Tumgik
mrbukopieblog · 2 months
Text
Kamusta ka?
Dadalhin ko na sana lahat ng bigat,
dahil malimit iniisip ang mga alaalang di na maibabalik.
May saysay pa bang mamalagi rito?
Kay tagal kong naglalakad habang lumilipad ang isip.
Mga ideya, salita at himig umaagos mula sa akin.
Naiiwan unti-unti sa bawat yapak ng aking malungkot na paglalakbay.
Sayang naman kund di pupulutin at ihuhulma sa isang awit.
Di ko mabigyan ng tamang rason ang nararamdaman ko para sa'yo.
Ang tagal na rin kasi, di rin naman ako kumilos.
Ngunit hanggang ngayon nandito pa rin ang paruparo.
Naghihintay na dumapo sa palad ng pagkakataon.
11-30-2022
0 notes
mrbukopieblog · 1 year
Text
[Cover Dump]
Pasilyo - Sun Kissed Lola (short cover)
-put headphones-
Bilang isang perfectionist, ito yung mga content na mahirap ibida sa mainstream social media kagaya ng instagram, tiktok, at fb.
Kasi nga, hindi abot ng vocal range ko yung kanta kahit gustong gusto ng puso ko na kantahin sya. Pero nakakatuwa rin pakinggan kasi saktong sakto yung tunog ng chord progression (chill vibe).
Nakatuwa lang din, dahil sa tagal ko nang tumutugtog ng keyboard sa simbahan, masasabi kong kaya ko rin pala tumipla ng musika (improvisation).
Pero, hindi talaga pasok sa standard ko itong video na ito. Kaya dito ko nalang ihihimlay ang aking artsy entry.
Last year late 2022, nabuhay ang mga lumang hilig. Ito yung pag-jajamming kasama ng mga tropa ko nung highschool.
It is a way of an escape ika nga. Or kung gusto mo ma-imagine pa yung ginagawa namin, panoorin mo yung korean drama na Hospital Playlist.
Why not diba?
Masyado na kasi tayong seryoso minsan. Kailangan din natin haluan ng sining ang ating matamlay na buhay. We need art. It reminds us that life is more than just a rat race.
PS. Asahan na marami pa kong ipopost na ganito
Papahinga ka? Lika, kantahin kita.
3 notes · View notes
mrbukopieblog · 1 year
Text
Ilang minuto bago mag 2023
(Ok mabilisang ebas lang... wala nang edit edit)
Gusto ko lang sabihin na ang taon na ito ay pagpapanumbalik ng nakaugaliang buhay noong wala pang pandemya. 
Yung mga lumampas na panahong nasa lockdown at quarantine ang lahat, dito tayo bumawi ng pagliliwaliw at pagsasaya.
Parang tayo mga batang nakaalpas sa tahanan upang maglaro at kitain ang ating mga kaibigan.
Namiss natin ang bawat isa at patuloy na nagpupursiging kitain ang mga  mukhang matagal nang hindi pa nasisilayan sa personal.
Diba nga sinasabi natin na kapag masaya, mabilis ang oras. Ganito ang naramdaman ko sa taong ito.
Marahil eh dahil sa marami akong lugar na napuntahan at naranasan kasama ng aking mga kaibigan, 
mga dating hilig ay nanumbalik na akala ko ay magiging alaala na lamang, 
mga lumang taong muling nasilayan, 
mga bagong taong biglang naging parte ng aking buhay at,
mga ideyang nagpaalab sa aking pusong bumangon at kilusan ang pangarap.
Salamat Panginoon sa taong ito dahil binigyan mo ako ng lakas na bumangon mula sa mga pagsubok noong 2021 at tinuruan mo akong yakapin itong taon (2022).
Hello, Tumblr!
You are a very nostalgic platform. Buti buhay ka pa? Madami pa akong gustong sabihin, matagal tagal na din akong hindi nakapagsulat dito. Pero hanggang dito nalang muna, next year nalang ulit :)
0 notes
mrbukopieblog · 2 years
Text
Bridge
(Bridge part ng di nalalayong posibilidad ng isang likhang kanta, o baka naman isa lang itong paraan para magtapon ng emosyon sa anyo ng tula at simpleng chord progression hmmm.)
“nananabik masilayan ang mga mata at ang kulay nito sa sinag ng araw
ano kaya’ng gumuguhit sa iyong mga palad at ang hugis ng mga labi sa tuwing ngumingiti?”
Chord progression: C - G - Em - G
Melody: Nasa utak ko lang.
(Ulit-ulitin mo lang ito hanggang sa lumitaw na yung hinihintay mong soulmate sa harapan mo.)
1 note · View note
mrbukopieblog · 3 years
Text
Luha
Tuyo ang mata.
Pagod at puyat.
Kung anong bilis ng oras, siya ring bilis magbago ng damdamin.
Walang panahon para namnamin ang bawat nilalaro ng isip.
Gumising ka na.
Hahabulin mo pa ang iyong hininga.
Ipagpalipas na muna yang binabalak mong pahinga.
Nilalaro ng ilaw sa daan ang mabigat na mata,
habang yumayakap ang usok at malamig na hangin ng gabi.
Mabigat ang ulong nilasing ng antok.
Masakit ang lalamunan na tila may pinipigilan.
Bubuhos na nga ba ang ulan?
Paano nga ba namumuo ang bigat sa puso?
Galing ito sa binalewalang damdamin,
pinalampas na salita,
at kinalimutang sugat.
Kinaya ang paisa-isang sakit,
hanggang wala nang lakas para dalhin.
Doon na nga bubuhos ang ulan.
0 notes