilala. Sa sumunod na apat na dekada, itinatag niya para sa kanyang sarili ang isang pangalan ng pang-internasyonal na kahalagahan, na may hawak na mga eksibisyon mula sa London hanggang New York hanggang Macau, at nanalo maraming pangunahing mga parangal sa sining sa isang karera na sumasaklaw sa apat na dekada.
Noong 1985, ang 16-taong kasal ni BenCab kasama si Kennedy ay nagtapos sa diborsyo, at kalaunan ay nagpasya siyang umuwi sa Pilipinas.
Bumalik siya sa Pilipinas, at nanirahan sa lungsod ng Baguio sa Luzon. Nagtayo siya ng isang studio at isang maliit na sakahan sa Asin road sa Benguet. Siya at mga ibang kapwat artista – iskultor na si Ben Hur Villanueva, pintor sa sining biswal na si Santiago Bose, at tagagawa ng pelikula na si Kidlat Tahimik, bukod sa iba pa, ay nagtatag ng Baguio Arts Guild (BAG). Sa panahong ito nagsimula si BenCab na mas tuklasin ang paggamit ng papel upang gumawa ng likhang sining.
Noong lindol sa Luzon sa 1990, tumulong si Bencab at ang BAG sa pamamagitan ng pagtaguyod ng mga programa tulad ng workshop ng ArtAid para sa mga na-trauma na bata, at isang pangangalap ng pondo sa sining na pinamagatang "Artquake."
Sa bandang huli ng dekada 1990, ang kontribusyon ni Bencab ay importante sa paglikha ng Tam-awan Village, "isang kanlungan para sa mga lokal na artista na nagnanais ng isang nakapangalagaang kapaligiran kung saan bubuo ang kanilang mga talento, at isang pamayanan para sa lahat ng mga nais na makibahagi sa ang maayos na pagsasanib ng sining, kultura, kapaligiran, at kasaysayan.
1 note · View note
fedik · 2 years
Text
Nagpicture muna bago matulogHabang nakidlat sa malayo kaso Lang natatakpan ng ulap ang kidlad
instagram
0 notes
proga11providence · 3 years
Text
Benepisyo at Kawalan ng Instagram sa mga Estudyante
INSTAGRAM
Tumblr media Tumblr media
Kevin Systrom at Mike Krieger
             Ang Instagram ay ang ika-6 sa listahan na pinakasikat na social media sa buong mundo noong 2018. Sila Kevin Systrom at Mike Krieger ang nag gawa ng app na ito at binili agad ito ni Mark Zuckerburg (nag gawa ng Facebook). Ngayong 2020 patuloy pa dumadami ang gumagamit ng Instagram sapagkat ito ay napakasikat na. Karamihan sa atin ay dito pinopost ang kanikanilang mga litrato.
Paano nag simula ang Instagram?
              Nag simula ang Instagram noong 2010. Binuo ito nila Kevin Systrom na isang entreprenuer at Mike Krieger. Nung inilunsad nila Instagram, sa lalong madaling panahon ito ay naging numer unong app ng potograpiya na nag titipon ng 100,000 na mga gumagamit sa isang linggo, na tumaas pa ng husto sa 1 milyong katao sa loob ng dalawang buwan lamang.
Mga Benepisyo ng Instagram sa Estudyante
IPhoneography Technology:                Ang mga mag-aaral na gumagamit ng mga IPhone ay maaaring masulit ang IPhoneography, sapagkat ang camera ng IPhone ay napakalinaw at ganda. Ngunit, kahit na walang IPhone, ang pagkuha ng mga larawan na may pag nanais na i-upload at pagandahin ang mga ito para sa Insagram ay tiyak na makakatutulong sa mga mag-aaral na mapabuti ang kanilang mga kasanayans sa pagkuha ng litrato. IPhoneography - Ito ay ang pag kuha ng mga litrato na magaganda gamit ng iyong IPhone o ibang cellphone.                                
Pagbutihin ang emosyonal na katalinuhan:               
                Kakaiba man ito para sa nakararami, pero ang isa sa mga pangunahing bentahe ng Insagram para sa mag-aaral ay ang kakayahang matulungan ang mga gumagamit ng mapalakas ang kanilang emosyonal na intelektuwal. Totoo ito lalo na kapag ang mga mag-aaral ay maaaring gumamit ng mga "video clip" at larawan upang tumugon sa isang bagay na nangyari sa klase o saanman.
Pwedeng Magsanay ng Interpersonal Skills:                Ang pagiging bahagi ng isang pulos visual na komunidad ng social media ay inilalagay ang bawat isa na gumagamit nito sa posisyon upang malaman ang higit pa tungkol sa mga taong sinusundan nila. Pinakamahalaga, ang Instagram ay isang platform na napaka subtly hinahayaan ang mga tao na maranasan ang lahat ng uri ng damdamin, saloobin, at ideya sa pamamagitan ng paningin ng ibang tao, at sa isang malikhaing pamamaraan nito.
Mga Kawalan ng Instagram sa Estudyante
Pumapatay ng Iyong Oras:                  Tulad ng iba pang site ng social media, ang mga tao ay nag aaksaya ng maraming oras sa Insagram, scroll lang sila ng scroll sa kanilang news feed at seksyon ng pag explore. At hindi na nila na mamalayan anong oras na sa kakascroll nila.
Nakakasira ng Iyong Mata:                Nakaka-adik ito at babad na babad kana dito nasisira na ang iyong mata sa kakatutok ng iyong screen. Sa kadahilanang ang mga gadgets ay mayroong "radiation" at kung ikaw ay palaging naka tutok sa iyong gadget ay siguradong masisira ang iyong mga mata.
Nakakadistorbo sa Iyong Pag-aaral:                    Hindi kana makapag-aral ng mabuti sa kakascroll mo sa iyong feed sa Instagram. Lalo na ngayong online class, hindi malalaman ng iyong guro kung ikaw ba ay nakikinig sa kaniya o nag soscroll kalang sa iyong Instagram o iba pang social media app.  
1 note · View note
antifragi1e · 4 years
Note
photography
potograpiya! but i think paniniyot as well coz photographer means maniniyot hehe
send me an english word and i’ll translate it to my native language (tagalog!)
1 note · View note
otepzablan · 4 years
Text
(DAY 65/366)NIGHT PHOTOGRAPHY
Noon pa man ay hilig ko na ang potograpiya, hindi lang talaga ako nabigyan ng pagkakataon upang magkaroon ng mamahalin at magandang camera.
Syempre advantage talaga ang pagkakaroon noon.. mas magiging high quality ang output.
Pinangarap ko kasing maging Litratista noon at magkaroon ng isang Exhibit.. (exhibit for a cause) yung tipong pagnakabenta ako ng isang larawan yung kalahati ay mapupunta sa…
View On WordPress
0 notes
ammeiinn-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
📸 @ikkadelgado_ #potograpiya (at Cauayan, Isabela)
0 notes